Mga Serbisyo sa Transportasyon para sa Mga Tumatanggap ng Medi-Cal

Publications
#F120.08

Mga Serbisyo sa Transportasyon para sa Mga Tumatanggap ng Medi-Cal

Ipinapaliwanag ng fact sheet na ito kung paano makakuha ng transportasyon sa iyong mga medikal na appointment mula sa iyong Plano sa Pinamamahalaang Pangangalaga (Managed Care Plan, MCP) ng Medi-Cal. Ipinapaliwanag sa dulo ng publikasyon na ito kung paano makakuha ng mga serbisyo sa transportasyon kung mayroon kang Fee-For-Service (FFS) Medi-Cal.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ipinapaliwanag ng fact sheet na ito kung paano makakuha ng transportasyon sa iyong mga medikal na appointment mula sa iyong Plano sa Pinamamahalaang Pangangalaga (Managed Care Plan, MCP) ng Medi-Cal. Ipinapaliwanag sa dulo ng publikasyon na ito kung paano makakuha ng mga serbisyo sa transportasyon kung mayroon kang Fee-For-Service (FFS) Medi-Cal.

BACKGROUND

Mayroong dalawang uri ng transportasyon na pinopondohan ng Medi-Cal para sa mga appointment. Ang di-emerhensiyang transportasyong medikal (nonemergency medical transportation, NEMT) ay transportasyon sa pamamagitan ng ambulansya, wheelchair van o litter van para sa mga hindi makakagamit ng pampubliko o pribadong transportasyon. May-bisa mula Hulyo 1, 2017, kailangan ng lahat ng MCP na magbigay din ng Di-Medikal na Transportasyon (Nonmedical Transportation, NMT) para makuha ang mga medikal na kinakailangang serbisyo. Ang di-medikal na transportasyon (nonmedical transportation, NMT) ay isang transportasyon sa pamamagitan ng pribado o pampublikong sasakyan para sa mga taong walang ibang paraan para makapunta sa kanilang mga appointment.

Ang isang serbisyo ay “medikal na kinakailangan” makatuwiran at kinakailangan ito para maprotektahan ang buhay, mapigilan ang malaking karamdaman o kapansanan, o para paginhawahin ang matinding pananakit.1

Kasama sa mga halimbawa ng mga serbisyo ng NMT ang transportasyon papunta at pabalik mula sa pagpapatingin sa doktor, botika o medikal na supplier para kunin ang mga reseta, medikal na kagamitan o mga device, alagaan ang may-sakit na sanggol sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU), o para tumanggap ng iba pang saklaw na serbisyo ng Medi-Cal, kasama ang mga serbisyo sa kalusugan ng isip at ngipin.

Mula Oktubre 1, 2017, dapat ding magbigay ang mga MCP ng NMT para sa mga serbisyo ng Medi-Cal na hindi saklaw sa ilalim ng kontrata ng MCP, kasama, pero hindi limitado dito, ang mga serbisyo sa kalusugan ng isip na may espesyalisasyon, karamdaman sa pagkalulong sa alak o droga, ngipin, at anumang iba pang serbisyong inihahatid sa pamamagitan ng FFS na sistema sa paghahatid ng Medi-Cal.2

I. Di-Emerhensiyang Transportasyong Medikal (NEMT)

Ang NEMT ay isang saklaw na benepisyo sa Medi-Cal kapag kailangan ng miyembro na kumuha ng mga medikal na kinakailangang serbisyo, at inirereseta ang ma serbisyo sa pamamagitan ng sulat ng isang doktor, dentista, podiatrist, provider para sa kalusugan ng isip o karamdaman sa pagkalulong sa alak o droga, o physician extender.3

a. Paano ako magiging kwalipikado para sa NEMT?

