Mga Panuntunan ng Segurong Panlipunan para sa Pagtuturing ng Kita mula sa mga Magulang sa isang Anak na may Kapansanan upang Tukuyin kung ang Bata ay Karapat-Dapat para sa SSI at, kung gayon, ang Halaga
Mga Panuntunan ng Segurong Panlipunan para sa Pagtuturing ng Kita mula sa mga Magulang sa isang Anak na may Kapansanan upang Tukuyin kung ang Bata ay Karapat-Dapat para sa SSI at, kung gayon, ang Halaga
Sinasabi sa iyo ng pub na ito ang tungkol sa mga panuntunang "pagpapalagay". Nangangahulugan ito na bahagi ng kita at mga mapagkukunan ng magulang na binibilang laban sa kanilang anak sa pagpapasya sa pagiging karapat-dapat sa SSI at halaga ng benepisyo. Tinutulungan ka ng pub na ito na malaman kung paano binibilang ng SSI ang iyong kita. Nagbibigay ito ng mga halimbawa. Sinasabi nito sa iyo kung paano iulat ang iyong kita.
Sa pangkalahatan, ang kita at mga mapagkukunan ng magulang ay "itinuturing," o ipinagpalagay, sa isang anak na tumatanggap ng Pandagdag na Kita sa Seguro (SSI, Supplemental Security Income). Nangangahulugan ito na bahagi ng kita at mga mapagkukunan ng magulang ay ibibilang laban sa anak sa pagtukoy kung ang bata ay karapat-dapat o hindi para sa SSI. Ang paglalathalang ito ay nagpapaliwanag sa mga patakaran ng pagtuturing, partikular, upang matukoy kung magkano sa kita ay itinuturing mula sa mga magulang sa batang may kapansanan at kung paano matukoy kung ang kapansanan ng bata ay kwalipikado para sa anumang SSI.
Bago pumunta sa aktwal na mga pamamaraan sa pagkalkula ng kung magkano sa kita ng magulang ay itinuturing at kung magkano ang maaaring makuhang SSI ng isang bata, kailangan mong maunawaan ang sistema ng "Nagdaang Buwanang Accounting" (“Retrospective Monthly Accounting”) ng Segurong Panlipunan (Social Security) at ang iyong mga obligasyon sa pag-uulat. Binibilang lamang ng Segurong Panlipunan ang kita at mga mapagkukunan ng magulang kung kanino kasamang nakatira ang batang SSI. Hindi binibilang ng Segurong Panlipunan ang kita o mga mapagkukunan ng isang magulang kung kanino hindi kasamang nakatira ang batang SSI. Ang kita ng isang panguman (step-parent) kung kanino kasamang nakatira ang batang SSI ay binibilang.1
Nagdaang Buwanang Accounting
Gumagamit ang Segurong Panlipunan ng nagdaang buwanang accounting sa panahon ng pagiging karapat-dapat sa SSI. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon (C.F.R., Code of Federal Regulations) Seksyon 416.420. Nangangahulugan ito na ang kitang natanggap sa isang buwan ang tutukoy sa halaga ng SSI sa dalawang buwan na susunod. Halimbawa, naaapektuhan ng kita na natanggap sa Enero ang halaga ng tseke ng SSI sa Marso. Gayunpaman, kung ang kita ay masyadong mataas sa isang buwan upang maging kuwalipikado para sa anumang SSI, sususpendihin ang SSI para sa buwan na iyon. Kaya, kung ang kita noong Enero ay napakataas na ang inyong anak ay hindi na karapat-dapat para sa SSI, suspendido ang SSI sa Enero. Ang iyong anak ay may karapatan sa awtomatikong pagkabalik nang hindi kinakailangan ng bagong aplikasyon kung ang inyong kita ay sapat na mababa para sa inyong anak upang maging kuwalipikado para sa SSI sa alinman sa mga kasunod na 11 buwan.2 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1323(b). Kung patuloy ang 12 buwan na hindi bumababa nang sapat ang inyong kita upang ang inyong anak ay maging kuwalipikado para sa anumang SSI, ang suspensyon ay magiging terminasyon. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1335. Kapag ang inyong anak ay natigil, kailangan ninyong maghain ng isang bagong aplikasyon para sa inyong anak upang makakuha muli ng SSI.
