Edad-ng-transition Kabataan at Social Security - Edad 18 Re-Determination

Publications
#5598.08

Edad-ng-transition Kabataan at Social Security - Edad 18 Re-Determination

Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga panuntunan ng SSI kapag naging 18 ka na. Kung mayroon kang SSI bago ang edad na 18, kailangan mong mapagpasyahan muli ang iyong pagiging karapat-dapat para sa SSI. Iba ang mga panuntunan ng SSI para sa mga taong lampas sa edad na 18. Sinasabi rin sa iyo ng pub na ito kung saan kukuha ng tulong.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

TANONG:  Narinig ko na maraming mga tao ang nawalan ng kanilang SSI at Medicaid ng maging 18.  Totoo ba ito?

Buweno, totoo na ang ilang tao na kuwalipikado para sa SSI bilang mga bata ay hindi maaaring maging kwalipikado para sa SSI bilang mga adulto.  Ito ay dahil ang SSI program ay may dalawang magkakaibang depinisyon ng kapansanan - isa para sa mga bata at isa pa para sa mga may sapat na gulang (edad 18 at mas matanda).

Ang lahat ng mga tatanggap ng SSI na naging 18 taong gulang ay kailangang siyasatin ang kanilang eligibility na parang sila ay nag-aaplay para sa pang-adultong SSI sa unang pagkakataon.  Ang prosesong ito ng pagsisiyasat ay tinatawag na "redetermination age-18" at ginagawa ito dahil ang pang-adultong depinisyon ng kapansanan sa programa ng SSI ay mas mahigpit kaysa sa depinisyon ng kapansanan ng bata.  Nangangahulugan ito na sa kabuuan ito ay mas mahirap na maging  karapat-dapat para sa SSI bilang isang may sapat na gulang kaysa sa isang bata.  Dahil sa paraan ng age18 redetermination, ang isang tao ay maaaring maging hindi eligible para sa mga benepisyo ng SSI bilang isang may sapat na gulang kahit walang pagbabago sa kanilang kondisyong medikal o kakayahang kumilos dahil natuloy na eligible para sa pangbatang SSI na mga benepisyo.

Ang pinakabagong data na nasa Social Security ay age-18 redeterminations (2014 Taunang Ulat ng Program ng SSI) ay nagpapakita na mahigit lang na kaunti sa kalahati (55.7%) ng lahat ng mga tatanggap ng SSI na dumadaan sa proseso ay natukoy na eligible para sa SSI sa ilalim ng pang-adultong depenisyon ng kapansanan.  Ang ilan sa mga kabataang ito ay inaprobahan sa kalaunan sa pamamagitan ng proseso ng pag-apila, ngunit higit sa isang-katlo ay nananatiling ineligible para sa SSI bilang mga adulto.  Dahil dito, mahalaga para sa mga estudyante na maghanda para magtrabaho sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kasanayan sa trabaho at pagkumpleto ng kanilang edukasyon!

TANONG:  Paano gumagana ang prosesong age-18 redetermination?

Ang lahat ng mga tumatanggap ng SSI ay dadaan sa prosesong age-18 redetermination pagkatapos ng kanilang ika-18 kaarawan.  Karaniwan, ang age-18 redetermination ay nangyayari sa loob ng 12 buwan pagkatapos ng ika-18 kaarawan, pero hindi ito kahilingan ng regulasyon.   Hindi sinisimulan ng Social Security ang age 18 redetermination ng mas maaga kaysa sa buwan bago ang buwan na magiging 18 ang isang tao.  Heto ang mga hakbang ng proseso:

HAKBANG 1:  Nakasulat na Abiso ng Redetermination

Ang lokal na Social Security Field Office ay magsisimulang magproseso sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyo ng nakasulat na abiso kung sakaling ang iyong kaso ay ire-redetermined.

HAKBANG 2:  Panayam sa Social Security Field Office

Ang kasunod na hakbang ay  pumunta sa lokal na field office upang makumpleto ang inisyal na panayam sa eligibility.  Ang layunin ng panayam ay upang tipunin ang impormasyon sa kalubhaan ng iyong kapansanan at kung paano ito nakakaapekto sa iyong kakayahang kumilos.  Sa panahon ng panayam, kukumpletohin ng isang empleyado ng Social Security ang mga angkop na inisyal na mga form ng panayam sa kapansanan kasama ang Form SSA-3367-F4 (Office of Field Report ng Disability), Form SSA-3368-BK (Ulat ng Kapansanan-Adult), at angkop na mga ulat ng kapansanan at mga functional report.  Hinilingin din ng Social Security pumirma ka sa ilang form na nagbibigay sa kanila ng pahintulot na makipag-ugnay sa iyong mga doktor at iba pang mga tagapagbigay ng serbisyo at/o mga guro na nagtatrabaho sa iyo.

