Ang Iyong mga Karapatan sa Pagboto Kapag Ikaw ay Nasa Ilalim ng Pag-iingat (Conservatorship)

Ang Iyong mga Karapatan sa Pagboto Kapag Ikaw ay Nasa Ilalim ng Pag-iingat (Conservatorship)
Ang mga taong may mga conservator ay maaaring bumoto maliban kung sasabihin ng isang hukom na hindi nila kaya. Sinasabi sa iyo ng pub na ito kung paano malalaman kung inalis ng isang hukom ang iyong karapatang bumoto. Sinasabi nito sa iyo kung paano makuha ang karapatang bumoto pabalik. Sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin kung hindi ibibigay ng hukom ang iyong karapatang bumoto pabalik sa iyo.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Sino ang may karapatang bumoto sa California?
Karapat-dapat kang bumoto sa California1; kung ikaw ay:
- Isang mamayan ng Estados Unidos;
- Isang residente ng California
- 18 taong gulang o mas matanda sa Araw ng Eleksyon;
- Kasalukuyang hindi nasintensyahan ng estado o pederal na nahatulan ng isang kasalanan; at
- Hindi sumasailalim sa pag-iingat kung saan gumawa ang korte ng kautusan kung saan ay hindi ka karapat-dapat sa pagboto (sa isang salita, isang kautuasan na hindi ka pinapayagang bumoto).
Maaari ba akong bumoto kung ako ay sumasailalim sa pag-iingat?
Oo, kung ikaw ay sumasailaim sa pag-iingat, maaari kang bumoto maliban lang kung gumawa ang korte ng kautusan na hindi ka pinapayagang bumoto. Kapag gumawa ang korte ng kautusan na dapat kang sumailalim sa pag-iingat, nakagawa rin ito ng kautusan tungkol sa kung papayagan ka bang bumoto o hindi.2 Bilang karagdagan, kung ikaw ay nasa pag-iingat na nang higit sa isang taon, maaaring nakagawa ang korte ng karagdagang mga desisyon tungkol sa iyong karapatang bumoto nang paminsan-minsan, itong tumitingin, sa kalagayan ng iyong pag-iingat.
Sa ilalim ng batas na umiiral na magmula Enero 2016, dapat tinanggal na ng korte ang iyong karapatang bumoto lamang kung hindi mo magagawang makipag-ugnayan ng pagnanais para bumoto.3
Maaari ba akong bumoto kung ang aking pag-iingat ay nagsimula bago sa 2016?
Kung naitatag ang iyong pag-iingat bago sa 2016, maaaring tinanggal na ng korte ang iyong karapatan para bumoto sa ilalim ng mas lumang tuntunin. Simula noong 2016, binago ng California kung paano ito magpasya kung maaaring bumoto ang mga taong nasa ilalim ng pag-iingat.4
Kung sasabihin ng korte na hindi ka pinapayagang bumoto, maaaring magawa mong makuha pabalik ang iyong karapatang bumoto. ipinapaliwanag ng publikasyon na ito kung paano mong masusubukan para makuha pabalik ang iyong karapatang bumoto.
Paano ko malalaman kung tinanggal ang aking karapatang bumoto?
Narito ang ilang paraan na maaari mong subukan para malaman kung karapat-dapat kang bumoto:
- Tanungin ang abogadong kumakatawan sa iyo (o kumatawan) sa iyo sa kaso ng pag-iingat.
- Tanungin ang iyong tagapag-ingat.
- Tawagan ang tanggapan ng mga eleksyon ng iyong county para tanungin kung karapat-dapat kang bumoto. Makikita mo ang numero ng telepono sa listahan sa https://www.sos.ca.gov/elections/voting-resources/countyelections-offi….
- Kung kliyente ka ng isang sentrong pangrehiyon, tanungin ang iyong case manager na nasa sentrong pangrehhiyon para tumingin para sa iyo.
- Tawagan ang korte para humiling ng kopya ng huling kautusan na ginawa tungkol sa iyong karapatang bumoto.
Paano kong maibabalik ang aking karapatang bumoto?
Kung kinuha ng korte ang iyong karapatang bumoto at gusto mong bawiin ito, kailangan mong gumawa ang korte ng bagong desisyon. Magpapasya ka kung gusto mong (1) maghintay hanggang repasuhin ng korte ang kalagayan ng iyong pag-iingat sa mga panahong kinakailangan ng batas o (2) kontakin ang kokrte para humiling ng repaso ng iyong karapatang bumoto sa lalong madaling panahon.
