SB 43 at Korte sa CARE: Madalas na mga Tanong sa Komunidad
SB 43 at Korte sa CARE: Madalas na mga Tanong sa Komunidad
Tinutugunan ng publikasyong ito ang mga karaniwang tanong ng komunidad tungkol sa dalawang bagong batas sa kalusugan ng isip sa California: Senate Bill 43 (Grave Disability) at ang CARE Act (CARE Court). Ang pagpapatupad ng parehong mga batas ay nagpapatuloy at nag-iiba ayon sa county. Huling na-update ang publikasyong ito noong 2/6/24 at hindi naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga kamakailang pag-unlad.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Tinutugunan ng paglalathalang ito ang karaniwang mga tanong sa komunidad tungkol sa dalawang bagong batas sa kalusugan ng isip sa California: Panukalang Batas sa Senado 43 (Malubhang Kapansanan) at ang Batas sa CARE (Korte sa CARE). Ang pagpapatupad ng parehong mga batas ay nagpapatuloy at nag-iiba ayon sa county. Ang paglalathalang ito ay huling binago noong 2/6/24 at hindi naglalaman ng impormasyon tungkol sa karagdagang kamakailang pag-unlad.
Kung kailangan mo ng tulong sa iyong partikular na sitwasyon, tumawag sa linya ng pagtanggap ng DRC sa: (800) 776-5746.
Panukalang Batas sa Senado 43 (2023)
Ano ang Panukalang Batas sa Senado 43?
Ang Panukalang Batas sa Senado (SB, Senate Bill) 43 ay kamakailang pinirmahan ng Gobernador at pinapalawig ang kahulugan ng Malubhang Kapansanan. Ang Malubhang Kapansanan ay isa sa mga pamantayang ginagamit upang ilagay ang mga pasyenteng may mga kapansanan sa hindi boluntaryong pagpapanatili. Ang hindi boluntaryong pagpapanatili ay nangangahulugan na ikaw ay maaaring ipanatili laban sa iyong kagustuhan.
Binabago ng SB 43 ang kahulugan ng Malubhang Kapansanan sa dalawang paraan:
- Dinaragdag ang malubhang karamdaman sa paggamit ng sangkap bilang isang dahilan na ang isang tao ay maaaring ilagay sa hindi boluntaryong pagpapanatili.
- Dinaragdag ang walang kakayanang magbigay para sa sariling personal na kaligtasan o kinakailangang medikal na pangangalaga bilang mga dahilan na ang isang tao ay maaaring ilagay sa hindi boluntaryong pagpapanatili.
Ang SB 43 ay nagkabisa noong Enero 1, 2024, maliban sa mga county na pumili na ipagpaliban ang pagpapatupad ng isa o dalawang taon. Naiulat na lahat ng mga county, maliban sa County ng San Francisco at County ng San Luis Obispo, ay ipinagpaliban ang pagpapatupad ng SB 43 ng hindi bababa sa isang taon.1
Ano ang Malubhang Kapansanan?
Ang Lumang Kahulugan:
Lumang Kahulugan: | Bagong Kahulugan (SB 43): |
Ang kondisyon kung saan ang isang tao, bilang resulta ng isang karamdaman sa kalusugan ng isip, ay hind kayang magbigay para sa kaniyang pangunahing personal na mga pangangailangan para sa pagkain, damit, o kanlungan. | Isang kondisyon kung saan ang isang tao, bilang resulta ng karamdaman sa kalusugan ng isip, malubhang karamdaman sa paggamit ng sangkap, o magkasamang nagaganap na karamdaman sa kalusugan ng isip at malubhang karamdaman sa paggamit ng sangkap .2 |
Kahulugang ng mga termino sa SB 43, ayon sa batas:
Termino | Kahulugan |
Malubhang Karamdaman sa Paggamit ng Sangkap |
Isang nasuri na karamdaman kaugnay sa sangkap na tumutugon sa mga pamantayan sa dyagnosis ng ‘malubha’ ayon sa itinukoy sa pinakabagong bersyon ng Manuwal sa Dyagnosis at Estadistika ng mga Karamdaman sa Isip (DSM, Diagnostic and Statistical Manual).