HAKBANG 3:  Pagsusuri ng Disability Determination Service (DDS)

Ang lahat ng impormasyon na natipon sa interbyu ay ipapadala sa Disability Determination Services ng estado o DDS.  Ito ay isang ahensiya ng estado na sumuri sa medikal at di-medikal na impormasyon upang matukoy kung ikaw ay may kapansanan sa ilalim ng batas.  Sinusunod ng DDS ang detalyadong proseso (kilala bilang Sequential Evaluation Process) upang matukoy kung ang iyong kapansanan ay "malubha" gaya ng tinukoy ng Social Security.  Sinusuri din ng DDS ang iyong kakayahang kumita sa hinaharap na trabaho sa pamamagitan ng pagrepaso sa impormasyong natipon mula sa iyong mga guro at anumang iba pang propesyonal sa kapansanan na maaaring nagtatrabaho sa iyo.

HAKBANG 4:  Abiso ng Determination Result

Isang nakasulat na abiso ay ipapadala sa iyo pagkatapos ng redetermination upang ipaalam sa iyo kung ikaw ay napatunayang eligible para sa SSI bilang isang adulto.  Kung eligible ka para sa SSI bilang isang adulto, patuloy kang makakatanggap ng pera mula sa SSI at Medicaid nang walang patlang.

Kung HINDI ka ma-detemined na eligible para sa mga benepisyo ng SSI bilang isang adulto makakakuha ka ng nakasulat na paunawa na nagsasabi na hindi ka na eligible makatanggap ng mga benepisyo. Pahihintulutan ka pa na makatanggap ng dalawang buwan na bayad pagkatapos ng petsa ng abiso na ito at pagkatapos ay titigil ang iyong mga benepisyo sa SSI at Medicaid. Maaaring magkaroon ng overpayment kung patuloy kang makakatanggap ng bayad pagkatapos ng dalawang buwan na grace period.  Ang magandang balita ay kungnapatunayan na hindi ka eligible sa ilalim ng mga tuntunin ng adulto, HINDI mo kailangang ibalik ang lahat ng bayad sa SSI pagkatapos ng buwan ng iyong ika-18 kaarawan.  Hihilingin lamang ng Social Security na ibalik mo ang bayad na nakuha mo matapos gawin ang determination at dalawang buwan na lampas sa grace period.

TANONG:  Narinig ko na ang pagpasok sa trabaho ay maaaring maging dahilan para mapatunayan na hindi ako eligible para sa SSI bilang adulto - totoo ba iyon?

Maraming kabataan at ang kanilang mga pamilya ay may maling paniniwala na ang recipient ng SSI hindi dapat nagtatrabaho sa anumang antas kapag ang age-18 redetermination ay ginawa.  Sa katunayan, ang hakbang na Substantial Gainful Activity (SGA) ng sunud-sunod na proseso ng pagsusuri ay hindi para sa mga redetermination ng kapansanan.

Karaniwan, kung ang isang tao ay makakakuha ng higit pa sa kasalukuyang halaga ng SGA ($ 1,180 bawat buwan sa 2018 o $ 1,220 bawat buwan sa 2019) Ang Social Security ay magpapasya na sila ay hindi eligible para sa anumang mga benepisyo sa kapansanan.  Ang mabuting balita ay ang panuntunang ito ay hindi para sa panahon ng age-18 redeterminations.  Nangangahulugan ito na maaari kang makakuha ng higit pa kaysa sa kasalukuyang gudeline ng SGA at mapapatunayan pa ring eligible para sa SSI sa ilalim ng mga tuntunin ng pang-adulto sa panahon ng age-18 redeterminations hangga't naaabot mo ang pamantayan ng kapansanan at lahat ng iba pang mga panuntunan sa eligibility sa SSI.

Walang dahilan na hindi pumasok sa trabahong may suweldo hanggang sa matapos na makumpleto ang age-18 redetermination.  Maaari kang magtrabaho bago, habang o pagkatapos ng redetermination at hindi ito makakaapekto sa iyong pagiging eligible sa SSI bilang isang adulto!

TANONG:  Nag-aalala ako na mapatunayang di-eligible para sa SSI bilang isang adulto.  Mayroon bang anumang magagawa ko upang maiwasan ang age-18 redetermination o maghanda para dito?

Sa kasamaang palad, walang paraan para maiwasan mo ang age-18 redetermination.  Ang lahat ng batang recipient ng SSI ay dumadaan sa prosesong ito pagkatapos nilang maging 18.  Gayunpaman, may ilang bagay na magagawa ka at ang iyong pamilya upang maghanda para sa ag-18 redetermination at ang posibilidad na maaaring hindi ka eligible para sa SSI bilang isang adulto.

