Alamin ang Iyong mga Karapatan: Pagbabawal ng mga Mask sa mga Campus ng mga Kolehiyo sa California

Alamin ang Iyong mga Karapatan: Pagbabawal ng mga Mask sa mga Campus ng mga Kolehiyo sa California
Ang mga campus sa California ay nagtatala ng “mga pagbabawal ng mask” para sa mga estudyante sa kanilang mga patakaran at pamamaraan. Sinasabi ng mga opisyal ng mga campus na nais nilang pigilan ng mga pagbabawal na ito ang mga estudyante na itago ang kanilang mga pagkakakilanlan. Sabi nila na kailangan nila ang mga pagbabawal ng mask para sa kaligtasan ng campus. Ginagamit nila ang mga pulisya ng campus upang ipatupad ang mga pagbabawal na ito.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Pangkalahatang Pananaw
Ang mga campus sa California ay nagtatala ng “mga pagbabawal ng mask” para sa mga estudyante sa kanilang mga patakaran at pamamaraan. Sinasabi ng mga opisyal ng mga campus na nais nilang pigilan ng mga pagbabawal na ito ang mga estudyante na itago ang kanilang mga pagkakakilanlan. Sabi nila na kailangan nila ang mga pagbabawal ng mask para sa kaligtasan ng campus. Ginagamit nila ang mga pulisya ng campus upang ipatupad ang mga pagbabawal na ito.
Tinutudla ng mga pagbabawal na ito ang mga nagpoprotestang estudyante at hindi makatarungang napapahamak ang mga estudyanteng may mga kapansanan na gumagamit ng mga mask para sa kanilang kalusugan at kaligtasan. Hindi matukoy ng pulisya ng campus ang pagkakaiba sa pagitan ng isang nagpoprotesta na nagtatago ng kanilang pagkakakilanlan at isang taong may kapansanan na nagsusuot ng mask para sa mga dahilang pangkalusugan. Kakailanganin nilang magtanong ng mapanghimasok na mga tanong tungkol sa kapansanan at medikal na impormasyon ng tao upang malaman kung kailan nila maaaring ipatupad ang pagbabawal ng mask. Minsan ang isang estudyanteng may kapansanan ay maaaring magsuot ng mask para sa mga dahilang pangkalusugan habang lumalahok sa isang protesta. Ang mga taong may kapansanan ay nasa mas mataas na panganib ng karahasan kapag nakikipag-ugnayan sa tagapagpatupad ng batas, at hindi dapat gumagawa ng pasya ang tagapagpatupad ng batas tungkol sa kung sino ang maaaring magsuot ng mga mask sa pampublikong mga campus.
Ang gabay na ito ay nilikha upang sabihin sa iyo ang tungkol sa iyong mga karapatan kapag nagsusuot ng mask sa campus at upang bigyan ka ng impormasyon sa kung ano ang gagawin kung ang mga karapatan na iyon ay nilabag.
FAQs:
1. Ang aking campus ay may pagbabawal sa mask. Maaari pa rin ba akong magsuot ng mask sa campus?
Oo, maaari ka pa ring magsuot ng mask sa campus. May karapatan ka sa kalusugan at kaligtasan sa campus. Mayroon kang pantay na karapatan na pumili kung magsuot ng mask sa publiko, at hindi ka dapat tudlain para sa pasyang ito.
2. Kung may isang taong magtatanong kung bakit ako nagsusuot ng mask, kailangan ko bang sumagot? Kailangan ko bang ibunyag ang aking kapansanan?
Hindi mo kailangangan ibunyag ang mga partikular tungkol sa iyong kapansanan o dyagnosis. Maaaring makatulong na ipaalam sa taong nagtatanong na mayroon kang kapansanan sa pamamagitan ng simpleng pagsaad na “Mayroon akong kapansanan at kailangan ang mask na ito para sa aking kalusugan at kaligtasan.”
3. Kung hihilingin sa akin ng isang propesor na tanggalin ang aking mas, kailangan ko bang gawin it?
May karapatan ka na magsuot ng mask sa campus. Maaari mong ipaliwanag sa propesor na ikaw ay nagsusuot ng mask para sa mga dahilang pangkalusugan at pangkaligtasan.