|
Personal na Kaligtasan | Ang kakayanan ng isang tao na mabuhay nang ligtas sa komunidad nang walang hindi boluntaryong detensyon o paggamot |
Kinakailangang Medikal na Pangangalaga | Ang pangangalaga na ang isang lisensyadong practitioner sa pangangalagang pangkalusugan, habang nagsasagawa sa loob ng saklaw ng kanilang kasanayan, ay tinutukoy na kinakailangan upang maiwasan ang malubhang pagkasira ng kasalukuyang pisikal na medikal na kondisyon na, kung hindi ginagamot, ay malamang na magreresulta sa malubhang pinsala sa katawan. |
Ano ba talaga ang ibig sabihin nito?
Ang isang tao ay maaaring ituring na malubhang may kapansanan, halimbawa, kung hindi na sila makakain nang sapat upang mabuhay o hindi na nila kayang panatilihin ang pabahay at ang dahilan ay ang karamdaman sa kalusugan ng isip o malubhang karamdaman sa paggamit ng sangkap. Hindi ito naaangkop kung ang tao ay walang karamdaman sa kalusugan ng isip o malubhang karamdaman sa paggamit ng sangkap. Gayunpaman, hindi malinaw kung ang unang tagatugon ang tutukoy sa pinagbabatayang dyagnosis ng isang tao.
Ang isang tao ay maaaring ilagay sa hindi boluntaryong pagpapanatili, na maaaring potensyal na magresulta sa conservatorship, kung ang kanilang pag-uugali ay tumutugon sa kahulugan ng Malubhang Kapansanan.
Ano ang 5150?
Ang 5150 ay isang seksyon sa kodigo sa batas ng estado na nagpapahintulot sa isang tao na ilagay sa hindi boluntaryong pagpapanatili nang 72 oras.3 Ang 5150 ay hindi isang kriminal na pag-aresto. Ang Malubhang Kapansanan ay isa sa mga pamantayan na maaaring gamitin upang ilagay ka sa isang 5150. Ang ibang mga pamantayan ay Panganib sa Sarili at Panganib sa Iba.
Ang 5150 ay maaaring maudyok ng alinman sa isang pulis o ibang opisyal ng kapayapaan o ng isang taong inaprubahan ng kagawaran sa kalusugan ng pag-uugali sa county.
Sa ilalim ng 5150, ang tagapagpatupad ng batas, ambulansya, o ibang awtorisdaong mga tao ay maaaring detinahin ang tao at ilipat sila sa isang pasilidad para sa layunin ng pagtatasa at pagsusuri sa kalusugan ng isip.
Hindi inaawtorisa ng mga 5150 ang hindi boluntaryong medikasyon o medikal na paggamot.4
Sa panahon ng pagpapanatili na ito, susuriin ka ng ospital upang tukuyin ang susunod na mga hakbang. Hindi ka nila kailangang ipanatili sa ospital nang buong 72 oras kung sa paniwala nila ay hindi mo kailangang manatili roon.5
Ano ang mangyayari matapos ang 72 oras na 5150 na pagpapanatili?
Kapag nagtapos ang 72 oras, maaari kang:
- pauwiin mula sa 5150 na pagpapanatili at sa ospital,
- ipasok bilang isang boluntaryong pasyente para sa patuloy na paggamot, o
- patuloy na ilagay sa hindi boluntaryong pagpapanatili sa ilalim ng ibang uri ng pagpapanatili.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Batas sa Lanterman Petris Short (LPS), tingnan ang aming mas mahabang paglalathala rito:
https://www.disabilityrightsca.org/publications/understanding-the-lanterman-petris-short-lps-act
Saan ipapanatili ang mga tao sa ilalim ng SB 43?
