Kailan Makakatulong ang Department of Rehabilitation (DOR) na Magbayad para sa mga Gastos sa Paaralan/Pabahay sa Pagsasanay

Publications
8118.08

Kailan Makakatulong ang Department of Rehabilitation (DOR) na Magbayad para sa mga Gastos sa Paaralan/Pabahay sa Pagsasanay

Ang publikasyong ito ay nagpapaliwanag kung kailan ang DOR ay makakatulong na magbayad para sa mga gastos sa pabahay kung ikaw ay dumadalo sa isang programang pagsasanay na wala sa loob ng distansiya ng pagbiyahe mula sa iyong bahay.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Sa ilang pagkakataon, ang Department of Rehabilitation (DOR) ay nakakatulong - ang mga indibidal ay nagbabayad para sa mga gastos sa kanilang pabahay kung kailangan nilang dumalo sa isang paaralan na hindi malapit sa kanilang bahay.

Sa nakaraan, ang DOR ay madalas na tumatanggi sa mga kahilingan para sa tulong sa pabahay para sa pagsasanay sa kolehiyo dahil itinuturing ng DOR ang tulong sa pabahay sa estudyante na isang pangmatagalang paggasta. Gaya ng ipinaliwag sa isang desisyon kamakailan mula sa California Court of Appeal, ang isang kahilingan para sa tulong sa pabahay  ay hindi matatanggihan dahil lamang sa pananaw ng DOR na ito ay isang pangmatagalang paggasta. Sa halip, ang DOR ay dapat magkaloob ng isang pagsusuri sa bawat kaso kapag ang isang kahilingan para sa pabahay ay ginawa, upang pagpasyahan kung:

  • Ang kahilingan para sa pagsasanay sa isang ispesipikong paaralan ay kailangan para sa hangarin sa pagtatrabaho ng kliyente o sila ba ay makakapunta sa ibang lugar na nasa loob ng distansiya ng pagbiyahe mula sa kanilang bahay?
  • Kailangan ba ng pabahay para maakses ng kliyente ang pagsasanay sa ispesipikong paaralang iyon?
  • Kung ang pabahay ay kinakailangan para sa pagsasanay na iyon, ang gastos ba para sa pabahay ay higit sa kanilang normal na mga gastos sa paninirahan?

Sa anong mga gastos sa pabahay makakatulong ang DOR?

Ang mga gastos sa pabahay ay pumapatak sa kategorya ng mga serbisyo ng DOR na tinatawag na “pagpapanatili”. Sa ilalim ng Titulo 9 ng California Code of Regulations (C.C.R.) Seksyon 7019, ang pagpapanatili ng mga serbisyo ay inilarawan bilang isang pinansiyal na suporta para sa mga indibidwal na dapat humarap sa mga bagong paggasta para sa pagkain, pabahay, o damit, na  higit sa kanilang normal na mga gastos sa paninirahan, at kailangan para makalahok ang indibidwal sa mga serbisyo ng DOR o isang pagtasa.

Ang mga serbisyong pagpapanatili ay hindi maaaring ipagkaloob upang suportahan ang pang-araw-araw na mga gastos sa paninirahan ng indibidwal. Sa halip, ang mga ito ay itinuturing na mga pansamantalang serbisyo upang suportahan ang paglahok ng isang indibidwal sa isang ispesipikong serbisyo ng DOR. Halimbawa, ang karagdagang gastos sa isang silid na dormitoryo na kinakailangan ng indibidwal upang makumpleto ang kanilang pagsasanay sa kolehiyo, sa isang lugar na wala sa loob ng distansiya sa pagbiyahe mula sa kanilang bahay, ay maaaring ipahintulot kung minsan sa ilalim ng pagpapanatili.

Ano ang nililinaw ng desisyon kamakailan ng hukuman ng paghahabol?

Noong Agosto 5, 2024, ang ika-4 ng Distrito ng Paghahabol ng California Court of Appeal ay nagpasya na ang pagsusuri ng DOR upang itanggi ang tulong na pabahay sa isang indibidwal na pumapasok sa paaralan ng batas ay hindi sumunod sa batas. John Doe v. Department of Rehabilitation (2024) 103 Cal.App.5th 1327, 324 Cal.Rptr.3d 150, 2024 Daily Journal D.A.R. 7412. Nilinaw ng desisyong ito na ang pagsusuri ng DOR ay batay sa isang maling interpretasyon ng “panandalian” laban sa. “pangmatagalan,” noong sinabi ng DOR na ang pabahay para sa paaralan ng batas ay isang patuloy na pangmatagalang paggasta.

Ang hukuman ay nagsabi na para ang mga indibidwal na dapat dumalo sa pagsasanay na wala sa distansiya ng pagbiyahe mula sa kanilang bahay, dapat tasahin ng DOR kung ang indibidwal ay magkakaroon ng mga bagong gastos para sa pabahay, na higit sa normal na ibabayad nila kung sila ay dadalo sa pagsasanay sa malapit sa kanilang bahay. Sa kasong ito; ang DOR ay hindi partikular na sumagot sa mga tanong na iyon, kaya ang hukuman ay nag-utos sa DOR na muling tayahin ang pangangailangan ng kliyente para sa tulong sa pabahay.

Bakit mahalaga ang desisyong ito?

Ang desisyong ito ay mahalaga dahil ang ilang kliyente ng DOR na pinagkaitan ng tulong sa mga gastos sa pabahay ay maaaring aktuwal na karapat-dapat sa tulong sa pabahay. Dahil dito, makakabuting hilingin ng mga indibidwal sa DOR na muling isaalang-alang ang kanilang desisyon kung:

  • sila ay pinagkaitan ng DOR ng suporta sa mga gastos sa pabahay para sa layuning dumalo sa isang paaralan o ibang pagsasanay; at
  • ang isang ispesipikong paaralan o programa sa pagsasanay ay kailangan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan (karaniwang dahil sa mga espesyal na kurso at/o akomodasyon na iniaalay ng paaralan); at
  • ang paaralan ay wala sa distansiya ng pagbiyahe mula sa kanilang bahay.

Kung naniniwala ka na ang kalagayang ito ay maaaring ilapat sa iyo, maaari mong talakayin ito sa iyong tagapayo batay sa bagong desisyong ito ng hukuman. Kung ang DOR ay hindi pa rin sumang-ayon sa iyo na tumulong sa mga gastos sa pabahay na mas mataas sa iyong normal na mga paggasta sa paninirahan, makakabuting isaalang-alang mo ang pag-apela sa pamamagitan ng isang Pagsusuring Pampangasiwaan at/o paghaharap ng isang kahilingan para sa pamamamagitan/makatarungang pagdinig. Maaari kang makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa prosesong ito sa publikasyong ito: Papel ng Dapat Malaman sa mga Opsyon at Proseso ng mga Apela ng California Department of Rehabilitation

Kongklusyon

Ngayon na ang desisyon ng hukuman ng apela ay naglinaw sa proseso para sa pagkakaloob ng tulong sa pabahay, responsibilidad ng DOR na tiyakin ang wastong interpretasyon ng mga regulasyon. Kung naniniwala ka na ikaw ay maaaring karapat-dapat sa mga serbisyong pagpapanatili ng pabahay, o kung ikaw ay dating pinagkaitan ng kahilingan para sa pagpapanatili ng pabahay, maaari mong kontakin ang Client Assistance Program (CAP) sa 1-800-776-5746 para sa karagdagang impormasyon.