Pag-ulat ng Pang-aabuso sa Nakatatanda at Dependeng Nasa Wastong Gulang: Tungkulin MO ito!
Pag-ulat ng Pang-aabuso sa Nakatatanda at Dependeng Nasa Wastong Gulang: Tungkulin MO ito!
May kilala ka bang nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang na maaaring biktima ng pang-aabuso o kapabayaan? Kabilang sa pang-aabuso at kapabayaan ang: pag-atake at pambubugbog, sekswal na pag-atake, hindi angkop na paggamit ng pisikal o kemikal na pampigil o medikasyon, pagbubukod, at pinansiyal na pang-aabuso.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
May kilala ka bang nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang na maaaring biktima ng pang-aabuso o kapabayaan? Kabilang sa pang-aabuso at kapabayaan ang: pag-atake at pambubugbog, sekswal na pag-atake, hindi angkop na paggamit ng pisikal o kemikal na pampigil o medikasyon, pagbubukod, at pinansiyal na pang-aabuso.
Kung ang nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang ay nakatira sa komunidad, dapat makipag-ugnayan ka sa:
- Iyong lokal na ahensiya ng pagpapatupad ng batas (iyong pulisya o tanggapan ng serip).
At/O
- Iyong ahensiya ng Mga Serbisyong Pamprotekta ng Nasa Wastong Gulang (APS, Adult Protective Services) sa county. Ang mga ahensiya ng Mga Serbisyong Pamprotekta ng mga Nasa Wastong Gulang sa County ay nag-iimbestiga ng mga ulat ng pang-aabuso sa mga nakatatanda at dependeng nasa wastong gulang na nakatira sa mga pribadong tahanan at hotel, o ospital at klinikang pangkalusugan, kapag ang nang-aabuso ay hindi isang kawani. Upang mahanap ang iyong ahensiya ng Mga Serbisyong Pamprotekta ng mga Nasa Wastong Gulang sa County, mag-click dito para sa kanilang impormasyon.
Kung ang nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang ay nakatira sa isang pasilidad, dapat makipag-ugnayan ka sa:
At/O
- Ombudsman para sa Pangmatagalang Pangangalaga (Long-Term Care Ombudsman). Ang Ombudsman ang nangangasiwa ng mga ulat ng pang-aabuso na nagaganap sa isang tahanan ng pangangalaga, tahanan ng pagkain at pangangalaga, pasilidad ng paninirahan, pasilidad ng tinutulungang pamumuhay, o pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga. Ang mga numero ng telepono ng Programa sa Lokal na Ombudsman ay nakapaskil sa mga pasilidad ng pangangalaga at ang mga numero ng telepono ng pang-estadong programa ay makukuha sa Web ng Kagawaran ng Pagtanda (Department of Aging) sa pamamagitan ng pag-click dito.
At
- Programa sa Paglilisensya at Pagsesertipika (Licensing and Certification Program) ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan (DPH, Department of Public Health) ng California. Pinapangasiwaan ng Paglilisensya at Pagsesertipika sa Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ang mga pasilidad na pangkalusugan tulad ng mga tahanan ng pangangalaga, ospital, at mga pasilidad ng intermediyang pangangalaga. Iniimbestigahan ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ang mga reklamo ng pang-aabuso, kapabayaan at mababang kalidad ng pangangalaga. Ang numero ng telepono ng tanggapan ay dapat nakapaskil sa mga tahanan ng pangangalaga at nakalista rin sa "Paglilisensiya at Pagsesertipika," "Mga Papel ng Katotohanan sa mga Karapatan ng mga Residente ng mga Tahanan ng Pangangalaga (Nursing Home Residents Rights Fact Sheets)" na bahagi ng Web ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan na makikita rito.
At
- Pangunahing Abogado ng Kawanihan ng Medi-Cal sa Pandaraya at Pang-aabuso ng Nakatatanda (California Attorney General Bureau of Medi-Cal Fraud at Elder Abuse) sa California na nagtatrabaho upang protektahan ang mga residente mula sa pang-aabuso o kapabayaan sa mga tahanan ng pangangalaga at ibang mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga. Upang mag-ulat ng pang-aabuso sa nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang, makipag-ugnayan sa libreng-tawag na hotline ng Pangunahing Abogado sa (800) 722-0432 o bumisita sa kanila sa kanilang website dito upang magsumite ng reklamo.
Ikaw ba ay Isang Inaatasang Tagapag-ulat?
Ikaw ay maaaring isang inaatasang tagapag-ulat kung ikaw ay may ganap o paulit-ulit na pangangalaga ng isang nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang. Kabilang sa inaatasang tagapag-ulat ang:
- Mga Tagapag-alaga
- Mga Manggagamot ng Kalusugan
- Mga Pinansiyal na Institusyon
- Mga Kagawaran ng Kapakanan sa County
- Mga Empleyado ng mga Ahensiya ng Pagpapatupad ng Batas
- Mga Empleyado ng mga Kagawaran ng Sunog
- Mga empleyado ng mga makataong samahan at mga ahensiya ng pamamahala ng hayop
- Mga empleyado ng pagpapatupad ng mga kodigo ng kalusugan ng kapaligiran at gusali
- Mga miyembro ng klero
- Anumang iba pang ahensiya na nagpoprotekta, pampubliko, pampangkat, sa kalusugan ng isip, ng pribadong tulong, o ng pagtataguyod, o taong nagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan o mga serbisyong panlipunan sa mga nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang
- Sinumang Taong gumaganap ng ganap o paulit-ulit na responsibilidad para sa pangangalaga o may kustodiya ng isang nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang, binabayaran man o hindi
Dapat kang mag-ulat kung:
- Nag-ulat ang biktima na naganap ang pang-aabuso o may kaalaman sa pang-aabuso.
