Gumaganti Ba ang Paaralan? Isang Gabay sa Iyong mga Karapatan
Gumaganti Ba ang Paaralan? Isang Gabay sa Iyong mga Karapatan
Ang pagganti ay isang gawain ng diskriminasyon, pamimilit, intimidasyon o pagbabanta laban sa isang tao para sa layunin ng paghadlang sa pagganap ng isang protektadong karapatan. Ang pagganti ay ilegal sa ilalim ng parehong mga batas ng pederal at estado.
Panimula
Ang pagganti ay isang gawain ng diskriminasyon, pamimilit, intimidasyon o pagbabanta laban sa isang tao para sa layunin ng paghadlang sa pagganap ng isang protektadong karapatan.1 Ang pagganti ay ilegal sa ilalim ng parehong mga batas ng pederal at estado.
Ang Seksyong 504 ng Rehabilitation Act ng 1973 at ng Americans with Disabilities Act ay mga batas pederal na ipinagbabawal ang diskriminasyon batay sa kapansanan ng isang indibidwal.2 Ang bawat isa sa mga batas ng laban sa diskrimanasyon ng pederal ay ipinagbabawal din ang pagganti para sa pagganap ng mga karapatan na pinoprotektahan nito.
Bilang karagdagan, pinoprotektahan ng Seksyon 56046 ng California Education Code ang empleyado o kontratisa ng isang distrito ng paaralan o iba pang lokal na ahensya hinggil sa edukasyon na nagtataguyod, o tinutulungan ang magulang sa pagtataguyod, para sa isang estudyante na may eksepsyonal na mga pangangailangan para makakuha ng mga serbisyo o akomodasyon para sa estudyante. Hinahadlangan ang edukasyonal na ahensya sa pagganti laban sa matulungin na mga miyembro ng kawani o kontratista para sa layunin ng paghadlang sa gawain ng taong iyon.
Seksyon 504 ng Rehabilitation Act ng 1973 at ng Americans with Disabilities Act
Ang Seksyon 504 ng Rehabilitation Act ng 1973 ay isang pederal na batas na pinoprotektahan ang mga indibidwal sa diskriminasyon batay sa kanilang kapansanan. Pinagbabawalan ng Seksyon 504 ang mga organisasyon at employer na tumatanggap ng pagpopondo ng gobyerno sa hindi pagsama o pagtanggi sa mga indibidwal na may mga kapansanan ng patas na pagkakataon para makatanggap ng mga benepisyo at serbisyo ng programa. Sa ilalim ng Seksyon 504, dapat magbigay ang mga paaralan ng mga makatwirang akomodasyon sa mga karapat-dapat na estudyante. Ipinagbabawal ng Seksyon 504 ang pagganti sa paghahain ng reklamo, pagtetestigo, pagtulong o pag-iimbestiga upang makapagtaguyod para sa karapatang protektado ng seksyon na iyon.3
Pinagbabawalan ng Americans with Disabilities Act (ADA) ang mga paaralan sa diskriminasyon batay sa kapansanan. Ipinagbabawal rin nito ang pagganti, pamimilit o mga pagbabanta laban sa mga tao na naghain ng reklamo sa ilalim ng ADA.4
Sa ilang kaso, maaaring may malinaw na ebidensya ng pagganti. Bilang halimbawa, ang pagpasok sa mga minuto ng distrito ng paaralan na ipinapakita na tinalakay ng kawani ng distrito ang hindi paglalagay sa estudyante sa isang klase ng wikang banyaga dahil naihain na ang reklamo ng Office of Civil Rights’ (OCR) sa ngalan niya ay natuklasang sapat na ebidensya ng pagganti.5 Sa karamihan ng kaso, gayunman, ipinapahiwatig ang pagganti sa mga pagkakataon sa paligid, na iginigiit ang isang apat-na-hakbang na pagsusuri.
Kumuha ba ng aktibidad na protektadong katayuan ang nagrereklamo?
Ang partidong nagrereklamo ay maaaring nakapaghain ng reklamo sa ngalan ng isang estudyante, o lumahok sa ilang ibang paraan sa pagtataguyod para sa estudyante, kabilang ang pagtetestigo, pag-iimbestiga, o pagtulong sa isa pang tao sa mga aktibidad na ito.
Ang nagrereklamo ba ang puntirya ng masamang gawain?
