KARAPATAN NG ESTUDYANTE SA ESPESYAL NA EDUKASYON SA JUVENILE DETENTION
KARAPATAN NG ESTUDYANTE SA ESPESYAL NA EDUKASYON SA JUVENILE DETENTION
Ang publikasyong ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga karapatan ng kabataan sa espesyal na edukasyon habang nasa juvenile detention.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Panimula sa publikasyon
Nagbibigay ang publikasyon na ito ng impormasyon tungkol sa mga karapatan ng kabataan sa espesyal na edukasyon habang nasa juvenile detention.
Dito ang katawagang ‘juvenile detention facilities’ ay tumutukoy sa mga juvenile hall ng county, mga correctional facility ng kabataan, at mga juvenile camp. Ang katawagang ‘court schools’ ay tumutukoy sa mga paaralan sa loob ng mga pasilidad na iyon.
Nagbibigay ang publikasyon ng pangkalahatang legal na impormasyon. Kung mayroon kang katanungan o mga alalahanin mangyaring kontakin ang Disability Rights California. Ang intake line ng Disability Rights California ay ibinibigay sa hulihan ng dokumentong ito.
Karapat-dapat ba ang mga estudyante sa espesyal na edukasyon sa loob ng juvenile detention center?
Oo. Sa ilalim ng Individuals with Disabilities Education Act (IDEA), ang bawat bata na may kapansanan sa pagitan ng mga edad 3 at 21 ay may karapatan sa isang libre at naaangkop na pampublikong edukasyon sa hindi pinakahihigpitang kapaligiran, kabilang ang mga nasa loob ng juvenile detention center. [20 U.S.C. Sec. 1412(a)(1)].
Dapat magkaloob ang juvenile at mga youth detention center ng espesyal na edukasyon at mga nauugnay na serbisyo. Dapat matugunan ng edukasyon at mga serbisyo ang mga indibidwal na pangangailangan ng estudyante. Ang lahat ng estudyanteng may kapansanan sa sistema ng juvenile correction ay karapat-dapat na matasahan para sa espesyal na edukasyon at maging karapat-dapat para sa mga proteksyon sa ilalim ng batas ng estado at pederal.
Paanong naaiba ang espesyal na edukasyon sa loob ng juvenile detention center?
Ang sumusunod ay ilang diperensya sa pagitan ng espesyal na edukasyon sa loob ng pasilidad ng juvenile detention at espesyal na edukasyon sa komunidad. Ang paghahandang malunasan ang mga pagkakaibang ito ay maaaring makatulong na matiyak matatanggap mo o ng iyong anak ang edukasyon na kailangan nila sa loob ng juvenile detention.
Ang mga antala sa paglilipat ng mga rekord ay maaaring maantala ang pagpapatupad ng isang IEP o ang probisyon ng espesyal na edukasyon
Ang paglipat ng mga pang-edukasyon na rekord ay paminsan-minsang naaantala ang pagpapatupad ng isang IEP ng estudyante sa paaaralan sa loob ng pasilidad.
Maaaring maghanda ang mga pamilya para sa posibiidad na ito sa pagkuha ng mga rekord ng estudyante. Ang parehong batas ng estado at pederal ay nagbibigay sa mga magulang ng karapatan siyasatin at repasuhin ang mga pang-edukasyong rekord. [34 C.F.R. Sec. 300.613; Cal. Ed. Code Sec. 56504]. Sa ilalim ng batas ng estado, inuutusan ang distrito ng paaralan na ibigay ang mga rekord ng estudyante sa loob nang limang araw ng isang pasabi o nakasulat na kahilingan. [Cal. Ed. Code Sec. 56504.] Pinakamabuti na gumawa ng nakasulat na kahilingan para masubaybayan para matiyak na susunod ang distrito ng paaralan sa limang araw na takdang panahon.
May mga partikular na pangangailangan para sa paglilipat ng rekord kapag nagpalit ng mga distro ng paaralan ang estudyante na gagawin nila kapag papasok sa isang juvenile detention center:
- 72 oras kapag ang estudyante na may IEP ay palalayain mula sa juvenile hall. [Cal. Ed. Code Sec. 48647(c)(1)]
- 2 araw na may pasok para sa kabataang inaruga [Cal. Ed. Code Sec. 49069.5(d)]
- 5 araw para sa lahat ng paglilipat. [Cal. Ed. Code Sec. 56043(o)]
Ang paghiling sa mga rekord ng iyong anak ay maaaring makatulong mabigyan ng mga rekord ang paaralang nasa loob ng pasilidad ng juvenile nang walang antala.
