Paano Tumugon sa mga Karaniwang Dahilan sa Pagtanggi sa SLS at Ano ang Hihilingin sa mga Potensyal na Ahensya ng SLS

Publications
#7133.08

Paano Tumugon sa mga Karaniwang Dahilan sa Pagtanggi sa SLS at Ano ang Hihilingin sa mga Potensyal na Ahensya ng SLS

Ang mga suportadong serbisyo sa pamumuhay (tinatawag ding SLS) ay tumutulong sa mga taong may kapansanan na manirahan sa kanilang sariling tahanan. Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa uri ng mga serbisyong makukuha mo at kung sino ang karapat-dapat para sa kanila. Ipinapaliwanag nito kung ano ang gagawin kung hindi sila ibibigay sa iyo ng sentrong pangrehiyon o babaguhin ang mga ito. Nagbibigay ito ng mga katanungang itatanong kapag pumipili ng taong magbibigay sa iyo ng mga serbisyo. Sinasabi nito sa iyo kung paano makakuha ng tulong.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Sinusuporthan ng supported living services (tinatawag ding SLS) ang mga taong may kapansanan para mamuhay sa kanilang sariling bahay o apartment.  Hinahayaan ng SLS ang mga taong may kapansanan na makakuha ng mga serbisyo na natutugunan ang kanilang partikular ng mga pangangailangan.

Binago ang batas noong 2011 bilang bahagi Budget Trailer Bill. Ngayon, mayroon ng set ng mga katanungan na dapat mong sagutan at ng koponan ng iyong IPP para makakuha ng SLS.  Tutulungan ka ng mga katanungang ito na magpasya kung anong mga uri ng mga serbisyo ang maaaring kailangan mo.  Ang form na may mga katanungang ganito ay matatagpuan sa website ng DDS dito, http://www.dds.ca.gov/SLS/docs/DDS_SLS_StdAssmtQuestionnaire.pdf.

Para sa higit na impormasyon sa SLS at mga pagbabago sa batas, mangyaring tingnan ang Kabanata 7 ng “Rights Under the Lanterman Act” sa Living Arrangements for Adults and Children (Usapan sa Paninirahan ng mga May Sapat na Gulang at Bata ay matatagpuan dito, https://www.disabilityrightsca.org/publications/intellectual-developmental-disabilities/rights-under-the-lanterman-act-manual-rula.

Anu-anong serbisyo ang makukuha ko sa pamamagitan ng SLS?

Ang bawat plan ng SLS ay iba-iba sa bawat isang tao.  Gayunman, narito ang mga halimbawa ng mga suporta na maaari mong makuha sa SLS:

  • Mga tipikal na gawaing bahay para panatilihing malinis at ligtas ang bahay;
  • Tumulong sa iyong personal na pangangalaga;
  • Tutulungan kang lumabas sa iyong kapitbahay at makilahok sa komunidad;
  • Makakilala ng mga bagong tao;
  • Matuto ng mga kasanayan para makapagtrabaho ka

Hindi inililista ng batas ang lahat ng mga serbisyo na maaaring ibigay ng SLS.  Dahil ito’y ipinapalagay ng magbabago ang SLS habang nagbabago ang iyong mga pangangailangan. 

Sino ang maaaring makakuha ng SLS?

Para makakuha ng SLS, ikaw dapat ay 18 taong gulang man lang, hilingin ito sa pulong ng iyong IPP, at manarihan sa isang bahay o isang apartment.1

Paano kung sasabihing hindi ng sentrong pangrehiyon?

Ginawa nitong mahirap sa mga tao ng ilang sentrong pangrehiyon para makakuha ng SLS.  Narito ang mga paraan para tumugon sa ilang pagtanggi ng sentrong pangrehiyon.

1.   Ang SLS ay hindi para sa mga tang nangangailangan ng mga serbisyo nang 24 na oras kada araw.  

Walang batas na nagsasabing hindi ka makakukuha ng SLS kung kailangan mo ng mga serbisyo para sa 24 na oras kada araw.  Ang pagtanggi sa SLS sa kadahilanang ito ay nilalabag ang layunin ng batas. 2

Sa isang kaso, inaprobahan ng isang hukom ang kahilingan para sa 24-na oras na SLS.  Sinabi ng hukom na makakukuha ang tao ng SLS “nang kasing dalas hangga’t kailangan ito.”3

2.   Sobrang malala ang iyong mga pangangailangan

Hindi ka maaaring tanggihan ng mga sentrong pangrehiyon ng SLS dahil sa kalalaan ng iyong kapansanan.  Ipinapalagay na pagsisilbihan ng SLS ang iyong mga partikular na pangangailangan.  Wala ding mga limit sa halaga ng mga serbisyo ng iyong SLS.  Gayunman, ang mga serbisyo at suporta ay dapat maging “cost effective (matipid).”

Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung ano ang “cost-effective,” basahin ang Rights Under the Lanterman Act, Chapter 7.

