Karaniwang mga Pahayag ng Distrito sa mga Magulang/Tagagpag-alaga at Posibleng Magulang/Tagapag-alaga sa Karaniwang mga Pahayag ng distrito

Publications
#7170.08

Karaniwang mga Pahayag ng Distrito sa mga Magulang/Tagagpag-alaga at Posibleng Magulang/Tagapag-alaga sa Karaniwang mga Pahayag ng distrito

Ang mga distrito ng paaralan ay gumagawa ng mga karaniwang pahayag na maaaring tanggihan o maantala ang karapatan ng iyong anak sa espesyal na edukasyon at mga kaugnay na serbisyo. Ang mapagkukunang ito ay may mga karaniwang pahayag na ginagawa ng mga distrito ng paaralan sa mga magulang/tagapag-alaga. Kung ang distrito ng paaralan ng iyong anak ay nagsabi ng isa sa mga karaniwang pahayag na ito sa iyo, nagbigay kami ng maikling buod ng batas at isang posibleng tugon na maaari mong sabihin sa distrito ng paaralan.

1.   Isinasaad ng Distrito na: “Wala kaming sapat na pera upang pondohan o sapat na [kwalipikadong] kawani upang mag-alok ng naturang serbisyo, pantulong na kagamitang teknologiya, o kaluwagan.” O “Wala kaming sapat na pera upang pondohan ang kawani.”

Pagpapaliwanag: Maaaring totoo na may mahigpit na budget ang Distrito, gayunpaman, kinakailangan pa rin ng Distrito na magbigay sa iyong estudyante ng libreng naaangkop na pampublikong edukasyon (FAPE, free appropriate public education).1 Kung kinakailangan ng iyong estudyante ng particular na serbisyo, pantulong na kagamitang teknolohiya, o ibang kaluwagan upang maakses ang edukasyon, dapat magbigay ang Distrito nito bilang bahagi ng FAPE ng iyong anak.2 Ang gastos ay hindi makatwirang dahilang upang tanggihan ang FAPE.3

Ang Iyong Posibleng mga Sagot sa Distrito:

  1. Maaari mong sabihin na: “Kinakailangan ng aking estudyante ang [serbisyo, pantulong na kagamitang teknolohiya, o ibang kaluwagan] na ito upang maakses ang kanilang edukasyon. Nauunawaan ko na maaaring mahigpit ang budget, ngunit inaatas ng pang-estado at pederal na batas na magbigay ang mga distrito ng paaralan ng mga serbisyong pang-edukasyon batay sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng estudyante, hindi batay sa gastos.”4
  2. Maaari mong sabihin na: “Ang mga serbisyong isinulat naming sa IEP ay dapat batay sa mga pangangailangan ng estudyante upang maakses at sumulong sa kanilang edukasyon, hindi sa kung magkano ang gastos ng mga ito.”5
  3. Maaari mo ring sabihin: “Bilang magulang, kailangan kong itaguyod ang mga pangangailangang pang-edukasyon ng aking anak. Responsibilidad ng distrito ng paaralan na alamin ang pagpopondo upang matugunan ang mga pangangailangang iyon.”

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kinakailangan ng distrito ng paaralan upang bumili ng kagamitan para sa IEP ng estudyante, tingnan ang SERR Manual ng DRC..

2.   Isinasaad ng Distrito na: “Ang guro sa pangkalahatang edukasyon/guro sa espesyal na edukasyon/tagapagbigay ng pagtatasa/nauugnay na tagapangasiwa ay wala ngayon” O “Wala akong awtoridad upang magpasya.”

Pagpapaliwanag: Inaatas ng pederal at pang-estado na batas na ang pangkat ng IEP ay bubuoin ng:

  • Isa o parehong mga magulang ng bata, isang kinatawang pinili ng mga magulang, o pareho.
  • Hindi bababa sa isang guro sa pangkalahatang edukasyon kung ang bata ay, o maaring, nasa kapaligirang pangkalahatang edukasyon.
  • Hindi bababa sa isang guro sa espesyal na edukasyon o tagapagbigay ng serbisyo.
  • Isang kinatawan ng distrito ng paaralan na: kwalipikadong magbigay o pamahalaan ang pagbibigy ng espesyal na pagtutuor; alam ang tungkol sa pangkalahatang kurikulum; at alam ang tungkol sa mga mapagkukunan ng distrito.
  • Ang indibiduwal na nagsagawa ng mga pagtatasa ng estudyante, o isang may alam tungkol sa pamamaraang ginamit at mga resulta, at kwalipikado upang ipakahulugan ang mga implikasyon ng mga resulta sa pagtuturo.
  • Ang ibang tao na may particular na kadalubhasaan o kaalaman ng estudyante, sa kahilingan ng magulang/tagapag-alaga o distrito.
  • Ang estudyante, kung naaangkop.6

