Papel ng Katotohanan sa Diskriminasyon: Pampublikong Transportasyon

Publications
#7144.08

Papel ng Katotohanan sa Diskriminasyon: Pampublikong Transportasyon

Ipinagbabawal ng Titulo II ng Batas sa Mga Amerikanong May mga Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act) ang diskriminasyon ng mga serbisyo sa pampublikong transportasyon batay sa kapansanan.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ipinagbabawal ng Titulo II ng Batas sa Mga Amerikanong May mga Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act) ang diskriminasyon ng mga serbisyo sa pampublikong transportasyon batay sa kapansanan. Kabilang sa mga serbisyo sa pampublikong transportasyon ang mga sistema ng permanenteng ruta tulad ng mga bus sa lunsod at mga tren.  Ang mga ahensiya ng pampublikong transportasyon ay hindi maaaring tumanggi na maglingkod sa mga taong may mga kapansanan, at dapat silang bigyan ng makatuwirang mga kaluwagan (na tinatawag din na “makatuwirang mga pagbabago”) na kanilang kailangan upang magamit ang kanilang mga serbisyo.

ADA Title II – Mga Serbisyo sa Pampublikong Transportasyon

Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Transportasyon ang mga patakaran sa ADA na naaangkop sa transportasyon.  Sa ibaba ay listahan ng ilan, ngunit hindi lahat, ng mga kinakailangan para sa ahensiya ng pampublikong transportasyon upang sumunod sa ADA. Bumisita sa webpage ng Pangangasiwa ng Pederal na Transportasyon tungkol sa ADA para sa karagdagang impormasyon:https://www.transit.dot.gov/regulations-and-guidance/civil-rights-ada/americans-disabilities-act

Mga Kinakailangan para sa mga Bus at Van para sa mga Sistema ng Permanenteng Ruta:

Mga Anunsyo ng Paghinto:

  • Dapat i-anunsyo ng opereytor ng bus ang mga punto ng paglipat, pangunahing mga interseksyon, mga punto ng destinasyon, at ibang mga punto upang ang mga taong may kapansanan sa paningin at ibang mga kapansanan ay maunawaan ang kanilang lokasyon.
  • Dapat i-anunsyo ng opereytor ng bus ang anumang mga paghinto kapag hinihiling ng pasaherong may kapansanan.

Impormasyon ng destinasyon sa mga sasakyan: 

  • Ang mga sasakyan ay dapat may impormasyon sa destinasyon at ruta sa harapan at sa gilid ng sakayan ng sasakyan. Mahalaga ito partikular sa mga sasakyang nag-aalok ng iba-ibang mga ruta na gumagamit ng parehong mga himpilan.
  • Dapat i-anunsyo ang impormasyon sa destinasyon at ruta upang matiyak na alam ng mga taong may kapansanan sa paningin o ibang mga kapansanan kung aling sasakyan sila sasakay.

Mga Angkas at Rampa:

  • Ang mga sasakyan ay dapat mayroong aparato, tulad ng rampa o angkas, upang bigyan ng akses ang isang pasaherong gumagamit ng wheelchair na sumakay sa sasakyan. Ang mga angkas ay dapat kayang buhatin ang pinakamababang bigat na 600 libra at dapat magkasya ang wheelchair na may sukat 30 pulgada sa 48 pulgada.
  • Ang mga pasaherong gumagamit ng mga wheelchair, walker, saklay, baston, suhay o hindi kayang gumamit ng mga hagdan ay dapat pahintulutang gumamit ng angkas

Lagayan ng pamasahe:

  • Ang mga lagayan ng pamasahe ay dapat nakalagay kung saan hindi sila nakaharang sa daanan ng pasahero papasok ng bus

Mga gabay:

  • Ang mga gabay sa loob ng sasakyan ay dapat naaabot ng mga tao sa labas ng sasakyan pag pasok nila sa sasakyan. Ang gabay ay dapat naaabot sa buong proseso ng pagsakay, kasama ang pagdeposito ng pasahero ng kaniyang pamasahe sa lagayan ng pamasahe. 

Kahilingan sa Paghinto:

  • Ang mga taling hinihila o pindutan ay dapat naaabot ng taong naka-wheelchair at dapat hindi nangangailangan ng “mahigpit na paghawak, pagkurot, o pagpilipit ng galanggalangan.”

