Limitadong Conservatorships at mga Alternatibo

Publications
#5578.08

Limitadong Conservatorships at mga Alternatibo

Ang conservatorship ay isang proseso ng hukuman kung saan ang isang hukom ang magpapasya kung maaari mong pangalagaan ang iyong sariling kalusugan, pagkain, pananamit, tirahan, pananalapi, o mga personal na pangangailangan. Maaaring kunin ng isang hukom ang ilan sa mahahalagang karapatang ito mula sa iyo.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ano ang isang conservatorship?

Ang conservatorship ay isang proseso ng korte kung saan magpapasya ang isang hukom kung maaalagaan mo ang iyong sariling kalusugan, pagkain, pananamit, silungan, mga pinansyal, o mga personal pangangailangan. Maaaring tanggalin ng hukom ang ilan sa mahahalagang karapatang ito sa iyo. Maaaring pumili ang hukom ng ibang tao para magdesisyon para sa iyo. Tatawagin ng korte ang taong iyon na “conservator.” Tatawagin ka ng korte na “conservatee.”

Ang conservatorships ay para sa mga taong 18 taong gulang o mas matanda.

Anu-ano ang ibang uri ng conservatorship?

May iba’t ibang uri ng conservatorships sa California

  • General Probate Conservatorships
  • LPS (Lanterman-Petris-Short Act) Conservatorships
  • Dementia Conservatorships
  • Limited Conservatorships

Ano ang limited conservatorship?

Ang limited conservatorships ay para sa mga taong may mga intelektuwal at paglilinang na kapansanan. Ang layunin ng isang limited conservatorship ay para sa iyo na maging isang nakapagsasarili at malaya hangga’t maaari. Pinapayagan ka nitong panatilihin ang iyong ilang karapatan para makagawa ka ng ilang desisyon tungkol sa iyong buhay. Ang hukom ang magpapasya kung anong mga desisyon ang gagawin ng conservator para sa iyo.

Sino ang maaaring maging ma-appoint bilang iyong limited conservator?

Dapat maging 18 taong gulang o mas matanda ang limited conservator. Maaari kang magmungkahi ng isang tao na kilala mo, gaya ng isang miyembro ng pamilya o kaibigan. Dapat munang isaalang-alang ng hukom ang iyong mungkahi. Ngunit ang hukom ang mayroong huling salita, at maaari silang pumili ng iba pa. Maaari ring pumili ang hukom nang higit sa isang limited conservator (“co-conservators”). Paminsan-minsan isang pribadong propesyonal na conservator ang pinipili. Ang pampublikong tagapag-alaga ng county, isang sentrong pangrehiyon, o ang Department of Developmental Services (DDS) ang maaaring ma-appoint kung walang iba pa ang available.

Kung ia-appoint ang Department of Developmental Services bilang iyong conservator, dapat nitong ibigay ang pang-araw-araw na mga responsibilidad ng sentrong pangrehiyon at subaybayan kung ano ang lagay mo at ng sentrong pangrehiyon. Simula sa Enero 1, 2023, hindi na maaaring maging isang conservator ng tao ang mga sentrong pangrehiyon sa sarili nila.

Paanong itinatatag ang limited conservatorship?

  • Naghahain ang minungkahing conservator ng petisyon sa korte. Dapat maibigay sa iyo ang kopya ng petisyon.
  • Ipinapadala ang mga kopya ng petisyon sa iyong mga kamag-anak at ahensya gaya ng sa sentrong pangrehiyon.
  • Itatalaga ang imbestigador ng korte sa iyong kaso.
  • Dapat kang pumunta sa pagdinig maliban lang kung mag-aaproba ang hukom ng eksepsyon. Magtatalaga ang hukom ng abogado para ikatawan ka.

Ano ang papel ng imbestigador ng korte sa proseso ng limited conservatorship?

Dapat ang imbestigador ng korte ay:

  • Ipaliwanag at repasuhin ang petisyon sa iyo.
  • Kapanayim ka at sabihin sa iyo ang tungkol sa proseso ng conservatorhip. Magpasya kung ikaw ay:
    • Magagawang dumalo sa pagdinig,
    • Gustong tutulan ang conservatorship,
    • Tumutol sa minumungkahing conservator o mas gusto ang iba pang tao.
    • Makipagkita sa iyo bawat taon para pag-usapan ang tungkol sa kung gusto mo man o hindi tapusin ang limited conservatorship at kung mayroon pang ibang opsyon (at pagkatapos ay sabihin ito sa hukom).

