Mga Sobrang Pagbabayad sa Titulo II at Titulo XVI ng Batas sa Social Security

Mga Sobrang Pagbabayad sa Titulo II at Titulo XVI ng Batas sa Social Security
Ang fact sheet na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga sobrang bayad sa Supplemental Security Income (SSI): ano ang mga ito, ano ang maaaring maging sanhi ng mga ito, kung sino ang may pananagutan sa kanila, at ano ang iyong mga opsyon kung mayroon kang labis na bayad sa SSI. Ang fact sheet na ito ay hindi tumutugon sa mga labis na pagbabayad ng iba pang mga uri ng mga benepisyo ng Social Security, tulad ng Social Security Disability Insurance (SSDI).
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
1. Ano ang Sobrang Pagbabayad sa Titulo II o Titulo XVI sa ilalim ng Batas sa Social Security?
Ang isang sobrang pagbabayad ay nangyayari kapag ang isang benepisyaryo ay tumatanggap ng mas maraming benepisyo kaysa halagang karapat-dapat sila, sa anumang buwan.1 Ang mga Sobrang Pagbabayad ay maaaring mangyari sa pareho ng mga kaso sa Seguro sa Kapansanan ng Pagreretiro, Nakaranas, at Social Security ng Titulo II, gayon din sa mga kaso ng benepisyo sa Titulo XVI ng Supplemental Security Income (SSI).
2. Ano ang Magagawa Ko kung ang Social Security Administration (SSA) ay Nagsabi na Ako ay May Sobrang Pagbabayad at sa Palagay Ko ay Mali ang SSA?
Kung ang SSA ay nagsasabi na ikaw ay may Sobrang Pagbabayad, may karapatan kang gumawa ng Paghiling ng Muling Pagsasaalang-alang na isang termino ng SSA para sa paghaharap ng apela. Tingnan ang mga tanong 10, 12, at 18 sa ibaba. Ang isa pang opsyon ay humingi ng Waiver ng Sobrang Pagbabayad. Tingnan ang tanong 13-18 at 22-26 sa ibaba.
3. Ano ang Nagiging Dahilan ng Sobrang Pagbabayad?
Maraming paraan na maaaring mangyari ang Sobrang Pagbabayad. Ang Sobrang Pagbabayad ay maaaring mangyari dahil may hindi nag-ulat ng impormasyon na dapat nilang iulat sa SSA. Kahit na ang isang tao ay nag-ulat ng lahat sa SSA ng dapat gawin nila, hindi pa rin nagagawa ng SSA ang mga pag-aakmang kailangan sa mga buwanang pagbabayad, nagreresulta sa Sobrang Pagbabayad. Tingnan ang mga tanong 4 at 5 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-uulat.
4. Ano ang Dapat Kong Iulat Upang Bawasan ang Panganib ng Sobrang Pagbabayad?
Dapat mong iulat ang mga partikular na pangyayari na makakaapekto sa halaga ng iyong mga benepisyo ng SSI at SSDI, o sa iyong patuloy na pagiging karapat-dapat para sa mga ito, sa loob ng unang 10 araw ng buwan pagkatapos mangyari ang pagbabago.2 Kailangan ng SSA ng isang buwan mula sa petsa na iyong pag-uulat bago nito gamitin ang impormasyon upang iakma ang halaga ng iyong buwanang benepisyo. Halimbawa, ang pagbabago ng kita sa Enero na iniulat mo bago lumampas ang ika-10 ng Pebrero, ay dapat makita sa iyong tseke ng Marso. Kung hindi makuha ng SSA ang impormasyon sa tamang panahon, hindi nito maiaakma ang iyong tseke, at maaari kang magtamo ng Sobrang Pagbabayad.
Dapat mong iulat:3
- Lahat ng inani at di-inaning kita.
- Mga pagbabago sa inani at di-inaning kita.
- Pagbabago sa kalagayan ng iyong paninirahan, tulad ng pagbabago sa tirahan o pagbabago sa bumubuo sa iyong sambahayan.
- Pagbabago sa iyong mga kakayahan.
- Diborsiyo, pag-aasawa, o paghihiwalay.
- Pagiging karapat-dapat para sa ibang mga benepisyo; o,
- Pag-alis ng United States nang pansamantala (para sa 30 o higit na magkakasunod na araw), kasama ng ibang maiuulat na mga pangyayari na nakalista sa 20 C.F.R. Section 416.708.
Ang kabiguang iulat ang mga pangyayaring ito ay nangangahulugang ang halaga ng iyong SSI at SSDI ay ibabatay sa nawawala o maling impormasyon. Kung malaman ng SSA sa bandang huli ang tungkol sa nawawala o hindi tamang impormasyon, maaari nitong iakma ang mga pagbabayad, kahit na ikaw ay nabayaran na nito. Anumang mga pagbabayad na higit sa halagang karapat-dapat ka, ay kukuwentahin bilang Sobrang Pagbabayad. Saka mag-iisyu ang SSA ng isang paunawa ng Sobrang Pagbabayad. Mahalagang malaman na maaari kang tumanggap ng paunawa ng Sobrang Pagbabayad kahit kailan. Kung sinabi mo sa SSA ang tungkol sa mga pagbabago at sasabihin pa rin ng SSA na ikaw ay nabayaran nang sobra, tingnan ang mga tanong 13-18 at 22-26 sa ibaba tungkol sa paghiling ng Waiver.
