Mga Karapatan sa Paaralan Pagkatapos ng isang Kalamidad

Publications
8117.01

Mga Karapatan sa Paaralan Pagkatapos ng isang Kalamidad

Ang iyong mga anak ay may karapatang pumasok sa paaralan na dinadaluhan nila kahit na kayo ay naninirahan sa labas ng mga hangganan ng distrito ng paaralan. Ito ay tinatawag na “mga karapatan sa pinagmulang paaralan” sa ilalim ng pederal na batas (ang McKinney Vento Act) upang tumulong na panatilihin ang katatagan sa paaralan para sa mga estudyante. Kontakin ang paaralan ng iyong mga anak at hilingin na makausap ang kanilang tagapamagitan sa edukasyon ng walang bahay.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Mga Karapatan para sa Lahat ng Estudyante

Kailangan nating lumipat dahil sa kalamidad.

Ang iyong mga anak ay may karapatang pumasok sa paaralan na dinadaluhan nila kahit na kayo ay naninirahan sa labas ng mga hangganan ng distrito ng paaralan. Ito ay tinatawag na “mga karapatan sa pinagmulang paaralan” sa ilalim ng pederal na batas (ang McKinney Vento Act) upang tumulong na panatilihin ang katatagan sa paaralan para sa mga estudyante. Kontakin ang paaralan ng iyong mga anak at hilingin na makausap ang kanilang tagapamagitan sa edukasyon ng walang bahay.

Kung hindi praktikal para sa iyong mga anak na dumalo sa kanilang dating paaralan, o sa palagay mo ay hindi ito makakabuti sa kanila, ang pederal na batas ay nagsasabi rin sa iyo na maaari mo silang ienrol sa isang paaralan na malapit sa tinitigilan mo. Ito ay dahil ang isang pederal na batas (ang McKinney Vento Act) na nagsasabi na ang mga batang walang tirahan ay maaaring magpaenrol sa paaralan na malapit sa tinitirahan nila. Kontakin ang lokal na distrito ng paaralan at sabihin sa kanila na kailangan mong lumipat dahil sa isang kalamidad at gustong ienrol ang iyong anak sa paaralan. Para karagdagang impormasyon, bisitahin ang publikasyon ng DRC tungkol sa mga karapatan ng mga estudyanteng walang bahay.

Bakit dapat kong ipaenrol ang aking anak sa paaralan?

Ang pagpunta sa paaralan pagkatapos ng isang kalamidad ay mabuti para sa maraming bata dahil ito ay tumutulong sa kanila na bumalik sa normal na routine at nagpapahintulot sa kanila na magawa ang kanilang gawain sa paaralan. Ang ilang estudyante ay pinapakain din sa pamamagitan ng mga programa sa almusal at tanghalian, na maaaring makatulong sa mga pamilyang nawalan ng pagkain dahil sa kalamidad o hindi kayang bumili ng pagkain. Ang paaralan ay nagbibigay rin sa mga magulang ng panahon upang gawin ang mga bagay na makakatulong sa pamilya na makabangon mula sa kalamidad.

Maaari bang pumasok sa paaralan ang aking anak kung kami ay naninirahan sa isang shelter?

Oo. Hindi mahalaga kung saan ka naninirahan. Maaari kang manirahan sa isang shelter, tent, trailer, hotel, motel, campground, sa iyong sasakyan, isang parke, o sa mga kaibigan o kamag-anak. Ang iyong anak ay may karapatang pumasok sa paaralan sa California.

Anu-anong mga papel ang kailangan ng aking anak upang makabalik sa paaralan?

Kung kailangan mong lumipat dahil sa isang kalamidad ang iyong anak ay maaaring magpaenrol agad na hindi nagpapakita ng mga papel na karaniwang hinihingi ng mga paaralan, tulad ng katunayan ng paninirahan, mga rekord sa paaralan, o mga rekord ng imunisasyon (mga rekord ng iniksyon o bakuna). Kokontakin ng bagong paaralan ng inyong anak ang kanilang lumang paaralan upang makuha ang mga rekord na ito.

Paano ako makakalahok sa edukasyon ng aking anak sa panahon o pagkatapos ng isang kalamidad?

Ang mga magulang ay may karapatang lumahok sa mga desisyon tungkol sa edukasyon ng kanilang anak. Ang mga paaralan ay dapat humanap ng malilikhaing paraan upang matiyak na ang paglahok ng magulang, kabilang ang pagsasagawa ng mga birtuwal na pulong kung ang kahandaan ng magulang ay naapektuhan ng isang kalamidad. Bilang karagdagan, dapat igalang ng mga paaralan ang iyong gustong wika o paraan ng komunikasyon.

Karagdagang mga Karapatan para sa mga Estudyanteng May Kapansanan

Paano kung ang aking anak ay may kapansanan?

Dapat tiyakin ng mga paaralan na ang lahat ng estudyante, kabilang ang mga estudyanteng may kapansanan, ay may access sa kanilang edukasyon, kabilang ang access sa mga materyal at plataporma kapag may kalamidad. Kung, halimbawa, ang isang paaralan ay lumipat sa online na pagtuturo, maaaring kabilang sa mga kaluwagan ang mga closed caption, tagabasa ng screen, malalaking letra, o alternatibong mga format. Ang mga ito ay dapat na nakabalangkas sa isang 504 Plan. Kung ang iyong anak ay karapat-dapat para sa espesyal na edukasyon, ito ay dapat na nakadokumento sa kanilang IEP, na tinalakay nang mas detalyado sa ibaba.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa 504 Plans ay makukuha rito.

