Handbook para sa Paghamon ng Pamamahala sa Kalusuguan ng Isip

Publications
#5110.08

Handbook para sa Paghamon ng Pamamahala sa Kalusuguan ng Isip

Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga konserbator sa kalusugan ng isip sa loob ng isang taon. Sinasabi nito sa iyo kung paano hamunin ang mga conservatorship sa korte. Ito ay may mga madalas itanong. Mayroon itong mga sample court paper.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

ISANG PANGKALAHATANG-IDEYA NG MGA KASO SA PAMAMAHALA SA KALUSUGAN NG ISIP NA MAAARI MONG DALHIN

Ang handbook na ito ay makatutulong sa taong nasa permanenteng (buong taon) pamamahala.  Ang iba-ibang mga hamon sa korte na rerepasuhin natin sa handbook na ito ay:

Muling pagdinig sa pamamahala

Paghamon ng pangangailangan na maging nasa pamamahala

*Dapat mong subukang hamunin ang pamamahala sa pamamagitan ng muling pagdinig bago ka magsampa ng writ of habeas corpus.

(Tingnan ang Kalakip A.)

Mga Writ of habeas corpus

Upang hamunin ang alinman:

  1. Pagiging nasa pamamahala:
  2. Mga kondisyon ng pagkatalaga sa pamamahala, kabilang ang pagtanggi ng mga karapatan ng pasyente.  (Tingnan ang Kalakip B.)

Pagdinig sa pagrepaso ng pagtatalaga

Upang hamunin ang iyong pagtatalaga kung sa tingin mo ikaw ay maaaring nasa hindi gaanong mahigpit na pagtatalaga.  (Tingnan ang Kalakip C.)

Mga partikular na karapatan

Upang hamunin ang pagkawala bilang kondisyon ng LPS na pamamahala tulad ng karapatang bumoto o magkaroon ng lisensya sa pagmamaneho.

MGA MADALAS NA TANONG TUNGKOL SA PAGHAMON NG PAMAMAHALA SA KALUSUGAN NG ISIP AT PAGSAMPA NG MGA WRIT OF HABEAS CORPUS

Ano ang legal na pamantayan upang maitalaga sa pamamahala?

Ang legal na pamantayan ay “malubhang kapansanan.”  Mayroong dalawang kahulugan para sa malubhang kapansanan.  Ang malubhang kapansanan ay maaaring mangahulugan na hindi mo kayang magsustento para sa iyong sariling pagkain, damit at kanlungan dahil sa sakit sa isip.  Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5008(h)(1(A).

Ang malubhang kapansanan ay maaari ring mangahulugan na ang tao ay walang kakayahan sa pag-iisip sa ilalim ng Seksyon 1370 ng Kodigo ng Parusa ng California at lahat ng sumusunod na mga katotohanan ay umiiral:

  1. Ang pagsasakdal o impormasyong nakabinbin laban sa tao sa panahon ng pagsagawa ay nagpaparatang ng krimeng nagsasangkot ng kamatayan, malaking pinsala sa katawan, o malubhang pagbabanta sa pisikal na kapakanan ng iba.
  2. Ang pagsasakdal o impormasyon ay hindi pinawalang-saysay.
  3. Bilang resulta ng sakit sa isip, hindi kayang unawain ng tao ang uri at layunin ng paglilitis na isinasagawa laban sa kaniya at upang tulungan ang abogado sa pagsasagawa ng kaniyang depensa sa makatuwirang paraan.
  4. Ang tao ay kumakatawan ng makabuluhang panganib ng pisikal na pinsala sa iba dahil sa sakit, diperensiya o karamdaman sa isip. 

Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5008(h)(1)(B). Ang pamamahala sa ilalim ng seksyong ito ay minsan tinatawag na “Murphy” na pamamahala.

Ako ay nakakandado sa pasilidad.  Ako ay itinalaga sa permanenteng pamamahala dalawang linggo ang nakalipas.  Paano ako makaaalis sa pamamahala?

Maaari kang magpetisyon (humiling) sa  korte ng muling pagdinig upang makita kung dapat bang nasa pamamahala ka.  Kung itatanong mo, ikaw ay may karapatan sa muling pagdinig kung ikaw ay dapat bang nasa pamamahala.  Pagkatapos magsampa ng unang petisyon sa pagdinig, walang karagdagang petisyon para sa muling pagdinig ang maaaring isumite sa panahon ng anim na buwan.  Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5364.

Wala kang karapatan sa paglilitis sa hurado sa muling pagdinig.  Baber v. Kataas-taasang Hukuman, 113 Cal.App.3rd 955, 960 (4th Dist. Ct. App. 1980).  Sa muling pagdinig, pasanin mo ang pagpapatunay na ikaw ay walang “malubhang kapansanan.”  Id. at 965.

Sa iyong muling pagdinig, dapat handa kang sabihin sa hukom kung ano ang mga dahilan kung bakit ikaw ay walang “malubhang kapansanan.”  Upang ipakita sa hukom na ikaw ay walang “malubhang kapansanan,” bumuo ng detalyadong plano upang ipakita kung paano ka magsusustento para sa iyong pagkain, damit at kanlungan, o kung bakit ikaw ay may kakayahan.  Mas maraming detalye na maibibigay mo, mas mabuti.  Tugunan ang “sino,” “ano,” “saan,” “kailan,” at “paano.”   Tingnan ang blangkong “Plano ng Aksyon upang Ipakita na Ako ay Walang “Malubhang Kapansanan.”  (Tingnan ang Kalakip F.)