Hindi babaguhin ng SB 43 kung saan pinapanatili ang mga indibiduwal para sa paggamot sa kalusugan ng isip. Gayunpaman, pinapalawig ng SB 43 ang kahulugan ng Malubhang Kapansanan upang isama ang malubhang karamdaman sa paggamit ng sangkap. Hindi pa namin alam kung saan ipapanatili ang isang tao para sa malubhang karamdaman sa paggamit ng sangkap. Kasalukuyang walang pasilidad para sa hindi boluntaryong paggamot sa karamdaman sa paggamit ng sangkap sa California.
Batas sa CARE (Korte sa CARE)
Ano ang Korte sa CARE?
Ang Korte sa CARE ay isang batas ng estado na pinagtibay ng SB 1338 (2022). Ang Korte sa CARE ay kasalukuyang unti-unting pinapatupad sa buong California ayon sa county. Kasama sa mga county na naglunsad na ng kanilang mga programa sa Korte sa CARE ang: San Francisco, Orange, San Diego, Riverside, Stanislaus, Glenn, Tuolumne, at Los Angeles. Lahat ng mga county ay lalahok sa Korte sa CARE ayon sa batas. Walang opsyon na hindi sumali.
Sino ang karapat-dapat para sa Korte sa CARE?
Hindi naaangkop ang Korte sa CARE sa lahat ng mga kapansanan sa kalusugan ng isip. Partikular, dapat may schizophrenia spectrum ang isang tao o ibang mga saykotikong karamdaman upang maging kwalipikado.6
Mga Dyagnosis na Kwalipikado | Mga Dyagnosis na Hindi Kwalipikado |
Mga Karamdaman sa Schizophrenia Spectrum:
Iba Pang Saykotikong Karamdaman kabilang ang:
|
|
Hindi mo kailangang walang tirahan upang maging kwalipikado. Ang isang tao ay dapat 18 taong gulang o mas matanda upang maging kwalipikado.
Papel | Paglalarawan7 | Mga Pagsasaalang-alang |
Respondente | Ang indibiduwal na dumadaan sa proseso ng CARE. Sa kabuuan ng prosesong ito, ang indibiduwal na ito ay magkakaroon ng access sa mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali, pabahay, at ibang mga suporta sa komunidad, ayon sa naaangkop. | |
Boluntaryong Taga-suporta | Isang nasa gulang na pinili ng respondente na magbibigay ng suporta sa kabuuan ng proseso sa CARE at itaguyod ang mga gusto, pagpipilian, at awtonomiya ng respondente. | Hindi sinusubaybayan ang mga petsa sa korte |
Taga-petisyon | Isang indibiduwal na nagsampa ng isang petisyon para isaalang-alang ang respondente para sa proseso sa CARE. Kabilang sa mga halimbawa ng mga taga-petisyon ang isang miyembro ng pamilya, propesyunal sa kalusugan ng isip, unang tagatugon, manggagawa ng outreach sa walang tirahan, o kasama sa kuwarto/bahay. | Dapat dumalo sa unang pagdinig at kung may salungat na ugnayan ang presensya ng Taga-petisyon ay maaaring ma-drama. Pagkatapos ng unang pagdinig sa korte, papalit ang Kagawaran sa Kalusugan ng Pag-uugali ng County bilang taga-petisyon. |
Ahensiya sa Kalusugan ng Pag-uugali sa County | Ang mga ahensiya sa kalusugan ng pag-uugali sa county at kanilang mga pangkat ay may mahalagang papel sa proseso ng korte. Sinasama ng mga ahensiya ang respondente sa paggamot sa kalusugan ng isip at kinokonekta sila sa karagadagang mga serbisyo. Ang mga indibiduwal ay maaaring isama ang nakakontratang tagapagbigay, tagapagreseta, at/o pangangalaga. | Nag-uulat sa korte kung ang respondente ay may legal na kakayanan upang magbigay ng may alam na pahintulot ukol sa psychotropic na mga gamot kung hindi naabot ang kasunduan sa pangangalaga. Pasya batay sa isang pagsusuri sa huling 30 araw |