Ano ang papel ng sentrong pangrehiyon sa limited conservatorship?

Sa pamamagitan ng iyong pahintulot, dapat kang tasahan ng sentrong pangrehiyon at magusmite ng report sa korte. Dapat kasama sa report:

  • Ang likas/antas ng iyong kapansanan.
  • Anong tulong ang kailangan mo.
  • Ang iyong pisikal na kundisyon.
  • Ang kungdisyon hinggil sa pag-iisip at kapakanan sa pakikipagkapwa.
  • Mga rekumendasyon tungkol sa mga partikular na karapatang hinihingi sa petisyon.

Kung isang service provider ang minumungkahing conservator, dapat kasama sa report ang mga kumento tungkol sa kung naaangkop bang natutugunan ng service provider ang iyong mga pangangailangan.

Dapat maipadala sa iyo at iyong abogado ang kopya ng report nang hindi bababa sa 5 araw bago sa pagdinig.

Ano ang aking mga karapatan sa proseso ng limited conservatorship?

May karapatan ka na:

  • Masabihan kung anong mga karapatan ang aalisin at kung paanong maaapektuhan ng conservatorship ang iyong mga karapatan.
  • Makatanggap ng abiso at kopya ng petisyon ng conservatorship nang hindi bababa sa 15 araw bago ang pagdinig sa korte.
  • Ikatawan ka ng isang abogado. Kung wala kang abagado, dapat magtalaga ang hukom ng isa para sa iyo.
  • Makatanggap ng kopya ng anumang report na ibinigay sa hukom ng iyong pamilya, mga kaibigan, sentrong pangrehiyon, at iba pa.
  • Dumalo sa pagdinig ng conservatorship.
  • Tutulan ang conservatorship.
  • Magkaroon ng trial ng jury kung hihiling ka ng isa.
  • Makatanggap ng impormasyon sa simpleng pananalita tungkol sa iyong mga karapatan, iyong conservatorship, ang proseso ng korte, at pagtatapos o pagbabago ng iyong conservatorship.
    • Dapat ibigay sa iyo ng hukom ang impormasyong ito 30 araw pagkatapos mailigay ka sa isang conservatorhip at bawat taon pagkatapos niyon.

Anong mga karapatan ang maaaring alisin ng hukom sa akin sa isang limited conservatorhip?

Maaaring alisin ng hukom ang ilan o lahat ng karapatang ito:

  • Na mapagpasyahan ang tinitirhan.
  • Na magkaroon ng access sa mga kumpidensyal na rekord.
  • Na makapag-asawa.
  • Pumasok sa mga kongtrata.
  • Magbigay ng pahintulot para sa medikal na paggagamot.
  • Na kontrolin ang mga kontak na pangkapwa at seksuwal.
  • Na gumawa ng mga desisyong pang-edukasyon.

Paano kong ipakikita na hindi ko kailangan ng conservator?

Maaari mong ipakita na magagawa mong mangalaga sa iyong kalusugan, pagkain, pananamit, silungan, mga pinansyal, o personal na mga pangangailangan. Maaari kang gumamit ng mga suporta at serbisyo tulad ng mga alternatibo sa conservatorships kabilang ang sinusuportahang pagdedesisyon para tulungan ka.

Kung mapagpapasyahan ng korte na kailangan ko ng limited conservator, anu-ano ang mga tungkulin at resposibilidad ng conservator?

Mayroong mataas na tungkulin ang conservator na gawin kung ano ang itinalaga sa kanila ng hukom na gagawin, kung saan ay gumawa ng mga desisyon para sa iyo. Maaaring kasama rito ang:

  • Tulungan kang makakuha ng mga serbisyong pangsuporta, edukasyon, medikal at iba pang serbisyo na makatutulong sa iyo na maging isang nakapag-iisa hanggat maaari.
  • Tumugon sa isang krisis kapag kinakailangan.
  • Tulungan kang pangasiwaan ang iyong personal at hinggil sa mga pananalaping pangangangailangan.