Katulong na mga Hayop:

  • Ang mga taong may mga kapansanan ay may karapatan na magdala ng katulong na mga hayop, ngunit hindi ang mga hayop sa pang-emosyunal na suporta, sa pampublikong transportasyon.  Ang mga katulong na hayop ay mga asong sinanay upang magsagawa ng trabaho o mga gawaing kaugnay sa kapansanan para sa mga taong may mga kapansanan.

Mga Kinakailangan para sa mga Sistema sa Sasakyan sa Mabilis na Riles

  • Ang bawat tren sa mabilis na riles ay dapat may hindi bababa sa isang karwahe na madaling mapuntahan at magamit ng mga indibiduwal na may mga kapansanan kabilang ang mga indibiduwal na naka-wheelchair.
  • Ang mga gabay ay dapat inilaan upang tulungan ang pagsakay at pagbaba, pagmamaniobra sa loob ng sasakyan, at pag-upo at pagtayo.

Paghiling ng Makatuwirang mga Pagbabago mula sa Ahensiya ng Pampublikong Transportasyon

Ang bawat entidad ng pampublikong transportasyon ay inaatasang magkaroon ng proseso para sa mga taong may mga kapansanan upang humiling ng makatuwirang mga pagbabago sa mga patakaran at kasanayan ng ahensiya upang ang serbisyo ay gawing kapakipakinabang sa kanila tulad ng sa mga taong walang mga kapansanan. Ang proseso ng paghiling ng pagbabago ay dapat ilarawan sa parehong pamamaraan na ginagamit ng kumpanya ng transportasyon upang ipabatid ang mga kasanayan at patakaran sa panlahat na publiko. Halimbawa, kung gumagamit ang kumpanya ng transportasyon ng website nito upang ipabatid ang mga patakaran at kasanayan nito, ang proseso sa paghiling ng mga pagbabago ay dapat kasama rin sa website.  Dagdag pa, ang proseso sa paghiling ng pagbabago ay dapat magagamit ng mga taong may mga kapansanan. 

Kung kaya, pinakamainam na humiling ng makatuwirang mga kaluwagan nang maaga gamit ang halimbawang kahilingan at mga sulat ng suporta sa dulo ng papel ng katotohanan na ito. Kung hindi kayang gumagawa ng kahilingan para sa makatuwirang mga kaluwagan nang maaga, maaari mong hilingin sa opereytor ng sasakyan ang mga kaluwagan na iyong kailangan.

Ang kahilingan sa makatuwirang mga kaluwagan na ginawa ng isang taong may kapansanan ay maaari lamang tanggihan sa sumusunod na mga dahilan:

  • Ang kahilingan ay hindi kinakailangan upang pahintulutan ang tao na gamitin ang sistema ng pampublikong transportasyon;
  • Ang pagkakaloob ng kahilingan ay pangunahing magbabago ng uri ng mga serbisyo, programa o aktibidad; o
  • Ang pagkakaloob ng kahilingan ay maglilikha ng pagbabanta sa kalusugan o kaligtasan ng iba.

Proseso ng Pagdaing para sa mga Ahensiya ng Pampublikong Transportasyon

Ang Tanggapan ng Sibil na mga Karapatan ng Pederal na Ahensiya ng Transportasyon (FTA, Federal Transit Administration) ang ahensiya na tumatanggap ng mga reklamo ukol sa mga paglabag sa ADA ng mga lokal na mga ahensiya ng transportasyon. Kung naniniwala ka na nagkaroon ng paglabag sa ADA, inirerekomenda ng Tanggapan ng Sibil na mga Karapatan ng FTA na magsampa ka ng reklamo nang direkta sa lokal na ahensiya ng pampublikong transportasyon upang mabigyan ang lokal na ahenisya ng pagkakataon na iwasto o tugunan ang iyong (mga) alalahanin bago magsampa ng reklamo sa FTA.

Inaatas ng Kagawaran ng Transportasyon (DOT, Department of Transportation) na magkaroon ng proseso sa pagdaing ang bawat lokal na ahensiya ng transportasyon.  Mahahanap mo ang proseso ng pagdaing ng iyong lokal na ahensiya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanila nang direkta o sa pagbisita sa kanilang website kung mayroon sila.