Tagapayo para sa Kalusugan ng Pag-uugali | Ang respondente ay maaaring ikonekta sa pabahay at tagapagbigay ng suporta sa komunidad sa pamamagitan ng proseso sa CARE. Mga halimbawa ng tagapagbigay ng pabahay ang permanenteng sumusuportang pabahay, abot-kayang pabahay, pansamantala/transisyonal na pabahay, at Magtulay na Pabahay sa Kalusugan ng Pag-uugali. Ang mga halimbawa ng mga tagapagbigay ng suporta sa komunidad ay maaaring mag-alok ng mga serbisyong panlipunan na pinopondohan sa pamamagitan ng Pandagdag na Kita sa Seguro/Pandagdag na Bayad ng Estado (SSI/SSP, Supplemental Security Income/State Supplementary Payment), pinansyal na tulong para sa mga imigrante, CalWORKs, Programa sa Tulong sa Pagkain sa California, programa sa Mga Serbisyo sa Suporta sa Bahay, at CalFresh. | Sa kasalukuyan, walang mga serbisyong nakatalaga ang karamihan sa mga county. |
Counsel for Behavioral Health | Sila ay responsable para sa pagkatawan sa kagawaran ng kalusugan ng pag-uugali sa county. Ang indibiduwal na ito ay maaaring isang tagapayo ng county o ibang itinalagang abogado. | |
Legal na mga Serbisyo para sa Pampublikong mga Tagapagtanggol | Sila ang responsable para sa pagkatawan ng mga interes at karapatan ng respondente. Sila ay itinalaga ng korte at ibinibigay anupaman ang kakayanan ng respondente na magbayad. | |
Huwis | Ang huwis ay nagsisibli bilang walang kinikilingang tagapagpasiya. Maliban kung may sigalutan, isasagawa nila ang kaso sa isang impormal, hindi mapang-away na kapaligiran. |
Sino ang maaaring magsampa ng petisyon sa ilalim ng Korte sa CARE?
Ang petisyon sa Batas sa CARE ay nagsisimula sa tugon na inuutos ng korte. Ang petisyon ay maaaring isampa ng:
- Ilang mga miyembro ng pamilya kabilang ang asawa, anak, magulang, kapatid, o lolo’t lola
- Mga kasama sa kuwarto
- Unang tagatugon na nagkaroon ng paulit-ulit na interaksyon sa respondente, kabilang ang pulis, mga EMT, paramedic, bomber, o manggagawa ng mobile na tugon sa krisis
- And patnugot ng ahensiya sa kalusugan ng pag-uugali sa county kung saan nakatira ang respondente
- Ang patnugot ng mga serbisyong pamprotekta ng nasa gulang sa county kung saan nakatira ang respondente
- Ang patnugot ng isang pampubliko o walang kita na organisasyon na nagbibigay sa tao ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali
- Patnugot ng ospital sa ospital kung saan na-ospital ang tao
- Tagapagbigay sa kalusugan ng pag-uugali na nangasiwa ng paggamot o nagbigay ng paggamot sa indibiduwal
- Pampublikong tagapag-alaga o pampublikong conservator ng county kung saan dumalo ang respondente o makatuwirang pinaniniwalaang dumalo
- Ang patnugot ng isang programa sa mga serbisyo sa kalusugan ng Indyano sa California o kagawaran ng kalusugan ng pag-uugali sa tribo sa California
- Ang huwis ng isang korte ng tribo na matatagpuan sa California8
Anong mangyayari kapag simulan ng isang tao ang proseso ng Korte sa CARE?
