Papel ng Katotohanan sa Diskriminasyon laban sa Ka pansanan: Access sa Mga Korte ng Estado ng California

Publications
#F113.08

Papel ng Katotohanan sa Diskriminasyon laban sa Ka pansanan: Access sa Mga Korte ng Estado ng California

Ipinagbabawal ng mga pederal at pang-estadong batas ang diskriminasyon ng mga korte ng estado batay sa kapansanan at inaatasan ang mga korte na bigyan ang mga taong may kapansanan ng makatwirang kaluwagan na kanilang kailangan upang ganap na makalahok sa sistema ng korte.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

 

Mga Pederal at Pang-estadong Batas sa Diskriminasyon laban sa Kapansanan

Ipinagbabawal ng mga pederal at pang-estadong batas ang diskriminasyon ng mga korte ng estado batay sa kapansanan at inaatasan ang mga korte na bigyan ang mga taong may kapansanan ng makatwirang kaluwagan na kanilang kailangan upang ganap na makalahok sa sistema ng korte. Ipinagbabawal ng Titulo II ng Batas sa Mga Amerikanong May Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act) ang diskriminasyon ng mga pang-estado at lokal na mga entidad ng pamahalaan, kasama ang mga sistema ng korte batay sa kapansanan. Inaatasan din ng Titulo II ang mga entidad ng pamahalaan na magbigay ng mga makatwirang kaluwagan sa mga taong may kapansanan upang masiguro na sila ay may pantay na access sa mga serbisyo ng pamahalaan. Ang Seksyon 504 ng Batas sa Rehabilitasyon ay nagbibigay ng katulad na mga proteksyon mula sa diskriminasyon ng mga entidad na tumatanggap ng mga pederal na pondo. Ang Kodigo ng Pamahalaan ng California Seksyon 11135 ay nagpoprotekta laban sa diskriminasyon ng mga pang-estado at lokal na entidad ng pamahalaan at mga negosyo na tumatanggap ng mga pondo ng estado.

Sariling-Pagtaguyod

Sa ibaba ang mga link sa Impormasyon ng ADA mula sa website ng mga Korte ng California: 

Ibinibigay sa iyo ng website na ito ang impormasyon na iyong kailangan upang humiling ng mga makatwirang kaluwagan mula sa korte. Kasama rin dito ang link sa pormularyong MC-410 para sa paghiling ng mga kaluwagan, kasama rin ang video na “paano” sagutan ang pormularyo.

Kung itatanggi ng korte ang mga kaluwagan na iyong kailangan, mayroon kang karapatan sa isang pagrepaso. Ang mga hakbang na iyong gagawin ay magdedepende kung sino ang tumanggi sa iyong kahilingan.

Kung di-panghukumang empleyado ng korte (isang klerk o komisyonado ng hurado) ang tumanggi ng iyong kahilingan, maaaring mong itanong sa isang panghukumang  opisyal (isang hukom o komisyonado ng korte) na irepaso ang pasya.  Maaari mo ring itanong sa isang panghukumang  opisyal na irepaso ang pasya kung sa tingin mo ay hindi sapat ang mga kaluwagan na inalok.  Pamumunuan ng panghukumang opisyal ang pagdinig o paglilitis.  Kung ang pagdinig o paglilitis ay wala pang nakatalagang hukom, maaari mong itanong sa namumunong hukom ng korte na irepaso ang pasya. Sa alinmang kaso, dapat humingi ka ng pagrepaso sa loob ng 10 araw ng petsa ng abiso ng pagtanggi o mga kaluwagan.

Kung ang panghukumang opisyal (isang hukom o komisyonado ng korte) ang tumanggi ng iyong kahilingan, maaari kang magsampa ng petisyon para sa hindi pangkaraniwang tulong sa mataas na korte. Maaari kang magsampa ng parehong petisyon kung sa tingin mo hindi sapat ang mga kaluwagan na ipinagkaloob sa iyo ng panghukumang opisyal.  Sa parehong kaso, mayroon kang 10 araw mula sa petsa ng abiso ng pagtanggi o mga kaluwagan upang magsampa ng petisyon. Maaaring kakailanganin mo ang tulong ng isang abogado upang magsampa ng petisyon na ito.