Sa lahat ng oras, dapat kang tulungan ng iyong conservator na gumawa ng iyong mga sariling desisyon, paalamanan ka sa mga desisyong ginawa mo, at suportahan ka sa pagiging malaya hanggat maaari.

Dapat ding bigyan ng hukom ang iyong conservator ng impormasyon tungkol sa limited conservatorships, kabilang ang kung paanong tulungan ka na gumawa ng sarili mong mga desisyon, kung paanong tapusin o baguhin ang conservatorship, at kung ano ang kanilang mga resonsibilidad bilang iyong conservator.

Anu-ano ang less restrictive alternatives sa isang limited conservatorship?

Bago hilingan ng isang tao/DDS ang korte na maging iyong conservator, hinihilingan sila—ng batas—na isaalang-alang ibang opsyon. Tinatawag ang mga ito na “less restrictive alternatives,” at maaari nitong ipagpaliban o tanggalin ang pangangailangan para sa isang conservatorship. Dapat sabihin ng iyong minungkahing conservator sa hukom kung aling mga alternatribo ang nasubukan at kung bakit hindi gagana ang mga alternatibo. Dapat isaalang-alang ng hukom kung gagana ang mga alternatibo kung nasa sa iyo ang tamang mga serbisyo at suporta.

Mga Pangkalahatang Alternatibo

Supported Decision-Making:

Ang Supported Decision-Making (SDM) ay kapag gumamit ka ng pinagkakatiwalaang mga kaibigan, pamilya, at mga propesyonal para tulungan kang maunawaan ang mga sitwasyon at mga pagpili sa iyong buhay. Isa itong paraan para pataasin ang iyong pagsasarili. Hinihimok at binibigyan ka nito ng kapangyarihan para gumawa ng mga desisyon tungkol sa iyong buhay hangga’t maaari. Ang SDM ay kung gaanong gumagawa ng pang-araw-araw na mga desisyon ang karamihan sa mga may sapat na gulang. Ang SDM din ay:

  • Tumutulong sa iyo na mangyari ang mga bagay sa iyong buhay.
  • Tumutulong sa iyo na gumawa ng mga pagpipilian kung saan, paano, at kung kanino ka mabubuhay
  • Tumutulong sa iyo na gumawa ng mga pagpipilian kung saan mo gustong magtrabaho.
  • Tumutulong sa iyo na gumawa ng aksyon sa iyong buhay imbes na isang tao na kumikilos para sa iyo.
  • Pinapayagan kang magkaroon nang mas positibong kalidad ng buhay.
  • Pinapataas ang iyong pagkakataong magtrabaho, makapag-isa sa pang-araw-araw na buhay, at integrasyon ng komunidad.

Maaari mong piliing magsanay ng SDM nang mayroon o wala ng nakasulat na kasunduan.

Kung pipiliin mong gumamit ng nakasulat na kasunduan, maaari kang lumikha ng nakasulat na kasunduan ng SDM kung saan mamimili ka kung sino ang iyong magiging (mga) tagapagsuporta. Bilang halimbawa, maaari kang pumili ng kapatid para tulungan kang gumawa ng mga desisyon tungkol sa iyong pera, o maaari kang pumili ng kaibigan para tulungan kang gumawa ng mga desisyon tungkol sa iyong kalusugan. Maaari mo ring piliing gumawa ng ilang desisyon sa sarili mo—bilang halimbawa, maaari mong piliing gumawa ng mga desisyon tungkol sa iyong bahay sa sarili mo. Ang pagkakaroon ng kasunduan ng SDM ay hindi ka pipigilan sa pagkilos nang nakapag-iisa sa kasunduan na iyon, at hindi ito maaaring gamitin bilang ebidensya na hindi ka makagagawa ng sarili mong mga desisyon. Maaari mong tapusin ang iyong kasunduan ng SDM sa anumang oras.

