Mga Suporta sa Trabaho/Mga Programa ng Insentibo sa Gawain - Buwanang Pag-uulat ng Suweldo at Supplemental Security Income (SSI)
Mga Suporta sa Trabaho/Mga Programa ng Insentibo sa Gawain - Buwanang Pag-uulat ng Suweldo at Supplemental Security Income (SSI)
Ang publikasyon na ito ay ipinapaliwanag kung paanong iulat ang iyong mga suweldo kapag nakakukuha ka ng Supplemental Security Income (SSI) at kung bakit kinakailangan ang pag-uulat ng iyong mga suweldo para maiwasang mawala ang iyong SSI kapag nagtrabaho ka.
Ang publikasyon na ito ay ipinapaliwanag kung paanong iulat ang iyong mga suweldo kapag nakakukuha ka ng Supplemental Security Income (SSI) at kung bakit kinakailangan ang pag-uulat ng iyong mga suweldo para maiwasang mawala ang iyong SSI kapag nagtrabaho ka.
Ang Supplemental Security Income (SSI) ay isang programa para sa mga taong may kapansanan, bulag, o higit 65 at hindi kayang magbayad para sa pabahay, pagkain at pangangalaga sa kalusugan.
Kung karapat-dapat ka sa SSI, makakukuha ka ng tseke sa umpisa ng buwan para magbayad para sa pagkain o silungan. Ang mga tumatanggap ng SSI ay nakakukuha ng pondo ng Medi-Cal para sa kanilang sarili.
Bakit ko kailangang mag-ulat ng mga suweldo bawat buwan?
Sinasabi ng batas na dapat mong iulat ang iyong mga suweldo kapag nakakukuha ka ng SSI
Ang iyong suweldo ay maaari o hindi maaaring maapektuhan ang halaga ng iyong tseke sa SSI. Nalalaman ng SSI kung magkano kang babayaran sa bawat buwan depende sa kita mula sa trabaho at iba pang pinagkukunang nakalaan sa iyo. Tumitingin din ang Social Security sa mga gastusing binabayaran mo na ginagawa nitong posible para makapagtrabaho ka kapag kinakalkula ang iyong bayad sa SSI.
Dapat mong iulat ang iyong mga suweldo bawat buwan para masiguro na makukuha mo ang tamang bayad ng SSI. Ang pag-uulat ng mga suweldo bawat buwan ay maaaring makatulong sa iyo na maiwasan ang sobrang bayad o mawala ang iyong SSI.
Kailan mag-uulat ng mga suweldo.
Iulat ang iyong mga suweldo sa lalong madaling panahon na makuha mo ang iyong huling paycheck para sa buwan. Ang mga suweldo ay kailangang maiulat nang hindi lalampas nang ika-10 araw ng susunod na buwan. Bilang halimbawa, kung magtatrabaho ka sa Enero dapat mong iulat ang mga suweldo kapag nakuha mo ang iyong huling paycheck sa Enero, ngunit hindi lalampas sa Pebrero 10.
Sino ang responsable sa pag-uulat ng mga suweldo?
Kung isa kang representative payee, responsibilidad mong iulat ang mga suweldo. Dapat lumikha ang mga representative payee ng sarili nilang personal na My Social Security account para mag-ulat ng mga suweldo sa online para sa kinakatawan mong tumatanggap ng SSI. Maaari mo ring gamitin ang automated phone system o ang libreng mobile application sa pag-uulat ng suweldo para mag-ulat ng mga suweldo para sa iyong tumatanggap ng SSI.
Dapat ka ring mag-ulat ng mga suweldo kung ikaw ay isang asawa, o isponsor ng isang taong tumatanggap ng SSI. Dapat kasama mong naninirahan ang iyong asawa. Ang mga magulang ay dapat kasama mong naninirahan at ikaw dapat ay mas bata sa edad na 18. Kung ikaw ay hindi isang mamamayan, dapat iulat ng isponsor ang mga suweldo kahit na hindi mo kasamang naninirahan ang isponsor.
Ang mga representative payee, asawa, magulang o isponsor ng tumatanggap ng SSI ay maaaring gamitin ang automated phone system o ang libreng mobile application sa pag-uulat ng suweldo para iulat ang mga suweldo ng taong tumatanggap ng SSI.
TANDAAN: kung ikaw ang asawa, magulang, o isponsor ng isang taong tumatanggap ng SSI, kailangan mong iulat sa Social Security kung magsisimula o titigil ka sa pagtatrabaho.
Paanong mag-ulat ng mga suweldo kapag nakakuha ka ng SSI.