3.   Sobrang mahal ng SLS para sa iyo. 

Ang SLS ay dapat maging cost-effective ngunit ang mga serbisyo at dapat natutugunan pa rin ang iyong mga pangangailangan.  Hindi maaaring halaga lang ang dahilan.  Ang kalidad ng mga serbisyo at kung ano ang mas gusto mo ay dapat ding isaalang-alang.  Para sa higit na impormasyon tungkol sa kung ano ang itinuturing na “cost-effective,” basahin ang aming publikasyon sa Rights Under the Lanterman Act, Chapter 7.

4.   Hindi para sa iyo ang SLS kung hindi mo mapangangasiwaan ang iyong sariling pangangalaga.

Ang mga tao sa SLS ay may karapatang gumawa ng sarili nilang mga kagustuhan at pangasiwaan ang sarili nilang pangangalaga.  Ang mga karapatang ito ay hindi nagdaragdag ng mga ekstrang pangangailangan para makakuha ka ng SLS.  Ang taong nasa SLS ay maaaring piliing gamitin ang ilan sa kanilang mga karapatan at hindi gamitin ang iba, tulad ng kung anong damit ang isusuot o kung sinong mga kaibigan ang makikita.   Maaari kang makakuha ng tulong sa mga kagustuhan at karapatan na ito.

5.   Ang isang panggrupong bahay ay magiging mas mainam para sa iyo.

Sa ilan, dahil sa mga indibidwal na pangangailangan, ang panggrupong bahay ay hindi pinakamainam na akma.  Pinapahintulutan ng SLS ang mga taong may mga kapansanan na magkaroon ng bahay na may mga serbisyo na partikular para sa kanila.  Maaari kang makakuha ng mga serbisyo sa isang panggrupong bahay, ngunit magkaiba ito sa pagkakaroon ng sarili mong bahay. 

6.   Hindi ka pa handang mamuhay mag-isa nang may SLS.

Ang desisyon tungkol sa kung “handa” ka nang mamuhay sa iyong sariling bahay ay hindi para sa sentrong pangrehiyon para magdesisyon.  Magpapasya ka kung handa ka na.  Kung pipili ka, maaari ka ring makakuha ng mga ideya mula sa iyong pamilya.  Kung may mga kasanayan na gusto o kailangan mo, maaari mong matutunan ang mga iyon habang tumatanggap ng SLS.  Maaari ka ring makipagtulungan sa iyong provider sa isang plan para tulungan kang maghanda at maging handang mamuhay sa iyong bahay.

7.   Ang magulang o tagapag-ingat ang humihingi para sa SLS, hindi ang consumer.

Hindi lamang ikaw ang makahihingi para sa SLS.  Maaaring humingi ang isa pang tao para sa iyo.  Maaaring humingi ng SLS ang isang consumer nang direkta o sapamamagitan ng iba pang tao.

8.   Hindi ka makatatanggap ng SLS kung naninirahan ka kasama ng miyembro ng pamilya. 

Oo, makatatanggap ka lang ng SLS kung naninirahan ka sa isang bahay na sarili o inuupahan mo.  Kung ikaw ay nakatira sa isang miyembro ng pamilya, hindi ka makakakuha ng mga serbisyo na tinatawag na “SLS.”  Gayunman, kailangan pa ring ibigay ng sentrong pangrehiyon ang parehong uri ng mga suporta na nakalaan sa pamamagitan ng SLS.4  Kailangang gumamit ang sentrong pangrehiyon ng magkaibang pangalan para sa mga serbisyong iyon.  Maaari silang tawaging mga serbisyo ng tagapaglingkod, mga serbisyo ng malayang pamumuhay, depende sa kung ano ang kailangan mo. 

9.   Kailangan mong magkaroon ng kasama sa kuwarto.

Hindi mo kailangang magkaroon ng kasama para makakuha ng SLS.  Para sa higit na impormasyon sa pagkakaroon ng kasama sa kuwarto, mangyaring basahin ang aming publikasyon sa Rights Under the Lanterman Act, Chapter 7.

10.   Hindi nakalaan ang SLS sa lugar.

Sinasabi ng batas na kailangang maglaan ang mga sentrong pangrehiyon tulad ng SLS sa iyong komunidad.5  Kailangan ding ibigay ng mga sentrong pangrehiyon ang mga serbisyong kailangan mo.  Kung sasabihing hindi ng sentrong pangrehiyon o hindi nila maibibigay ang mga serbisyo, maaari mong iapela ang desisyon.  Para sa higit na impormasyon sa pag-apela sa desisyon ng sentrong pangrehiyon, tingnan ang Rights Under the Lanterman Act, Chapter 12: Ang mga hindi pagkakasundo sa mga Sentrong Pangrehiyon at Developmental Centers, ay matatagpuan dito, https://www.disabilityrightsca.org/publications/intellectual-developmental-disabilities/rights-under-the-lanterman-act-manual-rula.