5. Bakit Sinisingil Ako ng SSA ng isang Sobrang Pagbabayad Kahit na Iniulat Ko ang mga Pagbabago sa Tamang Panahon?
Kung minsan ang mga tao ay nag-uulat ng mga may kaugnayang pagbabago sa tamang panahon, pero nabibigo pa rin ang SSA na gumawa ng muling pagkalkula ng mga benepisyo at nangyayari ang Sobrang Pagbabayad. Halimbawa, ang ilang tao ay nag-uulat ng mga pagbabago sa kanilang inaning kita kapag nagbalik sila sa trabaho, pero nabibigo ang SSA na gumawa ng mga pagbabago sa mga halaga ng kanilang buwanang benepisyo. Madalas na hindi nauunawaan ng mga tumatanggap na sobra ang ibinabayad sa kanila hanggang makatanggap sila ng paunawa mula sa SSA pagkaraan ng mga buwan o taon. Sa ganitong kalagayan, bagaman ang tumatanggap ay nabayaran nang sobra, hindi sila ang may pagkakasala. Ang isang Waiver ay maaaring ang pinakamahusay na opsyon sa ganitong kalagayan. Tingnan ang tanong 13-18 at 22-26 sa ibaba.
6. Sino ang Dapat Magbalik ng Isang Sobrang Pagbabayad?
Maaaring ipasya ng SSA na responsable ang mga sumusunod na tao para sa pagbabalik ng Sobrang Pagbabayad:4
- Ikaw, ang taong tumatanggap ng SSI o SSDI;
- Iyong Representative Payee (Rep. Payee). Para sa karagdgang impormasyon, tingnan ang tanong 7;
- Sa ilalim ng mga partikular na pangyayari, ang iyong isponsor, kung ikaw ay isang dayuhan na tumatanggap ng SSI o SSDI5;
- Iyong asawa kung sa panahon ng Sobrang Pagbabayad kayo ay magkasamang naninirahan at hindi makakakuha ang SSA mula sa iyo 6; o,
- Ang iyong estate at/o estate ng iyong Rep. Payee, asawa o isponsor.7
7. Kailan Maaaring Maging Personal na Managot ang Aking Rep. Payee para sa Sobrang Pagbabayad?
Kung ang halaga ng sobrang pagbabayad ay maling ginamit ng iyong Rep. Payee, maaaring hingin ng SSA ang Sobrang Pagbabayad mula sa iyong Rep. Payee nang diretso. Sa ibang mga salita, ang iyong Rep. Payee ay personal na mananagot para sa Sobrang Pababayad.8 kung ang mga pondo ay hindi ginamit para sa iyong suporta o pagpapanatili, ang iyong Rep. Payee ay magiging tangingresponsable para sa Sobrang Pagbabayad kahit na hindi niya alam ang tungkol sa Sobrang Pagbabayad.9
Kung ang mga pagbabayad ng SSI o SSDI ay ginamit para sa iyong suporta at pagpapanatili at alam ng iyong Rep. Payee o dapat na nalaman niya ang Sobrang Pagbabayad, ikaw at ang iyong Rep. Payee ay parehong personal na mananagot para sa Sobrang Pababayad.10 Gayunman, kung ang mga pagbabayad ng SSI/SSDI ay ginamit para sa iyong suporta at pagpapanatili, at hindi alam ng iyong Rep. Payee ang tungkol sa mga bagay na nakapaligid sa Sobrang Pagbabayad, ikaw ang responsable para sa Sobrang Pagbabayad.11
8. Bibigyan Ba Ako ng SSA ng Paunawa ng Sobrang Pagbabayad?
Oo. Ikaw ay may karapatang tumanggap ng isang nakasulat na paunawa kung sa palagay ng SSA ikaw ay may Sobrang Pagbabayad. Dapat kasama sa paunawa ang mga sumusunod na impormasyon:12
- Bakit may Sobrang Pagbabayad;
- Ang halaga ng Sobrang Pagbabayad;
- Ang (mga) buwan na nangyari ang Sobrang Pagbabayad;
- Isang listahan na bumabalangkas sa mga halagang ibinayad at ano ang dapat ibinayad;
- Ang halaga ng pag-aakma sa iyong tseke ng SSI/SSDI kung hindi ka nagbayad nang buo at patuloy na tumatanggap ng SSI/SSDI;
- Iyong karapatang humingii ng isang Waiver at/o magsumite ng isang apela (Paghiling ng Muling Pagsasaalang-alang); at,
- Paano humingi ng Waiver at/o Paghiling ng Muling Pagsasaalang-alang (Apela).
Ang isang paunawa ay ipapadala sa iyong Rep. Payee at/o iyong legal na kinatawan o tagapagtaguyod kung sila ay may SSA 1696 Authorized Representative Form13 na nasa file sa SSA Field Office na naglilingkod sa iyo.
Kung ang isang liham o isang tao mula sa SSA ay nagsabi sa iyo na ikaw ay may isang Sobrang Pagbabayad, pero hindi ka nakatanggap ng paunawa ng Sobrang Pagbabayad, hingin sa SSA na magpadala sa iyo.