Kailangan ng mga MCP na magbigay ng mga serbisyo sa NEMT kung pinipigilan ka ng iyong medikal o pisikal na kondisyon na gamitin ang mga karaniwang paraan ng pampubliko o pribadong transportasyon, at kailangan ang transportasyon para sa pagkuha ng mga medikal na kinakailangang serbisyo.4 Dapat mgbigay ng NEMT ang mga MCP para sa mga miyembrong hindi makatuwirang makakalakad o hindi makakatayo o makakapaglakad nang walang tulong, gaya ng mga gumagamit ng walker o mga saklay, at tiyakin ang tulong mula sa pinagmulan hanggang sa destinasyon. Bilang minimum, dapat awtorisahan ng mga MCP ang pinakamurang uri ng NEMT na nakakatugon sa iyong mga medikal na pangangailangan, ayon sa tinukoy ng isang medikal na propesyonal.5Napapailalim ang mga serbisyo ng NEMT sa paunang pahintulot, maliban sa mga kaagad na inililipat mula sa inpatient na pamamalagi sa acute na antas ng pangangalaga patungo sa ospital para sa acute na pangangalaga, pasilidad sa dalubhasang pangangalaga (skilled nursing facility, SNF), lisensyadong pasilidad para sa intermediate na pangangalaga o naka-embed na psychiatric unit, o anumang naaangkop na inpatient na pasilidad sa acute psychiatry.6

b. Paano kung kailangan ko ng mga serbisyong HINDI saklaw ng kontrata ko sa MCP?

Para sa mga serbisyo ng Medi-Cal na wala sa kontrata sa MCP, dapat gawin ng MCP ang pinakamakakaya nito para mag-refer at magsaayos para sa mga serbisyo ng NEMT. Dapat kang bigyan ng mga MCP ng mga medikal na naaangkop na serbisyo ng NEMT para sa lahat ng reseta sa botika na inireseta ng iyong (mga) Medi-Cal provider at mga inwatorisahan sa ilalim ng Medi-Cal Rx. Dapat tiyakin ng mga MCP na walang limitasyon sa pagtanggap ng NEMT hangga’t medikal na kinakailangan ang iyong mga serbisyo at nakakuha ka ng paunang awtorisasyon para sa NEMT.

c. Paano kung menor de-edad ang miyembro ng MCP?

Kung menor de-edad ng miyembro, dapat ding magbigay ang mga MCP ng transportasyon para sa magulang o tagapag-alaga. Maaaring magsaayos ang mga MCP ng NEMT para sa menor de-edad na walang kasama nang may nakasulat na pahintulot ng magulang o tagapag-alaga ng menor de-edad, maliban kung humihiling ang menor de-edad ng mga serbisyo ng Medi-Cal na may Pahintulot ng Menor De-edad gaya ng pangangalaga para sa reproduksyon. Bago magsaayos ng transportasyon para sa mga menor de-edad na walang kasama, dapat tiyakin ng MCP na natanggap nito ang lahat ng kinakailangang nakasulat na form ng pahintulot. HINDI kailangan ang pahintulot ng magulang para sa mga serbisyo ng Medi-Cal na may Pahintulot ng Menor De-edad.

d. Anong mga uri ng serbisyo ng NEMT ang available sa akin?

Kung hindi ka makagamit ng mga karaniwang paraan ng pampubliko at pribadong transportasyon dahil sa iyong medikal o pisikal na kondisyon at kailangan ang transportasyon para makakuha ka ng medikal na pangangalaga, 7 dapat ibigay ng mga MCP ang apat na sumusunod na paraan ng transportasyon ng NEMT:8

i. Mga Serbisyo ng Ambulansya ng NEMT:

  • Mga paglipat sa pagitan ng mga pasilidad para sa mga miyembrong kailangan ng patuloy na intravenous (IV) na gamot, medikal na pagbabantay, o obserbasyon;9
  • Mga paglipat mula sa pasilidad sa acute na pangangalaga patungo sa isa pang pasilidad sa acute na pangangalaga;10
  • Paglipat para sa mga miyembrong kamakailang binibigyan ng karagdagang oxygen (hindi nalalapat sa mga miyembrong may pangmatagalang emphysema na nagdadala ng sarili nilang oxygen para sa patuloy na paggamit);11
  • Paglipat para sa mga miyembrong may mga pangmatagalang kondisyon na nangangailangan ng oxygen kung kailangan ng pagsubaybay.12

ii. Mga Serbisyo ng Litter Van

Ang litter van ay isang binagong sasakyan na ginagamit para sa layunin ng pagbibigay ng NEMT para sa mga pasaherong may matatatag na medikal na kondisyon na kailangang gumamit ng litter o gurney, at hindi karaniwang may kasamang medikal na kagamitan o tauhan na kailangan para sa espesyal na pangangalagang ibinibigay sa ambulansya. Dapat magbigay ang mga MCP ng mga serbisyo ng litter van kung ang iyong medikal at pisikal na kondisyon ay HINDi nakakatugon sa pangangailangan para sa mga serbisyo ng ambulansya ng NEMT, pero natutugunan ang pareho sa mga sumusunod:

  • Nangangailangan na ihatid ka sa nakadapat o nakahigang posisyon dahil hindi ka makakaupo sa buong tagal ng biyahe;13 AT
  • Nangangailangan ng espesyal na kagamitang pangkaligtasan na higit sa kung ano ang karaniwang available sa mga pampasaherong sasakyan, taxi, o iba pang anyo ng pampublikong transportasyon.14

iii. Mga Serbisyo ng Wheelchair Van

Dapat magbigay ang mga MCP ng mga serbisyo ng wheelchair van kung ang iyong medikal at pisikal na kondisyon ay HINDi nakakatugon sa pangangailangan para sa mga serbisyo ng litter van, pero natutugunan ang pareho sa mga sumusunod:

  • Hindi ka makakaupo sa pribadong sasakyan, taxi, o iba pang anyo ng pampublikong transportasyon para sa tagal ng oras na kailangan para bumiyahe;15 O
  • Dapat kang ihatid sa isang wheelchair o tulungan papunta o mula sa bahay, sasakyan, at lugar ng paggamot dahil sa pisikal o mental na limitasyong nagdudulot ng kapansanan;16O
  • Nangangailangan ng espesyal na kagamitan sa kaligtasan na higit sa kung ano ang karaniwang available sa mga pampasaherong sasakyan, taxi, o iba pang uri ng transportasyon.17

    Maaari kang maging kwalipikado para sa transportasyon gamit ang wheelchair van kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon AT nagsumite ang iyong doktor ng pinirmahang form ng Pahayag ng Sertipikasyon ng Doktor (higit na ipinapaliwanag sa ibaba):18
    • Malubhang pagkalito ng isip
    • Paraplegia
    • Mga sumasailalim sa dialysis
    • Mayroon kang pangmatagalang kondisyon na nangangailangan ng oxygen pero hindi nangangailangan ng pagsubaybay

iv. NEMT sa Himpapawid

Dapat magbigay ang mga MCP ng NEMT sa pamamagitan ng himpapawid kapag kailangan ito dahil sa medikal na kondisyon mo o dahil hindi praktikal ang transportasyon sa lupa.19 Ang iyong doktor, dentista, podiatrist, provider para sa kalusugan ng isip o karamdaman sa pagkalulong sa alak o droga, ay dapat na magsumite ng nakasulat na order na ipinapaliwanag kung bakit kinakailangan ang transportasyon sa himpapawid.20

e. Mga Form ng Pahayag ng Sertipikasyon ng Doktor (Physician Certification Statement, PCS) sa NEMT

Kailangang mayroon kang Form ng Pahayag ng Sertipikasyon ng Doktor (PCS) na pinapahintulutan ang NEMT ng iyong provider. May sariling form ng PCS ang bawat MCP. Maaari kang humiling form mula sa iyong doktor sa telepono, elektronikong paraan, personal, o ibang paraang itinaguyod ng iyong MCP. Kung gagawa ang MCP ng anumang pagbabago sa form ng PCS mula nong huling pag-aprubang natanggap mula sa DHCS, dapat na muling magsumite ang MCP para sa pag-apruba. Ginagamit ang form ng PCS para tukuyin ang naaangkop na antas ng serbisyo para sa mga miyembro. Kapag inawtorisahan ng doktor ang anyo ng transportasyon, hindi mababago ng MCP ang awtorisasyon. Bilang minimum, dapat isama ng iyong doksotr ang sumusunod na impormasyon:

  • Katwiran ng Mga Limitasyon sa Paggawa: Dapat idokumento ng iyong doktor ang mga limitasyon mo at dapat niyang isaad ang mga partikular na pisikal at medikal na limitasyon na pumipigil sa iyo na makatuwirang makalakad nang walang tulong o makabiyahe sa pamamagitan ng mga pampubliko o pribadong sasakyan.
  • Mga Petsa ng Serbisyo na Kailangan: Ibigay ang mga petsa ng pagsisimula at katapusan para sa mga serbisyo ng NEMT hanggang sa maximum na 12 buwan.
  • Paraan ng Transportasyon na Kailangan: Ilista ang paraan ng transportasyon na kailangan kapag nakakatanggap ng mga serbisyo: ambulansya, litter van, wheelchair van, o transportasyon sa himpapawid.
  • Pahayag ng Sertipikasyon: Dapat isertipika ng iyong doktor na ginamit ang medikal na pangangailangan para tukuyin ang paraan ng transportasyon na kailangan mo.

Dapat isumite ng iyong provider ang Form ng PCS sa MCP para sa pag-apruba ng mga serbisyo ng NEMT at dapat gamitin ng MCP ang form ng PCS para ibigay ang naaangkop na paraan ng NEMT para sa iyo.

i. Mga Pagbubukod sa Form ng PCS

Maaaring magbigay ng mga MCP ng awtorisasyon sa telepono para sa mga kahilingan para sa NEMT kapag kailangan mo ng medikal na kinakailangang serbisyo na saklaw ng MCP na agaran ang katangian at hindi makatuwiran na paunang maisusumite ang form ng PCS.21 Gayunpaman, may bisa lang ang awtorisasyon sa telepono kung kinumpirma ng nakasulat na kahilingan para sa awtorisasyon. Hindi rin kinakailangan ang mga form ng PCS para sa mga donor ng Major Organ transplant (MOT) na humihiling ng mga serbisyo ng NEMT para tiyaking may kakayahan ang donor na makapunta sa ospital para sa MOT.

II. Di-Medikal na Transportasyon (NMT)

Dapat magbigay ang mga MCP ng NMT para sa lahat ng serbisyo ng Medi-Cal, kasama ang mga HINDI saklaw ng kontrata sa MCP. Kasama sa mga serbisyong hindi saklaw sa kontrata sa MCP, ngunit hindi limitado dito, ang kalusugan ng isip na may espesyalisasyon, karamdaman sa pagkalulong sa alak o droga, dental, at anumang iba pang benepisyong inihahatid sa pamamagitan ng FFS, kasama ang mga serbisyo ng botika na ibinibigay sa iyo sa pamamagitan ng Medi-Cal Rx.

a. Paano ko malalaman kung kailangan ko ng NMT o NEMT?

Hindi kasama sa NMT ang paghahatid sa mga taong dapat ihatid sa pamamagitan ng ambulansya, litter van, wheelchair van, o sa pamamagitan ng himpapawid. Halimbawa, maaaring awtorisahan ng iyong doktor ang NMT kung kasalukuyan kang gumagamit ng wheelchair, pero maaari kang maglakad nang walang tulong mula sa nagmamaneho. Gaya ng NEMT, ang NMT ay dapat na pinakamurang paraan ng transportasyon na nakakatugon sa mga pangangailangan mo.

b. Anong mga serbisyo ng NMT ang available sa akin?