11.    Gustong baguhin ng sentrong pangrehiyon ang iyong SLS.

Kung gustong baguhin ng iyong sentrong pangrehiyon ang iyong SLS, kailangan nitong gawin ang dalawang bagay:

  1. Magkaroon ng pulong ng IPP ngunit dapat kang sumang-ayon sa pagbabago; o
  2. Bigyan ka ng abiso nang nakasulat.

Dapat kang bigyan ng sentrong pangrehiyon ng abiso 30 araw bago mag-umpisa ang pagbabago.  Dapat ding ibigay sa abiso ang sumusunod na impormasyon: 

  1. Ang aksyon na gagawin ng sentrong pangrehiyon;
  2. Ang dahilan para sa aksyon;
  3. Kailan magsisimula ang pagbabago; at
  4. Ang batas na sumusuporta sa aksyon.

Kung hindi ka sasang-ayon sa sentrong pangrehiyon at gustong manatiling pareho ang iyong serbisyo hanggang sa pagdinig, dapat kang humingi ng isang patas na pagdinig sa loob nang 10 araw ng pagkakatanggap sa abiso.  Kung hindi, dapat kang umapela sa loob nang 30 araw.

Pagpili ng ahensya ng SLS – Mga Itatanong Kapag Pumipili ng Ahensya ng SLS.

(Hinango na may pahintulot mula sa State Council on Developmental Disabilities, dating Area Board 4)

Magandang balita, inaprobahan ng iyong sentrong pangrehiyon ang iyong kahilingan para sa SLS!  Ngayon, narito ang mga katanungan na maaari mong itanong kapag pumipili ng ahensyang sumusuporta sa pamumuhay.  Matutulungan ka ng mga katanungang ito na magpasya kung aling ahensya ang makapagbibigay sa iyo sa uri ng suporta na kailangan mo.

Tungkol sa Ahensya:

  1. Paano mo akong matutulungang mamuhay sa sarili kong bahay?
  2. Anu-anong serbisyo ang ibinibigay mo?
  3. Gaanong katagal na makapagsisimula kang magtrabaho sa akin?

Tungkol sa Kawani:

  1. Sinu-sinong mga tao ang tutulong sa akin?
  2. Maaari ko bang piliin ang mga tao na gusto kong magtrabaho sa akin?
  3. Kung kailangan ko ng tulong sa gabi o mga araw na walang pasok, sino ang tatawagan ko?
    Paano mo akong matutulungan na maging isang bahagi ng aking komunidad?

Kaugnayan ng Komunidad:

  1. Paano mo akong matutulungan na maging isang bahagi ng aking komunidad?
  2. Gusto kong gumawa ng iba’t ibang bagay tulad ng (bilang halimbawa, sumayaw, mag-alaga ng mga hayop). Paano mo akong matutulungang gawin ito?

Mga inaasahan:

  1. May itinigil ka na bang mga serbisyo ng suporta para sa isang tao?  Bakit?
  2. Ano ang inaasahan mo sa akin?

Pakikipag-ugnayan sa Iba:

  1. Gaanong karaming ibang tao ang tinutulungan ng iyong ahensya?
  2. Maibibigay mo ba sa akin ang mga pangalan at numero ng telepono ng mga tao na iyong natulungan para makausap ko sila?

Pagpapasya:

  1. May iba pa bang bagay na dapat kong malaman tungkol sa iyong ahensya?
  2. May iba pa bang kailangan mo tungkol sa akin? 
  3. Gaanong katagal na makapagdedesisyon ka kung makapagtatrabaho ka sa akin?

Pagkatapos ng Pulong:

  1. Ano ang nagustuhan mo tungkol sa ahensya?
  2. Ano ang hindi mo nagustuhan tungkol sa ahensya? 
  3. Nagustuhan mo ba ang mga taong nakausap mo? 
  4. Mayroon ka pa bang ibang katanungan na gusto mong itanong sa kanila?
  • 1. Cal. Code Regs., tit. 17, § 58613(a)(1).
  • 2. Cal. Welf. & Inst. Code § 4689(a)(8); Cal. Code Regs., tit. 17 § 58613(b).
  • 3. In the Matter of Karl B., v. Alta California Regional Center, OAH No. 2012040640, Pebrero 20, 2013.
  • 4. Sa J.K. v. OAH, ang California Court of Appeals ay nagpasya na ang sentrong pang-rehiyon ay maaaring tanggihan ang kahilingan para sa SLS dahil ang mamimili ay naninirahan sa isang magulang. Gayunpaman, ang Korte ay nagpasiya na ang mamimili ay maaaring makatanggap ng mga serbisyo at suporta na katulad ng SLS kahit na nakatira siya sa tahanan kasama ng magulang. Dapat tandaan na ang desisyon ng Korte ay hindi nai-publish, na nangangahulugang ang ibang mga hukuman ay hindi kailangang pagpapasya ng parehong desisyon sa mga katulad na kaso. J.K. v. Office of Administrative Hearings (Cal. Ct. App., Nob. 30, 2004, No. E034431) 2004 WL 2713269, sa *1, bilang binago sa pagtanggi ng reh'g (Dis. 27, 2004).
  • 5. § 4648(a)(1).