Pag-unawa sa Maximum na Bilang ng Mga Oras na Available at Pagkalkula sa Mga Oras

Publications
#5611.08

Pag-unawa sa Maximum na Bilang ng Mga Oras na Available at Pagkalkula sa Mga Oras

Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito kung paano kinakalkula ang mga buwanang oras ng Mga Sumusuportang Serbisyo sa Loob ng Tahanan (In-Home Supportive Services, IHSS).Sa abot ng aming kaalaman, ito ang ginagamit na formula ng Estado para kalkulahin ang mga serbisyo ng IHSS.Ipinagpapalagay ng publikasyon na ito na nakapag-apply ka na para sa IHSS, sumailalim ka na sa pagtatasa sa bahay kasama ang Manggagawa sa IHSS, at nakatanggap ka ng mga inaprubahang oras ng Abiso ng Aksyon (Notice of Action, NOA) ng IHSS. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa IHSS at paano magtaguyod para sa anumang karagdagang serbisyo sa IHSS na maaaring kailanganin mo, mangyaring bisitahin ang Webpage ng Mapagkukunan para sa Sariling Pagtataguyod ng IHSS ng DRC.

Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.

Ipinapaliwanag ng publikasyon na ito kung paano kinakalkula ang mga buwanang oras ng Mga Sumusuportang Serbisyo sa Loob ng Tahanan (In-Home Supportive Services, IHSS).1 Ipinagpapalagay ng publikasyon na ito na nakapag-apply ka na para sa IHSS, sumailalim ka na sa pagtatasa sa bahay kasama ang Manggagawa sa IHSS, at nakatanggap ka ng mga inaprubahang oras ng Abiso ng Aksyon (Notice of Action, NOA) ng IHSS. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa IHSS at paano magtaguyod para sa anumang karagdagang serbisyo sa IHSS na maaaring kailanganin mo, mangyaring bisitahin ang Webpage ng Mapagkukunan para sa Sariling Pagtataguyod ng IHSS ng DRC.

1. Pagpopondo ng IHSS

Pinopondohan ang IHSS sa pamamagitan ng apat na subprogram. Ang bawat prgrama ay may iba’t ibang pamantayan sa pagiging kwalipikado at mga maximum na buwanang oras na available. Nakabase ang bilang ng mga oras na nakukuha mo sa subprogram kung nasaan ka at kung anong mga serbisyo sa IHSS ang kailangan mo. Ang maximum na bilang ng mga oras ng IHSS na maaaring makuha ng isang indibidwal ay 283 oras kada buwan.

Ang mga programang ito ay:

  1. Personal Care Services Program (PCSP)
  2. Community First Choice Option (CFCO)
  3. IHSS Plus Option (IPO)
  4. IHSS Residual (IHSS-R)

Maaari mong makita kung nasaang subprogram ka sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong Abiso ng Aksyon sa Pag-apruba ng IHSS o pagtatanong sa iyong Manggagawa sa IHSS.

Maaari kang makakuha ng 283 oras (ang maximum) kada buwan kung:

  1. Nasa programang PCSP ka at nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa, o
  2. Nasa CFCO, IPO, o IHSS-R subprogram ka, nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa, at “matindi ang kapansanan” mo, o
  3. Kailangan mo ng hindi bababa sa 283 oras kada buwan sa mga serbisyo sa IHSS. Halimbawa, nakakakuha ka ng hindi medikal na personal na pangangalaga, nauugnay, paramedical, at/o iba pang serbisyo sa IHSS.

Inililista ng sumusunod na chart ang apat na subprogram ng IHSS at ang maximum na buwanang IHSS na available para sa mga taong nakakakuha ng Pamprotektang Pangangasiwa (Protective Supervision):

Subprogram Kung itinuturing kang Matindi ang Kapansanan (Severely Impaired, SI) – hanggang: Kung itinuturing kang Walang Matinding Kapansanan (- Non-Severely Impaired, NSI) – hanggang: Pagsipi/pinagmulan ng impormasyon
PCSP 283 oras/buwan 283 oras/buwan Lahat ng Sulat sa County (All County Letter, ACL) Blg. 93-21 ACL 99-86
IPO 283 oras/buwan 195 oras/buwan ACL 11-19
IHSS-R 283 oras/buwan 195 oras/buwan Kodigo ng Kapakanan at Mga Institusyon § 12303.4
CFCO 283 oras/buwan Hanggang 283 oras/buwan ACL 14-60