Ayon sa kontrata, kailangan ng mga MCP na ibigay sa iyo ang Gabay sa Mga Serbisyo sa Miyembro na may impormasyon sa mga pamamaraan para sa pagkuha ng mga serbisyo ng NMT. Kailangang kasama sa Gabay sa Mga Serbisyo sa Miyembro ang paglalarawan ng mga serbisyo ng NMT at mga kondisyon kung saan available ang NMT. Makipag-ugnayan sa iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga kung kailangan mo ng kopya ng iyong Gabay sa Mga Serbisyo sa Miyembro.

c. Bilang minimum, dapat ibigay ng mga MCP ang mga sumusunod na serbisyo ng NMT:22

Balikan na transportasyon sa pamamagitan ng pampasaherong sasakyan, taxi, o anumang iba pang anyo ng pampublik o pribadong sasakyan, kasama ang sa pamamagitan ng ferry,23 o pag-reimburse ng milyahe para sa mga medikal na layunin kapag ang transportasyon ay sa isang pribadong sasakyan at isinaayos mo at hindi sa pamamagitan ng broker para sa transportasyon, mga pass sa bus, mga voucher sa taxi, o mga tiket ng tren.24

Available ang balikang NMT para sa mga sumusunod:

  • Mga saklaw na serbisyo na medikal na kinakailangan
  • Pag-pick up ng mga reseta ng gamot na hindi maaaring direktang ipadala sa iyo
  • Pag-pick up ng mga medikal na supply, prosthetics, orthotics, at iba pang medikal na kagamitan

Dapat ibigay ng mga MCP ang NMT sa paraang maa-access mo sa pisikal na paraan at ayon sa heograpiya at na alinsunod sa mga naaangkop na pang-estado at pederal na batas sa mga karapatan sa kapansanan.

Dapat dumating ang mga MCP sa loob ng 15 minuto ng kanilang nakaiskedyul na appointment. Kung hindi dadating ang provider ng NMT sa nakaiskedyul na oras ng pick-up, dapat magbigay ang MCP ng alternatibong NMT o payagan kang mag-iskedyul ng NMT na wala sa network at i-reimburse ka para sa NEMT na wala sa network.25

d. Kailangan ko ba ng paunang pahintulot para sa mga serbisyo ng NMT?

Hindi nangangailangan ang NMT ng paunang pahintulot, gayunpaman, maaaring gamitin ng mga MCP ang proseso ng paunang pahintulot para sa pag-apruba ng mga serbisyo ng NMT at muling pahintulutan ang mga serbisyo kada 12 buwan kapag kailangan.26 Ang “paunang pahintulot” ay isang desisyon ng iyong insurer ng kalusugan o planong pangkalusugan na medikal na kinakailangan ang isang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan o plano ng paggamot.

Kung napagpasyahan ng MCP na magkaroon ng proseso ng paunang pahintulot para sa NMT, dapat itong gumamit ng sulat ng Abiso ng Aksyon (Notice of Action, NOA) para ipaalam sa mga miyembro ang desisyon ng MCP at ang karapatan ng miyembro na mag-apela.27 Dapat ding tiyakin ng MCP na nagbibigay ng NMT nang napapanahon para makuha ng kanilang mga miyembro ang lahat ng medikal na kinakailangang serbisyo ng Medi-Cal.28 Nangangahulugan ito na may mga limitasyon sa kung gaano katagal mo kailangang maghintay para makuha ang mga serbisyo at anumang pag-antala dahil hindi ginagawang mas matagal ng NEMT o NMT ang mga limitasyong iyon. Para sa higit pang impormasyon sa mga pamantayan sa napapanahong access sa pangangalaga, tingnan ang publikasyon #5610.01 Mga Pamantayan sa Oras at Distansya sa para sa Mga Provider ng Pinamamahalaang Pangangalaga ng Medi-Cal, na available dito: https://www.disabilityrightsca.org/publications/medi-cal-managed-care-time-and-distance-standards-for-providers.

e. Anong mga serbisyo ang HINDI saklaw ng NMT?