- Na-obserbahan mo ang insidente.
- Kapag ang pinsala o kondisyon ay makatwirang maghantong sa iyo na maghinala na naganap ang pang-aabuso.
Kailan ka dapat mag-ulat?
Inaatas ng batas sa mga inaatasang tagapag-ulat na gumawa ng berbal na ulat kaagad o sa lalong madaling gawin, na susundan ng nakasulat na ulat (SOC 341) sa loob ng dalawang (2) araw ng trabaho. Upang kumuha ng pormularyong SOC 341, mag-click dito.
Ano ang mangyayari kung hindi ka gumawa ng ulat bilang isang inaatasang tagapag-ulat?
Ang kabiguang mag-ulat ay isang kasalanan na maaaring parusahan ng hanggang anim na buwan sa kulungan ng county at/o multa ng hanggang $1,000.
Gayunpaman, kung ang kabiguang mag-ulat ay humantong sa pagkamatay o malaking pinsala sa katawan, ang multa ay maaaring tumaas sa $5,000.
Maaari bang mag-ulat ang aking superbisor o sino pa man para sa akin?
HINDI! Ang obligasyong mag-ulat ay nasa iyo! Ibig sabihin IKAW ang taong direktang kukumpleto ng ulat at mag-aabiso sa naaangkop na mga ahensiyang mag-iimbestiga. Maaari mong abisuhan ang iyong superbisor, ngunit hindi siya maaaring gumawa ng ulat para sa iyo dahil wala siyang direktang kaalaman ng pang-aabuso o kapabayaan na nangyari.
Mga Batas & Regulasyon
- Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California (California Code of Welfare & Institutions) §§ 15630-15632 Batas sa Sibil na Proteksyon sa Pang-aabuso sa Nakatatanda at Dependeng Nasa Wastong Gulang (Elder Abuse at Dependent Adult Abuse Civil Protection Act)
- Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California § 15700 Protektadong Pagtatalaga at Kustodiya ng mga Nanganganib na Nakatatanda
- Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon ng California §§ 15703-15705.40 Mga Serbisyong Pamprotekta
- Kodigo ng Kodigo ng Parusa ng California (California Penal Code) § 368 Mga Krimen laban sa mga Nakatatanda at Dependeng Nasa Wastong Gulang
MGA PAKAHULUGAN:
Nangangahulugan ng sinumang tao na 65 taong gulang o mas matanda.
“Dependeng Nasa Wastong Gulang”:
Nangangahulugan na sinumang taong may edad sa pagitan ng 18 at 64 taon na may mga pisikal o pangkaisipang limitasyon na naghihigpit sa kanyang kakayahan na isagawa ang mga normal na gawain o protektahan ang kaniyang mga karapatan, kabilang, ngunit hindi limitado sa, mga taong may mga kapansanan na pisikal o sa pagsulong, o ang pisikal o pangkaisipan na kakayahan ay nabawasan dahil sa edad.
"Pang-aabuso ng nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang":
Nangangahulugan ng alinman sa sumusunod:
- Pisikal na pang-aabuso, kapabayaan, pinansiyal na pang-aabuso, pag-abanduna, pagbubukod, pagdukot, o ibang pagtrato na nagreresulta sa pisikal na pinsala o sakit o paghihirap sa isip, [o]
- Ang pagkait ng tagapag-alaga ng mga gamit o serbisyo na kinakailangan upang maiwasan ang pisikal na pinsala o paghihirap sa isip.
“Kapabayaan sa nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang”:
Nangangahulugan ng alinman sa sumusunod:
- Ang pabayang kabiguan ng sinumang tao na nangangalaga o may kustodiya ng isang nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang na gawin ang antas ng pangangalaga na gagawin ng isang makatuwirang tao sa parehong posisyon.
- Ang pabayang kabiguan ng isang nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang na gawin ang antas ng sariling pangangalaga na gagawin ng isang makatuwirang tao sa parehong posisyon.
Halimbawa, kabilang din sa kapabayaan, ngunit hindi limitado sa, ang lahat ng sumusunod:
- Kabiguang tulungan sa personal na kalinisan, o sa pagbibigay ng pagkain, damit, o tirahan.
- Kabiguang magbigay ng medikal na pangangalaga para sa mga pangangailangang pisikal at kalusugan sa isip.
- Kabiguang protektahan mula sa mga panganib sa kalusugan at kaligtasan.
- Kabiguang pigilan ang malnutrisyon o pagkatuyot.
- Kabiguan ng nakatatanda o dependeng nasa wastong gulang na matugunan ang mga pangangailangang itinukoy sa mga talata (1) hanggang (4), napapabilang, para sa kaniyang sarili bilang resulta ng mahinang paggana ng isip, limitasyon sa pag-iisip, pag-abuso sa sangkap, o talamak na mahinang kalusugan. (Tinatawag rin bilang “sariling-kapabayaan”).