Pakete sa Pagdinig Tungkol sa Pagiging Karapat-dapat sa Panrehiyong Sentro

Publications
#5573.08

Pakete sa Pagdinig Tungkol sa Pagiging Karapat-dapat sa Panrehiyong Sentro

Ang mga materyal na ito ay upang makatulong sa paghahanda para sa pagdinig tungkol sa pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro para sa mga bata (tatlong taong gulang at mas matanda) o nasa hustong gulang na tinanggihan ng karapatan sa panrehiyong sentro.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Unang Seksyon - Pag-apela sa isang Pagtanggi sa Pagiging Karapat-dapat sa Panrehiyong Sentro: isang praktikal na bawat hakbang na patnubay sa pag-apela ng isang pagtanggi sa karapatan sa mga serbisyo ng panrehiyong sentro.

Ikalawang Seksyon - Mga Apendise: mga chart, patnubay, form, sampol na dokumento, at ang batas at mga regulasyon na namamahala sa mga isyu sa pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro.

Sa paketeng ito, ginagamit ang katawagang “ikaw” upang tukuyin ang bata (tatlong taong gulang o mas matanda) o nasa hustong gulang na nagsisikap makakuha ng pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro.

Ang proseso ng pagdinig sa paketeng ito ay iba sa proseso ng pagdinig para sa mga gumagamit ng Early Start (mula sa pagsilang hanggang tatlong taong gulang). Nagkakaloob ang programang Early Start ng mga serbisyo at suporta para sa mga batang wala pang 3 taong gulang na nangangailangan ng mga serbisyo sa maagang interbensyon dahil mayroon silang mga pagkaantala sa pag-unlad sa mga bahagi ng pag-unlad ng pag-iisip, pisikal na pag-unlad, pag-unlad ng wika at pagsasalita, pag-unlad ng pakikisalamuha o emosyon, o mga kasanayan sa pagtulong sa sarili. Mangyaring tingnan ang aming Dokumento ng Impormasyon sa Mga Serbisyo ng Early Start para malaman ang iyong mga karapatan sa pagdinig sa Early Start: https://www.disabilityrightsca.org/publications/early-start-eligibility at basahin ang Kabanata 12 ng Espesyal na Edukasyon ng Disability Rights California: manwal sa Mga Karapatan at Resposibilidad.

Ang paketeng ito ay hindi tumutugon sa mga pagtatapos ng pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro. Kung ikaw ay gumagamit na ng panrehiyong sentro, pero natapos na ang iyong pagiging karapat-dapat, mangyaring tingnan ang Q & A numero 24 sa aming Mga Karapatan sa ilalim ng publikasyon ng Lanterman Act na matatagpuan dito: https://rula.disabilityrightsca.org/rula-book/chapter-2-eligibility-for-regional-center-services/

Maging masuwerte ka sana sa iyong pagdinig! Umaasa kami na makakatulong sa iyo ang impormasyong ito. Kung may mga tanong ka o kailangan ng karagdagang tulong, kontakin ang Disability Rights California (800) 776-5746 o ang inyong lokal na Office of Clients’ Rights Advocacy (800) 390-7032.

Kabanata 1 – Introduksyon at Mga Kaugnay na Batas at Regulasyon para sa Pagtatag ng Pagiging Karapat-dapat sa Panrehiyong Sentro

Kung ikaw ay tinanggihan ng karapatan para sa panrehiyong sentro at hindi sumasang-ayon sa desisyon ng panrehiyong sentro, may karapatan kang umapela. Ang manwal na ito ay nagbibigay sa inyo ng praktikal na impormasyon tungkol sa kaugnay na batas, paano dapat umapela, at ano ang dapat asahan sa panahon ng apela.

Ang mga serbisyo ng Panrehiyong Sentro ay makukuha ng sinumang tao na may “kapansanan sa pag-unlad” gaya ng nilinaw ng Lanterman Act. Sa ilalim ng batas ng California, ang Lanterman Act ay nagbibigay sa mga taong may kapansanan sa pag-unlad ng karapatan sa mga serbisyo at suporta na nagbibigay sa kanila ng kakayahang mamuhay ng pinakaindependiyente, produktibo, at normal na mga buhay na posible. Ang Lanterman Act ay matatagpuan sa Welfare and Institutions Code, mga seksyon 4400- 4906. Para sa isang kaso sa pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro, ang Welfare & Institutions Code, Seksyon 4512(a) at California Code of Regulations (CCR), Titulo 17, Seksyon 54000-54002 ay nagkakaloob ng may kaugnayang batas. Tingnan ang https://leginfo.legislature.ca.gov/.

Upang maging karapat-dapat para sa mga serbisyo mula sa isang panrehiyong sentro, ang isang tao ay dapat makatugon sa kahulugan ng “kapansanan sa pag-unlad” na itinatag sa California.1

Ang kapansanan sa pag-unlad ay nangangahulugang isang kapansanan na:

  1. Nagsimula bago umabot ang isang indibidwal sa edad na 18 taon;2
  2. Nagpapatuloy, o maasahan na magpatuloy, hanggang hindi matitiyak; at
  3. Bumubuo ng isang malaking kapansanan para sa indibidwal na iyon.
  4. Gaya ng tinukoy ng Direktor ng Mga Serbisyo sa Pag-unlad, sa pagkonsulta sa Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo, kasama sa katawagang ito ang: (a) intelektuwal na kapansanan; (b) cerebral palsy; (c) epilepsy; at (d) autism. Kabilang din sa katawagang ito ang “Ika-5 Kategorya,” na: (e) mga kondsiyong nagdudulot ng kapansanan na malapit na nauugnay sa intelektuwal na kapansanan; o (f) nangangailangan ng paggamot na katulad ng kinakailangan ng mga inbidibwal na may intelektuwal na kapansanan, pero hindi kabilang ang iba pang kondisyong nagdudulot ng kapansanan na tanging pisikal ang katangian.

Para sa mga kaso ng pagiging karapat-dapat ng sentrong pangrehiyon, mayroon kang pasanin ng patunay. Nangangahulugan ito na dapat mong patunayan na natutugunan mo ang bawat elemento ng batas upang mapanalunan ang iyong kaso.

Ang Kondisyon ay Dapat Magsimula Bago ang Edad na Labingwalo

Ang kahulugan ng kapansanan sa pag-unlad ay nag-aatas na ang kondisyon ay “nagsimula bago umabot ang indibidwal sa edad na 18.” Kung ikaw ay wala pa sa edad na 18 sa panahon ng iyong pagdinig, ang elementong ito ay hindi magiging isyu. Kung ikaw ay lampas na sa edad na 18, maaaring kailanganin mong bumuo ng isang malinaw na larawan ng kung ano ka lima, sampu, dalawampu o higit na taon na ang nakalipas. Kakailanganin mong hanapin ang mga rekord ng paaralan, medikal at ibang mga rekord na makakatulong sa iyo upang magawa ito. Dapat mo ring pagsikapang humanap ng mga testigo na nakakakilala sa iyo noong ikaw ay mas bata.

Magsimula sa pamamagitan ng pagtatag na ikaw ay tunay na may kapansanan ngayon, anuman ang iyong edad. (Tingnan ang seksyon sa pahina 7 F sa ibaba, na tumatalakay sa pagpapatunay na malaking kapansanan.) Saka, upang patunayan na ang malaking kapansanan ay nagsimula bago ang edad na 18, sikaping itatag sa pamamagitan ng testimonya at mga rekord na gayon din ang pagiging apektado mo bago umabot ng edad na 18.

Ang Kondisyon ay Dapat na Malamang na Magpatuloy Hanggang Walang Katiyakan

Ang mahalagang bagay na dapat pansinin ay kailangan mo lamang patunayan na ang kondisyon ay malamang na magpatuloy nang hanggang walang katiyakan, hindi nangangahulugang habang panahon. Karamihan ng aming mga kliyente ay talagang may kondisyon na habang panahong tatagal. Sa anumang kaso, halos imposibleng sabihin nang may katiyakan na ang isang malaking kapansanan ay matatapos sa isang mahuhulaang panahon. Ang isyung ito kung minsan ay lumilitaw sa mga kaso kung saan ang panrehiyong sentro ay nagsasabi na ang kondisyon ay “tungkol lamang sa isip.” (Tingnan ang kabanata 2 sa ibaba tungkol sa regulasyon na nauukol sa “tungkol lamang sa isip.”) Maaaring igiit ng panrehiyong sentro na sa pamamagitan ng gamot, ang iyong kondisyon ay bubuti at mawawala na ang iyong kapansanan. Sa naturang kaso, ang iyong pinakamalaking hamon ay ang pagpapatunay ng ibang dahilan, tulad ng hindi pagganap na neurolohikal, na hindi malulunasan ng gamot. Kung gagawin mo iyon, ang elementong ito ay dapat hindi maglitaw ng problema. Ang mga panrehiyong sentro ay madalas na handang magtakda na natutugunan mo ang elementong ito ng pagpapakahulugan. Kung hindi, kailangan mo pa ring itatag ito sa pamamagitan ng testimonya ng eksperto.

Ang Kondisyon ay Dapat na Nagpapahina nang Malaki

Ang mga regulasyon ng DDS ay naglilinaw sa isang malaking kapansanan bilang “isang pangunahing kapansanan sa pang-unawa at/o pakikisalamuha.”3 Habang ang mga kapansanan sa parehong pang-unawa at pakikisalamuha ay hindi kailangan upang matugunan ang iniaatas na malaking kapansanan, sa praktikal na paggamit, ito ay inilalapat lamang sa mga taong nag-aaplay na batay sa autismo, cerebral palsy, o epilepsy dahil ang mga nag-aaplay sa ilalim ng kapansanan sa isipan o Ika-5 kategorya ay kailangang magpakita ng mga kapansanan sa parehong bagay upang itatag na sila ay talagang may kapansanan sa isipan o kuwalipikado sa ilalim ng Ika-5 kategorya.

“Malaking kapansanan” ay nangangahulugang ang pagkakaroon ng malaking limitasyon sa pagganap sa tatlo o higit ng mga sumusunod na lugar ng pangunahing aktibidad sa buhay, gaya ng ipinasya ng isang panrehiyong sentro, at gaya ng angkop sa edad ng tao:

  1. Pangangalaga sa sarili;
  2. Tumatanggap at nagpapahayag na wika;
  3. Pagkatuto;
  4. Mobilidad;
  5. Sariling direksyon;
  6. Kapasidad para sa independiyenteng pamumuhay; at
  7. Sariling kasapatan sa kabuhayan.

Tandaan: Bago ang Agosto 11, 2003, ang batas ay hindi nag-aatas ng mga kapansanan sa anumang partikular na bilang ng mga lugar. Kung ang isang tao ay ipinasiyang karapat-dapat sa panrehiyong sentro noon, ang panrehiyong sentro ngayon ay muling nagtatasa ng kanyang pagiging karapat-dapat, ang tao ay hindi kailangang magpakita ng mga kapansanan sa tatlo o higit na lugar.

Upang matugunan ang mga pamantayan para sa malaking kapansanan, dapat mong patunayan na ikaw ay may mga kakulangan sa hindi bababa sa tatlo ng mga lugar na nasa itaas. Ang maayos na pagpapatunay ng elementong ito ng iyong kaso ay mahalaga upang ipakita na ikaw ay karapat-dapat para sa mga serbisyo at upang ipakita rin sa Hukom ng Batas na Pampangasiwaan (ALJ) kung bakit mahalaga para sa iyo na tumanggap ng mga serbisyo ng panrehiyong sentro. Dito ay dapat kang magpokus sa pagpapatunay sa hukom ng kalubhaan ng iyong kapansanan at malinaw na ipinaliliwanag ang lahat ng lugar na kailangan mo ng tulong.

Kabanata 2 – Pangkalahatang-tanaw sa mga Kapansanan

Ang mga Kapansanan sa Pag-unlad ay kinabibilangan ng:4

  1. Kapansanan sa Isipan (dating tinatawag na “Pagkaantala ng Isipan”);5
  2. Cerebral Palsy;
  3. Epilepsy;
  4. Autismo;
  5. Ang mga nagpapahinang kondisyon na ipinasyang malapit ang kaugnayan sa kapansanan sa isipan o nangangailangan ng paggamot na katulad ng kailangan para sa mga indibidwal na may kapansanan sa isipan ay (tinatawag na “Ika-5 Kategorya”).

Kapansanan sa Isipan

6 ang kapansanan sa isipan ay isang sakit na may onset sa panahon ng pag-unlad na kinabibilangan ng mga kakulangan sa pagganap ng isipan at nag-aagpang na pagganap sa mga lugar ng konsepto, lipunan, at praktis. Ang isang tao ay kailangang tasahin (suriin) ng isang lisensiyadong clinician upang malaman kung sila ay nakakatugon sa mga pamantayan para sa kapansanan ng isipan. Ang sumusunod na tatlong pamantayan ay dapat matugunan:

  1. Ang mga kakulangan sa mga pagganap ng isipan, tulad ng pangangatwiran, paglutas ng problema, pagpaplano, abstraktong pag-iisip, pagpapasya, pagkatuto sa akademiko, at pagkatuto mula sa karanasan, kumpirmado ng pareho ng pagtasang pangklinika at ibinabagay, ayon sa pamantayan na pagsusuri ng talino.
  2. Ang mga kakulangan sa nag-aagpang na pagganap na nagreresulta sa kabiguang matugunan ang mga pamantayan sa pag-unlad at lipunan-kultura para sa personal na kalayaan at responsibilidad sa lipunan. Kung walang patuloy na suporta, ang mga kakulangan sa pag-agpang ay naglilimita sa pagganap sa isa o higit na mga aktibidad ng pang-araw-araw na buhay tulad ng komunikasyon, paglahok sa lipunan, at independiyenteng pamumuhay, sa maraming kapaligiran, tulad ng tahanan, paaralan, trabaho, at komunidad.
  3. Onset ng mga kakulangan sa isipan at pag-agpang sa panahon ng pag-unlad.

Dapat tukuyin ng tagataya ang antas ng kalubhaan, na ipinaliliwanag ng DSM-5 ay batay sa nag-aagapang na pagganap, at hindi sa mga iskor sa IQ, dahil ang nag-aagpang na pagganap ang nagpapasya ng antas ng suportang kinakailangan.

Tandaan: Ang diyagnosis ng kapansanan ng isipan ay posible para sa mga indibidwal na may lubos na mga iskor sa IQ na nasa pagitan ng 71 at 75 kung sila ay may malalaking kakulangan sa mga lugar ng nag-aagpang na pag-uugali ng nakalista sa itaas. Ang opinyon ng isang indepediyenteng eksperto ay maaaring iatas upang itatag ito.

Tingnan ang http://www.ddhealthinfo.org para sa karagdagang impormasyon.

Cerebral Palsy

Ang Cerebral Palsy ay isang sumasaklaw na katawagan na naglalarawan ng isang set ng mga kondisyon na nakakaapekto sa kontrol ng isang tao sa pagkilos. Ito ay karaniwang nagsisimula sa pagsilang o sa unang ilang taon ng buhay. Ang mga sintomas ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon, pero pangkaraniwang ang kondisyon mismo ay hindi progresibo. Ito ay dulot ng pinsala sa mga bahagi ng utak na kumokontrol sa pagkilos at postura o ng kabiguan ng mga bahaging ito na umunlad nang angkop.

Tingnan ang http://www.ddhealthinfo.org para sa karagdagang impormasyon.

Autismo

Ginagamit ng Lanterman Act ang katawagang “autismo” bilang isa sa limang kategorya ng kapansanan sa pag-unlad. Hindi gumagamit ang DSM-IV-TR o ang DSM-5, ng katawagang “autismo.”

Inilalarawan ng DSM-IV-TR ang “autistikong sakit” bilang isa sa limang Pervasive Developmental Disorders (PDDs). Ang ibang PDDs na kasama ay Pervasive Developmental Disorder-

Not Otherwise Specified (PDD-NOS), Asperger’s Disorder, Rett Syndrome, at Childhood Disintegrative Disorder. Sa DSM-IV-TR, bagaman ang diyagnosis ng Asperger’s Disorder at autistikong sakit ay magkatulad, may ilang pagkakaiba. Ang pangunahing paraan na ang Asperger’s Disorder ay iba sa Autistikong Sakit ay na ang isang diyagnosis ng Autistikong Sakit ay nangangailangan ng malaking pagkaantala sa wika at ang isang onset bago ang edad na 3.

