Impormasyon ng Consumer tungkol sa Programa ng Representative Payee ng Social Security Administration
Impormasyon ng Consumer tungkol sa Programa ng Representative Payee ng Social Security Administration
Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga kinatawan na nagbabayad. Tinutulungan ka ng mga kinatawan na nagbabayad sa pagbabadyet at paggastos ng iyong mga pagbabayad sa Social Security. Sinasabi sa iyo ng pub kung ano ang ginagawa nila. Sinasabi sa iyo ng pub kung sino ang nagpasya na kailangan mo ng isa. Sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin kung maling ginagamit nila ang iyong pera.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ano ang representative payee o rep. payee?
Ang rep. payee ay isang tao na pinipili ng Social Security Administration (SSA) para tulungan kang mag-budyet at gastusin ang pera ng iyong Social Security. Paaano mong masasabi kung mayroon kang rep. payee? Nakatatanggap ka ng mga buwanang benepisyong tinatatawag na SSI o SSDI at pumiili ang SSA para pangasiwaan ang iyong mga bayad sa benepisyo para sa iyo. Maaaring maging isang tao o ahensya ang iyong rep. payee.
Ano ang ginagawa ng rep. payee?
Kung mayroon kang rep. payee dapat ka nilang tulungang gamitin ang iyong mga benepisyong SSDI at/o SSI para sa iyong mga pangangailangan. Binabayaran ang iyong mga benepisyo sa rep. payee para gamitin sa iyo. Ang iyong payee ang namamahala na sinisiguro na ginagamit ang pera para magbayad para sa iyong mga pinakamahalagang pangangailangan. Maaaring kasama sa mga pangangailangan na ito ang upa, tubig at kuryente, pagkain, mga damit, medikal at mga gastos hinggil sa ngipin, at mga bagay na inaasikaso mo (tulad ng sipilyo, suklay, at sabon).
Kung mayroon matirang pera pagkatapos na mabayaran ang iyong pangunahing mga pangangailangan, maaaring gamitin ng payee ang natitirang pera para bayaran ang iyong mga bill, magbayad para sa mga nakatutuwang bagay na gusto mong gawin, o bigyan ka ng perang panggastos. Dapat magtabi ang payee ng detalyadong rekord sa kung ano ang kanilang ginawa sa iyong mga benepisyo at i-report ito sa SSA.
Maaari ring tulungan ka ng iyong payee na magtipid para sa mga bagay na gusto mong bilhin. Dapat magtagpo ka at ang iyong payee bawat buwan o higit pa at pag-usapan kung kailangan mong bumili ng anumang bagay na espesyal o mahal. Dapat kang tulungan ng iyong payee na magtipid ng pera para sa mga espesyal na pagbili na ito.
Paanong pinipili ang aking rep. payee?
Dapat ang iyong rep. payee ay isang tao na kilala ka at gusto kang tulungan. Ito’y dapat isang tao na madalas kang nakikita at nauunawaan ang iyong mga pangangailangan. Ang ilang opsyon ay maaaring maging isang miyembro ng pamilya, isang kaibigan, o isang ligal na tagapag-alaga. Maaari rin itong maging isang organisasyon tulad ng lupon at pinapahalagahan kung saan ka nakatira.
Kung gusto mo ng isang tao na maging iyong payee, maaari mong sabihin sa SSA na opisyal na piliin nila ang taong iyon na maging iyong payee. Bibigyan ng SSA ng application ang taong iyon at susuriin ang kanilang background para makasiguro na gagawin nila kung ano ang pinakamabuti para sa iyo.
Paano kung hindi ko gusto ang rep. payee na pinili ng Social Security para sa akin o sa palagay ko ay hindi ko kailangan talaga?
Kung hindi mo gusto ang rep. payee na pinili ng SSA para sa iyo o sa palagay mo ay hindi mo kailangan, maaari kang hindi sumang-ayon sa SSA. Para hindi sumang-ayon, dapat kang mag-apela. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pagsulat sa SSA na ipinapaliwanag ang problema. Maaari mo ring punan ang isang espesyal na form na tinatawag na “Request for Reconsideration”. Makakukuha ka ng kopya ng form mula sa tanggapan ng iyong lokal na SSA o sa online sa site na ito, http://www.ssa.gov/forms/ssa-561.pdf.
Sasandaling makakuha ka ng sulat sa SSA na pipili ng payee para sa iyo, kadalasang kailangan mong mag-apela sa loob nang 60 araw. Maaaring minsan ay makakukuha ka pa ng maraming oras kung mayroon kang magandang dahilan.
Maaari ka ring humiling na magkaroon ng ibang payee. Kung sa palagay mong hindi mo talaga kailangan ng payee, maaari mong ipaliwanag iyon sa SSA. Nakatutulong na magbigay ng sulat sa SSA mula sa iyong doktor, therapist o isang tao na maipaliliwanag na maaari mong pangasiwaan ang iyong sairling pera. Bisitahin ang iyong lokal na
tanggapan ng SSA para mag-apply na maging iyong sariling payee. Pumunta sa site na ito, https://secure.ssa.gov/apps10/poms.nsf/lnx/0200502115, para sa higit pang impormasyon sa mga form at proseso.
Mayroon ba akong kailangang gawing anumang bagay kung mayroon akong isang rep. payee?
May ilang bagay na kailangan mong sabihin sa iyong payee para tulungan silang pangasiwaan ang iyong mga benepisyo. Dapat mong sabihin sa iyong payee kung magsisimula o titigil ka sa isang trabaho, magpapakasal, bibiyahe sa ibang bansa, makukulong, pupunta sa ospital, o mas bumubuti ang iyong kapansanan.