9. Ano ang Mangyayari sa Aking SSI o SSDI Kung Ako ay May Sobrang Pagbabayad?
Ang SSA ay gumawa ng nakakatulong, malalawak na pagbabago sa mga patakaran nito sa Sobrang Pagbabayad noong 2024. Kabilang dito ang mga pagbabago sa pinakamalaking halaga na makukuha ng SSA mula sa mga benepisyo sa SSDI ng isang tao kung hindi sila sumagot sa loob ng 60 araw sa isang paunawa ng Sobrang Pagbabayad. Batay sa mga pagbabagong ito ng 2024, sa ganoong kalagayan, ang SSA ay maaari lamang kumuha ng 10% ng buwang SSDI ng isang tao upang mabawi ang Sobrang Pagbabayad.14
Gayunman, noong Abril 25, 2025, ang SSA ay nag-isyu ng isang Pang-emerhensiyang Mensahe na may titulong “Pagbabago sa Halaga ng Withholding ng Default na Benepisyo ng Titulo II na Sobrang Pagbabayad patungo sa 50 Porsiyentong Wilhholding.” Ang Pang-emerhensiyang Mensaheng ito ay nagsasaad na ang SSA ay pipigil ng 50% ng SSDI ng isang tumatangap kung hindi sila sumagot sa paunawa ng SSA ng Sobrang Pagbabayad sa loob ng 90 araw, at ito ay inilalapat sa lahat ng paunawa na inisyu pagkaraan ng Abril 25, 2025.15
Tungkol sa SSI, kung ang isang indibidwal ay hindi sumagot sa isang paunawa ng Sobrang Pagbabayad sa loob ng 60 araw, ang SSA ay maaaring kumuha ng hanggang 10% ng kanilang buwanang benepisyo, hanggang $96.70 noong 2025.16
Laging mahihingi mo sa SSA na kumuha ng ibang halaga. Halimbawa, maitatanong mo sa SSA kung maaari kang magbayad ng $10 kada buwan kung iyon lang ang kaya mo.17
10. Maaari ko bang iapela ang Sobrang Pagbabayad at Pigilang Mangyari ang mga Pagbawas?
Oo. Upang patuloy na makuha ang iyong SSI/SSDI nang walang mga pagbabago, dapat mong ipadala ang iyong Paghiling ng Muling Pagsasaalang-alang (Apela) sa loob ng 10 araw pagkatapos matanggap ang Paunawa ng Sobrang Pagbabayad.18
Ipinapalagay ng SSA na natanggap mo ang paunawa nang hindi mas huli sa limang araw pagkaraan ng petsa ng paunawa. Halimbawa, kung ang iyong paunawa ay may petsang ika-1 ng Enero, ipapalagay ng SSA na natanggap mo ito bago lumampas ang ika-6 ng Enero. Sa halimbawang ito, ang Paghiling ng Muling Pagsasaalang-alang ay dapat matanggap bago lumampas ng ika-6 ng Enero. Kung umapela ka sa loob ng 10 araw, ang SSA ay hindi magbabawas ng halaga ng iyong benepisyo hanggang magawa ang isang pinal na desisyon. Ito ay tinatawag na tulong na binabayaran habang naghihintay at ito ay isang karapatan sa angkop na proseso.19
Alinsunod sa POMS SI 02301.310, mula 12/10/2024, “Ang mga tumatanggap na umapela 11 o higit na araw pagkaraan, pero sa loob ng 60 araw ng pagtanggap ng maagang paunawa [ng Sobrang Pagbabayad] ay maaaring makaranas ng pagbawas sa pagbabayad pero muling itatatag sa pagbabayad sa [Protected Payment Level] PPL.”20 Ang Protected Payment Level ay isang “hindi binawasang halaga ng benepisyo na ang isang tumatanggap ay maaaring patuloy na makatanggap hanggang may isang desisyon sa unang antas ng apela."21
Kung nakakaranas ka ng kalagayan na ginagawa kang walang kakayahang magsumite ng iyong apela para sa tulong na binabayaran habang naghihintay sa loob ng 60-araw ng bintana, maaari ka pa ring makakuha ng pagpapatuloy ng pagbabayad kung ipinasya ng SSA na may magandang dahilan para magharap ka nang huli. Tingnan ang tanong 12 sa ibaba para sa iba tungkol sa Magandang Dahilan.
11. Ano ang Maaari Kong Gawin Upang Magtaguyod Laban sa o Tugunan ang Paunawa ng Sobrang Pagbabayad ng SSA?
Pangkaraniwang mayroong anim na magkakaibang paraan upang harapin ang Sobrang Pagbabayad:
- Apelal (Tinatawag ito ng SSA na isang Paghiling ng Muling Pagsasaalang-alang);
- Magharap ng Waiver ng Pagbawi ng Sobrang Pagbabayad (Waiver);
- Umapela at magharap ng Waiver nang magkasabay;
- Magkipag-usap para sa isang Nakakompromisong Pagbabayad (tingnan ang tanong 19)
- Huwag gumawa ng anuman; o,
- Magdeklara ng pagkabangkarote.
Ang bawat aksyon, maliban sa hindi paggawa ng anuman, ay ipinaliwanag nang mas detalyado sa ibaba.
12. Kailan Makatwiran Para sa Akin na Umapela?
Magharap ng apela kung:22
- Ang paunawa ng Sobrang Pagbabayad ay nagpapakita na mali ang iyong kita.
