Ang Aking Anak na May Kapansanan ay Patuloy na Nasususpinde o Nairerekumendang Patalsikin

Publications
#5563.08

Ang Aking Anak na May Kapansanan ay Patuloy na Nasususpinde o Nairerekumendang Patalsikin

Ang publikasyon na ito ay magbibigay nang ilang pangunahing impormasyon hinggil sa mga karapatan ng iyong anak kung isinasaalang-alang siya sa suspensyon o pagpapatalsik at iba pang nauugnay na isyu.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Kung ang iyong anak na may espesyal na mga pangangailangan ay nakararanas ng mga problema hinggil sa ugali at/o mga suspensyon at/o nairerekumendang mapatalsik ng kanyang lokal na distrito (“Distrito”) ng paaralan, may mga pamamaraan na dapat sundin ng Distrito bago sa pagpapatalsik sa kanya.  At saka, ang mga batas ng espesyal na edukasyon ng estado at pederal ay nagbibigay nang ilang proteksyon para sa mga estudyanteng may mga kapansanan na isinasaalang-alang sa pagpapatalsik.

Ang publikasyon na ito ay magbibigay nang ilang pangunahing impormasyon hinggil sa mga karapatan ng iyong anak kung isinasaalang-alang siya sa suspensyon o pagpapatalsik at iba pang nauugnay na isyu.

Ang ibig sabihin ng “Suspensyon” ay pagtanggal sa isang batang mag-aaral mula sa patuloy na pagtuturo para sa mga layunin ng pagsasaayos. At ang ibig sabihin ng "Pagpapatalsik" ay pagtanggal ng isang batang mag-aaral mula sa (1) kagyat na pangangasiwa at kontrol, o (2) sa pangkalahatang pangangsiwa, ng mga tauhan ng paaralan.

MGA SUSPENSYON

Ang espesyal na edukasyon ng estudyante ay karaniwang maaaring hindi masuspinde o matanggal mula sa kanyang kinalalagyan hinggil sa edukasyon nang hindi hihigit sa 10 magkakasunod na mga araw ng eskuwela nang walang pahintulot ng magulang o isang kautusan ng korte o opisyal ng pagdinig. 34 C.F.R. §300.530(b).

Ang limitasyon at suspensyon na ito ay maaaring hindi lumapat sa isang estudyante ng espesyal na edukasyon na may maraming suspensyon para sa magkakahiwalay na kasalanan na madadagdag o maiipon nang higit sa 10 araw ng eskuwela sa isang taon ng paaralan, hangga’t walang isahang suspensyon ang lalampas sa 10 magkakasunod na mga araw ng eskuwela. Gayunman, ang limitasyon ay lalapat kung ang naipon na mga suspensyon ay kasamang bubuo sa isang tularan kung saan ay maaaring ituring na pagbabago ng paglalagay.   34 C.F.R. §300.536(a)(1),(2).

Mga dahilan na isinasaalang-alang kapag nagpapasya kung ang tularan ng mga suspensyon ay mukhang mas parang isang labag sa batas na pagbabago ng paglalagay o pagpapatalsik ay kasama ang: haba ng bawat pagtanggal, ang kabuuang dami ng oras nang natanggal ang estudyante, ang kalapitan ng mga pagtatanggal sa isa’t isa, at ang pagkakahawig ng pag-uugali ng bata sa serye ng mga suspensyon. 34 C.F.R. §300.536(a)(1),(2)(iii).

Kung ang mga suspensyon ay mukhang isang tularan, kung gayon ang serye ng mga suspensyon ay maaaring maghirang ng pagbabago sa pagpapalagay.  34 C.F.R. § 300.536(a)(2).http://www.disabilityrightsca.org/pubs/546401.htm - _edn11  Kung ang mga suspensyon ay maaaring ituring na pagbabago ng pagpapalagay, kung gayon dapat mag-schedule ang koponan ng IEP ng pulong ng pagpapasya ng pagpapahayag, at lahat ng karapatan at tungkulin hinggil sa pagbabago ng lalapat na pagpapalagay.  34 C.F.R. § 300.530(e).