Mga Obligasyon sa Pag-uulat ng Pagbabago sa Kita ng mga Magulang
Upang maisagawa ang "Nagdaang Buwanang Accounting", may patakaran ang Segurong Panlipunan na nagsasaad na dapat ninyong ipaalam sa Segurong Panlipunan sa ika-10 ng buwan kasunod ng buwan na may pagbabago sa iyong kita. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.708(c), 416.714.3 Kung ang inyong kita nang Enero ay higit pa o mas mababa kaysa sa inyong kita nang Disyembre, dapat ninyong iulat ang pagbabago nang sa gayon ay alam ng Segurong Panlipunan ang tungkol dito sa ika-10 ng Pebrero - mas mainam kung sa ika-5. Hindi mo kailangang gumawa ng anumang ulat kung ang kita nang Enero ay parehong sa inyong kita nang Disyembre. Kapag natanggap ng Segurong Panlipunan ang inyong ulat ng pagbabago ng kita para sa Enero, dapat na ipasok ng Segurong Panlipunan ang nagbagong impormasyon sa kompyuter upang ang inyong tsekeng SSI sa Marso ay tataas o bababa upang ipakita ang pagbabago sa inyong kita nang Enero.
Isinama namin ang isang halimbawang ulat ng pagbabago ng kita upang matulungan kayong matugunan ang inyong mga obligasyon sa pag-uulat. Ipinapayo namin na inyong bahagyang punan ang form ng pag-uulat sa pamamagitan ng pagsulat ng address ng inyong tanggapan ng Segurong Panlipunan at ang lahat ng impormasyon pagkatapos ng "re." Pagkatapos, gumawa ng maraming kopya ng bahagyang napunang form.
Bawat buwan kung saan nagkaroon ng pagbabago sa kita, isulat mo ang petsa na inyong pinipirmahan ang form, ang buwan na inyong inuulat, at ang impormasyon tungkol sa kita sa ibaba. Pagkatapos ay lagdaan ang form. Isang magulang lamang ang kailangang lumagda sa form ng pag-uulat. Maaaring gumawa ng kopya ng napunang form o punan ang pangalawang form bilang kopya para maitabi ninyo. Maglakip ng mga kopya ng anumang pahayag ng sahod o tseke sa form ng pag-uulat na inyong ipapadala sa Segurong Panlipunan. Maglakip ng mga orihinal sa mga kopya na inyong itinatabi para sa inyong file. Huwag magpadala ng inyong orihinal na pahayag ng sahod sa Segurong Panlipunan, mga photocopy4 lamang. madalas nawawala ng Segurong Panlipunan ang mga bagay na ipinadala sa pamamagitan ng koreo. Itabi ang orihinal na mga pahayag ng sahod at tseke na nakalakip sa inyong kopya ng form ng pag-uulat para maaaring masuri ng Segurong Panlipunan ang mga orihinal sa panahon ng inyong taunang pagrepaso. Sa ulat ng pagbabago ng kita na inyong itatabi, isulat ang petsa na inilagay mo ang sulat sa hulugan ng sulat.5 Magtago ng kopya ng lahat ng bagay na ipapadala mo sa Social Security.
Dagdag pa, magtabi ng isang talaan sa tuwing nakikipag-usap kayo sa Segurong Panlipunan. Isulat ang petsa kung kailan kayo nakipag-usap, kanino kayo nakipag-usap, at kung ano ang sinabi. Inirerekomenda namin sa inyo na butasan ng tatlong butas kung ano ang natatanggap ninyo mula sa Segurong Panlipunan at gumawa ng mga kopya ng kung ano ang inyong ipinapadala sa Segurong Panlipunan. Ilagay ang lahat sa isang kwaderno o paniklop.