Narito ang mga hakbang matapos magsampa ang isang tao ng petisyon:
- Iimbestigahan ng ahensiya ng kalusugan ng pag-uugali sa county kung tumutugon ang tao sa mga pamantayan sa CARE at isusumite ang pagsusuri sa huwis.
- Magpapasiya ang huwis kung ang tao ay malamang na nakatutugon sa mga pamantayan sa CARE batay sa ulat.
- Kung magpasiya ang huwis na ang tao ay malamang na tumutugon sa mga pamantayan sa CARE, itatakda nila ang unang paghaharap (14 araw).
- Maaaring kasama sa unang paghaharap ang isang pagdinig sa mga merito, o ang pagdinig ay maaaring hiwalay.9 Sa pagdinig sa mga merito, magpapasiya ang huwis kung kwalipikado ang tao sa ilalim ng mga pamantayan sa CARE. Matapos ang pagdinig sa mga merito, itatakda ng korte ang pagdinig sa pangangasiwa ng kaso (14 araw).
- Ang paksa ng pagdinig sa pangangasiwa ng kaso ay kung mayroong “Kasunduan sa CARE.”
- Kung ang tao, kanilang abogado, at ang korte ay sasang-ayon sa kasunduan sa CARE, magtatakda sila ng kasunod na pagdinig sa 60 araw. Maaari ring gumawa ng mga pagbabago ang korte sa kasunduan sa CARE bago ito aprubahan.
- Kung ang tao, kanilang abogado, at ang huwis ay hindi sasang-ayon sa kasunduan sa CARE, mag-uutos ang korte ng isa pang klinikal na pagsusuri.
- Magsasagawa ang ahensiya sa kalusugan ng pag-uugali sa county ng isa pang pagsusuri upang bumuo ng mga rekomendasyon para sa Plano sa CARE.
- Sa loob ng 21 araw, magkakaroon ng pagdinig sa klinikal na pagsusuri. Imumungkahi sa pagdinig na ito ang Plano sa CARE. Sa pagdinig sa klinikal na pagsusuri, itatanghal ng ahensiya sa kalusugan ng pag-uugali sa county ang isang Plano sa CARE.10 Magtatakda ang korte ng isa pang pagdinig upang repasuhin ang Plano sa CARE sa loob ng 14 araw.
- Pagdinig sa pagrepaso ng plano sa CARE: Sa susunod na pagdinig na ito, maaaring aprubahan ng huwis ang Plano sa CARE. Sisimulan nito ang simula ng taong proseso sa CARE.
- Bilang bahagi ng pagdinig sa pagrepaso ng plano sa CARE, magpapasiya ang korte kung ang tao ay may kakayanan na magbigay ng may alam na pahintulot. Kung sa tingin ng korte na hindi maaaring makapagbigay ng may alam na pahintulot ang tao, maaaring iatas ng Plano sa CARE ang medikal na kinakailangang gamot sa pagpapanatag.11
- Para sa Plano sa CARE, ang mga pagdinig sa pagrepaso ay mangyayari kada 60 araw.
Tandaan na sa pagsisimula ng taong proseso sa CARE, ang indibiduwal ay tumanggap ng dalawang klinikal na pagsusuri at humarap sa korte nang hindi bababa sa apat na beses.12
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Kasunduan sa CARE at Plano sa CARE?
Ang Kasunduan sa CARE ay pinapasok ng indibiduwal, kagawaran ng kalusugan ng pag-uugali sa county, tagataguyod ng indibiduwal, at abogado ng indibiduwal. Dapat aprubado ito ng korte. Bagama't tinatawag ng estado na boluntaryo ang Kasunduan sa CARE, ang hukom ang may awtoridad na gumawa ng mga pagbabago dito bago ito maaprubahan. Ang daan sa Kasunduan sa CARE ay follow-up kada 60 araw kapag magsimula ang kasunduan. Kasama sa follow-up ang karagdagang mga pagharap sa korte.
