Diskriminasyon sa Kapansanan sa mga Pampubliko at Pribadong Paaralan
Diskriminasyon sa Kapansanan sa mga Pampubliko at Pribadong Paaralan
Students and school applicants with disabilities are protected against disability-based discrimination, and have a right to reasonable accommodations, under federal and state law.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
I. Mga batas sa Diskriminasyon sa Kapansanan ng Pederal at Estado
Ang mga estudyante at aplikante ng paaralan na may mga kapansanan ay protektado laban diskriminasyong batay sa kapansanan, at may karapatan sa mga makatwirang kaluwagan, sa ilalim ng batas ng pederal at estado.
Ang fact sheet na ito ay lumalapat lamang sa mga eskuwelang K-12. Para sa mga katanungan tungkol sa diskriminasyon sa mataas na edukasyon, bisitahin ang fact sheet.
- Impormasyon sa Disiplina ng mga Estudyante na may mga Kapansanan
- Impormasyon sa mga Karapatan ng mga Estudyante na may Kapansin-pansin na mga Kundisyong Pangkalusugan
- Pangbu-bully at Panggigipit ng mga Estudyante na may mga Kapansanan
- Pagganti ng Paaralan
May dalawang kategorya ng batas na pinoprotektahan ang iyong anak laban sa diskrimansyon sa kapansanan: mga batas sa diskriminasyon at mga batas ng special education. Ang mga batas ng special education tulad ng Individuals with Disabilities Education Act (IDEA) ay pinoprotektahan ang mga estudyante ng pampublikong paaralan at tinitiyak ang kanilang karapatan sa isang Free Appropriate Public Education (FAPE). Para sa higit na impormayon sa IDEA at FAPE tingnan ang Kabanata 3 ng manwal ng SERR.
Ang diskriminasyon ay maaaring matunghayan sa maraming anyo, tulad ng hindi pagsama ng mga estudyante na may mga kapansanan, binibigyan sila ng hindi patas na pagtrato, panggigipit, pagganti o hindi mabigyan ng makatwirang mga kaluwagan. Lumalapat ang pagbabawal sa diskriminasyon sa lahat ng programa ng paaralan- sa parehong akademiko at hindi akademiko.
Sa ibaba ay ang iba’t ibang batas ng pederal at estado na pinoprotektahan ang mga estudyante sa diskriminasyon:
1. Ang Americans with Disabilities Act (ADA)
Ipinagbabawal ng ADA ang diskriminasyon batay sa kapansanan. Lumalapat ang Title II ng ADA sa mga katauhan ng gobyerno at kasama ang mga pampublikong paaralan. Matatagpuan ang marami pang impormasyon tungkol sa Title II dito. Ipinagbabawal ng Title III ng ADA ang diskriminasyon ng mga negosyo, o “mga pampublikong kaluwagan,” kabilang ang mga pribadong paaralan. Hindi nasasaklawan ng ADA ang mga pangrelihiyong paaralan. Marami pang impormasyon tungkol sa Title III ay maaaring matagpuan dito.
2. Seksyon 504 ng Rehabilitation Act (Seksyon 504)
ipinagbabawal ng Seksyon 504 ang diskriminasyon batay sa kapansanan ng anumang paaralang tumatanggap ng pagpopondo ng pederal. Karamihan sa pampublikong paaralan ay sakop ng Seksyon 504 dahil tumatanggap sila ng pagpopondo ng pederal. Ang mga pribadong paaralang tumatanggap ng tulong hinggil sa pananalapi mula sa gobyernong pederal ay nasasakupan din sa ilalim ng batas na ito. Kasama rito ang mga pangrelihiyong paaralan na hindi kasama sa ilalim ng ADA.
3. Unruh Civil Rights Act (Unruh)
Ang Unruh Act ay isang batas ng estado ng California na ipinagbabawal ang diskriminasyon batay sa kapansanan ng mga establisamiyento ng negosyo, kabilang ang mga pribadong paaralan. Nasasaklawan man o hindi ang pangrelihiyong paaralan sa ilalim ng Unruh Act ay dedepende sa hangganan kung saan itinuturo nito ang pangrelihiyong doktrina o nililimitahan ang pagtatala sa mga estudyante ng isang partikular na relihiyon.