Ito ang mga tuntunin tungkol sa mga nakasulat na kasunduan na dapat mo at ng iyong mga tagasuporta na sundin kung gusto mong kilalanin ng ibang tao ang mga kasunduang iyon. Ang mga kasunduan ng nakasulat na SDM ay dapat na:

  • Nasa simpleng pananalita,
  • Nilagdaan mo at ng iyong (mga) tagapagsuporta sa harap ng mga saksi,
  • Marepaso nang kahit tuwing dalawang taon, at
  • Kasama ang...
    • Kung ano ang gusto mong masuportahan,
    • Kung ano napagkasunduang tulong ng iyong (mga) tagapagsuporta,
    • Ang kasunduan ng iyong (mga) tagapagsuporta sa kanilang mga responsibilidad bilang mga tagapagsuporta,
    • Impormasyon tungkol sa iyong karapatan para i-report ang pang-aabuso, at
    • Anumang ibang nauugnay na mga dokumento tungkol sa paggawa ng desisyon (tulad ng ibang alterntibo sa conservatorship na tinalakay sa ibaba)

Matatagpuan mo ang mas maraming mapagkukunan tungkol sa SDM, kabilang ang halimbawa ng mga kasunduan ng SDM, dito: https://supportwithoutcourts.org/sdm-resources/

Matibay na Power of Attorney:

Ito ay isang ligal na dokumento kung saan nagbibigay ka sa isang tao na pinagkakatiwalaan mo ng ligal na karapatan para gumawa ng mga desisyon para sa iyo. Ito’y isang paraan para sa iyo para makakuha ng tulong sa mga tagapagsuporta at serbisyo na kailangan mo para mabuhay nang nakapag-iisa. Maaari kang magbigay ng karapatan sa isang tao para gumawa ng isang uri ng desisyon, tulad ng medikal o hinggil sa pananalapi, o bigyan sila ng karapatan para gumawa pareho ng uri ng mga desisyon.

Iba Pang Pangkalahatang Alternatibo:

  • Maaari kang sumali sa mga grupo ng sariling pagtataguyod tulad ng People First, o kumuha ng pagsasanay ng sariling pagtataguyod para tulungan kang matutunan kung paanong makipag-usap at magtaguyod para sa kung ano ang kinakailangan mo.
  • Maaari mong isulat ang iyong mga gusto sa iyong IEP o IPP.
  • Maaari kang maghanda para sa iyong IEP o IPP sa pagsasanay ng dula-dulaan at pag-usapan ang tungkol sa iyong mga pangangailangan at kagustuhan sa isang taong pinagkakatiwalaan mo.
  • Maaari kang makahanap ng mga tagapagpadali para tulungan kang gumawa ng mga desisyon.

Mga Partikular na Alternatibo

Mga Alternatibo sa pagkuha ng mga serbisyo sa iyong IEP o IPP:

Mayroon kang karapatan na mag-imbita ng mga tao sa iyong pulong ng IEP o IPP na susuportahan ka para sa mga serbisyo na kailangan mo para maging nakapagsasarili. Ang mga tagapagtaguyod ay maaaring maging:

  • Ang iyong tagapagkoordina ng serbisyo.
  • Ang iyong pamilya at mga tao sa iyong sirkulo ng suporta.
  • Isang sinanay na tagapagtaguyod.

Mga alternatibo sa pagpapasya kung saan at kung kanino ka maninirahan:

Talakayin ang iyong mga kagustuhan at mga opsyon/pagpipilian sa isang tao na pinagkakatiwalaan mo tulad ng iyong:

  • Sirkulo ng suporta (mga taong pinagkakatiwalaan mo at sumusuporta sa iyo).
  • Provider ng Independent Living Services (ILS).
  • Provider ng Supported Living Services (SLS).
  • Mga kawani ng Community Care Facility o Intermediate Care Facility.

Tanungin ang mga pinagkakatiwalaang tao kung paano ka makakukuha ng tulong sa upa o mag-apply para sa Public Housing Assistance.

Magtaguyod sa iyong IPP at maisulat ang iyong mga kagusutuhan sa iyong IPP.

Mga alternatibo para sa pag-access sa iyong kumpidensyal na impormasyon:

Kung gusto mong kunin ng isang tao na iyong pinagkakatiwalaan para kunin ang iyong kumpidensyal na impormasyon, maaari kang magbigay ng pahintulot sa pamamagitan ng paggamit sa isa sa mga opsyon na ito:

  • Lumagda ng medikal na form ng paglalabas ng HIPAA.
  • Lumagda ng pahintulot para sa form ng paglalabas para sa impormasyon o mga rekord.
  • Ikaw at isa pang tao ay maaaring tawagan ang ahensya nang magkasama at maaari mong ibigay ang iyong pahintulot sa telepono.

