Gabay sa Pagpaplano ng Individualized Program Plan (Ibinabagay na Plano sa Programa, IPP)

Isang Librito para sa mga Taong Gumagamit ng mga Serbisyo Mula sa mga Panrehiyong Sentro
Publications
#5038.08

Gabay sa Pagpaplano ng Individualized Program Plan (Ibinabagay na Plano sa Programa, IPP)

Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon. Ang mga Indibidwal na Plano ng Programa o IPP ay naglilista ng mga serbisyo ng sentrong pangrehiyon na kailangan mo upang mamuhay ayon sa gusto mo. Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga IPP. Nagbibigay ito sa iyo ng IPP planner para tulungan kang maghanda para sa isang IPP meeting. Sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin kung hindi ka sumasang-ayon sa isang desisyon ng sentrong pangrehiyon.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang Lanterman Act

Sa California, ang mga taong may kapansanan sa pag-unlad ay may karapatang kumuha ng mga serbisyong tumutulong sa kanila na maging bahagi ng kanilang mga komunidad. Ang batas ay nagsasabi na ang mga taong gumagamit ng mga Panrehiyong Sentro ay may karapatang gumawa ng mga desisyon tungkol sa mga serbisyo at suporta na kailangan nila, tulad ng:

  • Saan maninirahan
  • Sino ang makakasama sa tirahan
  • Saan magtatrabaho o mag-aaral
  • Sino ang gustong maging kaibigan
  • Ano ang gagawing katuwaan
  • Ano ang gagawin sa hinaharap
  • Anu-anong mga serbisyo at suporta ang gusto mo at kailangan

Tingnan din ang publikasyon na Mga Karapatan sa Ilalim ng Lanterman Act

Ano ang Individual Program Plan (IPP)?

Ang IPP ay isang planong aksyon na nagsasalita tungkol sa tulong na kailangan mo upang mamuhay sa paraang gusto mo.

Ang IPP ay tumutukoy sa iyong mga hangarin, serbisyo, at suporta upang magawa mong maging mas independiyente at lumahok sa komunidad.

Ang IPP ay isang nakasulat na kasunduan at kontrata sa pagitan mo at ng Panrehiyong Sentro. Ito ay nakasulat sa isang paraan na maiintindihan mo.

Takdang Panahon para sa isang IPP

Ang batas ay nagsasabi na ang mga tao ay dapat magkaroon ng pulong ng IPP nang hindi bababa sa bawat 3 taon. Naipapagawa ng ilang tao ang isang IPP bawat taon. Maaari kang humingi ng pulong ng IPP kahit kailan. Tawagan ang iyong tagapag-ugnay ng serbisyo ng Panrehiyong Sentro upang itakda ang pulong ng IPP.

Pagkatapos mong humingi ng pulong ng IPP, ito ay dapat mangyari sa loob ng 30 araw.

Bakit Mahalaga ang Iyong Pulong ng IPP

Ang iyong pulong ng IPP ay ang tanging panahon na ang iyong IPP ay maaaring opisyal na pag-usapan at isulat. Kung ang iyong Panrehiyong Sentro ay tumawag sa iyo tungkol sa iyong mga serbisyo, sabihin sa kanila na gusto mong pag-usapan ito sa isang pulong ng IPP.

Iyong mga Karapatan sa isang Pulong ng IPP

  • May karapatan ka sa isang nakasulat na IPP na naglilista ng iyong mga hangarin sa hinaharap at anu-anong mga serbisyo ang gusto at kailangan mo.
  • May karapatan ka sa mga serbisyo na bahagi ng iyong komunidad - hindi lamang sa mga lugar o grupo para sa mga taong may kapansanan.
  • May karapatan kang tumulong na buuin ang iyong IPP.
  • May karapatan kang hindi sumang-ayon sa anumang pagbabago sa mga serbisyo sa iyong IPP, kahit na ang isang pulong ay isinagawa nang hindi ka kasama.
  • May karapatan kang magkaroon ng interpreter o isang facilitator (tagatulong) kung kailangan mo nito at ang Panrehiyong Sentro ay dapat kumuha nito para sa iyo.
  • May karapatan kang dumalo sa iyong pulong ng IPP at sabihin sa mga tao kung anu-anong mga serbisyo ang kailangan at gusto mo.
  • May karapatan kang ipagawa ang iyong pulong ng IPP sa isang lugar na gusto mo na maginhawa para sa iyo. Hindi maaaring baguhin ng Panrehiyong Sentro ang iyong mga serbisyo o isulat ang iyong IPP nang hindi ka dadalo sa pulong.
  • May karapatan kang kumuha ng mga dokumentong tulad ng Mga IPP, Mga Planong Pagtasa, Mga Karapatan sa IPP, Mga Karapatan sa Apela, at Mga Paunawa ng Aksyon sa iyong katutubong wika.
  • May karapatan kang kumuha ng mga serbisyo at suporta sa kapaligiran na pinakamababa ang paghihigpit.

