Pagbabago-Edad ng Kabataan at Social Security – Ang Student Earned Income Exclusion
Pagbabago-Edad ng Kabataan at Social Security – Ang Student Earned Income Exclusion
Sa publikasyong ito matututunan mo ang tungkol sa Pagbubukod ng Nakuha ng Mag-aaral at kung paano ito makakatulong.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
KATANUNGAN: Ano ang Student Earned Income Exclusion at paanong makatutulong iyon sa akin?
Ang Student Earned Income Exclusion (SEIE) ay isang babawasin ng espesyal na kita sa trabaho para sa mga estudyante na tumatanggap ng SSI at kumikita habang pumapasok sa eskuwela. Sa pamamagitan ng Student Earned Income Exclusion, pinapahintulutan ng Social Security ang mga estudyante na panatilihin pa ang kanilang tseke ng SSI, patuloy na kumuha ng mga klase, at sa gayong paraan ay mapabubuti ang mga kalalabasan ng kanilang trabaho sa hinaharap.
Sa 2017, kung tumatanggap ka ng mga benepisyo ng SSI, ay mababa sa edad 22, at regular na pumapasok sa eskuwela, ganap na babalewalain ng Social Security ang hanggang $1,790 kada buwan ng iyong kita sa trabaho. Ang pinakamalaking taunang hindi pagsama ay $7,200. Ang halagang hindi kasama ay itinatama sa bawat taon ng kalendaryo.
Isasaalang-alang ka ng Social Security na maging “regular na pumapasok sa iskuwela” kung kumukuha ka ng isa o higit pang mga kurso ng pag-aaral at pumapasok sa mga klase: sa isang kolehiyo o unibersidad nang hindi bababa sa 8 oras kada linggo; o sa mga grade 7–12 nang hindi bababa sa 12 oras kada linggo; o sa isang kurso ng pagsasanay para maghanda sa trabaho nang hindi bababa sa 12 oras kada linggo (15 oras kada linggo kung kinabibilangan ang kurso ng pagsasanay sa shop), o
- pumapasok sa mga klase: sa isang kolehiyo o unibersidad nang hindi bababa
- sa 8 oras kada linggo; o sa mga grade 7–12 nang hindi bababa sa 12 oras kada
- linggo; o sa isang kurso ng pagsasanay para maghanda sa trabaho nang hindi bababa sa 12 oras kada linggo (15 oras kada linggo kung kinabibilangan ang kurso ng pagsasanay sa shop), o
- para sa mas kaunting oras na ipinahiwatig sa itaas para sa mga dahilan na lampas sa kontrol ng estudyante, tulad ng karamdaman.
Kung nag-iiskuwela ka sa bahay dahil sa isang kapansanan, maaari kang ituring na “regular na pumapasok sa eskuwela” sa pamamagitan ng pag-aaral ng kurso o mga kursong ibinigay ng isang paaralan (mga grade 7–12), kolehiyo, unibersidad o ahensya ng gobyerno, o pagkakaroon ng bisita sa bahay o tagapagturo na mangangasiwa sa pag-aaral.
Kung nag-iiskuwela ka sa bahay ayon sa pinili (iimbes na sanhi sa isang kapansanan o karamdaman) maaari kang maituring na regular na pumapasok sa eskuwela kung tinuturuan ka sa bahay sa mga grade 7-12 nang hindi bababa nang 12 oras kada linggo. Ang tagubilin ng iyong eskuwela sa bahay ay dapat naaalinsunod sa mga batas ng eskuwela sa bahay ng iyong estado.
Kung makikilahok ka sa isang online na programa ng edukasyon maaari kang ituring na estudyanteng regular na pumapasok sa eskuwela kung mag-aaral ka ng mga kursong ibinibigay ng isang online na eskuwela sa mga grade 7-12, isang kolehiyo o unibersidad, o isang ahensya ng gobyerno; at pinapahintulutan ang online na eskuwela ng mga batas ng estado kung saan matatagpuan ang online na eskuwela.
Narito kung paanong gumagana ang Student Earned Income Exclusion (SEIE):
- Kung makatatanggap ka ng SSI at magsisimula kang magtrabaho, dapat mong iulat ang iyong mga suweldo sa Social Security. May mangilan-ngilang paraan na magagawa mo ito. Kontakin ang iyong lokal na Proyekto ng WIPA para sa tulong!
- Kung matutugunan mo ang mga kuwalipikasyong inilarawan sa itaas, tanungin ang Social Security kung karapat-dapat ka para sa Student Earned Income Exclusion. Kailangan mong magpakita ng ilang uri ng patunay na ikaw ay isang estudyante tulad ng isang ID ng estudyante, resibo ng tuition, o isang sulat mula sa iyong eskuwela. Siguraduhin na madadala ang pangalan at address ng eskuwela na pinapasukan mo.
- Kung karapat-dapat ka para sa SEIE, ganap na babalewalain ng Social Security ang hanggang sa $1,790 ng iyong mga suweldo sa isang buwan hanggang sa punto na maubos ang iyong buong taon ng kalendaryo ng eksklusyon na $7,200.
- Kung matutugunan mo ang mga kuwalipikasyong inilarawan sa itaas, tanungin ang Social Security kung karapat-dapat ka para sa Student Earned Income Exclusion. Kailangan mong magpakita ng ilang uri ng patunay na ikaw ay isang estudyante tulad ng isang ID ng estudyante, resibo ng tuition, o isang sulat mula sa iyong eskuwela. Siguraduhin na madadala ang pangalan at address ng eskuwela na pinapasukan mo.
- Kung karapat-dapat ka para sa SEIE, ganap na babalewalain ng Social Security ang hanggang sa $1,790 ng iyong mga suweldo sa isang buwan hanggang sa punto na maubos ang iyong buong taon ng kalendaryo ng eksklusyon na $7,200.
Para sa karamihan ng estudyanteng nakakukuha ng SSI, gamit ang Student Earned Income Exclusion ay nangangahulugan na WALA sa mga suweldo na kanilang kinita ay nabibilang at hindi talaga binabawasan ang tseke ng SSI! Ito ay isang tunay na bentahe para sa mga kabataang tumatanggap ng SSI na nagtatrabaho habang pumapasok sila sa eskuwela!
Ang lahat ng serbisyo ay libre Kontakin ang WIPA sa 888-768-7085