Mga Serbisyo sa Edukasyon at Pagsasanay sa pamamagitan ng Departamento ng Rehabilitasyon ng California Papel ng Dapat Malaman
Mga Serbisyo sa Edukasyon at Pagsasanay sa pamamagitan ng Departamento ng Rehabilitasyon ng California Papel ng Dapat Malaman
Fact Sheet on Education and Training Services through the California Department of Rehabilitation.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
1. Makakatulong ba ang Departamento ng Rehabilitasyon sa edukasyon at pagsasanay upang makakuha ako ng trabaho?
Oo. Kung kailangan mo ito upang makamit ang iyong hangarin sa pagtatrabaho, ang Departamento ng Rehabilitasyon (Department of Rehabilitation, DOR) ay makakatulong. Kabilang dito ang pagsasanay sa isang kolehiyo ng komunidad, apat-na-taong unibersidad, gradwadong paaralan, mga bokasyonal na programa at mga programang sertipiko.
“Mataas na pagsasanay” ay maipagkakaloob sa maraming larangan kabilang ang agham, teknolohiya, inhinyeriya, matematika (kabilang ang agham ng computer) medisina, batas, o negosyo, at iba pa, upang tulungan ang mga indibidwal na sumulong sa kanilang mga karera. I-click dito para basahin ang regulasyon tungkol sa pagsasanay ng DOR.
Depende sa iyong hangarin sa pagtatrabo at iyong mga personal na pangangailangan, ang DOR ay maaaring lubos na magpondo sa iyong pagsasanay sa pamamagitan ng isang pribadong paaralan, o isang labas-ng-estado na paaralan. Sa pangkalahatan, ang DOR ay magbabayad para sa pinakamurang opsyon sa pagsasanay para sa iyong hangarin sa pagtatrabaho. Tingnan ang mga tanong 7-12 sa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano nagpapasya ang DOR kung magkano ang babayaran nito sa mga serbisyo sa pagsasanay, kabilang ang pribado at labas-ng-estado na pagsasanay.
2. Paano nagpapasya ang DOR sa antas ng pagsasanay na babayaran nila?
Ang DOR ay maaaring magkaloob ng mga serbisyong pagsasanay na kailangan upang bigyan ka ng mga kasanayan at mga kredensiyal upang makamit ang iyong hangarin sa pagtatrabaho.
Halimbawa, kung ang hangarin ng IPE ay maging isang manggagawang panlipunan, ang pagsasanay ay bubuuin ng pagkuha ng isang digri sa gawaing panlipunan at pagpasa ng eksaminasyon sa paglisensiya.
3. Makakapili ba ako ng hangarin sa pagtatrabaho na hindi antas-ng-pagpasok?
Oo. HINDI ka limitado sa pagpili ng “antas-ng-pagpasok” na mga trabaho (iyon ay, mga Trabahong karaniwang nangangailangan ng mas mababang pagsasanay at madalas na nagbabayad ng mas mababang sahod kaysa isang hindi antas-ng-pagpasok na posisyon.).
Sa nakaraan, tumutulong lamang ang DOR sa antas-ng-pagpasok na trabaho, pero nagbago ang batas noong 2014 sa pagpasa ng Workforce Innovation Opportunity Act (Batas sa Oportunidad sa Inobasyon ng Lakas Paggawa, WIOA). Ngayon ang DOR ay dapat tumulong sa mga indibidwal para umunlad sa kanilang trabaho at makamit ang mataas na suweldo at makabuluhang mga karera.
4. Makakatulong ba sa akin ang DOR sa pamamagitan ng karagdagang pagsasanay o mataas na digri?
Oo. Kung ikaw ay isang kasaluyang kliyente ng DOR maaari kang humingi ng pagbabago sa iyong Individualized Plan for Employment (Ibinabagay na Plano para sa Pagtatrabaho, IPE) upang magsama ng karagdagang mga serbisyo na tulad ng karagdagang pagsasanay, kung kailangan mo ito upang makakuha ng trabaho na nakakatugon sa iyong hangarin. O maaari mong hingin sa DOR na baguhin ang iyong hangarin, na maaaring kabilang ang pagsasanay para sa mataas na digri.
Kung ikaw ay hindi isang kliyente ng DOR, maaari mong buksan ang isang bagong kaso sa DOR upang humiling ng tulong na makamit ang isang ispesipikong hangaring pangkarera, na maaaring kabilang ang pagsasanay para sa mataas na digri. Maaaring isaalang-alang ng DOR ang iyong mga kasanayan, kakayahan at pamilihan ng paggawa upang tumulong na pagpasyahan kung ang iyong piniling hangarin ay magiging angkop.