Ang Panrehiyong Sentro at mga ahensiya na nagkakaloob ng mga serbisyo sa iyo, tulad ng mga panggrupong tahanan o programa, ay dapat magpahintulot sa iyo na gumawa ng iyong mga sariling desisyon.

Dapat silang magbigay sa iyo ng mahalagang impormasyon na kailangan mo upang makagawa ng mga desisyon sa isang paraan na maiintindihan mo.

Sino ang Bahagi ng Pangkat ng IPP?

  • Ikaw ang pinakamahalagang miyembro.
  • Mga Magulang at Legal Guardian.
  • Mga Taong kilala ka at nagmamalasakit sa iyo.
  • Iyong tagapag-ugnay ng serbisyo mula sa Panrehiyong Sentro na maaaring makakuha para sa iyo ng mga serbisyong gusto at kailangan mo.
  • Isang Pangkat ng Maraming Disiplina, kapag angkop.
  • Sinumang iba pa na gusto mong naroon

Ang dapat gawin Bago ang Pulong ng IPP

  • Isipin ang iyong mga hangarin para sa hinaharap. Isipin ang tungkol sa kailangan mo upang maging malusog at ligtas sa komunidad. Mayroon bang bago na gusto mong gawin?
  • Repasuhin ang iyong lumang IPP upang makita kung ano ang gumagana o hindi gumagana. Humingi ng tulong sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya. Mayroon bang bagay na gusto mong gawin sa ibang paraan?
  • Ilista ang iyong mga inaalala at ang iyong mga hangarin.
  • Ilista ang mga serbisyo at suporta na sa palagay mo ay tutulong sa iyo na makamit ang iyong mga hangarin.
  • Makipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan mo tungkol sa gusto mong sabihin sa iyong pulong. At saka isulat ito o humingi ng tulong sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya.
  • Irekord ang gusto mong sabihin sa isang Recorder o telepono at dalhin ito sa pulong.
  • Magpraktis magsalita. Ikaw ang iyong sariling pinakamahusay na tagapagtaguyod tungkol sa gusto at kailangan mo
  • Ito’y isang napakahalagang pulong. Maghanda. Tiyaking dumalo.

Ang Tagaplano ng Pulong ng IPP sa dulo ng libritong ito ay makakatulong sa iyo para sa iyong pulong.

Tingnan din ang 16 Payo para sa Pagkuha ng mahuhusay na Serbisyo ng Panrehiyong Sentro para sa Iyong Sarili o sa Iyong Anak.

