Mga Pagbabago sa mga Apela sa Rehiyunal na Sentro

Publications
#8096.08

Mga Pagbabago sa mga Apela sa Rehiyunal na Sentro

Nagkaroon ng makabuluhang mga pagbabago sa Batas na Lanterman (Lanterman Act) tungkol sa mga apela. Ito ay isang maikling bersyon na wala ng lahat ng mga detalye. Para sa mga detalye, mangyaring basahin ang  MgaKarapatan sa Ilalim ng Batas na Lanterman at Panukalang Batas sa Senado 188 (2021-22).

Nagkaroon ng makabuluhang mga pagbabago sa Batas na Lanterman (Lanterman Act) tungkol sa mga apela. Ito ay isang maikling bersyon na wala ng lahat ng mga detalye. Para sa mga detalye, mangyaring basahin ang  MgaKarapatan sa Ilalim ng Batas na Lanterman at Panukalang Batas sa Senado 188 (2021-22).

May bisa simula Hulyo 1, 2022:

Pakahulugan ng Tagasalin – isinasaad ng WIC 4701(i) na ang tagasalin ay dapat epektibo, wasto, at walang kinikilingan upang maunawaan at masabi kung ano ang sinabi.

Pagpapatupad ng mga Pasya sa Pagdinig – sinasaad ng WIC 4713.5 na dapat matupad ng rehiyunal na sentro ang pasya ng pagdinig sa lalong madaling panahon, sa loob ng 30 araw. Dapat nilang sabihin sayo at sa DDS kung hindi nila ito magagawa.

Epektibo sa Oktubre 1, 2022:

Pagdalo ng mga Abogado sa Proseso ng Apela – nililimitahan ng WIC 4705.5(a) kung kailang maaaring dumalo ang abogado ng rehiyunal na sentro sa isang impromal na pagpupulong, pamamagitan, at pagdinig. Tingnan ang kautusan napetsahan noong Setyembre 20, 2022.

Iyong Karapatan na Humiling na Idiskwalipika ang Huwis – sinasaad ng WIC 4701 na dapat sabihin sa iyo ng rehiyunal na sentro ang tungkol sa iyong karapatan na humiling ng pagdiskwalipika ng isang huwis.

May bisa Marso 1, 2023:

Mutual na Pahintulot para sa mga Pasya sa IPP – sinasaad ng WIC 4701(k) na dapat bigyan ka ng mga rehiyunal na sentro ng abiso ng aksyon maliban kung mayroong sulat na sumang-ayon ka sa pagtanggi, pagwakas, o pagbabawas ng pagiging karapat-dapat o serbisyo.

Karaniwang Pakete ng Impormasyon – sinasaad ng WIC 4708 na dapat ibigay ng rehiyunal na sentro ang impormasyon ng proseso ng apela sa mga pagpupulong, kapag humiling ka, at kasama ng lahat ng mga abiso ng aksyon. Dapat din nilang ilagay ang pakete sa kanilang website sa loob ng 60 araw.

Form ng Karaniwang Abiso ng Aksyon – inaatas ng WIC 4701 ang napapanahong form ng abiso ng aksyon. Ilalathala sa website ng proseso ng apela.

Form ng Karaniwang Kahilingan sa Apela – inaatas ng WIC 4701 ang napapanahong form ng kahilingan sa apela. Ilalathala sa website ng proseso ng apela.

Mga Kahilingan sa Apela sa DDS – pinapadala ng WIC 4701(a)(7) at (b) at 4710.5(d) magpadala ng mga kahilingan sa apela sa DDS, hindi isang sa rehiyunal na sentro. Sasabihin ng DDS sa rehiyunal na sentro at OAH. Ipadala online gamit ang website ng proseso ng apela, sa pamamagitan ng email sa appealrequest@dds.ca.gov, o sa pamamagitan ng koreo.

