Pagpopondo ng Assistive Technology (Mapantulong na Teknolohiya) sa pamamagitan ng Sentrong Pangrehiyon
Pagpopondo ng Assistive Technology (Mapantulong na Teknolohiya) sa pamamagitan ng Sentrong Pangrehiyon
Ang mga sentrong pangrehiyon ay responsable sa pagbibigay o pag-aayos ng mga serbisyo at suporta para sa mga indibidwal na may mga kapansanan hinggil sa paglilinang. Para humingi ng assistive technology sa pamamagitan ng mga sentrong pangrehiyon, dapat ka munang mag-aplay para sa kanilang mga serbisyo at matuklasang karapat-dapat. Ang mga taong may mga kapansanan na natuklasang karapat-dapat para sa mga serbisyo mula sa sentrong pangrehiyon ay tinatawag na mga "consumer".
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Anu-ano ang sentrong pangrehiyon?
Ang mga sentrong pangrehiyon ay responsable sa pagbibigay o pag-aayos ng mga serbisyo at suporta para sa mga indibidwal na may mga kapansanan hinggil sa paglilinang. Para humingi ng assistive technology sa pamamagitan ng mga sentrong pangrehiyon, dapat ka munang mag-aplay para sa kanilang mga serbisyo at matuklasang karapat-dapat. Ang mga taong may mga kapansanan na natuklasang karapat-dapat para sa mga serbisyo mula sa sentrong pangrehiyon ay tinatawag na mga "consumer". Para sa higit pang impormasyon sa kung sino ang karapat-dapat para sa mga serbisyong sentrong pangrehiyon at kung paanong mag-aplay, bisitahin ang seksyon ng website ng Department of Developmental Services (DDS) sa pagkanararapat ng sentrong pangrehiyon dito. Ang assistive technology ay isa sa mga serbisyo na ibinibigay ng mga sentrong pangrehiyon. Ang iba pang lugar tulad ng mga distrito ng paaralan, Medi-Cal at Departamento ng Rehabilitasyon ay nagbibigay din ng assistive technology sa mga indibidwal na may mga kapansanan, ngunit ang fact sheet na ito ay magtutuon sa pagkuha ng assistive technoloy sa pamamagitan ng mga sentrong pangrehiyon.
Ano ang assistive technology sa ilalim ng Lanterman Act?
Ang Lanterman Act ay ang batas ng California na nagbibigay sa mga tao na may mga kapansanan hinggil sa paglilinang ng karapatan sa mga serbisyo at suporta na kanilang kinakailangan para mamumay nang mas malaya at normal na buhay. Ginagamit ngLanterman Act ang katawagang “special adaptive equipment” para ilarawan ang assistive technology.1 Ang Lanterman Act ay hindi nagbibigay ng kumpletong listahan ng mga uri ng espesyal na adaptibong kagamitan/assisted technology na mahihilingan mo ang iyong sentrong pangrehiyon para magbigay, ngunit sinasabi nito na ang “espesyal na adaptibong kagamitan tulad ng mga wheelchair, higaang pang-ospital, aparatong pangkomunikasyon, at iba pang kinakailangang kasangkapan at mga supply” ay dapat maging nakalaan kapag kinakailangan.2 Sinasabi ng website ng DDS na, nilalarawan ng “Assistive Technology (AT) ang mga aparatong ginagamit ng mga bata at may sapat na gulang na may mga kapansanan hinggil sa paglilinang at iba pa na lumahok sa pang-araw-araw na mga karanasan ng buhay.” Inililista ng DDS ang ilang uri ng AT at nagbibigay ng mga halimbawa, kabilang ang: Komunikasyon, Kadaliang lumipat, Audio-Visual, Kontrol hinggil sa Kalikasan at mga Pisikal na Pagbagay. Mababasa mo ang higit pa tungkol sa AT sa website ng DDS dito.
Bilang isang taong may kapansanan hinggil sa paglilinang, mayroon ba akong karapatan na tumanggap ng assistive technology?
Oo. Bilang isang tagagamit ng sentrong pangrehiyon, may karapatan kang makakuha ng mga serbisyo at suporta, tulad ng assistive technology, sa “pinakakaunting hinihigpitang kapaligiran”.3 Nangangahulugan iyon na ang sentrong pangrehiyon ay kailangang magbigay ng assistive technology saan ka man naninirahan: sa iyong tahanan, sa isang foster care home, sa isang pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, lisensyadong pasilidad ng pangangalagang pangkomunidad, o isang residensyal na pasilidad ng pangangalaga.4 Dapat siguraduhin ng mga sentrong pangrehiyon na makukuha mo ang assistive technology na makatutulong sa iyo na matugunan ang iyong sariling indibidwal na mga pangangailangan.5
Paano ko uumpisahan ang paghingi sa sentrong pangrehiyon para sa assistive technology?