4. Mayroon bang mga batas na nagpoprotekta sa aking karapatan na magsuot ng mask?
Oo. Mayroong mga batas ng estado at pederal na nagbabawal sa diskriminasyon.
Kung kailangan mong magsuot ng mask para sa dahilang kaugnay sa kapansanan, samakatuwid ang pagbabawal sa iyo mula sa pagsuot ng mask para sa dahilang iyon ay diskriminasyon.
Kabilang sa mga pederal na batas na nagpoprotekta ng iyong karapatan sa pagsuot ng mask ang Batas sa mga Amerikanong May mga Kapansanan (42 Kodigo ng Estados Unidos (U.S.C., UNITED STATES CODE) §§ 12101, at mga sumusunod.) at Seksyon 504 ng Batas sa Rehabilitasyon ng 1973. (29 Kodigo ng Estados Unidos § 701, at mga sumusunod).
Ipinagbabawal ng Titulo II ng Batas sa mga Amerikanong May mga Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act) ang diskriminasyon sa kapansanan sa lahat ng mga serbisyo, programa, at aktibidad na ibinibigay ng pampublikong mga institusyon. Ang karamihan sa mga unibersidad sa loob ng California ay itinuturing na pampublikong mga institusyon, kabilang ang sistema ng University of California, sistema ng California State University, at ang sistema ng California Community College.
Ipinagbabawal ng Titulo III ng ADA ang diskriminasyon sa kapansanan ng pampribadong mga institusyon ng mas mataas na edukasyon. Sa ilalim ng parehong Titulo II at Titulo III, may karapatan ka na humiling ng “makatuwirang pagbabago” o “makatuwirang kaluwagan” kung kinakailangan upang ma-access ang mga serbisyo, programa, aktibidad, o pasilidad ng unibersidad o kolehiyo. Tingnan ang Tanong 8 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa makatuwirang mga pagbabago at makatuwirang mga kaluwagan.
Pinipigilan ng Seksyon 504 ng Batas sa Rehabilitasyon ang diskriminasyon sa kapansanan mula sa pampublikong mga entidad na kumukuha ng pederal na pagpopondo. Karamihan sa mga unibersidad sa loob ng California ay tumatanggap ng pederal na pagpopondo, kabilang ang pederal na mga pagkaloob sa pinansyal na tulong. Kabilang dito ang sistema ng University of California at ng California State University. May karapatan ka na humiling ng makatuwirang mga kaluwagan sa ilalim ng Seksyon 504. Ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Seksyon 504 ay katulad ng iyong mga karapatan sa ilalim ng ADA.
Mayroon ding mga batas sa California na nagpoprotekta sa iyo mula sa diskriminasyon. Kodigo ng Pamahalaan ng California Seksyon 11135 ay naaangkop sa estado, mga ahensya ng estado, at mga programa at aktibidad na tumatanggap ng pagpopondo ng estado. Karamihan sa mga unibersidad at kolehiyo sa California ay tumatanggap ng pagpopondo ng estado. (Kodigo ng mga Regulasyon ng California §§ 14020(m)). Kabilang dito ang sistema ng University of California, sistema ng California State University, at sistema ng California Community College. Pinagbabawal ng Seksyon 11135 ang diskriminasyon batay sa maraming protektadong mga katangian, kabilang ang: “kapansanan sa pangkaisipan, pisikal na kapansanan, [at] medikal na kondisyon.” Kamakailan, ang mga regulasyon ay ipinagtibay para sa Seksyon 11135 na nililinaw na ang mga proteksyon ayon sa batas na naaangkop rin sa mga taong may mga isyu sa kalusugan na immunological. (Kodigo ng mga Regulasyon ng California §§ 14020(4)(A); 14020(12).).
Sa ilalim ng Seksyon 11135 at ang nagpapatupad na mga regulasyon nito, ang mga unibersidad sa California at ibang mga paaralang pinopondohan ng estado ay hindi pinahihintulutan na magkaroon ng mga patakaran na nagdidiskrimina batay sa kapansanan, kabilang ang mga pagbababawal sa mga mask.
Maaaring mayroon pang ibang mga batas na naaangkop sa iyong sitwasyon.
