Pag-unawa sa Batas na Lanterman-Petris-Short (LPS)
Pag-unawa sa Batas na Lanterman-Petris-Short (LPS)
Bago ang 1967, ibang-iba ang itsura ng sistema ng kalusugan ng isip sa California kaysa ngayon. Maraming pang mga indibidwal na may kapansanan sa kalusugan ng isip ang nakatira sa mga ospital ng estado at malalaking pasilidad, madalas nang mahahabang mga panahon ng kanilang buhay. Pagkatapos, naipasa ng California ang Batas na Lanterman-Petris-Short [Kodigo ng Kapakanan at mga Institusyon (Welfare and Institutions Code) mga Seksyon 5000 et seq.] Ipinangalan sa mga may-akda nito, ang miyembro ng Batasang Pang-estado na si Frank Lanterman at mga senador ng Estado ng California na sina Nicholas C. Petris at Alan Short, hinangad ng Batas na LPS na “wakasan ang hindi angkop, walang katiyakan, at hindi kusang pagpapasok ng mga taong may mga sakit sa kalusugan ng isip.” Itinatag din nito ang karapat sa agarang pagsusuri at paggamot sa sakit sa isip sa ilang mga sitwasyon, at nagtakda ng mahigpit na mga proteksyon sa angkop na pamamaraan para sa mga kliyente ng kalusugan ng isip.