Ang ilang panrehiyong sentro ay may posisyon na ang mga taong may Asperger’s Disorder ay hindi karapat-dapat para sa mga serbisyo ng panrehiyong sentro sa ilalim ng kategorya ng Lanterman Act ng “autismo.” Ang ilang panrehiyong sentro ay may posisyon din na ang mga taong may PDD-NOS ay hindi karapat-dapat para sa mga serbisyo ng panrehiyong sentro sa ilalim ng “autismo,” bagaman maaaring sila ay karapat-dapat para sa mga serbisyo sa ilalim ng “Ika-5 kategorya.” (Tingnan ang ibaba para sa impormasyon tungkol sa pagiging karapat-dapat sa ilalim ng “Ika-5 kategorya”). Ang ilang panrehiyong sentro ay nagpapahintulot sa mga tao na maging kuwalipikado bilang “mataas na nakakaganap na autismo,” kung sila ay nagkaroon ng mas mataas na mga iskor sa IQ, na mahirap makita ang pagkakaiba sa Asperger’s.

Sa mga nakaraang pagdinig para sa pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro, karamihan ng mga hukom ay nagsabi na ang katawagan ng Lanterman Act na “autismo” ay nangangahulugang “autistikong sakit” sa DSM-IV-TR (at hindi Asperger’s o PDD-NOS). Dahil dito, maraming taong nagkaroon ng Asperger’s o PDD-NOS ay ipinasyang hindi nakakatugon sa pamantayan ng batas para sa pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro.

Ang DSM-5 ay gumagamit ng diyagnosis, “Autism Spectrum Disorder” (ASD). Ang ASD ay ang bagong term sa DSM-5 na tumutukoy sa dating Pervasive Developmental Disorders, sa lahat ng antas ng kalubhaan. Kabilang dito ang mga kondisyon na dating hiwalay na tinatawag na Autistic Disorder, PDD-NOS, at Asperger’s Disorder. Dahil ang DSM-5 ay ang kasalukuyang bersiyon, ang publikasyong ito ay tumutugon sa pagiging karapat-dapat sa ilalim ng kategorya ng "autismo" ng Lanterman Act bilang “Autism Spectrum Disorder.” Ito ay kaayon ng sinasabi ng mga hukom sa mas bagong mga desisyon sa pagdinig.

Maaari kang magkaroon ng pagtasa na sumusuri sa iyo na may isa sa mga dating katawagan sa DSM-IV-TR. Maaaring kailanganin mong gumamit ng isang bagong pagtasa o palinawin sa isang eksperto kung paano mo matutugunan ang mga pamantayan ng DSM-5 kahit na hindi mo natugunan ang mga pamantayan ng DSM-IV-TR para sa autistikong sakit.

Tingnan ang http://www.ddhealthinfo.org para sa karagdagang impormasyon tungkol sa autismo at ibang mga kapansanan sa pag-unlad.

Epilepsy

Ang epilepsy ay isang neurolohikal na kondisyon na lumilikha ng mga seizure. Ang isang seizure ay nangyayari kapag may maikling elektrikal na kaguluhan sa utak at maaaring tumagal ng mula sa ilang segundo hanggang ilang minuto. Ang ilang seizure ay nagreresulta sa isang maikling pagkagambala sa mga pandama habang ang iba ay maaaring magresulta sa maiikling panahon ng pagkawala ng malay. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa epilepsy ay maaaring matagpuan dito:

http://www.ddhealthinfo.org

http://www.epilepsyfoundation.org

Ika-5 Katregorya

Ang isang tao ay maaaring ipasya na may kapansanan sa pag-unlad sa ilalim ng batas ng California kahit na siya ay hindi nagtataglay ng isa sa apat na kondisyon na nakalista sa itaas (kapansanan sa katalinuhan, autismo, cerebral palsy, o epilepsy). Ang isang tao ay maaaring karapat-dapat sa ilalim ng kinikilala bilang ang Ika-5 kategorya" kung siya ay:

  • May isang kondisyon na “malapit ang kaugnayan” sa kapansanan sa katalinuhan; o
  • Nangangailangan ng paggamot na “katulad sa” mga taong may kapansanan sa katalinuhan.

Ang batas ay hindi malinaw tungkol sa “malapir ang kaugnayan sa” o “katulad sa”kahulugan ng kapansanan sa katalinuhan. Gayunman, ang isang halimbawa ay maaaring ang isang taong ang IQ ay masyadong mataas para sa isang diyagnosis ng v, pero may malalaking kakulangan sa mga kasanayan sa pag-agpang na nagreresulta sa kanyang pagganap na tulad ng isang taong may kapansanan sa katalinuhan. Gaya ng itinala sa itaas sa seksyon ng “autismo,” ang isang taong may dating diyagnosis ng PDD-NOS ay maaaring maging kuwalipikado para sa mga serbisyo ng panrehiyong sentro sa ilalim ng alinman sa autismo, dahil sa bagong diyagnosis ng ASD sa DSM-5, o sa ilalim ng Ika-5 kategorya.7

Kasabay na Nangyayari na mga Isyu sa Kalusugan ng Isp o mga Kapansanan sa Pagkatuto

Ang ilang taong may kapansanan sa pag-unlad ay may kasabay na nangyayari na mga isyu sa kalusugan ng isip o mga kapansanan sa pagkatuto. Seksyon 54000(c)(1) ng Titulo 17 ng California Code of Regulations ay nagsasaad na, para sa mga layunin ng pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro, ang katawagan na “kapansanan sa pag-unlad” “ay hindi kabilang ang mga nagpapahinang kondisyon” na “tungkol sa isip lamang.” Seksyon 54000(c)(2) ay nagsasaad na ang katawagang “kapansanan sa pag-unlad” ay hindi dapat kabilang ang mga kondisyon na “mga kapansanan sa pagkatuto lamang.”8

Tandaan: Kahit na kung may isang aplikanteng may kondisyon ng sakit sa isip o kapansanan sa pagkatuto, ito ay hindi awtomatikong humahadlang sa kanyang pagiging karapat-dapat para sa mga serbisyo ng Panrehiyong Sentro. Kung hindi ka sigurado kung ano ang nagdudulot ng kapansanan—isang kondisyon ng sakit sa isip, kapansanan sa pagkatuto, o iba—humiling ng pagtaya ng Panrehiyong Sentro para sa isang kapansanan sa pag-unlad. Ang mga panrehiyong sentro ay dapat magkaloob ng mga serbisyo sa mga consumer na may kapansanan sa pag-unlad kahit na kung ang kapansanang iyon ay may kasamang mga sakit sa isip o mga sakit sa pagkatuto, o pareho.

Kabanata 3 – Pagtatag ng mga Diyagnosis ng Autismo, Kapansanan sa Katalinuhan, o Pagiging Karapat-dapat sa Ika-5 Kategorya

Ang mga sikologo ay gumagawa ng kanilang mga diyagnosis alinsunod sa DSM-5 (ang naunang bersiyon ay tinatawag na DSM-IV-TR), ang tinatanggap saanman na manwal ng diyagnosis para sa sikolohiya. Dahil ang mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat ng Lanterman Act ay iba sa mga pamantayan sa diyagnosis ng DMS kakailanganin mong maging pamilyar sa pareho. Dapat makatulong sa iyo ang iyong eksperto sa pag-unawa ng impormasyong ito sa mas higit na detalye. Dahil ang Cerebral Palsy at Epilepsy ay mga diyagnosis na medikal na tumpak na magagawa ng mga doktor na medikal, magkokonsentra kami sa natitirang tatlong kategorya, lahat ng ito ay pumapatak sa ilalim ng hindi eksaktong agham ng sikolohiya.

Autismo

Kapag gumagamit ng mga pamantayan sa diyagnosis ng DSM-5 para sa Autism Spectrum Disorder (ASD), ang mga diyagnosis ng eksperto ay maaaring may malaking pagkakaiba. Ang pagkakaibang ito ay maaaring depende sa mga factor na tulad ng kasaysayan ng eksperto, ang pagpili ng hakbang na ayon sa pamantayan, at ang impormasyon na isinaalang-alang ng eksperto. Hindi ka dapat magtangkang maging eksperto sa paggawa ng diyagnosis ng ASD. Ang impormasyon sa ASD sa manwal na ito ay ipinagkakaloob bilang sanggunian at hindi dapat pumalit sa diyagnosis o opinyon ng isang ekspertong tagataya. Dahil dito, dapat kang sumangguni sa iyong eksperto para sa mga opinyon, paliwanag, at pagsusuri.

DSM-5

Ang mga pamantayan sa pagsusuri ng DSM-5 para sa autism spectrum disorder ay:

A. Patuloy na mga kakulangan sa komunikasyong panlipunan at interaksyong panlipunan sa maraming konteksto, gaya ng ipinakikita ng mga sumusunod, kasalukuyan o sa nakaraan (dapat makatugon sa lahat ng 3 sintomas):

  1. Mga kakulangan sa katumbasan na panlipunan-pandamdamin, mula sa hindi normal na pagharap sa lipunan at kabiguan sa normal na pakikipag-usap, hanggang sa nabawasang pagbahagi ng mga interes, damdamin, pagmamahal; hanggang sa kabiguang magpasimula o tumugon sa mga interaksyong panlipunan.
  2. Ang mga kakulangan sa di-pasalitang nakakipag-ugnayang pag-uugali na ginagamit para sa mga interaksyong panlipunan, mula sa mahinang pinagsama- pasalita at di-pasalitang komunikasyon, hanggang sa mga abnormalidad sa kontak ng mata at wika ng katawan, o mga kakulangan sa pag-unawa at paggamit ng di-pasalitang komunikasyon, hanggang sa kabuuang kawalan ng pahayag ng mukha at di-pasalitang komunikasyon.
  3. Ang mga kakulangan sa pagbuo, pagpapanatili, at pag-unawa sa mga relasyon mula sa mga paghihirap sa nag-aagpang na pag-uugali upang maging angkop sa mga kontekstong panlipunan hanggang sa mga paghihirap sa pagbahagi sa mapanlikhang paglalaro o pakikipagkaibigan hanggang sa kawalan ng interes sa mga kapantay.

Tukuyin ang kasalukuyang kalubhaan, batay sa mga kapansanan sa komunikasyong panlipunan at natatakdaan, umuulit na mga pattern ng pag-uugali: Level 1 (nangangailangan ng suporta), Level 2 (nangangailangan ng malaking suporta), o Level 3 (nangangailangan ng masyadong malaking suporta)

B. Natatakdaan, umuulit na pag-uugali, mga interes, o mga aktibidad (dapat makatugon sa 2 o 4 na sintomas)

  1. Karaniwang paniniwala o umuulit na mga pagkilos, paggamit ng mga bagay, o pagsasalita (halimbawa, simple motor stereotypies, paghahanay ng mga laruan o pagtataob ng mga bagay, walang kabuluhang pag-uulit, mga natatanging prase)
  2. Paggiit ng pagkakapareho, hindi nag-aakmang pagsunod sa mga routine, o ritwal na mga pattern ng pasalita o hindi pasalita na pag-uugali (halimbawa, sukdulang sama ng loob sa maliliit na pagbabago, paghihirap sa mga paglipat, matigas na pattern ng pag-iisip, mga ritwal sa pagbati, kailangang kunin ang kaparehong ruta o kumain ng kaparehong pagkain araw-araw)
  3. Labis na natatakdaan, nakapirming mga interes na hindi normal sa tindi o pokus (halimbawa, malakas na pagkagiliw sa/ pagkaabala sa hindi pangkaraniwang mga bagay, sobrang naglilimita o pinagsisikapan na mga interes)
  4. Sobra o kaunting reaksyon sa nararamdaman o hindi pangkaraniwang interes sa mga aspetong pandama ng kapaligiran (halimbawa, nakikitang hindi pagpansin sa pananakit/temperatura, masamang tugon sa mga ispesipikong tunog o tekstura, sobrang pag-amoy o paghipo sa mga bagay, pagkahumaling sa mga ilaw o galaw)

Tukuyin ang kasalukuyang kalubhaan, batay sa mga kapansanan sa komunikasyong panlipunan at natatakdaan, umuulit na mga pattern ng pag-uugali: Level 1 (nangangailangan ng suporta), Level 2 (nangangailangan ng malaking suporta), o Level 3 (nangangailangan ng masyadong malaking suporta)

C. Ang mga sintomas ay dapat na naroon sa maagang bahagi ng pagkabata (pero ang mga ito ay maaaring hindi lubos na lumitaw hanggang sa dakong huli)

D. Ang mga sintomas ay nakakagambala sa pagganap sa bawat araw

E. Ang mga kaguluhang ito ay hindi mas mahusay na naipapaliwanag ng panlahat na pagkaantala ng pag-unlad

Pahina 51 ng DSM-5 ay nagpapaliwanag, “Ang mga indidbidwal na may mahusay na itinatag na diyagnosis na DSM-IV ng autistikong sakit, Asperger’s Disorder, o namamayaning sakit sa pag-unlad na hindi tinukoy ay dapat bigyan ng diyagnosis ng autism spectrum disorder. Ang mga indibidwal na may kapansin-pansing mga kakulangan sa komunikasyong panlipunan pero ang mga sintomas ay hindi nakakatugon sa mga pamantayan para sa autism spectrum disorder ay dapat tayahin para sa sakit sa komunikasyong panlipunan.”

Mga Pinakamahusay na Gawain ng DDS

Ang DDS ay naglathala ng Autistic Spectrum Disorders: Best Practice Guidelines for Screening, Diagnosis and Assessment.9 Ang tagatulong na ito ay nagmumungkahi ng mga sumusunod na sangkap ng isang pagtaya ng pinakamahusay na gawain: pagsusuri ng rekord, pagtayang medikal; panayam sa magulang/tagabigay ng pangangalaga; direktang pagtaya sa pasyente (panayam, direktang obserbasyon); obserbasyon ng isipan (pagtasa ng pang-unawa, pagtasa ng nag-aagpang na pagganap, pagtasa ng kalusugan ng isip; pagtasa ng kasanayan sa pakikisalamuha, nagtatakdang mga pag-uugali, mga interes at aktibidad; pagganap na pampamilya. Sa partikular, ang mga Patnubay sa Pinakamahusay na Gawain ay nagsasaad na ang Autism Diagnostic Interview – Revised (ADI-R) ay ang pinakamapagkakatiwalaang hakbang upang makakuha ng kasaysayan ng maagang pag-unlad ng mga pag-uugaling autistiko. Ang ADI-R, kapag isinama sa Autism Diagnostic Observation Schedule (“ADOS,” isa pang ayon sa pamantayan na hakbang), ay lilikha ng 85% na mapagkakatiwalaang mga diyagnosis.10 Gayunman, dahil sa mga tagatulong na makukuha ng isang claimant o ang kanyang lokal na panrehiyong sentro, ang mga patnubay na ito ay hindi laging sinusunod nang tama.

May ilang pangkaraniwang diyagnosis ng sakit sa isip na nagpapakita ng pagkakatulad sa autism spectrum disorder. Kabilang dito ang Obsessive-Compulsive Disorder, Childhood Schizophrenia, Oppositional Defiant Disorder, at Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder (ADHD). Habang ang DSM-IV-TR ay nagpahayag na ang autismo at ADHD ay hindi magkatugmang mga diyagnosis (pahina 74), hinihimok ng DSM-5 ang pagsusuri ng kasabay na nangyayari na mga sakit upang mas mahusay na ilarawan ang tao at tumuloy sa posibleng karagdagang paggamot.

Sa pagpapakita ng pagkakaiba sa pagitan ng mga kondisyong ito, ang mga ALJ ay umaasa sa kredibilidad ng sumasalungat ng testimonya ng eksperto, gayon din sa mga pagkakaiba sa pag-uugali na pangkaraniwang ipinakikita ng mga taong may ibang mga diyagnosis. Halimbawa, ang mga Patnubay sa Pinakamahusay na Gawain ay nagpapaliwanag na ang isang indibidwal na may autismo ay magagawang magpokus sa ilang aktibidad sa loob ng kanyang mga limitadong lugar ng interes, habang ang isang indibidwal na may ADHD ay mahihirapang magpokus sa anumang aktibidad.

Tulad nito, ang isang indibidwal na may autism spectrum disorder ay hindi magtatangkang magtago ng hindi angkop o agresibong mga pag-uugali, habang ang isang indibidwal na may Oppositional Defiant Disorder ay magtatangkang magtago ng mga aksyon na alam niyang mali.11 Sa isang desisyon sa pagdinig, halimbawa, maaaring itala ng isang ALJ na ang isang Claimant ay namumuhi sa sarili at naging malumbay dahil sa kanyang problema sa paglalaway at sa kanyang pagiging itinakwil. Tungkol dito, ang isang sikologo na tumetestigo bilang isang ekspertong testigo para sa panrehiyong sentro ay maaaring magbigay ng opinyon na ang isang autistikong tao ay walang pakialam sa sinasabi o iniisip ng ibang mga tao tungkol sa kanya. Sa halimbawang ito, ang isang ALJ na walang partikular na kaalaman sa sikoloyiya ay makakapagsuri ng ebidensiya ng pag-uugali ng claimant sa ilan sa mga malalim na pagkaunawa ng isang eksperto.

