Maaari Kang Bumoto Kahit Na Hindi Mo Malagdaan Ang Iyong Pangalan

Publications
#5473.08

Maaari Kang Bumoto Kahit Na Hindi Mo Malagdaan Ang Iyong Pangalan

Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito ang iba’t ibang paraan na maaaring magampanan ng botante ang kinakailangang lagda. Ginagamit ang beripikasyon ng lagda para beripikahin ang lagda ng botante sa Vote-By-Mail o mga probisyonal na balota. Upang maiwasan ang pagtatanggi, dapat tumugma ang iyong lagda sa rekord ng iyong pagpaparehistro. Ito ay kadalasan ang lagda na mayroon ka sa file sa DMV o sa pahayag na salaysay sa iyong pagpaparehistro sa botante.

Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito ang iba’t ibang paraan na maaaring magampanan ng botante ang kinakailangang lagda. Ginagamit ang beripikasyon ng lagda para beripikahin ang lagda ng botante sa Vote-By-Mail o mga probisyonal na balota. Upang maiwasan ang pagtatanggi, dapat tumugma ang iyong lagda sa rekord ng iyong pagpaparehistro. Ito ay kadalasan ang lagda na mayroon ka sa file sa DMV o sa pahayag na salaysay sa iyong pagpaparehistro sa botante.

Maaari kang “magmarka,” kabilang ang pantatak na lagda (signature stamp)

Kung hindi mo malalagdaan ang iyong pangalan, maaari kang magmarka o gumamit ng pantatak na lagda.
Dapat maging simple ang iyong marka. Karamihan sa botante ay gumagamit ng “X” bilang kanilang marka.

Imbes na isang “X,” maaari kang gumamit ng pantatak na lagda. Ngunit bago ka makagamit ng pantatak para bumoto, dapat ka munang: (1) magparehistro nang personal sa iyong Tanggapan ng Eleksyon ng county, gamit ang pantatak para lagdaan ang pahayag na salaysay sa pagpaparehistro ng botante sa harap ng opisyal ng eleksyon sa iyong county; o (2) magparehistro para bumoto sa online pagkatapos mong gumamit ng pantatak na lagda na naaprobahang ng Department of Motor Vehicles at naipadala sa Secretary of State.

Alinmang paraan, “pasaksihan” ito sa isang tao

Kasunod sa iyong marka o pantatak na lagda, ipasulat ang iyong pangalan ng isang “saksi”. Pagkatapos ay ipasulat sa saksi ang sarili nilang pangalan saan man malapit sa linya ng lagda (ang ilanng envelope na ibabalik ay mayroon nang linya ng “witness” na malapit—kung mayroon, gamitin iyon). Dapat 18 o mas matanda ang iyong saksi. Karamihan sa botante ay gumagamit ng miyembro ng pamilya o kaibigan bilang isang saksi.

Kung gagamit ako ng pantatak, ano dapat ang itsura nito?

Kung ikaw ay isang taong may kapansanan, ang iyong pantatak na lagday ay maaaring magmukhang:

  1. Ang aktuwal mong lagda;
  2. Isang “marka” o “simbolo” na ginagamit mo bilang iyong lagda (hal. Isang “X”);

    O
     
  3. Lagda ng iyong pangalan na isinulat ng iba pang tao na ginagamit mo bilang sarili mo.

Sino ang maaaring gumamit ng pantatak na lagda?

Dalawang uri ng tao ang maaaring gumamit ng pantatak na lagda para magparehistro para bumoto at bumoto:

  1. Isang taong may kapansanan:
    1. A.   Na hindi kayang sumulat dahil sa kanilang kapansanan; AT
    2. B.   Na nag-aari ng pantatak na lagda.
  2. Ibang tao bukod sa taong may kapansanan na gumagamit ng pantatak:
    1. A.   Na may pahiwatig na pahintulot ng may-ari ng pantatak; AT
    2. B.   Nasa presensya ng may-ari ng pantatak.

 Paano kung nagbago ang aking lagda?

Kung nagbago ang iyong lagda, dapat mong i-update ang iyong lagda sa rekord sa pamamagitan ng muling pagpaparehistro para bumoto gamit ang papel na aplikasyon. Maaaring i-mail ang aplikasyon na ito o ihulog sa iyong lokal na tanggapan ng mga eleksyon ng county. Kung hindi ka sigurado, maaari kang humiling ng kopya ng iyong lagda sa pamamagitan ng pagtawag o i-email ang iyong Tanggapan ng Eleksyon ng county.

 Ano ang mangyayari kung tatanggihan ang aking lagda?

Palaging may posbilidad na ang iyong lagda, maging marka man o pantatak, ay matanggihan. Gayunman, hindi ibig sabihin nito na hindi maibibilang ang iyong buto. Magkakaroon ka ng pangalawang pagkakataon na magbigay ng lagda na tumutugma sa lagda na nasa iyong rekord, kahit na ganap mong nakalimutang isama ang iyong lagda.

Ikinukumpara ng mga opisyal sa mga eleksyon ng county ang lagda na ginawa mo sa iyong envelope na balota sa isang lagda na nasa rekord ng iyong pagpaparehistro ng botante (kadalasan sa pahayag na salaysay sa iyong pagpaparehistro sa botante o sa iyong lisensya sa pagmamaneho o state ID card). Kung hindi magtutuma ang mga ito, dapat ipaalam sa iyo ng iyong county nang nakasulat at magsasama ng “pahayag sa beripikasyon ng lagda” para lagdaan mo. Dapat ipadala sa iyo ng iyong county ang abiso at pahayag ng beripikasyong ng lagda nang hindi lalagpas nang 8 araw bago pagtibayin ang eleksyon. Dapat mong lagdaan at ibalik ang pahayag nang 5:00pm, dalawang araw bago pagtibayin ang eleksyon. Ikukumpara ng tanggapan ng mga eleksyon ng iyong county ang bagong lagda sa iyong mga rekord at, kung mayroon pagtutugma, ibibilang ang iyong balota.
Gagamitin din nila ang bagong lagda bilang punto ng paghahambing sa mga hinaharap na eleksyon.

Ang pahayag ng beripikasyon ng lagda ng iyong county at mga pagtuturo ay dapat maging available din sa iyong Tanggapan ng Eleksyon ng county page.

Sa sandaling mai-mail mo ang iyong balota, maaari mong masubaybayan kung kailan nai-mail, natanggap, at nabilang ang iyong balota sa pamamagitan ng Ballottrax. Maaaring padalhan ka ng Ballottrax ng mga abiso sa pamamagitan ng, email, o voice alert.

Maaari mong tsekin ang lagay ng iyong Vote-By-Mail o Provisional Ballot sa pamamagitan ng telepono sa website ng ilang county.

(Mga) pinagkunan: California Elections Code §§ 354.5, 3019

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.