Mga Tuntunin ng Early Start sa Paggamit ng Pribadong Insurance

Publications
#7140.08

Mga Tuntunin ng Early Start sa Paggamit ng Pribadong Insurance

Ang Early Start ay isang programa para sa mga sanggol at batang may kapansanan at kanilang mga pamilya. Ipinapaliwanag ng pub na ito ang pagbabago sa batas tungkol sa paggamit ng pribadong insurance para sa mga serbisyo ng Maagang Pagsisimula. Kung hindi saklaw ng pribadong insurance ang serbisyo, maaaring bayaran ito ng sentrong pangrehiyon. Sinasabi sa iyo ng pub na ito kung ano ang gagawin kung gusto ng sentrong pangrehiyon na baguhin ang mga serbisyo ng iyong anak at kung saan kukuha ng tulong.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang Early Start ay programang maagang intervention ng California para sa mga sanggol at toddler na may edad na 0 hanggang 2 taon (hanggang sa edad na 3). Sa paglipas ng mga taon, ang mga batas ay nagbago tungkol sa mga serbisyo ng Early Start na mabibili ng mga panrehiyong sentro at kung paano tumatakbo ang mga panrehiyong sentro. Ang publikasyong ito ay naglalarawan ng batas tungkol sa paggamit ng pribadong insurance para sa mga serbisyo ng Early Start, kabilang ang mga pinakahuling pagbabago .

Ang isang halimbawa ng pagbabago ng batas ay nangyari noong Hulyo 2023. Ang bagong batas ay nagsasabi sa panahon ng pagbuo, nakatakdang pagsusuri, o modipikasyon ng isang Individual Family Service Plan (IFSP), ang pangkat ng pagpaplano ay maaaring magpasya kung ang isang serbisyong medikal ay hindi makukuha sa loob ng 60 araw ng kalendaryo sa pamamagitan ng pribadong insurance o Medi-Cal. Kung ang kailangang serbisyong medikal ay hindi makukuha sa loob ng 60 araw ng kalendaryo, ang panrehiyong sentro ay maaaring magbayad para rito. Ang batas na ito ay nagkabisa noong Hulyo 10, 2023.1 Ito ay inilalarawan din sa ibaba.

Paggamit ng Pribadong Insurance

Narito ang batas mula noong 2012 tungkol sa paggamit ng pribadong insurance para sa mga serbisyong medikal at pangangalagang pangkalusugan na natukoy sa IFSP ng isang karapat-dapat na sanggol o toddler .

Ang paggamit ng isang plano sa pribadong insurance ay hindi dapat:2

  1. Ibilang na o magresulta sa pagkawala ng mga benepisyo para sa taong may kapansanan o ibang saklaw na mga miyembro ng pamilya dahil sa isang taunan o buong buhay na hangganan;
  2. Na negatibong makaapekto sa kahandaan o magresulta sa pagkaputol ng pribadong insurance para sa taong may kapansanan o ibang saklaw na mga miyembro ng pamilya; o
  3. Maging batayan ng pagtaas ng hulog sa pribadong insurance para sa taong may kapansanan o ibang saklaw na mga miyembro ng pamilya.

Ang pederal na batas ay nag-aatas sa pangkalahatan ng pahintulot ng magulang para magamit ng panrehiyong sentro ang pribadong insurance upang magbayad para sa mga serbisyong maagang intervention.3 Gayunman, ang pahintulot ng magulang ay hindi iniaatas sa ilalim ng pederal na batas kung ang estado ay nagpatibay ng isang batas na nagpoprotekta sa mga magulang laban sa isang masamang resulta na maaari nilang matanggap dahil ang isang panrehiyong sentro ay gumamit ng mga benepisyo ng pribadong insurance.4 Dahil ang California ay nagpatibay ng isang batas na nagpoprotekta sa mga magulang laban sa tatlong posibleng masamang resulta, ang pahintulot ng magulang ay hindi na iniaatas. Maaaring magamit ng isang panrehiyong sentro ang mga benepisyo ng pribadong insurance upang magbayad para sa mga serbisyo ng Early Start.