Kapansanan sa Isipan

Ang pagiging karapat-dapat sa kapansanan sa katalinuhan ay maaaring mahirap patunayan sa mga kasong maliliit ang pagkakaiba dahil ang pagsusuri ay sumusunod sa istriktong mga pamantayan na nakalagay sa DSM-5. Ang mga propesyonal sa panrehiyong sentro ay bihirang magkamali sa paglalapat ng mga pamantayang ito. Gayunman, kung ikaw ay kukunsulta sa isang independiyenteng eksperto, magagawa niya na sabihin sa iyo na may pagkakamali sa pagsubok, pagsusuri, o mga resulta ng panrehiyong sentro.

Ang mahalagang katangian ng kapansanan sa katalinuhan ay mga kakulangan sa pangkalahatang mga abilidad ng isipan (Pamantayan A) at kapansanan sa pang-araw-araw na nag-aagapang na pagganap, kumpara sa mga kapantay ng tao na may kaparehong edad, kasarian, at katayuang pangkabuhayan-panlipunan (Pamantayan B) na may isang onset sa panahon ng pag-unlad (Pamantayan C). DSM-5, pahina 37.

“Ang Pamantayan A ay tumutukoy sa mga pagganap ng isipan na may kaugnayan sa pangangatwiran, paglutas ng problema, pagpaplano, abstraktong pag-iisip, paghatol, pagkatuto mula sa instruksyon at karanasan, at praktikal na pagkaunawa.” DSM-5, pahina 37. Ito ay pangkaraniwang sinusukat ng isang balidong pagsusuri ng talino kung saan binibigyan ka ng iskor sa intelligence quotient (IQ). Ang isang diyagnosis ng banayad na kapansanan ng isip ay nag-aatas na ang isang indibidwal ay may IQ na 50-55 hanggang humigit-kumulang na 70. Gayunman, may pagkakamali sa pagsukat na humigit-kumulang na 5 puntos sa pagtasa ng IQ, kaya ang mga eksperto ay maaaing magsuri ng kapansanan sa katalinuhan sa isang taong may IQ na nasa pagitan ng 70 at 75, kung siya ay nagpapakita ng malalaking kakulangan sa nag-aagpang na pag-uugali. Sa nangyayari, masyadong bihira para sa isang ALJ na magpasya ng pagiging karapat-dapat sa kapansanan sa katalinuhan kapag ang claimant ay may IQ na 70-75. Ang mga desisyon ng OAH ay nakahilig sa paggamit ng a sharp IQ cutoff na 69 para sa kapansanan sa katalinuhan, inirereserba ang mga iskor na 70-75 para sa pagiging karapat-dapat sa Ika-5 kategorya. Mula sa pananaw ng pagtataguyod, ang isang claimant na may IQ na 70-75 ay dapat mangatwiran na ang pagkakamali sa pagsukat ay kinabibilangan ng kanyang iskor sa IQ sa loob ng abot ng pagiging karapat-dapat sa kapansanan sa katalinuhan. Gayunman, ang paraang ito ay hindi gaanong matagumpay sa ngayon.

Ang Pamantayan B ay sumusukat ng nag-aagpang na pagganap, o “gaano kahusay na natutugunan ng tao ang mga pamantayan ng komunidad sa personal na kalayaan at responsibilidad na panlipunan, kumpara sa ibang may katulad na edad at karanasang panlipunan-pangkultura.” DSM-5, pahina 37. Ang DSM-5 ay nagtala na maaaring masukat ang mga kakulangan sa nag-aagpang na pagganap mula sa pangklinikang pagtaya ng tao, gayon din sa ayon sa pamantayan na mga hakbang na nakumpleto ng mga taong nakakakilala sa tao.

Ang DSM-5 ay nagpapaliwanag na ang nag-aagpang na pagganap ay may kaugnay na nag-aagpang na pangangatwiran sa tatlong lugar:

  1. Pangkonsepto (akademiko): Memorya, wika, pagbabasa, pagsusulat, pangangatwiran sa matematika, pagtatamo ng praktikal na kaalaman, paglutas ng problema, paghatol sa mga bagong sitwasyon.
  2. Panlipunan: Kamalayan sa mga iniisip ng iba, mga damdamin, at karanasan, malasakit, mga kasanayan sa pakikipagkaibigan, mga kasanayan sa komunikasyon, paghatol na panlipunan.
  3. Praktikal: Pagkatuto at pamamahala ng sarili sa mga kapaligiran na kabilang ang personal na pangangalaga, pagtatrabaho, pamamahala ng pera, libangan, pag-uugali, at pag-organisa ng gawain.

Ang Pamantayan B ay natutugunan kapag, sa direkrang relasyon sa kapansanan sa katalinuhan, ang isang tao ay may kapansanan sa hindi bababa sa isang lugar, kaya nangangailangan siya na patuloy na suporta upang sapat na makaganap sa isa o higit na kapaligiran sa buhay (paaralan, trabaho, tahanan, o komunidad). DSM-5, pahina 38.

Ang Pamantayan B ay isang lugar kung saan ang Mga Patnubay ng Association of Regional Center Agencies (ARCA) 12 ay mas makitid kaysa mga pamantayan sa diyagnosis ng DSM-5. Sa pagsukat ng nag-aagpang na pagganap, ang mga Patnubay ay hindi nagsasama ng mga kakulangang dulot ng mga kondisyon ng isip.13 Ang DSM-5, sa kabilang banda ay nagsasaad na “Ang diyagnosis ng kapansanan sa katalinuhan ay dapat gawin tuwing ang Pamantayan A, B, at C ay natutugunan. DSM-5, pahina 39. Gayon din, ang mga sakit ng isip ay kasabay na nangyayari sa kapansanan sa katalinuhan tatlo o apat na beses na mas mataas kaysa pangkalahatang publiko. DSM-5, pahina 40. Dahil ang mga ito ay napakadalas na nangyayari kasabay ng kapansanan sa katalinuhan, mahirap na hindi isama ang tao dahil sa mga ito. Bagaman ang mga Patnubay ng ARCA ay tumutukoy sa pagiging karapat-dapat sa Ika-5 kategorya, ang mga hukuman ay naglalapat din nitong makitid na pamantayan sa mga pagpapasya ng pagiging karapat-dapat sa ikapansanan sa katalinuhan.

Dapat pansinin na ang pagkakaroon ng mga kakulangan sa nag-aagpang na pagganap na dulot ng mga kondisyon ng isip ay hindi awtomatikong lumalabag sa "Lamang" na elemento. Ang elementong iyon ay hindi nagsasama ng mga sakit sa isip kung saan ang mahinang pagganap ay nagsimula bilang resulta ng sakit sa isip. Ang isang claimant na ang mahinang nag-aagpang na pagganap ay lalong pinahina ng mga kondisyon ng isip ay makakatugon pa rin sa "Lamang"na elemento sa kondisyon na ang kanyang mahinang pagganap ay hindi nagsimula bilang resulta ng sakit sa isip. Tingnan ang Samantha C. v. State Dept. of Developmental Services, 185 Cal. App. 4th 1462, 1493 (2010).

Sa huli, gayunman, ang Pamantayan B ay bihirang magpakita ng paghihirap para sa kuwalipikadong claimant. Bagaman posible para sa isang claimant na matugunan ang Pamantayan A at hindi ang Pamantayan B, ang isang claimant na may IQ na kulang sa 70 ay halos tiyak na magpapakita ng mga kakulangan sa hindi bababa sa dalawa ng mga lugar ng kasanayan na nakalista sa itaas. Dagdag dito, dahil sa malaking overlap sa mga pamantayan, ang isang claimant na nakatugon sa Elemento ng Malaking Kapansanan ay malamang na makatugon din sa Pamantayan B.

Ang Pamantayan C ay katulad ng Elemento na Bago ang Labingwalo, at kaya walang nagpapakita ng ekstrang paghihirap para sa kuwalipikadong claimant.

Ika-5 Katregorya

Ang pagiging karapat-dapat sa ika-5 Kategorya ay isang legal na kategorya, hindi isang medikal o sikolohikal na diyagnosis. Gayunman, ang mga sikologo at ibang mga eksperto ay maaaring magkaloob ng mga opinyon, batay sa ebidensiya, upang makatulong na patunayan ang pagiging karapat-dapat sa Ika-5 Kategorya.

Ang Ika-5 Kategorya ay kinabibilangan ng dalawang natatanging opsyon para sa pagiging karapat-dapat.

  1. Ang mga nagpapahinang kondisyon ay ipinasyang malapit ang kaugnayan sa kapansanan sa katalinuhan
  2. Ang mga kondisyon na nag-aalis ng kakayahan na nangangailangan ng paggamot na katulad sa mga iniaatas para sa mga indibidwal na may kapansanan sa katalinuhan.

Dahil ang Lanterman Act ay binago lamang kamakailan upang palitan ang katawagan na “pagkaantala ng isipan” ng katawagan na kapansanan sa katalinuhan,” karamihan ng mga nakaraang pagdinig at desisyon ng hukuman ay gumagamit ng “pagkaantala ng isipan.”

Ang “malapit na magkaugnay” na opsyon ay inilalapat sa mga kondisyon na “masyadong katulad sa pagkaantala ng isipan,” na nagtataglay ng marami ng katulad, o malapit sa katulad, na mga factor na iniaatas sa pagklasipika sa isang tao bilang may pagkaantala ng isipan.” Mason v. Office of Administrative Hearings, 89 Cal. App. 4th 1119, 1129 (2001). Sa nangyayari, ito ay karaniwang nangangahulugan ng mga iskor sa IQ na nasa pagitan ng 70 at 75 na may mga iskor sa nag-aagpang na pagganap na nasa abot ng kapansanan sa katalinuhan. Gayunman, kung ang mga iskor sa IQ ay nasa pagitan ng 70 at 75 ay nasa loob ng “margin of error” para sa kapansanan sa katalinuhan, ang mga taong may mga iskor sa IQ na mas mataas sa 75 ay maaaring karapat-dapat sa ilalim ng Ika-5 Kategorya.

Ang opsyon na “katulad na paggamot” ay inilalapat sa mga kondisyon na nangangailangan ng, sa halip ng makikinabang lamang mula sa, paggamot na kinakailangan para sa isang taong may kapansanan sa katalinuhan. (Ang mas mababa sa karaniwan na mga iskor sa umuunawa at nag-aagpang na pagganap ay tumutulong din na patunayan ang pagiging karapat-dapat sa “katulad ng paggamot”.) “Ang paggamot” ay tradisyunal na binibigyang-kahulugan nang makitid. Ang mga patnubay ng panrehiyong sentro ay nagmumungkahi na ang mga taong may kapansanan sa katalinuhan ay mangangailangan ng paggamot na tulad ng pagsasanay para sa mga kasanayan sa halip ng motibasyon lamang; pangmatagalang pagsasanay sa halip ng panandalian, pangremedyong pagsasanay; habilitasyon sa halip ng rehabilitasyon; pagsasanay na may mga hakbang na ginagawang maliliit, magkakahiwalay na mga yunit na itinuturo sa pamamagitan ng pag-uulit; at mga suportang pang-edukasyon na may mga modipikasyon sa maraming lugar ng kasanayan.

Gayunman, ang isang huling kaso sa Hukuman ng mga Apela ng California ay nagmungkahi ng isang mas malawak na interpretasyon ng “paggamot,” kabilang ang “tulong sa pagluluto, pampublikong transportasyon, pamamahala ng pera, pagsasanay na rehabilitasyon at bokasyonal, mga kasanayan sa independiyenteng pamumuhay, espesyal na pagtuturo at mga paraan ng pagbuo ng kasanayan, at sinusuportahang mga serbisyo sa pagtatrabaho." Tingnan ang Samantha C. v. State Dept. of Developmental Services, 185 Cal. App. 4th 1462, 1493 (2010). Makabuluhan ding banggitin sa iyong pagdinig na ito ang legal na pamantayan na kasalukuyang inilalapat.

Tingnan ang apendise B para sa Patnubay sa Pagtasa na maaaring ibigay sa isang independiyenteng tagataya upang ipasiya kung ang isang tao ay may kapansanan sa pag-unlad sa ilalim ng Lanterman Developmental Disabilities Services Act.

Tingnan ang “Publikasyon na Pagigging Karapat-dapat sa Ika-5 Kategorya” sa aming website sa http://www.disabilityrightsca.org/pubs/551001.pdf para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtatag ng pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro sa ilalim ng Ika-5 Kategorya.

Kabanata 4 – Sapat na Paunawa ng Proseso ng Pagdinig

May karapatan ka sa isang nakasulat na paunawa ng aksyon (NOA) kapag ang panrehiyong sentro ay tumanggi sa iyong aplikasyon para sa mga serbisyo. Ang panrehiyong sentro ay dapat magsabi sa iyo kung aling mga batas ang nagpapahintulot dito na gumawa ng mga desisyon nito at ang mga katotohanan kung saan ibinatay nito ang pagtanggi. Ang impormasyong ito ay tumutulong sa iyo na magpasya kung dapat kang umapela, at ito ay tumutulong sa iyo na maghanda para sa iyong pagdinig.. Ang paunawa ay dapat magsabi ng:

  • Kung ano gagawin ng panrehiyong sentro
  • Bakit nila gagawin ito
  • Kailan nila gagawin ito
  • Ang batas, tuntunin, o patakaran na sinasabi ng panrehiyong sentro ay nagpapahintulot sa kanila na gawin ito
  • Paano at kailan dapat magharap ng apela
  • Ang mga huling araw sa paghaharap ng apela
  • Impormasyon tungkol sa kung ano ang mangyayari sa proseso ng apela
  • Paano susuriin ang iyong mga rekord ng panrehiyong sentro
  • Saan kukuha ng tulong sa pagtataguyod.

Sa sandaling matanggap mo ang NOA, maaari kang maghain para sa pagdinig kung hindi ka sumasang-ayon. Kung tatanggihan, babawasan o tatapusin ng sentrong panrehiyon ang isang serbisyo nang hindi ka binibigyan ng paunawa, maaari ka pa ring mag-apela - hindi mo kailangan ng NOA upang mag-apela. Maaari kang magsumite ng form ng Kahilingan para sa Apela sa DDS para simulan ang apela mo.

Paghain para sa Pagdinig

Ang pinakamabilis na paraan para humiling apela ay online sa website ng DDS sa pamamagitan ng pag-click dito. Maaari mo ring punan ang DS 1821 Form na ito at ipadala ito. Maaari mong i-email ang form sa appealrequest@dds.ca.gov. Maaari mong ipadala ang form sa: Office of Community Appeals and Resolutions, 1215 O Street MS 8-20, Sacramento, CA 95814. Maaari mong i-fax ang form sa 916-654-3641. Makakatanggap ka ng email o sulat mula sa DDS na sinasabing natanggap ang iyong kahilingan para sa apela.

Hindi Pormal na Pulong

Kapag ikaw ay nagharap ng Form ng Paghiling ng Makatarungang Pagdinig, may opsyon ka na pumiling magkaroon ng isang hindi pormal na pulong at/o isang pamamagitan sa penrehiyong sentro bago ang pagdinig. Ito ay isang pulong sa pagitan mo (at ng iyong kinatawan, kung mayroon ka) at isang kinatawan ng panrehiyong sentro. Ang layunin ay resolbahin ang isyu o bawasan ang mga isyu sa pagdinig. Ito ang iyong oportunidad na makatagpo ang isang tagapangasiwa ng panrehiyong sentro at kausapin siya upang gawin kang karapat-dapat para sa mga serbisyo ng panrehiyong sentro. Hindi mo kailangang lumahok sa isang hindi pormal na pulong pero kung humiling ka nito, ang panrehiyong sentro ay dapat magkaloob nito.

Sa loob ng 5 araw ng trabaho pagkatapos ng hindi pormal na pulong, ang direktor ng panrehiyong sentro o ang taong umaakto para sa direktor ay dapat magpadala sa iyo ng isang nakasulat na desisyon. Ang nakasulat na desisyon ay dapat tumukoy sa bawat isyu na iniharap sa hindi pormal na pulong, pagpasyahan ang bawat isyu na tinukoy, ipahayag ang mga katotohanan na sumusuporta sa bawat desisyon, at tukuyin ang mga batas, regulasyon at patakaran kung saan ibinatay ang desisyon. Ito ay dapat ding magpaliwanag kung paano iaapela ang desisyon.