Kung hindi tumutugon ang lokal na ahensiya sa iyong alalahanin, maaari kang magpasya na magsampa ng reklamo sa Tanggapan ng Sibil na mga Karapatan ng FTA sa pamamagitan ng pagkumpleto ng pormularyo at pagpapadala nito:  

Makukuha mo ang pormularyo sa pagdaing sa link na ito: https://www.transit.dot.gov/sites/fta.dot.gov/files/docs/Consolidated_Civil_Rights_Complaint_Form.pdf

Bilang karagdagan sa pormularyo, dapat kasama sa reklamong iyong ipapadala ang sumusunod:

  • Buod ng iyong mga alegasyon at anumang mga sumusuportang dokumentasyon
  • Sapat na mga detalye para maunawaan ng imbestigador kung bakit naniniwala ka na nilabag ng tagapagbigay ng transportasyon ang iyong mga karapatan, kasama ng mga partikular na detalye tulad ng mga petsa at oras ng mga pangyayari.
  • Anumang kaugnay na pakikipag-ugnayan mula sa tagapagbigay ng transportasyon.

Ipadala ang nakumpletong pormularyo at anumang mga kalakip sa address sa ibaba:

 

Federal Transit Administration
Office of Civil Rights
Attention: Complaint Team
East Building, 5th Floor – TCR
1200 New Jersey Avenue, SE
Washington, DC 20590

  • Dapat kang magsampa ng reklamo sa FTA sa loob ng 180 araw ng kilos ng diskriminasyon.

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa pagsampa ng reklamo, maaari kang makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Sibil na mga Karapatan ng FTA sa 1-888-446-4511 o sa pamamagitan ng email sa FTA.ADAAssistance@dot.gov(nagpapadala ng e-mail ang link)

 

 

Halimbawang Sulat upang Humiling ng Makatwirang Kaluwagan

[Petsa]

Minamahal na [Tagapagbigay ng Pampublikong Transportasyon]:

Sumusulat ako upang humiling ng mga makatwirang kaluwagan para sa aking kapansanan/mga kapansanan. 

Ako [ay/gustong maging] customer ng [Tagapagbigay ng Transportasyon].  Dahil sa aking kapansanan, kailangan ko ang sumusunod na mga kaluwagan: [listahan ng mga kaluwagan].  

Itinuturing ng aking [doktor/saykayatrista/sikologo/terapruta/manggagawang panlipunan/occupational therapist/iba pang indibidwal (ilarawan)] ang mga kaluwagang ito na kinakailangan dahil sa aking kapansanan.  Mangyaring tingnan ang nakalakip na sulat mula kay [pangalan ng doktor o propesyunal].

Inaatas ng pederal at pang-estadong batas na bigyan ng mga negosyo ang mga estudyante at mga aplikante na may mga kapansanan ng mga makatwirang kaluwagan. Mangyaring tumugon sa kahilingang ito bago ang [petsa]. Huwag mag-atubiling makipag-uganayan sa akin sa [iyong numero ng telepono at/o e-mail address] kung mayroon kang anumang katanungan. 

Salamat. Taos-puso,

 

[Iyong pangalan]

[Iyong address]

 

 

Halimbawang Sulat ng Suporta

[Petsa]

Minamahal na [Tagapagbigay ng Pampublikong Transportasyon]:

Ako ang [doktor/saykayatrista/sikologo/terapruta/mangagawang panlipunan/occupational therapist] ni [Pangalan], at pamilyar ako sa kanyang kondisyon.  Siya ay may kapansanan na nagdudulot ng ilang limitasyon sa paggana.  Kabilang sa mga limitasyong ito ang [ilista ang mga limitasyon sa paggana na nangangailangan ng hinihiling na kaluwagan]. 

[Ang hinihiling na kaluwagan] ay kinakailangan ni [Pangalan] upang gumamit ng [pangalan ng pampublikong transportasyon].  [Ilarawan kung paano makatutulong o masusuportahan ng kaluwagan ang indibidwal].

Maraming salamat sa pagbigay ng makatuwirang kaluwagang ito para kay [Pangalan]. 

 

Taos-puso,

[Pangalan at Posisyon]