2. Pagiging Kwalipikado, Mga Serbisyo at Mga Limitasyon sa IHSS Subprogram

i. Personal Care Services Program (PCSP)

Para maging kwalipikado para sa PCSP:

  • Kailangan mong maging kwalipikadong makatanggap ng Medi-Cal na ganap na saklaw na pederal na pinansyal na pakikilahok.
  • Hindi ka maaaring magkaroon ng provider na asawa o provider na magulang.
  • Hindi ka maaaring makakuha ng paunang bayad2 o allowance sa pagkain sa restaurant.3

Sa ilalim ng PCSP subprogram, maaari kang makakuha ng 283 oras kada buwan ng IHSS kung natukoy na kwalipikado para sa Pamprotektang Pangangasiwa.4

ii. Community First Choice Option (CFCO)

Para maging kwalipikado para sa CFCO:

  • Kailangan mong maging kwalipikadong makatanggap ng Medi-Cal na ganap na saklaw na pederal na pinansyal na pakikilahok.
  • Dapat mong matugunan ang antas ng pangangalaga ng nursing facility.5
  • Walang paghihigpit sa pagkuha ng paunang bayad, allowance sa pagkain sa restaurant, o pagkakaroon ng provider na asawa o provider na magulang.

Sa ilalim ng CFCO subprogram, kung nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa at matindi ang iyong kapansanan, maaari kang makakuha ng 283 oras kada buwan ng IHSS. Kung kumukuha ka ng pamprotektang pangangasiwa at ikaw ay Walang Matinding Kapansanan, maaari kang makakuha ng 195 oras ng pamprotektang pangangasiwa at iba pang serbisyong kailangan mo nang hanggang 283 oras kada buwan.

Kung ikaw ay kinasal, walang Medi-Cal, at nangangailangan ng mga serbisyo sa IHSS, maaaring makinabang ka mula sa pag-aply para sa IHSS sa ilalim ng programang CFCO. Ang mga kinasal na indibidwal na nangangailangan ng Medi-Cal at IHSS ay maaaring gumamit ng mga mas kanais-nais tuntunin sa pagiging kwalipikado ng Medi-Cal na tinatawag na “Mga Probisyon sa Paghihikahos ng Asawa” (Spousal Impoverishment Provisions) para makakuha ng IHSS sa ilalim ng CFCO subprogram.6 Nagbibigay-daan ang mga tuntuning ito sa asawang nangangailangan ng mga serbisyo sa IHSS na maging kwalipikado para sa Medi-Cal habang napapanatili ng kanyang asawa ang labis na higit na kita kumpara sa pinapayagan sa iba pang tuntunin sa pagiging kwalipikado sa Medi-Cal.7Ang Allowance para sa Mapagkukunan ng Asawa sa Komunidad (Community Spouse Resource Allowance) na kilala rin bilang limitasyon sa asset ay inalis na mula Enero 1, 2024.8 Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga probisyon ng Medi-Cal sa paghihikahos ng asawa, tingnan ang mga publikasyon ng DRC na may pamagat na, Pagtukoy sa Pagiging Kwalipikado sa Ilalim ng Programa sa Pederal na Antas ng Kahirapan ng Nakatatanda at May Kapansanan (Aged & Disabled Federal Poverty Level, A&D FPL) at Mga Sumusuportang Serbsyo sa Loob ng Tahanan (IHSS): Isang Gabay para sa Mga Tagapagtaguyod.

iii. IHSS Plus Option (IPO)

Para maging kwalipikado para sa IPO:

  • Kailangan mong maging kwalipikadong makatanggap ng Medi-Cal na ganap na saklaw na pederal na pinansyal na pakikilahok.
  • Hindi mo natutugunan ang antas ng pangangalaga sa nusing facility pero kailangan mo ng IHSS, at
  • Mayroon kang provider na asawa o nakakatanggap ka ng paunang bayad o allowance sa pagkain sa restaurant.9

Sa ilalim ng IPO subprogram, kung nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa at matindi ang iyong kapansanan, maaari kang makakuha ng 283 oras kada buwan ng IHSS. Kung nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa at ikaw ay walang matinding kapansanan, maaari kang makakuha ng 195 oras kada buwan ng IHSS.