Lahat ng mga miyembro ng pangkat ng IEP ay kinakailangang dumalo sa pagpupulong sa IEP. Ang kakayanan ng pangkat ng IEP upang bumuo ng naaangkop ng IEP ay maaaring malubhang makompromiso kung ang mga miyembro ng pangkat ng IEP na mahalaga sa pag-unlad ng IEP ay hindi dumadalo. Pinahihintulutan ng pederal at pang-estado na batas ang magulang at distrito na sumang-ayon nang nakasulat na ang miyembro ng pangkat ng IEP ay hindi kailangang dumalo.7 Kung ang larangan ng kurikulum o nauugnay na mga serbisyo ng miyembro ng pangkat ng IEP ay binabago, ang miyembro ay dapat magusmite ng nakasulat na input sa pag-unlad ng IEP bago ang pagpupulong sa IEP.8 Hindi mo kailangang sumang-ayon sa hindi pagdalo.

Ang Iyong Posibleng mga Sagot sa Distrito:

  1. Kung alam mo ang tungkol sa hindi pagdalo nang maaga, maaari kang makipag-ugnayan sa tagapangasiwa ng espesyal na edukasyon sa distrito nang nakasulat (sa pamamagitan ng email, at pag-follow up sa telepno) upang ipaalam sa kanila na nag-aalala ka.  Maaari mong sabihin: “Nag-aalala ako na ang kakayanan ng pangkat ng IEP na bumuo ng naaangkop ng IEP para sa aking estudyante ay malubhang makompromiso kung si [miyembro ng pangkat ng IEP] ay hindi dadalo.”
  2. Maaari mong piliin na magpatuloy at isagawa ang pagpupulong sa IEP kasama ng mga maaaring dumalo.  Huwag sumang-ayon sa alinmang bahagi ng IEP na nangangailangan ng input mula sa hindi dumalong miyembro ng pangkat ng IEP.  Sa susunod, maaari mong muling tipunin ang pagpupulong kapag ang lahat ng miyembro ng pangkat ng IEP ay maaaring dumalo upang tapusin ang pagbuo ng IEP.
  3. Tumangging ipatuloy ang pagpupulong sa IEP kung sa tingin mo na hindi magagawa ang angkop na pagbuo ng IEP nang wala ang hindi dumadalong miyembro ng pangkat ng IEP. Magkipagtulungan sa pangkat ng IEP na muling mag-iskedyul ng pagpupulong sa IEP sa panahong lahat ng kinakailangang mga miyembro ng pangkat ay makadadalo.9

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan sa pagdalo ng miyembro ng pangkat ng IEP, tingnan ang SERR Manual ng DRC.

3.   Isinasaad ng Distrito na: “Tumuloy kami at binuo ang ‘balangkas’ na IEP para pirmahan mo” O “Dapat mong pumirma sa IEP bago ka umalis sa pagpupulong na ito.”

Pagpapaliwanag: Mahalagang tandaan na, bilang magulang/tagapag-alaga, ikaw ay pantay na miyemrbo ng pangkat ng IEP. Walang dapat pagpasyahan nang walang input mo, at ang pangkat ng IEP ang kinakailangan na magkaroon ng ganap na talakayan kasama mo tungkol sa mga pangangailangan ng iyong estudyante. Kung pupunta ang distrito sa pagpupulong na may “balangkas” na IEP, hindi mo kailangang pirmahan ito. Maaaring ninyong gamitin ang “balangkas” bilang panimulang punto para sa talakayan sa pagpupulong sa IEP, ngunit wala dapat pagpasyahan nang walang input mo.10

