Ang Daan Tungo sa Resolusyon – Ano Ang Gagawin Kung Mayroon Kang Hindi-pagkakasundo sa Distrito ng Paaralan
Ang Daan Tungo sa Resolusyon – Ano Ang Gagawin Kung Mayroon Kang Hindi-pagkakasundo sa Distrito ng Paaralan
Ipinapaliwanag ng dokumentong ito ang iba't ibang hakbang na maaari mong gawin kapag mayroon kang hindi pagkakasundo sa distrito ng paaralan tungkol sa programa ng espesyal na edukasyon ng iyong anak. Suriin ang aming mga template na sulat at halimbawa ng mga reklamo sa pagsunod sa ibaba para sa karagdagang tulong.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Bilang tagapagtaguyod ng iyong anak, maaaring makita mo ang iyong sarili sa hindi pagkakasundo sa distrito ng paaralan. Maaaring hindi ka sumang-ayon sa distrirto ng paaralan sa iba’t ibang isyu. Maaaring hindi ka sumang-ayon sa mungkahi ng pagbabago ng distrito ng paaralan sa isang kasalukuyang IEP. Maaari kang hindi sumang-ayon sa nalagdaan nang IEP dahil naniniwala ka na nagbago ang pangangailangan ng iyong anak ngunit hindi sumasang-ayon ang distrito ng paaralan sa iyo. Ang mga hindi pagkakasundo ay maaaring maging tungkol sa mga layunin, serbisyo, suporta, at pagpapalagay. Kung mayroon kang hindi pagkakasundo sa distro ng paaralan ng iyong anak, mayroon kang mga opsyon para maresolba ang hindi pagkakasundo na ito.
Maaari mong subukang resolbahin nang lokal ang hindi pagkakasundo – sa pamamagitan ng distrito ng iyong paaralan o Special Education Local Plan Area (SELPA). Nakikipagtulungan ang SELPA sa mga distrito ng paaralan sa isang partikular na larangan para magbigay ng mga serbisyo ng special education sa mga estudyanteng may mga kapansanan. Maaari ka ring maghain ng reklamo. Kung anong uri ng reklamo na ihahain mo ay dedepende sa mga isyu sa kaso ng iyong anak. Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito ang iba’t ibang opsyon na maaaring mayroon ka para maresolba ang iyong hindi pagkakasundo sa distrito ng paaralan.
Pagreresolba ng mga Hindi Pagkakasundo sa Lokal na Antas
Maaari itong maging isang magandang ideya na subukang magresolba ng anumang hindi pagkakasundo na mayroon ka sa distrito ng paaralan sa pagsisimula sa distrito ng paaralan. Maaari itong maging mas mura at mas mabilis kaysa ibang opsyon. Kung mareresolba mo ang hindi pagkakasundo sa lokal na antas, makatutulong kang panatilihin ang ugnayan sa mga kawani ng paaralan. Maaaring maging mas malamang mong makukuha ang suporta ng koponan ng IEP para suportahan ang iyong kahilingang mga pagbabago.
Maaari kang humiling ng pulong ng IEP, sumulat sa Direrector of Special Education ng Distrito, o humingi para sa alternatibong resolusyon ng hindi pagkakaunawaan. Ang bawat isa sa mga opsyon na ito ay nirerepaso sa ibaba.
Hilingan ang Distrito na Magsagawa ng pulong ng IEP
Kung mayroon nang IEP ang iyong anak, maaari kang humiling ng pulong ng IEP para pag-usapan ang anumang pagbabago sa IEP ng iyong anak. Dapat kang humiling ng pulong ng IEP nang nakasulat. Dapat magdaos ang Distrito ng pulong ng IEP sa loob nang 30 araw nang pagkakatanggap ng iyong nakasulat na kahilingan. Ngunit, ang takdang panahon ay humihinto sa panahon ng mga araw sa pagitan ng regular na mga sesyon ng paaralan o mga bakasyon ng paaralan na higit sa limang araw ng paaralan.
