Papel ng Katotohanan sa Diskriminasyon laban sa Kapansanan: Mga Serbisyong Binibigay ng Amtrak
Papel ng Katotohanan sa Diskriminasyon laban sa Kapansanan: Mga Serbisyong Binibigay ng Amtrak
Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga patakaran ng Amtrak para sa mga taong may mga kapansanan. Ang mga patakaran ay tungkol sa pag-access sa mga istasyon, tren at iba pang mga serbisyo. Kung hindi susundin ng Amtrak ang mga patakaran, sasabihin sa iyo ng pub na ito kung ano ang gagawin.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga patakaran ng Amtrak para sa mga taong may mga kapansanan. Ang mga patakaran ay tungkol sa pag-access sa mga istasyon, tren at iba pang mga serbisyo. Kung hindi susundin ng Amtrak ang mga patakaran, sasabihin sa iyo ng pub na ito kung ano ang gagawin.
Mga Patakaran ng Amtrak para sa mga Pasaherong may mga Kapansanan
Ipinaskil ng Amtrak ang sumusunod na Patakaran sa Walang Diskriminasyon sa website nito:
- Alinsunod sa pang-estado at pederal na mga batas at regulasyon, kabilang ang Batas sa Mga Amerikanong May mga Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act), ipinagbabawal ng Amtrak ang diskriminasyon batay sa kapansanan sa mga programa, serbisyo, at aktibidad nito para sa publiko.
- Malugod na tinatanggap ng Amtrak ang mga kustomer na may mga kapansanan at nalulugod na magbigay ng karagdagang serbisyo (nang walang dagdag na singil) para sa naturang mga pasahero (tulad ng serbisyo sa pagkain sa upuan o sa silid o tulong sa pagsakay).
Ipinaskil din ng Amtrak ang mga partikular na patakaran kaugnay sa mga pasaherong may mga kapansanan. Kabilang dito ang:
- Mga Serbisyo sa Accessible na Paglalakbay
https://www.amtrak.com/planning-booking/accessible-travel-services/making-reservations-for-passengers-with-a-disability?content=MakingReservationsforPassengerswithaDisability - Accessibility ng Istasyon
https://www.amtrak.com/planning-booking/accessible-travel-services/station-accessibility?content=StationAccessibility - Paglakbay kasama ng Kasamahan/Katulong
https://www.amtrak.com/planning-booking/accessible-travel-services/accessible-travel-with-companion-attendant?content=TravelingwithaCompanion/Attendant - Mga Serbisyo sa De-gulong na Kagamitan sa Pagkilos
https://www.amtrak.com/planning-booking/accessible-travel-services/wheeled-mobility-device-services?content=WheeledMobilityDeviceServices - Kagamitan sa Oxygen
https://www.amtrak.com/planning-booking/accessible-travel-services/use-of-oxygen-equipment?content=OxygenEquipment - Katulong na mga Hayop
https://www.amtrak.com/planning-booking/accessible-travel-services/service-animals?content=ServiceAnimals - Serbisyo sa Pagkain para sa mga Pasaherong May mga Kapansanan
https://www.amtrak.com/planning-booking/accessible-travel-services/meal-services-for-passengers-with-a-disability?content=MealServiceforPassengerswithaDisability - Mga Kahilingan sa Accessible na Paglalakbay
https://www.amtrak.com/planning-booking/accessible-travel-services/accessible-travel-request?content=AccessibleTravelRequests
Mga Batas sa Diskriminasyon laban sa Kapansanan
Ipinagbabawal ng Titulo II ng Batas sa Mga Amerikanong May mga Kapansanan (ADA, Americans with Disabilities Act) at Seksyon 504 ng Batas sa Rehabilitasyon ng 1973 (Section 504 of the Rehabilitation Act of 1973) ang mga pampublikong entidad mula sa pagdiskrimina laban sa mga taong may mga kapansanan batay sa kapansanan. Partikular na kabilang sa Titulo II ang Amtrak bilang saklaw ng pampublikong entidad, na nangangahulugan na ito ay saklaw din sa ilalim ng Seksyon 504. Gayunpaman, hindi katulad ng karamihan sa pampublikong mga entidad, na napailalim sa mga regulasyong ginawa ng Kagawaran ng Katarungan, ang Amtrak ay pinangangasiwaan ng mga regulasyong ginawa ng Kagawaran ng Transportasyon. Depende sa ruta ng tren, ang mga pang-estadong batas sa diskriminasyon tulad ng Batas sa Sibil na mga Karapatan ng Unruh (Unruh Civil Rights Act) ay maaaring naaangkop din.
Mga Administratibong Pagdaing
Kung naniniwala ka na ang Amtrak ay nagdiskrimina laban sa iyo batay sa kapansanan, maaari kang magsampa ng pagdaing sa Amtrak o sa Tanggapan ng Sibil na mga Karapatan ng Pederal na Pangangasiwa ng Riles (FRA, Federal Railroad Administration)
Maaari kang makipag-ugnayan sa tagapag-ayos ng ADA ng Amtrak upang magtanong o magsampa ng reklamo. Ang impormasyon sa kung paano makipag-ugnayan sa Tagapag-ayos ng ADA ay nandito: https://www.amtrak.com/non-discrimination-policy.
Ang Tanggapan ng Sibil na mga Karapatan ng FRA ay isang ahensiya na responsable para sa pagpapatupad ng mga regulasyon ng walang diskriminasyon ng Kagawaran ng Transportasyon sa mga riles. Mahahanap mo ang mga tagubilin sa pagsampa ng reklamo sa FRA dito:
https://www.fra.dot.gov/Page/P0578.
Paglilitis
Ang mga paglabag sa mga batas na tinalakay sa itaas ay maaari ring ipatupad sa pamamagitan ng mga pribadong kaso. Mangyaring malaman na hinihigpitan ng mga kautusan sa mga limitasyon ang takdang panahon para sa pagsampa ng kaso, at maaari kang mawalan ng paghahabol kung hindi ka kikilos sa loob ng naaangkop na kautusan sa mga limitasyon. Maaari ka ring atasan na magsampa ng reklamo sa ilalim ng Pederal na Batas sa Paghahabol sa Paglabag sa Karapatan (Federal Tort Claims Act) sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng dikriminasyon, bago magsampa ng reklamo para sa pagkasira sa korte. Mahalagang talakayin ang mga huling petsa na ito sa iyong abogado kung ikaw ay nag-iisip na magsampa ng kaso laban sa Amtrak.