Ang Dapat Gawin sa Iyong Pulong ng IPP

  • Makipag-usap sa iyong pangkat tungkol sa gusto at kailangan mo.
  • Ibahagi ang isinulat (o inirekord) mo tungkol sa mga plano at serbisyo na gusto mo.
  • Maging magalang at asertibo.
  • Maaari kang humingi ng ibang tagapag-ugnay ng serbisyo.
  • Maaari mong hingin na baguhin ang mga serbisyong natatanggap mo.
  • Dapat ay may tao sa iyong pulong na makakapagsabi ng “Oo” o “Hindi” sa nakalagay sa iyong IPP. Ito ay maaaring ang iyong tagapag-ugnay ng serbisyo o ibang tauhan ng Panrehiyong Sentro.
  • Itanong kung mayroong anumang ibang mga bagong pagtasa, ulat, o obserbasyon.
  • Hingin na makipag-usap tungkol sa iyong mga lakas, interes, lugar ng pag-unlad, lugar ng pangangailangan, at pakikipagkaibigan.
  • Magtanong ng anumang ibang mga tanong tungkol sa iyong progreso o mga serbisyo.
  • Ibahagi ang iyong mga hangarin sa kasalukuyan o hinaharap.
  • Talakayin ang anumang ispesipikong mga inaalala.
  • Ibahagi ang anumang mga kondisyon sa tahanan na maaaring nakakaapekto sa iyong pagganap o kilos sa paaralan o trabaho at anumang huling mga dokumento o impormasyong medikal.
  • Kumuha ng mga tala sa mga rekomendasyon at takdang panahon, tulad ng mga karagdagang serbisyo o pagtasa.
  • Sabihin nang malakas ang naiintindihan mo tungkol sa mga desisyong ginawa, mga aksyong ginawa, mga takdang panahon, at mga tungkulin at responsibilidad ng bawat tao sa pulong.
  • Magbigay ng komento sa mga taong nagtatrabahong kasama mo sa mga lugar kung saan nakapansin ka ng positibong pagsisikap, pag-unlad, o pagbabago.

Kung ang taong maaaring mag-apruba ng mga serbisyo sa iyong IPP ay wala sa iyong pulong, ang Panrehiyong Sentro ay dapat magtakda ng isa pang pulong ng IPP sa loob ng 15 araw. Ang tauhan ng Panrehiyong Sentro na nag-aapruba ng mga serbisyo ay dapat dumallo.

Karapatan sa mga Serbisyo at Suporta sa Iyong IPP

Ang Lanterman Act ay nagsasabi na ang iyong mga serbisyo at suporta ay dapat tumulong sa iyo na maging independiyente, isang produktibong miyembro ng iyong komunidad, at manirahan kung saan ka ligtas at malusog.

Narito ang ilan (pero hindi lahat) ng mga serbisyo at suporta na makakatulong ang Panrehiyong Sentro na mahanap at makuha mo.

  • Tulong sa pagpasok sa paaralan o isang programang pagsasanay.
  • Kagamitan sa Pag-agpang: Kung kailangan mo ng mga bagay na makakasuporta sa iyo upang maging mas independiyente tulad ng mga wheelchair o computer na nagsasalita.
  • Pagsasanay sa Pagtataguyod: Kung kailangan mong makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa iyong mga karapatanng magsalita para sa sarili.
  • Tingnan ang Mga publikasyon at video ng Komite sa Pagpapayo sa Consumer ng DDS.
  • Mga serbisyo sa transportasyon o pagsasanay upang matuto kung paano gamitin ang mga bus at ibang transportasyon nang mag-isa.
  • Mga Serbisyo sa Krisis: Kung kailangan mo ng isang plano kung sakaling ikaw ay may emerhensiya.
  • Pagsasanay sa Magulang: Kung ikaw ay may mga anak at kailangan mong matuto pa tungkol sa pangangalaga sa kanila.
  • Sekswalidad: Kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa sex o kailangan ng tulong sa iyong mga relasyon.
  • Tulong sa pagkuha ng trabaho, kabilang ang Sinusuportahang Pagtatrabaho at pagtatayo ng isang maliit na negosyo
  • Mga Serbisyo sa Paninirahan: Tulong sa paghahanap at paglipat sa isang bahay, pagpili ng mga roommate o housemate, mga muwebles ng sambahayan, pangkaraniwang mga aktibidad sa pang-araw-araw na pamumuhay at mga emerhensiya, pagiging isang kalahok na miyembro sa buhay ng komunidad at pamamahala ng personal na gawain sa pananalapi, upang ikaw ay maging mas independiyente.
  • Isang facilitator upang tumulong sa iyo kung gusto mong mapasama sa isang komite o maging isang miyembro ng Lupon ng mga Direktor.
  • Ibang mga serbisyong kailangan mo upang mamuhay ng isang mas mabuting buhay. Ito ay maaaring iba sa bawat tao.

Tingnan ang isang mas malaking listahan sa Suplemento C dito

Tandaan! OK na magtanong para sa mga bagay na kailangan mo na wala sa listahang ito.