Para tulungan kang magpasya kung gusto mong maghintay, narito ang ilang impormasyon tungkol sa kung gaanong katagal maaaring maging ang paghihintay:
- Ang ilang uri ng pag-iingat ay may regular na mga repaso sa tuwing isa o dalawang taon. Maaaring mag-iba-iba ang tiyempo sanhi sa maraming dahilan. Paminsan-minsay ay may mga pag-antala. Kapag ginagawa ng korte ang isa sa regular na mga repaso, ipapalagay nito na muling isasaalang-alang kung papayagan ka mang bumoto o hindi, at maaaring itong mag-iskedyul ng pagdinig tungkol sa iyong mga karapatang bumoto. Sa panahon ng repasong ito, kakapanayamin ka ng isang tao mula sa korte at maaari kang humiling na mapayagan na muling bumoto.5
- Ang ilang uri ng pag-iingat ay awtomatikong nagtatapos pagkatapos ng isang taon. Kapag natapos ang mga ito, ang taong sumasailalim sa pag-iingat ay awtomatikong pinapayagang muling bumoto. Gayunman, kung muling maitatalaga ang tagapag-ingat bilang tagapag-ingat pagkatapos ng isang taon na iyon, dapat muling magdesisyon ang korte kung tatanggalin ang mga karapatang bumoto. Magkakaroon ng pagdinig ng korte tungkol sa muling pagtatalaga, at doon kapag maaari kang humiling na payagang muling bumoto.6
Kung magpapasya kang maghintay, tandaan na maaaring mayroong eleksyon habang naghihintay ka. Maaaring hindi umabot ang pagkakataong bumoto sa isang eleksyon kung mangyayari ang eleksyon habang naghihintay ka para sa susunod na regular na repaso ng korte.
Ang iyong pangalawang opinyon (imbes na paghihintay) ay kontakin ang korte para humiling ng repaso ng iyong mga karapatang bumoto sa lalong madaling panahon. Maaari mong gamitin ang sampol na sulat na nasa ibaba para kontakin ang korte at sabihin sa hukom na gusto mong bumoto. Dapat repasuhin ng hukom ang iyong kaso at maaaring magdesisyon para payagan kang bumoto. Kung malapit nang dumating ang isang eleksyon at gusto mong bumoto dito, inirerekumenda namin na hilingan ang korte na gawin ang mga repaso sa lalong madaling panahon.
Sino ang makatutulong sa akin na kontakin ang korte?
Makahihingi ka ng tulong sa sinuman na gusto mo, tulad ng isang kaibigan o miyembro ng pamilya. Ang ilang taong maaaring tumulong ay ang:
- Iyong abogado
- Iyong tagapag-ingat
- Iyong case manager sa iyong sentrong pangrehiyon (kung isa kang kliyente ng sentrong pangrehiyon)
- Kawani mula sa Voting Hotline ng Disability Rights California (tawagan kami sa 1888-569-7955)
Ano ang gagawin ko kung tatanungin ako ng hukom o imbestigador ng korte tungkol sa pagboto?
Ang sasabihin mo lang sa hukom o imbestigador ng korte ay, “gusto kong bumoto.” Kung tatanungin ka nang marami pang katanungan at nakararamdam ng nerbiyos, pagkalito, o natatakot, maaari mong tawagan ang Voting Hotline ng Disability Rights California para magtanong kung matutulungan ka namin; ang aming numero ng telepono ay 1-888-569-7955.
Maaari ba akong bumoto kung hindi ako nakapagsasalita, nakakabasa, o nakakasulat?
Oo. Ang walang kakayahang magsalita, bumasa, o magsulat ay hindi isang makatwirang dahilan sa pagkuha sa iyong karapatang bumoto. Maaari mong ipaalam sa korte na gusto mong bumoto sa anumang paraan na kaya mo. Maaari mong gamitin ang anumang pamamaraan o aparato na matutulungan kang ipaalaman sa mga tao kung ano ang gusto mo. Ang ilang bumoto na may mga kapansanan ay gumagamit ng assistive technology. Ang iba ay humihingi ng tulong sa isang taong kanilang pinagkakatiwalaan. Sa batas, maaaring may mga opsyon para sa mga taong may mga kapansanan para bumoto nang pribado at malaya. Malalaman mo pa ang tungkol sa mga opsyon na ito sa aming ibang publikasyon tungkol sa pagboto, na matatagpuan mo sa https://www.disabilityrightsca.org/resources/voting.
Paano kung sasabihin ng korte na hindi pa rin ako makaboboto pagkatapos kong humiling na mapayagang bumoto?