Mga Mapagkukunan at Kita na Hindi Itinuturing sa mga Anak
Hindi ibinibilang ng Segurong Panlipunan ang mga sumusunod bilang mapagkukunan para sa mga layunin ng pagtukoy ng pagiging karapat-dapat ng bata sa SSI:
- Ang mga pondo ng pensyon o pagreretiro ng mga magulang (tulad ng mga Indibidwal na Account sa Pagreretiro, KEOGH, o ipinagpaliban na buwis sa kita sa taon) kahit na ang pondo ay maaaring kunin bilang pera. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1202(b).
- Mga mapagkukunan na ginamit para sa suporta sa sarili tulad ng imbentaryo sa maliit na negosyo at account sa bangko para sa panggastos o mga kasangkapan, kagamitan, o segunda manong sasakyan na ginagamit habang nasa trabaho o kinakailangan upang pumunta sa trabaho. 42 Kodigo ng Estados Unidos (U.S.C., United States Code) Seksyon 1382b(a)(3).
Hindi ibinibilang ng Segurong Panlipunan ang mga sumusunod bilang kita para sa mga layunin ng pagtukoy ng pagiging karapat-dapat ng isang bata sa SSI:
- Kita na natanggap ng isang magulang para sa pagbibigay ng mga Serbisyong Pangsuporta sa Bahay (IHSS, In-Home Supportive Services) sa isang batang may kapansanan. Ang kita sa IHSS ay hindi saklaw na kita sa SSI. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1161(a)(16).
- Sa pamamagitan ng Opsyon ng Unang Pagpipilian na Komunidad (CFCO, Community First Choice Option), ang IHSS na ibinibigay ng isang magulang sa isang bata ay sakop ng Medi-Cal at ang kita na natanggap ng magulang ay hindi saklaw na kita sa Medi-Cal. Bukod pa rito, ang kita at mga mapagkukunan na ibinibilang para sa mga layunin ng pagtukoy ng pinansyal na pagiging karapat-dapat ng isang bata para sa SSI at ang halaga ng tseke ng SSI ng bata ay hindi maaaring ibilang muli upang matukoy ang pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal ng ibang mga miyembro ng pamilya.6
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa IHSS, tingnan ang aming pakete ng Patas na Paglilitis at Pagtatasa ng Sarili sa IHSS (IHSS Fair Hearing at Self-Assessment): http://www.disabilityrightsca.org/pubs/501301.htm
Paggawa ng mga Kalkulasyon sa Pagtuturing
Ang mga regulasyon sa pagtuturing ng magulang-sa-anak ay matatagpuan sa 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1160, 416.1161, at 416.1165. Kabilang sa "pinagtrabahuhang kita" ang mga sahod at suweldo o kita mula sa sariling-pagtrabaho.7 Lahat ng iba pa ay "hindi pinagtrabahuhang kita": Lahat ng mga regalo, benepisyo sa kawalan ng trabaho, benepisyo sa kapansanan mula sa estado, at mga benepisyo sa Segurong Panlipunan ay mga halimbawa ng hindi pinagtrabahuhang kita. Pagsamahin ninyo ang hindi pinagtrabahuhang kita ng mga magulang. Pagsamahin rin ninyo ang mga pinagtrabahuhang kita ng mga magulang. Para sa pinatrabahuhang kita, bilangin ninyo ang kabuuang kita, hindi kung ano ang natira matapos ang mga kaltas. Ang kabuuang kita ay ang halaga na inyong kinita bago ang anumang mga pagbabawas.8
Nagsisimula ang Segurong Panlipunan sa pamamagitan ng pagbawas ng alokasyon para sa bawat batang walang kapansanan sa pamilya bukod sa batang SSI o mga batang may kapansanan. Una ninyong ibabawas ang alokasyon mula sa anumang hindi pinagtrabahuhang kita at pagkatapos, hanggang sa ang alokasyon ay hindi pa nauubos, mula sa pinagtrabahuhang kita (tingnan ang mga halimbawa). Kasama sa "bata" para sa mga layunin ng pagbabawas ang mga batang wala pang 21 taong gulang na nakatira sa parehong sambahayan, at 21-taong gulang na full-time na mag-aaral sa ilalim ng mga pamantayan sa 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1861. Ang alokasyon para sa bawat batang walang kapansanan ay ang pagkakaiba sa pagitan ng indibidwal na Halaga ng Pederal na Benepisyo (FBR, Federal Benefit Rate) at ang FBR ng mag-asawa. (Ang Halaga ng Pederal na Benepisyo ay ang bahagi ng tseke ng SSI na nanggagaling mula sa pederal na pamahalaan; ang natitira sa tseke ng SSI ay mula sa pera9 ng estado.) Ang sariling kita ng anak na hindi karapat-dapat ay pabababain ang alokasyon. Subalit kung ang hindi karapat-dapat na bata ay isang full-time na mag-aaral, ang mga kita ay hindi kasali sa parehong saklaw na ang mga ito ay hindi kasali para sa batang SSI o batang may sapat na gulang sa ilalim ng edad na 22. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1112(c)(3), 416.1160(d), 416.1161(c), 416.1163(b), 416.1165, 416.1861.