HINDI sinasaklaw ng NMT ang mga biyahe patungo sa hindi medikal na lokasyon o mga appointment na hindi medikal na kinakailangan.

f. Ano ang mga kinakailangan para pahintulutan ang NMT ng pribadong sasakyan?

Dapat pahintulutan ng iyong MCP ang paggamit ng pribadong sasakyan kung walang ibang paraan ng transportasyon na makatuwirang available o ibinibigay ng MCP.29 Maaaring kasama sa mga pribadong sasakyan ang personal na sasakyan ng miyembro, o ng kaibigan o kapamilya. Hindi kasama dito ang mga sasakyang nauugnay sa mga negosyo, gaya ng Uber o Lyft. Bago mag-apply para sa paggamit ng pribadong sasakyan, dapat mong suriin ang lahat ng iba pang makatuwirang opsyon sa transportasyon at kumpirmahin na walang ibang paraang available sa personal, elektronikong paraan, o sa pamamagitan ng telepono sa iyong MCP.30 Maaaring kasama dito ang pagberipika na wala kang valid na lisensya sa pagmamaneho o available na gumaganang sasakayan; hindi ka makakabiyahe o makakapaghintay para sa mga medikal o dental na serbisyo nang mag-isa; o na mayroon kang limitasyon sa katawan, kognsyon, pag-iisip, o pag-unlad.31

III. Mga Karaniwang Tanong para sa NEMT at NMT

a. Sasaklawin ba ng MCP ko ang mga kaugnay na gastos sa biyahe para sa NEMT o NMT?

Dapat saklawin ng MCP ang mga gastos sa biyahe na nauugnay sa transportasyon na tinukoy na kinakailangan para sa NEMT at NMT, kasama ang halaga ng transportasyon at mga makatuwirang kinakailangang gastos para sa mga pagkain at matutuluyan para sa iyo at kasama mong tagatulong. Kung ang tagatulong mo ay hindi isang kapamilya, ang sahod nila ay isa ring saklaw na gastos sa biyahe.32Maaaring gamitin ng mga MCP ang paunang pahintulot at mga kontrol sa pamamahala ng paggamit para sa mga nauugnay na gastos sa biyahe, kasama ang mga protokol para sa pagtukoy kung kinakailangan ang isang tagatulong. Hindi nito pinipigilan ang MCP mula sa paghingi ng form ng PCS para sa lahat ng pahintulot sa NEMT.

Napapailalim ang mga gastos sa biyahe na nauugnay sa transportasyon sa retroactive na pag-reimburse. Para maging kwalipikado para sa retroactive na pag-reimburse, ang nakapaloob na serbisyo ng NEMT o NMT at mga kaugnay na gastos ay dapat na angkop na maidokumento alinsunod sa mga patakaran at pamamaraan ng MCP. Kung mabibigo kang sumunod sa proseso ng paunang pahintulot ng MCP, hindi kailangan ng MCP na saklawin ang iyong mga nauugnay na gastos sa biyahe.

i. Pagbabayad

Kailangan ng mga MCP na magkaroon ng mga ipinapatupad na pamamaraan para ibigay ang mga sumusunod na paraan ng pagbabayad para sa mga nauugnay na gastos sa biyahe:

  • Pag-reimburse sa Miyembro: Maaaring i-reimburse ng mga MCP ang mga miyembro para sa mga inaprubahang gastos sa biyahe. Dapat saklawin ng pag-reimburse ang mga aktwal na gastos mo at ng iyong tagatulong hangga’t makatuwiran at sinusuportahan ng mga resibo ang mga gastos na iyon. Kung paunang nagbayad ka o ang iyong pamilya para sa mga gastos sa biyahe, dapat mag-apruba ang mga MCP at mag-reimburse sa iyo nang hindi hihigit sa 60 araw sa kalendaryo pagkatapos kumpirmahing natanggap ng MCP ang lahat ng kinakailangang resibo at dokumentasyon.
  • Paunang bayad sa Vendor: Kung ikaw o ang iyong kasamang tagatulong ay hindi magagawang paunang magbayad, dapat paunang bayaran ng mga MCP ang mga vendor para sa mga gastos na nauugnay sa biyahe, kasama ang mga gastos para sa mga pagkain at tutuluyan. Dapat kang magpatotoo sa MCP sa personal, elektronikong paraan, o telepono na hindi ka paunang makakapagbayad para sa mga gastos na nauugnay sa biyahe.