Ang Plano sa CARE ay iniutos ng korte. Hindi kailangang sumang-ayon dito ang indibiduwal at kanilang abogado sa parehong paraan sa Kasunduan sa CARE.
Parehong ipinapalagay na 1 taon ang tagal at may kasamang kumbinasyon ng iba't ibang serbisyo.
Ano ang maaring nasa Plano sa CARE?
Ang Plano sa CARE ay isang taong-haba na plano sa paggamot na iniutos ng korte. Ang plano sa paggamot na ito ay maaaring kasama ang iniutos ng korte na mga gamot sa pagpapapanatag. Depende sa county at sa pagkakaroon ng mga serbisyo, ang ibang mga serbisyo tulad ng pagpapayo at pabahay ay maaaring makuha. Maaaring iutos ng korte ang mga pagdinig sa katayuan upang subaybayan kung ang tao ay sumusunod sa Plano sa CARE.
Ano ang mga gamot sa pagpapapanatag na iniutos ng korte?
Maaaring kasama sa mga gamot sa pagpapapanatag na iniutos ng korte ang anti-psychotic na mga gamot. Ang mga ito ay hindi pareho sa hindi boluntaryong gamot dahil ito ay hindi maaaring sapilitang ibigay. Ngunit, kahit pa ang mga ito ay hindi maaaring sapilitang ibigay, ang kabiguang inumin ang gamot ayon sa plano ay maaaring magresulta sa karagdagang mga aksyon mula sa korte, tulad ng pagsasangguni sa conservatorship. Bagama’t ito ay legal na iba mula sa “hindi boluntaryong gamot,” ito ay pinipilit pa rin.
Maaaring kasama sa mga gamot ang:13
|
Ano ang mangyayari kung hindi ako dumalo sa aking pagdinig sa Korte sa CARE?
Ang hukom ang may pagpapasya kung paano tumugon sa isang taong hindi lumalahok o sumusunod sa paggamot. Ang iba’t ibang mga county ay nagpaplano na pangasiwaan ito sa iba’t ibang paraan.14Walang partikular na kahihinatnan sa kautusan ang hindi pagdalo sa kanilang unang mga paglilitis sa korte. Ang isang tao ay maaaring isailalim sa conservatorship dahil sa kabiguang sumunod sa proseso ng Korte sa CARE sa anumang hakbang. Maaaring ring magpasiya ang huwis na balewalain ang mga paglilitis.
Gusto kong kumuha ng kaunting tulong mula sa aking Plano sa CARE, tulad ng pabahay, ngunit ayaw kong uminom ng gamot. Ano ang mangyayari?
Ang hindi pagsunod sa anumang bahagi ng Plano sa CARE ay nangangahulugan na maaaring gumawa ang korte ng karagdagang mga aksyon tulad ng pagsangguni sa conservatorship.
Kung ang mga paglilitis sa LPS, tulad ng isang 5150 o conservatorship, ay mangyayari kada 6 na buwan, ang mga detalye ng hindi pagsunod sa Plano sa CARE ay ituturing na patunay. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi dapat kasama ang impormasyon tungkol sa hindi pag-inom ng gamot.15
Ang Korte sa CARE ba isang programa sa pabahay?
Hindi.
Walang pondo sa pabahay ang nakalakip sa pagpapatupad ng Korte sa CARE.
Ang mga kalahok sa Korte sa CARE ay inuuna para sa kasalukuyang mga programa sa pantawid sa pabahay. Gayunpaman, ang pagpasok sa proseso ng Korte sa CARE ay hindi nagbibigay sa indibiduwal ng access sa mga serbisyo na hindi makukuha sa pamamagitan ng ibang paraan.16
Sino ang kakatawan sa akin sa aking pagdinig sa Korte sa CARE?