Pagkatapos ng mga pagbabawas para sa mga batang walang kapansanan sa tahanan, susunod ninyong ibabawas muna ang $20.00 na anumang kitang di-alintana na mula sa hindi pinagtrabahuhang kita (kung mayroon man o kung may natira) at pagkatapos, hanggang ang pagbabawas ay hindi na nagamit ng hindi pinagtrabahuhang kita, mula sa pinagtrabahuhang kita. Susunod ang mga espesyal na pagbabawas para sa pinagtrabahuhang kita – una ang $65.00 at pagkatapos ay ang 50% ng balanse. Pagkatapos ay idadagdag ninyo ang natitirang mga halaga ng hindi pinagtrabahuhang kita at pinagtrabahuhang kita. Mula sa kabuuang iyon, ibabawas ninyo ang alinman sa mga indibidwal na FBR (kung nag-iisang magulang) o ang FBR ng mag-asawa (kung ang parehong mga magulang o magulang at panguman ay nasa bahay). Ang balanse ay itinuturing sa batang may kapansanan bilang hindi pinagtrabahuhang kita ng bata. Kung mahigit pa sa isang bata ang may kapansanan sa pamilya, ang halagang itinuring ay hahatiin sa kanila.
Ang pagkaloob na SSI sa bata ay tinutukoy sa parehong paraan tulad ng sinumang tumatanggap ng SSI na may dalawang mga eksepsiyon. Una, dalawang-ikatlo lamang ng anumang suporta sa bata ang binibilang. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1124(c)(11). Pangalawa, kung ang bata ay isang mag-aaral at mas mababa sa edad na 22 sa 2016, hindi binibilang ng Segurong Panlipunan ang unang $1,780.00 sa pinagtrabahuhang kita sa bawat buwan hanggang sa isang taunang pinakamataas na $7,180.00. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Section 416.1112(c)(3).10 Karagdagan ito sa mga pagbabawas na naaangkop sa pangkalahatan sa pinagtrabahuhang kita.
Mga Halimbawa ng Aplikasyon ng mga Patakaran ng Pagtuturing
Kasama sa talang ito ang isang blangko na worksheet (tingnan sa ibaba). Maaari kayong gumawa ng ilang mga kopya ng worksheet na gamitin sa pagkalkula ng halaga ng SSI ng inyong anak kung inyong nais. Dagdag pa, naglakip kami ng dalawang worksheet na kung saan ay napunan ayon sa mga halimbawa "A" at "B". Ang mga kalkulasyon ay batay sa 2016 ng mga halaga ng benepisyo. Ang mga numero at titik sa ibaba ay tumutugma sa mga numero at titik sa worksheet ng pagtuturing.
