Mga Hakbang para Humiling ng mga Serbisyo ng Extended School Year mula sa mga Distrito ng Paaralan

Publications
#8090.08

Mga Hakbang para Humiling ng mga Serbisyo ng Extended School Year mula sa mga Distrito ng Paaralan

Dapat bigyan ng mga distrito ng paaralan ang mga estudyanteng may mga IEP ng free, appropriate public education o FAPE. Ang ibig sabihin ng FAPE ay special education at mga kaugnay na serbisyo na ibinibigay sa isang estudyante na walang bayad, natutugunan ang naaangkop na mga pamantayan, at umaayon sa Individualized Education Program (IEP) ng estudyante.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Mga Hakbang para Humiling ng mga Serbisyo ng Extended School Year mula sa mga Distrito ng Paaralan

Hakbang 1: Pag-unawa sa ESY

Dapat bigyan ng mga distrito ng paaralan ang mga estudyanteng may mga IEP ng free, appropriate public education o FAPE. Ang ibig sabihin ng FAPE ay special education at mga kaugnay na serbisyo na ibinibigay sa isang estudyante na walang bayad, natutugunan ang naaangkop na mga pamantayan, at umaayon sa Individualized Education Program (IEP) ng estudyante.

Pagpapasyahan ng koponan ng IEP ng estudyante kung kinakailangan man o hindi ng ESY ang estudyante. Hindi lahat ng estudyante na may IEP ay karapat-dapat para sa ESY. Maaaring kinakailangan ang ESY para sa ilang estudyante para makatanggap ng FAPE.

Kasama ng ESY ang special education at mga kaugnay na serbisyo. Ang mga serbisyo ng ESY ay ibinibigay nang walang bayad. Ang mga serbisyo ng ESY ay idinodokumento sa IEP ng estudyante. Ang mga serbisyo ng ESY ay dapat maging isinaindibidwal sa estudyante, at binibigyan ang estudyante ng FAPE sa pinakalilimitahang kapaligiran.

Ibinibigay ang ESY kapag tipikal na wala sa sesyon ang paaralan, tulad sa panahon ng tag-init. Mga serbisyo ng ESY.

  • ay hindi “eskuwela sa tag-init” at dapat ay “pang-edukasyon nakabatay,” na, nauugnay sa mga layunin at serbisyo ng iyong IEP; at
  • hindi kasama ang pangangalaga sa bata o pangangalaga sa pahingahan; ito’y nilalayong matulungan ang iyong anak na maabot ang mga pinakamataas na antas, hindi para malampasan ang kanilang mga kauri.

Sa California, ang estudyanteng may IEP ay karapat-dapat para sa mga serbisyo ng ESY kung:

  1. Ang mga kapansanan ng estudyante “ay malamang na hindi tiyak na magpapatuloy o para sa pinahabang panahon”;
  2. Ang pagkaantala sa edukasyonal na programa ng estudyante ay maaaring magsanhi ng pagbabalik;
  3. Ang estudyanteng may kapansanan ay may limitadong kakayahan na muling matuto ng mga kasanayan, na kilala bilang recoupment capacity; at
  4. Ang mga dahilan sa itaas ay ginagawa itong “imposible o malamang na hindi” na ang estudyanteng may kapansanan ay makakakuha ng sariling natutugunan at kalayaan nang walang mga serbisyo ng ESY.

Gayunman, ang “kakulangan ng malinaw na ebidesnsya” ng mga dahilan sa itaas ay maaaring hindi gamitin para tanggihan ang ESY ng estudyante kung pagpapasyahan ng koponan ng IEP ang pangangailangan para sa naturang programa at nakasulat ito sa IEP.

Hakbang 2: Tanungin ang Iyong Sarili Tungkol sa mga Pangangailangan ng Iyong Anak at Kung Kinakailangan Nila ng ESY

Tanungin ang iyong sarili:

  1. Mawawala ba ang mga kritikal na kasanayan ng aking anak nang walang patuloy na suporta at pagtuturo?
  2. Matatagalan ba ang panahon para sa aking anak na mabawi ang mga kasanayan na iyon – mas matagal na walang diperensya sa pag-aaral ang bata?
  3. Nahirapan ba ang aking anak na magpanatili ng mga kasanayan sa mas maiikling bakasyon, kabilang ang anumang agwat sa edukasyon dahil sa mga pagsasara ng paaralan sa COVID-19 o malayuang pag-aaral?
  4. Kailangan ba ng aking anak ng patuloy na pampasipag o mga paalala para mapanatili ang kanilang mga kasanayan sa panahon ng regular na taon ng paaralan?
  5. Nag-uumpisa bang matutunan ng aking anak ang mahalagang kasanayan na ang mga pagtigil sa mga serbisyo ay makapaglalagay sa panganib ang progreso sa kasanayan na iyon?

