Assisted Outpatient Treatment (AOT): Ang Iyong mga Karapatan kung Humihingi ang County para sa AOT at mga Pagdinig ng AOT

Publications
#7176.08

Assisted Outpatient Treatment (AOT): Ang Iyong mga Karapatan kung Humihingi ang County para sa AOT at mga Pagdinig ng AOT

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa iyong mga karapatan kung hinihilingan ng county ang hukom na utusan kang sa AOT. Tinatalakay din ng lathala kung ano ang maaasahan sa isang pagdinig ng AOT at kung paanong maghanda para sa pagdinig ng AOT.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang Assisted Outpatient Treatment, tinatawag din bilang AOT, ay utos ng korte na outpatient na panggagamot para sa mga tao na may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip.  

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa iyong mga karapatan kung hinihilingan ng county ang hukom na utusan kang sa AOT. Tinatalakay din ng lathala kung ano ang maaasahan sa isang pagdinig ng AOT at kung paanong maghanda para sa pagdinig ng AOT.

May karapatan ka sa isang abogado kung hihilingan ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

Kung hinilingan ng county ang hukom na utusan ka sa AOT (tinatawag ding petisyon), magpapasya ang hukom sa isang pagdinig kung ikaw ay karapat-dapat para sa AOT batay sa batas.

Mayroon kang mga sumusunod na karapatan sa mga pagdinig ng AOT:

1.  May karapatan ka sa sapat na abiso ng mga pagdinig pati na rin abiso sa mga tao na sinasabi mong gusto mong bigyan ng abiso.1

  • Dapat kang mabigyan ng abiso ng pagdinig.
  • Bilang karagdagan:2
    • Magtatakda ang korte ng petsa para sa iyong pagdinig na hindi hihigit sa lima (5) araw ng trabaho pagkatapos maibigay ng county sa korte ang iyong petisyon.
    • Ipadadala ang kopya ng abiso sa tanggapan ng Patients’ Rights sa iyong county.
    • Ipadadala rin ang kopya ng abiso sa iyong health care provider kung alam ng county kung sino ang iyong provider.
    • Ang petsa ng pagdinig ay maaari lamang mapalitan kung mayroong maganddang dahilan (isang magandang dahilan).

2.  Mayroon kang karapatan na makakuha ng kopya inutos ng korte na eksaminasyon.3

3.  Maykarapatan ka sa isang abogado.4

  • Kung hindi mo kayang umupa ng abogado, maaari mong hilingan ang korte na bigyan ka ng abogado, isang pampublikong tagapagtanggol.

4.  May karapatan kang nasa sa iyong pagdinig sa AOT maliban lang kung ini-waive mo ang iyong karapatan na nasa pagdinig ka.5

  • Ang ibig sabihing ng “waive” ay isuko ang iyong karapatan na nasa pagdinig ka. Mangyayari ito sa pagsabi na hindi mo gustong nasa pagdinig ka, o sa pamamagitan ng hindi pagpapakita pagkatapos subukan ng county para malaman mo ang tungkol sa pagdinig.
  • Maaari mo ring i-waive ang iyong karapatan sa pagdinig ng AOT para sa isang kasunduan ng pag-aayos sa county.6 Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga kasunduan ng pag-aayos, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Settlement Agreements.”

5.  May karapatan kang magbigay ng ebidensya na nagpapakita sa korte kung bakit hindi ka karapat-dapat para sa AOT.7

  • Magandang gumamit ka ng ebidensya bukod sa sariling salita para ipakita sa hukom kung bakit ka hindi karapat-dapat para sa AOT batay sa batas. Maaari mong hilingan ang mga tao na tumestigo sa ngalan mo. Para hindi maging karapat-dapat para sa AOT, kailangan mo lang ipakita na ang isa sa mga kinakailangan batay sa batas ay hindi totoo tungkol sa iyo.8 Ngunit magandang ideya pa rin na subukang ipakita sa hukom kung bakit kasing dami ng mga kinakailangang hangga’t maaari ay hindi nalalapat sa iyo.
  • Para malaman kung paano ka magiging karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered Into AOT.”

6.  Ikaw, o ang iyong abogado kung mayroon ka, ang may karapatan na tanungin ang mga tao na pinipili ng county na magsalita sa pagdinig (mga saksi).9

  • Kailangang mapagpasalita ng county ang taong sumuri sa iyo sa pagdinig tungkol kung bakit ka karapat-dapat para sa paggagamot ng AOT.10 Para sa higit na impormasyon tungkol sa provider na ito at pagsusuri, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “How You are Ordered Into AOT.”
  • Maaari ring papagsalitain ng county ang maraming tao sa pagdinig tungkol kung bakit ka karapat-dapat para sa AOT.
  • Pagkatapos tanungin ng county ang mga taong ito, ito ang iyong pagkakataon na tanungin sila. Dapat ipakita ng iyong mga katungan na ang kanilang sinasabi ay walang katotohanan o hindi ibig sabihin ay karapat-dapat ka para sa paggagamot ng AOT batay sa batas. Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga kinakailangan para maging karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered Into AOT.”
  • Kung mayroon kang abogado, sila ang magtatanong sa tao para sa iyo imbes na ikaw mismo ang magtatanong. May karapatan ka sa isang abogado kung pinepitisyon ka ng county na mautusan sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