5. Maaari ba akong dumalo sa part-time na pagsasanay?
Oo. Maaari kang dumalo sa pagsasanay nang part-time dahil sa iyong kapansanan o ibang mga factor. Halimbawa, kung ikaw ay nagtatrabaho na sa araw upang mabayaran ang iyong mga bill at makakadalo lamang sa pagsasanay sa gabi nang part-time, dapat magawa ng DOR na tulungan ka. Maaari kang makakuha ng mas kaunting tulong pinansyal kung dadalo ka ng part-time na pagsasanay, na nangangahulugan na magbabayad ng mas malaking bahagi ng gastos ang DOR. Samakatuwid, maaaring makatulong na sabihin sa iyong tagapayo kung bakit pinipili mong pumasok sa paaralan nang part-time.
6. Anu-anong mga serbisyo at suporta ang makukuha ko habang lumalahok ako sa pagsasanay?
Habang tumatanggap ng mga serbisyong pagsasanay, ang DOR ay maaaring magkaloob sa iyo ng iba’t ibang mga serbisyo at suporta. Sa mga halimbawa ng mga suportang ito ay kabilang ang, pero hindi limitado sa, mga sumusunod:
- mga serbisyong personal na tulong;
- mga libro at ibang mga suplay na may kaugnayan sa paaralan;
- mga kagamitan o kasangkapan
- transportasyon, tulad ng isang pases sa bus o pera para sa gas
- mga modipikasyon ng sasakyan upang madali mong magamit ang isang sasakyan
- Assistive Technology (Tumutulong na Teknolohiya, AT), tulad mga computer, software program, text reader, calculator, magnifier, pagsasanay sa AT. atbp.;
- internet access;
- mga gastos sa pagpapanatili, tulad ng mga uniporme ng paaralan, isang-beses na mga deposito para sa utilidad, at pabahay sa paaralan sa ilang pagkakataon;
- Ibang mga paninda at serbisyo na ipinasyang kailangan para makamit mo ang iyong hangarin sa pagtatrabaho.
Kapag dumadalo sa isang pampublikong kolehiyo o unibersidad, kung kailangan mo ng makatwirang mga kaluwagan, kakailanganin mong hilingin ang mga ito nang tuwiran mula sa institusyon na iyon. Kabilang dito ang mga serbisyong personal na tulong na tulad ng mga tagabasa, interpreter at note taker. Gayunman, kung hindi ka makakuha ng mga angkop na tulong na kailangan mo mula sa paaralan, maaari kang humiling na ipagkaloob ng DOR ang mga ito sa iyo.
7. Ako ba ay inaasahang magbayad para sa mga serbisyong pagsasanay?
Ang batas ay nagsasaad na ang mga serbisyong pagsasanay ay di-saklaw ng pinansiyal na paglahok ng kliyente, na nangangahulugan na hindi mo kailangang bayaran ang mga ito. Kabilang dito ang halaga ang tuition, mga libro, suplay, isahang pagtuturo, at mga materyal na may kaugnayan sa pagsasanay. I-click dito para basahin ang, 9 C.C.R. Seksyon 7191(c)(4), na naglilista ng mga eksempsyon sa mga panuntunan sa paglahok sa pinansiyal ng kliyente.
Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na awtomatikong babayaran ng DOR ang lahat ng iyong gastos sa pagsasanay. Inaatasan ang DOR na pondohan ang pinakamurang pagsasanay na tutugon sa iyong mga pangangailangan. Sa pangkalahatan, pinopondohan ng DOR ang tuition sa rate ng kolehiyo sa komunidad sa unang dalawang taon para sa mga kliyenteng tumatanggap ng pagsasanay sa kolehiyo; at ang rate ng kolehiyo/unibersidad ng estado para sa mga natitirang taon. Samakatuwid, kung pipiliin mong dumalo sa apat na taong kolehiyo/unibersidad para sa unang dalawang taon ng iyong pag-aaral, at hindi ka nakatagpo ng eksepsyon, kakailanganin mong bayaran ang pagkakaiba sa gastos sa pagitan ng kolehiyo/unibersidad na iyong pinapasukan at ang rate ng kolehiyo sa komunidad.
Tingnan ang mga tanong 9 at 10 sa ibaba para matuto nang higit pa tungkol sa mga eksepsyon.
8. Kailangan ko bang gamitin ang aking mga gawad na pinansiyal na tulong at iskolarship para sa gastos sa aking pagsasanay?