5. Nagtatrabaho ako sa isang campus na may mahigpit na patakaran sa mask. Mayroon bang mga batas na nagpoprotekta sa aking karapatan upang magsuot ng mask sa trabaho?
Oo. Ang Kagawaran sa mga Regulasyong Pang-Industriya ng California ay may nakatalagang mga patakaran sa hindi-emerhenisya na COVID-19 nang hindi bababa sa Pebrero 3, 2025. Ayon sa patakarang ito, ang mga employer ay dapat pahintulutan ang mga manggagawa na magsuot ng mga panakip sa mukha kung pipiliing gawin ito ng manggagawa (CCR Titulo 8 § 3205(f)(4)).
6. Mayroon bang iba pang mga batas na maaaring naaangkop sa aking sitwasyon?
Oo, mayroong iba pang mga batas na naaangkop depende sa iyong kasangkot na paaralan at serbisyo, programa, aktibidad, o pasilidad. Halimbawa, pederal at pang-estadong mga batas sa makatarungang pabahay ay naaangkop sa mga programa sa pabahay ng iyong paaralan, at mga batas ng estado na naaangkop sa pampribadong mga negosyo at ibang pampublikong mga lugar na maaaring naaangkop sa iyong paaralan o entidad na nagsasagawa ng negisyo sa campus. Ikaw ay hinihikayat na kumonsulta sa isang abogado para sa legal na gabay sa iyong partikular na sitwasyon. Wala sa gabay na ito ang naglalayong magbigay ng indibiduwal na legal na payo.
7. Ang aking campus ay nagpapatupad ng pagbabawal ng mask sa pagtatangkang limitahan ang mga protesta. Maaari pa rin ba akong magsuot ng mask sa isang protesta?
Oo, maaari ka paring magsuot ng mask sa isang protesta. Bilang karagdagan sa mga proteksyong partikular sa kapansanan para sa pagsusuot ng mask, pinoprotektahan ng Unang Susog ang iyong karapatan sa malayang pananalita. Kabilang dito ang karapatan na magprotesta nang hindi nagpapakilala.
Gayunpaman, ang mga pagbabawal ng mga mask sa campus ay maaaring magresulta sa mga parusa sa pagsuot ng mask upang itago ang iyong pagkakakilanlan sa isang protesta. Kung ikaw ay nagsusuot ng mask para sa kalusugan at kapansanan, hindi ka dapat sumailalim sa mga parusang ito. Gayunpaman, ang tagapagpatupad ng batas o mga opisyal ng campus ay maaaring hindi ito ipapatupad nang makatarungan. Maaaring gusto mong isaalang-alang na sabihin sa mga awtoridad na nagtatanong tungkol sa iyong pagsusuot ng mask na “nagsusuot ako ng mask upang protektahan ang aking kalusugan,” ngunit dapat maging handa ka na maaaring hindi nito mapipigilan ang panliligalig.
Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa iyong mga karapatan kapag nagpoprotesta, sumangguni sa Gabay sa Alamin ang Iyong mga Karapatan para sa mga Nagpoprotestang May Kapansanan.
8. What is a reasonable accommodation/reasonable modification?
A reasonable accommodation or reasonable modification is a change to a rule, policy, or practice that is necessary to give a person with a disability equal access to a service, program, or facility at a school. Schools must provide such changes unless it would result in an undue financial or administrative burden on the school; fundamentally alter the nature of the services, programs, or activities of the school; or pose a direct threat to the health or safety of others. The terms “reasonable modification” and “reasonable accommodation” are interchangeable in the context of schools and mask bans. We use the term “reasonable accommodation” in the remainder of this guide.
For more details on reasonable accommodations in higher education settings, check out Disability Discrimination Fact Sheet: Colleges and Universities.
8. Ano ang makatuwirang kaluwagan/makatuwirang pagbabago?
Ang makatuwirang kaluwagan o makatuwirang pagbabago ay isang pagbabago sa panuntunan, patakaran, o kasanayan na kinakailangan upang bigyan ang taong may kapansanan ng pantay na access sa isang serbisyo, programa, o pasilidad sa isang paaralan. Ang mga paaralan ay dapat magbigay ng naturang mga pagbabago maliban kung magreresulta ito sa hindi nararapat na pinansyal o administratibong pasanin sa paaralan; magbabago ng pundamental na likas ng mga serbisyo, programa, o aktibidad ng paaralan; o direktang magbabanta sa kalusugan o kaligtasan ng iba. Ang mga terminong “makatuwirang pagbabago” at “makatuwirang kaluwagan” ay napagpapalit sa konteksto ng mga paaralan at pagbabawal ng mask. Ginagamit ang terminong “makatuwirang kaluwagan” sa natitirang bahagi ng gabay na ito.