- Ang paunawa ng Sobrang Pagbabayad ay nagpapakita ng maling halaga ng iyong benepisyo.
- Hindi ka naniniwala na may dapat kang bayaran na katulad ng sinasabi mg SSA;
- Naniniwala ka na ikaw ay hindi tumanggap ng sobrang pagbabayad. at/o,
- Hindi ka responsable para sa muling pagbabayad.23
Kung ang mga fact sa paunawa ng SSA ay hindi tama, dapat kang umapela. Maaari ka ring humingi ng “di-pormal na komperensiya” upang makipagkita sa isang tao mula sa SSA Field Office upang repasuhin ninyo ang Sobrang Pagbabayad.24
Maraming magkakaibang paraan upang Humiling ng Muling Pagsasaalang-alang. (1) sa pamamagitan ng telepono sa SSA, (2) sa pagsusumite--sa pamamgitan ng email, fax, o drop off: isang nakasulat na pahayag sa form ng SSA SSA-561-U2 (02_2025) (o minakinilya/nakasulat sa papel) na nagsasaad na nais mong umapela dahil hindi ka sumasang-ayon sa paunawa ng Sobrang Pagbabayad (isama ang petsa ng paunawa) at/o hindi ka sumasang-ayon sa mga fact ng SSA sa paunawa.
I-click dito upang umapela online sa pamamagitan ng online na Paghiling ng Muling Pagsasaalang-alang
Kung hindi ka umabot sa 60-araw ng deadline upang umapela, maaari ka pa ring umapela kung ikaw ay may “magandang dahilan.”25 May magandang dahilan, halimbawa, kung ang pagkakaroon ng seryosong sakit o may namatay sa iyong pamilya ang dahilan na hindi ka makaapela sa loob ng 60 araw.26
13. Ano ang Waiver, at Kailan Makatwiran para sa Akin na Magharap ng Waiver?
Ang isang Waiver ay pagsasabi mo sa SSA, habang may Sobrang Pagbabayad, na hindi mo ito pagkakasala, at hindi ako dapat atasan na bayaran ito. Hindi mo kailangang bayaran ang Sobrang Pagbabayad kung ang SSA ay naggawad sa iyong paghiling ng Waiver.27 kung hindi maaprubahan ng SSA ang iyong paghiling ng Waiver, dapat silang magsagawa ng personal na komperensiya kasama ka. Sa komperensiya, ikaw at ang SSA ay mag-uusap tungkol sa Sobrang Pagbabayad at sa impormasyon sa iyong file ng kaso. Kung tanggihan ng SSA ang Waiver pagkatapos ng inyong komperensiya, maaari mong iapela ang pagtangging iyon.28
Kapat humihingi ng Waiver, pangkaraniwan, dapat mong ipakita na ang Sobrang Pagbabayad ay hindi mo pagkakasala at ang isa sa mga ito ay mailalapat:29
- Magiging isang paghihirap sa pananalapi ang magbalik ng pera dahil kailangan mo ng pera upang matugunan ang mga ordinaryong gastos sa pamumuhay. Maging handang magsumite ng mga bayarin upang ipakita na ang iyong buwanang mga gastos ay gumagamit ng lahat ng iyong kita;30
- Kung ikaw ay tumatanggap pa rin ng SSI o SSDI, ang pagbabalik ng ibinayad ay magpapawalang-bisa sa punto ng mga programang ito na narito upang tulungan ang mga taong may kapansanan na magbayad para sa mga basikong pangangailangan na tulad ng pagkain, damit, at renta;31
- Ang pagbabalik ng ibinayad ay magiging “laban sa pagkakapantay-pantay at mabuting konsiyensiya,” halimbawa, kung saan ka umaasa ng pagbabayad ng SSI na sa huli ay natuklasang hindi tama, at isinuko ang mahalagang karapatan o binago ang iyong posisyon para sa mas masama dahil dito;32
- Kung ikaw ay may sobrang resource na $50 o mas mababa, kabilang ang mga itinuturing na resource, at ito ang tanging dahilan ng Sobrang Pagbabayad, ang iyong paghiling ng Waiver ay aaprubahan maliban kung sinadya o hinangad mong iulat ang iyong mga resource o ang halaga ng iyong mga resource nang napapanahon at tumpak;33 o,
- Ang halaga ng Sobrang Pagbabayad ay $1000.01 o mas mababa, at ito ay magagamit para sa panahon ng Sobrang Pagbabayad ng indibiwal.34
Makakahingi ka ng Waiver para sa anumang bahagi ng Sobrang Pagbabayad. Halimbawa, kung hindi mo iniulat ang isang pagbabago sa loob ng unang 10 araw ng buwan kasunod ng pagbabago sa iyong kita, pero nag-ulat bago ang pagtatapos ng buwan, maaari kang humingi ng Waiver ng hindi bababa sa bahagi ng anumang Sobrang Pagbabayad na natamo.35
Makakakuha ka ng Form ng Paghiling ng Waiver sa pamamagitan ng pagpunta sa opisina ng SSA, pagtawag sa SSA at paghiling na magpakoreo sila sa iyo ng isa, o mula sa SSA website.