Maaari mong gamitin ang template ng sulat na ito para humiling ng pulong ng IEP.
Maaari mong i-record ang audio ng pulong ng IEP. Dapat mong bigyan ang distrito nang 24 na oras na abiso. Gayundin naman, maaari ring i-record ang audio ng pulong ng distrito ng paaralan sa loob nang 24 na oras na abiso sa iyo. Gayunman, hindi makapag-re-record ng audio ng pulong ang distrito kung tututol ka. Kung tututol ka sa pagre-record ng audio ng distrito, kung gayon ay walang magiging pag-record ng audio ng pulong ng sinuman sa distrito o ikaw.
Kung ikaw at ang kopon ng IEP ay hindi magkakasundo, kung gayon ay maaari mong sabihin sa koponan ng IEP na hindi ka sumasang-ayon. Maaari mong hilingin na tapusin ang pulong ng IEP. Maaari ka ring sumang-ayon sa ilang bahagi ng IEP at hindi sumang-ayon sa ibang bahagi. Ang pinakaimportante, hindi mo kailangang lagdaan ang IEP sa pulong.
Sa halip, ito’y makatwiran para sa iyo na magkaroon ng kopya na ginawa sa iminungkahing IEP para maiuwi para mas mabuting mabasa. Pinapayagan kang talakayin sa IEP kasama ng iyong asawa, kapareha, o isapang tao bago magpasya kung lalagda. Maaaring hindi mo magagawang iuwi mo ang orihinal na IEP. Ang iyong anak ay mananatiling karapat-dapat para sa mga serbisyo ng special education at mananatili sa kanilang kasalukuyang pagpapalagay habang nagdedesisyon ka kung magpapahintulot sa IEP. Kung hindi ka magpapahintulot o maghahain ng due process sa isang makatwirang panahon, kung gayon ang distrito ay maaaring maghain para sa due process laban sa iyo.
Sumulat sa Director of Special Education ng Distrito
Kung hindi mo mareresolba ang hindi pagkakasundo sa koponan ng IEP ng iyong anak, maaari kang sumulat sa Special Education Director ng iyong Distrito. Papayagan ka ng sulat na ito na ibahagi ang iyong mga alalahanin tungkol sa IEP ng iyong anak sa Special Education Director.ng Distrito. Papayagan ka ng sulat na ito na ibahagi ang anumnag hindi pagkakasundo na mayroon ka sa kopanan ng IEP ng iyong anak. Maaaring matulungan ka at ang koponan ng IEP ng iyong anak ng Special Education Director ng Distrito.
Maaari mong mahanap ang Special Education Director ng Distrito sa website ng Distrito o tawagan ang punong tanggapan ng Distrito. Maaari mong gamitin ang template ng sulat na ito sa Special Education Director ng Distrito:
Template ng Sulat sa District Special Education Director
Humingi ng mga opsyon ng Alternatibong Resolusyon ng Hindi Pagkakaunawaan mula sa Distrito/SELPA
Ang iyong distrito ng paaralan ay maaaring magbigy ng mga opsyon ng alterntibong resolusyon sa hindi pagkakaunawaan, tulad ng pinabilis na pulong ng IEP, magulang sa magulang na pagtataguyod, o isang pamamagitan sa pamamagitan ng SELPA. Alternative dispute resolution, o ADR, ay isang uri ng resolusyon ng hindi pagkakaunawaaan na mas mura at mas mabilis kaysa sa mga legal na opsyon na tradisyunal. Maaari itong maging hindi pormal kaysa sa korte. Hindi mo kailangan ng abogado. Isa itong paraan para magresolba ng hindi pagkakaunawan sa labas ng silid-hukuman.