Ang mga indibiduwal na napapailalim sa mga paglilitis sa Korte sa CARE ay karapat-dapat sa pagkakatawan ng tagapayo sa lahat ng mga yugto.17 Nagkontrata ang ilang mga county ng mga organisasyon sa legal na tulong upang ikatawan ang mga indibiduwal sa kanilang mga pagdinig sa Korte sa CARE. Ang pambulikong tagapagtanggol ay maaaring magbigay ng pagkakatawan sa ibang mga county. Nag-iiba ito ayon sa county.
Kailangan ko bang sumunod sa plano sa paggamot sa Korte sa CARE?
Kung hindi ka sumunod, maaaring ipagpalagay ng korte na ang walang mas maluwang na alternatibo para sa iyong paggamot at isangguni ka sa conservatorship.18
Gayunpaman, ang mga county ay may ilang pagpapasya kung paano ito lapitan. Ang hindi pagsunod ay hindi awtomatikong nangangahulugan na papasok ka sa isang conservatorship.
Paano tutungo ang Korte sa CARE at SB 43 sa conservatorship?
Kung ikaw ay napapailalim sa mga paglilitis sa Korte sa CARE at mabigong sumunod sa plano sa paggamot, mayroong pagpapalagay na walang mas maluwang na paggamot ang naaangkop, na mag-uudyok ng pagsangguni sa conservatorship.
Pinapadali ng SB 43 na ilagay ang isang tao sa conservatorship sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kahulugan ng Malubhang Kapansanan. Ang malubhang kapansanan ay isang pamantayan na nagpapahintulot sa isang tao na ilagay sa hindi boluntaryong pagpapanatili at conservatorship.
Paano ko hahamunin ang conservatorship sa kalusugan ng isip?
Tingnan ang aming paglalathala sa paksang ito:
https://www.disabilityrightsca.org/publications/handbook-for-challenging-mental-health-conservatorships
- 1. https://www.latimes.com/california/story/2023-12-19/l-a-county-delays-implementation-of-new-criteria-for-gravely-disabled
- 2. Kodigo ng Kapakanan & mga Institusyon § 5008(h)(1).
- 3. Kodigo ng Kapakanan & mga Institusyon § 5150.
- 4. https://bhdp.sccgov.org/sites/g/files/exjcpb716/files/Documents/5150-Training-Law-Foundation-of-Silicon-Valley-2020.pdf
- 5. https://www.disabilityrightsca.org/publications/understanding-the-lanterman-petris-short-lps-act
- 6. https://www.courts.ca.gov/documents/CARE-Act-Eligibility-Criteria.pdf
- 7. https://care-act.org/library/volunteer-supporters
- 8. https://www.courts.ca.gov/documents/CARE-Act-JC-Fact-Sheet-FINAL-3.20.23.pdf
- 9. https://care-act.org/wp-content/uploads/2023/10/CA-CARE-Training_Overview-of-CARE-Process-for-Supporters.pdf
- 10. https://www.chhs.ca.gov/wp-content/uploads/2022/03/CARECourt_FAQ.pdf
- 11. https://care-act.org/wp-content/uploads/2023/10/CA-CARE-Training_Overview-of-CARE-Process-for-Supporters.pdf
- 12. https://www.courts.ca.gov/documents/CARE-Act-JC-Fact-Sheet-FINAL-3.20.23.pdf
- 13. https://vimeo.com/880266961?share=copy
- 14. https://www.kcra.com/article/care-court-california-mental-health-court-gets-underway/45415500
- 15. https://care-act.org/wp-content/uploads/2023/10/CA-CARE-Training_Overview-of-CARE-Process-for-Supporters.pdf
- 16. https://www.chhs.ca.gov/wp-content/uploads/2022/03/CARECourt_FAQ.pdf; https://leginfo.legislature.ca.gov/faces/billAnalysisClient.xhtml?bill_id=202120220SB1338#
- 17. Kodigo ng Kapakanan & mga Institusyon § 5976(c).
- 18. https://www.chhs.ca.gov/wp-content/uploads/2022/03/CARECourt_FAQ.pdf