Kung sinabi mo sa hukom o sa imbestigador ng korte na gusto mong bumoto, dapat magdaos ang korte ng pagdinig para magpasiya kung papayagan kang bumoto. Kung pagpapasyahan ng korte na hindi ka pinapayagang bumoto, maaari mong kontakin ang Voting Hotline ng Disability Rights California para magtanong kung matutulungan ka namin; ang aming numero ng telepono ay 1-888-569-7955.
Ano ang gagawin ko kung sinasabihan ako ng isang tao na hindi ako dapat bumoto o sinusubukang pigilan akong bumoto?
Gaya nang tinalakay sa itaas, kung may karapatan kang bumoto, kung gayon ay may karapatan kang bumoto, at walang sinuman ang dapat sumubok na pigilan ka sa pagboto. Kung sa palagay mong maling pinanghihinaan ka ng loob ng isang tao sa pagboto o idinidiskrimina ka nang sinusubukang mong magparehistro para bumoto o nang bumoto, mangyaring kontakin ang Voting Hotline ng Disability Rights California para malaman kung matutulungan ka namin; ang numero ng aming telepono ay 1-888-569-7955.
SAMPOL NA SULAT NA ISINASAAD ANG IYONG KAGUSTUHANG BUMOTO
Narito ang uri ng sulat na maaari mong ipadala sa korte para sabihin sa korte na gusto mong bumoto. Maaari mong i-copy at paste ang teksto sa ibaba sa isang program ng word processing para gawin ang sarili mong sulat, o maaari kang sumulat gamit ang teksto sa ibaba bilang isang gabay. Kailangan mong kumpletuhin ang sulat na may impormasyon tungkol sa iyo at iyong kaso ng korte, gaya nang ipinapaliwanag ng mga tagubilin sa ibaba. Kung magagawa mo, dapat ka rin magpadala ng kopya ng sulat sa iyong abogado at iyong tagapag-ingat.
_______________ _____, 202__ (Ilagay ang buwan, petsa, at taon ngayong araw.)
Judge _________________ (Ilagay ang pangalan at apelyido ng hukom kung mayroon ka. Kung wala, maaari mong ilagay ang mga salitang “Clerk of the Court” dito bilang panghalili.)
Superior Court para sa County ng ______ (Ilagay ang pangalan ng county.)
_________________ (Ilagay ang address ng korte. Tingnan ang listhan ng mga address ng
_________________ hukuman na nasa susunod na seksyon ng publikasyon na ito, sa ibaba ng sampol na sulat na ito.)
Hinggil sa: _________________ (Ilagay ang pangalan at numero ng iyong kaso sa korte. Makikita mo ang impormasyong ito sa alinman sa mga dokumentong inihain sa iyong kaso.)
Minamahal na Judge _________: (Ilagay ang pangalan ng hukom o i-address ang sulat sa “Clerk of the Court.”)
Gusto kong bumoto. Mangyaring ibalik ang aking karapatang bumoto alinsunod sa seksyon 2208 et seg. ng California Elections Code sa lalong madaling panahon. Gusto kong bumoto sa susunod na eleksyon, kaya hinihilingan ko ang Korte na ibalik ang aking karapatang bumoto nang hindi bababa sa 30 araw bago sa susunod na eleksyon para makapagparehistro ako para makaboto nang nasa oras.
Sa sandaling magawa ang kautusan sa pagbabalik ng aking karapatang bumoto, mangyaring padalhan ako ng kopya ng kautusan na iyon.
Salamat sa iyo,
____________________ (Ilagay ang iyong lagda, marka, o pantatak na lagda.)
____________________ (Ilagay ang iyong pangalan.)
____________________ (Ilagay ang iyong address.)
____________________
____________________ (Ilagay ang numero ng iyong telepono, kung mayroon ka.)
cc: ____________________ (Ilagay ang pangalan ng iyong abogado.)
____________________ (Ilagay ang pangalan ng iyong tagapag-ingat.)
Mga Mailing Address para sa Probate Division Courthouses
Superior Court of Alameda County
Berkeley Courthouse
Probate Division
2120 Martin Luther King, Jr. Way
Berkeley, CA 94704
Superior Court of Alpine County
Probate Clerk
P.O. Box 518
Markleeville, CA 96120
Superior Court of Amador County
Probate Clerk
500 Argonaut Lane
Jackson, CA 95642
Superior Court of Butte County
Probate Clerk
1775 Concord Avenue
Chico, CA 95928
Superior Court of Calaveras County
Probate Clerk
400 Government Center Drive
San Andreas, CA 95249-9794
Superior Court of Colusa County
Probate Clerk
532 Oak Street
Colusa, CA 95932
Superior Court of Contra Costa County
Probate Clerk
725 Court Street
Martinez, CA 94553
Superior Court of Del Norte County
Probate Clerk
450 H Street
Crescent City, CA 95531
Superior Court of El Dorado County
Probate Clerk
Placerville Fair Lane Branch
295 Fair Lane
Placerville, CA 95667
Probate Clerk South
Lake Tahoe Branch 1354 Johnson Blvd.