Isulat ang mga serbisyo at suporta na kailangan mo sa iyong IPP na may tulong ng iyong pangkat ng IPP.

Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa kung paano kumuha ng mga serbisyo sa pamamagitan ng iyong IPP, kabilang ang mga sampol na liham at tagaplano, tingnan ang Mga Karapatan sa Ilalim ng Lanterman Act (RULA) kabanata 4 at ang Mga Suplemento sa RULA.

Ang Programang Sariling-Determinasyon

Ang isa pang paraan upang kumuha ng mga serbisyong binabayaran ng Panrehiyong Sentro ay ang Programang Sariling Determinasyon. Ang Programang Sariling-Determinasyon ay ay magpapahintulot sa iyo na magkaroon ng mas malaking kontrol sa pagpili ng iyong mga serbisyo at suporta. Tatanggap ka ng isang ispesipikong badyet bawat taon upang bumili ng mga serbisyo at suporta na kailangan mo upang paganahin ang iyong plano nang mas mabuti para sa iyo. Maaari mong piliin ang iyong mga serbisyo at piliin ang mga tagapagkaloob upang maghatid ng mga serbisyong ito. Ikaw ang responsable para sa pamamalagi sa loob ng iyong badyet. Hindi mo kailangang sumali sa Programang Sariling-Determinasyon - ikaw ang magpapasya.

Ang Dapat Gawin Kung Walang Nakikinig sa Iyo

Dapat kang magkaroon ng impluwensiya sa mga serbisyo at suporta na nakukuha mo. Kung ang mga tao ay ayaw makinig, sabihin sa isang indibidwal. Sabihin sa isang kaibigan, kamag-anak, iyong tagapag-ugnay ng serbisyo, iyong tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga kliyente, o isang tao sa lokal na Panrehiyong Sentro ng State Council on Developmental Disabilities (Konseho ng Estado sa mga Kapansanan sa Pag-unlad, SCDD). Tingnan ang isang listahan ng iyong lokal na Panrehiyong (Lupon ng Lugar) mga Opisina ng SCDD.

Ang Iyong IPP ay isang kontrata

Ang batas ay nagsasabi na ang Panrehiyong Sentro ay dapat sumunod sa mga partikular na tuntunin kapag isinusulat ang iyong IPP.

Ikaw at ang Panrehiyong Sentro ay dapat sumang-ayon at pumirma sa IPP bago magawang simulan o ipagpatuloy ang mga serbisyo.

Iyong mga Karapatan Kapag Pipirma sa IPP

May karapatan kang suriin at pag-isipan ang iyong IPP bago pirmahan ang pagsang-ayon.

Ang iyong mga serbisyo ay hindi maaaring magsimula hanggang ikaw at ang Panrehiyong Sentro ay magkasundo kung ano ang nasa iyong IPP. Kapag pipirma ka sa iyong IPP, sinasabi mo na sumasang-ayon ka sa nakalagay sa iyong IPP.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa lahat ng nasa iyong IPP, hindi mo kailangang pirmahan ito. PERO, maaari kang sumang-ayon sa bahagi nito. Isulat ang sinasang-ayunan mo at ang hindi mo sinasang-ayunan

Kung sumasang-ayon ka sa bahagi lamang ng iyong IPP, ipasulat ito sa iyong tagapag-ugnay ng serbisyo, tulad nito:

Sumasang-ayon ako sa mga bahaging ito ng aking IPP -

  1.  
  2.  
  3.  

Mangyaring simulan/ipagpatuloy agad ang mga serbisyong sinasang-ayunan ko

Hindi ako sumasang-ayon sa mga bahaging ito ng aking IPP -

  1.  
  2.  
  3.  

Sa sandaling gawin mo ito, ang mga serbisyo na sinang-ayunan mo at ng Panrehiyong Sentro ay maaari nang magsimula.

Iyong Kopya ng IPP

  • Siguruhing kumuha ka ng kopya ng iyong IPP. Ang Panrehiyong Sentro ay maaaring magpadala ng isang kopya ng iyong IPP sa mga tao na pumunta sa iyong pulong kung gusto mo silang magkaroon ng kopya.
  • Basahin mo ang iyong IPP kasama ng mga taong nagmamalasakit sa iyo. Siguruhin na ito ay nagtataglay na gusto mong nakalagay doon.
  • Kung ito ay nasa iyong IPP, ang Panrehiyong Sentro ay dapat kumuha ng mga serbisyo o suporta para sa iyo.

