MGA DAPAT TANDAAN TUNGKOL SA MGA PAGTATALO NG MAGKAPITBAHAY

Publications
8114.08

MGA DAPAT TANDAAN TUNGKOL SA MGA PAGTATALO NG MAGKAPITBAHAY

Ang mga pagtatalo ng kapitbahay ay karaniwan sa masisikip na lungsod. Kung ikaw ay may problema sa isang kapitbahay, ito ay maaaring masyadong nakakainis.  Ang isang tumatahol na aso, kalabog sa kisame, o mga amoy ng niluluto ay maaaring nakakainis lahat, pero ang mga ito ay maaaring hindi lumampas sa linya at legal na magagawang aksyonan. Ang test ay kung ang kilos ay “malaki at patuloy.” Ang test na ito ay nagpapasya kung ang kilos ay umaabot sa nuisance o nakakagulo sa ilalim ng batas.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Anu-ano ang Nagiging Dahilan ng Pagtatalo ng Magkapitbahay? 

Ang mga pagtatalo ng kapitbahay ay karaniwan sa masisikip na lungsod. Kung ikaw ay may problema sa isang kapitbahay, ito ay maaaring masyadong nakakainis.  Ang isang tumatahol na aso, kalabog sa kisame, o mga amoy ng niluluto ay maaaring nakakainis lahat, pero ang mga ito ay maaaring hindi lumampas sa linya at legal na magagawang aksyonan. Ang test ay kung ang kilos ay “malaki at patuloy.” Ang test na ito ay nagpapasya kung ang kilos ay umaabot sa nuisance o nakakagulo sa ilalim ng batas. 

Ang Kilos Ba Ng Iyong Kapitbahay ay Isang Nakakagulo O Nakakainis Lamang? 

Upang gumawa ng legal na aksyon, ang kilos ng iyong kapitbahay ay dapat na isang “nakakagulo.” Ang nakakagulo ay nilinaw ng batas bilang isang bagay na “hindi makatwiran, hindi kailangan, o labag sa batas kaya ito ay nakakagambala sa iyong kakayahan na mabuhay nang mapayapa sa loob ng o masiyahan sa iyong bahay.”  (Wolford v. Thomas, 190 Cal. App. 3d 347, 358 (1987). 

Ang mga pangkaraniwang halimbawa ng kilos na umaabot sa isang nakakagulo ay sobrang ingay na galing sa isang patuloy na tumatahol sa aso, malakas na stereo o TV pagkaraan ng mga tahimik na oras, o patuloy ng pagkalabog sa mga sahig o kisame. Ang isa pang halimbawa ng nakakagulo ay isang krimen na isinasagawa sa ari-arian tulad ng prostitusyon o pagbebenta ng droga. Ang ikatlong halimbawa ng isang nakakagulo ay kapitbahay na sangkot sa nakakapinsalang kilos o aktibidad, tulad ng pagpapanatili ng labis na basura at junk na nagiging dahilan ng pag-atake ng mga ipis, daga, o langgam. 

Anu-ano Ang Aking Mga Opsyon Para Mapatigil Ang Kilos?  

Kung ang kilos ay nakakainis pero hindi umaabot sa nakakagulo, marami pa ring bagay na magagawa ka.: 

1. Kausapin Ang Kapitbahay 

Maaari mong kausapin ang iyong kapitbahay at hilingin na bawasan nila ang antas ng ingay o alisin ang masasamang amoy.  Ang positibong komunikasyon sa mga kapitbahay ay maaaring makapigil na umabot ang mga pagtatalo sa antas kung saan ang pamamagitan o habla ay kailangan. 

2. Subukan Ang Pamamagitan  

Kung ang iyong pagtatangka na resolbahin ang kilos nang direkta sa iyong kapitbahay ay hindi gumana, maaari mong subukan ang pamamagitan. Ang pamamagitan ay nagkakaloob ng oportunidad para sa parehong tao na ipahayag ang mga inaalala at subukan ang mga posibleng solusyon.  

3. Kausapin Ang Landlord 

Kung ikaw at ang kapitbahay ay may iisang landlord, maaari hilingin sa landlord na humakbang at patigilin ang nakakainis na kilos.  

