Paratransit
Paratransit
Ang Paratransit ay serbisyo ng transportasyon para sa mga taong hindi makagamit ng mga serbisyo ng pampublikong transportasyon dahil sa kanilang kapansanan.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ang Paratransit ay serbisyo ng transportasyon para sa mga taong hindi makagamit ng mga serbisyo ng pampublikong transportasyon dahil sa kanilang kapansanan. Inaatasan ng Americans with Disabilities Act (ADA) ang mga lokal na pamahalaan na nagbibigay ng serbisyong may nakatakdang ruta (tulad ng bus ng lungsod) na magbigay din ng mga serbisyo ng paratransit para sa mga taong may kapansanan para magkaroon ng pantay na access sa transportasyon. Ang fact sheet na ito ay isang simpleng pagpapakilala sa paratransit. Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng paratransit, tingnan ang Disability Rights Education and Defense Fund’s ADA Transportation Topic Guides.
Dapat magbigay ang ahensya ng pagbibiyahe ng serbisyo ng paratransit sa loob ng 3/4 milya mula sa ruta ng bus o istasyon ng tren. Dapat nakalaan ang serbisyong ito sa mga parehong araw at sa parehong mga oras bilang regular na mga serbisyo ng pagbibiyahe. Maaari kang singilin nang mataas na pamasahe para sa mga serbisyo ng paratransit, ngunit ang pamaseheng ito ay hindi hihigit sa doble sa regular na pamasahe.
Pagiging Karapat-dapat para sa mga Serbisyo ng Paratransit
Karapat-dapat ka para sa serbisyo ng paratransit kung hindi mo kayang gumamit ng pampublikong pagbibiyahe dahil sa iyong kapansanan. Para malaman kung makagagamit ka ng pampublikong transportasyon, isinasaalang-alang ng mga ahensya ng pagbibiyahe ang ilang dahilan. Kasama sa mga dahilan na ito ang kakayahang makapaglakad o sumakay sa bagay na may gulong papunta at mula sa mga hintuan ng pagbibiyahe, kakayahang makapasok at lumabas sa istasyon, kakayahang sumenyas para sa paghinto, at kakayahang pangasiwaan ang mga hindi inaasahang sitwasyon.
Paghingi ng Serbisyo
Kontakin ang iyong lokal na ahensya ng pagbibiyahe para humiling ng access sa iyong lokal na serbisyo ng paratransit. Ang bawat ahensya ay responsable sa paglikha ng sarili nitong proseso ng pagsusuri, kaya ang mga kinakailangan ay maaaring mag-iba-iba sa mga ahensya ng pagbibiyahe. Karamihan sa mga ahensya ng pagbibiyahe ay mayroong website na may form ng aplikasyon na maaari mong sagutan at isumite sa online. Maaari ka ring magsumite ng sulat sa ahensya na iyon na humihiling ng serbisyo. Kasama ang isang sampol ng sulat sa hulihan ng fact sheet na ito. Hindi ka dapat singilin ng ahensya ng pagbibiyahe sa paghiling ng mga serbisyo ng paratransit.
Maaaring hilingan ka ng ahensya ng pagbibiyahe na suportahan ang iyong kahilingan para sa mga serbisyo ng paratransit sa pamamagitan ng sulat mula sa iyong doktor o ibang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Maaari ding hilingin ng ahensya na dumalo ka ng personal na panayam o pagsusuri para mapagpasiyahan kung karapat-dapat ka.
Dapat tumugon ang ahensya ng pagbibiyahe sa iyong aplikasyon sa loob nang 21 araw. Kung hindi tutugon ang ahensya sa takdang oras, dapat nitong simulan ang mga serbisyo ng paratransit. Maaaring tumigil ang mga serbisyo kung tuluyang tanggihan ang iyong aplikasyon. Dapat kang bigyan ng ahensya ng paratransit ng partikular na mga dahilan sa pagtanggi sa iyong aplikasyon.
Kung maaprubahan ang iyong aplikasyon, dapat kang bigyan ng ahensya ng pagbibiyahe ng nakasulat na abiso na kasama ang hindi bababa sa mga sumusunod:
- ang iyong pangalan;
- ang pangalan ng provider ng pagbibiyahe;
- ang numero ng telepono para sa coordinator ng paratransit;
- ang petsa ng expiration para sa pagiging karapat-dapat (kadalasang isa-hanggang-tatlong taon, at maaari kang mag-apply para ipagpatuloy ang iyong serbisyo pagkatapos noon); at
- anumang kondisyon o limitasyon sa iyong pagiging karapat-dapat. Bilang halimbawa, maaaring karapat-dapat ka para sa paratransit para sa isang ruta ngunit hindi para sa ibang ruta.
