Assisted Outpatient Treatment (AOT): Paanong Matatapos ang AOT

Publications
#7180.08

Assisted Outpatient Treatment (AOT): Paanong Matatapos ang AOT

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa kung papaano mong tatapusin ang iyong kautusan ng AOT.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang Assisted Outpatient Treatment, tinatawag din bilang AOT, ay utos ng korte na outpatient na panggagamot para sa mga tao na may mga kapansanan hinggil sa pag-iisip.  

Ang lathala na ito ay isang fact sheet na pinag-uusapan ang tungkol sa kung papaano mong tatapusin ang iyong kautusan ng AOT.

May karapatan ka sa isang abogado kung hihilingan ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, maaari mong hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol.

Pagkatapos kang mautusan sa AOT, may tatlong paraan na maaaring magtapos ang AOT. Maaari mong tapusin ang AOT sa pamamgitan ng pagpapakita sa isang pagdinig, o sa writ of habeas corpus, na hindi ka pa rin nagiging karapat-dapat para sa AOT, o maaaring utusang matapos ang AOT.

  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung paano kang mauutusan sa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “How You are Ordered Into AOT.”
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung karapat-dapat o hindi ka pa rin para sa AOT, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”

Humiling ng isang Pagdinig

  • Sa tuwing 60 araw, dapat magbigay ang direktor ng programa ng opisyal na pahayag (tinatawag na apidabit) na sinasabing karapat-dapat ka pa rin para sa AOT.1
  • Kung hindi ka sumasang-ayon, may karapatan kang humiling ng pagdinig ng korte tungkol sa kung karapat-dapat ka pa rin o hindi para sa AOT batay sa batas.2
  • Kailangang magpakita ang direktor ng (patunay) na karapat-dapat ka pa rin para sa AOT batay sa batas.3
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung magiging karapat-dapat ka man o hindi para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”

Maghain ng Writ of Habeas Corpus

  • Maaari kang maghain ng writ of habeas corpus kapag naniniwala ka na ilegal, o mali, na mautusan sa AOT.4
  • Sa ano mang oras na nasa AOT ka, maaari kang maghain ng writ of habeas corpus kung sa palagay mong hindi ka na karapat-dapat para sa AOT batay sa batas. Sa pagdinig ng korte, kailangang patunayan ng direktor ng programa ng AOT sa hukom na karapat-dapat ka pa rin.
  • Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung magiging karapat-dapat ka man o hindi para sa AOT batay sa batas, maaari mong basahin ang lathalang tinatawag na “Who Can Be Ordered to AOT.”

Pagtatapos ng Kautusan ng AOT

  • Ang huling paraan na maaaring matapos ang AOT ay kung ang panahon ng iyong kautusan ng korte ng AOT ay matatapos at hindi hihilingan ng direktor na utusan ka sa AOT para sa isa pang pagkakataon.

Karagdagang Impormasyon

Kung kailangan mo pa ng impormasyon o may mga katanungan maaari mong:

  • Tanungin ang iyong abogado. May karapatan ka sa isang abogado kung hinilingan (nakapetisyon) ng county ang korte para utusan ka sa AOT. Kung gusto mo ng abogado ngunit walang sapat na pera, hilingan ang hukom na bigyan ka ng pampublikong tagapagtanggol. Kailangan mo lang bayaran ang pampublikong tagapagtanggol kung mayroon kang pera.
  • Kontakin ang Patient’s Rigths Advocate ng iyong county. Para mahanap ang Patient’s Rights Advocate kung saan ka nakatira, (916) 504-5810 at humingi para sa iyong lokal na Patient’s Rights Advocate o mag-click sa link na ito: https://www.disabilityrightsca.org/post/patients-rights-advocacy-directory.
  • Tawagan ang Disability Rights California sa 1-800-776-5746.
  • 1. § 5346(h).
  • 2. § 5346(h).
  • 3. § 5346(h).
  • 4. § 5346(i).