Ang hangarin ay subukang maresolba ang isyu nang hindi kailangang pumunta sa korte. Ang isa pang benepisyo ay pananatili ng magandang relasyon sa iyong mga kapitbahay at landlord. 

KUNG ANG KILOS NG KAPITBAHAY AY UMAABOT SA NAKAKAGULO AT KAILANGAN MONG PUMUNTA SA KORTE, ANU-ANO ANG IYONG MGA REMEDYO?  

1. Ihabla Ang Iyong Kapitbahay 

 Ang isang kaso sa korte ay maaaring dalhin laban sa kapitbahay para sa kilos na nakakagulo.   Maaari mong ihabla ang iyong kapitbahay para sa mga bayad-pinsalang pera at isang injunction (isang utos mula sa korte upang itigil ang kilos) upang itigil ang nakakapinsalang gawain. CAL. CIV. CODE § 3501.  

Halimbawa, kung sadyang kinakalabog ng kapitbahay ang iyong kisame nang patuloy nang maraming oras bawat gabi maaaring hindi ka makatulog, maaaring may kaso ka laban sa kanila.  

Kahit na hindi mag-utos ang korte na itigil ang pag-istorbo, ang korte ay maaaring mag-utos sa kapitbahay na gumagawa ng nakakagulong bagay na magbayad ng hatol na pera. Ito ay maaaring epektibo sa pagresolba ng pag-istorbo. 

2. Ihabla Ang Iyong Landlord

Bagaman ang nakakagulo ay maaaring dulot ng ibang tenant sa gusali at hindi ng landlord, ang landlord ay maaaring papanagutin kung sinabihan ng isyu at walang ginawang aksyon laban sa nakakapinsalang tenant. Kahit na ito ay maaaring hindi nakasulat, lahat ng pag-upa sa California ay kinabibilangan ng isang kasunduan na “tahimik na kasiyahan”. CAL. CIV. CODE § 1927. Ang mga landlord ay may tungkulin na tiyakin na magagawa ng mga tenant na mapayapang magtaglay (tumira at gumamit} ng kanilang inuupahang yunit nang walang mga pag-istorbo, at sa mga sukdulang kaso ay maaaring gumawa ng mga hakbang upang paalisin ang mga magugulong tenant upang patigilin ang nakakagulo. Davis v. Gomez, 207 Cal. App. 3d 1401, 1404 (1989).  

3. Konstruktibong Pagpapaalis

Ang isang posibleng opsyon ay pagsisikap para sa isang habla na “konstruktibong pagpapaalis” laban sa landlord. Kapag ang isang nakakagulo ay masyadong matindi na ang tenant ay dapat lumipat sa labas ng apartment, ang tenant ay maaaring  maghabla laban sa landlord para sa konstruktibong pagpapaalis pagkatapos nilang lumipat. 

Paano Maghanda Para Sa Iyong Kaso  

  1. Magpanatili ng rekord ng bawat insidente na nakakagulo. Tiyakin na ilagay ang mga detalye tulad ng petsa, oras ng insidente at ano ang ikinilos. 
  2. Subukan na talakayin ang mga insidente sa kapitbahay/o landlord upang makagawa ng solusyon. Idokumento ang iyong mga pagsisikap. 
  3. Kung walang gumana sa mga opsyon na ito, maaari kang magdala ng kasong Maliliit na Claim laban sa kapitbahay para sa kilos na Nakakagulo at/o sa landlord para sa Paglabag sa Kasunduan ng Tahimik na Kasiyahan o Konstruktibong Pagpapaalis. Ang dokumentasyon ay mahalaga sa pagsasampa ng aksyon na Maliliit na Claim. Sumulat ng liham sa kapitbahay o landlord na naglalarawan ng mga insidente nang detalyado batay sa iyong dokumentasyon. Hingin na tumigil sila o pigilan ng landlord ang kilos ng kapitbahay. Bigyan sila ng bilang ng mga araw upang tumugon sa iyong liham. Kung hindi nila gawin ito, maaari kang magsampa ng aksyon para sa Maliliit na Claim.