Hindi mo kailangang pumirma sa IEP sa pagpupulong sa IEP. Maaaring gusto mong mag-uwi ng kopya ng ipinanukalang IEP upang basahin nang mas masinsinan at italakay sa iyong asawa, kapareha, o abogado. Wala sa ipinanukalang pagbabago ang maaaring ipapatupad hanggang pumayag ka sa IEP. Mananatili ang iyong estudyante na kwalipikado para sa mga serbisyo sa espesyal na edukasyon at manatili sa kanilang kasalukuyang pagtatalaga habang nagpapasya ka kung papayag, papayag nang bahagi, o ganap na hindi sasang-ayon.11 Gayunpaman, kung hindi ka papaya o magsampa para sa angkop na paraan sa makatuwirang panahon, maaaring magsampa ang distrito para sa angkop na paraan.  Kausapin ang ibang mga miyembro ng pangkat ng IEP tungkol sa panahon na kakailanganin mo upang pag-aralan ang ipinanukalang IEP.

Ang Iyong Posibleng mga Sagot sa Distrito:

  1. Kung alam mo na nagpaplano ang distrito na bumuo ng balangkas na IEP nang maaga, maaari kang humiling (nang nakasulat) na padalhan ka ng distriot ng kopya ng kanilang balangkas sampung araw bago ang pagpupulong sa IEP upang magkaroon ka ng panahon na pag-aralan ang balangkas na dokumento at maging handa sa talakayin ang mga rekomendasyon ng distrito sa balangkas. Maaari mong sabihin, “Nauunawaan ko na bumubuo ang distrito ng balangkas na IEP bilang paghahanda para sa ating pagpupulong. Mangyaring padalhan ako ng kopya [petsa-sampung araw bago ang pagpupulong] para makapaghanda ako na italakay ang mga rekomendasyon ng distrito.”
  2. Kung darating ka sa pagpupulong ng IEP at ilalahad sa iyo ng distrito ang balangkas, maaari mong sabihin, “Dahil hindi ko napag-aralan ang balangkas na ito nang maaga, at dahil ang aking input bilang miyembro ng pangkat ng IEP ay kinakailangan, tingnan natin ang bawat isa sa mga rekomendasyon sa balangkas bilang isang pangkat. Pagkatapos, maaari nating isama ang mga bahagi ng balangkas na IEP na lahat tayo sasang-ayon na kailangan para sa aking estudyante sa bersyon ng IEP na sinusulat natin ngayon.”
  3. Maaari mo ring sabihin: “Natutuwa ako na nagkaroong tayo ng magkatuwang na talakayan ngayon tungkol sa mga pangangailangan ng aking anak.  Bago ako pipirma sa IEP na binalangkas natin ngayon, gusto kong mabigay ng kopya na maari kong iuwi at pag-aralan.”

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpirma ng mga IEP, tingnan ang SERR Manual ng DRC.

Para sa karagdagang impormasyon sa papel ng magulang/tagapag-alaga sa pagpupulong sa IEP, tingnan ang SERR Manual ng DRC.

4.   Sinasabi ng Distrito na:“Hindi naming kailangang isulat iyan sa IEP, ipapaalala lamang naming sa mga guro ang kaluwagan o serbisyo.”

Pagpapaliwanag: Dapat isama sa IEP ang pahayag ng lahat ng espesyal na edukasyon at nauugnay na mga serbisyo na ibibigay sa estudyante.12 Kung ang isang serbisyo o kaluwagan ay hindi nakasulat sa pinakahuling bersyon ng IEP, ang serbisyo o kaluwagan ay hindi inaatas ng batas na ipatupad. Kahit pa Mabuti ang mga intension ng distrito, ang mga serbisyo na hindi nakasulat ay madaling makalimutan o maling maibatid sa mga gurong inatasan sa pagpapatupad ng IEP. Kung tatanggi ang distrito na isulat ang napagkasunduang serbisyo o kaluwagan, maaaring ikaw mismo ang sumulat ng paglalarawan ng serbisyo at humiling na ito ay ilakip sa IEP bago mo ito pirmahan.