Pag-iskedyul ng mga Serbisyo
Sa sandaling maaprubahan, maaari kang mag-iskedyul ng mga biyahe sa pamamagitan ng pagsunod sa proseso ng pag-i-iskedyul ng ahensya ng iyong pagbibiyahe. Ang mga ahensya ng pagbibiyahe ay inuutusang maghandog ng serbisyo sa susunod na araw, at dapat sumang-ayon na susunduin ka sa loob nang isang oras na iyong hiniling.
Dapat pahintulutan ka ng mga ahensya ng pagbibiyahe na bumiyahe kasama ng isang personal na katulong. Ang personal na katulong ay isang tao na tutulong sa iyo sa mga gawain alinman sa panahon ng iyong biyahe o sa iyong pupuntahan. Maaaring hindi singilin ng pamasahe ng mga ahensya ng pagbibiyahe ang iyong katulong. Kung kailangan mo ng katulong o naniniwalang paminsan-minsan ay kailangan mo ng katulong, kung gayon ay dapat mong isama ang impormasyong iyon sa iyong aplikasyon.
Dapat ka ring pahintulutan ng mga ahensya ng pagbibiyahe na magkaroon ng kahit isang kasama. Ang isang kasama ay isang taong makakasama mo sa pagbiyahe para samahan ka o bilang isang kaibigan. Hindi nabibilang na isang kasama ang iyong katulong. May karapatan ang ahensya ng pagbibiyahe na singilin ng pamasahe ang iyong kasama, ngunit ang pamasahe na iyon ay hindi maaaring maging higit sa doble ng pamasahe ng regular na serbisyo.
Mga Pagtanggi at Kawalan ng Serbisyo
Maaari kang mag-apela sa pagtanggi sa iyong serbisyo ng paratransit. Dapat matanggap ang mga apela nang hanggang sa 60 araw pagkatapos ngpagtanggi sa iyong kahilingan. Maaaring bigyan ka ng ilang ahensya ng mas mahabang panahon para mag-apela. Maaari kang mag-apela nang personal o nang nakasulat.
Mayroong 30 araw ang ahensya ng pagbibiyahe para tumugon sa iyong apela. Dapat nakasulat ang mga tugon. Kung hindi tutugon sa takdang oras ang ahensya, dapat itong magbigay ng serbisyo maliban lang at hanggang sa tanggihan nito ang apela.
Maaaring ihinto o suspindehin ng ahensya ng pagbibiyahe ang iyong mga serbisyo kung masasangkot ka sa marahas, malubhang nakakaantala, o ilegal na asal, o kung mayroon kang nakagawian ng hindi nakararating sa mga naka-iskedyul na biyahe. Ang mga aksidente o minsanang insidente ay hindi isang nakagawian. Tanging sinasadya, paulit-ulit, o regular na mga pagkilos ay dapat ituring na nakagawiang mga hindi nakararating sa mga biyahe.
Dapat kang abisuhan ng ahensya ng pagbibiyahe nang nakasulat kung pinaplano nitong ihinto o suspendihin ang mga serbisyo. Dapat ipahiwatig ng abiso ang partikular na mga serbisyo na kanilang sususpendihin at magbigay ng mga dahilan para sa pagsususpendi. Dapat ding ibigay ng abiso ang petsa ng pagpapatuloy ng serbisyo. Dapat kang bigyan ng ahensya ng pagbibiyahe ng pagkakataon na iapela ang pagsususpendi. Dapat magpatuloy ang mga serbisyo sa panahon ng proseso ng apela.
Maaaring hingin ng mga ahensya ng pagbibiyahe ang muling pagsesertipika ng pagiging karapat-dapat sa paratransit. Maaaring mawala sa iyo ang mga serbisyo ng paratransit kung mapagpapasyahan ng ahensya na hindi ka na karapat-dapat.