Kung sumasang-ayon ka sa hindi pormal na desisyon, maaari mong iurong ang iyong kahilingan para sa isang pagdinig sa pamamagitan ng pagkumpleto ng form na “Paunawa ng Resolusyon” na ipinagkakaloob ng panrehiyong sentro. Ang desisyon ay magkakabisa 10 araw pagkatanggap ng panrehiyong sentro ng “Paunawa ng Resolusyon.”

Kung hindi ka sumasang-ayon sa hindi pormal na desisyon, ipabatid mo ang hindi pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng nakatakdang pamamagitan o pagdinig.

Pamamagitan

Maaari ka ring humingi ng pamamagitan. Ang pamamagitan ay isang pulong kung saan ang isang independiyente, sinanay na tagapamagitan mula sa Office of Administrative Hearings (OAH) ay makikipagpulong sa iyo at sa isang kinatawan ng panrehiyong sentro. Ang tagapamagitan ay magsisikap na humanap na magkakatulad na hangarin at mga bagong solusyon. Kung minsan ang tagapamagitan ay maaaring makipagpulong sa bawat partido nang magkahiwalay upang resolbahin ang isyu. Ang tagapamagitan ay walang kapangyarihang ipilit ang kasunduan. Kung nakagawa kayo ng kasunduan, pipirmahan ninyo ang dokumento ng kasunduan at ang proseso ng apela ay titigil. Kung hindi kayo nakagawa ng kasunduan, pupunta kayo sa makatarungang pagdinig.

Kung humingi ka ng pamamagigan, kailangang lumahok ang panrehiyong sentro sa pamamagitan. Hindi mo kailangang magkaroon muna ng hindi pormal na pulong kung hindi mo gusto ng hindi pormal na pulong.

Ang pamamagitan ay isang mahalagang hakbang at hinihimok namin ang mga pamilya na dumalo sa pamamagitan bago pumunta sa pagdinig. Ito ay madalas na isang magandang ideya dahil ito ay nagbibigay sa iyo at sa panrehiyong sentro ng isa pang pagkakataon upang makagawa ng kasunduan. Gayunman, kailangan ng panahon. Humandang maipagkompromiso at mag-isip nang malikhain tungkol sa kung paano mo maaaring resolbahin ang sitwasyon. Halimbawa, kung kailangan mo ng karagdagang respite sa ilang buwan kaysa ibang mga buwan, ang panrehiyong sentro ay maaaring magkaloob sa iyo ng bloke ng mga oras ng respite para sa 6 na buwan na magagamit mo gaya ng kailangan.

Kung hindi kayo nakagawa ng kasunduan sa pamamagitan, anumang mga alok ng kompromiso ay mananatiling kompidensyal at hindi mo magagamit o ng panrehiyong sentro laban sa kabilang partido sa bandang huli sa makatarungang pagdinig.

Kahit na ang pamamagitan ay hindi gumana, magkakaroon ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa kaso ng panrehiyong sentro. Ang impormasyong iyon ay makakatulong sa iyong maghanda para sa iyong makatarungang pagdinig. Kung sa palagay mo ay walang pag-asang magkaroon ng kasunduan, maaari kang magpasya na HUWAG lumahok sa pamamagitan. Ito ay tinatawag na “pagtalikdan sa pamamagitan.” Pero, maraming taong nag-iisip na walang pag-asa para sa isang kasunduan ang nakakagawa ng kasunduan. Kung ikaw o ang panrehiyong sentro ay tumalikdan sa pamamagitan, tigyakin na ikaw ay handa na para sa iyong makatarungang pagdinig. Ang iyong pagdinig ay maaaring itakda nang mas maaga kung hindi ka muna pupunta sa pamamagitan.

Mga Mosyon

Ang isang mosyon ay isang kahilingan sa hukom ng batas na pampangasiwaan upang gumawa ng isang desisyon tungkol sa isang isyu sa kaso bago ang pagdinig. Sa mga halimbawa ng mga mosyon ay kabilang ang mga mosyon upang ibasura batay sa mga angkop na batas sa mga limitasyon o mga mosyon upang pawalang-bisa ang mga subpoena.

Ang Administrative Procedure Act (APA) ay hindi inilalapat sa mga pagdinig ng panrehiyong sentro, pero ito ay kapaki-pakinabang na patnubay tungkol sa pagsagot sa mga mosyon. Para sa higit pa tungkol sa APA pumunta rito: https://www.dgs.ca.gov/OAH/Case-Types/General-Jurisdiction/About/Page-Content/About-APA

Makatarungang Pagdinig

Ang pinal na hakbang sa proseso ng apela ay ang makatarungang pagdinig. Ito ay nagaganap sa loob ng 50 araw ng iyong kahilingan para sa pagdinig maliban kung ang isang pag-antala ay hiniling para sa magandang dahilan. Dalawang (2) araw ng trabaho bago ang pagdinig, ikaw at ang panrehiyong sentro ay dapat magpadala sa bawat isa ng iyong mga eksibit at isang listahan ng mga testigo. Tingnan ang Apendise E para sa sampol na eksibit at listahan ng testigo.. Ang pagdinig ay ginaganap sa harap ng isang Hukom sa Batas na Pampangasiwaan (ALJ). Sa pagdinig, ang panrehiyong sentro ay kailangang unang magharap ng kaso nito. Ang ALJ ay mag-iisyu ng isang nakasulat na desisyon 1- araw pagkatapos ng pagdinig.

Continuance (Pagpapaliban)

Ikaw o ang panrehiyong sentro ay maaaring humingi na palitan ang petsa ng pagdinig o pamamagitan Upang ipagpaliban ang petsa ng pagpapaliban, ikaw ay maghaharap ng isang Mosyon para sa Pagpapaliban ng Pagdinig at Pagtalikdan sa Panahon.” Narito ang link sa form ng mosyon: https://www.dgs.ca.gov/-/media/Divisions/OAH/Forms/GJ-Forms/OAH24.pdf?la=en&hash=BEB591E13540FF3FC99D4B5238528704384F7546

Hindi mo kailangang magkaroon ng magandang dahilan upang humingi ng pagpapaliban sa unang pagkakataon na humiling ka nito. Pero para sa ikalawa o ikatlong kahilingan, dapat kang magkaroon ng “magandang dahilan” para igawad ng OAH ang iyong kahilingan. “Magandang dahilan” ay nangangahulugang magandang katwiran. Ang isang “magandang dahilan” ay maaaring ang isang mahalagang testigo ay hindi nakahanda sa petsa ng makatarungang pagdinig, isang sakit, emerhensiya, o pagkamatay ng isang malapit na kamag-anak.

Ang form ay nag-aatas din sa iyo na tawagan ang kinatawan ng panrehiyong sentro at itanong kung siya ay sasang-ayon na ipagpaliban ang pagdinig. Sa espasyong inilaan, dapat mong isulat ang pangalan at numero ng telepono ng taong kinausap mo. Saka, piliin kung ang tao ay sumang-ayon sa o salungat sa pagpapaliban ng pagdinig. Dapat mong itanong sa kinatawan ng panrehiyong sentro ang numero ng fax o email address upang ipadala ang kinumpletong form para pirmahan niya.

Ang Claimant o Awtorisadong Kinatawan ng Claimant ay dapat pumirma sa seksyon na may titulong “Pagtalikdan sa Panahong Itinatag ng Batas para sa Makatarungang Pagdinig at Desisyon ng Lanterman Act.” Upang igawad ang pagpapaliban, dapat kang sumang-ayon na talikdan ang mga takdang panahon ng pagdinig.

Tandaan na i-fax o i-email ang form sa kinatawan ng panrehiyong sentro at papirmahin sila rito. Sa sandaling makumpleto at mapirmahan, dapat mong i-fax ang form sa isa ng mga sumusunod na numero ng fax ng OAH, depende sa kung saan gaganapin ang pagdinig:

OAH Sacramento: 916-376-6318

OAH Los Angeles: 916-376-6395

OAH San Diego: 916-376-6318

OAH Oakland: 916-376-6318

Kung wala kang sapat na panahon upang magpadala ng isang nakasulat na mosyon, maaari mong subukang tawagan ang OAH at humiling ng isang pagpapaliban sa telepono.

Mga Interpreter

Kung ikaw o ang iyong testigo ay nangangailangan ng interpreter ng senyas o wika, makipag-ugnayan agad sa OAH upang maipagkaloob nang walang gastos ang isang sertipikadong interpreter.

Madaling Puntahan na Lokasyon ng Pagdinig

Ang mga lokasyon ng pagdinig ay dapat na madaling puntahan ng mga taong may kapansanan. Dapat mong itanong sa OAH nang maaga upang matiyak na ito ay madaling puntahan. Kung ang mga indibidwal na may kapansanan ay nangangailangan ng isang makatwirang akomodasyon upang makadalo sa pagdinig, kontakin ang OAH sa lalong madaling panahon upang magawa ang pag-aayos.

Pagkuha ng Ibang Hukom

Hindi lahat ng hukom ay magkakatulad at kailangan mong malaman ang tungkol sa iyong hukom bago ang pagdinig. Maaari kang makakuha ng ibang hukom kung ang itinalaga sa iyo ay may kasaysayan ng pagkiling o pagtatangi. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng paghaharap ng mosyon upang tumalikod ang hukom. Ang isang sampol na mosyon upang tumalikod ay kasama sa Apendise.

Upang humanap ng impormasyon tungkol sa hukom na itinalaga sa iyong kaso, mag-log on sa website para sa OAH sa http://www.dgs.ca.gov/oah/GeneralJurisdiction/Calendar.aspx (pangkalahatang kalendaryo ng hurisdiksyon. Ang hukom ay itatalaga kapag malapit na ang petsa ng pagdinig. Saka, pumunta sa link sa https://www.dgs.ca.gov/OAH/Case-Types/General-Jurisdiction/Resources/DDS-Decisions at ipasok ang pangalan ng hukom. Makikita mo ang isang listahan ng mga kaso na pinagpasyahan ng hukom. Basahin ang ilan sa mga kaso at ipasya kung ito ay isang hukom na gusto mong magpasya sa iyong kaso. Kung hindi, magharap ng mosyon upang tumalikod ang hukom. Ipadala o i-fax lamang ang mosyon upang tumalikod kasama ng iyong impormasyon sa OAH. Kung wala kang marinig mula sa OAH tungkol sa kung ang isang bagong hukom ay ibinigay, tawagan ang OAH bago ang pagdinig upang malaman ang kinahinatnan ng iyong kahilingan. Pangkaraniwan,ang kahilingan ay iginagawad.

Kabanata 5 – Paghahanda para sa Pagdinig na Nagpapasya ng Iyong Pangangatwirang Pambatas

Ang iyong pangangatwirang pambatas ay ang batas na inaasahan mo upang itatag ang pagiging karapat-dapat para mga serbisyo ng panrehiyong sentro at ang mga katotohanan na sumusuporta sa iyong claim. Upang ihanda ang iyong pangangatwirang pambatas:

Pagtitipon ng Ebidensiya

Ang ebidensiya ay binubuo ng mga katotohanan na sumusuporta sa iyong claim. Dapat mong tipunin ang anumang nakasulat na ebidensiya na sumusuporta sa iyong pangangatwirang pambatas. Ang ilang halimbawa ng ebidensiya ay maaaring ang mga kasalukuyang dokumento at ulat. Dapat mo ring tingnan ang iyong sariling mga personal na rekord. Maaari mo ring gustuhin na hingin sa mga miyembro ng pamilya at iba pa na malapit sa kaso na tumukoy at tulungan kang kumuha ng mga kopya ng bawat dokumento na maaaring nagtataglay ng kahit napakalayong kaugnayan. Upang maging masusi, makakahiling ka ng mga rekord mula sa mga paaralan, mga provider ng pangangalagang pangkalusugan, at mga ahensiya ng pamahalaan na maaaring may impormasyon tungkol sa iyo. Dapat kang kumuha ng kopya ng bawat dokumento na maaaring nagtataglay ng kahit na napakalayong kaugnayan.

Huwag maghintay upang humiling ng mga dokumento. Ang pagtitipon ng mga dokumento ay madalas na kumukuha ng mas marami kaysa iyong inaasahan. Ang mga ito ay tutulong sa iyo na maintindihan ang karagdagang impormasyon na kakailanganin mong makuha at saan maaaring lumitaw ang mga problema sa kasong ito. Basahin ang bawat dokumentong nasa iyo. Maaari mong simulang ipasya kung aling mga dokumento ang mahalagang ebidensiya, pero huwag itapon ang ibang mga dokumento. Madalas, hindi mo malalaman kung aling mga dokumento ang mahalaga hanggang matingnan ng isang eksperto ang lahat.

Karamihan ng impormasyon na may kaugnayan sa iyong kaso ay nasa anyo ng mga dokumento o ulat. Humingi sa Panrehiyong Sentro ng isang kopya ng file ng iyong kaso,. May karapatan kang makita ang anumang mga rekord sa iyong file ng Panrehiyong Sento, kabilang ang mga rekord na nakuha ng Panreniyong Sentro mula sa mga panlabas ng ahensiya o indibidwal. Ang Panrehiyong Sentro ay dapat magbigay sa iyo ng access sa iyong mga rekord sa loob ng tatlong araw ng trabaho pagkatapos ng isang nakasulat o pasalitang kahilingan upang makita ang mga ito.14 Kung gusto mo, ang Panrehiyong Sentro ay dapat ding tumulong sa iyo na maunawaan ang iyong mga rekord.

Maaaring gustuhin mo na i-subpoena ang isang ahensiya upang maglabas ng mga rekord sa iyong pagdinig. Ang isang subpoena duces tecum ay pumipilit sa isang ahensiya na magdala ng mga rekord na taglay nila at upang beripikahin sa hukuman na ang mga dokumento o rekord ay hindi nabago. Ang ahensiya ay maaaing magberipika nito sa pamamagitan ng deklarasyon o direktang testimonya, gaya ng iyong kinakailangan. Ang isang subpoena form ay maaaring matagpuan dito: https://www.dgs.ca.gov/OAH/Case-Types/General-Jurisdiction/Forms/Page-Content/DDS-Forms

Sa sandaling makuha mo ang iyong mga dokumento, gumuhit ng isang linya sa gitna ng isang piraso ng papel at ilista ang mga katotohanan at ebidensiya na taglay mo sa isang panig at mga katotohanan o ebidensiya na taglay ng panrehiyong sentro sa kabilang panig. Ito ay tutulong sa iyo na makita kung saan maaaring kailangan mo ng ebidensiya upang kontrahin ang ebidensiya na nasa panrehiyong sentro. Bukod sa mga dokumentong naroon na, maaaring kailanganin mong kumuha ng karagdagang dokumenaryong ebidensiya upang suportahan ang iyong kaso, tulad ng isang ulat ng pagtasa ng isang eksperto..

Ano ang mga Pagtasa?

Ang mga pagtasa ay nag-aalay ng isang pormal na paraan upang masukat at maklasipika ang mga katangian, kakayahan, damdamin, sintomas, a ibang mga sikolohikal na pangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng ayon sa pamantayan na pagsusuri at aktibidad. Bilang karagdagan sa pagtasa ng personalidad at pagganap ng damdamin, ang pagsusuri ay maaaring tumaya ng pagganap ng utak sa mga lugar ng kapansanan sa katalinuhan, memorya, wika, pag-unawa, konsentrasyon at atensiyon, at mga pagganap na kaugnay ng paggalaw at pandama.

Ano ang Layunin ng isang Pagtasa?

Ang isang pormal na pagtasa, karaniwang may kaugnayan sa pagsusuri, ay ginagamit upang suriin o isapuwera ang iba't ibang mga kondisyon. Ang mga pagtasa ay nagkakaloob ng mas malalim na pagkaunawa ng mga isyu na hindi matatagpuan sa panahon ng pangkaraniwang therapy o mga pagbisitang medikal. Ang mga ito ay tutulong din na matukoy ang mga lakas at kahinaan, pabilisin ang mga desisyon sa pagsusuri, at tumulong sa pagpaplano ng paggamot,

Bakit Kailangan Mo ng isang Pagtasa para sa Pagiging Karapat-dapat sa Panrehiyong Sentro?

Kailangan mo ng pagtasa upang patunayan na ikaw ay may kapansanan sa pag-unlad na gagawin kang kuwalipikado para sa mga serbisyo ng panrehiyong sentro. Ang pagtasa ay isang malaking bahagi ng iyong ebidensiya. Ang pagtasa ay dapat tumugon sa kung ikaw ay may kapansanan sa pag-unlad gamit ang isang pamantayan ng batas, kabilang ang kung ang kapansanan ay isang “malaking kapansanan,” at dapat tumukoy sa mga pagsusuring ginagamit upang gawin ang pagpapasyang iyon.

Ano ang Proseso ng Pagtasa?

