Papel ng Katotohanan sa Diskriminasyon laban sa Kapansanan: Trabaho

Publications
#F109.08

Papel ng Katotohanan sa Diskriminasyon laban sa Kapansanan: Trabaho

Ipinagbabawal ng Titulo I ng Batas sa Mga Amerikanong May Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act) ang diskriminasyon ng mga pribadong employer batay sa kapansanan. Kasama sa diskriminasyon ang hindi pantay na pagturing, paghihiganti at panliligalig laban sa mga empleyado at aplikante ng trabaho na may mga kapansanan. Kasama rin dito ang kabiguan sa pagbigay ng mga makatuwirang kaluwagan sa mga kasanayan, patakaran o mga kondisyon sa lugar ng trabaho ng employer upang tulungan ang kapansanan ng empleyado o aplikante. Isang halimbawang sulat ang ibinigay sa ikatlong pahina sa paghiling ng makatuwirang kaluwagan, at sa ika-apat na pahina ay isang halimbawang sulat ng suporta mula sa isang gumagamot na propesyunal.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ipinagbabawal ng Titulo I ng Batas sa Mga Amerikanong May Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act) ang diskriminasyon ng mga pribadong employer batay sa kapansanan. Kasama sa diskriminasyon ang hindi pantay na pagturing, paghihiganti at panliligalig laban sa mga empleyado at aplikante ng trabaho na may mga kapansanan. Kasama rin dito ang kabiguan sa pagbigay ng mga makatuwirang kaluwagan sa mga kasanayan, patakaran o mga kondisyon sa lugar ng trabaho ng employer upang tulungan ang kapansanan ng empleyado o aplikante. Isang halimbawang sulat ang ibinigay sa ikatlong pahina sa paghiling ng makatuwirang kaluwagan, at sa ika-apat na pahina ay isang halimbawang sulat ng suporta mula sa isang gumagamot na propesyunal.

Isinasaad din sa Batas sa Makatarungang Trabaho at Pabahay ng California (FEHA, California Fair Employment and Housing Act) ang katulad na mga proteksyon. Anumang paglabag sa ADA ay paglabag din sa pang-estadong batas. Gayunpaman, sa ilang pagkakataon, ang batas ng estado ay maaaring magbigay ng mas mataas na lebel ng proteksyon kaysa sa pederal na batas. Halimbawa, saklaw ng ADA ang mga employer na may 15 o higit pang mga empleyado, at saklaw ng FEHA ang mga employer na may lima o higit pang mga empleyado.

Ibinigay sa ibaba ang ilang mga mapagkukunan ng impormasyon online upang malaman ang higit pa tungkol sa diskriminasyon laban sa kapansanan at mga makatuwirang kaluwagan sa trabaho:

Sariling-Pagtaguyod

Kung naniniwala ka na ikaw ay nadiskrimina, maaari kang magsampa ng administratibong pagdaing (o “kaso”) sa pederal na Komisyon ng Pantay na Pagkakataon sa Trabaho (EEOC, Equal Employment Opportunity Commission), o sa Kagawaran ng Makatarungang Trabaho at Pabahay ng California (DFEH, Department of Fair Employment and Housing). Kailangan mong maghain ng administratibong pagdaing, at kumuha ng isang “sulat sa karapatang magdemanda” mula sa EEOC o sa DFEH, bago ka makapagsampa ng kaso para sa diskriminasyon laban sa kapansanan sa pederal o pang-estado na korte. Ang mga pagdaing ay maaaring ihain sa EEOC sa loob ng 300 araw mula sa petsa ng diskriminayson, at sa DFEH sa loob ng tatlong taon mula sa petsa ng diskriminasyon.

Ang mga proseso sa paghain ng kaso sa charge sa EEOC o DFEH ay ipinaliwanag sa mga website ng EEOC at DFEH sa https://www.eeoc.gov/employees/chargE.cfm at https://www.dfeh.ca.gov/complaintprocess/

Ang EEOC at DFEH ay kabahagi sa responsibilidad sa pag-imbestiga ng mga pagdaing sa diskriminasyon sa trabaho. Kung tinanggap ng DFEH ang iyong pagdaing para imbestigahan at ang iyong pagdaing ay makatugon sa mga kinakailangang para sa pagsampa sa EEOC, saka ipapasa ng DFEH ang iyong pagdaing sa EEOC. Kung ikaw ay nagsampa sa EEOC, awtomatikong ipapasa nito ang kopya ng pagdaing
sa DFEH.