Sa pangkalahatan, ang mga taong hindi nakakatugon sa antas ng pangangalaga sa nursing facility at may provider na asawa, o nakakatanggap ng paunang bayad, o may allowance sa pagkain sa restaurant, at inilalagay sa programang ito bilang alternatibon sa mga PCSP at CFCO subprogram.

iv. IHSS Residual (IHSS-R)

Para maging kwalipikado para sa IHSS-R:

  • Hindi ka kwalipikadong makatanggap ng Medi-Cal na may ganap na saklaw na pederal na pinansyal na pakikilahok.

Sa ilalim ng IHSS-R subprogram, kung nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa at matindi ang iyong kapansanan, maaari kang makakuha ng 283 oras kada buwan ng IHSS. Kung nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa at ikaw ay walang matinding kapansanan, maaari kang makakuha ng 195 oras kada buwan ng IHSS.

Pinopondohan ng estado at nang lokal ang IHSS-R subprogram. Pangunahin itong binubuo ng mga tagatanggap ng IHSS na nawalan ng Medi-Cal (SB87) at ilang tao na permanenteng residente ayon sa batas o mga taong nakatira sa Estados Unidos sa ilalim ng color of law at hindi makuha ang Medi-Cal na may ganap na saklaw na pederal na pinansyal na pakikilahok. Ang SB 87 ay isang tuntunin ng Medi-Cal na inaatas sa mga taong nawalan ng Medi-Cal na tumanggap ng isang karagdagang buwan ng Medi-Cal habang tinitingnan ng country kung may programa ng Medi-Cal na maaaring kwalipikado ang indibidwal. Napakaunti ng taong nasa IHSS-R program. Kung nakatanggap ka ng Abiso ng Aksyon ng IHSS na inilalagay ka sa residual na programa at winawakasan ang iyong IHSS dahil wala kang Medi-Cal, dapat mong iapela ang Abiso ng Aksyon ng IHSS at kaagad na makipag-ugnayan sa Medi-Cal para makita kung ano ang maaari mong gawin para itaguyod ulit ang pagiging kwalipikado sa Medi-Cal.

Tandaan: Karamihan ng mga tao, anuman ang katayuan sa imigrasyon, ay maaaring makakuha ng Medi-Cal sa California.10Hindi maaaring tanggihan ng county ang iyong aplikasyon sa IHSS dahil wala kang Social Security Number o Individual Taxpayer Identification Number.11 Maaari mong bisitahin ang website ng Mga Serbisyo ng Departamento ng Kalusugan (Department of Health) ng California para ssa impormasyon tungkol sa pag-apply para sa Medi-Cal.

v. Paano Nagkakaiba ang Mga Oras ng IHSS Batay sa Indibidwal na Pangangailangan

Ipinapakita ng chart sa ibaba kung paano ka maaaring makatanggap ng ibang dami ng mga oras depende sa kung nasaang IHSS subprogram ka at kung nakakatanggap ka ng pamprotektang pangangasiwa bilang indibidwal na may matindi o walang matinding kapansanan.

PCSP CFCO IPO IHSS-R

Indibidwal A

Kwalipikado para sa Pamprotektang Pangangasiwa at May Matinding Kapansanan

Kailangan ni Indibidwal A ng 20 oras ng hindi medikal na personal na pangangalaga kada linggo.

283 hrs/mo 283 hrs/mo 283 hrs/mo 283 hrs/mo
PCSP CFCO IPO IHSS-R

Indibidwal B

Kwalipikado para sa Pamprotektang Pangangasiwa, Walang Matinding Kapansanan, at 6 na Oras ng Mga Serbisyong Pantahanan

Kailangan ni Indibidwal B ng 19 na oras at 56 na minuto (o 19.9 na oras) ng hindi medikal na personal na pangangalaga kada linggo.