South Lake Tahoe, CA 96150
Superior Court of Fresno County
Probate Clerk
1130 O Street
Fresno, CA 93721
Superior Court of Glenn County
Probate Clerk
526 West Sycamore Street
Willows, CA 95988
Superior Court of Humboldt County
Probate Clerk
825 - 5th Street
Eureka, CA 95501
Superior Court of Imperial County
Probate Clerk
939 West Main Street El Centro, CA 92243
Superior Court of Inyo County
Probate Clerk
168 North Edwards
Independence, CA 93526
Probate Clerk
301 West Line St.
Bishop, CA 93514
Superior Court of Kern County
Probate Clerk
Department 1
1215 Truxtun Ave.
Bakersfield, CA 93301
Superior Court of Kings County
Probate Clerk
1640 Kings County Drive
Hanford, CA 93230
Superior Court of Lake County
Probate Clerk
255 North Forbes Street, 4th Floor, Room 417
Lakeport, CA 95453
Superior Court of Lassen County
Probate Clerk
2610 Riverside Drive
Susanville, CA 96130-2610
Superior Court of Los Angeles County
Michael Antonovich Antelope Valley Courthouse
Probate Clerk
42011 - 4th Street West
Lancaster, CA 93534
Stanley Mosk Courthouse
Probate Clerk
111 North Hill Street
Los Angeles, CA 90012
Superior Court of Madera County
Probate Clerk
200 South "G" Street Madera, CA 93637
Superior Court of Marin County
Probate Clerk
P.O. Box 4988
San Rafael, CA 94913
Superior Court of Mariposa County
Probate Clerk
5088 Bullion Street
Mariposa, CA 95338
Superior Court of Mendocino County
Probate Clerk
100 North State Street
Ukiah, CA 95482 Probate Clerk
700 South Franklin Street
Fort Bragg, CA 95437
Superior Court of Merced County
Probate Clerk
627 W. 21st Street
Merced, CA 95340
Probate Clerk
1159 G Street
Los Banos, CA 93635
Superior Court of Modoc County
Probate Clerk
205 South East Street
Alturas, CA 96101
Superior Court of Mono County
Probate Clerk
P.O. Box 1037
Mammoth Lakes, CA 93546
Superior Court of Monterey County
Probate Clerk
1200 Aguajito Road Monterey, CA 93940
Superior Court of Napa County
Probate Clerk
825 Brown Street Napa, CA 94559
Superior Court of Nevada County
Probate Clerk
201 Church Street
Nevada City, CA 95959
Probate Clerk
10075 Levon Avenue
Truckee, CA 96161
Superior Court of Orange County
Probate Clerk
Central Justice Center
700 Civic Center Drive West
Santa Ana, CA 92701
Superior Court of Placer County
Probate Clerk
P.O. Box 619072
Roseville, CA 95661-9072
Superior Court of Plumas County
Probate Clerk
520 Main Street, Room 104
Quincy, CA 95971
Superior Court of Riverside County
Probate Clerk
4050 Main St.
Riverside, CA 92501
Probate Clerk
3255 E. Tahquitz Canyon Way
Palm Springs, CA 92262
Probate Clerk
41002 County Center Drive #100
Temecula, CA 92591
Superior Court of Sacramento County
Probate Clerk
3341 Power Inn Road
Sacramento, CA 95826
Superior Court of San Benito County
Probate Clerk
450 Fourth Street
Hollister, CA 95023
Superior Court of San Bernardino County
Probate Clerk
247 West Third Street
San Bernardino, CA 92415
Superior Court of San Diego County
Central Courthouse
Probate Clerk
1100 Union Street
San Diego, CA 92101
Superior Court of San Francisco County
Probate Clerk
400 McAllister Street
San Francisco, CA 94102-4514
Superior Court of San Joaquin County
Probate Clerk
180 E. Weber Avenue
Stockton, CA 95202
Superior Court of San Luis Obispo County
Probate Clerk
1035 Palm Street, Room 385
San Luis Obispo, CA 93408
Superior Court of San Mateo County
Probate Clerk
Hall of Justice
400 County Center
Redwood City, CA 94063
Superior Court of Santa Barbara County
North County
Cook Division
312-C East Cook Street
Santa Maria, CA 93454
South County
Anacapa Division
P.O. Box 21107
Santa Barbara, CA 93121-1107
Superior Court of Santa Clara County
Probate Clerk
191 North First Street
San Jose, CA 95113