Kung mayroong isang tao na makapagsustento para sa iyong pagkain, damit, o kanlungan, pasulatan sa taong iyon ang konserbator, hukom at abogado ng kanilang kagustuhan.  Tinatawag itong “ikatlong partidong tulong” at maaaring gamitin upang hamunin ang pamamahala.  Dapat handa kang sabihin sa hukom kung anong uri ng paggamot sa kalusugan ng isip/medikal na paggamot ang iyong kukunin at kung saan mo ito kukunin.

Kung plano mong tumanggap ng Segurong Panlipunan o ibang mga benepisyo, dapat mong ipaliwanag sa hukom na alam mo kung paano magpatala para sa at tumanggap ng mga benepisyong ito.

Ang pinakamadaling paraan upang humiling ng muling pagdinig ay makipag-ugnayan sa abogadong kumakatawan sa iyo nang ikaw ay itinalaga sa pamamahala.  Ipaalam sa abogado na gusto mong magpetisyon sa korte para sa isang muling pagdining.  (Tingnan ang Kalakip A.)

Ako ay nasa Murphy na pamamahala.  Kailangan ko bang gumawa nang naiiba upang makaalis sa pamamahala?

Kung ikaw ay nasa Murphy na Pamamahala, mahalagang ipakita na hindi ka malamang na mapanganib kung ikaw ay aalis sa pamamahala.  Kung nagkaroon ng anumang mga insidente ng karahasan sa nakaraan, maging handa na ipakita kung paano nagbago ang mga bagay.

Maaari ka ring kumuha ng propesyunal o dalubhasa sa kalusugan ng isip upang magbigay ng opinyon.  Maaaring sabihin ng taong ito kung sa tingin nila ay maaari kang mamuhay sa komunidad nang ligtas.  Maaari rin nilang talakayin kung ikaw ay mananatiling walang kakayahan.

Hindi ko maalala kung sino ang kumatawan sa akin sa pagdinig sa pamamahala.  Paano ako makakukuha ng abogado upang kumatawan sa akin sa muling pagdinig?

Kung hindi ka nagbayad ng abogado upang kumatawan sa iyo sa pagdinig sa pamamahala, marahil ikaw ay ikinatawan ng abogadong itinalaga ng korte.  Karamihan sa mga abogadong itinalaga ng korte ay mula sa Tanggapan ng Pampublikong Tagapagtanggol.  Maaari mong hanapin ang numero ng telepono sa lokal na sanggunian ng telepono sa ilalim ng “pamahalaan ng county.”  Maaari mong hilingin sa iyong tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga pasyente na tulungan kang makipag-ugnayan sa iyong pampublikong tagapagtanggol.

Binigyan ako ng numero sa telepono ng aking pampublikong tagapagtanggol na nahihirapan akong makipag-ugnayan.  Ano ang dapat kong gawin?

Kapag tumawag ka sa tanggapan ng pampublikong tagapagtanggol, dapat mong tanungin ang taong sumasagot ng telepono kung kailan ang pinakamainam na oras upang makausap ang iyong abogado.  Maraming pampublikong tagapagtanggol ang nasa korte nang halos buong araw sa halip na nasa kanilang mga tanggapan.  Maaari ka ring humiling na mag-iwan ng mensahe sa voicemail ng iyong abogado.  Kapag nag-iwan ka ng mensahe, tiyakin na iwanan ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, numero ng telepono at pinakamainam na oras na makipag-ugnayan sa iyo, at kung bakit ka tumawag.  Tiyaking isulat kung kailan ka nag-iwan ng mensahe para sa iyong abogado para sa iyong sariling mga talaan.  Sumulat sa iyong abogado kung nagkakaroon ka ng mga problema sa komunikasyon, at kailangan mo ng kopya ng (mga) sulat bilang pagsusunod sa tawag sa telepono o mensahe.  Maaari ka ring humiling na makipag-usap sa superbisor ng abogado.

Natalo ako sa muling pagdinig sa pamamahala.  Kailan ako magkakaroon ng isa pang pagdinig sa isyung ito?

Pagkatapos magsampa ng unang petisyon para sa muling pagdinig, dapat kang maghintay nang anim na buwan bago magsampa ng isa pang petisyon para sa muling pagdinig. Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5364.  Maaari ka ring maghintay hanggang ang pamamahalang ito ay matapos.  Ang permanenteng pamamahala ay nagtatagal lamang nang isang taon bago kakailanganing pumunta ng iyong konserbator sa korte.

Natalo ako sa muling pagdinig at naniniwala pa rin ako na hindi ako dapat pinamamahalaan dahil hindi ako naniniwala na ako ay may “malubhang kapansanan.” Ano ang maaari kong gawin?

Maaari kang magsampa ng petisyon para sa writ of habeas corpus. Ang petisyon para sa writ of habeas corpus ay isang paraan upang hilingan sa korte na magpasya kung ang iyong pagkatalaga ay naaayon sa batas.  Ang writ of habeas corpus ay dapat isampa sa Kataas-taasang Hukuman ng county kung saan ka itinalaga, o sa county kung saan ang kaso ng pamamahala ay natatagpuan. Maaaring kang magsampa kung saan ang file ng kaso ay natatagpuan dahil ang hukom na nag-utos ng pamamahala ay maaaring maalala ang iyong kaso nang mas mabuti. Sa likod ng materyal na ito ay ang listahan ng mga Kataas-taasang Hukuman.  (Tingnan ang Kalakip G.)

*Dapat mong hamunin ang pamamahala sa pamamagitan ng proseso ng muling pagdinig bago ka magsampa ng writ of habeas corpus.

Pinadala ko ang aking petisyon para sa writ of habeas corpus halos dalawang linggo ang nakalipas ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot.  Mayroon bang huling araw kung kailan dapat tumugon ang korte?

