Mga Takdang Panahon ng Special Education
Mga Takdang Panahon ng Special Education
Ang Espesyal na Edukasyon ay may maraming mga timeline at maaaring mahirap itong subaybayan! Gamitin ang dokumentong ito upang maghanap kung kailan mo aasahan ang mga pagpupulong, tugon, pagtatasa, at higit pa!
Inisyal na Pagtatasa at Pagpapaunlad ng IEP
Plano ng Pagtatasa
Dapat padalhan ng distrito ang mga magulang ng plano ng pagtatatasa sa loob nang 15 araw ng kalendaryo mula sa pagsangguni. EC 56043(a). Maaaring sumang-ayon ang mga magulang sa ekstensyon nang nakasulat. Hindi kasama sa takdang panahon na 15-araw ang mga araw ng kalendaryo sa pagitan ng regular na sesyon ng estudyante o mga takda o araw ng kalendaryo ng bakasyon ng paaralan nang labis sa limang araw.
Maaaring magpasya ang mga magulang kung lalagdaan ang plano ng pagtatasa o hindi. Mayroon sila nang hindi bababa sa 15 araw ng kalendaryo mula sa pagtanggap ng minumungkahing plano para magdesisyon. EC 56043(b).
Repaso ng Pagtatasa
Pagkatapos ay magpupulong ang koponan ng IEP para repasuhin ang inisyal na mga pagtatasa at pagpasyahan ang pagkanararapat ng estudyante. Sa sandaling makatanggap ang koponan ng pahintulot na pangmagulang, mayroon itong 60 araw ng kalendaryo para magrepaso. EC 56043(c). Kung magpapatala ang estudyante sa iba pang Lokal na Ahensyang Pang-edukasyon o hindi ginawang available, hindi lalapat ang takdang panahon na ito. Kung karapat-dapat ang estudyante, mayroong 60 araw ng kalendaryo ang koponan pagkatapos matanggap ang pahintulot para sa pagtatatasa. EC 56043(f)(1). Ito din ay dapat nasa loob nang 30 araw ng pagpapasya sa pagkanararapat. EC 56043(f)(2). Maaaring sumang-ayon ang mga magulang sa ekstensyon nang nakasulat. Kapag ginawa ang pagsangguni sa loob nang 30 araw o mas mababa bago sa pagtatapos ng taon ng regular na iskuwela, dapat mabuo ang IEP sa loob nang 30 araw pagkatapos ng simula ng taon ng iskuwela. EC 56344(a).
Nalalapat sa Lahat ng IEP
Dapat maabisuhan ang mga magulang sa pulong ng koponan ng IEP nang maaga para matiyak ang pagkakataon para makadalo sila. EC 56302.1(e); EC 56341.5(b).
Dapat magbigay ang koponan ng IEP ng abiso ng mga pangangalaga hinggil sa pamamaraan sa bawat pulong ng IEP. Kailangan lang nilang magbigay ng kopya ng abiso sa mga magulang nang minsan kada taon ng iskuwela. EC 56500.1.
Dapat maipatupad ang IEP sa lalong madaling panahon pagkatapos ng pulong. EC 56043(i).
Mga pagtatasa
Triennial na Pagkanararapat
Dapat maganap ang repasong triennial na pagkanararapat tuwing tatlong taon, batay sa petsa ng huling repaso ng triennial. Maaaring magkasundo nang nakasulat ang mga magulang at distrito na hindi kinakailangan ang mga muling pagtatasa. Maaari itong maganap nang mas madalas kung kinakailangan.
Paghiling ng IEE
Dapat tumugon ang distrito sa isang kahilingan para sa IEE nang walang hindi kinakailangang antala. 34 CFR 300.502(b). Nagbibigay ang batas ng makatwiran ngunit maikling panahon na payagan ang magulang/tagapag-alaga at ang disttrito ng paaralan na mag-usap at makipag-ayos tungkol sa kahilingan ng IEE.
Karagdagang mga Pulong ng IEP
Taunang Repaso ng Koponan ng IEP
Dapat marepaso ang mga IEP taun-taon. EC 56043(d); EC 56343(d). Maaaring maging mas madalas ito. EC 56043(j). Kung nasa pagpapalagay na paninirahan ang estudyante, dapat marepaso ang IEP tuwing anim na buwan. EC 56043(x).
Hiniling-ng-Magulang na Pulong ng IEP
Maaaring humiling ang magulang ng pulong ng IEP Dapat maganap ang pulong sa loob nang 30 araw ng pagkakatanggap ng nakasulat na kahilingan. EC 56043(l). Kung pasalitang humiling ang magulang, dapat utusan ng distrito ng paaralan ang magulang na gumawa nang nakasulat na kahilingan. EC 56343.5.
Pagbabago sa Pagpaplano
Individual Transition Plan
Dapat nasa IEP ang Individual Transition Plan sa oras na maging 16 ang estudyante. Dapat marepaso ang ITP nang taun-taon. EC 56043(g)(1).
Mga Karapatan sa Paglipat
Inililipat ang mga karapatan mula sa mga magulang sa mga estudyante kapag naging 18 ang estudyante. Dapat mapaalaman ang estudyante bago sila maging 17 EC 56043(g)(3).
Mga Paghiling ng mga Rekord
Dapat mabigyan ang mga magulang ng kopya ng mga rekord ng estudyante sa loob nang limang araw na may trabaho ng kanilang kahilingan at bago sa anumang pulong o sesyon ng resolusyon ng IEP. Maaaring pasalita o nakasulat ang kahilingan. EC 56043(n).
Dapat maibigay ng bagong LEA ang mga rekord ng estudyante sa loob nang limang araw ng kahilingan. EC 56043(o).
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.