Ang estudyanteng walang IEP ay maaaring pumasok at lumabas sa isang pasilidad bago sa pagkumpleto ng mga pagtatasa.
Ang mga estudyante sa mga pasilidad ng juvenile ay kadalasang nakatatanggap ng maiikling sintensya o nasa mga pasilidad lamang na nakabinbin ang sintensya, o hanggang sa mapagdesisyunan ang kanilang mga kaso sa korte. Sa kaso ng mga maikling pananatili na ito, ang paaralan sa loob ng pasilidad ay maaaring umpisahan ang proseso ng pagpaplano ng pagtatasa ng espesyal na edukasyon ngunit hindi nagawang kumpletuhin ito bago mapalaya ang estudyante sa komunidad.
Hinihiling ng IDEA na ang “[p]agtatasa ng mga batang may mga kapansanan na lilipat mula sa isang pampublikong ahensya papunta sa iba pa sa parehong taon ng eskuwela ay ikinokoordina sa nauna at susunod na mga paaralan ng mga bata iyon, bilang kinakailangan at bilang madali hangga’t posible[.]” [20 U.S.C. Sec. 1414(b)(3)(D); 34 C.F.R. Sec. 300.304(c)(5)].
Kung aalis ang iyong anak sa pasilidad bago makumpleto ang kanilang pagtatasa, maaaring nakatutulong na kontakin ang kawaning nasa loob ng pasilidad o magtipon ng pulong ng IEP para talakayin kung paanong makukumpleto ang mga pagtatasa.
Maaaring imungkahi ng pasilidad ng juvenile na ang limitadong espasyo, kawani, o iba pang mapagkukunan ay hinadlangan sila sa pagbibigay ng espesyal na edukasyon o ang probisyon ng mga nauugnay na serbisyo.
Espasyo, pagtatalaga ng kawani, o mga isyu sa pagpopondo sa tabi, ang mga paaralan sa loob ng mga pasilidad ng juvenile ay kinakilangang magbigay ng espesyal na edukasyon at magbigay ng mga nauugnay na serbisyo na naalinsunod sa mga IEP ng estudyante. [20 U.S.C. Sec. 1412(a)(1)]. Katulad, ang mga paaralan sa loob ng mga juvenile detention center ay dapat magbigay ng edukasyon sa hindi pinakahihigpitan kapaligiran, kung saan ang ibig sabihin na ang mga estudyanteny may mga kapansanan ay dapat lumahok sa edukasyon kasama ng kanilang kapantay na walang kapansanan hanggang sa sukdulang naaangkop. [20 U.S.C. Sec. 1412(a)(5)(A)].
Kung hindi nagbibigay ang paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile ng libreng naaangkop na pampublikong edukasyon sa hindi pinakahihigpitang kapaligiran, mayroon kang karapatan na maghain para sa pagdinig ng Due Process o isang reklamo ng hindi pagtalima sa California Department of Education. Tulad ng mga kapitbahay na paaralan, ang mga paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile ay dapat magbigay ng mga abiso ng mga karapatang pangmagulang kung saan ay kasama ang paglalarawan ng Due Process at mga reklamo ng hindi pagtalima.
Maaari bang matasahan ang estudyante para sa espesyal na edukasyon sa loob ng juvenile detention center?
Oo. Tulad ng mga pampublikong paaralan, ang mga paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile ay inuutusang kilalanin, hanapin, at suriin ang lahat ng batang may mga kapansanan na maaaring kailangan ng espesyal na edukasyon at mga nauugnay na serbisyo. [20 U.S.C. Sec. 1412(a)(3)(A); 34 C.F.R. Sec. 300.111].
Kung ang iyong anak ay nasa isang pasilidad ng juvenile detention at hindi pa natasahan, maaari kang humiling ng pagtatasa. Dapat mong isulat ang kahlingang ito, isama ang petsa ng kahilingan, at ang partikular na uri ng mga pagtatasa na gusto mong matanggap ng iyong anak. Tinatawag ang kahilingan na ito na “referral.” [Cal. Ed. Code Sec. 56029]. Sa ilalim ng mga regulasyon ng California, ang lahat ng nakasulat na referral ay inuumpisahan ang proseso ng pagtatasa. [5 C.C.R. Sec. 3021].
