Perang Pampagkain para sa mga Tumatanggap ng SSI!
Perang Pampagkain para sa mga Tumatanggap ng SSI!
Sa 2019, ang mga taong kumukuha ng SSI ay makakukuha ng dagdag na pera bawat buwan para sa pagkain! Basahin sa ibaba ang higit pang impormasyon!
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Sa 2019, ang mga taong kumukuha ng SSI ay makakukuha ng dagdag na pera bawat buwan para sa pagkain! Basahin sa ibaba ang higit pang impormasyon!
Paano ako makakukuha ng dagdag na pera para sa pagkain?
Mayroong programa na tinatawag na CalFresh na dating tinatawag ng mga tao na Mga Selyo sa Pagkain (Food Stamps). Simula Hunyo 1, 2019, ang mga taong tumatanggap ng SSI ay papahintulutan na kumuha ng CalFresh.
Paano ito ginagawa?
Bibigyan ka ng CalFresh ng pera bawat buwan upang gastusin sa pagkain. Kung kwalipikado ka, bibigyan ka ng CalFresh ng espesyal na kard ng debit na tinatawag na kard na EBT na may laman na pera. Magagamit mo ang kard na EBT upang bumili ng pagkain.
Mababawasan ba ang aking pera sa SSI?
Hindi! Kung tumatanggap ka ng SSI at magsimulang tumanggap ng CalFresh, hindi dapat magbago ang iyong SSI. Nangangahulugan ito na sa CalFresh, magkakaroon ka ng pera sa kard na EBT na magagamit mo upang bumili ng pagkain. Kaya, magagamit mo ang iyong tseke sa SSI sa ibang mahahalagang mga bagay tulad ng upa.
Magkano ang makukuha kong pera sa CalFresh?
Nagdedepende ito. Kapag nag-apply ka, kakausapin ka ng kawani ng programa tungkol sa kung ilang tao ang nakatira kasama mo at magpapasya kung magkano ang matatanggap mong pera sa CalFresh. Maaari kang makakuha ng higit sa $100 kada buwan para sa pagkain!
Paano naman ang aking pamilya?
Kung tumatanggap na ang iyong pamilya ng CalFresh, ang kabuuang CalFresh na matatanggap mo at ng iyong pamilya ay maaaring madagdagan o mabawasan. Dapat mong kausapin ang kawani ng programa para sa karagdagang impormasyon.
Paano kung mababawasan ang mga benepisyo ng aking pamilya?
Kung kwalipikado ang iyong pamilya para sa CalFresh bago ang Hunyo 1, 2019, at mababawasan ng iyong pera sa SSI ang kanilang mga benepisyo, tatasahin ang iyong pamilya para sa mga programang tinatawag na Mga Benepisyo sa Dagdag o Transisyunal na Nutrisyon (Supplemental or Transitional Nutrition Benefits). Ang perang ito ay para sa mga taong naninirahan kasama ng isang taong tumatanggap ng SSI at tumatanggap ng CalFresh bago naging kwalipikado ang tumatanggap ng SSI. Kung mababawasan o matatanggal ng tumatanggap ng SSI ang mga benepisyo, ang mga county ay magbibigay sa sambahayan ng dagdag na pera para sa pagkain sa pamamagitan ng Mga Programa sa mga Benepisyo sa Dagdag o Transisyunal na Nutrisyon.
Ang mga Benepisyo sa Dagdag o Transisyunal na Nutrisyon ay para lamang sa mga sambahayan na tumatanggap ng CalFresh bago ang Hunyo 1, 2019, kung kaya sa tingin mo na ang mga tao sa iyong sambahayan ay maaaring kwalipikado na tumanggap ng CalFresh at hindi pa tumatanggap, pag-apply-in mo na sila ng CalFresh bago ang Hunyo 1, 2019 upang matiyak na magiging kwalipikado sila para sa mga programang ito.
Paano ako mag-a-apply?
Maaari kang mag-apply online, sa telepono o sa personal!
Upang mag-apply online, pumunta sa: https://www.getcalfresh.org/?source=cdss
Narito ang website na may mga tanggapan ng county: http://www.cdss.ca.gov/County-Offices
Ang numero ng telepono ay 1-877-847-3663
Tumatanggap ako ng CAPI. Ano pang ibang magbabago para sa akin?
Ang mga taong tumatanggap ng CAPI (na nangangahulugan na Programa sa Tulong na Pera para sa mga Mandarayuhan (CAPI, Cash Assistance Program for Immigrants)) ay makakukuha ng dagdag na $10 kada buwan para sa isang indibiduwal at $20 para sa isang mag-asawa na nasa CAPI.