Para sa karagdagang mga detalye tungkol sa mga makatuwirang kaluwagan sa kapaligiran ng mas mataas na edukasyon, tingnan ang Papel ng Katotohanan sa Diskriminasyon laban sa Kapansanan: Mga Kolehiyo at Unibersidad.
9. Paano ako maaaring humiling ng makatuwirang kaluwagan upang magsuot ng mask?
Upang humiling ng makatuwirang kaluwagan mula sa pagbabawal ng mask dahil sa iyong kapansanan, dapat mong ipaliwanag kung bakit ang pagsuot ng mask ay kinakailangan para sa iyo upang ma-access ang mga serbisyo, programa, aktibidad, o pasilidad ng paaralan. Hindi mo kailangang bigyan ang paaralan ng dyagnosis o pumunta sa mga detalye tungkol sa iyong kapansanan o medikal na kondisyon, ngunit hindi mo kailangang ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan ng kaluwagan na iyong hinihiling at iyong pangangailangan na kaugnay sa kapansanan.
Maaari mong gawin ang iyong kahilingan nang pasalita o nakasulat, ngunit karaniwang mas mabuti na gumawa ng kahilingan na nakasulat para mayroon kang patunay ng iyong kahilingan.
Kung ikaw ay hininto ng isang tao dahil sa pagsuot ng mask, maaari mo lamang ipahiwatig ang kaluwagan nang pasalita. Dapat mo itong idokumento sa lalong madaling panahon nang nakasulat sa iyong naaangkop na tanggapan sa Mga Serbisyong Pangkapansanan ng Estudyante sa campus.
Kung alam mong kailangan mong magsuot ng mask sa campus, magtakda ng appointment upang idokumento ang kaluwagan na ito sa iyong plano sa kaluwagan. Maaari mong ipakita ang kopya ng dokumentong ito kung ikaw ay inihinto.
10. Kung pakiramdam ko ay nililigalig ako ng mga estudyante, guro, o kawani dahil sa pagsusuot ng mask, ano ang dapat kong gawin?
Ang panliligalig batay sa kapansanan ay hindi legal sa ilalim ng parehong pederal at batas ng California, kabilang ang mga batas na isinangguni sa itaas. Kung ikaw ay nililigalig, idokumento ang iyong karanasan. Kung ang isang miyembro ng pakultad ang responsable, maaari kang pumunta sa isang empleyadong may mas mataas na antas (mga superbisor o tagapamahala). Idokumento ang mga talakayan sa chain of command ng iba-ibang mga empleyado at kawani na iyong nakakausap, at idokumento ang mga pakikipag-ugnayang ito na nakasulat, mga larawan, text o saksi. Itabi ang kopya ng lahat ng mga email, reklamo, at dokumento. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa panloob na mga mapagkukunan sa loob ng sistema ng unibersidad nang nakasulat upang gumawa ng talaan ng iyong naging karanasan. Pagkatapos, makipag-ugnayan rin sa panlabas na mga mapagkukunan tulad ng mga ahensiya ng estado at pederal na tumatanggap ng mga reklamo at ipaalam sa kanila ang iyong naging karanasan sa campus.
11. Kung hininto ako ng isang opisyal ng pulisya dahil sa pagsusuot ng mask, ano ang dapat kong gawin? Ano ang aking mga karapatan kapag nakikipag-ugnayan sa tagapagpatupad ng batas?
May karapatan ka na magsuot ng mask sa campus. Maaari mong ipaliwanag sa opisyal ng pulisya na ikaw ay nagsusuot ng mask para sa mga dahilang pangkalusugan at pangkaligtasan. Ang pulisya ng campus ay inaatasang sumunod sa mga batas ng estado at pederal laban sa diskriminasyon, kabilang ang Batas sa mga Amerikanong May mga Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act).