Ang estudyante ng espesyal na edukasyon ay maaaring masuspinde lamang sa school bus.  Gayunman, kung ang estudyante ng espesyal na edukasyon ay hindi isinasama sa transportasyon ng school bus, ang estudyante ay karapat-dapat na bigyan ng isang alternatibong anyo ng transportasyon nang walang gastos sa magulang o tagapag-alaga sa kundisyon na ang transportasyon ay tinukoy sa IEP ng estudyante.  Cal. Ed. Code § 48915.5(c).

Pansamantalang alternatibong pagsasaayos

Sa panahon ng suspensyon, ang mga tauhan ng paaralan o Distrito ay may kapangyarihan na ilipat ang estudyante ng espesyal na edukasyon sa kasalukuyang pagpapalagay papunta sa iba pang pagpapalagay sa isang pansamantalang batayan. Ito’y kadalasang tinutukoy bilang isang “pansamantalang alternatibong pagsasaayos.”  Gayunman, ang pagtatanggal ay hindi maaaring maging higit sa 10 magkakasunod na araw ng eskuwela.  34 C.F.R. §300.530(b).

Ang estudyante ng espesyal na edukasyon ay dapat tumanggap ng free appropriate public education (FAPE) [libreng naaangkop na pampublikong edukasyon] pagkatapos masuspinde nang higit sa 10 karagdagang mga araw sa isang taon ng paaralan kahit na ilagay ang suspendidong estudyante sa isang pansamantalang alternatibong pagpapalagay.  34 C.F.R. §§ 300.530(b)(2) at (d)(4); at § 300.536.

Dapat magbigay ang Distrito ng mga serbisyo, hanggang sa sukdulang kinakailangan, upang mapahintulutan ang estudyante na umunlad nang naaangkop sa pangkalahatang kurikulum at para umunlad tungo sa pagtamo ng kanyang mga layuning IEP.  Nangangahulugan ito na sa ika-11 araw ng suspensyon sa isang taon ng paaralan, dapat bigyan ng Distrito ang estudyante ng FAPE bagamang maaaring wala sa regular na pagpapalagay ang estudyante para tanggapin ang kanyang mga serbisyong edukasyonal.  Dapat din tumanggap ang estudyante, nang naaangkop, ng pagtatasa sa paggawa hinggil sa pag-uugali, mga serbisyo ng pamamagitan at mga pagbabago hinggil sa pag-uugali na idinisenyo para maaksyunan ang pinagbabatayang paglabag hinggil sa pag-uugali kaugnay sa suspensyon para hindi ito bumalik.  20 U.S.C § 1415 (k)(1)(D).

PAGPAPATALSIK AT MGA PAGREPASO NG PAGPAPASYA NG PAGPAPAHAYAG

Ang pulong ng pagpapasya ng pagpapahayag ay dapat idaos sa loob nang 10 araw ng eskuwela ng anumang desisyon para baguhin ang pagpapalagay ng isang batang may kapansanan dahil sa isang paglabag ng kodigo ng pag-uugali ng estudyante.         Ang pulong na ito ay kailangan nang walang pagtatangi kung sasabihin o hindi ng paaralan o Distrito ang pagbabago sa pagpapalagay alinman sa isang suspensyon o isang pagpapatalsik.  20 U.S.C. §§ 1415(k)(1)(E); 34 C.F.R. § 300.530(e)(1).

Ang layunin ng pulong ng pagpapasya ng pagpapahayag ay para mapagpasyahan ng koponan ng IEP kung ang pag-uugali na humantong sa desisyon na mapaalis ay sanhi sa o direkta at lubos na nauugnay sa kapansanan ng bata, o naging isang direktang resulta ng kabiguan ng paaralan na maipatupad ang IEP.  20 U.S.C. §§ 1415(k)(1)(E); 34 C.F.R. § 300.530(e)(1).  Ang pulong ng pagpapasya ng pagpapahayag ay paminsan-minsang tinutukoy bilang isang “pagpapasya ng pagpapahayag ng IEP” o “emergency IEP sa pagpapatalsik.”