Iyong mga Karapatan kung Hindi Ka Sumasang-ayon sa IPP

Kung ang Panrehiyong Sentro ay nagsabi ng “HINDI” sa mga serbisyo o suporta na gusto mo, dapat silang magpadala ng isang liham sa loob ng 5 araw na nagsasabi sa iyo kung bakit nagsabi sila ng “Hindi,” at paano ka makakaapela.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa Panrehiyong Sentro tungkol sa mga serbisyo na gusto o kailangan mo, may karapatan kang iapela ang kanilang desisyon. Kung ang Panrehiyong Sentro ay nag-antala o masyadong matagal gumawa ng desisyon, igiit na magkaroon ng desisyon. Maaari mo ring ituring ang pagkaantala bilang isang pagkakait at magharap ng apela.

Pag-apela

Ang pag-apela ay iyong karapatang salungatin ang desisyon ng Panrehiyong Sentro. Hindi kami pupunta sa detalye tungkol sa pag-apela sa gabay na ito. Upang malaman ang tungkol sa mga apela at reklamo tingnan ang Mga Karapatan sa Ilalim ng Lanterman Act, kabanata 10.

Upang malaman kung paano gumawa ng apela at pagdinig, tingnan ang Pakete ng Pagdinig ng Panrehiyong Sentro.

Tandaan, Ito’y Buhay Mo

Ang Panrehiyong Sentro ay naroon upang tulungan ka na makuha ang buhay na gusto mo. Alamin kung paano magsalita para sa iyong sarili. Sumapi sa isang grupo ng pagtataguyod sa sarili o kumuha ng pagsasanay sa sariling pagtataguyod.

Ang batas ay nagsasabi sa iyo na ikaw ay may karapatang gumawa ng mga pagpili tungkol sa iyong buhay at kumuha ng mga serbisyo at suporta na kailangan mo upang maging miyembro ng iyong komunidad. Kapag hindi ka sumasang-ayon sa isang desisyon na makakaapekto sa iyong buhay, magsalita.

Kumuha ng Tulong sa Iyong Apela

Makipag-usap sa iyong Panrehiyong (Lupon ng Lugar) Opisina ng SCDD, pamilya, mga kaibigan, sirkulo ng suporta, o grupo ng Pagtataguyod sa Sarili para sa suporta.

Ang Bawat Panrehiyong Sentro ay may mga Tagapagtaguyod sa mga Karapatan ng mga Kliyente. Itanong sa Panrehiyong Sentro kung sino ang mga ito at kunin ang kanilang numero ng telepono. Ang Tagapagtaguyod ng mga Karapatan ng mga Kliyente ay makakasuporta sa iyo.

Ang Opisina ng Pagtataguyod sa mga Karapatan ng mga Kliyente ay matatawagan sa numerong ito:

1-800-390-7032 o pumunta sa kanilang website.

O

Maaari mong tawagan ang Disability Rights California: 1-800-776-5746

Para sa karagdagang impormasyon at mga publikasyon pumunta sa www.disabilityrightsca.org

Tagaplano sa Puong ng IPP

Ang worksheet na ito ay makakatulong sa iyo na magplano para sa iyong Pulong ng IPP. Gamitin ito upang tulungan kang mag-isip tungkol sa gusto mo sa hinaharap.

Isang Lugar para Manirahan

Saan mo gustong tumira?

  • Manatili kung nasaan ako
  • Lugar ng aking mga magulang
  • Sarili kong lugar
  • Sa isang foster family (Ahensiya ng Tahanan ng Pamilya ng Nasa Hustong Gulang)
  • Isang panggrupong tahanan
  • Sinusuportahang paninirahan
  • Independiyenteng Paninirahan
  • Sarili kong lugar na may mga roommate
  • Ibang lugar

Anu-anong mga serbisyo ang kailangan mo upang tulungan kang manirahan kung saan mo gusto?