Dapat Tiyakin ng mga Pangkat ng Pagpaplano na Mabilis na Nakakatanggap ang mga Kliyente ng mga Serbisyong Medikal

Narito ang batas mula noong 2023 tungkol sa pagbabayad ng mga panrehiyong sentro para sa mga serbisyong medikal. Ang pangkat ng pagpaplano ay dapat magpasya sa panahon na ang isang IFSP ay binubuo, sinusuri, o binabago kung ang isang natukoy na serbisyong medikal ay makukuha sa pamamagitan ng plano sa pribadong insurance ng pamilya sa loob ng 60 araw ng kalendaryo.5 Kung ang serbisyong medikal na iyon ay hindi masasaklaw ng plano sa pribadong insurance ng pamilya sa loob ng 60 araw, ang panrehiyong sentro ay dapat magbayad para rito. Dapat mag-awtorisa ang mga panrehiyong sentro ng pagpopondo sa pagbili ng serbisyo nang walang pagkaantala upang sumunod sa iniaatas na ang mga serbisyo ay mabilis na ipinagkakaloob.6

Ang mga Magulang ay Pinoprotektahan laban sa Posibleng mga Resulta

Kung ang isang magulang ay nagtamo ng anumang premium, co-payment, o deductible, ang mga gastos na iyon ay dapat isama sa isang sistema ng mga pagbabayad ng pamilya para sa mga serbisyo ng Early Start.7 Ang California ay hindi pa nakapagpatibay ng anumang sistema ng estado sa mga pagbabayad ng pamilya. Ito ay nangangahulugan na ang mga magulang ay responsable para sa pagbabayad ng anumang deductible o co-payment na may kaugnayan sa paggamit ng panrehiyong sentro sa pribadong insurance upang magbayad para sa mga serbisyo ng Early Start. Kung gusto ng panrehiyong sentro na gumamit ng pribadong insurance na pangkalusugan upang magbayad para sa mga serbisyo ng Early Start, dapat tiyakin ng mga magulang na ang panrehiyong sentro ay magbabayad sa anumang mga deductible o mga co-payment para sa mga serbisyo ng Early Start. Ang mga kasunduan tungkol dito ay dapat na nakasulat, kabilang ang sa IFSP.

Kung ang California ay magpatibay ng isang sistema na nag-aatas sa mga magulang na magbayad ng mga co-payment o deductible ng insurance, dapat isama ng estado ang isang probisyon na nagpapasya kung kailan ang isang magulang ay hindi makakapagbayad.8 Ang mga serbisyo ng Early Start ay hindi maaaring maantala o itanggi dahil sa hindi pagbibigay ng magulang ng pahintulot na gamitin ang pribadong insurance kapag natugunan nila ang pamantayan ng estado sa kawalan ng kakayahang magbayad.9

Pagbibigay ng mga Health Care Card sa mga Panrehiyong Sentro

Mula noong 2009, ang California ay nag-aatas sa mga magulang na magbigay sa panrehiyong sentro ng mga kopya ng anumang mga card ng mga benepisyong pangkalusugan na karapat-dapat ang anak, kabilang ang mga plano sa pribadong insurance na pangkalusugan.10 Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa mga panrehiyong sentro na malaman kung aling mga sanggol at toddler ang mayroong mga benepisyong maaaring gamitin upang magbayad para sa mga serbisyo ng Early Start. Ang mga panrehiyong sentro ay maaaring regular na humingi ng pahintulot sa mga magulang upang gamitin ang kanilang insurance na pangkalusugan upang magbayad para sa mga serbisyo.

Ang Panrehiyong Sentro ay Dapat Magbigay ng Nakasulat na Paunawa ng Aksyon

Kung gusto ng panrehiyong senro na may baguhin tungkol a mga mga serbisyo ng Early Start sa iyong anak, dapat silang magbigay ng nakasulat na paunawa nang may makatwirang panahon bago mangyari ang pagbabago, Ang paunawa ay dapat magpahayag:

  • ng aksyon na iminumungkahi o tinatanggihan ng panrehiyong sentro;
  • ng mga dahilan ng pggawa ng aksyon; at
  • kung paano magharap ng reklamo o humingi ng angkop na proseso ng pamamagitan o pagdinig.

Ang paunawa ay dapat ding malinaw sa karamihan ng mga tao at nasa gustong wika ng magulang. Dapat itong ipasalin ng panrehiyong sentro at tiyakin nito na naiintindihan ito ng magulang.

Pamamagitan, mga Pagdinig, at mga Reklamo

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga apela at reklamo sa Early Start, mangyaring tingnan ang aming publikasyon sa Pagiging Karapat-dapat sa Early Start.

  • 1. Welfare and Institutions Code Sec. 4646.4(a)(2)(A).
  • 2. Government Code Sec. 95004(c).
  • 3. 34 CFR Sec. 303.520(b)(1)(i).
  • 4. 34 CFR Sec. 303.520(b)(2).
  • 5. Welfare and Institutions Code Sec. 4646.4(a)(2)(B).
  • 6. Welfare and Institutions Code Sec. 4646.4(a)(2)(B); Government Code Sec. 95004(b)(2); 34 CFR Sec. 303.511(d)(1).
  • 7. 34 CFR Sec. 303.520(b)(1)(ii).
  • 8. 34 CFR Sec. 303.521(a)(3).
  • 9. 34 CFR Sec. 303.520(c).
  • 10. Government Code Sec. 95020(b) & (f).