14. Ano ang Limitasyon sa Panahon para sa Paghiling ng Waiver?
Walang limitasyon sa panahon para sa paghiling ng Waiver. Maaari kang humingi ng Waiver kahit kailan. Maaari ka pang humiling ng isang Waiver pagkatapos mong bayaran ang Sobrang Pagbabayad.36 Pagkatapos mong magharap ng paghiling ng Waiver, susuriin ng SSA ang iyong kahilingan at gagawa ng isang pabor na desisyon o magsasagawa ng personal na komperensiya kasama ka kung ito ay hindi makagawa ng pabor na desisyon.37
15. Kung Ako ay Magharap ng Waiver, Paano Magpapasya ang SSA Kung Ako ay Walang Pagkakasala?
Isasaalang-alang ng SSA kung ikaw ay “walang pagkakasala” sa pamamagitan ng pagtingin kung ikaw ay:38
- Nakakaunawa ng obligasyon upang ibalik ang mga pagbabayad na hindi mo dapat natanggap;
- Nakakaunawa na ikaw ay nagkaroon ng Sobrang Pagbabayad sa panahon na nangyari ito.
- Nakakaunawa ng mga iniaatas na pag-uulat ng SSA. Titingnan ng SSA ang iyong kakayahang magbasa, antas ng edukasyon, kung ang English ay iyong ikalawang wika, o kung ikaw ay may kapansanan na ginagawang mahirap na maunawaan ang mga bagay.
- Sumang-ayong iulat ang mga pangyayari na nakakaapekto sa halaga ng iyong benepisyo o pagiging karapat-dapat;
- Alam ang mga pangyayari na dapat na iniulat.
- Nagtangkang sumunod sa mga iniaatas na pag-uulat.
- Sumunod sa mga iniaatas na pag-uulat.
- Nagkaroon ng kakayahan at pagkakataon na sumunod sa mga iniaatas na pag-uulat.
- Tumanggap ng mali o mapanligaw na impormasyon mula sa isang opisyal na tulad ng isang empleyado ng SSE o publikasyon, at/o,
- Alam mo ang pangangailangan na iulat ang pangyayari pero naniniwala na masyadong hindi mahalaga ito kaya inisip mo na hindi ito magkakaroon ng malaking epekto sa halaga ng iyong benepisyo o pagiging karapat-dapat.
TANDAAN: Kung hindi mapatunayan at idokumento ng SSA ang dahilan ng Sobrang Pagbabayad o hindi makapagbigay sa iyo ng buong paliwanag ng mga fact tungkol sa Sobrang Pagbabayad na sinasabi nito na dapat mong bayaran, ikaw ay awtomatikong ipapasyang walang pagkakasala.39
16. Sa Ilalim ng Anu-anong Pangyayari Maaaring Tanggihan ng SSA ang Paghiling ng Waiver Dahil Ito ay Nagpasya na Ako ay May Pagkakasala?
Ikaw ay maaaring ipasyang “may pagkakasala” kaugnay ng isang Sobrang Pagbabayad kapag ang isang hindi tamang pagbabayad ay nagresulta sa isa sa mga sumusunod:40
- Hindi ka nagbigay sa SSA ng impormasyon na dapat na ibinigay mo. Halimbawa, hindi mo iniulat ang impormasyon na nakalista sa itaas sa tanong 4;
- Alam mo na nagbigay ka sa SSA ng hindi tamang impormasyon;
- Tumanggap ka at nagpalit ng mga duplikadong tseke.
- Ikaw ay may katulad na mga Sobrang Pagbabayad sa nakaraan; o,
- Tumanggap ka ng isang may-kondisyon na pagbabayad at hindi sumunod. Halimbwa, kung ikaw ay ginawaran ng inaasahang mga benepisyo sa kapansanan, pero sa huli ay ipinasyang hindi karapat-dapat, kakailanganin mong bayaran ang inasahang mga benepisyo sa kapansanan, o magtatamo ka ng Sobrang Pagbabayad.
Ang pagkakasala o kaalaman ng iba ay hindi maaaring singilin sa taong humihingi ng Waiver. Halimbawa, sa kaso ng batang tumatanggap ng SSI ang kabiguan ng kanilang magulang na iulat ang isang pangyayari na makakaapekto sa halaga ng kanilang benepisyo ng SSI o pagiging karapat-dapat ay hind maipapataw sa bata. Ang bata ay hindi magkakaroon ng pagkakasala. Hindi ito nangangahulugan na ang magulang, bilang Rep. Payee, ay walang pagkakasala at hindi responsable sa pagbabalik ng ibinayad.41
17. Kung ako ay Magharap ng Waiver, Paano Magpapasya ang SSA Kung Magiging Paghihirap para sa Akin ang Pagbabalik ng Sobrang Pagbabayad
Kung ikaw ay tumatanggap ng SSI, awtomationg isinasaalang-alang ng SSA ang paghihirap para sa iyo na ibalik ang Sobrang Pagbabayad. Kung hindi ka na tumatanggap ng SSI, kakailanganin mong ipakita na hindi mo kayang ibalik ang Sobrang Pagbabayad, batay sa iyong kita at mga gastos. Inirerekomenda namin na ilakip mo ang lahat ng dokumentong sa palagay mo ay susuporta sa iyong posisyon sa form ng Paghiling ng Waiver tulad ng mga bayarin, mga pahayag ng bangko, o mga liham mula sa SSA. Gayunman, hindi mo kailangang ilakip ang mga ito o kumpletuhin ang mga partikular na tanong tungkol sa iyong kita at mga gastos kung ikaw ay tumatanggap pa rin ng SSI, dahil inaasahan ang paghihirap.42
Kung ikaw ay pinagkaitan ng isang Waiver dahil sinabi ng SSA na hindi magiging paghihirap na ibalik mo ang Sobrang Pagbabayad at ikaw ay may mga pagbabago ng kalagayan (ang kalagayan ng iyong pananalapi ay naging mas masama) maaaring magawa mong ipakita na magiging paghihirap na ibalik ang Sobrang Pagbabayad batay sa nabagong kalagayan.