Kung ang iyong petisyon para sa writ of habeas corpus ay tungkol sa kung ikaw ay may malubhang kapansanan, sa loob ng 30 araw pagkatapos ang petisyon ay isinampa o natanggap  sa paglipat mula sa ibang county, ang korte ay maaaring gumawa ng tatlong bagay sa writ:

  1. "Maglabas ng writ” na nangangahulugan na nanalo ka sa kung ano ang iyong inireklamo;***
  2. Maglabas ng “kautusan upang ipakita ang layunin,” na nangangahulugan na gustong marinig ng korte ang kabilang panig kung bakit ang kaluwagan na hiningi ay dapat hindi ibigay. Ang kabilang panig (kadalasan ang Abogado ng County) ay kailangang magsampa ng “sagot” sa “kautusan upang ipakita ang layunin.” Ikaw ay may karapatan na magsampa ng “pagtanggi sa sagot.” Sa loob ng 30 araw pagkatapos ng pagsampa ng anumang pagtanggi (o pagkatapos matapos ang panahon ng pagsampa ng pagtanggi), maaari ipagkaloob o itanggi ng korte ang kaluwagang hinihiling o ang kautusan sa pagdinig ng pagpapatunay;
  3. Tanggihan ang writ

Kung gumawa ang korte ng kautusan na tanggihan ang iyong writ, dapat ipaliwanag nito nang nakasulat kung bakit nito tinatanggihan ang iyong writ.

Ako ay nasa pamamahala nang halos isang taon.  Sa tingin ko hindi na ako dapat nasa isang pamamahala.  Ano ang dapat kong gawin?

Kung hindi mo pa nagawa, maaari kang humiling ng muling pagdinig o magsampa ng writ of habeas corpus.  Tandaan na dapat subukan mo munang magsampa para sa muling pagdinig bago magsampa ng writ of habeas corpus. Kung halos isang taon na simula nang ikaw ay nasa pamamahala, maaari kang maghintay at tingnan kung susubukan ng iyong konserbator na ipanibago ang iyong pamamahala.  Dapat ipaalam sa iyo ng konserbator kung plano niyang ipanibago ang iyong pamamahala.  Ang mga pamamahala ay may tagal na isang taon.  Bawat taon, dapat humiling ng pagpapanibago ang konserbator ng iyong pamamahala.  Tinatawag itong “pagdinig sa muling pagtatatag.”  Kung hihiling ang konserbator ng muling pagtatatag, maaari mong piliin na labanan ang muling pagtatatag.  Magandang ideya na igiit na gusto mong pumunta sa korte.  At muli, maghanda upang sabihin sa hukom kung paano mo kayang magsustento para sa iyong pagkain, damit, at kanlungan.  Maaari kang magpadala ng sulat sa korte.  Tingnan ang Kalakip E.

Ayaw kong labanan ang pamamahala mismo ngunit hindi ako kailangang nasa nakakandadong pasilidad.  Sa tingin ko handa na akong tumira sa Kasera at Pangangalaga o sa iba pang uri ng hindi nakakandadong lugar.  Ano ang maaari kong gawin?

Sabihin sa iyong konserbator na gusto mo ng pagbabago sa pagtatalaga at sabihin kung bakit. Sabihin sa konserbator kung ano ang iyong lagay sa pasilidad.  Kung mayroon kang positibong mga ulat mula sa kawani, sabihin sa konserbator.  Maaaring makipagtulungan ang iyong konserbator sa iyong manggagawang panlipunan at pangkat ng paggamot upang lumikha ng plano sa iyong paglipat pabalik sa komunidad.

Maaari kang italaga ng iyong konserbator sa hindi gaanong mahigpit na pagtatalaga nang walang pahintulot ng korte, maliban kung ikaw ay nasa pamamahala dahil ikaw ay natagpuang Walang Kakayahang Dumaan sa Paglilitis.

Ang aking konserbator ay isang pampublikong tagapag-alaga na hindi ko alam ang pangalan o kung paano makipag-ugnayan.

Magsimula sa pamamagitan ng paghanap sa sanggunian ng telepono sa ilalim ng “pampublikong tagapag-alaga.” Kadalasan, ito ay nakalista sa mga pahina ng pamahalaan. Maaari mong itanong sa iyong manggagawang panlipunan ang pangalan at numero ng iyong pampublikong tagapag-alaga.  Maaari mo ring tingnan kung makatutulong ang iyong abogado na hanapin ang iyong pampublikong tagapag-alaga. Tumawag sa mga tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga pasyente ng county para sa pangalan at numero.

Handa na akong lumipat sa ibang lugar maliban sa nakakandadong pasilidad, ngunit ang aking pampublikong tagapag-alaga ay hindi binabalik ang aking mga tawag sa telepono at hindi ko nakokontak.  Mayroon ba akong iba pang maaaring gawin?

Maaari kang magpetisyon (humiling) sa korte ng “pagdinig sa pagrepaso ng pagtatalaga.” Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5358.3. Muli, ang pinakamainam na paraan upang magkaroon ng pagdinig sa pagrepaso ng pagtatalaga ay hilingin sa iyong abogado na ipa-iskedyul ito sa korte para sa iyong kaso.

Hindi ko nakuha ang hukom na mag-utos na italaga ako sa hindi gaanong mahigpit na pasilidad.  Maaari ba akong magpetisyon sa korte??

Kung natalo ka sa pagdinig na humihiling ng hindi gaanong mahigpit na pagtatalaga, dapat kang maghintay ng isa pang anim na buwan bago magsumite ng isa pang petisyon (humihiling ng isa pang pagdinig). Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5358.3.     

Maaari ka ring magsampa ng writ of habeas corpus kung saan itinatag ang pamamahala o sa county kung saan ka itinalaga (iyon ay, ang county kung saan ang pasilidad ay natatagpuan).  Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5358.7.   