4. Seksyon 11135 ng California Government Code (Seksyon 11135)
Ang Seksyon 11135 ay katulad sa Seksyon 504, ngunit ipinagbabawal nito ang diskriminasyon ng anumang programa na tumatanggap ng pagpopondo ng estado. Karaniwan itong lumalapat sa mga pampublikong paaralan. Kung tamatanggap ang pribadong pangrelihiyong paaralan ng anumang pagpopondo mula sa gobyerno ng estado sila ay sasailalim sa batas na ito kahit na hindi ito kasama sa ilalim ng Unruh Act.
5. Seksyon 220 ng California Education Code (Seksyon 220)
Ang Seksyon 220 ay katulad sa Seksyon 11135 at ipinagbabawal ang diskriminasyon sa anumang programang nakabatay sa paaralan o aktibidad na tumatanggap ng pagpopondo ng estado. Tuwirang isinasama ng batas na ito ang mga paaralan na may mga estudyanteng tumatanggap ng tulong hinggil sa pananalapi ng estado.
II. Mga makatwirang Kaluwagan
Ang mga estudyante at aplikanteng may mga kapansanan ay maaaring humiling ng makatwirang kaluwagan mula sa isang nasasaklawang paaralan sa anumang oras. Ang kahilingan ay maaaring gawin sa anumang anyo, ngunit pinakamabuti na gawin ang kahilingan nang nakasulat kung maaari. Dapat kasama sa kahilingan ang mga detalye tungkol sa kapansanan ng iyong anak, isang sulat mula sa isang propesyonal na gumagamot na ipinapaliwanag ang pangangailangang kaugnay sa kapansanan para sa kaluwagan ng iyong anak, at mga mungkahi sa mga partikular na kaluwagan na sa palagay mo ay gagana sa iyong anak. Kasama ang mga sampol na sulat para humiling at makapagsuporta ng makatwirang kaluwagan sa hulihan ng fact sheet na ito.
Ang mga paaralang tumatanggap ng pederal na pagpopondo ay dapat may coordinator ng Seksyon 504. Ang mga kahilingan para sa kaluwagan ay maaaring isumite sa coordinator na ito. Pagkatapos ay magtatakda ang Coordinator ng 504 ng pulong sa iyo at guro ng iyong anak sa loob nang 30 araw para talakayin ang potensyal na 504 Plan. Kung ikaw ay nasa pribadong paaralan na hindi nakatatanggap ng pederal na pagpopondo, ngunit nasasaklawan ng ibang batas, maaari mong isumite ang iyong kahilingan sa punong-guro.
Kinakailang gumawa ang mga paaralan ng mga makatwirang kaluwagan maliban lang kung magpapataw ito ng hindi nararapat na pasanin o isang pag-iiba ng programa ng paaralan. Ang hindi nararapat na pasanin ay isang kapansin-pansing kahirapan o gastos, kung isasaalang-alang ang kabuuang budget ng paaralan.
Ang layunin ng kaluwagan ay para bigyan ang iyong anak ng patas na pagkakataong magamit ang parehong mga benepisyo na tinatamasa ng ibang bata sa paaralan. Dapat magkaroon ang iyong anak ng pagkakataon na maging kasing matagumpay ng ibang bata, ngunit hindi kinakailangang mayroon silang magkamukhang antas ng pagganap. Ang pagkakataong ito ay dapat maibigay sa pinakasama-samang pagsasaayos na angkop sa mga pangangailangan ng bata.
III. Pagtataguyod para sa Iyong Anak
Kung tatangging magbigay ang paaralan ng iyong anak ng mga kaluwagan o kung hindi ay magdidiskrimina laban sa iyong anak dahil sa kanilang kapansanan, mayroon kang opsyon ng paghahain ng panloob na karaingan, isang administratibong reklamo ng estado o pederal, o isang demanda.