Superior Court of Santa Cruz
Probate Clerk
701 Ocean Street, Room 110
Santa Cruz, CA 95060
Superior Court of Shasta County
Probate Clerk|
1500 Court Street, Room 319
Redding, CA 96001
Superior Court of Sierra County
Probate Clerk
100 Courthouse Square
Downieville, CA 95936
Superior Court of Siskiyou County
Probate Clerk
411 Fourth Street Yreka, CA 96097
Superior Court of Solano County
Probate Clerk
Hall of Justice
600 Union Avenue
Fairfield, CA 94533
Superior Court of Sonoma County
Probate Clerk
Hall of Justice
600 Administration Drive Santa Rosa, CA 95403
Superior Court of Stanislaus County
Probate Clerk
801 - 10th Street
Modesto, CA 95354
Superior Court of Sutter County
Probate Clerk
1175 Civic Center Blvd.
Yuba City, CA 95993
Superior Court of Tehama County
Probate Clerk
1740 Walnut Street
Red Bluff, CA 96080
Superior Court of Trinity County
Probate Clerk
11 Court Street
Weaverville, CA 96093
Superior Court of Tulare County
Probate Clerk
221 South Mooney Blvd., Room 201
Visalia, CA 93291
Probate Clerk
300 East Olive
Porterville, CA 93257
Superior Court of Tuolumne County
Probate Clerk
12855 Justice Center Drive Sonora, CA 95370
Superior Court of Ventura County
Probate Clerk
4353 E. Vineyard Avenue
Oxnard, CA 93036
Superior Court Yolo County
Probate Clerk
1000 Main Street
Woodland, CA 95695
Superior Court of Yuba County
Probate Clerk
215 Fifth Street, Suite 200 Marysville, CA 95901
- 1. Inililista ng Secretary of State ng California ang mga kinakailangan sa https://www.sos.ca.gov/elections/voting-resources/voting-california/who-can-vote-california
- 2. Kung binabasa mo itong publikasyon na ito sa harap ng tagapag-ingat na naitalaga na, at gusto mong pigilan ang korte sa pagkuha ng iyong karapatang bumoto, inirerekumenda namin na sabihin sa sinuman na nakikipag-usap sa iyo tungkol sa kaso sa korte na gusto mong bumoto. Ang mga taong maaari mong sabihan ay kabilang ang iyong abogado, ang taong sumusubok na maging iyong tagapag-ingat, ang imbestigador ng korte, ang iyong case manager sa sentrong pangrehiyon (kung isa kang kliyente ng sentrong pangrehiyon), at ang hukom.
- 3. Kapag itinataguyod ang pag-iingat, kung matuklasan ng korte sa pamamagitan ng malinaw at kapani-paniwalang ebidensya na hindi makapag-uugnayan ang tao, mayroon man o walang makatwirang mga kaluwagan, ng kagustuhang lumahok sa proseso ng pagboto, ipapalagay silang “walang kakayahan hinggil sa pag-iisip” at nang gayon ay pawawalang karapatang bumoto. Para sa eksaktong wika ng pagsusulit na pinaniniwalaang gagamitin ng korte kapag nagpapasiya kung tatanggalin man o hindi ang mga karapatang bumoto ng tao, tingnan ang mga seksyon 2208 at 2209 ng Elections Code ng California https://leginfo.legislature.ca.gov/faces/codes_displayText.xhtml?lawCode=ELEC&division=2.&title=&part=&chapter=3.&article=1 Sinasabi ng mga batas na ito kung gaanong karaming ebidensya ang kinakailangan ng korte bago nito tanggalin ang iyong karapatang bumoto. Pag-uusapan din nila ang tungkol sa “makatwirang mga kaluwagan” kung saan ay mga pagbabago sa mga paraang ginagawa ang mga bagay upang matulungan ang mga taong may mga kapansanan.
- 4. Nagbago ang batas dahil sa isang bill na may numerong SB 589 https://leginfo.legislature.ca.gov/faces/billTextClient.xhtml?bill_id=201520160SB589 na ipinasa noong 2015.
- 5. Para sa higit na impormasyon, tingnan ang seksyon 2209 ng Elections Code ng California. https://leginfo.legislature.ca.gov/faces/codes_displaySection.xhtml?lawCode=ELEC §ionNum=2209.
- 6. Para sa higit na impormasyon, tingnan ang seksyon 2210 ng Elections Code ng California. https://leginfo.legislature.ca.gov/faces/codes_displaySection.xhtml?lawCode=ELEC §ionNum=2210.