Sa sandaling magawa mo ang kahilingan para sa mga pagtatasa, dapat bigyan ka ng paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile ng plano ng pagtatasa sa loob nang 15 araw sa karamihan ng mga kalagayan. Kung magbibigyan ka ng referral sa loob nang 10 araw sa katapusan ng regular na taon ng eskuwela, ang plano ng pagtatasa ay maaaring maibigay sa loob nang 10 araw sa simula ng pagtatapos ng susunod na taon ng eskuwela. [Cal. Ed. Code Sec. 56321(a)].
Sa sandaling matanggap mo ang plano ng pagtatasa, mayroon kang hindi bababa sa 15 araw para tumugon o aprobahan ang plano ng pagtatasa. [Cal Ed. Code Sec. 56321(c)(4)]. Sa sandaling malagdaan at maibalik mo ang plano ng pagtatasa, mayroong 60 araw ang paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile para isagawa ang mga pagtatasa at para magdaos ng pulong ng IEP para alamin ang pagkanararapat at, kung karapat-dapat ang estudyante, para lumikha ng dokumento ng IEP. [Cal Ed. Code Sec. 56344(a)].
Maipatutupad ba ang IEP ng estudyante sa isang juvenile detention center?
Oo. Ang paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile ay inuutusang magbigay ng espesyal na edukasyon at mga nauugnay na serbisyo. Inuutusan din itong mag-update ng IEP ng estudyante bilang naaangkop. Ang mga paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile, na para lang kapitbahay na mga paaralan, ay inuutusan ding magbigay ng pag-uulat ng progreso sa mga layunin ng IEP sa mga magulang habang nasa juvenile detention ang estudyante.
Makatatanggap pa rin ba ang estudyante na mga nauugnay na serbisyo tulad ng Speech at Language, Counseling, o Occupational Therapy sa isang juvenile detention center?
Oo, ang mga karapat-dapat na estudyanteng may mga kapansanan sa juvenile detention ay karapat-dapat paring makatanggap ng mga nuugnay na serbisyo. Ang mga nauugnay na serbisyo ay idinisenyo para matiyak na mabebenepisyuhan sila sa programa ng kanilang edukasyon.
Kung may mga serbisyo na ng IEP ang estudyante nang pumasok sa juvenile detention, dapat magbigay ang pasilidad ng mga maihahambing na serbisyo sa mga inilarawan sa IEP ng estudyante hanggang sa alinma’y tanggapin ng paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile ang naunang IEP, o bumuo ng bagong IEP para sa estudyante. [34 C.F.R. Sec. 300.323; Cal. Ed. Code Sec. 56325(a)(1)].
Maidadaos ba ang mga pulong ng IEP sa loob ng juvenile detention center? Maaari bang dumalo ang mga magulang o tagapagtaguyod sa mga ito?
Kapag ipinuwesto sa juvenile detention center, dapat magdaos ang paaralan ng paglipat na pulong ng IEP sa loob nang 30 araw. [34 C.F.R. Sec. 300.323; Cal. Ed. Code Sec. 56325(a)(1)].
Ang mga pulong ng IEP ay maaari ring isagawa bilang kung kinakalingang batayan ng magulang. Dapat magdaos ang paaralan ng pulong ng IEP sa loob nang 30 araw ng kahilingan. [Cal. Ed. Code Sec. 56043(l), Cal. Ed. Code Sec. 56343.5]. Pinakaminam na isulat ang kahilingang ito para masubaybayan mo ang 30-araw na takdang panahon.
Ang mga magulang ay mga kinakailangan pa ring mga miyembro ng IEP at pinanghahawakan ang lahat ng karapatan sa ilalim ng IDEA kapag ang estudyante ay nasa juvenile detention, maliban lang kung nilimitahan ng korte ang kanilang mga karapatan o naging 18 taong gulang ang estudyante. [34 C.F.R. Sec. 300.322]. Dapat mapahintulutang dumalo ang mga magulang sa pulong ng IEP.