18. Sa Ilalim ng Anu-anong Kalagayan Makatwiran para sa Akin na Magharap ng Paghiling ng Muling Pagsasaalang-alang (Apela) at para sa isang Waiver nang magkasabay?
Kung hindi ka sigurado kung ano ang gagawin, umapela sa loob ng 60 araw at humingi ng Waiver nang magkasabay.
19. Ano ang Nakakompromisong Pagbabayad?
Maaari kang mag-alok na bayaran ang SSA ng mas maliit na halaga kaysa kabuuang dapat bayaran nang buo.43. Sa mga factor na isasaalang-alang ng SSA ay kabilang ang:
- Iyong kakayahang bayaran ang buong utang.
- Ang posibilidad ng pag-aakma ngayon o sa hinaharap;
- Ang halagang iniaalok mo laban sa dapat mong bayaran;
- Ang ibang nakakompromisyong pag-aayos mo at ang mga pangyayaring nakapaligid sa mga iyon; at.
- Ang gastos sa SSA ng pagdadala sa iyo sa korte upang mabawi ang Sobrang Pagbabayad.
20. Maaari ba Akong Magharap ng Pagkabangkarote Upang Mawala ang Sobrang Pagbabayad ng SSI?
Oo. Maaari kang magpetisyon sa korte ng pagkabangkarote upang isama ang Sobrang Pagbabayad ng SSI bilang isang walang seguridad na utang na maaaring matanggal.44
21. Paano Ko Maiiwasan ang Sobrang Pagbabayad sa Hinaharap?
- Iulat ang lahat ng pagbabago sa iyong buhay na nakakaapekto sa halaga ng mga benepisyo ng Social Security na natatanggap mo o ang iyong pagiging karapat-dapat. Pinakamahusay na iulat ang mga pagbabago sa SSA sa sulat upang magpanatili ng kopya ng ipinakoreo mo o dinala mo sa SSA Field Office. Sa iyong kopya, isulat kung kailan mo inilagay ito sa koreo. Kung ikaw ay nag-ulat sa pamamagitan ng telepono, isulat ang petsa, oras, numero ng telepono na tinawagan mo, at ang pangalan ng tao na nakausap mo.
- Huwag gastahin ang perang natatanggap mo mula sa SSA kung hinihinala mo na hindi dapat natanggap ito. Sa halip, iulat ito sa SSA. Kung tumanggi ang SSA na bigyan ka ng isang nakasulat na sagot na lumulutas sa iyong inaalala, kontakin ang iyong Senador ng U.S. o miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan at hingan sila ng tulong.
- Maging maalam tungkol sa mga tuntunin ng SSA para sa In-Kind Support and Maintenance (ISM) at kung paano ang “kitang” ito ay makakaapekto sa halaga ng iyong benepisyo o pagiging karapat-dapat. Mangyaring tingnan ang publikasyon ng DRC tungkol sa mga tuntunin ng SSA sa In-kind Support and Maintenance.
22. Anu-anong mga Huling Pagbabago ang ginawa ng SSA sa mga Sobrang Pagbabayad ng SSI at SSDI?
Ang SSA ay gumawa ng nakakatulong, malalawak na pagbabago sa mga patakaran nito sa Sobrang Pagbabayad noong 2024. Halimbawa, ngayon ay may mga Waiver na Pampangasiwaan na ipinahihintulot sa mga Sobrang Pagbabayad na hanggang $2,000;45 at, ang SSA ay nagpahintulot din ng mas mahabang panahon ng pagbawi na 60 buwan upang gawin ang mga pagbabayad na hindi gaanong mabigat para sa mga taong may kapansanan.46
23. Anu-anong mga tuntunin ang idinagdag ng SSA noong 2024 upang pagpasyahan ang mga palagay na “walang pagkakasala” para sa mga Waiver ng Sobrang Pagbabayad?
Ang unang hakbang na ginagawa ng SSA sa bawat paghiling na ang isang Sobrang Pagbabayad ay talikdan ay pagpapasyahan kung ang indibidwal ay “may pagkakasala” sa pagkakaroon ng Sobrang Pagbabayad. Ang lumang pamantayan ang naglalagay ng pasanin sa benepisyaryo upang patunayan na siya ay “hindi masiisi” sa pagkakaroon ng Sobrang Pagbabayad. Inilipat na ng SSA ang pagtasa ng pagkakasala upang maging mas niyutral, balanse, at patas, na nagtataglay ng mas maraming halimbawa ng mga kalagayan kung saan may mga palagay ng “walang pagkakasala,” na nakasaad sa mga tuntunin ng SSA. Ang mga palagay na ito ay mailalapat sa Titulo II at sa Titulo XVI na mga Sobrang Pagbabayad.47
Ang SSA ay naglalapat ng isang palagay ng “walang pagkakasala” sa mga sitwasyon kung saan: (1) ikaw ay nag-ulat ng mga pagbabago sa tamang oras, (2) ang SSA ay patuloy na nagbabayad sa iyo ng mga benepisyo kahit na pagkatapos mong mag-ulat ng mga pagbabago sa tamang panahon, (3) nagtamo ka ng Sobrang Pagbabayad dahil sa mga kita (Titulo II lamang);48 o, (4) nagtamo ka ng Sobrang Pagbabayad dahil sa maling impormasyon mula sa isang opisyal na pinagkunan.