Mga Makatuwirang Akomodasyon
Dapat gumawa ang mga ahensya ng paratransit ng mga makatuwirang pagbabago (tinatawag ding mga makatuwirang akomodasyon) kapag kinakailangan para maiwasan ang diskriminasyon batay sa kapansanan. Ang makatuwirang akomodasyon ay isang pagbabago o pagbubukod sa isang tuntunin, gawain, o patakaran na kinakailangan para magkaroon ng pantay na access ang isang taong may kapansanan. Narito ang ilang halimbawa ng mga makatuwirang akomodasyon sa paratransit:
- Pagsundo sa isang alternatibong lokasyon kung ang iyong karaniwanng lugar ng pagsundo ay hindi madaanan dahil sa konstruksyon.
- Paghingi ng tulong para makumpleto ang aplikasyon para sa paratransit kung hindi ka makasulat o makagamit ng computer.
Dapat magbigay ang isang ahensya ng paratransit ng mga makatuwirang akomodasyon maliban kung magiging isang pangunahing pagbabago ito sa serbisyo. Isang halimbawa ng pangunahing pagbabago ay ang paghiling sa paratransit na ihatid ka sa lokasyong nasa labas ng lugar ng serbisyo.
Paglutas ng mga problema sa mga ahensya ng paratransit
Kung may problema ka sa isang ahensya ng paratransit, maaari kang maghain ng reklamo o karaingan. Kung nadiskrimina ka ng ahensya ng paratransit, may karapatan kang maghain ng reklamo sa ahensya ng pamahalaan o magsampa ng kaso.
Reklamo sa Serbisyo sa Kostumer
Ang reklamo sa serbisyo sa kostumer ay isang di-pormal na paraan para ipahayag ang pangkalahatang kawalang-kasiyahan sa isang serbisyo o asal na maaaring hindi direktang nauugnay sa diskriminasyon o lumalabag sa ADA. Halimbawa, kung nakaramdam ka ng panganib habang nasa biyahe dahil hindi huminto sa pulang ilaw ang drayber o lumampas sa limitasyon ng bilis, maaari kang maghain ng reklamo sa serbisyo sa kostumer. May ilang county na naglalagay ng espesipikong email para sa serbisyo sa kostumer sa kanilang website. Pakitandaan na maaaring hindi ka makatanggap ng tugon o resolusyon sa mga reklamo sa serbisyo sa kostumer.
Karaingan
Ayon sa ADA, ang anumang pampublikong entidad na may higit sa 50 empleyado ay dapat magtatag ng isang pamamaraan sa pagdinig ng karaingan at magtalaga ng isang Coordinator ng ADA para magsiyasat at lumutas ng mga karaingan. Saklaw din ng Seksyon 504 ng Rehabilitation Act of 1973 ang mga pampublikong entidad na tumatanggap ng pederal na pondo at dapat ding magkaroon ng isang 504 Coordinator.
Kung ang iyong kahilingan para sa makatuwirang akomodasyon ay maling binalewala o tinanggihan, o nakaranas ka ng ibang uri ng diskriminasyon batay sa kapansanan, may karapatan kang maghain ng karaingan. Dapat may patakaran sa karaingan ang ahensya ng paratransit na nagpapaliwanag kung paano maghain ng karaingan, kanino ito ipapadala, at anumang mga takdang panahon para sa paghahain ng karaingan. May ilang county na may form sa kanilang website na maaari mong gamitin para maghain ng karaingan. Kung walang form ang iyong county, maaari mong gamitin ang template sa dulo ng fact sheet na ito. Dapat sabihin sa iyo ng patakaran ng county kung kanino ipapadala ang iyong karaingan. Kung hindi, maaari mong ipadala ang iyong karaingan sa Coordinator ng ADA. Kung ang entidad ay may mas kaunti sa 50 empleyado at walang Coordinator ng ADA, maaari mong ipadala ang karaingan sa direktor o punong opisyal ng pampublikong entidad.
Mga tip para sa paghahain ng karaingan:
Palaging isama ang iyong pangalan, iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, petsa ng insidente, detalyadong paglalarawan sa nangyari, at kung ano ang gusto mong gawin ng paratransit para ayusin ang problema.
Maraming county ang humihingi ng mas tiyak na detalye tulad ng oras at lokasyon ng insidente at pangalan ng empleyadong sangkot, kung naaangkop. Ilang county ang humihingi ng impormasyon tulad ng ID ng empleyado, ID ng sasakyan o numero ng ruta, o kung anong hintuan ang tinutungo ng bus nang mangyari ang insidente.