Kung magpapatuloy ang opisyal na humiling na tanggaling ang mask, maaari kang humiling ng makatuwirang kaluwagan nang pasalita. Hindi mo kailangang sabihin ang iyong kapansanan, ngunit dapat kang magbigay ng “bakit” ng iyong pangangailangan na magsuot ng mask upang humiling ng makatuwirang kaluwagan. Mahalaga na idokumento ang iyong karanasan. Ang pag-record ng video o pagsusulat ng iyong karanasan pagkatapos ay makatutulong. Isulat ang impormasyon ng pagkakakilanlan ng pulis, kabilang ang pangalan o numero ng badge ng tagapagpatupad ng batas na nakikipag-ugnayan ka kung maaari. May karapatan ka na humiling ng kopya ng mga ulat ng pulis para sa iyong mga talaan.
12. Kung ako ay inaresto o dinetina, maaari ba akong magpatuloy na magsuot ng mask?
Kung ikaw ay inaresto o dinetina, maaari kang humiling nang pasalita ng makatuwirang kaluwagan upang magpatuloy na magsuot ng mask. Para sa karagdagang mga detalye sa makatuwirang mga kaluwagan kapag nakikipag-ugnayan sa tagapagpatupad ng batas, tingnan ang Iyong mga Karapatan! Mga Taong May mga Kapansanan at Tagapagpatupad ng Batas.
13. Paano ko sasabihin ang mga alalahanin na mayroon ako sa sistema ng unibersidad?
Kung ikaw ay nadiskrimina, mayroon kang karapatan na ituloy ang nakasulat na panloob na mga reklamo upang idokumento ang iyong karanasan. Maaari mong gamitin ang panloob na mga reklamo na ito bilang patunay sa panlabas na mga reklamo. Mayroong ilang mga paraan na maaari mong ituloy:
Ang mga mapagkukunan sa ibaba ay partikular sa sistema ng University of California. Kung ikaw ay nasa ibang unibersidad, maaari kang maghanap ng katulad na mga mapagkukunan sa iyong campus.
Mga reklamo sa Pulisya ng UC: Ang mga reklamo, karaniwang tinatawag na “mga hinaing na sibilyan” ay maaaring kolektahin ng kagawaran ng pulisya ng iyong campus. Dapat makatanggap ka ng napapanahong tugon sa iyong reklamo. Maaari kang gumawa ng anonimang reklamo.
- Lahat ng datos sa reklamong sibilyan para sa mga paaralan ng UC ay matatagpuan rito: Kaligtasan sa komunidad: Mga reklamong sibilyan | University of California
- Dapat iulat ng pulisya ng campus ang lahat ng hindi tamang aksyon ng pulisya sa ilalim ng Kodigo ng Parusa 832.5.
- Walang takdang petsa sa paggawa ng reklamo, ngunit pinakamainam na gawin ito sa lalong madaling panahon.
- Contact Workgroup members and your campus’s Responsible Officer in writing to report violations of the UC Community Safety Plan
- List of Workgroup Members
- List of Campus Responsible Officers responsible for implementing the Community Safety Plan.
Plano sa Kaligtasan sa Komunidad ng UC
- Makipag-ugnayan sa mga miyembro ng Pangkat ng Trabaho at Responsableng Opisyal ng iyong campus nang nakasulat upang iulat ang mga paglabag sa Plano sa Kaligtasan ng Komunidad ng UC
- Ilista ang mga Miyembro ng Pangkat ng Trabaho
- Ilista ang mga Opisyal na Responsible sa Campus na responsible para sa pagpapatupad ng Plano sa Kaligtasan ng Komunidad.
Iulat ang iyong karanasan nang nakasulat sa Tanggapan ng Sibil na mga Karapatan sa Buong Sistema
- Maghain ng ulat dito: https://uctitleix.i-sight.com/portal
- Ang mga ulat ay maaaring gawin nang anonima.
- Walang takdang petsa sa paggawa ng reklamo, ngunit pinakamainam na gawin ito sa lalong madaling panahon.