Paglilitis

Ang mga paglabag sa mga batas na tinalakay sa itaas ay maaari ring ipatupad sa pamamagitan ng mga pribadong kaso. Mangyaring malaman na hinihigpitan ng mga kautusan ng mga limitasyon ang takdang panahon ng pagsampa ng kaso. Ang huling araw sa paghain ng kaso ay maaaring kasing-ikli ng 90 araw mula sa petsa ng “sulat sa karapatang magdemanda” na nagreresulta mula sa prosos ng administratibong pagdaing sa EEOC. Kung magpasya kang ipatuloy ang kaso, dapat mong talakayin ang mga huling araw na ito kasama ng isang pribadong abogado.

Kung ikaw ay naghahangad ng mas mababa sa $10,000 na halaga ng danyos, ang isa pang opsyon ay magsampa ng kaso ng diskriminasyon sa Korte ng Maliliit na mga Paghahabol (Small Claims Court). Ang mga kautusan sa mga limitasyon na itinalakay sa itaas ay naaangkop. Hindi ka maaaring gumamit ng abogado kung ikaw ay pupunta sa korte ng maliliit na paghahabol. Narito ang link sa isang paglalathala ng Disability Rights California na nagpapaliwanag sa proseso ng paggamit ng Maliliit na Paghahabol para sa mga kaso ng diskriminasyon ay makikita sa https://www.disabilityrightsca.og/publications/a-guide-to-small-claimscourt-how-to-sue-if-a-business-o-landlord-discriminates. Makikita mo rin ang impormasyon sa mga kaso ng maliliit na paghahabol sa website ng Mga Korte ng California sa http://www.courts.ca.gov/1062.htm.

Halimbawang Sulat upang Humiling ng Makatuwirang Kaluwagan

[Petsa]

Minamahal na [Employer]:

Sumusulat ako upang humiling ng mga makatuwirang kaluwagan para sa aking kapansanan/mga kapansanan. Ako ay [isang empleyado ng/nag-a-apply para sa isang posisyon sa] [Pampublikong Entidad]. Dahil sa aking kapansanan, kailangan ko ang sumusunod na mga kaluwagan: [listahan ng mga kaluwagan]. Itinuturing ng aking [doktor/saykayatrista/sikologo/terapruta/manggagawang panlipunan/occupational therapist/iba pang indibidwal (ilarawan)] ang mga kaluwagang ito na kinakailangan dahil sa aking kapansanan. Mangyaring tingnan ang nakalakip na sulat mula kay [pangalan ng doktor o propesyunal].

Inaatas ng pederal at pang-estado na batas na ang mga employer ay tumanggap ng mga empleyado at aplikante na may mga kapansanan. Mangyaring tumugon sa kahilingang ito bago ang [petsa]. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa akin sa [iyong numero ng telepono at/o e-mail address] kung mayroon kang anumang katanungan. Salamat.

Taos-puso,

[Iyong pangalan]

[Iyong address]

Halimbawang Sulat ng Suporta mula sa Isang Gumagamot na Propesyunal

[Petsa]

Minamahal na [Pampublikong Entidad]:

Ako ang [doktor/saykayatrista/sikologo/terapruta/mangagawang panlipunan/occupational therapist] ni [Pangalan], at pamilyar ako sa kanyang kondisyon. Siya ay may kapansanan na nagdudulot ng ilang limitasyon sa paggana. Kabilang sa mga limitasyong ito ang [ilista ang mga limitasyon sa paggana na nangangailangan ng hinihiling na kaluwagan].

[Ang hinihiling na kaluwagan] ay kailangan ni [Pangalan] upang [magtrabaho/mag-apply ng trabaho sa] [Employer]. [Ilarawan kung paano makatutulong o masusuportahan ng kaluwagan ang indibidwal].

Maraming salamat sa pagbigay ng makatuwirang kaluwagang ito para kay [Pangalan].

Taos-puso,

[Pangalan at Posisyon]