Kung wala sa iyo ang lahat ng impormasyong hinihiling ng county, dapat mo pa ring isumite ang iyong karaingan − subukan lamang ilarawan ang lahat nang mas tiyak hangga’t maaari gamit ang impormasyong mayroon ka. Dapat mong itala ang impormasyon mula sa insidente sa lalong madaling panahon para mayroon kang magagamit na impormasyon kapag handa ka nang maghain ng karaingan.
Mga Administratibong Reklamo
Mga reklamo ng CRD:
Ang Civil Rights Department (CRD) ay isang ahensya ng estado ng California na nagpapatupad ng mga batas ng estado sa mga karapatang sibil. Anumang paglabag sa ADA ay paglabag din sa Unruh Act, na nagbabawal sa diskriminasyon ng mga establisimyento ng negosyo. Saklaw din ng paratransit ang iba pang batas laban sa diskriminasyon tulad ng Disabled Persons Act at Government Code 11135. Kung naniniwala kang nadiskrimina ka ng isang ahensya ng pagbibiyahe, maaari kang maghain ng reklamo sa CRD. Ang mga reklamo sa CRD ay dapat ihain sa loob ng isang taon mula nang nangyari ang diskriminasyon.
Mag-click dito para sa karagdagang impormasyon kung paano maghain ng reklamo sa CRD.
O, maaari mong tawagan ang CRD Contact Center sa (800) 884-1684 o (800) 700-2320 (TTY). Maaari ka ring bumisita nang personal sa isang rehiyonal na tanggapan ng CRD. Mag-click dito para sa anumang pagbabago sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng CRD.
Mga reklamo sa FTA:
Ang Tanggapan ng mga Karapatang Sibil ng United States Federal Transit Administration (FTA) ay ang pederal na ahensyang responsable sa pagpapatupad ng mga batas sa mga karapatang sibil sa pampublikong pagbibiyahe. Kung naniniwala ka na nilabag ng iyong ahensya ng pagbibiyahe ang iyong mga karapatan, maaari kang maghain ng reklamo sa FTA. Sisiyasatin ng FTA ang reklamo para makita kung nilabag ng ahensya ng pagbibiyahe ang batas. Kung matukoy ng FTA na nilabag ng ahensya ng pagbibiyahe ang batas, aabisuhan nito ang ahensya ng pagbibiyahe tungkol sa mga paglabag at magtatakda ng takdang panahon para ayusin ng ahensya ang problema.
Ang takdang panahon para maghain ng reklamo sa FTA ay 180 araw mula sa petsa ng nangyaring diskriminasyon. Mahigpit na hinihikayat ng FTA ang mga tao na direktang makipag-ugnayan sa ahensya ng paratransit tungkol sa problema bago maghain ng reklamo.
Form ng Reklamo ng FTA:
Mag-click dito para sa Form ng Reklamo sa Karapatang Sibil ng FTA.
Maaari mong i-email ang nakumpletong form sa FTACivilRightsCommunications@dot.gov o i-mail ito sa:
Federal Transit Administration
Office of Civil Rights
Attention: Complaint Team
East Building, 5th Floor – TCR
1200 New Jersey Avenue, SE
Washington, DC 20590
Hotline para sa Mga Karapatang Sibil ng FTA: 1-888-446-4511
Paglilitis
Ang mga paglabag sa batas na tinalakay sa itaas ay maaari ring ipatupad sa pamamagitan ng mga pribadong demanda. Mangyaring tandaan na ang mga kautusan ng limitasyon ay pinipigilan ang mga takdang panahon para sa paghahain ng paglilitis at maaaring potensyal na matalo ang iyong mga claim kung hindi ka kikilos ayon sa naaangkop na mga batas ng limitasyon. Ang mga takdang panahon na ito ay maaaring kasing-ikli ng dalawang taon mula sa petsa ng diskriminasyon. Kung interesado kang ipagpatuloy ang paglilitis, dapat kang komunsulta sa isang abogado sa lalong madaling panahon.
Kung naghahangad ka nang mababa sa $12,500 sa mga perang danyos, ang isa pang opsyon ay maghain ng kasong diskriminasyon sa Small Claims Court. Ang mga kautusan ng mga limitasyon na tinalakay sa itaas ay ipatutupad. Hindi ka maaaring gumamit ng abogado kung pupunta ka sa small claims court. I-click dito para sa Gabay ng mga Hukuman ng California sa Sariling Pagtulong para sa mga Small Claim sa California.
