Mga Hakbang na Gagawin Pagkatapos Mapigilan o Maihiwalay ang Iyong Anak na may IEP sa Paaralan

Publications
#8085.08

Mga Hakbang na Gagawin Pagkatapos Mapigilan o Maihiwalay ang Iyong Anak na may IEP sa Paaralan

Gamitin ang cheklist na ito para malaman ang tungkol sa mga hakbang na dapat mong gawin pagkatapos na mapigilan o mahiwalay ang iyong anak na may IEP sa paaralan. Maaari mo ring gamitin ang sampol na sulat na nasa ilalim para tulungan kang humiling ng Behavior Emergency Report.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Gamitin ang cheklist na ito para malaman ang tungkol sa mga hakbang na dapat mong gawin pagkatapos na mapigilan o mahiwalay ang iyong anak na may IEP sa paaralan. Maaari mo ring gamitin ang sampol na sulat na nasa ilalim para tulungan kang humiling ng Behavior Emergency Report.

Checklist

  • Makipaag-usap sa iyoing anak tungkol sa insidente. Huwag lang tanungin sila tungkol sa pagpigil o paghihiwalay. Tanungin sila kung ano ang nangyari na humantong sa kaganapan. Tanungin sila kung ano ang nangyari pagkatapos ng kaganapan.
  • Sinabi ba sa iyo ng paaralan ang tungkol sa kaganapan sa loob nang isang araw sa paaralan?
    • Kung oo, sinabihan ka ba ng paaaralan nang nakasulat (isang sulat o email) o pasalita (telepono, nang harapan?
    • Kung hindi, gumawa ng nakasulat na tala sa paaralan na nabigo silang sabihan ka sa loob nang isang araw ng paaralan. Ang tala na ito ay maaaring nasa anyo ng isang email o sulat. Kasama sa template ng sulat sa ibaba ang pangungusap para tulungan kang gumawa ng tala ng kung sinabihan ka ba o hindi ng paaralan tungkol sa insidente.
  • Pinadalhan ka ba ng paaralan ng kopya ng ulat ng insidente?
    • Dapat kasama sa ulat na ito ang:
      • Impormasyon tungkol sa mga kaganapan na humantong sa kaganapan.
      • Impormasyon tungkol sa ginamit na emergency na pamamagitan
      • Paglalarawan sa paggamit ng pamamagitan
      • Impormasyon tungkol sa kung sino ang nagsagawa ng pamamagitan
    • Kung oo, repasuhin ang ulat ng insidente para makasiguro na naaalinsunod ito sa kung ano ang sinabi sa iyo ng estudyante.
    • Kung hindi, magpadala muna ng nakasulat na kahilingan para sa isang kopya ng ulat ng insidente. Kasama sa template na sulat sa ibaba ang wika para hilingin ang ulat ng insidente.
  • Ang iyong anak ba ay may Behavior Intervention Plan (BIP)?
  • Kung walang BIP ang iyong anak, dapat mag-iskedyul ang Distrito ng pulong ng IEP sa loob nang dalawang araw.. Sa panahon ng pulong na iyon, dapat magpasya ang kopoonan ng IEP kung dapat makatanggap ang iyong estudyante ng Functional Behavior Assesment. Kung hindi kailangan ng iyong anak ng FBA, magpapasya rin ang koponan kung dapat silang magkaroon ng plano ng emergency na paag-uugali habang isinasagawa ang FBA at nirerepaso.
  • Kung mayroon na ng BIP ang iyong anak, natugunan ba ng BIP ang pag-uugali na humantong sa insidente?
  • Kung wala, dapat magdaos ang paaralan ng pulong ng IEP para baguhin ang BIP ng iyong anak.
  • Kung oo, maaari ka pa rin humiling ng pulong ng IEP para talakayin ang insidente sa koponan ng IEP ng iyong anak. Kailangang magdaos ang paaralan ng pulong ng IEP sa loob nang 30 araw ng iyong kahilingan.  Dapat kang humiling ng pulong ng IEP nang nakasulat. Kasama sa template ng sulat sa ibaba ang wika para tulungan kang humiling ng pulong ng IEP.
  • Maghanda para sa pulong ng IEP. Nakapagsimula ka nang maghanda sa pamamagitan ng pagrepaso sa ulat ng insidente at pakikipag-usap sa iyong anak tungkol sa insidente. Pagkatapos ay, repasuhin ang kasalukuyang IEP ng iyong anak para malaman kung anong mga suporta ang nakalagay na. Sa panahon ng pulong ng IEP, maaari mong tanungin ang koponan ng IEP kung ibinibigay ng paaralan ang mga suportang iyon. Maari ka ring makipag-usap sa mga panlabas na provider (mga psychologist, therapist, mga doktor, atbp.) na regular na nakikipagsalamuha sa iyong anak. Maaari silang magbigay ng payo tungkol sa kung anong ibang suporta na maaaring kailangan ng iyong anak sa paaralan na hindi natanggap ng iyong anak. Pagkatapos ay maaari mong hilingan ang paaralan na ibigay ang mga suportang ito.
  • Dumalo sa pulong ng IEP para lumikha o magrepaso at baguhin ang BIP at IEP ng iyong anak. Kung hindi pa nakatanggap ang iyong anak ng Functional Behavior Assesment o kung ito ay lagpas na nang isang taon nang makatanggap ang iyong anak ng Functional Behavior Assesment, hilingan ang distrito na tapusin ang Functional Behavior Assesment para sa iyong anak.
  • Kung nabigong abisuhan ka ng paaralan sa insidente, nabigong magdaos nang nasa panahong pulong ng IEP, o nabigong tumalima sa IEP ng iyong anak, kabilang ang BIP, maaari kang maghain ng Compliance Complaint sa California Department of Education. Tingnan ang aming Road to Resolution Tool Kit.
  • Kung mabigo ang paaralan na suportahan ang pag-uugali ng iyong anak para maaari silang makapag-access ng naaangkop na edukasyon, maaari mong isaalang-alang na maghain para sa due process sa Office of Administrative Hearings. Tingnan ang aming Road to Resolution Tool Kit.