Ang Iyong Posibleng mga Sagot sa Distrito:

  1. Maaari mong sabihin na: “Natutuwa ako na nagkakasundo tayo bilang isang pangkat na ang serbiyo/kaluwagan/layuning ito ay kailangang isama sa IEP ng aking estudyante. Gusto kong magpatuloy at isulat ito sa IEP upang matiyak na hindi natin makakalimutang ipatupad ang serbisyong ito.”
  2. Maaari mong sabihin na: “Nag-aalala ako na kung hindi isulat ang serbisyong ito, hindi aatasan ang distrito na ipatupad ito.  Hinihiling ko na isulat ito. Kung hindi ninyo isulat ang serbisyo sa IEP, ako mismo ang magsusulat ng paglalarawan ng serbisyo pagkatapos ng pagpupulong at igiit na ilakip ito.”
  3. Maaari mong sabihin na: “Ang IEP na ito ay batay sa natatanging mga pangangailangan ng aking estudyante, at naniniwala ako na kailangan niya ang serbisyong ito. Kung hindi ninyo gusto na isama ang serbisyong ito sa IEP, kakailanganin ko kayong isulat ang mga dahilan kung bakit.”

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kinakailangang impormasyon ukol sa mga serbisyo sa IEP, tingnan ang SERR Manual ng DRC.

5.   Isinasaad ng Distrito na: “Ang iyong anak ay hindi bumabagsak/gumanap sa sapat na lebel sa isinapamantayang pagsusulit” O “Ang iyong mga inaasahan para sa iyong anak ay masyadong mataas; kailangan mong magkaroon ng makatotohanang inaasahan sa kanilang pagsulong.”

Pagpapaliwanag: Hindi tinutukoy ng mga marka at grado sa mga isinapamantayang pagsusulit kung ang estudyante ay nangangailangan ng espesyal na edukasyon o nauugnay na mga serbisyo.13 Hindi kinakailangan ng IDEA ang pagsubok at pagbagsak sa ibang mga programa bago tasahan ang bata sa pinaghihinalaang pangangailangan ng espesyal na edukasyon at nauugnay na mga serbisyo. Dagdag pa, ang kapansanan ng bata ay maaaring magsanhi ng mga isyu sa mga larangan sa labas ng akademiya (tulad ng paggalaw, nagpapahayag na wika, mga kasanayang panlipunan, o mga kasanayan sa pagtulong sa sarili), na maaaring aapekto sa kasanayan ng estudyante upang maakses ang kanilang edukasyon. Ibalik ang pag-uusap sa kugn bakit kailangan ng iyong anak ang hinihingi mo.

Kinakailangan ng IDEYA hindi lamang na ang iyong estudyante ay may akses sa kanilang edukasyon, ngunit pati magkaroon sila ng makabuluhang akses sa kanilang edukasyon .14 Nangangahulugan ito na ang estudyante ay angkop na nahahamon ng mga layuning itinakda sa kaniyang IEP at siya ay gumagawa ng makabuluhang pagsulong tungo sa mga layuning ito.15 Ang pagkakaroon ng mataas, ngunit naaabot, na mga inaasahan para sa iyong estudyante ay malamang na kapakipakinabang sa kanilang pagtuto at pagsulong sa edukasyon.

Ang Iyong Posibleng mga Sagot sa Distrito:

  1. Maaari mong sabihin na: “Ibinibigay ng IDEYA na may karapatan ang aking estudyante sa pagtatasa sa lahat ng larangan ng pinaghihinalaang kapansanan. Pinaghihinalaan ko na maaaring may kapansanan ang aking estudyante sa at, na maaaring nabibilang sa mga kategorya ng pagkakwalipikado na ito, at.” (Tingnan SERR Manual ng DRC para sa mga kategorya ng kapansanan na kwalipikado para sa espesyal na edukasyon.)
  2. Maaari mong sabihin na: “Habang nagtatakda tayo ng mga layunin para sa aking estudyante, tiyakin natin na ang mga layunin ay para sa indibiduwal at nauugnay sa kanilang potensyal. Dapat nating tiyakin na ang mga layuning ito ay mapanghamon at ‘makatuwirang kinalkula upang pakayanin ang bata na gumawa ng pagsulong na angkop sa situwasyon ng bata.”16
  3. Kung hindi ka sang-ayon sa mga resulta ng pagtatasa ng distrito ng paaralan o sa paraan ng pagtatasa, maaari mong hilingin sa distrito na bayaran ang malayang pang-edukasyon na pagtatasa (IEE, independent educational evaluation).17 Dapat kang gumawat ng iyong kahilingan nang nakasulat sa iyong Espesyalista sa Programa ng iyong estudyante at magpadala ng kopya sa Patnugot sa Espesyal na Edukasyon ng distrito.  Mahalaga na isaad mo ang iyong kahilingan bilang hindi pagsang-ayon sa pagtatasang isinagawa ng distrito ng paaralan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paghiling ng IEE, tingnan ang SERR Manual ng DRC at Paglalathala sa IEE ng DRC.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pasya ng Korte sa Endrew F., tingnan ang SERR Manual ng DRC.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbuo ng mga layunin sa IEP, tingnan ang SERR Manual ng DRC.