Ang SSA ay maaari lamang magpasya na ang isang indibidwal ay may pagkakasala kung ito ay may ebidensiya na ang Sobrang Pagbabayad ay nangyari dahil ang indibidwal ay:
- Gumawa ng hindi tamang pahayag na alam niya o dapat nalaman na hindi tama.
- Nabigong magbigay ng impormasyon na alam niya o dapat malaman na mahalaga; o
- Tumanggap ng mga pagbabayad na alam niya o dapat nalaman na hindi tama.
Maliban kung ang SSA ay may ebidensiya na ang isa sa mga ito ay nangyari, ang indibidwal ay walang pagkakasala.49
Kung ang indibidwal ay walang pagkakasala, ang SSA ay magpapasya kung aaprubahan nito ang Waiver sa ilalim ng isa mga sumusunod na probisyon:
- Ang pagkakait ng Waiver ay bibigo sa layunin ng Programang SSI o SSDI;50 o,
- Magiging laban sa pagkakapantay-pantay at mabuting konsiyensiya ang ipagkait ang Waiver. POMS GN 02250.150
24. Anu-anong mga bagong tuntunin ang idinagdag ng SSA noong 2024 sa pamantayan ng “Bibiguin ang Layunin ng programa” para sa paggagawad ng mga Waiver?
Ang SSA ay magpapasya na bibigo sa layunin ng programang SSI at SSDI ang maggawad ng isang Waiver, kung ang pagbawi sa Sobrang Pagbabayad ay magkakait sa sobrang nabayaran na indibidwal ng kita at mga resource na kinakailangan para sa ordinaryo at kailangang mga gastos sa pamumuhay.. Iyon ay nangangahulugan na pagkatapos mong bayaran ang lahat ng iyong bayarin sa isang buwan, ang natitira sa iyong kita ay hindi hihigit sa $250. Para mailapat ito, ang isang indibidwal ay hindi maaaring magkaroon ng higit sa $6,000 sa mga resource. Gayunman, ang CalABLE Accounts ay pangkaraniwang hindi saklaw mula sa limitasyon sa resource na ito.51
Ipapasya ng SSA na binibigo nito ang layunin ng programang SSI o SSDI, at kaya tatalikdan ang Sobrang Pagbabayad, kung ang sobrang nabayarang indibidwal o sinumang miyembro ng sambahayan ng indibidwal na iyo ay tumatanggap ng tulong na batay sa mga pangangailangan. Sa mga halimbawa ng tulong na batay sa mga pangangailangan ay kabilang ang; SSI; Temporary Assistance for Needy Families (TANF); Veterans Affairs service at hindi kaugnay ng serbisyo na mga pensiyon sa kapansanan batay sa pangangailangan, Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP); Medicare Part D Extra Help Program (Low-Income Subsidy); o, ang kabuuang kita ng samahayan ay nasa mas mababa sa 150% ng Pederal na Antas ng Kahirapan at ang sambahayan ay may mga limitadong resource.52
25. Anu-anong mga tuntunin ang idinagdag ng SSA sa 2024 tungkol sa pamantayan “labag sa pagkakapantay-pantay at mabuting konsiyesiyae” para sa mga Waiver?
Ipapasya ng SSA na “labag sa pagkakapantay-pantay at mabuting konsensiya” na ipagkait ang isang paghiling ng Waiver ng Sobrang Pagbabayad kung saan ang isang indibidwal ay umaasa sa isang paunawa ng pagbabayad o umasa sa hindi tamang pagbabayad mismo at ang kanilang pinansiyal na posisyon ay nagbago upang maging mas masama, o isinuko nila ang isang mahalagang karapatan, dahil dito.
Gayon din, ituturing ngayon ng SSA na ito ay labag sa pagkakapantay-pantay at mabuting konsiyensiya na ipagkait ang isang paghiling ng Waiver ng Sobrang Pagbabayad kung saan ang isa sa mga sumusunod ay mailalapat
- Hindi mahanap ng SSA ang mga dokumento o hindi malaman ang dahilan ng Sobrang Pagbabayad;53
- Ang sobrang nabayarang indibidwal ay umasa sa maling impormasyon mula sa isang opisyal na pinagkunan;54
- Ang sobrang nabayaran na indibidwal ay makatwirang naniwala na ibininilang ng SSA ang netong mga kita sa halip ng kabuuang mga kita;55 o,
- Ibang mga sitwasyon na nakalista sa POMS GN 02250.150.
