Mga Plano sa Emerhensiya para sa IEPs

Publications
#7181.08

Mga Plano sa Emerhensiya para sa IEPs

Sa ilalim ng batas ng California, ang mga mag-aaral na may mga kapansanan na may Individualized Education Program (IEP) ay dapat magkaroon ng Emergency Plan sa lugar na Cal. Ed. Code § 56345(a)(9). Inaatasan ng batas ang mga pangkat ng IEP na isaalang-alang kung paano maaaring maapektuhan ang mga indibidwal na pangangailangan ng isang mag-aaral sa mga sitwasyong pang-emergency.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Sa California, madalas nangyayari ang mga emerhensiyang sitwasyon. Maaaring kasama sa mga emerhensiyang sitwasyon ang natural na sakuna tulad ng mga wildfire, baha, at lindol ngunit maaaring kasama rin ang mga epidemya, tulad ng pandemia sa COVID-19.

Sa ilalim ng batas sa California, ang mga estudyanteng may mga kapansanan na may Programa sa Indibiduwal na Edukasyon (IEP, Individualized Education Program) ay dapat may Plano sa Emerhensiya na nakatalaga1. Inaatas ng batas na isaalang-alang ng mga pangkat ng IEP kung paano naaapektuhan ang indibiduwal na mga pangangailangan ng estudyante sa mga emerhensiyang sitwasyon. Sa ilalim ng batas ng estado, kabilang sa mga emerhensiyang sitwasyon ang mga:

  • Sunog
  • Baha
  • Hindi nadadaanang kalsada
  • Epidemya
  • Lindol
  • Malaking panganib sa kaligtasan
  • Welga sa transportasyon ng isang tagapagbigay na hindi kaugnay sa paaralan
  • Iba pang katayuan ng emerhensiya
  • Giyera2

Dapat bumuo ang pangkat sa IEP ng Plano sa Emerhensiya para sa bawat estudyanteng may IEP. Ang mga magulang/tagapag-alaga ay mahahalagang mga miyembro ng pangkat ng IEP. Dapat makipagtulungan ka sa ibang mga miyembro ng pangkat ng IEP upang bumuo ng Plano sa Emerhensiya ng iyong anak. Ang Planong ito ay dapat magsaad kung paano ibibigay ang mga tagubilin at serbisyo sa isang estudyanteng may kapansanan kung ang mga ito ay hindi maaaring ibigay nang personal sa estudyante o sa paaralan nang higit sa 10 araw ng pasukan. Ang Planong ito ay dapat tugunan ang

  • Espesyal na edukasyon
  • Kaugnay na mga serbisyo
  • Pandagdag na mga tulong at serbisyo
  • Mga serbisyo sa transisyon
  • Mga serbisyo sa pinalawig na Taong Paaralan

Maaari kang magpahintulot sa mga bahagi ng IEP. Kabilang dito ang Plano sa Emerhenisya. Kapag magpahintulot ka sa mga bahagi ng IEP, ang mga serbisyo at pagtatalagang ito ay maaaring ipatupad sa lalong madaling panahon. Kung magpahintulot ka sa IEP, hindi ito nangangahulugan na sumasang-ayon ka na nagbibigay ang IEP ng libreng naaangkop na pampublikong edukasyon sa iyong anak. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga bahagi ng IEP ng iyong anak, maaari mong isaad na hindi mo nais na ipatupad ang ilang bahagi ng IEP. Ang mga bahaging ito ay hindi maaaring ipatupad. Ngunit, maaaring maghain ang distrito ng paaralan para sa nararapat na proseso laban sa iyo upang ipakita na ang IEP ay nagbibigay sa iyong anak ng libreng naaangkop na pampublikong edukasyon.

Dapat ipatupad ng iyong paaralan ang Plano sa Emerhensiya ng iyong anak kung:

  • Ang iyong anak ay may Plano sa Emerhensiya na pinahintulutan mo,
  • Naaapektuhan ang distrito ng paaralan/ka ng isa sa mga emerhensiyang sitwasyon na nakalista sa itaas, at
  • Hindi maaaring tumanggap ang iyong anak ng pagtuturo o mga serbisyo nang personal o sa paaralan nang higit sa 10 araw ng pasukan.

Ang iyong anak ay may karapatan sa libreng naaangkop na pampublikong edukasyon, o FAPE (free appropriate public education) kahit pa sa panahon ng emerhensiya. Kung hindi ipapatupad ng distrito ng paaralan ng iyong anak ang Plano sa Emerhensiya ng iyong anak, mayroon kang mga opsyon. Maaari kang makipag-ugnayan sa tagapangasiwa ng kaso/espesyalista ng programa ng iyong anak o patnugot sa espesyal na edukasyon ng distrito ng paaralan at humiling na ipatupad ng Plano sa Emerhensiya.

Kung tumanggi ang distrito ng paaralan, maaari kang maghain ng reklamo sa pagsunod sa Kagawaran ng Edukasyon sa California o maghain ng nararapat na proseso na reklamo sa Tanggapan para sa mga Administratibong Pagdinig. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga reklamong ito, mangyaring tingnan ang Manuwal sa mga Karapatan at Responsibilidad sa Espesyal na Edukasyon Kapitulo 6

Hindi ka dapat maghintay na mangyari ang emerhensiyang sitwasyon upang isipin kung paano makatatanggap ng pagtuturo at mga serbisyo ang iyong anak na may kapansanan sa panahon ng emerhensiyang sitwasyon. Kung ang iyong anak ay walang nakatalagang Plano sa Emerhensiya, maaari kang humiling ng pagpupulong sa IEP upang bumuo ng Planong ito kasama ng iyong pangkat ng IEP ng iyong anak.

  • 1. Kodigo sa Edukasyon ng California § 56345(a)(9).
  • 2. Kodigo sa Edukasyon ng California §§ 46392(a), 41422.