Ang pinabilis na pulong ng IEP ay kasama ang walang kinikilingang tagapagpabilis. Ang tagapagpabilis ay hindi bahagi ng koponan ng IEP. Tumutulong ang tagapagpabilis sa koponan ng IEP sa anumang hindi paagkakasundo na magaganap sa panahon ng pulong ng IEP at tutulungan ang koponan ng IEP na magtuon sa IEP ng estudyante.
Ang mga opsyon ng ADR ay magkakaiba sa bawat distrito. Para malaman pa ang tungkol sa mga opsyon ng ADR ng iyong distrito, kontakin ang case manager, espesyalista sa programa, ng iyong anak at/o ang Special Education Director ng iyong Distrito.
Kung hindi maghahandog ang distrito ng paaralan ng iyong anak ng ADR, kung gayon ay maaari mong gustong kontakin ang iyong SELPA. Maaari mong hilingan ang SELPA na sabihin sa iyo kung anong mga uri ng mga opsyon ng ADR na maaari nilang maibigay para matulungan ka. Ang California Department of Education ay nagpapanatili ng listahan ng mga SELPA: https://www.cde.ca.gov/sp/se/as/caselpas.asp.
Paghahain ng Reklamo para Maresolba ang Iyong Hindi pagkakasundo sa Distrito ng Paaralaan
Kung hindi mo mareresolba ang iyong hindi pagkaksundo sa lokal na antas, maaaring mayroon kang ibang opsyong maresolba ang iyong hindi pagkakasundo sa distrito ng paaralan. Maaaring kasama nito ang paghahain ng reklamo laban sa distrito ng paaralan. May iba’t ibang uri ng mga reklamo na maaari mong ihain laban sa distrito ng paaralan. Kung anong uri ng reklamo na ihahain mo ay dedepende sa mga isyu sa kaso ng iyong anak.
Reklamo na Uniform Complain Procedures sa iyong Distrito ng Paaralan
Maaari kang maghain ng reklamong Uniform Complaint Procedures (UCP) sa tagapamahala ng Distrito o kanilang itinalaga. Ang reklamong UCP ay isang nakasulat at nilagdaang pahayag na naggigiit ng paglabag ng mga batas pederal o estado o mga regulasyon. Ang reklamong UPC ay maaaring may kasamang panggigiit ng labag sa batas na diskriminasyon, panggigipit, o pangbu-bully. Maaari mong kontakin ang iyong Distrito para makakuha ng marami pang impormasyon tungkol sa proseso ng reklamo ng UCP ng yong Distrito.
Ang California Department of Education ay may mas maraming impormasyon sa webpage ng Uniform Complaint Procedures nito: https://www.cde.ca.gov/re/cp/uc/.
Reklamong Due Process sa Office of Administrative Hearings
Alinman sa ikaw o ang distrito ng paaralan ay maaaring humiling ng pagdinig ng due process kung hindi ka sasang-ayon tungkol sa IEP ng iyong anak, pagkanararapat, mga kinakailangang programa, o mga kaugnay na serbisyo. Maaari kang maghain ng iba’t ibang uri ng mga reklamo ng due process. Kasama sa mga uri na ito ang: pamamagitan lamang, pagdinig ng due process lamang, due process at pamamagitan,o pinabilis na pagdinig ng due process. Ang bawat isa sa mga uri na ito ay maikling nirepaso sa ibaba.
Kung mayroon kang hindi pagkakaunawaan sa paaralan tungkol sa pagbabago sa IEP ng iyong anak, maaari kang humiling ng “stay put”. Ang mga distrito ng paaralan ay hindi maaaring baguhin ang mga serbisyo ng special education o mga pagpapalagay sa sarili nila. Dapat kunin ng mga distrito ng paaralan ang iyong pahintulot. Paminsan-minsan, kapag may hindi pagkakaunawaan, ang mga distrito ng paaralan ay sumisige lang at gumagawa ng pagbabago nang wala ang iyong pahintulot. Kapag humiling ka ng “stay put” ang mga serbisyo ng kasalukuyang pagpapalagay ay mananatiling pareho hanggang sa maresolba ang hindi pagkakaunawaan mo at ng paaralan. Kung gusto ng paaralan na gumawa ng pagbabago sa IEP ng iyong anak, dapat kang bigyan nito ng Prior Written Notice. Ang Prior Written Notice ay binibigyan ka ng impormasyon tungkol sa mungkahing pagbabago ng paaralan.