Oo. Ang DOR ay hindi magbabayad para sa iyong mga serbisyo ng pagsasanay maliban kung gumawa ka ng “pinakamalaking pagsisikap” upang kumuha ng gawad na tulong upang magbayad muna para sa lahat o bahagi ng iyong pagsasanay. Ang pinakamalaking pagsisikap ay nangangahulugang dapat kang mag-aplay para sa pampublikong gawad at gamitin ang mga pondong ito para sa gastos sa iyong pagsasanay, bago makapagbayad ang DOR para sa anumang natitirang gastos. Kahit na ikaw ay hindi karapat-dapat para sa pinansiyal na tulong, dapat ka pa ring mag-aplay para rito at magbigay ng isang pagtanggi sa DOR. Mayroong ilang mga eksepsyon sa panuntunang ito, kabilang ang mga parangal at iskolarship batay sa merito. Hindi mo rin kailangang gamitin ang mga pautang sa mag-aaral para sa mga gastos na ito, kahit na bahagi sila ng iyong pakete ng pinansiyal na tulong.
Ang DOR ay magpapasya ng antas ng mga pondong ipagkakaloob nila para sa iyong mga pangangailangan ng pagsasanay sa pamamagitan ng pagbawas ng kabuuang hala ng iyong mga gawad sa edukasyon at/ o mga award mula sa gastos sa iyong tuition, libro, suplay, pagpapanatili at transportasyon. Ang natitira ay ang halagang babayaran ng DOR. I-click dito upang basahin ang regulasyon tungkol sa pinakamalaking pagsisikap.
Ang isang mahalagang bagay na dapat pansinin ay ang DOR ay hindi nagbabayad para sa mga klase hanggang makumpleto mo ang mga ito para sa semestreng iyon. Sa sandaling aprubahan ang iyong mga serbisyong pagsasanay, ang kolehiyo o unibersidad na pinapasukan mo ay dapat tumanggap ng isang “awtorisasyon/pangakong magbayad” mula sa DOR. Ang paaralan ay magpapadala pagkaraan ng isang invoice sa DOR sa pagsasara ng bawat semestre. Mahalagang ikaw ay magbigay sa DOR ng impormasyon tungkol sa mga petsa at gastos bago ang semestre upang makapag-isyu ang DOR ng awtorisasyon, na magpapahintulot naman sa iyo na magparehistro sa paaralan o kolehiyo.
9. Kailangan ko bang pumunta sa kolehiyo ng komunidad bago ako mag-enrol sa isang apat-na-taong kolehiyo o unibersidad?
Gaya ng tinalakay sa tanong 7 sa itaas, inatasan ang DOR na magbayad para sa pinakamurang serbisyo na tumutugon sa iyong mga pangangailangan. Para sa mga kliyenteng tumatanggap ng pagsasanay sa antas ng kolehiyo, isinasaad ng batas na ang DOR ay magpopondo ng tuition sa rate ng kolehiyo ng komunidad sa unang dalawang taon, at pagkatapos ay magpopondo sa rate ng kolehiyo o unibersidad ng estado para sa susunod na dalawang taon kapag ang indibidwal ay lumipat sa isang apat na taon sa kolehiyo o unibersidad ng estado, dahil ang kolehiyo ng komunidad ay karaniwang ang mas mababang halaga na alternatibo.
Gayunpaman, may ilang eksepsyon sa panuntunang ito, kung maipapakita mo ang alinman sa mga sumusunod:
- Ang apat na taong pag-aaral sa kolehiyo/unibersidad ay mahalaga sa tagumpay ng Individualized Plan for Employment, (Ibinabagay na Plano para sa Pagtatrabaho, IPE); O
- Ang pagsisimula ng iyong pagsasanay sa apat na taong kolehiyo o unibersidad ay magiging katumbas o mas mura kaysa sa pag-aaral sa kolehiyo ng komunidad sa unang dalawang taon; O
- Sumasang-ayon kang magbayad ng mga karagdagang gastos para sa pagsasanay kapag natukoy ng DOR na ang isang kolehiyo ng komunidad sa unang dalawang taon ay sapat para matugunan ang iyong mga pangangailangan.
TANDAAN: May karapatan kang iapela ang desisyon ng DOR kung hindi ka sumasang-ayon na natutugunan ng kolehiyo ng komunidad ang iyong mga pangangailangan. Ang ilang dahilan ay maaaring kung ang mga klase na dapat mong kunin para sa iyong major ay hindi available sa kolehiyo ng komunidad, o, ang kolehiyo ay hindi nagbibigay ng mga suportang nauugnay sa kapansanan na kailangan mo. I-click dito para magbasa nang higit pa tungkol sa proseso ng mga apela at iyong mga karapatan.