Halos anumang gawain na may nakapipinsalang epekto sa nagrereklamo ay maaaring matuklasang isang masamang gawain. Bilang halimbawa, natuklasang nagsumamo ang mga magulang ng may bisang claim sa pagganti nang tanggihan ng distrito ng paaralan ang kanilang kahilingan para sa mga kopya ng mga rekord ng paaralan at pagkatapos ay inalok na magbibigay ng mga kopya ng mga rekord ng paaralan sa isang bayad na $2,600. Gayunman, una sa paghain ng mga magulang para sa isang pagdinig, nagbigay ang distrito ng mga libreng kopya sa mga magulang.6
Sa isa pang desisyon, ito’y pinanindigan na upang maging mapaghiganti ang gawain ay dapat direktang maapektuhan ang estudyante. Kung saan sinabihan diumano ng punong-guro ang estudyante na “naghihintay” siya sa kanya para makaipon nang sapat na mga referral para magawa niyang “masipa” ang Estudyante palabas ng paaralan, pinagpasyahan ng OCR na, bagaman maaaring hindi naging diplomatiko ang pananalita ng punong-guro, ang obserbasyon na ang estudyante ay maaaring mapaalis kung magpapatuloy ang kanyang kasalukuyang pag-uugali ay wala, at sa sarili nito, ang gawaing paghihiganti ay hindi direktang naapektuhan ang estudyante.7
Sa San Ramon Valley (Cal.) Unified School District, 38 IDELR 73 (OCR 2002), tinanggihan ng OCR ang paratang na pagganti ng magulang dahil ang pangalawang dahilan, yan ay wala ang “masamang gawain”. Sa ganitong partikular na kaso, natuklasan ng OCR na walang naganap na masamang gawain nang diumano’y pinahinaan ng loob ang isang atletang estudyante sa pakikisama sa estudyante dahil sa mga pagpupursigi ng pagtataguyod ng magulang. Nangatwiran ang OCR na hindi gumanti ang distrito laban sa magulang o sa estudyante dahil ang estudyante ay hindi makabuluhang nadehado sa kanyang katayuan bilang isang estudyante at ang puna ng coach ay hindi sapat na malalang maituturing na pumipigil sa mga pagpupursigi ng pagtataguyod ng magulang.
Mayroon bang naging koneksyon sa pagitan ng protektadong aktibidad at ng masamang gawain, pagsuporta ng paghihinuha ng pagganti?
Para mangibabaw sa isang gawain sa pagganti, dapat ipakita ng nagrereklamo na ang gawain ng pagganti ay ginawa bilang isang resulta ng protektadong aktibidad. Ang isang dahilan na itinuturing ay magiging kung ginawa man o hindi pagkatapos maganap ang protektadong aktibidad.8
Ang pagpapakita sa kinakailangang may dahilang koneksyon ay maaaring kailanganin ng pagpapakita na ang diumanong gumaganting entidad ay naging may kamalayan sa protektadong aktibidad. Hindi ito palaging isang isyu ngunit maaaring maging mahalaga kung kini-claim ng gumaganting entidad na kumilos sa mga kadahilanang hindi nauugnay sa protektadong aktibidad.9
Nakapagtukoy ba ang paaralan ng lehitimo, hindi gumaganting dahilan para sa masamang gawain?
Pagkatapos na maitaguyod ang tatlong dahilan sa itaas, ang OCR at iba pang tagapagpasya ng mga katotohanan ay tinitingnan kung nagpasimula man o hindi ang distrito ng paaralan ng lehitimo, dahilan na hindi gumaganti para sa masamang gawain. Kung ang isang mukhang tamang lehitimong dahilan ay nabibigkas nang malinaw, dapat patunayan ng nagrereklamo sa pamamagitan ng kahigtan ng ebidensya na ang hinahandog na dahilan ay hindi ang totoong dahilan ngunit isang lamang hindi makatotohanang dahilan.10
Bilang halimbawa, sa Elk Grove Unified School District, 36 IDELR 160 (2001), pinaparatang ng guro na gumanti ang distrito laban sa kanya nang permanente nitong inlipat ang kanyang mga klase ng pull-out RSP sa hindi sapat na lugar ng pagtuturo. Itinanggi ng distrito na ang desisyon nito ay bilang pagganti sa nakaraang pagtataguyod ng guro. Ang dahilan na ibinigay ng distrito sa paglipat sa kanya ay kawalan ng pagtalima dahil sa kakulangan ng lugar para sa pagtuturo. Sinabi rin ng distrito na ang paglalagay sa RSP sa maliit na mga lugar ng pagtuturo ay inirekumenda ng California Department of Education bilang isang pampawastong gawain. Nabigong humanap ang OCR ng sapat na ebidensya na ang mga dahilan ng distrito sa paglipat sa mga klase ng guro ay isang hindi makatotohanang dahilan para sa anumang pagganti laban sa kanya.