Kung alinman sa magulang ang maaaring dumalo sa pulong ng IEP, dapat pa ring tiyakin ng paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile ang pakikilahok ng magulang, kabilang ang sa mga tawag ng conference sa telepono. [34 C.F.R. Sec. 300.322(c); 34 C.F.R. Sec. 300.328]. Dapat tiyakin ng paaralan sa loob ng pasilidad ng juvenile na nauunawaan ng mga magulang ang mga pangyayari sa pulong ng IEP—kasama dito ang pagsasaayos para sa isang interpreter para sa mga magulang na may kabingihan o ang katutubong wika ay iba sa Ingles. [34 C.F.R. Sec. 300.322(e))].
Dapat ding pahintulutan ang mga magulang na magsama ng abogado sa pulong ng IEP. [34 C.F.R. Sec. 300.321(a); 34 C.F.R. Sec. 300.322(a)]. Ang ibang indibidwal, kabilang ang mga tagapagtaguyod, ay maaari ring dumalo sa mga pulong ng IEP sa pagpapasya ng magulang o paaralan kung ang naturang indibidwal ay may kaalaman o espesyal na kadalubhasaan hinggil sa estudyante. [34 C.F.R. Sec. 300.321(a)(6)]. Ang pagpapasya sa kaalaman o espesyal na kadalubhasaan ng mga indibidwal na ito ay dapat gawin ng taong nag-imbita sa indibidwal na maging isang miyembro ng koponan ng IEP. [34 C.F.R. Sec. 300.321(c)].
Ang mga estudyanteng may mga kapansanan sa juvenile detention ay dapat ding lumahok bilang isang miyembro ng koponan ng IEP. [34 C.F.R. Sec. 300.321(a)(7)]. Ang pakikilahok ng estudyante ay maaaring makabuluhang matulungan ang koponan ng IEP sa pagkilala sa mga pangangailangan ng estudyante.
Maaari bang makakuha ang estudyante ng mga bagong pagtatasa habang nasa loob ng juvenile detention center?
Oo, ang mga pasilidad ng juvenile detention ay dapat suriin ang kabataang may mga kapansanan para sa espesyal na edukasyon. [20 U.S.C. Sec. 1412(a)(3)(A); 34 C.F.R. Sec. 300.111]. Ang parehong mga pamamaraan na inilarawan sa itaas sa seksyon 4 ay lalapat.
Kahit na ang estudyante ay nasa juvenile detention lamang para sa maikling panahon, dapat pa ring umpisahan ng pasilidad ang proseso ng pagsusuri. Dapat makipagkoordina ang pasilidad sa distrito ng paaralan na dadalo ang estudyante kapag lalabas sa juvenile detention para matiyak ang pagkumpleto ng pagsusuri. [34 C.F.R. Sec. 300.304(c)(5)]. Gayun man, mangyaring tandaan ang takdang panahon sa pagkumpleto ng pagsusuri na ito ay di gaanong malinaw: ang pagtatasa ay dapat makumpleto “bilang madali hangga’t maaari.” [34 C.F.R. Sec. 300.304(c)(5)]. Tipikal, ang mga pagtatasa ay dapat makumpleto sa loob nang 60 araw ng pagkakatanggap ng pahintulot na pangmagulang para sa pagsusuri. [34 C.F.R. Sec. 300.301(c)]. Hindi lumalapat ang takdang panahon na ito kung lilipat ng distrito ang estudyante sa kagitna ng pagtatasa. [34 C.F.R. Sec. 300.301(d)(2)]. Gayun man, ang distrito ng paaralan ang mga paglipat ng estudyante ay dapat makagawa ng “sapat ng progreso para matiyak ang maagap na pagtatapos ng pagsusuri” at dapat makipag-ayos sa magulang “ang partikular na panahon kung kailan makukumpleto ang pagsusuri.” [34 C.F.R. Sec. 300.301(e)].
Paanong maaapektuhan ng espesyal na edukasyon ng estudyante ang kanilang muling pagpasok sa komunidad?
Ang pagpaplano ng muling pagpasok ay dapat magsimula sa sandaling pumasok ang estudyante sa juvenile detention. Ang naturang pagpaplano ay mahalaga para matiyak na ang batang tao ay maaaring umpisahan ang eskuwela nang mabilisan sa sandaling makalabas mula sa juvenile detention sa pamamagitan ng naaangkop na mga surporta at serbisyong nakatalaga. Sa California, ang kabataang nasa juvenile detention ay dapat mayroong plano ng pag-aaral para sa kanilang pang-eudkasyon na muling pagpasok sa sandaling nasa detenetion na sila sa 20 magkakasunod na araw ng eskuwela. [Cal. Ed. Code Sec. 48647(f)].