Pagkatapos matuklasang karapat-dapat sa isang sentrong pangrehiyon, dapat lumikha ang sentrong pangrehiyon ng Individualized Program Plan (IPP) para sa iyo, kung saan ay isang nakasulat na plan para matulungan kang maabot ang iyong mga layunin at nilalayon, at kasama ang mga serbisyo at suporta na kailangan mo para matugunan ang mga iyon. Tingnan ang higit pa tungkol sa paglikha ng IPP at kung bakit napakahalaga ng IPP sa website ng DDS dito (Tingnan ang mga pahina S-4, S-7 at S-8). Dapat isama ng iyong IPP ang lahat nang kinakailangang assistive technology. Pagkatapos maisulat ang iyong assistive technology sa iyong IPP, dapat magbayad, kumuha, sanayin ka ng sentrong pangrehiyon sa kung paanong gamitin at panatilihin ito para sa iyo.
Ano ang maaari kong gawin kung tatanggihan ng sentrong pangrehiyon ang aking kahilingan para sa assistive technology?
Kung tatanggihan ng sentrong pangrehiyon ang iyong kahilingan para sa assistive technology at hindi ka sumasang-ayon sa kanilang desisyon, maaari kang “mag-apela” (magpadala ng nakasulat na abiso na sinasabi sa kanila na hindi ka sumasang-ayon). . May mga limit ng panahon para sa proseso ng mga apela na dapat mong sundin. Una, kung magpapasya ang sentrong pangrehiyon na hindi ito magbibigay ng serbisyo o suporta na hinihingi mo, dapat nitong bigyan ka ng nakasulat na abiso sa pamamagitan ng certified mail sa loob nang 5 araw na may pasok (hindi kasama ang mga katapusan ng linggo at holiday). Paminsan-minsan hindi nagpapadala ng nakasulat na abiso ang mga sentrong pangrehiyon kapag napapasya silang tanggihan o magbago ng serbisyo na gusto o kailangan mo. Ilegal iyon. Dapat kang humingi ng nakasulat na abiso kapag hindi ka sumasang-ayon sa isang desisyon ng sentrong pangrehiyon. Pagkatapos ay makapagpapasya ka kung gusto mong mag-apela o hindi. Kung gusto mong manatili ang isang serbisyo o suporta sa panahon ng proseso ng mga apela, kailangan mong maghain ng nakasulat na apela sa loob nang 10 araw nang maabisuhan ng sentrong pangrehiyon.6 Ang pagpapatuloy ng mga serbisyo sa panahon ng proseso ng patas na pagdinig ay kilala rin bilang “aid paid pending.”78
Mayroon kang 30 araw para maghain ng apela para sa patas na pagdinig.9 Ngunit kung gusto mong maghintay nang ganoong katagal, maaaring itigil, bawasan o baguhin ng sentrong pangrehiyon ang mga serbisyo o suporta sa panahon ng proseso ng apela. Para sa higit pang impormasyon sa proseso ng patas na pagdinig, pumunta sa website ng DDS at basahin ang “The Fair Hearing Process for Consumers Age 3 Years and Older” dito. Kung kailangan mo ng impormasyon sa patas na pagdinig sa isang gumagamit na mas bata sa tatlong taong gulang, mangyaring magbasa pa sa website ng DDS dito.
- 1. Welf. & Inst. §4685(c)(1).
- 2. Welf. & Inst. §4685(c)(1).
- 3. Welf. & Inst. §4648(a)(1)-(2).
- 4. Welf. & Inst. §4648(a)(9)(A). Hihilingan ka muna ng sentrong pangrehiyon na ubusin ang anumang alternatibong pinagkukunan tulad ng Medi-Cal, California Children Services, isang distrito ng paaralan, o pribadong health insurance bago nito isaalang-alang ang pagbibigay sa serbisyo at/o bagay.
- 5. Welf. & Inst. §4648(a)(2).
- 6. Welf. & Inst. § 4715 (a).
- 7. Welf. & Inst. § 4710.5(a)
- 8. Welf. & Inst. § 4710(b)
- 9. Welf. & Inst. § 4710.5 (a).