Sa isa pang desisyon, ibinasura ng OCR ang isang reklamo ng pagganti, na natuklasan na nag-alok ang distrito ng lehitimong hindi pagganting mga dahilan para sa mga gawain nito. Nagreklamo ang ina ng estudyante na gumaganti ang distrito laban sa kanyang anak na lalaki dahil sa kanyang mga pagpupursigi ng pagtataguyod. Sa isang insidente, pinatayo ang estudyante sa labas ng silid-aralan bilang isang disiplina para sa masamang-asal. Gayunman, natuklasan ng OCR na ipinapakita ng ebidensya na pinalabas rin ang tatlo pang ibang estudyante sa parehong insidente, dahil din sa masamang-asal. Inalis rin ang estudyante sa programa ng iskuwela sa tag-init dahil natulasan ng distrito na nasangkot siya sa seksuwal na panggigipit. Natuklasan ng OCR na ang proseso ng Distrito sa pagtimbang ng impormasyon hinggil sa akusasyon na seksuwal na ginipit ng estudyante ang isa pang estudyante ay sapat para pasinungalingan ang alegasyon na ang pagpapaalis sa estudyante ay naging isang pagganting gawain.11
California Education Code Seksyon 56046
Pinoprotektahan ng California Education Code Seksyon 56046 ang sinumang tao, kabilang ang guro, ibang kawani, o kontratista sa lokal na edukasyonal na ahensya sa pagganti ng isang edukasyonal na ahensya sa pagtataguyod, o pagtulong sa pagtataguyod, para sa mga serbisyo o mga akomodasyon para sa isang espesyal na edukasyon na estudyante.12
Ipinapahayag ng California Education Code Sect. 56046 na ang mga empleyado ng isang distrito ng paaralaan, tanggapan ng edukasyon ng county, o isang SELPA ay hindi maaaring gamitin ang kanilang opisyal na kapangyarihan o impluwensya para sa layunin ng pananakot, pagbabanta o pamimilit ng tao na may balak na humadlang sa paggawa ng taong iyon para tulungan ang isang magulang o tagapag-alaga ng estudyante sa mga eksepsyonal na pangangailangan para makakuha ng mga serbisyo o akomodasyon para sa estudyanteng iyon.
Anu-anong aktibidad ang ipinagbabawal?
Kasama sa ipinagbabawal na paggamit ng kapangyarihan ng opisyal o impluwensya ng isang opisyal ng pampublikong paaralan ang:
- Pangangakong magbibigay ng anumang benepisyo; o
- Gumagawa o nananakot ng anumang negatibong gawain ng mga tauhan.
Bilang halimbawa, kung tinutulungan ng isang guro ang magulang na makakuha ng mga serbisyo para sa isang estudyante ng mga eksepsyonal na pangangailangan, hindi maaaring pagbantaan o parusahan ng distrito ng paaralan ang guro sa pagtulong sa magulang.
Anu-anong aktibidad ang protektado?
- Pagtataguyod nang walang masamang hangarin;
- Pagbibigay ng impormasyon o tulong na matutulungan ang magulang o tagapag-alaga na makakuha ng libreng naaangkop na edukasyon para sa kanyang anak gaya nang ginagarantiya sa ilalim ng IDEA; o
- Iba pang serbisyo o akomodasyon sa ilalim ng Seksyon 504 at ng ADA.
Sino ang protektado ng California Education Code Seksyon 56046?
Mga empleyado ng distrito ng paaralan, tanggapan ng edukasyon ng county o SELPA ay mga protektado ng California Education Code Sect. 56046. Maaaring kasama dito, ngunit hindi limitado sa, sumusunod: isang guro, isang provider ng itinalagang tagubilin at mga serbisyo (hal. speech therapy, physical therapy, at occupational therapy), isang propesyonal, isang katulong hinggil sa pagtuturo, isang katulong hinggil sa pag-iisip, isang katulong sa kalusugan, at iba pang tagapagturo o mga kawani ng distrito ng paaralan, pati na rin mga indibidwal o entidad na nakikipagkontrata sa distrito ng paaralan.