Ang Halaga ng Pederal na Benepisyo para sa mga Indibidwal noong Enero 2016, ay $733.00. |
Ang Halaga ng Pederal na Benepisyo para sa mga Indibidwal noong Enero 2014, ay $721.00. |
Ang Halaga ng Pederal na Benepisyo para sa mga Indibidwal noong Enero 2015 ay $733.00. |
Ang Halaga ng Pederal na Benepisyo para sa mga Mag-asawa noong Enero 2016, ay $1,100.00. |
Ang Halaga ng Pederal na Benepisyo para sa mga Mag-asawa noong Enero 2014, ay $1,082.00. |
Ang Halaga ng Pederal na Benepisyo para sa mga Mag-asawa noong Enero 2015 ay $1,100.00. |
Ang Pagbabawas sa Kita para sa Batang Walang Kapansanan (Income Deduction for Nondisabled Child) noong Enero 2016, ay $367.00. |
Ang Pagbabawas sa Kita para sa Batang Walang Kapansanan noong Enero 2014, ay $361.00. |
Ang Pagbabawas sa Kita para sa Batang Walang Kapansanan noong Enero 2015 ay $367.00. |
Ang Halaga ng SSI para sa Batang May Kapansanan (SSI Rate for Disabled Child) noong Enero 2016, ay $796.40. |
Ang Halaga ng SSI para sa Batang May Kapansanan noong Enero 2014, ay $784.40. |
Ang Halaga ng SSI para sa Batang May Kapansanan noong Enero 2015 ay $796.40. |
Ang Halaga ng SSI para sa Batang Bulag noong Enero 2016, ay $944.40. |
Ang Halaga ng SSI para sa Batang Bulag noong Enero 2014, ay $932.40. |
Ang Halaga ng SSI para sa Batang Bulag noong Enero 2015 ay $796.40. |
Halimbawa A: Sina G. at Gng. Apple ay may tatlong anak kabilang si Adam na may kapansanan. Ang kabuuang pinagtrabahuhang kita ni G. Apple ay $2,000.00 sa isang buwan. Si Gng. Apple ay nagtatrabaho nang part-time at ang kanyang kabuuang kita ay $1,000.00 sa isang buwan. Tumatanggap din sila ng kita na $30 sa isang buwan sa pagpaarkila ng langis.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
- 1. Bagama’t binibilang ng Segurong Panlipunan ang kita at pinagkukunan ng isang panguman para sa mga layunin ng SSI, ang ahensiya ng Medi-Cal (Medicaid) ng estado ay hindi maaaring gawin ito. 42 Kodigo ng Estados Unidos Seksyon 1396a(a)(17)(D). Para sa isang bata, ang programa ng Medi-Cal ay tumitingin lamang sa kita at mga mapagkukunan ng mga magulang at anak. Kung ang inyong anak ay hindi maging karapat-dapat para sa SSI dahil sa kita at mga mapagkukunan ng isang panguman, mag-aplay para sa Medi-Cal sa ilalim ng programang Pederal na Antas ng Kahirapan para sa may edad na at para sa mga bata at matatanda na may kapansanan (A&D FPL, Federal Poverty Level program for aged and for children and adults with disabilities). Kung ang inyong anak ay hindi karapat-dapat sa ilalim ng programang A&D FPL, mag-aplay para sa Medi-Cal sa ilalim ng programa para sa medikal na maralitang may edad, bulag, may kapansanan (ABD, aged-blind-disabled). Mag-apply ka para sa Medi-Cal sa inyong tanggapan ng Kapakanan ng County. Ipaliwanag na ang inyong anak ay isang kasong Sneed (pangalan ng isang kaso) upang matiyak na tamang patakaran ang gagamitin.
- 2. Upang makapagsimula muli ang SSI ng inyong anak, sumulat o pumunta sa inyong lokal na Tanggapan ng Segurong Panlipunan upang iulat ang pagbaba sa kita o na ang inyong mga mapagkukunan ay nasa loob ngayon ng mga limitasyon ng Segurong Panlipunan. Isama ang mga dokumento na nagpapakita na ang inyong kita ay mas mababa ngayon o ang inyong mga mapagkukunan ay nasa loob ng mga limitasyon ng SSI. Dapat partikular ninyong hilingin na ibalik ang SSI. Kung humiling ka ng pagbabalik sa pamamagitan ng koreo, iminumungkahi namin na gawin mo ito sa pamamagitan ng sertipikadong koreo.
- 3. Ang pagbabago sa kita ay hindi ang tanging bagay na kailangan mong iulat. Tingnan 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon § 416.708. Kailangan mong sabihin sa Segurong Panlipunan kung lilipat kayo, kung ang inyong anak na may kapansanan o mga anak na walang kapansanan ay titira sa ibang lugar, kung ang isang magulang ay ikakasal, kung isa sa mga magulang ay lilipat ng bahay, o kung ang inyong anak na may kapansanan ay lilipat sa isang medikal na pasilidad.