Hakbang 3: Kumolekta ng Impormasyon Tungkol sa mga Pangangailangan/Kasanayan ng Iyong Anak

Bago sa pulong ng IEP, maaari mong isulat ang iyong mga obserbasyon mo sa iyong anak – sa loob at labas ng oras ng klase. Maaari kang tumingin sa mga ulat ng progreso sa mga layunin, grado, at/o mga pagtatasa ng IEP ng iyong anak sa nakaraang mga buwan. Kumalap ng impormasyon na nakatutulong ipakita sa koponan ng IEP sa kung paanong maaabala ang pang-edukasyon na pagpoprograma ng iyong anak nang walang ESY, ang naturang impormasyon na ipinapakita ang iyong anak:

  • Ay malamang na mawawala ang kritikal na mga kasanayan o pagbalik;
  • Ay nasa bingit ng isang tagumpay o makakuha ng “mahalagang kasanayan” (tulad ng pagbabanyo, pagkakalkula, pasalita);
  • Ay malamang na maantala ang kanilang pag-aaral kung mayroong pag-antala sa mga serbisyo;
  • May mga pag-uugali na humahadlang sa kanilang edukasyon;
  • May partikular na mga larangan ng kurikulum na kinakailangan ng patuloy na atensyon;
  • Hindi nakagawa nang sapat na progreso tungo sa layunin, na hahadlangan sila na makatanggap ng makahulugang benepisyo sa susunod na taon ng paaralan;
  • Nakagawa nang kaunti o walang progreso; at/o
  • May anumang ibang espesyal na kalagayan.

Maaaring gusto mong maging handang magbahagi sa koponan ng IEP:

  • Anumang mga hamon ang naranasan ng iyong anak sa panahon ng malayuan/nakadistansyang pag-aaral;
  • Anumang kakulangan sa pag-access sa iba pang mapagkukunan at suporta; at/o
  • Anumang serbisyo at suporta na hindi mo magawang ibigay sa iyong anak sa bahay dahil ka sinanay ibigay ang mga serbisyong iyon, tulad ng pananalita at wika.

Hakbang 4: Magdesisyon na Humiling ng mga Serbisyo ng ESY para sa Iyong Anak

Pagkatapos tanungin ang iyong sarili at magrepaso ng impormasyon tungkol sa mga pangangailangan at kasanayan ng iyong anak, maaari kang magpasya kung gusto mong hilingan ang koponan ng IEP na bigyan ang iyong anak ng mga serbisyo ng ESY. Kung gugustuhin mong hilingan ag koponan ng IEP para sa mga serbisyo ng ESY, humiling ng pulong ng IEP nang nakasulat. Ipinagkakaloob ang template ng sulat\ sa ibaba para tulungan kang magsimula. Dapat magdaos ang distrito ng pulong ng IEP sa loob nang 30 araw sa kahilingan ng magulang/tagapag-alaga.

Kung hindi mo gustong hilingan ang koponan ng IEP para sa mga serbisyo ng ESY, walang karagdagang mga hakbang ang isinasagawa.

Hakbang 5: Dumalo sa pulong ng IEP at Ipaliwanag Kung Bakit Kailangan ng Iyong Anak ang ESY

Sa pulong ng IEP, ipaliwanag sa koponan ng IEP kung bakit kailangan ng iyong anak ang ESY. Magdala ng anumang dokumento, tulad ng mga ulat ng progreso, mga card ng grado, at mga pagtatasa, sa puong ng IEP. Makatutulong ang mga dokumento na ito na ipakita sa koponan ng IEP kung paanong maaabala ang pang-edukasyon na pagpoprograma ng iyong anak nang walang ESY.

Dapat magdesisyon ang koponan ng IEP sa kung ihahandog ang mga serbisyo ng ESY o hindi sa iyong anak. Kung sasang-ayon ang koponan ng IEP na maghandog ng mga serbisyo ng ESY sa iyong anak, siguraduhin na magtatanong ka tungkol sa programa ng ESY ng distrito. Magtanong tungkol sa mga petsa at oras ng programa ng ESY, kung paanong ibibigay ang tagubilin at mga kaugnay na serbisyo sa iyong anak sa panahon ng programa ng ESY, at ang lokasyon ng programa ng ESY. Magtanong din ng impormasyon tungkol sa transportasyon na papunta at mula sa programa ng ESY. Ang mga serbisyo ng ESY ay inihahandog sa pamamagitan ng IEP ng estudyante. Kakailanganin mong magpahintulot sa mga serbisyo ng ESY para sa iyong anak para matanggap ang mga serbisyong ito.

Kung hindi hahandugan ng koponan ang iyong anak ng mga serbisyo ng ESY, mayroon kang kaunting mga opsyon. Maaari kang maghain ng reklamo ng due process laban sa Distrito sa Office of Administative Hearing. Mangyaring sumangguni sa Kabanata 6 ng Manwal ng Special Education Rights and Responsibilities para sa higit na impormasyon. https://serr.disabilityrightsca.org/. Maaari mo ring hilingan ang disttrito ng paaralan na magdaos ng pulong ng IEP sa loob nang unang 30 araw ng susunod na taon ng paaralan. Sa pulong ng IEP, maaari mong ipaliwanag ang anumang pagbabalik sa karanasan ng iyong anak dahil hindi sila nakatanggap ng mga serbisyo ng ESY. Maaari mo ring hilingan ang ESY para sa susunod na taon para sa iyong anak. Ipinagkakaloob ang Template ng mga sulat\ sa ibaba para tulungan kang magsimula.

A flowchart visually showing the steps in the previous section.