Sa proseso ng pagtasa ay maaaring kabilang ang isang pagrepaso ng mga rekord, malawak na panayam sa iyo at sa iyong magulang o tagapangalaga, ang mga obserbasyon ng tagatasa, mga pagkonsulta sa ibang mga propesyonal, ibinibigay ng sarili na suhetibong mga tanong, at harapang pagsusuri ng mga obhetibong pagsubok. Ang eksperto ay pipili ng angkop na mga hakbang batay sa hinihinalang mga problema na tinatasa. Kasama rin sa pagtasa ang pagsulat ng isang ulat. Ang ulat ng pagtasa ay dapat na ideyal na magtaglay ng mga sumusunod na kategorya: ang pinagkunan ng pagrekomenda, impormasyon sa background (mga ulat na nirepaso, mga panayam, atbp.) mga obserbasyon ng pag-uugali sa panahon ng pagsusuri, ang pagsubok na ibinigay, isang buod ng mga resulta ng pagsubok (kabilang kapag angkop, ang pagganap ng isip, atensiyon at konsentrasyon, pang-unawa na kaugnay ng pandinig at pagsasalita, mga kakayahang gumalaw, memorya sa wika, kasalukuyang kalagayan ng damdamin). Dapat kasama rito ang mga impresyon sa pagsusuri at, pinakamahalaga, isang seksyon na humihila upang magsama-sama lahat ito, naglalarawan ng kung bakit ang sikologo ang nakagawa ng kanyang mga kongklusyon.

Sino ang Nagsasagawa ng mga Pagtasa?

Pinakamahusay na gawain na gamitin ang isang lisensiyadong sikologo o neuropsychologist upang magsagawa ng pagtasa para sa mga layunin ng pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro. Dapat mo ring tiyakin na makakatestigo ang eksperto tungkol sa mga resulta ng pagtasa, dahil ang pagkakaroon ng ulat ng pagtasa at testimonya ay ang pinakamahusay na ebidensiya sa iyong pagdinig.

Paano Dapat Tugunan ng Pagtasa ang Malaking Kapansanan?

Upang pagpasyahan ang “malaking kapansanan” dapat tugunan ng pagtasa kung may mga limitasyon sa tatlo o higit na mga sumusunod na lugar ng pangunahing aktibidad ng buhay: tumatanggap at nagpapahayag na wika; pagkatuto; pangangalaga sa sarili; mobilidad, sariling direksyon, kapasidad para sa independiyenteng pamumuhay at kasapatan ng sariling kabuhayan. Ang pagtasa ay dapat maglista ng bawat lugar ng malaking kapansanan at saka ipaliwanag kung paano mo tinutugunan ang bawat lugar na talagang natutugunan mo. Nakakatulong kung ang tagatasa ay makakapaglista rin ng makukuhang ebidensiya na nagpapakita kung paano mo natutugunan ang lugar ng malaking kapansanan. Halimbawa, para sa sariling direksyon, ang tagatasa ay maaaring maglarawan kung paano ka may malaking kapansanan sa lugar ng sariling direksyon at saka maglista ng tatlong dokumento na nagpapakita nito..

Anu-anong mga Pagsubok ang Ginagamit sa Panahon ng mga Pagtasa?

May ilang magkakaibang pagsubok na magagamit upang pagpasyahan ang pagganap ng isip, parehong pasalita at hindi pasalita. Mayroon ding ispesipikong mga pagsubok upang tumulong sa paggawa ng diyagnois ng isang Autism Spectrum Disorder (ASD). Dapat kang makipag-usap sa eksperto na gumagawa ng pagtasa tungkol sa kung aling mga pagsubok ang ginagamit nila at bakit.

Paano kung sa Pagtasa ay Kabilang ang Impormasyon na Hindi Sumusuporta sa Pagiging Karapat-dapat?

Posible na magkakaroon ka ng impormasyon o mga resulta ng pagsubok na anyong hindi sumusupora sa pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro. Ito ay tinatawag na hindi pabor na ebidensiya. Hindi mo dapat ipagwalang-bahala ang ebidensiyang ito kung ang panrehiyong sentro ay may access dito. Sa halip, dapat kang kumunsulta sa eksperto upang magtanong tungkol sa hindi pabor na ebidensiya. Dapat mong hingin sa eksperto na ipaliwanag kung paano makakasakit ang hindi pabor na ebidensiya sa kaso at kung ito ay sapat na makakasakit kaya hindi ka dapat pumunta sa pagdinig. Dapat mong itanong sa eksperto kung ang ebidensiya ay maipapaliwanag sa isang paraan na hindi nakakasakit sa kaso. Halimbawa, ang iyo bang eksperto ay may ibang opinyon tungkol sa hindi pabor na impormasyon? Ang hindi pabor na impormasyon ay binigyang-kahulugan ba sa maling paraan ng ibang tagataya? Mayroon ba sa hindi pabor na impormasyon na hindi kaayon ng ibang impormasyon na nasa iyo?

Karamihan ng mga kaso ay may uri ng hindi pabor na mga katotohanan. Gayunman, dapat mong sikapin na asahan ang mga agrumento ng panrehiyong sentro tungkol sa mga hindi pabor na katotohanan at saka gamitin ang iyong eksperto upang pabulaanan ang mga ito.

Tingnan ang Patnubay sa Pagtasa (Apendise B) para sa karagdagang detalye tungkol sa kung ano ang dapat isama ng eksperto sa kanilang pagtasa para sa pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro.

Mga Liham

Ang mga liham mula sa mga propesyonal at ibang mga taong nakakakilala sa iyo ay maaaring makatulong nang malaki. Ang mga liham ay hindi bibigyan ng bigat na kapareho ng pasalitang testimonya ng isang live na testigo, pero isasaalang-alang at matatanggap sa mga pagdinig na pampangasiwaan. Ang mga ito ay payak at direktang paraan ng pagsuporrta sa mga katotohanan na maaari mong itatag sa pamamagitan ng testimonya. Ang iyong eksperto ay maaaring tumukoy at kumuha ng mga kongklusyon mula sa mga ito.

Mga Testigo

Ang iyong mga testigo ay ang puso ng iyong kaso. Ang mga dokumento ay mahalaga, pero ang ilang kaso ay maipapanalo o maipapatalo dahil sa ebidensiyang dokumento. Ang mga kasong ito ay nahihilig sa pagiging itinutulak ng eksperto. Ang ilang kaso ay nananalo sa puwersa ng ekspertong testimonya lamang, pero walang maipapanalo nang walang magandang testimonya ng eksperto. Tandaan, ang Panrehiyong Sentro ay magkakaroon ng isang ekspertong saksi na tetestigo na ikaw ay hindi karapat-dapat. Kaya kailangan mo ng isang eksperto na tetestigo na ikaw ay karapat-dapat. Ang kalidad ng testimonya na makukuha mo mula sa iyong eksperto ay magiging napakahalagang factor sa resulta ng iyong kaso. Kasabay nito, huwag mahinain ang halaga ng testimonya mula sa pangkaraniwan o ibang hindi ekspertong

mga testigo. Ang kanilang testimonya ay nagkakaloob ng napakahalagang impormasyon na hindi malalaman ng iyong eksperto mula sa kanyang sariling obserbasyon. Ang mga ito ay maaaring magkaloob ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at magkaloob ng isang praktikal na pagtanaw sa kung sino ka. Dahil ang mga “pangkaraniwang” testigo ay madalas na binibigyan ng napakaliit na pagsasaalang-alang, nagsisimula kami sa kanila.

Mga Pangkaraniwang Testigo

Ang mga pangkaraniwang testigo ay maaaring magpalakas ng kasong inihaharap mo. Ang mga testigong ito ay ang isang bagay na mayroon ka na hindi magkakaroon ang Panrehiyong Sentro. Dahil ang mga pangkaraniwang saksi ay tetestigo tungkol sa mga katotohanan na alam nila tungkol sa iyo, isipin ang tungkol sa kung sino ang pinakamahusay na nakakakilala sa iyo.

Ang mga miyembro ng pamilya ay pangkaraniwang isang magandang pagpili, gayon din ang mga kasalukuyan o dating guro o pinagtatrabahuhan. Piliin ang mga pangkaraniwang testigo na makikitang obhetibo at walang kinikilingan sa ALJ. Ang mga kaso ay madalas na napapahusay nang malaki ng mga pangkaraniwan at di-ekspertong testigo na maihaharap mo. Ang mga testigong ito ay ang isang bagay na mayroon ka na hindi magkakaroon ang Panrehiyong Sentro. Pareho kayong magkakaroon ng mga ekspero pero tanging ang iyong panig ang magkakaroon ng praktikal, makatotohanang impormasyon at mga istorya na tanging ang mga pangkaraniwang testigo na lubos na kilala ka ang maaaring magkaloob Dahil doon, ang isa sa mga unang bagay na dapat mong hingin sa taong pinakamahusay na nakakakilala sa iyo, malamang na isang magulang o ibang miyembro ng pamilya, ay ilista ang lahat ng posibleng testigo na pangkaraniwan at eksperto. Nakakatulong kung makakapagpakita sila ng ilang antas ng pagiging obhetibo, iyon ay, hindi mga kaibigan ng mga magulang. Gayunman, iyon ay hindi lubos na kailangan. Ang mga pangkaraniwang testigo ay madalas na binibigyan ng malaking kredibilidad ng mga ALJ. Ang paghahanap ng mga naturang testigo ay madalas na nangangailangan ng tiyaga at posible ng magandang kapalaran.. Ito ay talagang nararapat sa pagsisikap.

Ang testimonya ng pangkaraniwang testigo ay magagamit ng iyong eksperto bilang batayan ng kanyang opinyon at makakapagpatibay sa opinyon ng iyong eksperto. Kung ang mga resulta ng pagsubok ay humuhula na dapat kang magkaroon ng paghihirap na matuto ng mga bagong gawain o makatanda ng impormasyon, ang mga testigong nakakakilala sa iyo ay makakapagbigay ng mga istorya na naglalarawan ng problema. Ang mga istorya tungkol sa mga pagsisikap na turuan ka ng mga praktikal na kasanayan, tulad ng kung paano magpatakbo ng isang DVD player o gumawa ng cake, ay madalas na mabisang nakakapaghantad. Kaya mo bang bumili at unawaiin kung magkano ang dapat asahang sukli? Natatandaan mo ba kung saan ipinarada ang sasakyan sa mall o alam kung paano ligtas na pupunta sa malapit na tindahan? Ang trabaho ng iyong mga pangkaraniwang testigo ay magsalaysay ng mga istorya na ginagawa kang buhay, na nagpapakita ng mga tunay na paghihirap mo sa mga gawain na madali sa karamihan ng mga tao.

Ang ilang propesyonal, tulad ng mga guro, mga nagpapatakbo ng bahay ng pangangalaga o mga tagasanay sa mga bokasyonal na programa, ay maaaring magsilbing eksperto at pangkaraniwang testigo sa mga kasong ito. Sila ay hindi mga ekspertong tulad ng isang lisensiyadong sikologo, dahil hindi nila makakaya, halimbawa, na magbigay ng opinyon na nauukol sa iyong diyagnosis. Kaya nilang magkaloob ng maraming impormasyon na nauukol sa mga nag-aagpang na kasanayan, mga katangian sa pagkatuto at mga pangangailangan. Sa tanong na “mga pangangailangan ng paggamot,” maaaring magawa ng mga taong ito na magbigay ng opinyon kung sila ay may natatanging karanasan, kadalubhasan o pagsasanay sa pagtuturo ng mga bata o nasa hustong gulang na may kapansanan sa katalinuhan.

Mga Ekspertong Testigo

Dapat makilala ka ng iyong ekspertong testigo sa loob ng kanyang lugar ng kadalubhasaan. Ito ang lugar kung saan siya ay maaaring tumestigo tungkol sa kanyang mga opinyon, hindi mga katotohanan lamang na alam niya tungkol sa iyo. Halimbawa, makikilala ka ng iyong guro sa espesyal na edukasyon mula sa silid-aralan, makikilala ka ng isang sikologo mura sa panahon na gumawa siya ng pagtaya sa iyo. Kung ikaw ay pipili sa pagitan ng magkakatulad ng testigo, halmbawa, dalawang sikologo, isaalang-alang kung sino ay mayroong mas malaking kadalubhasaan sa paksa ng iyong kaso, na lilitaw na mas may awtoridad sa pagdinig, at ang opinyon ay susuporta sa iyong argumento nang mas malakas.

Hindi kailangan ng isang testigo na magkaroon ng Ph.D. upang maging isang eksperto. Ang eksperto ay simpleng isang tao na, dahil sa edukasyon, karanasan o pagsasanay, ay may sapat na kadalubhasaan upang tumulong sa hukom sa pag-unawa sa mga katotohanan ng kaso at paggawa ng isang desisyon.

Ang mga eksperto ay maaaring magpahayag ng mga opinyon sa testimonya. Sa pangkalahatan, ang mga pangkaraniwang testigo ay hindi - nakakapaghatid lamang sila ng mga katotohanan. Halimbawa, ang isang guro ng regular na edukasyon ay nakakapagbigay ng opinyon tungkol sa dahilan ng mga pangangailangan sa pag-aaral ng isang bata. Kung ang isang guro sa regular na edukasyon ay nagkaroon ng maraming bata na may kapansanan sa katalinuhan sa klase, siya ay maaaring magpahayag ng opinyon ng isang “eksperto” tungkol sa kung ang bata ay nangangailangan o hindi ng katulad ng pagharap sa pagtuturo sa isang batang may kapansanan sa katalinuhan. Ang isang guro sa espesyal na edukasyon, na maaaring may karagdagang pagsasanay at karanasan, ay mas malamang na makapaghayag ng isang ekspertong opinyon sa isang kaso sa pagiging karapat-dapat kaysa isang guro sa espesyal na edukasyon.

Ang ibang mga tao na maaaring makapagbigay ng “ekspertong” testimonya sa ilang aspeto ng iyong kaso ay kinabibilangan ng mga sikologo, doktor, physical therapist, occupational therapist, speech therapist, mga tagapayo, propesyoal sa kalusugan ng isip, behaviorist, mga tagapagpatakbo ng bahay ng pangangalaga, mga manggagawa sa In-Home Supportive Services (IHSS), mga tauhan mula sa mga programang pang-araw, at iba pa.

Karamihan ng mga ekspertong ginagamit sa mga kaso sa pagiging karapat-dapat ay mga sikologo o psychiatrist. Ang sikolohiya at psychiatry ay hindi mga eksaktong agham. Alinsunod sa pahayag ng babala sa DSM-5, pahina 25:

Kapag ang mga kategorya, pamantayan, at tekstong paglalarawan ng DSM-5 ay ginagamit, may panganib na ang impormasyon sa diyagnosis ay maling gagamitin o mali ang pagkakaintindi. Ang mga panganib na ito ay lumilitaw dahil sa hindi perperktong pagkakatugma sa pagitan ng mga tanong na pinakamahalaga sa batas at ang impormasyon na nasa diyagnosis na pangklinika. Sa karamihan ng mga sitwasyon, ang diyagnosis na pangklinika ng isang sakit sa isip ng DSM-5r…ay hindi nagpapahiwatig na ang isang indibidwal na may naturang kondisyon ay nakakatugon sa legal na pamantayan para sa pagkakaroon ng isang sakit sa isip o tinutukoy na legal na pamantayan…Para sa huli, ang karagdagang impormasyon ay karaniwang kinakailangan nang lampas sa nilalaman sa diyagnosis ng DSM-5, na maaaring kabilang ang impormasyon tungkol sa mga kapansanan sa pagganap ng indibidwal at kung paano na ang mga kapansanang ito ay nakakaapekto sa mga partikular na abilidad na pinag-uusapan.

Maaaring mahalaga sa isang partikular na kaso na ipagunita sa ALJ na ang isang diyagnosis ay madalas na bukas sa pagsalungat. Dapat mong tandaan ito. Ikaw ay madalas na haharap sa testimonya ng dalawang eksperto na magkasalungat.

Ang isang eksperto, dahil sa espesyal na pagsasanay, kadalubhasaan at karanasan, ay pinahihintulutang maghayag ng opinyon sa loob ng kanyang lugar ng kadalubhasaan. Ang isang sikologong pangklinika ay maaaring magbigay ng opinyon kung ang isang tao ay mayroon o walang kapansanan sa katalinuhan, autism spectrum disorder, o isang kondisyon lamang ng sakit sa isip. Ang isang sikologo ay hindi pahihintulutang sumuri ng cerebral palsy - dahil iyon ay isang diyagnosis na medikal -sa halip, ang iyong eksperto ay mangangailangan ng isang doktor na medikal (MD). Ang opinyon ng isang eksperto ay bibigyan ng bigat ng ALJ depende sa kanyang antas ng kadalubhasaan, kaalaman ng mga katotohanan at ilang mga bagay. Halimbawa, ang mga doktor na medikal ay maaaring, sa teknikal, sumuri ng kapansanan sa katalinuhan, pero karamihan ay walang sapat na lalim ng kaaalaman o karanasan sa paggawa nito. Ang pag-asa sa isang MD bilang iyong pangunahing eskperto sa isang kapansanan sa katalinuhan o Ika-5 kategporya na kaso ay malamang na hindi magtagumpay.