- 4. Ang ilang mga magulang ay nag-ulat na sinasabi ng mga lokal na tanggapan sa kanila na hindi maaaring tumanggap ang Segurong Panlipunan ng mga photocopy. Iyon ay hindi tama. Sa sulat ng pagbabago sa kita sumusumpa kayo sa ilalim ng parusa ng kasinungalingan na ang mga photocopy ay totoong mga kopya ng mga orihinal.
- 5. Ang ilang mga pamilya ay nag-ulat na ang kanilang mga lokal na tanggapan ng Segurong Panlipunan ay nagsasabi sa kanila na hindi nila kailangang ipadala ang mga buwanang ulat ng pagbabago sa kita, na ang Segurong Panlipunan ang gagawa ng mga pagsasaayos pagkatapos ng katotohanan sa panahon ng taunang pagsusuri. Minsan ito ay tama kapag ang Segurong Panlipunan ay nag-aayos para sa inyong mga benepisyo na naka-ayon sa mga inaasahang pagbabago sa inyong kita. Kung binabayaran nang lingguhan, nakakatanggap kayo ng lima sa halip ng apat na pahayag ng sahod sa ilang mga buwan; kung binabayaran sa bawat dalawang linggo, nakakatanggap ka ng tatlo sa halip na dalawang pahayag ng sahod sa isang buwan dalawang beses sa isang taon. Sa panahon ng taunang pagsusuri, maaaring iprograma ng Segurong Panlipunan ang inaasahang pagbabago sa kita para sa darating na taon. Gayunpaman, maliban kung nagbibigay ang Segurong Panlipunan sa inyo ng anumang nakasulat na nagsasabi na ikaw ay hindi na mag-uulat ng mga pagbabago sa kita, dapat mong ipadala ang mga ulat ng pagbabago sa kita. Kung hindi, at mayroong labis sa pagbabayad bilang resulta, sasabihin ng Segurong Panlipunan na ikaw ang may kasalanan dahil hindi mo iniulat ang pagbabago sa kita.
- 6. 42 Kodigo ng Estados Unidos Seksyon 1309, Kodigo ng mga Regulasyon ng California (C.C.R., California Code of Regulations), Titulo 22, Seksyon 50555.1. Sa kaso ng mga miyembro ng pamilyang Apple sa Halimbawa A sa pahina 5, ang iba pang dalawang mga bata ay magiging karapat-dapat para sa Medi-Cal batay sa zero na kita. Ang mga magulang ay maaaring hindi karapat-dapat kung parehong nagtatrabaho. Sa kaso ng nag-iisang magulang o kung saan isa sa mga magulang ay walang trabaho o walang sapat na trabaho o may kapansanan kabilang ang pansamantalang kapansanan, ang mga magulang ay maaaring sakop din ng Medi-Cal. Kung ang isang magulang ay nakakatanggap ng IHSS upang mapangalagaan ang isang bata na may kapansanan, ang kita na iyon ay hindi ibinibilang kapag tinutukoy ang pinansiyal na pagiging karapat-dapat ng bata para sa SSI o, dahil sa Opsyon ng Unang Pagpipilian na Komunidad ng IHSS, binibilang kapag tinutukoy ang pagiging karapat-dapat sa Medi-Cal ng sinumang iba pa sa sambahayan.