Gawing Decimal ang Mga Minuto

56 / 60 =.9333 →.9 (ni-round down)

Pagkalkula ng Decimal ng Mga Buwanang Oras ng Mga Serbisyo sa Personal na Pangangalaga

19.9 na oras x 4.33 = 86.167 = 86.17 (ni-round up)

Pag-convert sa Mga Minuto:

.17 x 60 = 10.2 minuto = 10 minuto (ni-round down)

Mga Buwanang Oras ng Serbisyo sa Personal na Pangangalaga 86 na oras at 10 minuto o 86:10

Idagdag ang Mga Serbisyong Pantahanan

86:10 + 6:00 = 92:10

283 oras kada buwan

283 oras kada buwan

[Kasama rito ang 195 Pamprotektang Pangangasiwa + 86:10 ng Mga Serbisyo sa Personal na Pangangalaga kada buwan + 6 na oras ng Mga Serbisyong Pantahanan =

287:10 kada buwan. Makakakuha ang indibidwal ng 283 oras dahil sa buwanang limitasyon sa IHSS]

195 oras kada buwan

195 oras kada buwan

PCSP CFCO IPO IHSS-R

Indibidwal C

Hindi Kwalipikado para sa Pamprotektang Pangangasiwa, Walang Matinding Kapansanan, at 6 na Oras ng Mga Serbisyong Pantahanan

Kailangan ni Indibidwal C ng 19 na oras at 56 na minuto (o 19.9 na oras) ng hindi medikal na personal na pangangalaga kada linggo.

Gawing Decimal ang Mga Minuto 56 / 60 =.9333 →.9 (ni-round down)

Pagkalkula ng Decimal ng Mga Buwanang Oras ng Mga Serbisyo sa Personal na Pangangalaga

19.9 na oras x 4.33 = 86.167 = 86.17 (ni-round up)

Pag-convert sa Mga Minuto:

.17 x 60 = 10.2 minuto = 10 minuto (ni-round down)

Mga Buwanang Oras ng Serbisyo sa Personal na Pangangalaga 86 na oras at 10 minuto o 86:10

Idagdag ang Mga Serbisyong Pantahanan

86:10 + 6:00 = 92:10

92:10 (o 92 oras at 10 minuto kada buwan) 92:10 (o 92 oras at 10 minuto kada buwan) 92:10 (o 92 oras at 10 minuto kada buwan) 92:10 (o 92 oras at 10 minuto kada buwan)

Maglalaman ang iyong NOA ng IHSS ng dami ng oras na maaari mong makuha kada linggo at kada buwan sa mga oras at minuto. Para kalkulahin ang dami ng mga oras ng IHSS na maaari mong matanggap sa isang buwan, dapat mong i-convert ang mga oras at minutong kailangan mo sa mga serbisyo sa IHSS kada linggo sa mga ika-10 bahagi ng isang oras at i-multiplt ito sa 4.33. Susuriin ulit natin nang mas detalyado ang prosesong ito mamaya.

3. Ang Pagsusuri sa Bahay para sa IHSS

Susuriin ka ng iyong Manggagawa sa IHSS sa iyong bahay para pagpasyahan kung anong mga serbisyo ang kailangan mo at kung gaanong karaming oras ang kailangan mo para sa bawat serbisyo. Kung naaangkop, paghahati-hatiin ng Manggagawa sa IHSS ang ilang partikular na serbisyo at tutukuyin niya ang mga alternatibong pinagkukunan. Babawasan ng dami ng oras sa iyong Abiso ng Aksyon ng IHSS para sa paghahati-hati at mga alternatibong pinagkukunan ang dami ng oras na maaaring ipahintulot sa iyo. Ang bilang ng mga oras na maaari mong makuha bawat buwan ay tinatawag na “mga pinapahintulutang oras.” Ang iyong mga pinapahintulutang oras ay ang bilang ng mga oras na maaari mong makuha pagkatapos ilapat ang paghahati-hati, alternatibong pinagkukunan, mga alituntunin sa gawain bawat oras at lahat ng iba pang tuntunin ng IHSS para sa pagtukoy ng iyong pangangailangan para sa IHSS. Tatalakayin ang paghahati-hati at mga alternatibong pinagkukunan nang mas detalyado sa ibaba.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa proseso ng Pagsusuri sa Bahay, tingnan ang publikasyon ng DRC, Gabay sa Bahay at Sariling Pagsusuri ng IHSS.