Opsyon 1-My Social Security account
Maaari kang mag-ulat ng mga suweldo sa online sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa Social Security para ma-access mo ang My Social Security account. Ang pag-uulat ng mga suweldo gamit ang iyong My Social Security account ay isang madali at ligtas na paraan para maiulat ang iyong mga sahod. Pagkatapos iulat ang iyong mga suweldo gamit ang My Social Security account, maaari mong i-save o mai-print ang isang kopya ng iyong resibo. Itabi ang resibo sa isang ligtas na lugar. Ang resibo ay patunay na naiulat mo ang iyong mga suweldo
Para mag-sign-up para sa My Social Security account, pumunta sa website ng Social Security sa: https://www.ssa.gov/myaccount/, at piliin ang "Create an Account"
Kung makakukuha ka ng SSI at iba pang benepisyong pangkapansanan tulad ng Social Security Disability Insurance (SSDI), maaari mong gamitin ang online na sistema sa pag-uulat ng suweldo para mag-ulat ng mga suweldo sa SSI at SSDI.
Tandaan: kung makakukuha ka ng SSI at SSDI, o mga benepisyo ng Social Security tulad ng SSDI tulad ng Disabled Widow Benefits (DWB) o Child Disability Benefits (CDB), dapat mong iulat ang iyong mga suweldo sa programa ng SSI at sa programa ng SSDI. Kung iuulat mo lamang ang iyong mga suweldo sa programa ng SSI, maaari kang humantong sa sobrang bayad ng mga benepisyo ng SSDI dahil ang SSI at SSDI ay magkaibang programa ng Social Security at hindi naghahati ng impormasyon tungkol sa iyong mga suweldo.
Pagkatapos mag-login sa My Social Security account, makikita mo ang pangalan ng iyong employer na nasa Wage Reporting Screen sa My Social Security. Kung kailangan mong mag-ulat ng mga suweldo para sa employer na hindi ipinapakita sa wage reporting screen, kailangan mong iulat ang iyong mga suweldo sa tanggapan ng Social Security imbes na sa sistema ng online.
Opsyon 2-ang automated phone system ng Social Security
Ang mga tumatanggap ng SSI ay maaaring iulat ang kanllang mga suweldo sa pamamagitan ng telepono gamit ang automated phone system ng Social Security o sa pagtawag at pakikipag-usap sa isang kinatawan ng Social Security
Para makipag-usap sa isang kinatawan ng Social Security, tumawag sa pagitan ng 7 a.m. hanggang 7 p.m. sa mga araw na may pasok. Ang numero na toll-free ay 800-772-1213Image o 800-325-0778Image (TTY). Ang automated phone system ay available nang 24 na oras kada araw.
Opsyon 3-gamitin ang iyong iPhone o android na smartphone
Iulat ang iyong mga suweldo gamit ang iyong smartphone sa pamamagitan ng pag-download sa Social Security app sa iyong telepono. Compatible ang app sa mga smartphone na android at iPhone.
Pumunta sa: https://youtu.be/bXYL1XkC3R4 para i-download ang app at simulang gamitin itong madali at ligtas na paraan para iulat ang iyong mga suweldo.
TANDAAN: huwag iulat ang mga suweldo sa online o gamitin ang automated phone system o libreng mobile application sa pag-uulat para:
⦁ mag-ulat ng mga suweldo para sa isang employer na hindi ipinapakita sa wage reporting screen sa My Social Security
⦁ mag-ulat ng aktibidad ng trabaho sa unang pagkakataon
⦁ mag-ulat ng mga suweldo pagkatapos ng deadline
⦁ mag-ulat ng mga suweldo mula sa sariling trabaho
⦁ mag-ulat ng mga gastusin para sa trabaho dahil sa iyong kapansanan o kabulagan, tulad ng impairment-related work expenses (IRWE) o blind work expenses (BWE)
⦁ subaybayan ang iyong progreso o mag-ulat ng mga gastusin kung lumalahok ka sa isang participating a plan for achieving self-sufficiency (PASS)
Dapat mong kontakin ang tanggapan ng iyong Social Securtiy kung kailangan mong gawin ang alinmang nasa itaas. Ang mga kalahok sa isang plano ng PASS ay dapat kontakin ang kani-kanilang PASS cadre.
Opsyon 4 -iulat ang mga suweldo sa pamamagitan ng mail
Hindi namin karaniwang iminumuingkahi ang paggamit sa mail sa para iulat ang mga suweldo. Maaaring mawala ang mga stub ng iyong suweldo, mawaglit, o maaaring may mga antala sa pagproseso ng impormasyon ng iyong suweldo,na maaaring magresulta sa isang hindi tamang halaga ng bayad ng SSI. Kung gagamitin mo ang mail, inirerekumenda na ipadala mo ang mga stub ng iyong suweldo sa pamamagitan ng certified mail. Tandaan na mayroong bayad para gamitin ang certified mail, samantalang walang singil na mag-ulat ng mga suweldo sa online, sa telepono, o paggamit sa libreng mobile application.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.