Mga alternatibo para tulungan kang pangasiwaan ang iyong pera:

  • Maaari kang lumagda ng power of attorney para sa mga pinansyal. Pinapahintulutan nito ang isang tao na pinagkakatiwalaan mo na gumawa ng mga desisyon tungkol sa iyong mga pinansyal at pera. Dapat manotaryo ang power of attorney hinggil sa pananalapi. Maaari mong tapusin ito sa kung kailan mo gusto.
  • Maaari kang pumili ng isang tao na maging iyong representative payee ng benepisyo ng SSI/Social Security.
  • May mga batas para matulungang protektahan ang mga benepisyo ng iyong SSI/Social Security.
  • Maaari mong isulat ang serbisyo sa iyong IPP para tulungan ka sa pangangasiwa ng iyong pera, tulad ng iyong services worker ng iyong independent living.
  • Maaaring likahin ang Special Needs Trust para sa iyo. Pagkatapos ay maaaring pangasiwaan ng trustee ang iyong pera.
  • Mga joint bank account: maaari kang mag-set up ng joint account sa isang tao na pinagkakatiwalaan mo para gumawa ng mga tseke, gumawa ng mga deposito o mag-withdraw ng pera.

Mga alternatibo para matulungan ka sa iyong mga pangangailangan sa pangangalaga sa kalusugan:

  • Maaari kang lumagda ng Advance Health Care Directive, para ang masundan ang iyong mga kagustuhan. Kinakailangan nito ng alin man sa dalawang lagda ng saksi o manotaryo at maaaring mabago o tapusin kung kailan mo gusto.
  • Dahil ikaw ang pasyente, dapat sabihin ng mga doktor sa iyo ang mga panganib at benepisyo ng isang paggagamot, iba pang available na paggagamot at kung ano ang mangyayari kung walang paggagamot.
  • Kung hindi ka makagagawa ng desisyon:
    • Ang iyong available na pinakamalapit na kamag-anak (tulad ng isang magulang) ay maaaring pahintulutan ang pangangalaga sa kalusugan.
    • Maaaring pahintulutan ng iyong sentrong pangrehiyon ang ilang medikal, pag-oopera, o hinggil sa ngipin na pangangalaga sa ilang sitwasyon. Maaaring gumawa ng mga desisyon ang mga doktor o dentista sa isang emergency.
  • Kailangan ng pahintulot ng korte para sa partikular na medikal na mga operasyon.
  • Kung isa kang residente sa isang ICF/SNF, maaaring mag-aproba ang isang koponan ng interdisciplinary na medikal na paggagamot, kung walang available na isang ligal na may kapangyarihan para gumawa ng medikal na desisyon.

Mga alternatibo para matulungan ka sa iyong mga relasyong panglipunan/seksuwal:

Maaaring kasama sa iyong mga serbisyo ng IEP o IPP ang mga suporta para tulungan ka sa iyong mga relasyon tulad ng pagpapayo, mga serbisyo ng independent living, at mga serbisyo ng supported living. Maaari ka ring makakuha ng edukasyon sa larangan ng mga kasanayan sa panglipunan, kamalayan sa kaligtasan, at kung paanong magkaroon ng malusog na mga relasyon sa iba. Maaaring kasama rito ang mga relasyon sa mga boyfriend at girlfriend.

Mga alternatibo para matulungan ka sa iyong mga desisyong pang-edukasyon:

Maaari mong bigyan ang isang taong pinagkakatiwalaan mo ng karapatan para gawin ang iyong mga desisyong pang-edukasyon. Maaari kang magkaroon ng matibay na power of attorney o isang gawain ng paggawa ng pahintulot ng desisyong pang-edukasyon

Mga alternatibo para tulungan kang maghain ng kaso sa korte:

Kung kailangan mong maghain ng kaso sa korte, maaaring magtalaga ang korte ng isang tao para tulungan kang makipag-usap sa iyong abogado at humarap sa korte  Tinatawag ang taong ito na Guardian ad Litem. Ang Guardian ad Litem ay hahalili sa iyo sa korte kung hindi mo kayang pumunta sa kokrte o maunawaan.

Kailangan ko bang magbayad ng mga singil sa korte at mga gastos sa kaso ng aking conservatorship?