Mga Sanggunian at Karagdagang Materyales
28 C.F.R. § 35.107
28 C.F.R. § 35.130
Role of an ADA Coordinator, ADA National Network (2023).
Sampol na Sulat para Humiling ng mga Serbisyo ng Paratransit
[Petsa]
Minamahal na [Ahensya ng Pagbibiyahe]:
Sumusulat ako para humiling ng mga serbisyo ng paratransit dahil sa aking [kapansanan/mga kapansanan]/ hindi ko magamit ang nakapirming sistema ng ruta dahil [ilarawan ang mga balakid sa paggamit ng pampublikong transportasyon hal. hindi mapupuntahan ang hintuan].
Ang aking [doktor / psychiatrist / psychologist / therapist / social worker /occupational therapist / iba pang indibidwal (ilarawan)] ay ipinapalagay na kinakailangan ang mga serbisyo ng paratransit dahil sa aking kapansanan. Mangyaring tingnan ang kalakip na sulat mula sa [pangalan ng doktor o propesyonal].
Gusto kong gamitin ang mga serbisyo ng paratransit para sa mga sumusunod na biyahe sa isang regular na batayan: [Ilista ang mga araw/oras ng biyahe, pagsundo at mga lokasyon ng bababaan].
[Kakailanganin ko ng tulong ng isang katulong sa (ilan/lahat) ng biyahe para tulungan ako (sa panahon ng biyahe/sa aking pupuntahan). (Ilarawan ang pangangailangan ng katulong).]
Inuutos ng batas ng pederal at estado na magkaloob ang mga ahensya ng pagbibiyahe ng serbisyo ng paratransit sa mga taong may mga kapansanan na hindi kayang gamitin ang nakapirming sistema ng ruta. Mangyaring tumugon sa kahilingang ito sa loob ng 21 araw, gaya nang inuutos ng batas. Mangyaring malayang kontakin ako sa [ang numero ng iyong telepono at / o e-mail address] kung mayroon kang anumang katanungan. Salamat sa inyo.
Gumagalang,
[Ang iyong pangalan]
[Ang iyong address]
Sampol ng Sulat ng Suporta
[Petsa]
Minamahal na [Negosyo]:
Ako ang [doktor / psychiatrist / psychologist / therapist / social worker / occupational therapist / iba pa] para kay [Pangalan], at pamilyar ako sa [kanyang] kondisyon. Mayroon [siyang] kapansanan na nagdudulot ng ilang limitasyon sa pagganap. Kasama sa mga limitasyon na ito ang [ilista ang mga limitasyon sa pagganap na kinakailangan sa hinihiling na serbisyo ng paratransit].
Hindi magamit ni [pangalan] ang nakapirming sistema ng ruta. [Ilarawan ang mga balakid na nakapipigil sa pagagamit ng pampublikong transportasyon. Kung kinakailangan ng katulong mangyaring ilarawan ang pangangailangan ng katulong].
Salamat sa inyong pagkakaloob sa serbisyo ng paratransit para kay [Pangalan].
Gumagalang,
[Pangalan at Titulo]
Template ng Form ng Karaingan
Petsa: [Petsa ngayong araw]
Para sa: [Ahensya ng pagbibiyahe]
Mula kay: [Ang iyong pangalan]
Address: [Ang iyong tirahan]
Email Address: [Ang iyong email address]
Numero ng Telepono: [Ang iyong numero ng telepono]
ID ng Rider: [Ang iyong ID ng rider]
Minamahal na [Coordinator ng ADA o Ahensya ng pagbibiyahe]:
Isinusumite ko ang pormal na karaingang ito para iulat na ako ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa [Pangalan ng ahensya ng pagbibiyahe] noong [petsa ng insidente] bandang [oras ng insidente] dahil sa aking kapansanan/mga kapansanan na paglabag sa American Disabilities Act.
[Maikling Paglalarawan sa Insidente]
Uri ng Aksyong Hinihiling:
- Imbestigahan ang isyu
- Magbigay ng pagsasanay sa mga kawani/drayber
- Pagbutihin ang mga pamamaraan ng accessibility
- Pigilang maulit ang isyung ito.
- [Iba pa]
Salamat sa pagsusuri sa karaingang ito at sa pagsuporta sa pantay na access sa transportasyon para sa mga taong may mga kapansanan. Mas gusto kong makatanggap ng follow-up sa pamamagitan ng aking [telepono/email], na nakalista sa itaas.
[Lagda]
[Naka-print na Pangalan]