1. Mga Panloob na Karaingan
Sa ilalim ng Seksyon 504, ang paaralang tumatanggap ng pederal na pagpopondo ay dapat mayroong mga pamamaraang nakahanda para sa mga estudyante na naniniwala na nalabag ang kanilang mga karapatan. Dapat kasama sa mga pamamaraang ito ang mga pamantayan ng due process at magkaloob para sa maagap na resolusyon ng mga reklamo. Kung gusto mong maghain ng panloob na karaingan sa iyong paaralan, tanungin ang coordinator ng Seksyon 504 ng iyong paaralan para sa higit na impormasyon. Tandaan na kung ang iyong reklamo ay hinggil sa diskriminasyon, ito’y dapat maihain sa loob nang anim na buwan mula sa petsa ng nang nagganap ang diskriminasyon, o mula sa petsa nang una mong nalaman ang tungkol sa diskriminasyon. Ang anim na buwang haba ng panahon ay maaaring pahabain ng tagapanihala ng distrito, kung hihiling ka ng palugit nang nakasulat.
2. Mga administratibong Reklamo ng Pederal
Office of Civil Rights (OCR):
Iniimbestigahan ng Office of Civil Rights (OCR) ng Department of Education ng U.S. ang mga paglabag ng mga paaralan na tumatanggap ng tulong hinggil sa pananalapi ng pederal. Ang mga reklamo sa OCR ay dapat maihain sa loob nang 180 araw ng diskriminasyon maliban lang kung dumaan ka na sa proseso ng panloob na karaingan ng paaralan. Kung natapos mo na ang proseso ng panloob na karaingan ng iyong paaralan, dapat mong ihain ang iyong reklamo sa OCR sa loob nang 60 araw ng desisyon ng iyong paaralan. Makahahanap ka ng impormasyon tungkol sa paghahain ng reklamo sa OCR sa https://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/index.html o sa Kabanata 6 ng manwal ng SERR.
Department of Justice (DOJ):
Nag-iimbestiga ang Department of Justice (DOJ) ng U.S. ng mga paglabag ng ADA. Ang mga reklamo ng Title II (para sa mga pampublikong paaralan), ay dapat maihain sa loob nang 180 araw ng deskriminasyon. Ang mga reklamo ng Title III (para sa mga pribadong paaralan), ay dapat maihain sa anumang oras. Bagamang pinakamabuting maghain sa lalong madaling panahon, dahil maaaring gawing mahirap ng panahon na mapatunay. Para sa higit na impormasyon tungkol sa paghahain ng reklamo sa DOJ ay maaaring matatagpuan dito: https://www.ada.gov/filing_complaint.htm
3. Mga administratibong Reklamo ng California
Department of Fair Employment and Housing (DFEH):
Ang Seksyon 11135 ng California Government Code at ang Unruh Civil Rights Act ay ipinapatupad ng California Department of Fair Employment and Housing (FEHA). Maaari kang maghain ng administratibong reklamo sa DFEH online sa: https://www.dfeh.ca.gov/complaint-process/file-a-complaint/ Dapat kang maghain ng reklalmo sa loob nang isang taon ng diskriminasyon.
California Department of Education (CDE):
Iniimbestigahan ng California Department of Education (CDE) ang mga alegasyon ng hindi pagtalima sa mga batas sa mga pampublikong paaralan. Dapat direktang mamagitan ang Department kapag (1) mayroong kagyat na pisikal na panganib, (2) may banta sa “kalusugan, kaligtasan, o kapakanan” ng estudyante, (3) hindi nagawang tumalima ng paaralan sa mga batas ng due process, (4) hindi natatanggap ng estudyante ang kanilang mga serbisyong IEP, o (5) nilabag ng paaralan ang Individuals with Disabilities Education Act (IDEA).
Dapat maihain ang reklamo sa loob nang isang taon ng diumanong paglabag. Makahahanap ka ng impormasyon tungkol sa paghahain ng reklamo sa OCR sa California Department of Education sa Kabanata 6 ng aming manwal ng SERR o sa https://www.cde.ca.gov/sp/se/qa/cmplntproc.asp.
4. Paglilitis
Ang mga paglabag sa batas na tinalakay sa itaas ay maaari ring ipatupad sa pamamagitan ng mga pribadong demanda. Ang mga kautusan ng limitasyon ay maaaring limitahan ang takdang panahon para sa paghahain ng demanda, at maaaring matalo ang mga claim kung hindi ka kikilos sa loob ng takdang panahon na iyon. Ang mga deadline na ito ay maaaring maging kasing ikli nang dalawang taon mula sa petsa ng diskriminasyon. Kung interesado kang ipagpatuloy ang paglilitis, dapat kang komunsulta sa isang abogado sa lalong madaling panahon.
