Mga brochure

Mga brochure
Pagtatanggi: Ang mga materyales na ito ay nakabatay sa batas sa panahon na isinulat namin ang mga ito. Pinipilit naming i-update ang aming mga materyales; gayon pa man, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong makasiguro na hindi nagbago ang batas, kontakin kami o iba pang legal na mapagkukunan.
CAP - Paano makakatulong a iyo ang Programa sa Pagtulong sa Kliyente Makakatulong Sa Iyo ang CAP
Ang mga Karapatan ng Mga Taong May Kapansanan sa California ay nagbibigay ng mga serbisyong CAP sa buong estado. Nagbibigay ng impormasyon, payo at adbokasiya ang CAP upang matulungan ang mga tao na walang kakayahang makakuha ng mga serbisyo sa pagtatrabaho mula sa DOR, tulad ng pagsasanay, edukasyon at sa trabaho. Tumutulong ang CAP na protektahan ang mga karapatan ng mga tao na nakakatanggap o nangangailangan ng mga serbisyo mula sa DOR, Sentro ng Indipinyenteng Pamumuhay, o iba pang mga ka-partner na Pinopondohan ng Rehabilitation Act.
Work Incentives Planning & Assistance (WIPA)
Ano ang WIPA?
Ang programang Work Incentives Planning and Assistance (WIPA) ay isang libreng serbisyo na tinutulungan ang mga benepisyaryo ng Social Security na tumatanggap ng mga benepisyo batay sa isang kapansanan sa ipinaalam na mga pagpipilian tungkol sa kanilang mga layunin sa pagtatrabaho. Ang programang ito ay para sa mga indibidwal na kasalukuyang nagtatrabaho, may sariling negosyo, o naghahanap ng trabaho o magsasarili ng negosyo.