- 7. Kung kayo ay sariling nagtatrabaho, gustong malaman ng Segurong Panlipunan ang inyong isinaayos na kabuuang kita. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1110(b). Dalhin ninyo sa Segurong Panlipunan ang inyong pahayag ng buwis sa kita mula sa nakaraang taon kasama ang impormasyon tungkol sa iyong kabuuang natanggap sa taong ito. Titingnan ng Segurong Panlipunan ang inyong buwis sa kita mula sa nakaraang taon kasama ang impormasyon tungkol sa inyong kabuuang mga natanggap sa taong ito. Titingnan ng Segurong Panlipunan ang inyong buwis sa kita bilang sukatan para sa pagtantya ng inyong isinaayos na kabuuang kita sa taong ito. Kung ang inyong kabuuang mga natanggap noong nakaraang taon ay $40,000 ngunit ang inyong isinaayos na kabuuang kita (kung ano ang binayaran nyo ng buwis pagkatapos ng ipinapahintulot na mga pagbabawas sa negosyo ng Serbisyo ng Rentas Internas [Internal Revenue Service]) ay $18,000 o 45% ng inyong kabuuang natanggap, tatantyahin ng Segurong Panlipunan na ang inyong isinaayos na kabuuang kita sa taong ito ay 45% ng kabuuang natanggap sa taong ito. Dahil ang kita sa sariling pagtatrabaho ay tinutukoy sa isang taunang batayan, na pagkatapos ay pantay-pantay na hinahati sa 12 na buwan ayon sa 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1111(b), gagamit ka ng mga pagtatantyang maaaring maisasaayos kapag inihahanda ninyo ang inyong pahayag ng buwis sa kita. Hindi binibilang ng Segurong Panlipunan bilang isang mapagkukunan ang ari-ariang kinakailangan para sa sariling suporta kasama bilang isang empleyado. 42 Kodigo ng Estados Unidos Seksyon 1382b(a)(3). Maaaring kabilang dito ang imbentaryo, mga kompyuter, kagamitan sa pagsasaka at mga baka, bukiran, hiwalay na account ng negosyo sa bangko, mga gusali, bangka para sa pangingisda, pati na rin ang kotse na kailangan ninyong gamitin sa inyong trabaho o mahalaga para pumunta at umuwi mula sa trabaho.
- 8. Ang ilang mga employer ay may mga plano na nagpapahintulot sa inyo na maglagay ng pera sa isang espesyal na account upang magbayad para sa pangangalaga ng bata o pangangalaga ng kalusugan alinsunod sa Seksyon 125 ng Kodigo ng Rentas Internas (Internal Revenue Code). Ang mga ito ay madalas na tinatawag na "mga planong kapiterya” (“cafeteria plans”). Ang perang itinabi sa mga account na ito at ginagamit para sa kwalipikadong mga benepisyo ay hindi itinuturing na "kita" dahil hindi kayo nagbabayad ng buwis sa segurong panlipunan sa kita na ito. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 404.1054. Ang inyong kabuuang pinagtrabahuhang kita para sa mga layunin ng SSI ay ang inyong kabuuang kita binawas ang pera na inilagay sa planong kapiterya. Gayunman, ang mga kita na inilagay sa isang account para sa pagreretiro na protektado sa buwisay binibilang bilang kita. Ang mga pondo sa account ng pagreretiro o pensyon ng magulang ay isang hindi saklaw na mapagkukunan na hindi itinuturing sa bata. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1202(b).
- 9. Dahil sa nagdaang buwan na accounting (tingnan ang mga pahina 1-2), ang mga kalkulasyon para sa kita na natanggap sa Nobyembre at Disyembre ay dapat gumamit ng Halaga ng Pederal na Benepisyo para sa susunod na taon. Ito ay dahil ang tseke ng SSI na natanggap noong Enero at Pebrero ay dapat na nagpapakita ng kita na natanggap at itinuring noong Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon.
- 10. Ang taunan at buwanang pinakamataas ay tumaataas bawat taon sa halaga ng taunang gastos ng laang-gugulin sa pamumuhay. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.112(c)(3)(B). Ang mga regulasyon ay nagbibigay ng pag-aangkop at kaluwagan sa mga kapansanan kapag tinutukoy kung ang isang bata o kabataan ay isang mag-aaral para sa mga layunin ng pagbabawas ng pinagtrabahuhang kita. 20 Kodigo ng Pederal na mga Regulasyon Seksyon 416.1861. Ang mga regulasyon at mga batas ay mahahanap sa mga pampublikong aklatan. Ang mga ito ay mahahanap din sa website ng Segurong Panlipunan: www.ssa.gov. Kapag nasa website ng Segurong Panlipunan, i-click ang "ang aming mga tuntunin ng programa" na nasa kanang bahagi ng website.