Ang iyong anak ay may karapatan na bumalik sa kanyang inisyal na pagpapalagay na silid-aralan pagkatapos magwakas ang 10 magkakasunod na araw ng suspensyon kahit na nakabinbin ang pulong ng pagpapasya ng pagpapahayag.  Gayunman, mayroong eksepsyon kung ang pag-uugali o ugali ng estudyante ay kinasasangkutan ng mga sandata, droga o malalang pinahirapang pinsala sa katawan. Kapag naganap ito, maaaring ilipat ng paaralan ang kanyang pagpapalagay sa ibang pagsasaayos para sa 45 araw. 1415(k)(1)(G); 34 C.F.R. § 300.530(f)(2), 300.530(g).

Kung Ang Pag-uugali Ay Isang Pagpapahayag ng Kapansanan

Kung pinagpapasyahan ang pag-uugali na isang pagpapahayag ng kapansanan ng estudyante, dapat kumpletuhin ng koponan ng IEP ang pagtatasa ng paggawa hinggil sa pag-uugali at magsagawa ng plan ng pamamagitan hinggil sa pag-uugali para sa estudyante.  Kung ang estudyante ay mayroon na ng naturang plan, dapat repasuhin at baguhin ng koponan ng IEP ang plan ng ugali kung kinakailangan para maaksyunan ang ugali.  34 C.F.R. § 300.530(f)(1).

Dapat din ibalik ng koponan ng IEP ang bata sa kanyang kasalukuyan pagpapalagay maliban lang kung ang pag-uugali o ugali ay kinasasangkutan ng mga sandata, mga droga o ang pagpapahirap ng malalang pinsala sa katawan sa isang tao, o maliban lang kung sasang-ayon ang paaralan at (mga) magulang sa ibang pagpapalagay.  34 C.F.R. § 300.530(f)(2) at 34 C.F.R. § 300.530(g).

Ang katawagang “malalang pinsala sa katawan” ay nangangahulugan ng pinsala sa katawan kung saan kinasasangkutan ng:

  1. tunay na panganib ng kamatayan;
  2. labis na pisikal na sakit;
  3. pinahaba at kitang-kitang kasiran ng anyo; o
  4. pinahabang pagkawala o kapinsalaan sa gawain ng isang miyembro ng katawan, organo, o departamento hinggil sa pag-iisip.  18 U.S.C.A. § 1365(h)(3).

Kung matuklasang direktang nauugnay ang pag-uugali sa kabiguan ng Distrito na isakatuparan ang IEP, kung gayon ay dapat gumawa ang Distrito ng kagyat na aksyon para itama ang kakulangan o problema.  34 C.F.R. § 300.530(e)(3).

Kung ang Pag-uugali Ay HINDI ISANG Pagpapahayag ng Kapansanan

Kapag pinagpapasyahan ng koponan ng IEP na ang ugali ay hindi naging isang pagpapahayag ng kapansanan ng estudyante, sinasabi ng koponan na (1) ang ugali ay hindi naging sanhi ng, o hindi nagkaroon ng tunay na kaugnayan sa kapansanan ng estudyante, at/o (2) ang ugali ay hindi naging isang direktang resulta ng kabiguan ng Distrito na isakatuparan ang IEP ng estudyante.  Kung ang ugali ay pinagpasyahan na hindi magiging isang pagpapahayag ng kapansanan ng estudyante, maaaring magpatuloy ang Distrito sa pangyayari ng pagpapatalsik.