Makipag-ugnayan o iulat ang insidente sa tanggapan ng iyong ADA sa Campus:
- Ang listahan ng lahat ng mga tanggapan ng ADA ay narito:
- https://www.ucop.edu/ethics-compliance-audit-services/compliance/american-disabilities-act-ada/campus-ada-coordinator-contacts.html
- Makipag-ugnayan sa tagapag-ayos ng ADA sa iyong partikular na paaralan ng UC.
Makipag-ugnayan o iulat ang insidente sa iyong mga Tanggapan Laban sa Diskriminasyon sa Campus
- Ang listahan ng mga tanggapan laban sa diskriminasyon ay matatagpuan dito: Makipag-ugnayan o iulat ang insidente sa iyong mga Tanggapan Laban sa Diskriminasyon sa Campus.
- Ang ilang mga paaralan ng UC ay maaaring mayroon ding pangkat “laban sa pagkiling” tulad ng Pangkat sa Edukasyon at Mapagkukunan laban sa Pagkiling (BERT, Bias Education and Resource Team) ng University of San Francisco. Kung ang iyong paaralan ay mayroon nito, makipag-ugnayan sa kanila upang iulat ang isyu nang nakasulat.
14. Mayroon bang mga mapagkukunan para sa panlabas na reklamo na ituloy kung sa pakiramdam ko ako ay nadiskrimina?
Oo.
- Reklamo sa Kagawaran ng Sibil na mga Karapatan (CRD, Civil Rights Department) sa California
- Mga paghahabol sa pang-estadong batas
- Dating kilala bilang Kagawaran sa Makatarungang Trabaho at Pabahay (DFEH, Department of Fair Employment and Housing)
- Paano maghain ng reklamo: https://calable.ca.gov/complaintprocess/
- Maghain sa loob ng isang taon ng diumano hindi legal na kasanayan
- Kagawaran ng Edukasyon Tanggapan sa Sibil na mga Karapatan (OCR, Office of Civil Rights)
- Para sa mga paghahabol sa pederal na batas
- Paano maghain: https://www2.ed.gov/about/offices/list/ocr/complaintintro.html.
- Form na dapat punan: http://www.ed.gov/about/offices/list/ocr/complaintintro.html.
- Maghain sa loob ng 180 araw ng huling aksyon ng diskriminasyon
- Reklamo sa Kagawaran ng Katarungan (DOJ, Department of Justice) ng Estados Unidos
- Maghain ng reklamo rito: https://civilrights.justice.gov/
- Maaaring ihain anumang oras, ngunit pinakamainam na ihain ito sa lalong madaling panahon
- Legal na mga remedyo
- May karapatan ka na magsampa ng kaso kung ikaw ay nadiskrimina bilang isang miyembro ng protektadong klase. Ang mga kaso ay may limitasyon sa panahon upang magsampa kapag nangyari ang aksyon sa diskriminasyon at maaaring hanggang isang taon lang. Maaari kang makipag-ugnayan sa isang abogado upang tumanggap ng impormasyon at limitasyon sa panahaon sa iyong partikular na mga paghahabol.
15. Nasaan ang ibang mga mapagkukunan upang matuto nang higit pa tungkol sa paksang ito?
- Ang iyong mga karapatan bilang isang taong may kapansanan at tagapagpatupad ng batas: https://www.disabilityrightsca.org/publications/your-rights-people-with-disabilities-and-law-enforcement
- Gabay sa Alamin ang Iyong mga Karapatan para sa mga Nagpoprotestang May Kapansanan - DREDF
- Pangkalahatang Pananaw ng DRC sa Mas Mataas na Edukasyon:
- https://www.disabilityrightsca.org/resources/higher-education
- Iyong mga Karapatan at Diskriminasyon sa Kapansanan sa Mas Mataas na Edukasyon: https://www.disabilityrightsca.org/publications/disability-discrimination-fact-sheet-colleges-and-universities
- Alamin ang Iyong mga Karapatan: Mga Karapatan ng Bingi – Ano ang Gagawin Kapag Nakikipag-ugnayan sa Pulisya
- Iyong mga karapatan habang nagpoprotesta: NLG-Alamin-ang-Iyong-mga-Karapatan-na-Librito-2022.pdf
- DREDF Ipinaglalaban ang Ligtas na Access sa Opsyonal na Mask sa Kapaligiran ng Pangangalagang Pangkalusugan