6.   Isinasaad ng Distrito na: “Hindi kami naniniwala na ang iyong anak ay nakikinabang mula sa serbisyo/pantulong na kagamitang teknolohiya/kaluwagan.”

Pagpapaliwanag: Para sa anumang dahilan, mga alalahanin sa budget man o kakulangan ng pagsasanay ng guro, maaaring lalabanan ng distrito ang partikular na serbisyo, pantulong na kagamitang teknolohiya, o kaluwagan na gusto mong isulat sa IEP. Gayunpaman, ang tanging bagay na mahalaga (at sinusuportahan ng batas) ay kailangan ng iyong estudyante ang hiniling na serbisyo, pantulong na kagamitang teknolohiya, o kaluwagan upang makinabang mula sa kanilang edukasyon.18 Kung igigiit ng distrito na hindi makikinabang ang iyong estudyante mula sa serbisyo, kaluwagan o suporta, hilingin sa kanila na ilarawan ang partikular na mga dahilan kung bakit ganun ang tingin nila. Kung talagang maaaring hindi makinabang ang iyong estudyante mula sa serbisyo, kaluwagan, suporta, tanungin sila anong mga alternatibo ang kanilang maimumungkahi at magkaroon ng magkatuwang na talakayan tungkol sa mga opsyon para sa iyong estudyante.  Kung ang dahilan ay walang kaugnayan sa iyong estudyante (budget, pagsasanay), ipaalaala sa distrito na ang mga ito ay hindi sapat na mga dahilan para tanggihan ang serbisyo sa ilalim ng batas.

Ang Iyong Posibleng mga Sagot sa Distrito:

  1. Maaari mong sabihin na: “Ano ang iyong mga dahilan sa konklusyon na hindi kailangan ng aking estudyante                ? Gusto kong pag-aralan ang dokumentasyon o mga pagtatasa na sumusuporta sa iyong pasya.”
    1. Maaari mo ring sabihin: “Pinahahalagahan ko ang iyong input; maaari ba nating pag-usapan ang tungkol sa alternatibong mga serbisyo na maaaring makatulong na makamit ang layuning ito?”
    2. Maaari mo ring sabihin: “Pinahahalagahan ko ang iyong input, ngunit hindi iyon dahilan na may kaugnayan sa aking estudyante. Paano kung isulat natin ito bilang isang pagsubok upang makita kung ito ay maaari para sa aking estudyante?”
  2. Para sa mga pantulong na kagamitang teknolohiya, maaari mong sabihin na: “Tumanggap ba ang aking estudyante ng anumang pagsasanay sa paggamit ng pantulong na kagamitang teknolohiya? Tumanggap ba ang mga guro, katulong, o ibang mga tagapagbigay kung paano gamitin ang kagamitang ito kasama ng aking anak?”
  3. Kung hindi ka sang-ayon sa mga resulta ng pagtatasa ng distrito ng paaralan o sa paraan ng pagtatasa, maaari mong hilingin sa distrito na bayaran ang malayang pang-edukasyon na pagtatasa (IEE, independent educational evaluation).19 Dapat kang gumawat ng iyong kahilingan nang nakasulat sa iyong Espesyalista sa Programa ng iyong estudyante at magpadala ng kopya sa Patnugot sa Espesyal na Edukasyon ng distrito. Mahalaga na isaad mo ang iyong kahilingan bilang hindi pagsang-ayon sa pagtatasang isinagawa ng distrito ng paaralan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paghiling ng IEE, tingnan ang SERR Manual ng DRC at Paglalathala sa IEE ng DRC.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pantulong na teknolohiya, tingnan ang SERR Manual ng DRC.

 

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.