Hindi dapat makaranas ang kabataan ng anumang harang sa daan para sa muling pagpapatala. Ang lahat ng kabataan ay may karapatan sa madaling muling pagpapatala sa kanilang kapitbahay na paaralan sa sandaling makalabas sila sa juvenile detention. Hindi maaaring tanggihan ng mga paaralan ang pagpapatala sa isang estudyanteng lumabas mula sa detention para sa kakulangan ng papeles tulad ng mga bakuna o transcript. [Cal. Ed. Code Sec. 48853.5(f)(8)(B)]. Hindi rin maaaring tanggihan ng mga paaralan ang pagpapatala batay sa isang pagkakasangkot sa hustisya ng juvenile ng estudyante. [Cal. Ed. Code Sec. 48645.5(b)].
Mayroon kang karapatan na muling magpatala sa parehong paaralan na kanilang pinasukan bago sa kanilang pagkakabilanggo, kilala rin bilang kanilang “school origin,” maliban lang sila ay napaalis sa paaralan na iyon o nahaharap na maalis. [Cal. Ed. Code Sec. 48853.5(f)(1)]. Kung tatanggihan ng distrito ng paaralan ang mga karapatang ito, maaari kang maghain ng reklamong Uniform Complaint Procedure (UCP) sa distrito ng paaralan. Maaari kang direktang maghain ng reklamo ng UCP sa California Department of Education sa ilalim ng ilang pangyayari, tulad nang kapag mayroong panganib ng paghihiganti. [5 C.C.R. Sec. 4650(a)].
Ang kabataang nakulong na ay maaaring mayroon ding karapatan na makakonekta sa isang distrito ng paaralan “education liaison,” isang taong kawani na ang trabaho ay para tulungan ang estudyante sa mga bagay tulad ng muling pagpapatala. [Cal. Ed. Code Sec. 48852.5(c)]. Kadalasang matatagpuan mo ang impormasyon tungkol sa education liaison ng distrito ng paaralan, kabilang ang impormasyon ng kanilang kontak, sa website ng distrito ng paaralan.
Karapat-dapat pa rin ba ang mga estudyanteng nasa mga juvenile detention center sa pagpaplano ng pagbabago?
Oo, sa ilalim ng IDEA, ang pagpaplano ng pagbabago ay dapat maganap sa unang ginanap na pulong ng IEP pagkatapos umabot ang estudyante sa edad na 16 o mas maaga kung naaangkop para s estudyante. [20 U.S.C. Sec. 1414(d)(1)(A)(i)(VII); 34 C.F.R. Sec. 300.320(b)]. Kasama sa pagpaplano ng pagbabago ang mga layunin ng estudyante sa oras ng kanilang pagkumpleto sa high school, kabilang ang mga layunin ng edukasyon at trabaho. [34 C.F.R. Sec. 300.43]. Ang mga serbisyo ng pagbabago ay maaaring kasama ang pagsasanay sa karera sa pamamagitan ng mga organisasyong idinisenyo para pagsilbihan ang kabataang nasangkot sa hustisya ng juvenile. Tandaan, ang mga serbisyo ng pagbabago ay dapat indibidwal na idinisenyo para sa bawat estudyante, batay sa mga layunin ng estudyante. Maaari mong isama ang mga layuning nauugnay sa muling pagpasok at mga serbisyo bilang bahagi ng pagpaplano ng pagbabago sa isang IEP ng estudyante.
Mga mapagkukunan
Para sa higit na impormasyon sa espesyal na edukasyon, mangyaring tingnan ang Special Education Rights and Responsibilities Manual ng Disability Rights California: https://serr.disabilityrightsca.org/.
Para sa higit na impormasyon sa pagpaplano ng pagbabago at mga serbisyo, mangyaring tingnan ang publikasyon ng Disability Rights California na, Transition Services for Students: https://www.disabilityrightsca.org/publications/transition-services-for-students .
Kung mayroon kang mga katanungan, maaari mong kontakin ang kumpidensyal na intake line ng Disability Rights California sa 1-800-766-5746, bukas Lunes hanggang Biyernes, 9:00am – 4:00 pm.