Ako ay nasa isang nakakandadong pasilidad kung saan nilalabag ang aking mga karapatan: Hindi ako pinahihintulutang tumawag sa telepono o magkaroon ng mga bisita, at pinipigilan ako ng mga kawani dahil sa pagsagot.  Ano ang maaari kong gawin?

Dapat mong abisuhan ang iyong abogado at hilingin ang iyong abogado na dalhin ang sitwasyon sa atensyon ng hukom. Dapat ka ring makipag-ugnayan sa tanggapan ng mga karapatan ng mga pasyente para sa iyong county at sabihin sa kanila na gusto mong magreklamo. Para sa ilang nakapipinsalang mga kilos, maaaring magsampa ng reklamo sa paglilisensya. Ang tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga pasyente ay may impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa paglilisensya. Dagdag pa, para sa mga numero ng telepono upang makipag-ugnayan sa paglilisensya, ang Tanggapan ng mga Karapatan ng mga Pasyente ng California ay maaaring tawagan sa 916-575-1610. Maaari ka ring magsampa ng writ of habeas corpus sa alinman sa county.  (Tingnan ang Kalakip B.)

MGA HALIMBAWANG PETISYON AT MGA HALIMBAWA NG KUNG PAANO MAGHANDA AT MAGSAMPA NG PETISYON PARA SA WRIT OF HABEAS CORPUS

Writ of Habeas Corpus

Mga paggamit para sa mga taong nasa mga permanenteng pamamahala sa kalusugan ng isip:

Ang Writ of Habeas Corpus ay isang petisyon na maaari mong isampa kung ikaw ay nasa pamamahala sa kalusugan ng isip at:

  1. Naniniwala ka na ikaw ay itinalaga nang hindi naaayon sa batas; o
  2. Naniniwala ka na nilabag ang iyong mga karapatan sa pasilidad.

Kailan maaaring isampa ang writ of habeas corpus?

  1. Kapag naniniwala ka na nilabag ang iyong mga karapatan nang walang mabuting dahilan;
  2. Kapag naniniwala ka na ikaw ay ipinananatili nang hindi naaayon sa batas at ibang mga muling pagdinig, iyon ay, nagawa na lahat ang mga muling pagdinig sa pamamahala at mga pagdinig sa pagtatalaga.

Paano mo ipapakita na ikaw ay itinalaga nang hindi naaayon sa batas?

  1. Dapat ipakita mo na ikaw ay walang makabuluhang kapansanan dahil sa sakit sa isip.
  2. Ang makabuluhang kapansanan ay nangangahulugan na ikaw ay hindi kayang magsustento ng iyong sariling pagkain, damit, at kanlungan.
  3. Dapat mong partikular na ipakita kung paano ka mamumuhay sa labas ng pasilidad.

Paano mo ipapakita na ang iyong mga karapatan ay nilabag?

  1. Dapat mong partikular na ilista kung kailan nilabag ang karapatan;
  2. Ilista nang hiwalay ang bawat paglabag.

Makakukuha ka ba ng legal na tulong?

  1. Kapag naglabas ang korte ng writ, ang pampublikong tagapagtanggol ay maaaring italaga upang tulungan ka bago ang pagdinig.

PAGHAHANDA NG PORMULARYO SA PETISYON

Pangkalahatang mga Tagubilin

  1. Basahin ang buong pormularyo pati na rin ang mga tagubilin na ito bago sagutan ang anumang mga tanong.
  2. Punan ang pormularyo nang malinaw gamit ang tinta o sa pamamagitan ng pag-type ng iyong mga sagot. Huwag magmadali sa pagsagot ng pormularyo.  Mas mabuti kung magsanay muna sa isang blangkong papel.
  3. Kung hindi sapat ang espasyo upang sagutan ang mga tanong, tapusin ang iyong (mga) sagot sa karagdagang (mga) pahina at ilakip ang mga ito sa likod ng pahina. Isulat sa petisyon na ang iyong sagot ay “ipinagpatuloy sa karagdagang (mga) pahina.”
  4. Maglakip ng mga kopya ng anumang mga dokumentong sumusuporta ng iyong paghahabol o kinakailangan upang maunawaan ang iyong paghahabol.  Halimbawa, kung ginamitan ka ng mga pampigil, maaaring gusto mong magsama ng mga kopya ng anumang mga reklamo na iyong isinampa o mga kopya mula sa iyong medikal na tsart. 
  5. Tiyakin na ang lahat ng mga pahayag na iyong ginawa ay totoo sa abot ng iyong kaalaman.

Mga Tagubilin sa Pagsagot ng Petisyon para sa Writ

Upang tulungan ka, ang blangkong petisyon ay makikita online sa sumusunod na link:

[I-click dito para sa website]

Ang kopya ng halimbawang petisyon ay nakalakip din.  (Tingnan ang Kalakip B.)

  1. Ang mga kahon sa Itaas ng Pormularyo sa Petisyon
    • Sa kahon na nagsasabing “ABOGADO O TAGA-PETISYON NA WALANG ABOGADO”, isulat ang iyong pangalan kasama ang mga salitang "In Pro Per" kasunod nito, ang pangalan ng pasilidad at address, at ang numero ng telepono kasama ng kodigo ng lugar kung saan ka maaaring makatanggap ng mga tawag.  Halimbawa, kung ikaw ay pasyente ng Metropolitan State Hospital, sasagutan mo ang unang kahong ito ayon sa sumusunod:
      (Iyong pangalan), In Pro Per
      c/o  Metropolitan State Hospital
      11401 S. Bloomfield Ave.
      Norwalk, CA  90650
    • Tandaang isama ang iyong numero ng telepono kasama ng kodigo ng lugar at petsa ng kapanganakan kung saan nakasaad.
  2. Sa kahong nagsasabi ng “KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG CALIFORNIA, COUNTY NG:” isulat angpangalan ng county kung saan ka kasalukuyang nakatalaga.  Halimbawa, ang Napa State Hospital ay nasa County ng Napa.
  3. Sa ibaba ng pariralang "SA KASO NI (PANGALAN):" isulat ang iyongbuong pangalan at isulat ang In Pro Per.
  4. Iwanan ang kahong humihingi ng iyong numero ng kaso nang blangko.  Itatalaga ng korte sa iyo ang numero ng kaso pagkatapos maisampa ang iyong petisyon.