Kung naniniwala kang nadiskrimina ka, maaari ka ring magsampa ng administratibong pagdaing sa Kagawaran ng Katarungan ng U.S. (DOJ, Department of Justice) ng U.S. sa ilalim ng pederal na batas, o sa Kagawaran ng Makatarungang Trabaho at Pabahay ng California (DFEH, Department of Fair Employment and Housing) sa ilalim ng batas ng estado. Ang mga pagdaing sa DOJ ay dapat isampa sa loob ng 180 araw ng kilos ng diskriminasyon. Ang mga pagdaing sa DFEH ay dapat isampa sa loob ng isang taon ng kilos ng diskriminasyon.

Ang impormasyon ng pakikipag-ugnayan para sa DOJ at DFEH ay nasa ibaba.

Mga Pagdaing sa DOJ:

U.S. Department of Justice 
Civil Rights Division
950 Pennsylvania Avenue, N.W. Disability Rights Section – 1425 NYAV
Washington, D.C. 20530
Pagsampa Online: https://www.ada.gov/filing_complaint.htm
Telepono: (800) 514-0301 
Teletype (TTY): (800) 514-0383

Mga Pagdaing sa DFEH:

Pagsampa Online: https://www.dfeh.ca.gov/filing-a-complaint-online/
Phone:  (800) 884-1684 Teletype (TTY): (800) 700-2320.
Koreo:  Tumawag sa (800) 884-1684 at humingi ng naaangkop na pormularyo ng pagdaing para i-print at ibalik.  Mangyaring magbigay ng karagdagang panahon para sa pagkoreo at pagproseso.

Mayroon ka ring opsyon na magsampa ng pagdaing laban sa hukom ng iyong kaso sa pamamagitan ng Komisyon ng Panghukumang Pagsasagawa sa California (California Commission on Judicial Performance) kung naniniwala kang mayroong panghukumang maling gawain. Ang Komisyon ng Panghukumang Pagsasagawa ay hindi maaaring magbago ng pasya na ginawa ng sinumang panghukumang opisyal; sa pamamagitan lamang ng paghiling ng pagrepaso sa mga korte maaaring mabago ang pasya.  Narito ang link sa website na may karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano magsampa ng pagdaing:  http://cjp.ca.gov/ .

Maaaring makatulong sa iyo na dahil ang bagay sa atensyon ng taga-ayos ng ADA sa korte o sa Namumunong Hukom para sa korteng iyon. Upang hanapin ang impormasyon ng pakikipag-ugnayan para sa taga-ayos ng ADA sa korte o Namumunong Hukom, maaari kang pumunta sa:   http://www.courts.ca.gov/find-my-court.htm  

Paglilitis

Ang mga paglabag sa mga batas na tinalakay sa itaas ay maaari ring ipatupad sa pamamagitan ng mga pribadong kaso.  Mangyaring malaman na hinihigpitan ng mga kautusan sa mga limitasyon ang takdang panahon para sa pagsampa ng kaso at maaari kang mawalang ng paghahabol kung hindi ka kikilos sa loob ng naaangkop na kautusan sa mga limitasyon. Ang mga huling araw na ito ay maaaring kasing-ikli ng dalawang taon mula sa petsa ng diskriminasyon.

Dagdag pa, inaatas ng Batas sa Paghahabol ng mga Maling Gawain ng Pamahalaan (Government Tort Claims Act) na ang paghahabol sa maling gawain ng pamahalaan ay isampa sa loob ng anim na buwan ng insidente sa diskriminasyon bago dalhin ang kaso para sa halaga ng danyos laban sa isang estado o lokal na entidad ng pamahalaan. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga paghahabol sa maling gawain ay maaaring makita sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/522901.htm Mangyaring tandaan na ang website na ito ay naglalaman ng pormularyo para sa mga paghahabol laban sa estado o isang empleyado o ahensiya ng estado, na maaaring hindi naaangkop sa iyong kaso. Ang korte ay maaaring mayroong sarili nitong pormularyo ng paghahabol sa maling gawain na makukuha sa website nito. Kung magpasya kang ituloy ang kaso, dapat kang kumonsulta sa isang abogado sa lalong madaling panahon.

Nais ka naming pakinggan! Mangyaring sagutan ang sumusunod na survey tungkol sa aming mga lathala at ipaalam sa amin kung kamusta kami.  [Sagutan ang Survey] Para sa legal na tulong, tumawag sa 800-776-5746 o kumpletuhin ang pormularyo ng kahilingan para sa  tulong. Para sa lahat ng iba pang mga pakay, tumawag sa 916-504-5800 (Hilagang CA); 213-213-8000 (Timog CA). 
Ang Disability Rights California ay pinopondohan ng iba't ibang mga pinagkukunan, para sa kumpletong listahan ng mga nagpopondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/Documents/ListofGrantsAndContracts.html .