Para sa anumang pagbabago ng pagpapalagay o pagtatanggal na aabot sa 10 araw na naipon sa isang taon ng paaralan, kabilang ang mga pagtatanggal ng suspensyon at pagpapatalsik, ang iyong anak ay dapat makatanggap ng free appropriate public education (FAPE) kahit na nasa alternatibong pagpapalagay ang iyong anak. Ang ibig sabihin ng pangangailangan ng FAPE ay dapat magbigay ang Distrito ng mga serbisyo, hanggang sa sukdulang kinakailangan, upang mapahintulutan ang estudyante na umunlad nang naaangkop sa pangkalahatang kurikulum at para umunlad tungo sa pagtamo ng kanyang mga layuning IEP.  34 C.F.R. §§ 300.530(b)(2) at (d).

PAG-APELA NG PAGREPASO NG PAGPAPASYA NG PAGPAPAHAYAG SA PAMAMAGITAN NG PINABILIS NA PAGDINIG NG DUE PROCESS (NAAANGKOP NA PROSESO)

Kung hindi ka sumasang-ayon sa pagpapasya ng pagpapahayag ng Distrito, may karapatan kang iapela ang desisyon sa pamamagitan ng pinabilis na pagdinig ng due process ng espesyal na edukasyon.  Ang pinabilis na pagdinig ay dapat maganap sa loob nang 20 araw ng eskuwela ng iyong kahilingan para sa isang pagdinig.  Dapat kang makatanggap ng pinal na desisyon mula sa opisyal ng pagdinig sa loob nang 10 araw ng eskuwela pagkatapos ng kaganapan ng pagdinig.  Sa loob nang 7 araw pagkatapos maihain ang kahilingan para sa isang pinabilis na pagdinig, inuutos ng batas na magtagpo ang paaralan at mga magulang para subukang maresolba ang mga isyu ng apela, maliban na lang kung nakasulat na nagkasundo ang parehong magulang at paaralan na hindi na gawin.  20 U.S.C. § 1415(k)(1)(H); 34 C.F.R. § 300.530(h) at 34 C.F.R. § 300.532(c)(3).

Kakailanganin mong maghain para sa pagdinig ng due process sa lalong madaling panahon at bago sa petsang itinakad para sa magkahiwalay na pagdinig ng pagpapatalsik sa lupong namumuno ng Distrito (“Lupon”).  Ang dahilan na gusto mong maghain para sa isang pagdinig ng due process bago ka kailangang magpakita sa harap ng Lupon ay para hilingan mo ang opisyal sa pagdinig na utusan ang Distrito na huwag magpatuloy sa pagdinig ng pagpapatalsik hanggang sa magwakas ang iyong pinabilis na pagdinig.  Kakailanganin ng opisyal sa pagdinig ng panahon para iproseso ang iyong kahilingan at magpalabas ng kautusan sa Distrito na ipagpaliban ang pagdinig ng pagpapatalsik hanggang pagkatapos na matapos ang pagdinig ng due process at naipalabas na ang isang desisyon.

Sa panahon ng pagkakabinbin ng isang pagdinig ng due process, maliban lang kung sa ibang pagkakataon ay magkakasundo ang Distrito at mga magulang ng estudyante, ang estudyante ay dapat manatili sa kanyang kasalukuyang edukasyonal na pagpapalagay.  Cal. Ed. Code § 56505(d); 34 C.F.R. § 300.518.  Ito’y karaniwang tinutukoy bilang “stay-put”.

Gayunman, ang stay-put ay maaaring maging isang “pansamantalang alternatibong pagsasaayos” kung:

  1. Ang iyong anak ay nasangkot sa isang kasalanan sa sandata o droga o malalang pinahirapang pinsala sa katawan sa isa pang tao.  Kung oo, maaaring baguhin ng Distrito ang pagpapalagay sa isang “pansamantalang alternatibong edukasyonal na pagsasaayos” para sa hanggang 45 araw.  34 C.F.R. § 300.530(g); o
  2. Kung hihimukin ng distrito ang opisyal ng pagdinig na ang pagdalo ng iyong anak sa kanyang kasalukuyang pagpapalagay ay “lubhang malamang na magreresulta sa pinsala sa estudyante o isa pang tao,” maaaring ilagay ng opisyal ng pagdinig ang estudyante sa isang “pansamantalang alternatibo ng edukasyonal na pagsasaayos” para sa hanggang 45 araw.  34 C.F.R. § 300.532(a) & (b).