i. Abiso ng Aksyon ng IHSS

Ang iyong Abiso ng Aksyon (NOA) ng IHSS ay ang paraan kung paano ka binibigyan ng county ng impormasyon tungkol sa mga benepisyo mo sa IHSS. Kailangan ang iyong NOA ng IHSS para magkaroon ng impormasyon tungkol sa:

  • Gaano kadaming oras ang matatanggap mo para sa bawat gawain ng IHSS na kailangan mo ng tulong,
  • Petsa ng pagkakaroon ng bisa ng aksyon ng county,
  • Anong mga tuntunin ng IHSS ang pinagbatayan ng county para gawin ang desisyon nito, at
  • Impormasyon tungkol sa iyong karapatang tutulan ang desisyon ng county sa pamamagitan ng paghiling ng pagdinig.12

Papadalhan ka ng IHSS ng NOA ng IHSS na inaaprubahan o tinatanggihan ang iyong kahilingan para sa IHSS at sa tuwing may pagbabago sa iyong mga serbisyo sa IHSS. Kung babawasan o wawakasan ng NOA ng IHSS ang isang serbisyo sa IHSS, dapat ipadala ang NOA nang 10 araw na mas maaga bago ang petsa ng pagkakaroon ng bisa ng nilalayong pagwawakas o pagbabawas.13 Ang NOA ng Pag-apruba ng IHSS at NOA ng Pagbabago ay may listahan ng lahat ng serbisyo sa IHSS at kung gaano karaming oras ang maaari mong makuha para sa bawat gawain kada linggo at buwan. Kung walang nakalistang oras sa tabi ng serbisyo sa iyong NOA ng IHSS, hindi ka pinahintulutan ng oras para makakuha ng tulong sa serbisyo sa IHSS na iyon. Kung hindi ka sumasang-ayon, maaari kang humiling ng pagdinig. Dapat sabihin ng iyong NOA kung paano humiling ng pagdinig. Maaari mo ring bisitahin ang Dibisyon ng Mga Pagdinig ng Estado (State Hearings Division) ng Departamento ng Mga Panlipunang Serbisyo (Department of Social Services) ng California para sa higit pang impormasyon tungkol sa paghiling para sa isang pagdinig: https://www.cdss.ca.gov/hearing-requests. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga takdang petsa ng pagdinig at iba pang nauugnay na impormasyon, maaari mo ring suriin ang publikasyon ng DRC na Gabay sa Patas na Pagdinig ng IHSS: Paano Maghanda para sa Mga Pagtatapos o Mga Pagbabawas sa Mga Oras ng IHSS.

4. Paghahati-hati

Kapag naninirahan ang dalawa o higit pang tumatanggap ng IHSS sa parehong bahay at nangangailangan sila ng mga serbisyo sa IHSS, maaaring ipagsama o “paghati-hatiin” (i-prorate) ang kanilang mga oras. Halimbawa, kung maraming tao ang nakikinabang mula sa isang serbisyo ng IHSS o serbisyong pantahanan, ang oras na kailangan para ihanda ang serbisyo sa IHSS na iyon ay pantay na hinahati sa lahat ng nakikinabang, kasama ang mga hindi tumatanggap ng IHSS sa bahay. Babayaran lang ng IHSS ang bahagi mo ng serbisyo sa IHSS na natugunan nang katulad ng sa mga kasama sa bahay. Pinipigilan nito ang IHSS mula sa pagbabayad para sa mga gawain sa IHSS para sa mga taong hindi nakakatanggap ng IHSS.