Bakit mahalaga ang California Education Code Seksyon 56046?
- Una, ang mga magulang at tagapag-alaga ay maaaring mabenipisyuhan nang malaki mula sa tulong na ibinibigay ng mga indibidwal na mga may kaalaman tungkol sa mga pangangailangan at kalakasan ng isang partikular na estudyante at tungkol sa proseso ng pagkuha ng mga serbisyo.
- Pangalawa, mga empleyado ng mga distrito ng paaralan, mga tanggapan ng edukasyon ng county at mga SELPA ay may karapatan na magbigay ng impormasyon at magpahiwatig ng mga opinyon na walang masamang hangarin sa mga magulang tungkol sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng IDEA, Seksyon 504 ng Rehabilitation Act ng 1973, ng ADA ng pederal, at mga batas ng estado hinggil sa mga indibidwal na may mga eksepsyonal na pangangailangan.
Ano ang maaari mong gawin kung naniniwala kang nalabag ang iyong mga karapatan sa ilalim ng California Education Code Seksyon 56046?
Kung naniniwala ang empleyado o kontratista na nagkaroon ng paglabag sa Seksyon 56046 ng Education Code, ang taong iyon ay maaaring maghain ng reklamo sa California Department of Education sa ilalim ng Uniform Complaint Procedures gaya nang inihayag sa Title 5 ng California Code of Regulations.13 Dapat mamagitan ang California Department of Education nang direkta sa pamamagitan ng pag-iimbestiga sa reklamo. Para sa higit pa tungkol sa pagtalima sa mga reklamo, tingnan ang kabanata 6 ng manwal ng Disability Rights California’s Special Education Rights and Responsibilities, numero ng publikasyon na 5046.01 sa www.disabilityrightsca.org o tumawag sa (800) 776-5746.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
- 1. 34 C.F.R. Part 100. Sect. 100.7(e).
- 2. 29 U.S.C. Sect. 701; 42 U.S.C. Kabanata 126.
- 3. A.C. v. Shelby County Board of Education, 60 IDELR 271, 711 F.3d 687 (6th Cir. 2013); Andrews v. Ohio, 104 F.3d 803, 807 (6th Cir. 1997); Burns v. City of Columbus, 91 F.3d 836, 842 (6th Cir. 1996).
- 4. 29 C.F.R. Sect. 33.13; 34 C.F.R. Sect. 100.7(e); 34 C.F.R. Sect. 104.61.
- 5. 42 U.S.C. Sect. 12203; 28 C.F.R. Sect. 35.134.
- 6. Pinellas County (Fl.) School Dis., 52 IDELR 23 (OCR 2009).
- 7. Wilbourne v. Forsyth County Sch.Dist., 38 NDLR 89, 36 F.App’x 473 (11th Cir. 2009); Edwards v. Gwinnet Co. Sch. Dist., 62 IDELR 3, 977 F.Supp.2d 1322 (N.D. Ga. 2013); Nguyen v. City of Cleveland, 229 F.3d 559, 563 (6th Cir. 2000).
- 8. Pollack v. Regional Sch. Unit 75, 63 IDELR 72 (D.Me. 2014).
- 9. Fontana (Cal.) Unified School District, 36 IDELR 187 (OCR 2001).
- 10. Cherokee County (GA) Sch. Dist., 54 IDELR 301 (OCR 2009); Davis v. Clark County Sch. Dist., 60 IDELR 152 (D. Nev. 2013).
- 11. Edwards v. Gwinnet Co. Sch. Dist., 62 IDELR 3, 977 F.Supp.2d 1322 (N.D. Ga.2013); Cherokee County (GA) Sch. Dist., 54 IDELR 301 (OCR 2009); Davis v. Clark County Sch. Dist., 60 IDELR 152 (D. Nev. 2013); Weber v. Cranston Sch. Comm., 32 IDELR 141 (1st Cir. 2000).
- 12. A.C. v. Shelby County Board of Education, 60 IDELR 271, 711 F.3d 687 (6th Cir. 2013); Stengle v. Office of Dispute Resolution,109 LRP 24455 (M.D. Pa. 2009).
- 13. Fontana (Cal.) Unified School District, 36 IDELR 187 (OCR 2001).