7.  May karapatan ka na magsalita ang mga tao (mga testigo) na sumusuporta kung bakit hindi mo kailangan ng AOT o hindi karapat-dapat sa pagdinig.11

  • Ang ilang tao na maaaring gusto mong magsalita ay kabilang ang: iyong sarili, kasalukuyan o nakaraang mga provider ng paggagamot sa kalusugan hinggil sa pag-iisip, at mga kaibigan at pamilya.
  • Ang mga taong gusto mong magsalita ay hindi dapat magsalita lang nang pangkalahatan tungkol sa iyo at kung gaano kang kabuting tao. Gusto mo na ang mga tao na ito ay subukang ipakita sa hukom kung ang isa o higit pa sa mga kinakailangan para maging karapat-dapat para sa AOT batay sa batas ay hindi totoo para sa iyo.12 Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga kinakailangan para maging karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered Into AOT.”

8.  May karapatan kang mag-apela (o tutulan) ang mga desisyon at malaman at maunawaan ang iyong karapatan na mag-apela.13

  • Ang apela ay ang karapatan na sabihin na nakagawa ng maling desisyon ang unang hukom at gusto mo ng ibang hukom ang tumingin kung magiging karapat-dapat ka para sa AOT batay sa batas. Para sa higit na impormasyon tungkol sa pagiging karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered into AOT.”
  • Maaaring mayroon ka lamang partikular na panahon para maibigay sa korte ang iyong apela. Kaya, dapat mong kontakin ang iyong abogado para malaman pa ang marami pang impormasyon tungkol sa pag-apela sa kautusan ng hukom ng AOT.

9.  May karapatan kang malaman at maunawaan na may karapatan kang patunayan sa isang hukom na ikaw ay maling pinupuwersa sa AOT (writ of habeas corpus).14

  • Maghahain ka ng writ of habeas corpus kapag ikaw ay maling pinupuwersa sa AOT dahil hindi ka akma sa mga kinakailangan ng batas.
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa mga writ of habeas corpus, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “How AOT Ends.”

Sa itaas ay ang iyong mga karapatan. Kung hindi ibinigay sa iyo ang iyong mga karapatan, maaari mong kontakin ang mga lugar na nakalista sa ilalim ng “Additonal Information” para malaman kung matutulungan ka nilang masiguro na naibibigay sa iyo ang iyong mga karapatan.

Ang Desisyon ng Hukom

Kung malaman ng hukom na ang lahat ng kinakailangan ay totoo sa pamamagitan ng malinaw at kapani-paniwalang ebidensya, maaari ka nilang utusan sa AOT nang hanggang 6 na buwan.15 Ang ibig sabihin ng “malinaw at kapani-paniwala” ay dapat malaman ng hukom na ito ay mas malamang na tunay kaysa hindi na natutugunan mo ang lahat ng kinakailangan para maging karapat-dapat para sa AOT.

  • May karapatan kang iapela ang desisyon ng hukom. Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paanong mag-apela dapat mong kontakin ang iyong abogado.
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung ano ang iyong mga karapatan sa paggagamot habang ikaw ay nasa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Your Treatment Rights While in AOT”.
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paanong matatapos ang AOT pagkatapos kang mautusan sa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “How AOT Ends.”

Karagdagang Impormasyon

Kung kailangan mo pa ng impormasyon o may mga katanungan maaari mong:

  • Tanungin ang iyong abogado. May karapatan ka sa isang abogado kung hinilingan (nakapetisyon) ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol. Kailangan mo lang bayaran ang pampublikong tagapagtanggol kung mayroon kang pera.
  • Kontakin ang Patient’s Rigths Advocate ng iyong county. Para mahanap ang Patient’s Rights Advocate kung saan ka nakatira, (916) 504-5810 at humingi para sa iyong lokal na Patient’s Rights Advocate o mag-click sa link na ito: https://www.disabilityrightsca.org/post/patients-rights-advocacy-directory.
  • Tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.
  • 1. WELF. & INST. CODE § 5346(d)(4)(A). Ang lahat ng seksyon ng code na binanggit sa ibaba ay mula sa Welfare and Institutions Code.
  • 2. § 5346(d)(1).
  • 3. § 5346(d)(4)(B).
  • 4. § 5346(d)(4)(C).
  • 5. § 5346(d)(4)(E).
  • 6. § 5347(b)(1).
  • 7. § 5346(d)(4)(F).
  • 8. § 5346(d)(5)(B).
  • 9. § 5346(d)(4)(H).
  • 10. § 5346(d)(1)-(3).
  • 11. § 5346(d)(4)(G).
  • 12. § 5346(d)(5)(B).
  • 13. § 5346(d)(4)(I).
  • 14. § 5346(d)(4)(D).
  • 15. § 5346(d)(5)(B).