ii. Tutuluyan at Mga Pagkain

Ang MCP ay hindi paunang nagbabayad para sa tutuluyan at/o mga pagkain mo at ng kasama mong tagatulong, kailangan ng MCP na mag-reimburse para sa mga inaprubahang gastos sa tutuluyan at pagkain. Dapat saklawin ng pag-reimburse ang mga aktwal na gastos, kung makatuwiran at sinusuportahan ng mga resibo ang mga gastos na iyon. Maaaring sumangguni ang mga MCP sa mga rate kada araw ng IRS para sa mga pagkain at tutuluyan bilang gabay.33 Bilang bahagi ng proseso ng paunang pahintulot, maaaring isaayos ng mga MCP ang iyong tutuluyan, kung matatagpuan ito sa makatuwirang distansya mula sa lokasyon kung saan mo kukunin ang mga medikal na kinakailangang serbisyo. Maaaring ibawas ang (mga) voucher sa ospital mula sa mga gastos sa pagkain na isinumite mo at ng tagatulong mo.

iii. Iba Pang Kinakailangang Gastos

Kung hindi paunang babayaran ng MCP ang iba pang kinakailangang gastos (hal., paradahan, mga toll) ng miyembro at kasamang tagatulong, kailangan ng MCP na mag-reimburse para sa mga gastos na iyon. Gaya ng mga gastos sa tutuluyan at pagkain, dapat saklawin ng pag-reimburse ang mga aktwal na gastos, kung makatuwiran at sinusuportahan ng mga resibo ang mga gastos na iyon.

b. Ano ang maaari kong gawin kung tatanggihan ng MCP ang aking kahilingan para sa NEMT o NMT?

Kung tatanggihan ng iyong MCP ang kahilingan mo sa NEMT o NMT batay sa medikal na pangangailangan o antas ng transportasyon na hiniling, o tumanggi itong magbayad para sa transportasyon, maaari mong iapela ang desisyon sa iyong MCP. Ang apela ay isang pagsusuri ng iyong MCP sa pagtanggi.34 Dapat kang maghain ng apela sa loob ng 60 araw pagkatapos mong matanggap ang abiso ng pagtanggi. Para sa higit pang impormasyon sa paghahain ng apela sa iyong MCP, pati na rin mga karagdagang karapatan sa pag-apela kasama ang patas na pagdinig ng estado at Hiwalay na Medikal na Pagsusuri (Independent Medical Review), tingnan ang publikasyon #5606.01 Pinamamahalaang Pangangalaga ng Medi-Cal: Mga Apela at Karaingan, na available online. Mag-click dito para basahin pa ang tungkol sa Pinamamahalaang Pangangalaga ng Medi-Cal:Mga Apela at Karaingan. Dagdag dito, available online ang mga nakakatulong na sagot sa mga madalas itanong tungkol sa mga serbisyo ng NEMT at NMT. Mag-click dito para sa higit na impormasyon sa Mga Madalas Itanong (FAQ) sa Workgroup ng Transportasyon ng DHCS.

c. Mayroon akong FFS Medi-Cal. Puwede pa rin ba akong makakuha ng mga serbisyo sa transportasyon?

Simula Hulyo July 1, 2018, ang mga ganap na saklaw na tagatanggap ng FFS at buntis na babae (sa panahon ng pagbubuntis at 60 araw pagkatapos manganayk) ay maaaring mag-access sa mga serbisyo ng NMT patungo at mula sa mga medikal na serbisyo, serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip, karamdaman sa pagkalulong sa alak o droga, o ngipin na saklaw ng Medi-Cal.35Saklaw din ang transportasyon para samahan ng isang tao ang benepisyaryo ng Medi-Cal kapag kailangan, gaya ng tagatulong para samahan ang nakatatanda o para dalhin ng magulang sa doktor ang anak niya.

d. Dual eligible ako para sa Medi-Cal at Medicare. Puwede ba akong gumamit ng mga serbisyo sa transportasyon na pinopondohan ng Medi-Cal para pumunta sa mga appointment sa Medicare?

