Iyong Balota ng Marso 2024: Pag-unawa sa Nangyayari sa Primaryang Halalan sa Senado ng US

Publications
#8102.08

Iyong Balota ng Marso 2024: Pag-unawa sa Nangyayari sa Primaryang Halalan sa Senado ng US

 

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ang mapapansin mo sa iyong balota

Bilang karagdagan sa ibang mga labanan sa iyong balota, ang mga botante ay magkakaroon ng dalawang magkahiwalay na pagkakataon upang bumoto sa kaparehong puwesto sa Senado ng U.S. 

Ang unang labanan para sa Senado ng U.S. ay nagtatanong kung sino ang gusto mong maging Senador ng U.S. para sa susunod na buong termino ng katungkulan. Ang isang buong termino ng katungkulan para sa isang senador ng U.S. ay anim na taon. Ang susunod na buong termino ng katungkulan ay mula sa Enero 3, 2025, hanggang Enero 3, 2031. 

Ang ikalawang labanan para sa Senador ng U.S. ay nagtatanong kung sino ang gusto mong maging senador ng U.S. para sa natitira sa kasalukuyang termino ng katungkulan. Ang kasalukuyang termino ng katungkulan ay matatapos sa Enero 3, 2025. Gaya ng inilalarawan nang mas detalyado sa ibaba, itong puwesto sa Senado ng U.S. ay kasalukuyang pansamantalang hinahawakan ng isang hinirang ng Gobernador hanggang sa mga halalan ng 2024.

Sa bawat isa ng mga labanang ito, ang nangungunang dalawang nakakuha ng boto ay mapapasama sa balota sa halalan ng Nobyembre 2024. Kahit na kung ang isang kandidato sa alinman sa mga labanang ito ay nakakuha ng higit sa 50% ng boto sa halalan ng Marso, kailangan pa rin niyang lumaban sa halalan ng Nobyembre upang makuha ang puwesto. 

Iyong mga opsyon sa pagboto sa dalawang labanan para sa Senado ng U.S.

Makakaboto ka sa alinman o pareho ng dalawang labanang ito sa Senado ng U.S. Makakaboto ka para sa kaparehong tao sa parehong labanan, o makakaboto ka para sa ibang tao sa bawat isa ng mga labanan. 

Tulad sa anumang halalan, makakapili kang huwag bumoto sa alinman o lahat ng labanan, kabilang ang alinman o pareho ng dalawang labanan para sa Senado ng U.S. na nasa balota ng Marso 2024.

Ang kasalukuyang humahawak ng katungkulan, si Laphonza Butler, na hinirang, ay nagpahayag na siya ay hindi tatakbo para sa buong termino. 

Gaya ng inilarawan sa itaas, ang inyong mga boto sa Marso 2024 na primaryang halalan ay tutulong na pagpasyahan kung sinong mga kandidato ang mapapasama sa Nobyembre 2024 na pangkalahatang halalan.

Bakit ang labanan para sa iba pa ng kasalukuyang termino sa Senado ng U.S. ay nasa balota

Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng detalye tungkol sa kung bakit ang labanan para sa iba pa ng kasalukuyang termino sa Senado ng US. ay nasa balota upang ipatala ang iyong boto pero patuloy na magbasa kung ikaw ay interesadong malaman ang pinagdaanan.

Si Senador Dianne Feinstein ang dating humahawak ng katungkulang ito, at siya ay nagsimulang maglingkod bilang senador ng U.S. noong Enero 1992. Nang siya ay mamatay noong Setyembre 2023, may kailangang tumapos ng kanyang huling taon ng termino sa Senado ng U.S. Hinirang ni Gobernador ng California Gavin Newsom si Ms. Butler (ngayon ay Senador Butler) upang maglingkod sa tungkuling iyon. 

Ang California Assembly Bill (AB) 1495, nagkabisa noong Enero 1, 2022, ay nagpapahintulot sa gobernador na maghirang ng isang  tao upang pansamantalang punuan ang bakanteng puwesto sa Senador ng U.S., pero ginagawa nitong pansamantala lang ang paghirang na ito, sa karamihan ng mga sitwasyon, hanggang magkaroon ng isang pambuong-estadong primarya at pangkalahatang halalan upang piliin ang taong hahawak ng katungkulan para sa natitira ng patuloy ng termino. Bilang resulta ng AB 1495, ang labanan para sa natitira ng termino para sa puwesto sa Senado ng U.S. na kasalukuyang hinahawakan ni Ms. Butler ay lilitaw sa balota para sa pambuong estadong primaryang halalan sa Marso 5, 2024 (at tutuloy sa balota para sa pambuong-estadong pangkalahatang halalan sa Nobyembre 5, 2024), kahit na ang termino ay matatapos sa Enero 3, 2025, na wala pang dalawang buwan pagkaraan ng pangkalahatang halalan.