Patuloy bang tatanggap ang aking anak ng kanilang mga serbisyo sa espesyal na edukasyon na nakalista sa kanilang Individualized Education Program (“IEP”) kahit na nagsara ang paaralan dahil sa isang kalamidad?

Ang iyong anak ay may karapatang tumanggap ng mga serbisyo sa espesyal na edukasyon na kailangan nila sa alinmang pampublikong paaralan. Ang karapatang ito ay pinoprotektahan ng pederal na batas at batas ng California. Ang mga serbisyo ng IEP na dapat matanggap ng iyong anak sa mga pagsasara ng paaralan ay dapat idokumento sa IEP ng iyong anak sa seksyon na “Pang-emerhensiyang Plano”. Ang karagdagang Impormasyon tungkol sa Mga Pang-emerhensiyang Plano ng IEP ay makukuha rito.

Kung hindi kasama sa IEP ng iyong anak ang seksyong ito o hindi ka sumasang-ayon doon, dapat kang humiling ng isang pulong ng IEP upang gumawa ng mga pagbabago. Ang paaralan ay dapat magsagawa ng pulong ng IEP sa loob ng 30 araw ng iyong paghiling. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano humiling ng pulong ng IEP ay makukuha rito.

Patuloy bang tatanggap ang aking anak ng kanilang mga serbisyo sa espesyal na edukasyon kahit na lumipat kami at sila ay pumapasok sa isang bagong distrito ng paaralan?

Oo, ang bagong distrito ng paaralan ng iyong anak ay dapat magkaloob ng mga serbisyo at suporta na nakabalangkas sa IEP ng iyong anak. Kung gusto ng bagong distrito ng paaralan na baguhin ang IEP ng iyong anak, dapat muna nilang talakayin sa iyo ang iminmungkahing mga pagbabago sa isang pulong ng IEP at kunin ang iyong pahintulot.

Kahit na wala sa iyo ang mga papel ng iyong iyong anak, tulad ng kanilang IEP, ang iyong anak ay dapat tumanggap ng mga serbisyo ng espesyal na edukasyon. Kung hindi makuha ng bagong paaralan ng iyong anak ang mga rekord mula sa dating paaralan, maaari mong sabihin sa bagong paaralan ang mga pangangailangan ng iyong anak. Ang paaralan ay dapat makipagtulungan sa iyo upang magkaloob ng mga serbisyong katulad ng dating nakukuha ng iyong anak o makipagtrabaho sa iyo upang bumuo ng isang bagong plano.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng IEP ay makukuha rito.

Paano kung hindi natatanggap ng aking anak ang kanyang mga serbisyo ng IEP sa panahon o pagkatapos ng isang kalamidad?

Kung hindi magawa ng isang paaralan na magkaloob sa iyong anak ng mga serbisyo ng IEP sa panahon ng kalamidad o pagsasara ng paaralan, ang estudyante ay maaaring karapat-dapat sa make-up services (“compensatory education”) upang mapunuan ang mga serbisyong hindi nila nakuha.

Kung ang iyong anak ay hindi tumatanggap ng mga serbisyo ng IEP, dapat kang magpanatili ng rekord ng mga serbisyong hindi nila nakuha at kailan. Saka dapat kang humiling ng pulong ng IEP upang talakayin ang mga serbisyong hindi nakuha ng iyong anak at paano ito pupunuan ng distrito ng paaralan.

Paano kung ang kalamidad ay nakaapekto sa kapansanan ng aking anak at kailangan niya ng bago o ibang mga suporta?

Ang iyong anak ay maaaring mangailangan ng bago o ibang mga kaluwagan, suporta o serbisyo sa panahon o pagkatapos ng isang kalamidad. Halimbawa, ang iyong ank ay maaaring may kondisyong medikal na pinalala ng usok ng wildfire (halimbawa ay hika) o maaaring may mga bagong pangangailangan sa kalusugan ng isip pagkatapos makaranas ng trauma na kaugnay ng kalamidad. Kung ang iyong anak ay mayroon nang 504 Plan o IEP, makakahiling ka ng pulong upang talakayin ang nabagong mga pangangailangan ng iyong anak. Kung ang iyong anak ay wala pang 504 Plan o IEP, makakahiling ka ng mga pagtasa upang malaman kung ang iyong anak ay karapat-dapat.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa paano humiling ng isang Pagtasa ng 504 Plan o mga pagbabago sa 504 Plan ng iyong anak ay makukuha rito.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa paghiling ng isang pagtasa ng IEP o mga pagbabago sa IEP ng iyong anak ay makukuha rito.

Paano ko matitiyak na ang aking anak na may kapansanan ay ligtas kung ang isang emerhensiya o kalamidad ay mangyari habang siya ay nasa paaralan?

Ang mga paaralan ay dapat magtaglay ng isang Masaklaw na Planong Pangkaligtasan ng Paaralan na kinabibilangan ng paano nito pananatilihin na ligtas ang mga estudyane sa panahon ng emerhensiya o kalamidad. Dapat kabilang sa mga planong ito ang mga kaluwagan o pag-aagpang para mga estudyanteng may kapansanan. Halimbawa, ang isang plano sa paglikas mula sa silid-aralan na kinabibilangan ng mga hagdan ay dapat iakma para sa estudyanteng gumagamit ng wheelchair.

Kung ikaw ay nag-aalala tungkol sa kaligtasan ng iyong anak sa paaralan kapag may kalamidad o emerhensiya, makakahiling ng isang pulong ng IEP o 504 upang talakayin ang mga natatanging pangangailangan ng iyong anak na may kaugnayan sa kapansanan.

Salamat sa Neighborhood Legal Services of Los Angeles County, Lone Star Legal Aid at National Homelessness Law Center para sa paggamit ng kanilang mga tagatulong.