26. Ano ang Campos v. Kijakazi Settlement at paano ito nakakaapekto sa mga Sobrang Pagbabayad?
Ang inaprubahan ng korte na pambansang class action settlement sa Campos v. Kijakazi—isang kaso mula sa Eastern District of New York, ay dapat magbenepisyo sa higit sa dalawang milyong tumatanggap ng SSI sa buong United States na nagtamo ng mga Sobrang Pagbabayad sa panahon ng COVID-19 National Emergency (Marso hanggang Setyembre 2020).56
Ayon sa pakikipag-ayos na ito, ang SSA ay dapat tumalikdan sa lahat ng sobrang pagbabayad ng SSI na natamo para sa mga buwan ng Marso hanggang Setyembre 2020 na manwal na naproseso. Ito ay nangangahulugan, na ang SSA ay dapat tumalikdan sa lahat ng sobrang pagbabayad para sa mga buwan na iyon maliban sa mga Sobrang Pagbabayad na tinukoy sa pamamagitan ng isang may-awtomasyon na proseso na tulad ng pagpapares ng mga datos ng Department of Veterans Affairs.
Ang SSA ay dapat maggawad ng mga waiver na ito nang hindi kailangang gumawa ng anumang mga hakbang ang mga tumatanggap ng SSI o magsumite ng aplikasyon o ibang papel.
Dapat magpadala ang SSA sa mga karapat-dapat na indibidwal ng paunawa na nagsasabi sa kanila ng tungkol sa Waiver. Ayon sa kasunduan sa pakikipag-ayos, ang isang kulang na pagbabayad para sa anumang mga pagbabayad na nagawa mo na sa isang Sobrang Pagbabayad na natamo mula Marso hanggang Setyembre 2020 ay dapat iisyu, at ito ay dapat gawin na hindi kailangang gumawa ng anuman ang tumatanggap ng SSI.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang mga link ng SSA na “Paunawa ng Pinal na Pakikipag-ayos Sa Kasong Campos” at mula sa SSA na Pang-emerhensiyan Direktiba Upang Hawakan ang mga Kasong Campos na may petsang Pebrero 6, 2025.
- 1. 20 C.F.R. Section 416.537(a); 20 C.F.R Section 416.538(a)
- 2. 20 C.F.R. Section 416.708; 20 C.F R. Section 416.714
- 3. 20 C.F.R. Section 416.708
- 4. 20 C.F.R. Section 416.570; POMS SI 02201.020 B.1
- 5. 42 U.S.C. Section 1382j(e); POMS SI 02201.005.F
- 6. 42 U.S.C. Section 1383(b); POMS SI 02201.005.F
- 7. 20 C.F.R. Section 416.537(a); POMS SI 02201.005.F
- 8. POMS SI 02201.005.G.2.c, d
- 9. POMS SI 02201.005.G.2.b
- 10. POMS SI 02201.005.G.2
- 11. POMS SI 02201.005.G.2.a
- 12. 20 C.F.R. Section 416.558; POMS SI 02201.025
- 13. SSA’s Form: SSA-1696 (12-2024)
- 14. POMS GN 02210.030
- 15. SSA Emergency Message: Pagbabago sa Halaga ng Withholding ng Default na Benepisyo ng Tituto II na Sobrang Pagbabayad patungo sa 50 Porsiyento na Withholding, Abril 25, 2025
- 16. See POMS SI 02220.016
- 17. 20 C.F.R. Section 416.571
- 18. 20 C.F.R. Section 416.1336(b)
- 19. Goldberg v. Kelly, 397 U.S. 254 (1970); POMS SI 02301.310
- 20. POMS SI 02301.310; POMS SI 02301.313
- 21. POMS SI 02301.300
- 22. 20 C.F.R. Section 416.1408
- 23. POMS SI 02201.005
- 24. 20 C.F.R. Section 416.1413
- 25. 20 C.F.R. Section 416.1411; 20 C.F.R. Section 404.911
- 26. POMS GN 03101.020
- 27. 20 C.F.R. Section 416.551
- 28. 20 C.F.R. Section 416.557
- 29. 20 C.F.R. Section 416.550
- 30. 42 U.S.C. Section 1383(b); 20 C.F.R. Section 416.553
- 31. Id.
- 32. 42 U.S.C. Section 1383(b); 20 C.F.R. Section 416.554
- 33. 20 C.F.R. Section 416.556; POMS SI 02260.025.C.2; SI 02260.035
- 34. 20 C.F.R. Section 416.555; POMS SI 02260.030
- 35. 20 C.F.R. Section 416.551
- 36. POMS SI 02260.001.A.3
- 37. 20 C.F.R. Section 416.557
- 38. 20 C.F.R. Section 416.552
- 39. POMS SI 02260.015.B.1.b
- 40. Id.
- 41. POMS SI 02260.010.B.3
- 42. 20 C.F.R. Section 416.553
- 43. 20 C.F.R. Section 416.571
- 44. POMS SI 02220.040; POMS GN 02215.185; POMS SI 02220.040
- 45. POMS GN 02250.350
- 46. POMS GN 02210.030
- 47. POMS GN 02250.350
- 48. POMS GN 02250.025
- 49. See POMS GN 02250.005
- 50. POMS GN 02250.110; POMS GN 02250.100
- 51. See POMS GN 02250.100
- 52. POMS GN 02250.110
- 53. POMS GN 02250.011
- 54. POMS GN 02250.061
- 55. POMS GN 02250.025B.5
- 56. Campos, et al. v. Kijakazi, No. 21 Civ. 5143 (E.D.N.Y.)(June 2023)