  • Una, talagang mahalaga na maghanda ka para sa trabaho sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kasanayan sa trabaho at pagkuha ng karanasan sa trabaho habang nag-aaral ka.  Walang garantiya na ang benepisyo mo sa SSI ay magpapatuloy hanggang sa maging adulto ka at kailangan mong magkaroon ng pagkakakitaan para suportahan ang iyong sarili.  Ang pinaka-maaasahang landas sa pinansiyal na katatagan sa hinaharap ay sa pamamagitan pagpasok sa trabaho na may suweldo!
  • Siguraduhing tipunin lahat ng mga record ng iyong kapansanan at  medikal rekord at isumite ang mga ito sa Social Security upang maayos na maisagawa ang age-18 redetermination. Tiyakin na tumugon agad kapag humihingi ng impormasyon ang Social Security.  Tandaan na may karapatan kang mag-apela sa desisyon kung hindi ka sang-ayon dito.  Kung nag-apela ka sa age-18 redetermination, puwedeng manatili ang iyong mga benepisyo habang ang apila ay dinidinig kung ang kahilingan ng apela ay isinumite sa loob ng 10 araw.  Gayunpaman, kailangan mong maunawaan na kung ang apela ay hindi magreresulta sa isang kanais-nais na desisyon, ang mga pagbabayad na iyong natanggap mula sa petsa ng orihinal na pagpapasiya ay kailangang ibalik sa Social Security.
  • Bilang wakas, posibleng magpatuloy ang mga bayad mula sa SSI sa loob ng maikling panahon kahit na hindi kaeligible para sa SSI bilang adulto sa ilalim ng isang espesyal na probisyon na tinatawag na "Seksiyon 301".  Upang mapatunayang eligible ka para sa patuloy na benepisyo sa ilalim ng Seksiyon 301 dapat na aktibo kang nakikilahok sa angkop na programa ng vocational rehabilitation o tumatanggap ng mga serbisyong special education sa ilalim ng Individualized Education Plan  (IEP) bago ginawa ang determination sa kapansanan.  Bilang karagdagan, kailangan ng Social Security na malaman na hindi malamang na kailangan mo ang mga benepisyo ng SSI sa hinaharap kung makumpleto mo ang iyong programa sa edukasyon o vocational rehabilitation.  Para sa kabataan sa ilalim ng edad na 22, ipinapalagay ng Social Security na ang patuloy na paglahok sa programang pang-edukasyon sa ilalim ng IEP ay malamang na magresulta sa permanenteng pag-alis mula sa mga listahan ng kapansanan.

TANONG:  Parang napakakumplikado nito!  Saan ako makakakuha ng tulong na maunawaan kung paano makaaapekto sa akin ang prosesong age-18 redetermination?

Ang Social Security ay nagtutustos ng mahalagang serbisyo na kilala bilang "Work Incentives Planning and Assistance" (WIPA) na ginawa para makatulong sa iyo na maintindihan ang mga importanteng isyu ng benepisyo sa kapansanan tulad ng age-18 redetermination.  Ang WIPA Projects ay mga organisasyon sa iyong komunidad na pinahintulutan ng Social Security upang magbigay ng libreng pagpapayo sa benepisyo sa mga benepisyaryo ng mga programa ng kapansanan sa Social Security upang matulungan silang makagawa ng matalinong pagpili tungkol sa trabaho.

Ang mga serbisyo ng WIPA ay nilikha upang itaguyod ang kalayaan sa pagtatrabaho at pananalapi sa mga benepisyaryo ng Social Security na may kapansanan - mga taong katulad mo!  Higit pa dito, ang mga benepisyaryo na hindi bababa sa edad na14 hanggang 25 ay ang priyoridad para sa mga proyekto ng WIPA!  Ang tunguhin ng serbisyo ay para:

  • Padamihin ang bilang ng mga benepisyaryo ng Social Security na may kapansanan na pumili na magtrabaho ng may suweldo;
  • Suportahan ang mga benepisyaryo ng kapansanan na matagumpay na manatili sa trabaho (o sariling pagtatrabaho) sa paglipas ng panahon;
  • Magbigay ng pagpapayo sa insentibo sa trabaho na tumutulong sa mga benepisyaryo na madagdagan ang kanilang kita sa paglipas ng panahon at pagbutihin ang pinansyal na benepisyo ng pagtatrabaho; at
  • Bawasan ang pag-asa sa mga benepisyo sa kapansanan at iba pang mga programa ng suporta sa pagkakakitaan.

Ang iyong lokal na  WIPA project ay maaaring makatulong sa iyo na maunawaan kung paano maaaring makaapekto ang trabaho sa iyong natatanging hanay ng mga benepisyo. Sa sandaling magsimula kang magtrabaho, ang iyong WIPA project ay maaari ring magbigay ng impormasyon at suporta upang matulungan kang maging mas indipendente sa pananalapi.

Hangga't nakakakuha ka ng ilang uri ng benepisyo sa kapansanan sa Social Security at ikaw ay 14 taong gulang, ikaw ay magiging kwalipikado para sa tulong. Ang mas maagang makakuha ka ng pagpapayo tungkol sa trabaho at mga benepisyo, mas malamang na maiiwasan mo ang mga problema sa hinaharap.  Huwag mag-antala - tumawag ngayon!

Lahat ng serbisyo ay libre Contact DRC WIPA sa 888-768-7085.