De-numerong mga Tanong/Pahayag

  1. Isulat ang pangalan ng ospital kung saan ka ipinanatili at, kung alam mo, ang pangalan ng iyong gumagamot na saykayatrista.
  2. Isulat ang petsa ng iyong pagpasok kasunod ng pariralang “(petsa)” sa unang linya ng bahaging ito.  Pagkatapos, lagyan ng tsek ang kahon na nagsasabi ng iyong legal na katayuan.  
  3. Kung hinahamon mo ang iyong pagkatalaga:
    • Lagyan ng tsek ang kahong "a" at ilista ang mga dahilan kung bakit ka naniniwalang ang iyong pagkatalaga ay hindi legal.  Gumamit ng dagdag na mga pahina kung kailangan mo.
    • Halimbawa, kung ikaw ay ipinanatili sa batayan ng “malubhang kapansanan” at naniniwala ka na ikaw ngayon ay may kakayanang magsustento para sa iyong mga pangangailangan sa pagkain, damit at kanlungan, sumulat na ikaw ngayon ay kayang magsustento para sa mga bagay na ito.  Magbigay rin ng anumang impormasyon na mayroon ka upang ipakita kung paano mo tutugunan ang iyong mga pangangailangan, kasama ang tulong ng ibang mga indibiduwal o ahensiya.  Tingnan ang Kalakip F.
  4. Kung hinahamon mo ang mga KONDISYON ng iyong pagpapanatili o iyong lebel ng pagtatalaga:
    • Lagyan ng tsek ang kahong “b” at malinaw na ilarawan ang mga karapatan na itinanggi sa iyo habang ikaw ay pinananatili, at ang (mga) petsa kung kailan naganap ang (mga) paglabag.  Maaari mong hamunin ang pagtanggi ng anumang karapatan na karapat-dapat ka sa ilalim ng pang-estado o pederal na batas (kasama ang konstitusyon, mga kaso ng korte, mga kautusan at administratibong regulasyon) o sa ilalim ng mga patakaran ng pasilidad kung saan ka ipinanatili.  Maaaring kabilang sa mga ito ang mga karapatang tulad ng karapatan na panatilihin at gamitin ang iyong mga ari-arian, ang karapatan na magkaroon ng mga bisita, ang karapatan na tumawag at magpadala at tumanggap ng koreo, ang karapatan na hindi ibukod o pigilan nang hindi angkop o nang labis, ang karapatan na hindi boluntaryong gamutin sa hindi emerhensiyang sitwasyon, atbp. Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5325 Kodigo ng Kapakanan   Sa nakasaad sa itaas, makatutulong (ngunit hindi kinakailangan) para sa iyo na isangguni sa iyong petisyon ang numero ng kautusan, numero ng patakaran, sipi ng kaso, atbp., na naggagarantiya ng (mga) karapatan.
    • Karaniwan, maaari ka lamang magprotesta kapag ang mga karapatan ay kasalukuyang itinanggi o kapag mayroon kang patunay na ang iyong mga karapatan ay itatanggi sa nakikinitang hinaharap (tulad ng kung ikaw ay sinabihan na ililipat ka sa mas mahigipit na yunit/pasilidad).
    • Kung ikaw ay tinanggihan ng karapatan sa nakaraan at pakiramdam mo na ikaw ay nasa panganib na muling tatanggihan ng karapatang iyon para sa katulad na mga dahilan, maaari mo itong ihayag bilang karapatan na nilabag.  Halimbawa, kung ikaw ay ginamitan ng mga pampigil dahil sa pagtanggi ng medikasyon, at inihahayag pa rin ng kawani na karapatan niya itong gawin, maaaring mong ihayag na ito ay paglabag ng iyong mga karapatan, dahil maaari kang gamitan muli ng mga pampigil para sa parehong mga dahilan sa hinaharap.
  5. Lagyan ng tsek ang mga kahon, a, b, c, at d.  Kung hindi mo kayang magbayad ng isang abogado upang kumatawan sa iyo sa paglilitis sa habeas, kasunod sa o sa ibaba ng kahod “d”, dapat mong isulat "including appointment of counsel to represent me in this action, as I cannot afford an attorney.” (kasama ang pagtalaga ng abogado upang kumatawan sa akin sa kilos na ito, dahil hindi ko kayang magbayad ng abogado).

Pagpapatunay at Pirma

Isulat ang kasalukuyang petsa kung saan nakasaad.  Isulat o i-type ang iyong pangalan sa linya sa pinakababang  kaliwang sulok.  Pirmahan ng iyong pangalan sa linya sa pinakababang kanang sulok.

Pagsampa ng Petisyon

I-koreo ang mga orihinal at dalawang (2) kopya ng petisyon at anumang sumusuportang mga dokumento (kasama ang anumang kahilingan para sa pagtatalaga ng abogado) sa Kataas-taasang Hukuman para sa county kung saan ka ipinananatili.  Halimbawa, kung ikaw ay nakapiit sa Napa State Hospital, ang address ay:

Napa County Superior Court
825 Brown St.
P.O. Box 880
Napa, CA  94559-0880

Karagdagang Impormasyon sa Paketeng Ito

Ang listahan ng mga Kataas-taasang Hukuman ng California ay isinama upang tulungan kang hanapin ang wastong korte kung saan magsasampa ng writ.  (Tingnan ang Kalakip G.)