Mga Timeline para sa mga Apela – WIC 4707, 4710.6, 4712.5(a)(1), 4713(b), 4715

  • Umapela 60 araw pagkatapos mong matanggap ang abiso ng aksyon. Umapela 30 araw kung kailangan mo ng bayad na tulong habang hinihintay ang pagdinig (mananatiling pareho ang mga serbisyo).
  • Dapat magdaos ang rehiyunal na sentro ng impormal na pagpupulong sa 10 araw.
  • Dapat magdaos ang OAH ng pamamagitan sa loob ng 30 araw.
  • Dapat magdaos ang OAH ng pagdinig sa loob ng 50 araw.
  • Magbibigay ang OAH ng pasya sa loob ng 10 araw ng pagdinig at 80 araw ng apela.
  • Humiling ng muling pagsasaalang-alang sa loob ng 15 araw ng pagdinig. Ang OAH o DDS ay dapat magpasya sa muling pagsasaalang-alang sa loob ng
  • 15 araw.
  • Umapela sa kataas-taasang korte sa loob ng 180 araw ng pagdinig.

Mga Opsyon ng Naghahabol sa Proseso ng Apela – sinasaad ng WIC 4707 na maaari kang pumili sa impormal na pagpupulong, pamamagitan, at pagdinig. Maaari mong baguhin ang iyong kahilingan sa ibang pagkakataon.  Ang pagbabago ay maaaring magresulta sa isang pagpapatagal.

Inaatas na Pamamagitan – sinasaad ng WIC 4711.5 na dapat lumahok ang rehiyunal na sentro sa pamamagitan kung gusto mo ito.

Mga Pahayag ng Posisyon at Palitan ng Patunay – sinasaad ng WIC 4712(d) na dapat bigyan ka ng rehiyunal na sentro ng kanilang pahayag ng posisyon sa iyong mas gustong wika 2 araw ng negosyo bago ang pagdinig. Dapat mong bigyan ang rehiyunal na sentro ng listahan ng saksi at mga ulat 2 araw ng negosyo bago ang pagdinig.  Kung mayroon kang abogado, dapat nilang bigyan ang rehiyunal na sentro ng pahayag ng posisyon, listahan ng saksi, at lahat ng mga dokumento 2 araw ng negosyo bago ang pagdinig.

Pagtatalaga ng Pasya ng Patnugot ng DDS – sinasaad ng WIC 4712.5 magbibigay ang DDS sa tanggapan ng pagdinig ng awtoridad na magtatag ng panghuling mga pasya.  Maaaring magtatag ang DDS ng ipinanukalang pasya bilang panghuling pasya o maglabas ng bagong panghuling pasya.

Muling Pagsasaalang-alang - sinasaad ng WIC 4713(b) na ikaw o ang rehiyunal na sentro ay maaaring humiling ng muling pagsasaalang-alang sa loob ng 15 araw ng panghuling pasya sa pagdinig.

Mga Pagbabago sa Tanggapan ng Pagdinig – WIC 4712(i), 4712(b)(2) at (3)

  • Dapat isagawa ng opisyal ng pagdinig ang pagdinig nang “nakikibahaging niyutralidad.” Hinihikayat ng nakikibahaging niyutralidad ang malaya at bukas na pagbabahagi upang tulungan ang lahat ng mga partido na maglabas ng impormasyon.
  • Ang mga opisyal ng pagdinig ay dapat magsanay tungkol sa kung paano maging mas makatarungan sa mga tao sa mga pagdinig at alamin ang tungkol sa mga isyu sa kapansanan.

Mangongolekta ng Datos ang DDS - sinasaad ng WIC 4714 na dapat mangolekta ng impormasyon tungkol sa impormal na mga pagpupulong (mga isyu, naghahabol, pasya) at mga pamamagitan at pagdinig (inurong na mga kahilingan at mga dahilan kung bakit, mga isyu, naghahabol, resulta, timeline, at pasya).

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.