10. Maaari bang magbayad ang DOR para sa aking pagsasanay sa pamamagitan ng isang pribadong paaralan?
Ang DOR ay maaari lamang mag-awtorisa ng pagsasanay sa isang pribadong unibersidad kung may isa o higit ng mga sumusunod na kondisyon:
- Ang isang pribadong paaralan ay mas mahusay na makakatugon sa iyong mga pangangailangan; o
- Ang gastos ay magiging mas mababa kaysa isang pampublikong paaralan; o
- Ang pagsasanay ay hindi makukukuha sa isang pampublikong paaralan; o
- Ang pagpasok sa isang pampublikong paaralan ay magdudulot ng malaking pagkaantala sa pagkakamit ng iyong hangarin sa pagtatrabaho.
I-click dito upang basahin ang regulasyon tungkol sa pagpopondo sa pribadong paaralan.
Kung natutugunan ang isa sa eksepsyon sa itaas, ang DOR ay magpopondo sa natitirang gastos sa iyong pagpasok kabilang ang tutition, mga libro, suplay, transportasyon at pagpapanatili sa isang pribadong kolehiyo o unibersidad pagkatapos ilapat ang iyong mga gawad na pinansiyal na tulong at mga iskolarsip.
Kung hindi mo natutugunan ang isa sa mga eksepsyon na nasa itaas, maaari mo pa ring piliing pumasok sa isang pribadong institusyon para sa iyong pagsasanay sa halip ng isang pampublikong paaralan. Gayunman, kung pinili mong pumasok sa isang pribadong institusyon, at may available na isang pampublikong paaralan na sapat upang matugunan ang mga pangangailangan ng pagsasanay, ikaw ang magiging responsable para sa anumang natitirang mga gastos na higit sa halaga ng pampublikong paaralan.
TANDAAN: May karapatan ka ring umapela sa desisyon ng DOR kung hindi ka sumasang-ayon na natutugunan ng pampublikong paaralan ang iyong mga pangangailangan. I-click dito para magbasa nang higit pa tungkol sa proseso ng mga apela at iyong mga karapatan.
11. Maaari bang magbayad ang DOR para sa aking pagsasanay sa ibang estado?
Oo. Ang DOR ay maaaring magbayad para sa iyong pagsasanay sa labas ng estado. Kung walang angkop na paaralan o kurso na makukuha sa California, o, kung ang pagpasok sa isang programang pagsasanah sa California ay magpapataw ng hindi kailangang paghihirap ang DOR ay maaaring magbayad ng buong halaga ng pribadong paaralan. I-click dito para basahin ang pederal na regulasyon tungkol sa pagsasanay sa labas ng estado.
Makakapili ka rin na pumasok sa isang akreditadong kolehiyo sa labas ng estado bilang bahagi ng inyong may-kaalamang pagpili. Gayunman, kung ang pagsasanay na kailangan mo ay makukuha sa estado, ang DOR ay maaaring magkaloob ng pagpopondo na hanggang sa halaga ng estado at ikaw ang magiging responsable para sa pagbabayad ng diperensiya.
12. Kailan maaaring itigil ng DOR ang pagbabayad para sa aking mga serbisyong pagsasanay?
Kapag natapos mo na ang iyong pagsasanay na kailangan para sa iyong hangarin sa pagtatrabaho, and DOR ay hindi na magbabayad para sa iyong pagsasanay. Maaari ring itigl ng DOR ang mga serbisyong pagsasanay dahil sa kawalan ng progreso. Kung ang programang pagsasanay ay hindi nakakatugon sa iyong mga pangangailangan, maaari mong isaalang-alang ang pakikipag-usap sa iyong tagapayo ng DOR tungkol sa pagbabago ng iyong programa. I-click dito para basahin ang regulasyon na nagpapaliwanag kung kailan maititigil ng DOR ang mga serbisyong pagsasanay.
Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon ng DOR na itigil ang iyong mga serbisyong pagsasanay, dapat kang makipag-usap sa iyong tagapayo at/o superbisor ng DOR. Kung hindi ninyo maresolba ang inyong hindi pagkakaunawaan, mayroon kang isang taon para iapela ang desisyong iyon sa pamamagitan ng isang Pagsusuring Pampangasiwaan sa Tagapangasiwa ng Distrito, Pamamagitan, at/o isang Makatarungang Pagdinig. I-click dito para matuto nang higit pa tungkol sa iyong mga karapatan sa apela.
Para humiling ng tulong sa pagresolba ng mga hindi pagkakasundo sa DOR na may kaugnayan sa mga serbisyong pagsasanay na pang-edukasyon o ibang mga isyu sa DOR, maaari kang makipag-ugnayan sa Programang Tulong sa Kliyente sa (800) 776-5746.