PAANO MAKAKUHA NG MULING PAGDINIG SA IYONG PAMAMAHALA

Kung gusto mong umalis sa iyong pamamahala, may karapatan ka sa muling pagdinig.  Maaari kang humiling ng muling pagdinig kaagad, ngunit kapag mayroon ka na, dapat kang maghintay ng isa pang anim na buwan bago magkaroon ng isa pa. Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5364.

Ang pinakamainam na paraan upang makakuha ng muling pagdinig ay makipag-ugnayan sa iyong abogado. Kung ikaw ay itinalaga sa pamamahala sa kalusugan ng isip, ikaw ay ikinatawan ng isang abogado.  Kung wala kang pambayad ng abogado, marahil ikaw ay ikinatawan ng abogadong itinalaga ng korte.  Karamihan sa mga abogadong itinalaga ng korte ay mga pampublikong tagapagtanggol.

Dapat may pangalan at numero ng telepono ng iyong abogadong itinalaga ng korte ang iyong manggagawang panlipunan.  Maaari mo ring tawagan ang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga pasyente upang malaman kung paano makipag-ugnayan sa iyong abogado.  Kapag tumatawag sa iyong abogadyo, ibigay ang iyong buong pangalan at petsa ng kapanganakan.  Kung ang iyong abogado ay wala sa tanggapan, magtanong kung maaari kang mag-iwan ng mensahe.  Tiyaking iwanan ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, pasilidad kung nasaan ka, numero ng telepono kung saan ka maaaring tawagan, pinakamainam na oras kung kailan ka matatawagan, at ang mensahe na ikaw ay “humihiling ng muling pagdinig sa iyong pamamahala.”  Maaari ka ring sumulat ng sulat sa iyong abogado kasama ng impormasyong ito.

Kung hindi ka balikan ng iyong abogado, maaari kang magsampa ng iyong sariling petisyon sa korte na humihiling ng muling pagdinig sa pamamahala.  Dapat mong bigyan ang iyong abogado ng hindi bababa sa dalawang linggo upang subukang makipag-ugnayan sa iyo bago magsampa ng iyong sariling petisyon.

Mga Tagubilin sa Pagsampa ng Petisyon para sa Muling Pagdinig sa Pamamahala

  1. Punan ang lahat ng impormasyon sa pormularyo.  (Tingnan ang Kalakip A.)
  2. Kung maaari, padalhan ang korte ng dalawang kopya, kasama ng sariling naka-address at may selyo na sobre at tala na ibalik ang isa sa umalinsunod na mga kopya sa iyo. Ang umalinsunod na kopya ay isang dokumentong isinelyo ng korte na nagpapakita na ang dokumento ay natanggap at magsasama ng petsa
  3. Ipadala ang petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ng county na nagtalaga sa iyo sa pamamahala.  Nakalakip ay isang listahan ng mga address ng Kataas-taasang Hukuman.  Tingnan ang Kalakip G.

PAANO UMAPELA SA PAGKATALAGA SA ISANG LPS NA PAMAMAHALA

Kung nagkaroon ka ng paglilitis sa hurado o paglilitis sa korte (kilala rin bilang paglilitis sa hukuman) at natagpuan na may malubhang kapansanan, at sa gayon ay kinakailangan na italaga sa LPS na pamamahala, may karapatan ka na magsampa ng apela.

Kailangan mong magsampa ng abiso sa apela sa loob ng animnapung (60) araw ng pagtatag ng pamamahala.  Maaari kang makipag-ugnayan sa abogado at humiling na ang abiso sa apela ay isampa para sa iyo.  Maaari ka ring magsampa ng nakalakip na abiso ng apela sa Kataas-taasang Hukuman ng county na nagtatag ng pamamahala.  (Tingnan ang Kalakip D.)

Kung hindi mo kayang kumuha ng abogado, karapat-dapat ka sa libreng abogado na itinalaga ng korte.  Kung wala kang pambayad, karapat-dapat ka rin sa pagpapaubaya ng lahat ng mga gastos sa apela.

PAANO HAMUNIN ANG IYONG PAGTATALAGA KAPAG IKAW AT IYONG KONSERBATOR AY HINDI MAGKASUNDO

Pagdinig sa Pagrepaso ng Pagtatalaga  

Kapag ikaw ay nasa pamamahala sa kalusugan ng isip, ang iyong konserbator ay may kapangyarihan na magpasya kung saan ka titira.  Hindi ito nangangahulugan na ikaw ay ganap na nasa “awa” ng iyong konserbator.  Kung naniniwala ka na maaari kang mamuhay nang angkop sa isang hindi gaanong mahigpit na kapaligiran kaysa kung saan ka itinalaga ng iyong konserbator, maaari kang bumalik sa korte upang hamunin ang pagiging angkop ng iyong pagkatalaga.  Ito ay tinatawag na pagkakaroon ng “pagdinig sa pagrepaso ng pagtatalaga.”  Gayunpaman, kapag gusto mong bumalik sa korte para sa pagdinig sa pagrepaso ng pagtatalaga, dapat kang maghintay ng isa pang anim na buwan bago magkaroon ng isa pa. Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5358.3.

Maaari kang humiling ng pagdinig sa pagrepaso ng pagtatalaga, sa pamamagitan ng writ of habeas corpus, sa county kung saan itinatag ang pamamahala o sa county kung saan ka kasalukuyang nakatira. Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5358.7.