Ang “pansamantalang alternatibong edukasyonal na pagsasaayos” ay dapat piliin para makapagpapatuloy ang estudyante na lumahok sa pangkalahatang kurikulum at para magpatuloy na umunlad tungo sa pagtugon sa mga layuning itinakda sa kanyang IEP.  34 C.F.R. § 300.530(d)(1). Kahit na mailagay ang iyong anak sa isang pansamantalang alternatibong pagpapalagay, dapat manatili ang iyong anak sa pansamantalang alternatibong pagpapalagay hanggang sa kongklusyon ng pagdinig o hanggang sa maayos ang pagwawakas ng haba ng panahon para sa pansamantalang alternatibong pagpapalagay, anuman ang unang magaganap.  Kung magwawakas ang haba ng panahon ng alternatibong pagpapalagay sa anumang oras bago matapos ang pagdinig, kung gayon ay dapat maibalik ang iyong anak sa kanyang regular na pagpapalagay, maliban lang kung sa ibang pagkakataon ay magkasundo ka at ang Distrito.

Kung hindi inilagay ng Distrito ang iyong anak sa isang alternatibong pagpapalagay bilang bahagi ng pandisiplinang aksyon, kung gayon ay dapat manatili ang iyong anak sa kanyang regular na pagpapalagay hanggang sa pagtatapos ng proseso ng pagdinig.  20 U.S.C. §§ 1415(k)(4)(A); 34 C.F.R. § 300.533.

Bilang isang resulta ng pagdinig ng due process, maaaring mag-utos ang opisyal ng pagdinig ng pagbabago sa pagpapalagay ng estudyante. Maaaring matuklasan ng opisyal ng pagdinig na ang ugali ay naging isang pagpapahayag ng kapansanan ng bata at mag-uutos na panatilihin ng paaralan ang orihinal na edukasyonal na pagpapalagay.  Katulad sa pagkakatanggal ng estudyante sanhi sa diumanong mga kasalanang kasangkot ang mga sandata, droga o malalang pinsala sa katawan, ang opisyal ng pagdinig ay maaaring mag-utos na maibalik ang estudyante sa regular na pagpapalagay kung saan siya inalis ng mga opisyal ng paaralan kung matuklasan ng opisyal ng pagdinig na hindi naghirang ang ugali ng kasalanan sa mga sandata, droga, o malalang pinsala sa katawan.  20 U.S.C. §§ 1415(k)(2) at (3)(B); 34 C.F.R. § 300.532(b).

PAGDINIG NG PAGPAPATALSIK NG LUPONG NAMUMUNO NG PAARALAN

Kung irerekumenda ng Distrito ang pagpapatalsik, isasangguni ka at iyong anak ng Distrito sa lupong namumuno ng Distrito (“Lupon”) para sa isang paginig para malaman kung dapat bang paalisin ang iyong anak.  Ang pagdinig na ito sa Lupon ay idaraos sa loob nang 30 araw ng eskuwela pagkatapos magpasya ng punong-guro ng paaralan na paalisin ang iyong anak. Inuutusan ang Lupon na magdesisyon sa loob nang 10 araw ng eskuwela pagkatapos ng pagdinig ng Lupon, maliban lang kung humiling ka ng pagpapaliban ng pagdinig o ng desisyon nang nakasulat.  Cal. Ed. Code § 48918(a).

Kung magpapasya ang Lupon na paalisin ang iyong anak, may karapatan ka na iapela ang desisyon ng Lupon. Mayroon kang 30 araw kasunod ng desisyon ng Lupon para maghain ng apela sa County Board of Education. Cal. Ed. Code § 48919.