Para sa higit na impormasyon tungkol sa paghahain ng reklamo ng due process sa Office of Administrative Hearings (OAH), mangyaring tingnan ang Special Education Rights and Responsibility Manual ng DRC, Kabanata 6: https://serr.disabilityrightsca.org/serr-manual/chapter-6-information-o….
Pamamagitan lamang:
Alinman sa distrito o magulang ang maghain ng kahilingan para sa pamamagitan lamang sa OAH. Magpapalabas ang OAH sa parehong partido ng Notice of Mediation na pinapayuha ang lahat ng partido ng petsa para sa pamamagitan. Boluntaryo ang pamamagitan. Ang isang partido ay maaaring piliing hindi dumalo. Kung magaganap ang pamamagitan, magkakasundo o hindi ang mga partido. Sa sandaling maganap ang pamamagitan, isasara ng OAH ang kaso. Kung hindi makaaabot ng kasunduan ang mga partido kung gayon ang partidong humiling sa pamamagitan ay maaaring maghain ng reklamo ng due process sa pamamagitan ng paghahain ng bagong aksyon.
Ang OAH ay may blangkong form para humiling ng Pamamagitan-lamang mula sa: https://www.dgs.ca.gov/OAH/Case-Types/Special-Education/Forms/Request-f….
Pagdinig lamang:
Ang uri ng reklamo na ito ay pinapayagan ang mga partido na direktang pumunta sa kumperensya ng paunang pagdinig at pagkatapos ay sa pagdinig. Ang partido ay dapat maghain para sa due process lamang kapag ang mga partido ay hindi matagumpay na sinubukan ang pamamagitan o kapag hindi maresolba ng mga partido ang hindi pagkakasundo. Sa pagdinig, ang parehong panig ay magpiprisinta ng ebidensya. Ang bawat panig ay tatawag ng mga saksi at magususumite ng anumang mga ulat at pagsusuri na sinusuportahan ang kanilang posisyon. Magpapasya ang Administrative Law Judge (ALJ) na ang mga saksi at dokumento ay tama at kung anong programa ang naaangkop.
Ang OAH ay may blangkong form para humiling ng due process lamang: https://www.dgs.ca.gov/OAH/Case-Types/Special-Education/Forms/Request-f….
Pagdinig ng due process at pamamagitan
Ito ang pinakakaraniwang uri ng reklamo ng due process. Sa uri ng reklamo na ito, maaaring magtakda ng petsa ang mga partido para sa pamamagitan. Kung hindi mareresolba ng mga partido ang kanilang hindi pagkakasundo, mapupunta ang mga partido sa pagdinig. Sa pagdinig, ang parehong panig ay magpiprisinta ng ebidensya. Ang bawat panig ay tatawag ng mga saksi at magususumite ng anumang mga ulat at pagsusuri na sinusuportahan ang kanilang posisyon. Magpapasya ang ALJ na ang mga saksi at dokumento ay tama at kung anong programa ang naaangkop.
Ang OAH ay may blangkong form para humiling ng pagdinig ng due process at pamamagitan: https://www.dgs.ca.gov/OAH/Case-Types/Special-Education/Forms/Request-f…
Pinabilis na due process
Ang reklamong pinabilis na due process ay maghahayag ng mga isyu na dapat mapabilis batay sa batas. Nangangahulugan ang “pinabilis” na ang isyu ay kinakailangang maresolba sa mas mabilis na takdang panahon. Kadalasan, ang mga isyu na ito ay kasangkot ang mga desisyon tungkol sa disiplina na maaaring maresolba nang mabilis para hindi naaapektuhan ng pag-antala ng edukasyon ng estudyante. Rerepasuhin ng OAH ang reklamo at tutukuyin kung ang mga isyu na nasa reklamo ay dapat “mapabilis”.