Kahit pa ikaw ay mayroong pagdinig sa pagrepaso ng pagtatalaga, maaari ka pa ring humiling sa hukom ng muling pagdinig sa pamamahala.  Sa pagdinig sa pagrepaso ng pagtatalaga, hinihiling mo lang sa hukom na repasuhin ang pagiging angkop ng iyong pagtatalaga, hindi kung dapat ka ba nasa pamamahala.  Sa muling pagdinig sa pamamahala, ikaw ay humihiling sa hukom na isaaalang-alang kung kailangan mo bang nasa pamamahala. 

Ang pinakamainam na paraan upang makakuha ng pagdinig sa pagrepaso ng pagtatalaga ay makipag-ugnayan sa iyong abogado.  Kung ikaw ay itinalaga sa pamamahala sa kalusugan ng isip, ikaw ay ikinatawan ng isang abogado.  Kung wala kang pambayad para sa isang abogado, posibleng ikinatawan ka ng isang abogadong itinalaga ng korte.  Karamihan sa mga abogadong itinalaga ng korte ay mga pampublikong tagapagtanggol.

Dapat may pangalan at numero ng telepono ng iyong abogadong itinalaga ng korte ang iyong manggagawang panlipunan.  Maaari mo ring tawagan ang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga pasyente upang malaman kung paano makipag-ugnayan sa iyong abogado.  Kapag tumatawag sa iyong abogadyo, ibigay ang iyong buong pangalan at petsa ng kapanganakan.  Kung ang iyong abogado ay wala sa tanggapan, magtanong kung maaari kang mag-iwan ng mensahe.  Tiyaking iwanan ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, pasilidad kung nasaan ka, numero ng telepono kung saan ka maaaring tawagan, pinakamainam na oras kung kailan ka matatawagan, at ang mensahe na ikaw ay “humihiling ng muling pagdinig sa iyong pamamahala.” Maaari ka ring sumulat ng sulat sa iyong abogado kasama ng impormasyong ito.

Kung hindi ka balikan ng iyong abogado, maaari kang magsampa ng iyong sariling petisyon sa korte na humihiling ng muling pagdinig sa pamamahala. Dapat bigyan mo ang iyong abogado ng hindi bababa sa dalawang linggo upang subukan kang tawagan.

Mga Tagubilin sa Pagsampa ng Petisyon para sa Pagrepaso ng Pagtatalaga  

  1. Punan ang lahat ng impormasyon sa pormularyo.  (Tingnan ang Kalakip C.)
  2. Kung maaari, padalhan ang korte ng dalawang kopya, kasama ng sariling naka-address at may selyo na sobre at tala na ibalik ang isa sa umalinsunod na mga kopya sa iyo.
  3. Ipadala ang petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ng county na nagtalaga sa iyo sa pamamahala.  Nakalakip ay isang listahan ng mga address ng Kataas-taasang Hukuman.  (Tingnan ang Kalakip G.)

PAANO SUMULAT NG PAGPAPAHAYAG

Ang pagpapahayag ay iyong pahayag, sa ilalim ng panunumpa, tungkol sa mga bagay kung saan mayroon kang personal na kaalaman – mga bagay na alam mo, sa iyong sa sarili.  Halimbawa, hindi ka maaaring magpahayag ng isang bagay na sinabi ng iba sa iyo. Maaari ka lamang magpahayag ng mga bagay na alam, narinig, o nakita mo nang personal.

Kapag sumulat ka ng pagpapahayag, sinusubukan mong bigyan ang hukom ng ispesipikong impormasyon, nang malinaw at simple hangga’t kaya mo.  Ang iyong pagpapahayag ay dapat sumasagot sa mga tanong na:  Sino?  Ano?  Saan?  Kailan?  Bakit?  Paano?

Kung nagsasampa ka ng petisyon para sa writ of habeas corpus dahil ikaw ay nasa nakakandadong pasilidad at hindi naniniwalang kailangan mong maging nasa isang nakakandadong pasilidad, ang iyong pagpapahayag ay dapat magbigay ng impormasyon sa hukom tungkol sa kung:

  • Nasaan ka;
  • Bakit hindi mo kailangang naroon;
  • Anong mga ispesipikong plano ang mayroon ka kung ikaw ay ilalabas.  

(Tingnan ang Kalakip F.)

Sa ibang salita, dapat mong ipaliwanag sa hukom kungano  eksakto ang gagawin mo kung lalabas ka sa nakakandadong pasilidad.

  1. Sa simula ng iyong pagpapahayag, dapat kang gumamit ng pangbungad na pangungusap na:  "Ako, (iyong pangalan), ay ipinapahayag ang sumusunod:"
  2. Sunod, ilista ang lahat ng mga katotohanan at impormasyon sa maiiksing mga talata.   Lagyan ng numero ang bawat talata.  Ang talata ay dapat hindi mas mahaba sa dalawa o tatlong pangungusap.
  3. Sa huli, ang panghuling dalawang pangungusap ay dapat:  "Ipinipahayag ko sa ilalim ng parusa sa kasinungalingan na ang nabanggit ay totoo at wasto."
  4. At pagkatapos:  "Isinakatuparan sa (ibigay ang petsa kung kailan mo pinirmahan ang iyong pagpapahayag) at (isulat ang lunsod at estado kung saan mo pinirmahan ang iyong pagpapahayag)."  Tiyakin na isulat at pirmahan ang iyong pangalan sa pinakababa ng pahina

[Halimbawa]
Pagpapahayag ni Ezra Pound

Ako, Ezra Pound, ay ipinapahayag ang sumusunod:

  1. Ako ay nakatira sa Cherry Heights IMD simula Pebrero 1, 2000.  Ako ay nasa LPS na pamamahala.
  2. Natalo ako sa muling pagdinig sa aking pamamahala noong Marso 30, 2000.
  3. Hindi ko kailangang nasa Cherry Heights IMD dahil ito ay mas mahigpit kaysa kinakailangan, at mayroon akong mabuting plano upang magsustento para sa sariling kong pagkain, damit at kanlungan.
  4. Dahil sa aking kapansanan, ako ay karapat-dapat sa mga benepisyo sa Segurong Panlipunan.  Tumanggap ako ng mga benepisyo sa Segurong Panlipunan sa nakaraan at alam ko kung paano at saan mag-apply muli para sa mga ito.  Isusumite ko ang aking aplikasyon para sa mga benepisyo sa Segurong Panlipunan sa tanggapan sa 3030 Broadway Avenue sa Los Angeles.
  5. Nakahanap ako ng kuwarto na maaari kong upahan.  Noong Hulyo 12, 2000, nakausap ko si Bill Jones, ang tagapamahala sa 2375 Maplewood Lane sa Los Angeles.  Sinabi ni Bill na maaari niya ipaupa sa akin ang kuwarto.  Sabi niya papanatilihin niyang bakante ang kuwarto nang isang buwan
  6. Mayroon akong mga kaibigan na makatutulong sa akin.  Ang kanilang mga pangalan ay Alejandro at Kathy Galeano.  Ang mga Galeano ay nagsabi na maaari akong manatili sa kanila kung kinakailangan ko.  Gusto nilang pumunta sa korte upang tumestigo sa aking ngalan.
  7. Alam ko kung paano bumili ng pagkain at maghanda ng pagkain para sa aking sarili.
  8. Mayroon akong sariling damit: dalawang pirasong pantalon, mga kasuotang panloob at tatlong kamisa.  Alam ko kung saan bumibili ng segunda-manong mga damit.

Ipinapahayag ko sa ilalim ng parusa ng kasinungalingan na ang nabanggit ay totoo at wasto.

Isinakatuparan sa Hulyo 20, 2000 sa Los Angeles, California.

______________________________
                        Ezra Pound

GAANO KADALAS MAAARING ISAMPA ANG WRIT

Maaari kang madalas na magsampa ng writ; gayunpaman, ang bawat pagsampa ay dapat may sapat na mga pahayag na iba mula sa writ na tinanggihan.

PAANO HAMUNIN ANG PAGKAWALA NG PARTIKULAR NA MGA KARAPATAN

Paghamon ng Pagkawala ng Partikular ng mga Karapatan bilang Kondisyon sa Pamamahala ng Kalusugan sa Isip

Dahil lamang ikaw ay nasa pamamahala hindi nangangahulugan na ang hukom ay awtomatikong tatanggalin ang lahat ng iyong mga karapatan.  Ang hukom ay dapat ispesipikong limitahan ang iyong karapatan na bumoto, magkaroon ng lisensya sa pagmamaneho, pumasok sa mga kontrata, magmay-ari ng baril, tumanggi na magpahintulot sa karaniwang medikal na paggamot, at tumanggi na magpahintulot  sa paggamot kaugnay sa pagiging may malubhang kapansanan. Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 5357. Kung gusto mong muling isaalang-alang ng hukom ang katotohanan na tinanggal niya ang ilan sa iyong mga karapatan, maaari kang magpetisyon (humiling) sa hukom na muling tingnan kung dapat pa rin bang tanggalin ang mga karapatang iyon.

Ang pinakamainam na paraan upang makakuha ng pagdinig upang hamunin ang pagkawala ng partikular na mga karapatan ay makipag-ugnayan sa iyong abogado.  Kung ikaw ay itinalaga sa pamamahala sa kalusugan ng isip, ikaw ay ikinatawan ng isang abogado.  Kung wala kang pambayad ng abogado, marahil ikaw ay ikinatawan ng abogadong itinalaga ng korte.  Karamihan sa mga abogadong itinalaga ng korte ay mga pampublikong tagapagtanggol.

Dapat may pangalan at numero ng telepono ng iyong abogadong itinalaga ng korte ang iyong manggagawang panlipunan.  Maaari mo ring tawagan ang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga pasyente upang malaman kung paano makipag-ugnayan sa iyong abogado.  Kapag tumatawag sa iyong abogadyo, ibigay ang iyong buong pangalan at petsa ng kapanganakan.  Kung ang iyong abogado ay wala sa tanggapan, magtanong kung maaari kang mag-iwan ng mensahe.  Tiyakin na iwanan ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan, pasilidad kung saan ka nakatira, numero ng telepono kung saan ka maaaring tawagan, pinakamainam na oras na tawagan ka, at ang mensahe na ikaw ay “humihiling ng pagdinig upang labanan ang mga karapatang tinanggal.”  Maaari ka ring sumulat ng sulat sa iyong abogado kasama ng impormasyong ito.

Kung tumangging makipag-ugnayan sa iyo ang iyong abogado, maaari kang magsampa ng iyong sariling petisyon sa korte na humihiling ng pagdinig upang labanan ang mga karapatang tinanggal.  Dapat bigyan mo ang iyong abogado ng hindi bababa sa dalawang linggo upang subukan kang tawagan.

Mga Tagubilin sa Pagsampa ng Petisyon Upang Labanan ang mga Karapatang Itinanggi sa Pinapamahalaan

  1. Punan ang lahat ng impormasyon sa pormularyo.  (Tingnan ang Kalakip B.)
  2. Kung maaari, padalhan ang korte ng dalawang kopya, kasama ng sariling naka-address at may selyo na sobre at tala na ibalik ang isa sa umalinsunod na mga kopya sa iyo. Ipadala ang petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ng county na nagtalaga sa iyo sa pamamahala.  Nakalakip ay isang listahan ng mga address ng Kataas-taasang Hukuman.  (Tingnan ang Kalakip G.)