Ang opinyon ng isang eksperto ay kasinghusay lamang ng pundasyon kung saan ito itinayo. Ang pundasyon ay binubuo ng impormasyon na nasa kanya, na nanggagaling mula sa pagrepaso ng kasalukuyang dokumento, pagsasagawa ng mga panayam, at pagbibigay ng mga pagsubok. Ang iyong trabaho ay tiyakin na nakita ng iyong eksperto ang lahat ng dokumento, nagkaroon ng access sa lahat ng tao na matatagpuan mo na may mahalagang impormasyon na maihahatid at nagkaroon ng panahon at oportunidad upang ibigay ang mga pagsubok na nadarama niyang kailangan. Walang mas makakapinsala sa iyong kaso kaysa pagharap sa iyong eksperto ng impormasyon, tulad ng dokumentong may hindi nakakatulong na mga paghahantad, sa unang pagkakataon sa cross examination. [Payo sa praktis: Maaaring may tukso na hindi iabot ang masamang bagay. Kontrahin ito, Gagawin ng isang mahusay na eksperto ang isa sa dalawang bagay sa hindi nakakatulong na mga katotohanan. Ipapaliwanag niya sa iyo kung bakit ang mga katotohanan ay hindi napakasama o sasang-ayon na ang mga ito ay makakapinsala sa iyong kaso at tutulong sa iyo na pagpasyahan kung may sapat na merito upang tumuloy o hindi.]

Dapat kang umasa nang malaki sa iyong eksperto upang pagpasyahan kung paano ihaharap ang isang partikular na kaso. Ang iyong unang gawain ay ipaliwanag ang mga elemento ng kaso nang malinaw hanggang magagawa. Huwag asahan na alam niya kung ano ang kahulugan ng “kapansanan sa pag-unlad” sa California.

Kailangan mong tiyakin na ang iyong eksperto ay may eksaktong legal na kahulugan ng kapansanan sa pag-unlad. Trabaho mong ipokus ang eksperto sa aspeto ng kaso na legal na may kaugnayan, at huwag mag-aksaya ng oras sa mga bagay na wala. Kapag ang legal na kahulugan ng kapansanan sa pag-unlad ay nasa kanyang kamay, ang iyong ekspero ay mas mahusay na makakatulong sa iyo na maintindihan ang mga aspeto ng katotohanan ng kaso na mahalaga at ang mga hindi,

Dahil ang mga kasong ito ay nakahilig sa pag-asa sa mga ekspertong opinyon at dahil ang kasong Ika-5 kategorya sa partikular ay may malabong pamantayang pambatas, ang kredibilidad ng iyong eksperto ay napakahalaga. Kailangan mong maging napakaingat upang iharap ang testimonya tungkol sa pagsasanay ng iyong eksperto, mga kredensiyal at karanasan sa pangkalahatan at ang impormasyon na ginagamit niya upang bumuo ng opinyon sa kasong ito, Ang isang opinyon, na lumilitaw na nagbibigay ng kongklusyon at walang anumang pundasyon, ay hindi nakakakumbinse.

Huwag matakot magtanong sa iyong eksperto ng mga mapanghamong tanong. Gagawin ito ng kabilang panig. Magtanong para sa awtoridad, kabilang ang mga pagtukoy sa mga artikulo ng journal na sumusuporta sa mahahalagang punto.

Suriin ito upang matiyak na ito ay magiging matatag. Kapag siya ay nagbibigay ng opinyon sa kanyang testimonya, itanong sa kanya ang batayan ng kanyang opinyon,

Maraming eksperto na hindi makaranasan bilang mga testigo. Sila ay maaaring may malalaking kadalubhasaang pangklinika pero maaaring hindi pamilyar na masalungat sa isang may naglalabang kapaligiran.

Sila ay maaaring hindi rin komportable sa isang sitwasyon kung ang saan ang lahat ng bagay na sinasabi nila, at ang bawat pahayag ng pagdududa o kalabuan, ay magagamit laban sa kanila. Maraming sikologo at doktor ang mas pamilyar sa isang mas magiliw na atmosperang pangklinika kung saan sinusubok nila ang mga opinyon at sinasalungat ang kanilang sariling mga kongklusyon. Kung ang iyong eksperto ay hindi makaranasan, tiyakin na naiintindihan niya na ang testimonya ay dapat iharap nang malinaw at walang alinlangan kapag posible. Kasabay nito, ang iyong eksperto ay dapat maging handang tugunan ang mga kahinaan sa kanyang opinyon kapag tinanong. Asahan ang magagawa mong asahan at isaalang-alang ang sagot nang maaga. Kung may lehitimong tanong na inilabas, madalas na pinakamagandang huwag maging depensibo kundi tanggapin ito at saka ipaliwanag kung ito ay hindi nagbabago sa panghuing kongkusyon.

Paghahanda sa mga Testigo

Ang itetestigo ng saksi ay tinatawag ding ebidensiya.. Ang ilang testigo ay kailangang padalhan ng subpoena. Ito ay nangangahulugang ang isang legal na utos ay inisyu na pumipilit sa kanila na dumalo sa pagdinig upang tumestigo. Dapat mong isubpoena ang mga testigo at hingin sa mga saksi na tumestigo sa sandaling makuha mo ang petsa ng pagdinig upang makapaghanda ang mga tao. Ang isang subpoena form ay maaaring matagpuan dito: https://www.dgs.ca.gov/OAH/Case-Types/General-Jurisdiction/Forms/Page-Content/DDS-Forms

Ang iyong mga testigo, sa partikular ang iyong mga ekspertong testigo, ay aktuwal na tutulong na ihanda ka. Sa sandaling pagpasyahan mo kung sino ang iyong magiging mga testigo, kung posible, magplano ng hindi bababa sa dalawang sesyon sa bawat testigo. Bago ang unang pulong sa isang eksperto, bigyan ang eksperto ng mga kopya ng lahat ng impormasyon na maaaring may kaugnayan sa kanyang ekspertong opinyon.

Kung ikaw ay makikipagpulong sa isang ekspertong tulad ng isang sikologo, na kuwalipikadong gumawa ng diyagnosis, bigyan siya ng kopya ng mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat ng Lanterman Act. Ang mga pamantayang ito ay mga legal na kategorya, upang maging iba sa mgapamantayan na karaniwang gagamitin ng eksperto upang gawin ang kanyang diyagnosis. Huwag magtago ng impormasyon mula sa iyong eksperto dahil lamang hindi mo iniisip na ito ay susuporta sa iyong argumento. Kung hindi pa nakita ng iyong eksperto ang lahat ng may kaugnayang impormasyon, ang kanyang testimonya sa pagdinig ay hindi magiging nakakakumbinse,

Tratuhin ang unang sesyon na tulad ng isang panayam. Gusto mong malaman ang makakayang alamin tungkol sa opinyon ng testigo, kung ito ay sumusuporta o hindi sa iyong argumento. Ang testigo ay dapat mas magsalita kaysa iyo. Kung ikaw ay makikipagpulong sa isang eksperto na kuwalipikadong gumawa ng mga diyagnosis, alamin ang kanyang opinyon tungkol sa lahat ng pagtaya at pagtasa sa iyo. Kung ikaw ay makikipagtagpo sa isang pangkaraniwang testigo, alamin ang natatandaan niya tungkol sa iyong kasaysayan, pag-uugali, kakayahan, at paghihirap. Maaari mong gustuhin na itanong sa iyong mga pangkaraniwang testigo kung ang mga makatotohanang obserbasyon na nasa ilalim ng iyong mga pagtaya at pagtasa ay totoo.. Ang impormasyon mula sa iyong mga testigo ay magkakaloob ng batayan para sa iyong kaso – bibigyang-diin mo ang mga lakas at babawasan hanggang maaari ang mga kahinaan ng iyong argumento, at gagawin ang kasalungat para sa argumento ng Panrehiyong Sentro.

Sa pagitan ng mga sesyon sa iyong mga testigo, repasuhin ang mga sinabi nila sa iyo. Isipin ang tungkol sa gusto mong malaman ng ALJ mula sa testimonya ng iyong mga testigo.

Dapat mong ihanda ang mga tanong para sa iyong mga testigo nang maaga. Repasuhin ang mga tanong na ito sa mga testigo upang matiyak na naiintindihan ng mga testigo ang impormasyon na sinisikap mong makuha at na ang sagot ay nakakatulong sa iyo. Kung ang sagot ng testigo ay hindi nakakatulong sa iyo, huwag itanong ang mga ito sa pagdinig.

Tandaan ang ilang bagay upang ang iyong pagtatanong ay sumusunod sa mga tuntunin ng hukuman: magsimula sa mga pangkalahatang tanong na tutulong sa ALJ na maintindihan ang iyong susunod, mas ispesipikong tanong; itanong lamang ang mga bagay na may direktang kaalaman ang iyong testigo at lugar ng kadalubhasaan; magtanong ng isang tanong sa isang pagkakataon; itanong lamang ang may kaugnayan sa mga pamantayan ng pagiging karapat-dapat na sinisikap mong patunayan. Para sa mga eksperto, planuhin na magtanong ng ilan sa simula ng iyong direktang eksaminasyon upang ipakita ang pagsasanay, mga kredensiyal, karanasan ng eksperto, at ang impormasyon na ginamit upang bumuo ng isang opinyon tungkol sa iyong kaso.

Sa iyong ikalawang sesyon sa iyong mga testigo, maaari mong subukan ang iyong mga tanong upang makita kung ang mga testigo ay sasagot sa isang paraan na inaasahan mo at sa paraan na dati silang sumagot. Upang pinakamahusay na iharap ang iyong argumento, maaaring kailanganin mo na palitan ang paraan na itinatanong mo ang ilang tanong. Gayunman, dapat mong sabihin sa mga testigo na ang mga tanong at sagot ay hindi isang script. Sa halip, ang iyong mga tanong ay dapat idisenyo upang

ang natural at matapat na mga sagot ng iyong mga testigo ay ang impormasyong kailangan mong lumabas sa pagdinig. Isaalang-alang ang mahihinang punto ng testimonya ng iyong mga testigo at ipaliwanag sa iyong mga testigo na ilalabas ng Panrehiyong Sentro ang mga isyung ito sa cross-examination. Makipag-usap sa iyong mga testigo upang makahanap ng paraan upang sagutin ang mga tanong na ito nang matapat habang gumagawa ng pinakamaliit na pinsala sa iyong kaso. Kung ang testimonya ng testigo ay kumplikado o kung tumatanggap ka ng mga sagot na iba sa inaasahan mo, maaaring kailanganin mo ng ikatlong sesyon.

Ang huling sesyon ng paghahanda sa testigo ay pinakamahusay na gawin sa pagitan ng lima at sampung araw bago ang pagdinig. Ito ay nagbibigay sa iyo ng sapat na panahon upang ayusin ang anumang mga problema, pero ito ay hindi napakaaga na maaaring makalimutan ng mga testigo ang mga puntong sasaklawin sa testimonya. Sa panahon ng pagdinig, hindi ka dapat magtanong ng tanong na hindi mo alam ang sagot, pero maaaring magtanong ng mga follow-up na tanong upang pahusayin ang mga sagot na gusto mo mula sa mga eksperto.

Dapat ka ring maging handang tumestigo, dahil ikaw ang pinakamahusay na testigo para sa iyo, iyong anak, o sinumang tinutulungan mo. Maging handang makipag-usap tungkol sa iyong kasaysayan ng pag-unlad at magbigay ng mga halimbawa ng kung bakit ang kapansanan ay nakakatugon sa kahulugan ng “malaking kapansanan” gaya ng naunang tinalakay sa pahina 6.

Dapat ka ring bumuo ng mga tanong para sa cross-examination para sa mga testigo na pinaniniwalaan mong tatawagin ng Panrehiyong Sentro. Gugustuhin mong magtanong ng isang serye ng maiikling tanong na nagbibigay-diin sa mga kahinaan sa argumento ng Panrehiyong Sentro. Habang ang iyong eksperto ay makakatestigo rin tungkol sa mga kahinaang ito, mas nakakakumbinse para sa ALJ na marinig na aminin ng mga sariling eksperto ng Panrehiyong Sentro ang mga kahinaan. Magiging epektibo rin para sa mga eksperto ng Panrehiyong Sentro na sagutin ang mga tanong na nagbibigay-diin sa mga lakas ng iyong argumento. Panghuli, makakapagtanong ka ng mga tanong na gagawin ang mga eksperto ng Panrehiyong Sentro na mukhang hindi kapani-paniwala. Itanong lamang ang mga tanong na ito kung ikaw ay may magandang dahilan upang maniwala na ang Panrehiyong Sentro ay magkakaroon ng magandang sagot. Halimbawa, ang ilang testigo ng Panrehiyong Sentro ay tetestigo batay sa mga rekord at ikaw o ang iyong anak ay hindi pa nakakatagpo. Maaari mong itanong, “Hindi ninyo pa ako nakatagpo, tama?” O,, “Ni hindi ninyo pa nakatagpo ang aking anak, di ba?” Tandaang magtanong ng mga ispesipikong tanong, upang kung sumagot ang Panrehiyong Sentro ng “Oo, pero . . .” mahihingi mo sa hukom na balewalain ang natitirang sagot dahil ito ay hindi direktang sumasagot sa iyong orihinal na tanong.

Pagsumite ng Listahan ng Testigo at Eksibit

Hindi bababa sa 2 araw ng trabaho bago ang pagdinig, ikaw at ang Panrehiyong Sentro ay dapat magpalitan ng impormasyon tungkol sa ebidensiyang gagamitin ninyo sa pagdinig.

Kailangan ng panrehiyong sentro na bigyan ka at OAH ng tinatawag na pahayag ng posisyon 2 araw ng trabaho bago ang pagdinig. Ang pahayag ng posisyon ay dapat magbigay sa iyo ng mga katotohanan tungkol sa desisyon ng panrehiyong sentro at ang mga dahilan para sa desisyon, isama ang impormasyon tungkol sa mga testigong gagamitin nito sa pagdinig. Ang pahayag ng posisyon ay dapat ding gawin sa wikang gusto mo o ng iyong awtorisadong kinatawan.

Kakailanganin mong maghanda ng isang pahayag ng posisyon kung hindi mo gusto. Pero 2 araw ng trabaho bago ang pagdinig, kakailanganin mong bigyan ang panrehiyong sentro ng isang listahan ng mga testigo at kung paano ka nila nakilala at isang kopya ng anumang mga propesyobal na pagtasa o mga ulat na plano mong gamitin upang patunayan ang iyong kaso. Kung gusto mong gamitin ang ibang mga dokumento upang patunayan ang iyong kaso, maaari mong ibigay ang mga ito sa OAH at sa panrehiyong sentro kahit kailan bago magsimula ang pagdinig o sa simula ng pagdinig.

Maaaring pigilan ng ALJ ang pagpapasok ng anumang mga dokumento at testimonya ng sinumang testigo na hindi isiniwalat 2 araw ng negosyo bago ang pagdinig.

Kabanata 6 – Sa Panahon at Pagkatapos ng Pagdinig

Dumating sa pagdinig na maraming oras bago magsimula. Ang pagdinig ay maaaring maging mahabang proseso, kaya maaaring gustuhin mo na magdala ng tubig, miryenda, o maging ng tanghalian. Magdala ng pen at papel upang isulat ang iyong mga obserbasyon sa mga pamamaraan.

Mga Pambungad na Pahayag

Ang isang pambungad na pahayag ay dapat magsama ng isang paglalarawan ng hinihingi mo at bakit, gayon din ng batas na sumusuporta sa iyo.

Dapat kang magbigay ng pambungad na pahayag. Ang isang pambungad na pahayag ay hindi sapilitan, pero ito ay nakakatulong na ipaliwanag sa hukom kung tungkol saan ang pagdinig. Tiyakin na ilarawan ang iyong sarili (o ang iyong anak) sa ALJ upang maintindihan niya kung ano ang kailangan mo (o ng iyong anak). Ang iyong pambungad na pahayag ay dapat na maikli. Ang panrehiyong sentro ay unang magbibigay ng pambungad na pahayag.