Kung nakakukuha ka ng mga benepisyo ng SSI, kailangan mo ring sabihin sa iyong payee kung nakakukuha ka ng pera sa ibang pinagkukunan o nag-a-apply para sa ibang benepisyo ng gobyerno. Dapat mo ring sabihin sa iyong payee kung magkano ang iyong mga naipon, kung mayroon man. Napakahalaga nito dahil dumidepende ang halaga ng SSI sa kung gaanong karaming pera ang mayroon ka na. Kung babayaran ka pa ng SSA sa dapat nilang bayaran, kung gayon maaaring kailangan mong magbayad ng maraming pera pabalik sa SSA. Tinatawag itong isang “overpayment.”
Kinokontrol ba ng aking rep. payee ang aking ibang pera?
Hindi. Maliban lang kung ang iyong payee ay ang iyong ligal na tagapag-alaga o tagapag-ingat, maaari lamang silang tumulong sa mga benepisyo ng SSA. Bilang halimbawa, hindi masasabi sa iyo ng rep. payee kung paano gastusin ang pera na kinita mo sa trabaho. Hindi rin nila maaaring sabihin sa iyo kung ano ang gagawin sa anumnag pera na nakuha mo mula sa iyong pamilya. Bagaman, mahalaga na ipaalam mo sa kanila tungkol sa perang nakukuha mula sa ibang lugar. Ito’y makatutulong sa kanila at maiiwasang mabayaran ka ng SSA nang sobra.
Tandaan, kailangan mong ibalik ang perang iyon kahit na gastos mo na.
Kailangan ko bang bayaran ang aking rep. payee?
Kung ang iyong payee ay isang tao, hindi ka nila maaaring utusan na bayaran sila para sa kanilang tulong. Ang mga payee na mga organisasyon ay maaaring singilin ka ng kaunting halaga kada buwan. Kadalasan ang pinakamalaki na maaari nilang singilin sa iyo ay $43 kada buwan. Maaari silang sumingil nang $82 kada buwan kung sasabihin ng doktor na may problema ka sa mga gamot o alkohol. Kung hindi ka sigurado, maaari mong tanungin ang SSA na sabihin sa iyo kung sisingiling ka ng pera ng iyong payee at kung magkano. Ang halaga na maaaring singilin ng payee ay maaaring magbago bawat taon. Para makita ang kasalukuyang mga halaga pumunta sa site na ito, https://www.ssa.gov/oact/cola/RepPayee.html.
Kung naniniwala ka na nasingil ka ng sobrang pera ng iyong payee, dapat mong sabihin sa kanila na ibalik ito. Hindi malahalga kung gaano nang katagal itong nasobrahang singil, kailangan nilang ibalik ang bayad na ito. Kung hindi ka nila babayaran, maaari mong i-report ang mga ito sa SSA, iyong caseworker, sa pulis o iba pang tagapagtaguyod ng Disability Rights California.
Paano ko malalaman kung paanong ginagastos ng aking rep. payee ang aking pera?
Kung mayroon kang isang payee, may karapatan kang malaman kung paanong ginagastos ang iyong pera. Dapat mong hilingan ang iyong payee na magpakita ng mga rekord nang kung paano nila ginastos ito para makita mo kung ano ang ginastos at kung magkano ang natitira. Hilingan sila na ipaliwanag ang hindi mo maintindihan. Sabihin sa kanila kung kailangan mo ng isang bagay na dapat nilang pinagkakagastusan sa iyong mga benepisyo.
Ano ang gagawin ko kung maling ginagamit o ninanakaw ang aking pera ng aking rep. payee?
Maaari mong i-report ang problema sa kung paanong ginagatos ng iyong payee ang iyong pera sa SSA. Maaaring kasama sa mga problemang ito kung may ginagawang isang bagay ang iyong rep. payee na hindi dapat nilang ginagawa o hindi nila inaasikaso ang iyong mga pangangailangan. Maaari mo ring sabihin sa SSA kung hindi ipinapakita ng rep. payee ang iyong mga rekord kung paanong ginagastos ang iyong pera. Matatagpuan mo ang pinakamalapit na tanggapan ng SSA sa pagpunta sa site na ito, https://secure.ssa.gov/ICON/main.jsp o sa pagtawag sa 1-800772-1213. Dapat ka ring makipag-usap sa iyong case worker o sa ibang tagapagtaguyod ng Disability Rights California. Ang numero ng telepono ng Disability Rights California ay 1-800-7765746 o i-email sa services@DisabilityRightsCa.org.
Kung sa palagay mong maling ginagamit o ninanakaw ang iyong SSI o kita ng SSDI, dapat mong kontakin ang Office of the Inspector General (OIG) sa lalong madaling panahon. Kukunin ng OIG ang iyong reklamo at titignan ang iyong mga alalahanin para malaman kung kailangan nilang tulungan ka sa pagprotekta ng iyong pera. Dapat mong i-report ang mahalagang impormasyon tulad ng iyong pangalan, ang impormasyon ng iyong kontak, ang pangalan ng rep. payee, kailan nangyari ang maling paggamit, saang lugar nangyari, at anumang ibang detalye tungkol sa kung ano ang nangyari sa iyong pera. Kung gugustuhin mo, maaari mong hilingan ang OIG na itago ang iyong pangalan mula sa rep. payee.
Maaari mong ihain ang iyong reklamo sa pagpunta sa site na ito, http://www.ssa.gov/fraudreport/oig/public_fraud_reporting/form.htm o sa pagtawag sa 1-800269-0271.
Paano kung mayroon pa akong mga katanungan?
Kung mayroon ka pang katanungan maaari kang makipag-usap sa Social Security o tawagan ang Disability Rights California sa pagtawag sa (800) 776-5746. Maaari mo rin kaming i-email sa services@DisabilityRightsCa.org o bisitahin ang aming website sa www.disabilityrightsca.org.