Mga kategorya ng serbisyo na maaaring hati-hatiin:

  • Mga Serbisyong Pantahanan (maximum na 6 na oras)14
  • Paghahanda/Paglilinis ng Pagkain
  • Paglalaba (1 oras kada linggo)
  • Pamimili ng Pagkain (1 oras kada linggo)
  • Mga Lakarin (30 minuto kada linggo)
  • Masinsinang Paglilinis

Kung hindi magbibigay ang isang tagapag-alaga ng serbisyo sa sinumang bukod pa sa tagatanggap, hindi dapat ito hatiin.15 Kung mayroon kang live-in na provider, maaaring hindi pahintulutan ang mga serbisyong pantahanan para sa mga lugar na ginagamit lang ng iyong live-in na provider. Maaari lang hatiin ang mga kaugnay na serbisyo kung sumasang-ayon ka at ang iyong live-in na provider.16 Kinakalkula mo ang paghahati sa pamamagitan ng pagkuha ng “kabuuang pangangailangan” na natugunan nang pareho sa mga kasama sa bahay o mga miyembro ng pamilya / (na dini-divide sa) # (bilang) ng mga taong nakikinabang mula sa serbisyo = ito ay katumbas ng oras na kailangan mo para matanggap ang iyong bahagi ng serbisyo sa IHSS.

Halimbawa: Kung magkahiwalay na ginagawa ng magulang ang labada ng kanyang anak na lalaki mula sa apat na miyembro ng pamilya sa bahay dahil sa mga isyu sa tiyan at pantog, hindi nagbibigay ng pakinabang ang labada sa iba pang miyembro ng sambahayan. Dito, ang labada ng anak na lalaki ay hindi hinahati sa ibang apat na miyembro ng pamilya.

Halimbawa: Inaabot ang isang magulang nang 100 minuto para gawin ang lingguhang labada para sa pamilya na may 5 tao. Nilalabhan ng magulang ang mga damit ng tumatanggap ng IHSS kasama ang mga damit ng pamilya. Hahatiin mo ang 100 minuto para sa labada sa 5 tao sa sambahayan. Katumbas nito ang 20 minuto para sa paglalaba para sa tumatanggap ng IHSS. [100 minuto ÷ 5 tao = 20 minuto].

5. Mga Alternatibong Pinagkukunan

Alternative resources are free IHSS services you receive through other people or programs such as adult or child day care centers, adult day programs, community resource centers, senior centers, respite centers, or school.17 Regional Center services such as respite are not an alternative resource.18 IHSS will determine what IHSS services you get from alternative resources (for example, meal preparation and clean-up, feeding, and diaper changes from a day care program) and the time it takes for you to get those services. The time for IHSS tasks from an alternative resource will be deducted from your total assessed need. The amount of time left over is the time you get to receive services.

Kapag natukoy ang alternatibong pinagkukunan, kailangang kumuha ng county ng pinirmahang pahayag, Form ng Sertipikasyon ng Mga Boluntaryong Serbisyo (oluntary Services Certification Form, SOC 450), mula sa provider ng alternatibong pinagkukunan na tinutukoy na alam ng provider ang tungkol sa karapatang mabayaran pero pinipiling hindi tumanggap ng pagbabayad para sa mga serbisyo.19 Hindi maaaring bawasan ng county ang mga oras dahil sa isang alternatibong pinagkukunan hanggang sa makumpleto ang isang SOC 450 at nailagay sa file ng claimant ng IHSS. Kung tinukoy ng provider na gusto niyang makatanggap ng bayad para sa mga nababayarang serbisyo, dapat kaagad na ihinto ng county na ipakita ang mga serbisyo bilang mga bluntaryong serbisyo at dapat na itala ang provider bilang provider ng IHSS.20 Hindi rin maaaring hayaan ng IHSS na magbigay sa iyo ang pamilya, mga kaibigan, o iba pang tao at ahensya ng mga libreng serbisyo sa IHSS.21

Halimbawa: Naninirahan ka sa isang sambahayan kasama ng provider ng iyong IHSS. Naglilinis ang provider pagkatapos ng agahan at hapunan para sa inyong pareho. Pumupunta ka sa isang day care center para sa may sapat na gulang kung saan tumatanggap ka ng tulong sa paglilinis pagkatapos ng iyong tanghalian.

Hakbang 1 – Para sa paglilinis ng pagkain, may column na may label na “Kabuuang Dami ng Serbisyong Kailangan.” Dito, isasama ng Manggagawa ng IHSS ng County ang kabuuang dami ng oras na ginugol sa paglilinis pagkatapos ng agahan, tanghalian, at hapunan. Ito ang iyong kabuuang pangangailangan bago ilapat ang mga tuntunin sa paghahati at alternatibong pinagkukunan.

