AOT (Assisted Outpatient Treatment): Ano ang Mangyayari Kung Hindi Ka Susunod sa Utos ng Iyong AOT

Publications
#7179.08

AOT (Assisted Outpatient Treatment): Ano ang Mangyayari Kung Hindi Ka Susunod sa Utos ng Iyong AOT

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na sinasabi ang tungkol sa kung anong mangyayari kung hindi mo susundin ang kautusan ng AOT.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang Assisted Outpatient Treatment, tinatawag din bilang AOT, ay utos ng korte na outpatient na panggagamot para sa mga tao na may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip.  

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na sinasabi ang tungkol sa kung anong mangyayari kung hindi mo susundin ang kautusan ng AOT.

May karapatan ka sa isang abogado kung hihilingan ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, maaari mong hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

Kung magpapasya ang hukom na karapat-dapat ka para sa AOT batay sa batas, maaari ka nilang utusan sa AOT nang hanggang 6 na buwan.1 Nangangahulugan ito na kailangan mong sundin ang mga kautusan ng hukom at tumalima sa plano ng paggagamot ng iyong AOT.

  • Para sa higit na impormasyon sa kung paano ka magiging karapat-dapat para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”
  • Para sa impormasyon tungkol sa mga karapatan sa panahon ng pagdinig ng AOT, basahin ang lathalang “Your Rights if the County is Asking for AOT and AOT Hearings.” Ang pagdinig ng AOT ay kung saan magpapasya ang isang hukom kung karapat-dapat ka man o hindi para sa AOT batay sa batas.

Kung hindi mo susundin ang plano ng iyong paggagamot ng AOT, maaari kang hindi sapilitang mailagay sa isang sikayatrikong ospital sa isang 5150 (72-oras pagkontrol ng kalusugan hinggil sa pag-iisip). Gayunman, mangyayari lamang ito kung ang lahat ng sumsunod na bagay ay mga totoo:2

1.  Sa palagay ng lisensyadong provider ng paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip na hindi mo sinusunod and kautusan ng AOT.

  • Ang desisyong ito ay dapat ibatay sa isang pangklinikang pagpapasya. Ang ibig sabihin nito na ang desisyon ay hindi maaaring ibatay sa personal na opinyon ng provider, subalit dapat maibatay sa kanilang pangklinikang pagsasanay.

2.  Sa palagay ng lisensyadong provider ng paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip na sinubukan ng mga tao na sinusunod mo ang iyong kautusan ng AOT.

  • Ang desisyong ito ay dapat ding ibatay sa isang pangklinikang pagpapasya.
  • Kung hindi iisipin ng provider na sinubukan ng mga tao na mapasunod ka sa mga kautusan ng iyong AOT, kung gayon ay hindi ka nila hindi kusang mailalagay sa isang ospital.

3.  Sa palagay ng lisensyadong provider ng paggagamot ng kalusugan hinggil sa pag-iisip na maaaring kailangan mong mailagay sa isang saykayatrikong ospital laban sa iyong kagustuhan.

  • Maaaring parang kinakailangan ng provider na isipin na kailangan mong nasa isang ospital batay sa mga dahilan mula sa batas ng 5150, ngunit hindi iyon kailangan.

Maaari ka lamang mapilit na manatili sa ospital nang mas matagal sa 72 oras kung hindi ka makapag-aalaga sa iyong sarili o isang panganib sa iyong sarili o iba dahil sa iyong kapansanan sa kalusugan hinggil sa pag-iisip, hindi lang dahil hindi mo sinunod ang AOT.

Karagdagang Impormasyon

Kung kailangan mo pa ng impormasyon o may mga katanungan maaari mong:

  • Tanungin ang iyong abogado. May karapatan ka sa isang abogado kung hinilingan (nakapetisyon) ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol. Kailangan mo lang bayaran ang pampublikong tagapagtanggol kung mayroon kang pera.
  • Kontakin ang Patient’s Rigths Advocate ng iyong county. Para mahanap ang Patient’s Rights Advocate kung saan ka nakatira, (916) 504-5810 at humingi para sa iyong lokal na Patient’s Rights Advocate o mag-click sa link na ito: https://www.disabilityrightsca.org/post/patients-rights-advocacy-directory.
  • Tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.
  • 1. Welf. & Inst. Code § 5346(d)(5)(B). Ang lahat ng seksyon ng code na binanggit sa ibaba ay mula sa Welfare and Institutions Code.
  • 2. § 5346(f).