Pagtatanong sa mga Testigo

Mga Testigo ng Panrehiyong Sentro

Ang panrehiyong sentro ay unang maghaharap ng mga testigo nito. Maaari kang magtanong sa testigo ng panrehiyong sentro (ito ay tinatawag na “cross-examination”). Ang magagandang tanong ay maglalabas ng mga sagot na nagpapakita na hindi naiintindihan ng testigo ang isang bagay o hindi natatandaan ang mga katotohanan. Maaari ka ring magtanong ng mga tanong na nagpapakita na ang isang testigo ay may pinapanigan, binabago ang naunang sinabi o maaaring hindi nagsasabi ng totoo.

Mag-ukol ng pansin sa testimonya ng testigo sa panahon ng direktang eksaminasyon ng Panrehiyong Sentro – maaari kang makapansin ng kahinaan na mailalabas sa bandang huli sa panahon ng iyong cross- examination. Kung hindi, dapat kang manatili sa pagtatanong ng mga tanong sa cross-examination na inihanda mo bago ang pagdinig. Hindi magandang ideya na magtanong ng tanong na hindi mo pa alam ang sagoi, maliban kung iniisip mo na ang malamang na sagot ay pakikinabangan nang malaki ng iyong argumento.

Iyong mga Testigo

Magkakaroon ka ng oportunidad na tanungin ang iyong mga testigo (tinatawag na direct- examination). Dapat silang magsalita ng mga bagay lamang na ginawa nila o nakita o narinig nila mismo. Dapat ka lamang magtanong ng maiikli, payak, malilinaw na tanong.

Bilang karagdagan sa paghaharap ng iyong pangunahing argumento, matatanong mo ang iyong mga testigo upang pabulaanan ang mga bagay na maaaring sabihin ng mga testigo ng Panrehiyong Sentro. Kung hindi, dapat kang manatili sa pagtatanong ng mga tanong sa cross-examination na inihanda mo bago ang pagdinig. Huwag mag-atubiling magtanong na mga follow-up na tanong kung ang sagot ng iyong testigo ay hindi malinaw. Kapag ikaw ay nagtatanong sa isang ekspertong testigo, tiyakin na tukuyin ang ebidensiya na tumetestigo ang eksperto, at bigyan ang ALJ ng panahon upang mahanap ang ebidensiya sa iyong pakete.

Ang Panrehiyong Sentro ay magkakaroon ng pagkakataong gumawa ng cross-examination ng iyong mga testigo. Ang ALJ ay maaari ring magtanong sa sinumang testigo. Pagkatapos ng cross-examination ng Panrehiyong Sentro sa iyong mga testigo, magkakaroon ka ng pagkakataong gumawa ng isang re-direct examination. Sa puntong ito, magagawa ng iyong testigo na linawin o baguhin ang pagsasabi ng anumang bagay na negatibo na maaaring lumabas sa cross-examination.

Mga Nagsasarang Pahayag/Nakasulat na Maikling Pagsasara

Habang dumadaan ka sa pagdinig, maaaring maunawaan mo na ang hukom ay hindi nagtataglay ng lahat ng impormasyon upang makagawa ng tumpak na desisyon. Kung gayon, mahihingi mo sa hukom na “panatilihing bukas ang rekord.” Hindi kailangang bigyan ka ng hukom ng permisong gawin ito. Gayunman kung nagpahintulot ang hukom na panatilihing bukas ang rekord, ito ay magpapahintulot sa iyo na bigyan ng hukom ng karagdagang mga dokumento at impormasyon pagkatapos ng pagdinig.

Ang ALJ ay karaniwang hihingi ng nagsasarang pahayag upang isabuod ang mga natipong ebidensiya. Ito ay isang magandang pagkakataon upang isabuod ang naiharap na sa pagdinig at muling ipahayag ang posisyon na karapat-dapat ka sa mga serbisyo ng panrehiyong sentro. Kung minsan, ang parehong panig ay sasang-ayon na gumawa ng nakasulat na nagsasarang pahayag sa halip na isang pasalitang nagsasarang pahayag. Ang opsyon ay magpapahintulot sa iyo na isipin ang tungkol sa testimonya mula sa pagdinig bago mo isauod ang iyong argumento. Ang isang nakasulat na nagsasarang pahayag ay dapat magbigay ng impormasyon at mga katotohanan na iniharap mo at ilatag ang batas na sumusuporta sa iyong kaso. Sa iyong nagsasarang pahayag, maaari mong isama ang anumang karagdagang ebidensiya na ipinahintulot ng ALJ pagkatapos ng pagdinig kung ang rekord ay pinananatilihing bukas.

Pagkatapos ng Pagdinig

Pagkatapos ng iyong pagdinig, ang ALJ ay may 10 araw upang isulat ang isang desisyon, maliban kung tinalikdan mo ang takdang panahon sa pamamagian ng paghingi ng continuance (pagpapaliban). Ang desisyon ay dapat gawin nang hindi hihigit sa 80 araw pagkatapos ng iyong hiniling na apela. Ang desisyon ng ALJ ay dapat na

  • Nakasulat sa payak, pang-araw-araw na pananalita
  • Isalin sa iyong gustong wika
  • Magsama ng buod ng mga katotohanan
  • Magsama ng isang pahayag tungkol sa ebidensiya na ginamit ng ALJ sa paggawa ng desisyon
  • Magsama ng isang desisyon sa bawat isyu o tanong na nasa paghiling ng pagdinig at iniharap sa pagdinig
  • Magpahayag ng mga batas, regulasyon at patakaran na sumusuporta sa desisyon ng ALJ

Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon sa pagdinig, ikaw ay may dalawang opsyon.

Una, makakahingi ka ng muling pagsasaalang-alang kung sa palagay mo ang desisyon ay gumawa ng mga pagkakamali sa katotohanan o batas. Makakahingi ka ng muling pagsasaalang-alang sa loob g 15 araw ng desisyon. Ang ibang opisyal ng pagdinig ay magsusuri sa iyong kahilingan. Ang isang desisyon upang igawad o itanggi ang iyong kahilingan para sa muling pagsasaalang-alang ay gagawin sa loob ng 15 araw.

Ikalawa, ikaw ay may karapatang umapela sa Korte Suprema. Dapat kang umapela sa loob ng 180 araw pagkatapos mong matanggap ang desisyon sa pagdinig. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa prosesong ito, tingnan ang Mga Karapatan sa Ilalim ng Lanterman Act, Kabanata 10: https://rula.disabilityrightsca.org/rula-book/chapter-10-appeals-and-complaints-disagreements-with-regional-centers-developmental-centers-or-service-providers/

SEKSYON 2: Mga Apendise

Apendise B - Patnubay sa Pagtasa

Apendise C - Sampol na Kahilingan upang Palitan ang Hukom

Apendise D - Sampol na Listahan ng mga Testigo at Eksibi

Apendise E - Batas sa Pagiging Karapat-dapat sa Panrehiyong Sentro (mga batas at regulasyon)

Apendise B - Patnubay sa Pagtasa

Ang paggamit ng sikolohikal, neuropsychological, at ibang mga pagtasa upang alamin kung ang isang tao ay may kapansanan sa pag-unlad sa ilalim ng Lanterman Developmental Disabilities Services Act.

Hiningi sa iyo na magsagawa ng isang pagtasa kay (ipasok ang pangalan dito) upang pagpasyahan kung si (ipasok ang pangalan dito) ay may kapansanan sa pag-unlad sa ilalim ng batas ng California. Ang iyong pagtasa ay dapat tumugon at sumagot sa mga sumusunod na tanong at isama ang isang paglalarawan ng mga napag-alamang pangklinika at

ibang mga datos kung saan ibinatay ang mga pagpapasya. Ang mga napag-alamang ito at ibang ebidensiya ay maaaring kabilang ang mga resulta ng ayon sa pamantayan at ibang mga pagsubok na isinagawa mo kay (ipasok ang pangalan dito), mga pagsusuri ng mga rekord ni (ipasok ang pangalan dito), mga panayam kay (iipasok ang pangalan dito) o ibang mga taong nakakakilala kay (ipasok ang pangalan dito), at anumang ibang mga pagtatanong at pamamaraan na ginagamit mo upang tugunan at sagutin ang mga sumusunod:

1. Mayroon ba si (ipasok ang pangalan dito) ng kapansanan sa katalinuhan, cerebral palsy, epilepsy, o autismo?

  • Kapansanan sa Isipan
  • Cerebral Palsy;
  • Epilepsy;
  • Autismo;

2. Anu-ano ang mga pamantayan sa pagsusuri, at ang (mga) pinagkunang pangklinika ng mga pamantayang ito (halimbawa, ang DSM-V), na ginamit upang gawin ang (mga) pagpapasya sa ilalim ng #1 sa itaas?

Anu-anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng pagsusuri, o ibang mga datos ang sumusuporta sa (mga) pagpapasya na ginawa sa ilalim ng #1 sa itaas na may kaugnayan sa mga pamantayan sa pagsusuri sa ilalim ng #2 sa itaas?

Kailan nagsimula ang (mga) kondisyon na tinukoy sa ilalim ng #1, at sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng pagsusuri, o ibang mga datos ibinatay ang pagpapasya?

Ang (mga) kondisyon ba na tinukoy sa ilalim ng #1 ay malamang na magpatuloy hanggang sa hindi matitiyak, at sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng pagsusuri, o ibang mga datos ibinatay ang pagpapasya?

3. Ang (mga) kondisyon ba na tinukoy sa #1 sa itaas ay bumubuo ng isang“Malaking Kapansanan” para kay (ipasok ang pangalan dito) kung paano ang katawagang “Malaking Kapansanan” ay nilinaw sa ibaba:

  1. Ang isang kondisyon na nagreresulta sa malaking kapansanan sa pagganap sa pag-unawa at/o pakikisalamuha, kumakatawan sa sapat na kapansanan upang mangailangan ng interdisiplinaryong pagpaplano at koordinasyon ng espesyal o generic na mga serbisyo upang tulungan ang indibidwal sa pagkakamit ng pinakamataas na potensiyal.

    Tandaan, gaya ng pagkakagamit sa (1), ang katawagang “pang-unawa” ay nangangahulugang ang kakayahan ng isang indibidwal na lumutas ng mga problema nang may malalim na pagkaunawa, upang mag-agpang sa mga bagong sitwasyon, upang mag-isip nang abstrakto, at makinabang mula sa karanasan.

    Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?

    at
  2. Ang pagkakaroon ng malalaking limitasyon sa pagganap sa tatlo o higit ng mga sumusunod na lugar ng pangunahing aktibidad ng buhay, gaya ng angkop sa edad ng tao.
    1. Tumatanggap at nagpapahayag na wika.

      Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
    2. Pagkatuto;

      Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
    3. Sariling pangangalaga;

      Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
    4. Mobilidad;

      Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
    5. Sariling pangangalaga;

      Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
    6. Kapasidad para sa independiyenteng pamumuhay;

      Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
    7. Sariling kasapatan sa kabuhayan.

      Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
  3. Sa paggawa ng iyong pagpapasya,na nauukol sa kung ang kapansanan ni (ipasok ang pangalan dito), gaya ng tinukoy sa ilalim ng #1 sa itaas, bumubuo ng isang Malaking Kapansanan, kumunsulta ka ba kay (ipasok ang pangalan dito) o kanyang mga magulang, guardian, conservator, edukador, tagapagtaguyod, o sinumang ibang mga indibidwal, at kung gayon sino ang iyong kinunsulta?

4. Kung nalaman mo na si (ipasok ang pangalan dito) ay hindi nagtataglay ng isa o apat ng mga kondisyon na nakalista sa #1 sa itaas, ang iyong pagtasa ay dapat magsaalang-alang kung si (ipasok ang pangalan dito) ay may kondisyon na may malapit na kaugnayan sa kapansanan sa katalinuhan.

  1. Sa iyong propesyonal na opinyon anu-ano ang pangklinikang katangian ng Kapansanan sa Katalinuhan, at para sa bawat katangian na inililista mo, ano, kung mayroon (higit sa karanasan sa praktis) ang empirical, diyagnostiko, o propesyonal na pinagkunan na sumusuporta sa iyong pagtukoy ng katangian bilang isang katangian ng Kapansanan sa Katalinuhan?

    (Ipasok ang impormasyon dito) - Pinagkunan na sumusuporta sa pagtukoy: (Ipasok ang impormasyon dito)

    (Ipasok ang impormasyon dito) - Pinagkunan na sumusuporta sa pagtukoy: (Ipasok ang impormasyon dito)

    (Ipasok ang impormasyon dito) - Pinagkunan na sumusuporta sa pagtukoy: (Ipasok ang impormasyon dito)

    (Ipasok ang impormasyon dito) - Pinagkunan na sumusuporta sa pagtukoy: (Ipasok ang impormasyon dito)
  2. Alin, kung mayroon, sa mga katangiang tinukoy sa itaas ang taglay ni (ipasok ang pangalan dito) at, para sa bawat katangiang tinukoy, sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, mga resulta ng pagsusuri, o ibang mga datos ibinatay ang pagpapasiya ng pagkakaroon ng katangiang iyon sa (ipasok ang impormasyon dito)?

    (Ipasok ang impormasyon dito) batay sa (ipasok ang impormasyon dito)
    (Ipasok ang impormasyon dito) batay sa (ipasok ang impormasyon dito)
    (Ipasok ang impormasyon dito) batay sa (ipasok ang impormasyon dito)
  3. Ang kondisyon ba ni (ipasok ang pangalan dito), gaya ng inilarawan ng mga katangian na tinukoy mong taglay niya sa ilalim ng B. sa itaas, ay nagsimula sa edad na 18?

    Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
  4. Ang kondisyon ba ni (ipasok ang pangalan dito), gaya ng inilarawan ng mga katangian na tinukoy mong taglay niya sa ilalim ng B. sa itaas, ay malamang na magpatuloy hanggang walang katiyakan?

    Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
  5. Ang kondisyon ba ni (ipasok ang pangalan dito), gaya ng inilarawan ng mga katangiang tinukoy mong taglay niya sa ilalim ng B. sa itaas, ay bumubuo ng isang Malaking Kapansanan para sa kanya, kung paano ang Malaking Kapansanan ay nilinaw sa ilalim ng 6. (1), (2) (A) hanggang (G), at (3) sa itaas?

    Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, mangyaring ilista at larawan ang mga napag-alamang pangklinika, mga katotohanan, resulta ng pagsusuri, o ibang mga datos sa bawat pagpapasya sa ilalim ng 6. (1), (2) (A) hanggang (G), at (3) sa itaas?

5. Kung nalaman mo na si (ipasok ang pangalan dito) ay hindi nagtataglay ng isa sa apat na mga kondisyong nakalista sa #1 sa itaas, o isang kondisyong inilarawan sa ilalim ng #7 sa itaas, ang iyong pagtasa ay dapat ding magsaalang-alang kung si (ipasok ang pangalan dito) ay may kondisyon na nangangailangan ng paggamot na katulad ng kinakailangan para sa mga taong may kapansanan sa katalinuhan.

  1. Sa iyong propesyonal na opinyon anu-ano ang pangklinikang katangian ng Kapansanan sa Katalinuhan, at para sa bawat katangian na inililista mo, ano, kung mayroon (higit sa karanasan sa praktis) ang empirical, diyagnostiko, o propesyonal na pinagkunan na sumusuporta sa iyong pagtukoy ng katangian bilang isang katangian ng Kapansanan sa Katalinuhan?

    (Ipasok ang impormasyon dito) - Pinagkunan na sumusuporta sa pagtukoy: (Ipasok ang impormasyon dito)

    (Ipasok ang impormasyon dito) - Pinagkunan na sumusuporta sa pagtukoy: (Ipasok ang impormasyon dito)

    (Ipasok ang impormasyon dito) - Pinagkunan na sumusuporta sa pagtukoy: (Ipasok ang impormasyon dito)
  2. Alin, kung mayroon, sa mga kinakailangang paggamot na tinukoy sa itaas ang kinakailangan ni (ipasok ang pangalan dito), at, para sa bawat kinakailangang paggamot na tinukoy, sa anu-anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng pagsusuri, o ibang mga datos ibinatay ang pagpapasya ng pagtukoy na iyon?

    (Ipasok ang impormasyon dito) batay sa (Ipasok ang impormasyon dito)

    (Ipasok ang impormasyon dito) batay sa (Ipasok ang impormasyon dito)

    (Ipasok ang impormasyon dito) batay sa (Ipasok ang impormasyon dito)
  3. Kung si (ipasok ang pangalan dito) ay nangangailangan ng paggamot na hindi nakalista sa ilalim ng A sa itaas, pero katulad ng isa sa mga iyon, mangyaring ilista ang bawat naturang katulad na paggamot, ilarawan kung aling kinakailangang paggamot na nakalista sa ilalim ng A. sa itaas ito ay katulad at bakit, at ilarawan ang mga napag-alamang pangklinika, mga katotohanan, rekord, mga resulta ng pagsusuri, o ibang mga datos na sumusuporta sa pagpapasya na si (ipasok ang pangalan dito) ay nangangailangan ng bawat naturang paggamot.