  • Karagdagang pagsasanay
  • Tulong sa pamamahala ng aking pera
  • Isang attendant o roommate
  • Tulong sa paghahanap ng isang lugar na matitirahan
  • Isang taong magbibigay sa akin ng regular na suporta at tulong
  • Tulong sa pamimili, pagluluto, at/o paglilinis
  • Pagiging Ligtas
  • Ibang serbisyo

Isang Lugar upang Magtrabaho o Pumasok sa Paaralan

Saan mo gustong magtrabaho o mag-aral?

  • Manatili kung saan ako nagtatrabaho ngayon
  • Sa komunidad
  • Sa isang workshop o sentro

Anong uri ng trabaho o pag-aaral ang gusto mong gawin?

  • Binabayarang trabaho
  • Boluntaryong trabaho, saan ka interesado?
  • Ibang uri ng trabaho
  • Kolehiyo
  • Mga klase sa edukasyon ng nasa hustong gulang
  • Ibang uri ng paaralan

Anu-anong mga serbisyo ang kailangan mo upang matulungan ka sa pagtatrabaho o pagpunta sa paaralan?

  • Pagsasapanahon ng isanig resume
  • Pag-aaplay para sa isang trabaho
  • Isang coach sa trabaho o katulong sa trabaho
  • Isang tagapagturo o note taker
  • Pagsasanay sa isang workshop
  • Ibang pagsasanay
  • Access sa lugar ng trabaho o klase (tulad ng isang rampa)
  • Transportasyon
  • Ibang mga serbisyo o suporta

Pagsasaya

Ano ang gusto mong gawin sa iyong libreng panahon?

  • Bisitahin ang mga kaibigan
  • Ehersisyo
  • Mamili
  • Pumunta sa mga pelikula o dula
  • Boluntaryong trabaho
  • Maglaro ng palakasan
  • Makinig sa musika/manood ng TV
  • Libangan
  • Pakikipag-date
  • Sumapi sa isang grupo ng pagtataguyod sa sarili o People First
  • Tumulong na magtaguyod para sa ibang mga tao
  • Ibang aktibidad

Anu-anong mga serbisyo ang kailangan mo upang tulungan kang gawin ang mga gusto mong gawin?

  • Pagsasanay
  • Attendant
  • Facilitator
  • Transportasyon
  • Sirkulo ng mga kaibigan
  • Ibang mga serbisyo o suporta

Medikal at Pangkalusugan

Anu-anong mga serbisyong medikal o pangkalusugan ang kailangan mo?

  • Mga serbisyo ng doktor
  • Pagpapayo
  • Mgs serbisyo ng dentista
  • Sex education (ligtas na sex, pagkontrol ng panganganak)
  • Pananatiling malusog, mag-ehersisyo o magdiyeta
  • Ibang mga serbisyong pangkalusugan

Anong ibang suporta ang kailangan mo upang ma-access ang mga serbisyong medikal o pangkalusugan?

  • Pagsasanay
  • Attendant
  • Isang taong matatanong
  • Isang tagapagtaguyod o abogado
  • Facilitator
  • Ibang mga suporta
  • Ibang mga bagay

Sa anu-anong mga bagay gusto mong tulungan ka?

  • Pagluluto
  • Transportasyon
  • Pamimilii
  • Paglilinis ng aking lugar
  • Makakilala ng karagdagang tao/pakikipagkaibigan o pagkikipag-date
  • Pagkatuto tungkol sa mga relasyong sekswal at ligtas na sex
  • Mas mahusay na pakikisama sa mga tao
  • Pagtataguyod sa sarili at pagkuha ng kaalaman tungkol sa aking mga karapatan
  • Mga problema sa Social Security, SSI, o ibang mga benepisyo
  • Depensa sa sarili
  • Pagiging nasa mga komite o isang Lupon ng mga Direktor
  • Ibang tulong

Sa anu-anong mga bagay gusto mong tulungan ka?

  • Pagsasanay
  • Attendant
  • Isang taong matatanong
  • Tulong sa pagbuo ng sirkulo ng mga kaibigan
  • Isang tagapagtaguyod o abogado
  • Tagapagturo
  • Facilitator
  • Ibang mga serbisyo