Hakbang 2 – Pagkatapos, ilalapat ng Manggagawa ng IHSS ng County ang mga tuntunin sa paghahati sa mga serbisyo sa paglilinis ng agahan at hapunan na nagbibigay ng pakinabang sa iyo at iyong provider. Ang dami ng oras para sa iyong kabuuang pangangailangan ay ibabawas sa column na “Mga Adjustment para sa Iba na Nakikibahagi sa Bahay (Paghahati).”

Hakbang 3 – Ilalagay ng Manggagawa ng IHSS ng County ang dami ng oras para sa pagtulong sa paglilinis ng pagkain na nakukuha mo mula sa iyong day care center para sa may sapat na gulang sa column na “Mga Serbisyong Tinanggihan Mo o Nakuha Mo Mula sa Iba”. Kinakatawan ng column na ito ang dami ng oras na babawasan ang “Kabuuang Dami ng Serbisyong Kailangan” dahil nakakakuha ka ng mga libreng serbisyo ng IHSS mula sa alternatibong pinagkukunan.

Hakbang 4 – Ilalagay ng Manggagawa sa IHSS ng County ang dami ng oras na maaari mong makuha para sa paglilinis sa column na “Pinahintulutang Dami ng Serbisyong Maaari Mong Makuha”. Ito ang dami ng oras na maaari mong makuha para sa paglilinis ng pagkain pagkatapos ilapat ang mga tuntunin sa paghahati at mga alternatibong pinagkukunan.

6. Paano Maging Kwalipikado Bilang May Matinding Kapansanan

Ang mga indibidwal sa CFCO, IPO, o IHSS-R program na nakakakuha ng pamprotektang pangangasiwa ay maaaring makatanggap ng hindi bababa sa 195 oras o 283 oras kada buwan depende sa kung sila ay “may matindi” o “walang matinding” kapansanan.

  • Kung kwalipikado ka bilang may matinding kapansanan at nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa, makakatanggap ka ng 283 buwanang oras ng IHSS.
  • Kung ikaw ay walang matinding kapansanan at nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa, makakatanggap ka ng hindi bababa sa 195 oras kada buwan.
  • Kung hindi ka kwalipikado para sa pamprotektang pangangasiwa, makakakuha ka lang ng 283 oras kada buwa kung kailangan mo ng hindi bababa sa 283 oras ng mga serbisyo sa IHSS, gaya ng mga serbisyo sa personal na pangangalaga, nauugnay, at iba pang serbisyo.

i. Sino ang May Matinding Kapansanan?

Para maging “may matinding kapansanan,” kailangang mayroon kang “kabuuang sinuring pangangailangan” na 20 o higit pang oras kada linggo sa:

  • Paghahanda ng Pagkain at Paglilinis ng Pagkain (kung kailangan ang pagpapakain)
  • Pagtulong sa Paghinga
  • Pangangalaga sa Bituka at Pantog
  • Pagpapakain
  • Palagiang Ginagawang Paliligo sa Higaan
  • Pagbibihis
  • Pangangalaga Hinggil sa Regla
  • Paglalakad
  • Paglilipat
  • Paliligo
  • Kalusugan ng Bibig
  • Paglilinis ng Katawan
  • Pagkuskos ng Balat
  • Pagpapalit ng Posisyon
  • Tulong sa Prosthesis (artificial na binti, Visual Hearing Aid), Pag-set Up ng Mga Gamot
  • Mga Serbisyong Paramediko

ii. Ano ang kasama sa “Kabuuang Sinuring Pangangailangan”?

Kasama sa iyong “kabuuang sinuring pangangailangan” ang pangangailangan mo para sa paghahanda ng pagkain, paglilinis ng pagkain (kapag kailangan ang pagpapakain), personal na pangangalaga, at mga serbisyong paramediko pagkatapos ilapat ang mga tuntunin sa paghahati at bago ilapat ang mga tuntunin sa alternatibong pinagkukunan22

iii. Paano Kalkulahin ang Iyong “Kabuuang Sinuring Pangangailangan”.