Ang ilang reklamo ng due process ay maaaring maging isang “dual” case – ang reklamo ay naghahayag ng mga isyu na pinabilis at hindi pinabilis. Para sa isang dual case, ang lahat ng isyu ay mareresolba sa mas mabilis na takdang panahon.
Para sa higit na impormasyon tungkol sa pinabilis na mga pagdinig ng due process, mangyaring tingnan ang publikasyo ng DRC na “My Child with a Disability Keeps Getting Suspended or Recommended for Expulsion” https://www.disabilityrightsca.org/publications/my-child-with-a-disabil….
Maghain ng reklamo sa pagtalima sa California Department of Education
Kapag mukhang nilabag ng distrito ang bahagi ng batas ng special education o pamamaraan, ang magulang, indibidwal, pampublikong distrito o organisasyon ay maaaring maghain ng reklamo sa pagtalima sa California Depatment of Education (CDE). Kasama sa mga halimbawa ng paglabag ang:
- kabiguang magsakatuparan ng indibidualized education program (IEP);
- kabiguang magtasa o magsangguni ng estudyante sa special education;
- kabiguang sundin ang mga takdang panahon para sa pagtatasa at pagsanggun; o
- kabiguang sabihan ang mga magulang ng isang pulong ng IEP.
Para sa higit na impormasyon tungkol sa paghahain ng reklamo, mangyaring tingnan ang Special Education Rights and Responsibility Manual ng DRC, Kabanata 6: https://serr.disabilityrightsca.org/serr-manual/chapter-6-information-o…
Ang halimbawa ng reklamo sa pagtalima ay available dito.
Mayroon ding template ng reklamo ng pagtalima kung nakaranas ng mga isyu ng COVID-19 special education ang iyong anak. Ang reklamo sa pagtalima ay available dito. Maaari mong gamitin ang template ng reklamo sa pagtalima; maaari mong i-copy at paste sa isang dokumento, kumpletuhin na iyong impormasyon, at pagkatapos ay ipadala sa CDE. Nagsama kami ng email at fax number para sa CDE, para maaari mong ihain ang iyong reklamo alinman sa pamamagitan ng email o fax. Maaari ka rin magsumite ng reklamo gamit ang online na nasasagutang form ng reklamo, na maaari mong ma-access sa link na ito: https://www.cde.ca.gov/sp/se/qa/documents/sedcomplaintform.pdf.
Maghain ng reklamo sa Office for Civil Rights
Nag-iimbestiga ang Office for Civil Rights (OCR) ng Department of Education ng U.S. ng mga paglabag ng mga paaralan na tumatanggap ng tulong hinggil sa pananalapi ng pederal. Nag-iimbestiga rin ang OCR ng mga paglabag sa Title II ng Americans with Disabilities Act ng pampublikong mga entidad, tulad ng mga distrito ng paaralan.
Ang mga reklamo sa OCR ay dapat maihain sa loob nang 180 araw ng diskriminasyon maliban lang kung dumaan ka na sa proseso ng panloob na karaingan ng paaralan. Kung natapos mo na ang proseso ng panloob na karaingan ng iyong paaralan, dapat mong ihain ang iyong reklamo sa OCR sa loob nang 60 araw ng desisyon ng iyong paaralan. Makahahanap ka ng impormasyon tungkol sa paghahain ng reklamo sa OCR sa https://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/index.html. Naglabas ang OCR ng tenikal na video ng tulong na tinatawag na “How to File a Complaint with the OCR” para tulungan ang mga magulang, pamilya, mga estudyante, at mga stakeholders na mas mabuting maunawaan kung paano sila maaaring maghain ng reklamong OCR; available ang video na ito sa www.youtube.com/embed/dvxa5dYNKK8.