Pagpapasyahan ng korte kung magbabayad ka ng mga singil sa paghahain, mga singil sa ligal na mga serbisyo at mga gastos sa korte.

Anong mga kapangyarihan ang HINDI available sa isang limited conservatorship?

Ang isang conservator ay hindi maaaring:

  • Kontrolin ang iyong mga suweldo mula sa isang trabaho o sahod,
  • Mag-aproba ng nakapipinsalang medikal na paggagamot,
  • Magpilit ng therapy ng paggagamot sa iyo,
  • Isterilahin ka para hindi ka maggkaanak,
  • Ipasok ka sa isang institusyon,
  • Sumang-ayon sa electro-convulsive shock therapy (ECT),
  • Sumang-ayon sa psychotherapy,
  • Magkaroon ng anumang ibang kapangyarihang HINDI patrikular na inutos ng korte.

Anong mga karapatan ang mapapanatili ko sa isang limited conservatorship?

Mapapanatili mo ang iyong karapatan para:

  • Kontrolin ang iyong sariling mga suweldo o sahod,
  • Gumawa o baguhin ang habilin para sabihin kung sino ang makakukuha ng iyong personal na mga aytem kapag namatay ka,
  • Makapag-asawa maliban lang kung partikular na aalisin ito ng hukom,
  • Tumanggap ng personal na sulat,
  • Bumoto maliban lang kung partikular na aalisin ng hukom ang karapatan, maikatawan ng isang abogado,
  • Humiling ng bagong conservator,
  • Humiling para matapos ang conservatorship.

Ano ang maaari kong gawin kung hindi ako sasang-ayon sa aking conservator o gustong tapusin ang limited conservatorship?

  • Umabot sa iyong abogado, probate na imbestigador ng korte, sentrong pangrehiyon, programa sa umaga, o kawani ng suporta. Maaari mo ring kontakin ang Disability Rights California at/o ang Office of Clients’ Rights Advocacy; nakalista ang impormasyon ng aming kontak sa hulihan ng dokumentong ito.
  • Humiling ng pagdinig sa korte. Magmula sa Enero 1, 2023, hinihilingan ng bagong batas sa California ang mga hukom na bigyan ka at abogado at magtakda ng petsa ng pagdinig kung sasabihin mo sa kanila na gusto mong tapusin ang iyong conservatorship.
    • Kung sasang-ayon ang iyong conservator na tapusin ang conservatorship at available ang iba pang hindi gaanong mapaglimitang alternatibo, maaaring tapusin ng korte ang conservatorship nang hindi kinakailangang magkaroon ng pagdinig.

Kailan matatapos ang limited conservatorship?

  • Kapag tinapos ng isang hukom.
  • Sa pagkamatay ng conservator o conservatee.
  • Utos ng korte na sinasabing hindi na kinakailangan ang limited conservatorship.
  • Naghain ang conservator ng petisyon sa korte para magbitiw.

Paano ko malalaman kung inutos ng hukom ang limited conservatorship?

  • Makatatanggap ka ng kopya ng kautusan ng hukom.
  • Sasabihin sa iyo ng kautusan ng hukom kung anong mga karapatan ang ibinigay sa conservator.

Paanong malalaman ng iba na mayroon akong isang conservator?

Dapat bigyan ng conservator ang ibang tao ng opisyal na kopya ng Letters of Conservatorship. Dapat kasama sa opisyal na kopya ang nakumpletong seksyon ng sertipikasyon ng Letters of Conservatorship bago sila maaaring tratuhin bilang isang conservator.

Paano kung kailangan ko pa ng higit na tulong?

Para sa ibayong impormasyon tawagan ang:

Disability Rights California

1-800-776-5746 (TTY 1-800-719-5798)

Office of Clients’ Rights Advocacy

Northern California: 1-800-390-7032 (TTY 877-669-6023)

Southern California: 1-866-833-6712 (TTY 877-669-6023)

Maaari kaming makatulong sa pamamagitan ng:

  • Pagsabi sa iyo tungkol sa iyong mga karapatan
  • Pagsabi sa iyo tungkol sa mga alternatibo sa conservatorship
  • Pakikipag-usap sa o pagtulong sa iyong pakikipag-usap sa iyong abogado, probate ng imbestigador ng korte, at iba pa na maaaring makatulong sa iyo.