    (Ipasok ang impormasyon dito), na katulad sa (Ipasok ang impormasyon dito), dahil (Ipasok ang impormasyon dito), at na kinakailangan ni (Ipasok ang impormasyon dito) batay sa (Ipasok ang impormasyon dito)

    (Ipasok ang impormasyon dito), na katulad sa (Ipasok ang impormasyon dito), dahil (Ipasok ang impormasyon dito), at na kinakailangan ni (Ipasok ang impormasyon dito) batay sa (Ipasok ang impormasyon dito)
  4. Ang kondisyon ba ni (ipasok ang pangalan dito), gaya ng inilarawan ng mga kinakailangan sa kanyang paggamot na nakaisa sa ilalim B at/o C sa itaas, ay nagsimula bago ang edad na 18?

    Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
  5. Ang kondisyon ba ni (ipasok ang pangalan dito), gaya ng inilarawan ng mga kinakailangan sa kanyang paggamot na nakalista sa ilalim B at/o C sa itaas, ay malamang na magpatuloy hanggang walang katiyakan?

    Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, batay sa anong mga napag-alamang pangklinika, katotohanan, rekord, resulta ng laboratoryo, o ibang mga datos ginawa ang pagpapasya?
  6. Ang kondisyon ba ni (ipasok ang pangalan dito), gaya ng inilarawan ng mga kinakailangang paggamot na tinukoy mo siya na nasa ilalim ng B. at/o C. sa itaas, ay bumubuo ng Malaking Kapansanan para sa kanya, gaya ng paglilinaw sa ipasok ang pangalan dito sa ilalim ng 6. (1), (2) (A) hanggang (G), at (3) sa itaas?

    Oo ( ) o Hindi ( ). Kung oo, mangyaring ilista at larawan ang mga napag-alamang pangklinika, mga katotohanan, resulta ng pagsusuri, o ibang mga datos sa bawat pagpapasya sa ilalim ng 6. (1), (2) (A) hanggang (G), at (3) sa itaas?

Apendise C - Sampol na Kahilingan upang Palitan ang Hukom

VIA FACSIMILE (213) 576-7244

Setyembre 20, 2015

Janis S. Rovner
Presiding Administrative Law Judge
Office of Administrative Hearings
320 W. Fourth Street, Ste. 630
Los Angeles, CA 90013
Re: Peremptory Challenge

John Doe v Harbor Regional Center
OAH al. 201511100000
Hearing Date: Setyembre 28, 2015

Mahal Naming Hukom Rovner:

Sumusulat ako sa ngalan ni John Doe upang hilingin na ibang hukom ang italaga upang dinggin ang kanyang kaso sa Setyembre 28, 2015. Ang kasalukuyang nakatalagang hukom ay si Vincent Nafarrete. Hinihingi namin na ang pagbabagong ito ay gawin alinsunod sa Title 1 of the California Code of Regulations, Section 1034 and Government Code section 11425.40. Kalakip nito ang isang deklarasyon na kinakailangan sa ilalim ng seksyong iyon.

Salamat sa iyong pagsasaalang-alang. Mangyaring huwag mag-atubiling kontakin ako sa (213) 555-5555 kung kailangan.

Matapat,

 

Jane Doe

Kalakip

 

Deklarasyon ni Jane Doe

Ina ni John Doe

Ako, si Jane Doe, ay nagdedeklara na:

  1. Ako ang magulang para sa isang partido sa nakabinbing bagay.
  2. Ang Hukom na nakatalaga sa Pagdinig ay nakakiling laban sa interes ng partido kaya ang nagpapahayag ay naniniwala na ang kanyang anak ay hindi magkakaroon ng makatarungan at walang pinapanigang Pagdinig sa harap ng Hukom, Vincent Nafarrete.

Ang Deklarasyong ito ay nasa ilalim ng parusa sa pagbibigay ng hindi totoong sinumpaang pahayag sa ilalim ng mga batas ng estado ng California at pinirmahan noong Setyembre 20, 2015, sa Los Angeles, California.

Matapat,

 

Jane Doe

Apendise D - Sampol na Listahan ng mga Testigo at Eksibit

Iyong Pangalan

Iyong Kalyeng Address

Iyong Lungsod, Estado, at Zip Code Iyong Numero ng Telepono

Awtorisadong Kinatawan para kay [Pangalan ng Kliyente ng Panrehiyong Sentro]

OPISINA NG MGA PAGDINIG NA PAMPANGASIWAAN

ESTADO NG CALIFORNIA

Sa bagay ng:

Pangalan ng mga Claiman, Claimant,

at

PANREHIYONG SENTRO,

Numero ng Kaso sa Ahensiya ng Serbisyo.:

Petsa ng Pagdinig:

Oras ng Pagdinig:

Lugar ng Pagdinig:

Hukom ng Batas na Pampangasiwaan:

LISTAHAN NG TESTIGO AT EBIDENSIYA NG CLAIMANT

LISTAHAN NG TESTIGO

  1. Pangalan ng Testigo ay tetestigo sa [ilarawan kung tungkol sila tetestigo.]
  2. Pangalan ng Testigo, ay pinadalhan ng subpoena upang tumestigo tungkol sa [ilarawan kung tungko saan tetestigo.]

1. kung tungko saan tetestigo.]

LISTAHAN NG EBIDENSIYA

  1. Pambungad na Pahayag
  2. Dokumentasyon ng Pagdinig
    1. Kahilingan para sa Serbisyo [Ipasok ang Petsa]
    2. Liham ng Pagtanggi na may petsang [Ipasok ang Petsa]
    3. Kahilingan para sa Pagdinig [Ipasok ang Petsa]
    4. Paunawa ng Pagdinig
  3. Impormasyon tungkol sa Programa
  4. Mga Resume ng mga Tauhan ng Programa
  5. Ulat ng Progreio mula kay [Ipasok ang pangalan ng programa] may petsang [Ipasok ang Petsa]
  6. Ulat ng Progreso mula kay [Ipasok ang pangalan ng programa] may petsang [Ipasok ang Petsa]
  7. Pagtaya ng Isipan ni [Ipasok ang Pangallan ng Tagatasa] may petsang [Ipasok ang Petsa]
  8. IPP may petsang [Ipasok ang Petsa]
  9. Deklarasyon ni [Insert Name] may petsang[Ipasok ang Petsa]
  10. Mga Citation para sa Paunawang Panghukuman
    1. WIC section 4512
    2. Title 17 CCR sections 54000-54002

Apendise E - Batas sa Pagiging Karapat-dapat sa Panrehiyong Sentro

WELFARE AND INSTITUTIONS CODE SECTION 4512(a)

4512. Gaya ng pagkakagamit sa dibisyong ito:

(a) "Kapansanan sa pag-unlad"ay nangangahulugang isang kapansanan na nagsimula bago umabot ang isang indibidwal ng 18 taong gulang; nagpapatuloy, o maaasahang magpatuloy, nang hanggang walang katiyakan; at bumubuo ng isang malaking kapansanan para sa indibidwal na iyon. Gaya ng nilinaw ng Direktor ng mga Serbisyong Pag-unlad, sa pagkonsulta sa Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo, sa katawagang ito ay dapat kabilang ang kapansanan sa katalinuhan, cerebraly palsy, epilepsy, at autismo. Sa katawagan ay dapat kabilang ang mga nagpapahinang kondisyon na ipinasiyang malapit ang kaugnayan sa kapansanan sa katalinuhan o mangangailangan ng paggamot na katulad ng kinakailangan ng mga inbidibwal na may kapansanan sa katalinuhan, pero hindi dapat kabilang ang ibang nagpapahinang kondisyon na pisikal lamang ang dahilan.

CCR section 54000 Kapansanan sa Pag-unlad.

  1. Ang “Kapansanan sa Pag-unlad” ay tumutukoy sa isang kapansanan na maiiugnay sa mental retardation (intelektuwal na kapansanan), cerebral palsy, epilepsy, autism, o mga kondisyon na nagdudulot ng kapansanan na malapit na nauugnay sa mental retardation (intelektuwal na kapansanan) o nangangailangan ng paggamot na katulad ng kinakailangan ng mga indibidwal na may mental retardation (intelektuwal na kapansanan).
  2. Ang Kapansanan sa Pag-unlad ay dapat:
    1. Nagsimula bago ang edad na labingwalo;
    2. Malamang na magpatuloy hanggang walang katiyakan;
    3. Binubuo ng malaking kapansanan para sa indibidwal gaya ng nilnaw sa artikulo.
  3. Sa Kapansanan sa Pag-unlad ay dapat kabilang ang mga kondisyong nagpapahina na:
    1. Sa isip lamang na mga sakit kung saan may mahinang pagganap ng isip at pakikisalamuha na nagsimula bilang resulta ng sakit sa isip o paggamot na ibinibigay para sa isang sakit. Ang naturang mga sakit sa isip ay kinabibilangan ng psycho-social deprivation at/o psychosis, malubhang neurosis o mga sakit sa personalidad kahit na kung saan ang pagganap sa pakikisalamuha at isip at naging seryosong humina bilang isang integral na paglitaw ng sakit.
    2. Tanging mga kapansanan sa pagkatuto. Ang isang kapansanan sa pagkatuto ay isang kondisyon kung saan makikita ang malaking kaibahan sa pagitan ng tinatayang potensiyal ng kognisyon at aktuwal na antas ng paganap sa edukasyon at hindi isang resulta ng pangkalahatang mental retardation (intelektuwal na kapansanan), pang-edukasyon o psycho-social na pagkakait, sakit sa isip, o pagkawala ng pandama.
    3. Tanging pisikal ang katangian. Ang mga kondisyong ito ay kinabibilangan ng mga hindi karaniwang kondisyon mula kapanganakan o mga kondisyon na natamo sa pamamagitan ng sakit, aksidente, o maling pag-unlad na hindi nauugnay sa kapansanang neurolohikal na nagreresulta sa isang pangangailangan para sa paggamot na katulad ng kinakailangan sa mental retardation (intelektuwal na kapansanan).

CCR section 54001 Malaking Kapansanan.

  1. “Malaking kapansanan” ay nangangahulugang:
    1. Isang kondisyon na nagreresulta sa isang malaking kapansanan ng pang-unawa at/o pagganap na panlipunan, kumakatawan sa sapat na kapansanan upang mangailangan ng interdisiplinaryong pagpaplano at koordinasyon ng espesyal o generic na mga serbisyo upang tumulong sa indibidwal sa pagkakamit ng pinakamataas na potensiyal; at
    2. Ang pagkakaroon ng malalaking limitasyon sa pagganap, gaya ng ipinasya ng panrehiyong senro, sa tatlo o higit na mga sumusunod na lugar ng pangunahing aktibidad sa buhay, gaya ng angkop sa edad ng tao:
      1. Tumatanggap at nagpapahayag na wika;
      2. Pagkatuto;
      3. Pangangalaga sa sarili;
      4. Mobilidad;
      5. Sariling direksyon;
      6. Kapasidad para sa independiyenteng pamumuhay; at
      7. Sariling kasapatan sa kabuhayan.
  2. Ang pagtasa ng malaking kapansanan ay dapat gawin ng isang grupo ng mga propesyoal sa Panrehiyong Sentro na may magkakaibang disiplina at dapat kabilang ang pagsasaalang-alang ng katulad na pagtasa ng kuwalipikasyon na isinagawa ng ibang mga lupon ng mga disiplina ng Kagawaran na naglilingkod sa posibleng kliyente. Dapat kabilang sa grupo sa pinakamababa ang isang tagapag-ugnay ng programa, doktor, at sikologo.
  3. Ang propesyonal na grupo ng Panrehiyong Sentro ay dapat kumunsulta sa posibleng kliyente, mga magulang, tagapangalaga/conservator, edukador, tagapagtaguyod, at ibang mga kinatawan ng kliyente hanggang sa sila ay gusto at nakahandang lumahok sa mga pagtalakay at hanggang ang angkop na pahintulot ay makuha.
  4. Anumang muling pagtasa ng malaking kapansanan para sa mga layunin ng pagpapatuloy ng pagiging karapat-dapat ay dapat gumamit ng mga pamantayang katulad sa ilalim nito ang indibidwal ay orihinal na ginawang karapat-dapat.

CCR section 54002 Pang-unawa.

“Pang-unawa” gaya ng pagkakagamit sa kabanatang ito ay nangangahulugang ang kakayahan ng isang indibidwal na lumutas ng mga problema nang may malalim na pagkaunawa upang mag-agpang sa mga bagong sitwasyon, upang mag-isip nang abstrakto at upang makinabang mula sa karanasan.

Ang Disability Rights California ay pinopondohan ng magkakaibang pinagkukunan, para sa isang kumpletong listahan ng mga tagapondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/Documents/ListofGrantsAndContracts.html.

  • 1. Ang pagpapakahulugan ng California sa kapansanan sa pag-unlad ay may malaking pagkakaiba sa pederal na pagpapakahulugan na matatagpuan sa 42 United States Code (USC) Section 6001. Para sa iba't ibang dahilan na hindi tinalakay sa manwal, mga agrumento na ang California ay dapat maglingkod sa mga consumer na nakakatugon sa pederal na kahulugan ay hindi naging matagumpay
  • 2. Ang mga numero at letra ay hindi bahagi ng batas pero idinagdag upang makatulong na ihiwalay ang mga elemento ng claim
  • 3. California Code of Regulations, Title 17 (17 CCR) Section 54001.
  • 4. Welf. & Inst. Code sec. 4512(a).
  • 5. Lanterman Act has been revised to change the term “mental retardation” to “intellectual disability.” Maaaring ikaw ay tinasa bago ang pagbabagong ito at may diyagnosis ng pagkaantala ng isipan. Para sa mga layunin nitong manwal ng pagiging karapat-dapat sa panrehiyong sentro, ang mga katawagan ay magkatulad, pero ang kapansanan sa katalinuhan ay ang kasalukuyang tamang legal na katawagan.
  • 6. Ang DSM-5 ay ang isinapanahong bersiyon ng naunang ginamit na DSM-IV-TR. Anumang bagong pagtasa ay dapat gumamit ng DSM-5 at ang katawagang, “kapansanan sa katalinuhan” sa halip ng “pagkaantala ng isipan.” Maaari kang magkaroon ng pagtasa na nagkakaloob ng isang diyagnosis, tulad ng pagkaantala ng isipan, gumagamit ng DSM-IV-TR. Kung posible, dapat kang humingi sa isang independiyenteng eksperto ng paglilinaw sa ilalim ng DSM-5 kung ikaw ay may mas lumang diyagnosis.
  • 7. Ang isang desisyon ng paghahabol kamakailan ay nagpataw ng karagdagang iniaatas sa pagigiging karapat-dapat sa Ika-5 kategorya.. Binigyang-kahulugan ng hukom sa kasong iyon ang Ika-5 kategorya bilang nangangailangan ng “pareho ng elemento ng pang-unawa at isang elemento ng nag-aagpang na pagganap.” Samantha C. v. State Dep’t of Developmental Services, 2010 WL 2542214 at 15 (California Court Appellate June 25, 2010). Ginagawa nitong mas mahirap na itatag ang pagiging karapat-dapat kung ikaw ay may Asperger’s, dahil ang iyong nag-aagpang na mga kapansanan sa pagganap ay maikukumpara sa mga kaugnay ng autismo, pero ikaw ay may kaunti o walang kapansanan sa pang-unawa. Gayunman, kung ikaw ay may nakaraang diyagnosis ng Asperger’s, dapat ka pa ring humiling ng pagtaya.
  • 8. Ang mga regulasyong ito ay pinagtibay sa Samantha C. sa 10.
  • 9. https://www.dds.ca.gov/wp-content/uploads/2019/03/Autism_ASDBestPractices_20190318.pdf
  • 10. Cronin, Pegeen, PhD., Lecture: “A Psychological View of Regional Center Eligibility”, 06/07/2011 at Public Counsel in Los Angeles.
  • 11. https://www.dds.ca.gov/wp-content/uploads/2019/03/Autism_ASDBestPractices_20190318.pdf, pahina 121-22.
  • 12. https://www.pwcf.org/wp-content/uploads/2015/10/Regional-Center-Fifth-Category-Guidelines.pdf.
  • 13. https://www.pwcf.org/wp-content/uploads/2015/10/Regional-Center-Fifth-Category-Guidelines.pdf, pahina 3.
  • 14. Welf. & Inst. Code Section 4725-4729.