Proteksyon at Pagtataguyod para sa mga Benepisyaryo ng Segurong Panlipunan (PABSS, Protection and Advocacy for Beneficiaries of Social Security)
Proteksyon at Pagtataguyod para sa mga Benepisyaryo ng Segurong Panlipunan (PABSS, Protection and Advocacy for Beneficiaries of Social Security)
Ang layunin ng programang PABSS ay ang magbigay sa mga benepisyaryo ng (SSI, Supplemental Security Income) at (SSDI, Social Security Disability Insurance) ng impormasyon at payo tungkol sa bokasyunal na rehabilitasyon at iba pang mga serbisyong pantrabaho.
Layunin ng Programang PABSS
Ang layunin ng programang PABSS ay ang magbigay sa mga benepisyaryo ng (SSI, Supplemental Security Income) at (SSDI, Social Security Disability Insurance) ng impormasyon at payo tungkol sa bokasyunal na rehabilitasyon at iba pang mga serbisyong pantrabaho.
Inaatas din sa programang PABSS na magbigay ng pagtataguyod at ibang mga serbisyo na kailangan ng mga benepisyaryo upang makakuha o makabalik sa kapakipakinabang na trabaho.
Mga Priyoridad ng Programang PABSS
- Mag-imbestiga at suriin ang anumang reklamo na mali o hindi sapat na mga serbisyong ibinigay sa benepisyaryong may kapansanan ng isang tagapagbigay ng serbisyo, employer, o iba pang entidad na kasali sa pagsisikap na makabalik sa trabaho ang benepisyaryo.
- Magbigay ng impormasyon at mga sanggunian sa mga benepisyaryong may mga kapansanan ng Segurong Panlipunan tungkol sa mga insentibo sa trabaho at pagtatrabaho, kabilang ang impormasyon sa uri ng mga serbisyo at tulong na makukuha upang tulungan sila na makakuha o makabalik sa kapakipakinabang na trabaho, partikular ang mga serbisyo at tulong na makukuha sa pamamagitan ng mga Samahan ng Trabaho (en, Employment Networks) sa ilalim ng programa sa Tiket sa Trabaho at Kasarinlan.
- Magbigay ng impormasyon at teknikal na tulong sa mga insentibo sa trabaho sa mga benepisyaryo na may mga kapansanan.
- Magbigay ng pagpapayo o legal na representasyon sa ngalan ng mga benepisyaryong may mga kapansanan ukol sa mga isyu sa trabaho kung ang mga ganitong serbisyo ay kinakailangan upang protektahan ang mga karapatan ng mga nasabing benepisyaryo.
- Tulungan ang mga benepisyaryong may mga kapansanan sa mga pagtatalo sa harap ng (SSA, Social Security Administration) kaugnay sa mga pasya sa programa na may kaugnayan sa trabaho.
- Magbigay ng impormasyon at teknikal na tulong sa mga ahensiya ng gobyerno, mga samahan ng trabaho (employment networks, en) at iba pang mga tagapagbigay ng serbisyo at mga organisasyon ng pagtataguyod.
- Itaguyod ang pagkilala at pagtama ng mga kakulangan sa mga entidad na nagbibigay ng serbisyo ng bokasyunal na rehabilitasyon, mga serbisyo sa trabaho at iba pang mga serbisyong pansuporta sa mga benepisyaryong may kapansanan.
Sino ang Karapat-dapat na Lumahok sa Programang PABSS?
Upang maging karapat-dapat sa PABSS, dapat ikaw ay:
- Isang indibidwal na edad 14 taon subali’t hindi pa umaabot sa ika-65 na kaarawan
- Kasalukuyang tumatanggap ng SSI, SSDI o kasabay na kwalipikado (dapat na nakakatanggap ng mga perang kabayaran).
- Dating nakatanggap ng benepisyong pera sa SSI/SSDI dahil sa isang kapansanan.
- Nakakatanggagp ngayon ng MediCal at/o 1619B o Medicare kabilang ang Medicare Bahagi D.
- Ang isyu ay dapat na may kaugnayan sa TRABAHO.
Pinag-aaralan ng SSA ang sumusunod na paglalathala para sa teknikal na kawastuhan lamang; gayunpaman, hindi ito dapat ituring na opisyal na dokumento ng SSA.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.