Kung naghahangad ka nang mababa sa $10,000 sa mga danyos sa pera, ang isa pang opsyon ay maghain ng kasong diskriminasyon sa Small Claims Court. Ang mga kautusan ng mga limitasyon ay lalapat pa rin. Hindi ka maaaring gumamit ng abogado kung pupunta ka sa small claims court. Maghanap nang higit pang impormasyon tungkol dito rito: https://www.disabilityrightsca.org/publications/a-guide-to-small-claims-court-how-to-sue-if-a-business-or-landlord-discriminates.
Kung sa palagay mong nasaktan ang iyong anak at gusto mong maghain ng personal na demanda ng pinsala, maaaring kailanganin mong maghain muna ng tort claim. Ang tort claim ay isang bagay na ihahain mo kung ang taong nanakit sa iyo ay isang empleyado ng gobyerno. Karaniwang kailangan mong maghain ng tort claim sa loob nang anim na buwan nang araw na nasaktan ka. Hanapin ang higit pang impormasyon dito.
Kung kailangan mo ng tulong sa paghanap ng abogado sa labas ng Disability Rights California para ipagpatuloy ang iyong kaso, maari mong tawagan ang California State Bar Lawyer Referral Service sa 1-866-442-2529 o bisitahin sila sa online sa http://www.calbar.ca.gov/Public/Need-Legal-Help/Lawyer-Referral-Service.
Sampol na Sulat para Humiling ng Makatwirang Kaluwagan
[Petsa]
Minamahal na [Pangalan ng paaralan o pangalan ng Coordinator ng 504, kung kilala]:
Sumusulat ako para humiling ng mga makatwirang kaluwagan para sa aking anak na lalake/babae, [pangalan ng anak] dahil sa kanyang kapansanan/mga kapansanan.
Ang aking anak ay [isang estudyante sa/nag-a-apply para maging isang estudyante sa] [pangalan ng paaralan]. Dahil sa kanyang kapansanan,kinakailangan niya ng mga sumusunod na kaluwagan: [ilista ang mga kaluwagan].
Ang [manggagamot/psychiatrist/psychologist/therapist/social worker/occupational therapist /iba pang indibidwal (ilarawan)] ay ipinapalagay na kinakailangan ang mga kaluwagan/modipikasyon dahil sa kanyang kapansanan. Mangyaring tingnan ang kalakip na sulat mula sa [pangalan ng doktor o propesyonal].
Inuutos ng batas ng pederal at estado na ang mga paaralang K-12 ay makatwirang pagbigyan ang mga estudyante at aplikante na may mga kapansanan. Mangyaring sumagot sa kahilingang ito sa [petsa]. Mangyaring malayang kontakin ako sa [ang numero ng iyong telepono at/o e-mail address] kung mayroon kang anumang katanungan. Salamat sa iyo.
Gumagalang,
[Ang iyong pangalan]
[Ang iyong address]
Sampol ng Sulat ng Suporta
[Petsa]
Minamahal na [Pangalan ng paaralan o pangalan ng Coordinator ng 504, kung kilala]:
Ako ang [manggagamot/psychiatrist/psychologist/therapist/social worker/occupational therapist] para kay [Pangalan], at pamilyar ako sa kanyang kundisyon. Mayroon [siyang] kapansanan na nagdudulot ng ilang limitasyon sa pagganap. Kasama sa mga limitasyon na ito ang [ilista ang mga limitasyon sa pagganap na kinakailangan sa hinihiling na mga kaluwagan].
[Ang hinihiling na kaluwagan] ay kinakailangan para kay [Pangalan] para [mag-apply para sa/magkaroon ng patas na paggamit sa mga serbisyo at benepisyo ng] [pangalan ng paaralan]. [Ilarawan kung paanong matutulungan o susuportahan ng kaluwagan ang indibidwal]. Salamat sa iyong pagkakaloob sa makatwirang kaluwagan para kay [Pangalan].
Gumagalang,
[Pangalan at Titulo]