Maraming tuntunin ang namumuno sa mga pagpapatalsik at maaaring magkaiba-iba ito mula sa isang distrito sa isa pang distrito. Dapat mong kontakin ang Distrito ng iyong anak para sa isang kopya ng nakasulat na mga tuntunin at patakaran nito.  Higit pang impormasyon tungkol sa iba-ibang tuntunin ay matatagpuan sa Cal. Ed. Code §§ 48916– 48927.

PAGPAPATALSIK NG ISANG ESTUDYANTE NA HINDI PA NAGING KARAPAT-DAPAT PARA SA ESPESYAL NA EDUKASYON

Kung hindi natasahan ng Distrito ang iyong anak para sa espesyal na edukasyon at pakiramdam mo’y magiging karapat-dapat siya, may karapatan ang iyong anak sa parehong mga proteksyon bago-sa-pagpapatalsik na mayroon ang estudyante ng espesyal na edukasyon kung mapatutunayan mong may kaalaman ang Distrito na nagkaroon ng kapansanan ang iyong anak bago humantong ang ugali sa naganap na pandisiplinang aksyon. 20 U.S.C. §1415(k)(5); 34 C.F.R. §§ 300.534(a) at (b).  Ipapalagay ang isang Distrito na may kaalaman sa kapansanan ng iyong anak bago sa kanyang masamang asal kung, bago sa kanyang masamang-asal, isa sa sumusunod na apat na bagay ay naganap:

  1. Ipinahiwatig mo iyong mga alalahanin nang nakasulat sa guro o iba pang opisyal ng paaralan na kailangan ng iyong anak ng espesyal na edukasyon (ginagawa ang eksepsyon kung ang magulang ay hindi makabasa’t makasulat o may kapansanan na hinahadlangan ang magulang sa paggawa ng nakasulat na mga alalahanin); 
  2. hiniling mo na masuri ang iyong anak para sa espesyal na edukasyon;   o
  3. nagpahiwatig ng mga alalahanin ang guro o iba pang tauhan ng paaralan tungkol sa ugali ng bata o pagganap sa mga opisyal ng espesyal na edukasyon o namamahalang mga tauhan sa distrito ng paaralan.

Kung naniniwala ka na may kaalaman ang Distrito sa kapansanan ng iyong anak bago sa desisyon ng Distrito para paalisin, may karapatan ka na maghain para sa isang pagdinig ng due process para maiprisinta ang iyong mga argumento.  Dapat kang humiling ng pinabilis na pagdinig sa lalong madaling panahon at isama ang anuman at lahat ng nakasulat na ebidensya ng isa o higit pa sa apat na tagapagpahiwatig na nakalista sa itaas hinggil sa naunang kaalaman ng paaralan.

Mangyaring mapaalalahanan na mayroong mahahalagang deadline ng paghahain na lumalapat sa iyong apela sa isang pagpapasya ng pagpapahayag at pangyayari ng pagpapatalsik ng Distrito. Inirerekumenda namin na humanap ka ng ibayong legal na payo hinggil sa mga deadline na ito sa lalong madaling panahon. Kung nais mong maghain para sa due process o humanap ng karagdagang tulong o representasyon, dapat mong kontakin ang Office of Administrative Hearings (OAH).  Masasagot nila ang iyong karaniwang hindi legal na mga katanungan at magbibigay ng listahan ng referral ng mga abogado at/o mga tagapagtaguyod na nagdadalubhasa sa pagtataguyod ng espesyal na edukasyon. Ang impormasyon sa pagkontak ay ang mga sumusunod:

Tanggapan ng Administratibong mga Pagdinig
Special Education Division
2349 Gateway Oaks Drive, Suite 200
Sacramento, CA 95833-4231
Telepono:  916-263-0880
Fax: 916-376-6319