Maaari mong i-access ang mga serbisyo ng NEMT at NMT sa pamamagitan ng iyong plano sa pinamamahalaang pangangalaga ng Medi-Cal.36 Hindi dapat mahalaga kung nakakatanggap ka ng Medicare sa pamamagitan ng ipinagsamang plano gaya ng Cal MediConnect, hindi ipinagsamang plano ng Medicare, o Original Medicare.

Para i-access ang NMT, tawagan o i-email ang contact sa transportasyon mula sa iyong county. Available online ang kumpletong listahan ng mga contact sa county. Mag-click dito para sa listahan ng Mga Contact sa County para sa NMT.37 Kung hindi mo pa rin ma-access ang mga serbisyo ng NMT sa pamamagitan ng iyong contact sa county sa itaas, ipadala ang lahat ng tanong sa DHCS-Benefits@dhcs.ca.gov nang may CC sa Raquel.Sanchez@dhcs.ca.gov. Maaari mo ring tawagan ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng San Diego Field Office sa ((916) 688-6131) oara sa mga kahilingan sa NEMT na FFS (kahit na hindi ka residente ng San Diego County).

Panghuli, kung hindi mo pa rin makuha ang NMT sa pamamagitan ng iyong contact sa county at DHCS sa itaas, may karapatan kang humiling ng pagdinig ng estado. Dapat mong ihain ang iyong kahilingan sa pagdinig sa loob ng 90 araw mula nang matanggap ang Abiso ng Aksyon (NOA) na tinatanggihan ang iyong transportasyon. Maaari kang humiling ng pagdinig sa telepono sa pamamagitan ng pagtawag sa Dibisyon ng Mga Pagdinig ng Estado (State Hearings Division) sa (800) 743-8525, o sa pagsulat sa pamamagitan ng pagkumpleto ng “Humiling ng Pagdinig ng Estado” (Request for State Hearing) sa likod ng iyong NOA o pagsulat ng iyong kahilingan sa hiwalay na piraso ng papel. Dapat mong isama ang iyong buong pangalan, address, numero ng telepono, pangalan ng county na tumanggi sa iyong kahilingan para sa transportasyon, at detalyadong dahilan kung bakit ka hindi sumasang-ayon at gusto mo ng pagdinig ng estado. Isumite ang iyong nakasulat na kahilingan sa isa sa mga sumusunod na paraan:

  1. Sa pamamagitan ng mail o sa personal sa departamento sa kapakanan ng county sa address na ipinapakita sa iyong NOA.
  2. Sa pamamagitan ng mail sa California Department of Social Services – State Hearings Division, P.O. Box 944243, Mail Station 9-17-37, Sacramento, CA 94244-2430.
  3. Sa pamamagitan ng fax sa (833) 281-0905
  4. Maaari kang magsumite ng kahilingan sa pagdinig online [Humiling Dito]

Gusto naming makabalita sa iyo! Mangyaring kumpletuhin ang sumusunod na survey tungkol sa aming mga publikasyon at ipaalam sa amin kung ano ang lagay namin! [Sagutan ang Survey]

Para sa legal na tulong, tawagan ang 800-776-5746 o kumpletuhin ang form ng kahilingan para sa tulong. Para sa lahat ng iba pang layunin, tumawag sa 916-504-5800 (Northern CA); 213-213-8000 (Southern CA).

Ang Disability Rights California ay pinopondohan ng magkakaibang pinagkukunan, para sa isang kumpletong listahan ng mga tagapondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/Documents/ListofGrantsAndContracts.html.