Para kalkulahin ang iyong “Kabuuang Sinuring Pangangailangan,” idagdag ang oras sa iyong Abiso ng Aksyon ng IHSS sa column na minarkahang “Kabuuang Dami ng Serbisyong Kailangan” para sa bawat isang nakalistang serbisyo sa itaas. Kung inilapat ang paghahati para sa paghahanda ng pagkain at paglilinis ng pagkain, isama ang hinating halaga. Kasama lang sa hinating oras para sa paghahanda ng pagkain at paglilinis ng pagkain ang oras na kailangan mo para sa mga serbisyong iyon. Ang resulta ay ang iyong “kabuuang sinuring pangangailangan.”

  • Kung ang iyong “Kabuuang Sinuring Pangangailangan” ay 20 oras o higit pa kada linggo, itinuturing kang may matinding kapansanan.
  • Kung ang iyong “Kabuuang Sinuring Pangangailangan” ay mas kaunti sa 20 oras kada linggo, itinuturing kang walang matinding kapansanan.

Halimbawa: Nakakakuha ka ng pamprotektang pangangasiwa at dumadalo ka sa day care center para sa may sapat na gulang sa linggo. Sa day care center para sa may sapat na gulang, makakatanggap ka ng tulong sa paghahanda ng pagkain at paglilinis ng pagkain para sa tanghalian. Ang tulong na nakukuha mo habang nasa day care center para sa may sapat na gulang ay isang alternatibong pinagkukunan. Sa iba pang oras ng araw at sa mga weekend habang nasa bahay ka, nakakatanggap ka ng tulong sa paghahanda at paglilinis ng pagkain. Sa bahay, inihahanda ng kapamilya ang pagkain para sa buong pamilya. Ang mga serbisyo sa paghahanda ng pagkain at paglilinis ng pagkain ay hinahati dahil kumakain ka ng pagkaing inihanda ng kapamilya para sa buong pamilya kapag nasa bahay ka.

Nabibilang ang oras na kailangan mo para sa paghahanda ng pagkain at paglilinis ng pagkain habang nasa day care center ka para sa may sapat na gulang at ang hinating oras na kailangan mo para sa mga pagkain sa bahay sa pagtukoy kung “May Matinding Kapansanan” ka o ikaw ay “Walang Matinding Kapansanan.”

7. Pagkalkula sa Mga Buwanang Oras

i. Pagkalkula sa Mga Buwanang Oras

Para kalkulahin ang buwanang oras sa IHSS na nakukuha mo sa isang buwan, idadagdag ng IHSS ang lahat ng oras na kailangan mo sa isang linggo maliban sa mga serbisyong pantahanan. Pagkatapos ay imu-multiply ng IHSS ang iyong mga lingguhang oras sa 4.33. Panghuli, idadagdag ng IHSS ang kabuuang oras na maaari mong makuha para sa mga serbisyong pantahanan. Para kalkulahin ang mga buwanang oras, dapat mong ma-convert ang mga oras at minuto sa mga decimal at pabalik sa mga oras at minuto. May chart sa pag-convert ng oras sa dulo ng dokumentong ito.

Inililista ng iyong Abiso ng Aksyon ng IHSS ang mga lingguhang oras sa format na Mga Oras (Hours) at Mga Minuto (HH:MM). Narito ang mga halimbawa ng kung paano nakalista ang iyong mga lingguhang oras at minuto sa iyong Abiso ng Aksyon ng IHSS.

Ang 00:01 ay 1 minuto

Ang 00:02 ay 2 minuto

Ang 01:43 ay 1 oras at 43 minuto

Ang 04:05 ay 4 na oras at 5 minuto

Ang 168:00 ay 168 oras

ii. Pag-convert ng Oras mula sa Mga Oras hanggang Mga Minuto sa Decimal na Format

Para i-convert ang iyong mga lingguhang oras at minuto sa IHSS para gawing mga buwanang oras, dapat mong i-multiply ang dami ng oras na kailangan mo sa 4.33. Nangangahulugan ito na kakailanganin mong i-convert ang iyong mga lingguhang oras sa mga decimal sa pamamagitan ng pag-divide sa bilang ng mga minuto sa 60.

Paano i-convert ang mga minuto para maging mga decimal:

3 minuto ÷ 60 =.05

30 minuto ÷ 60 =.50

42 minuto ÷ 60 =.70

45 minuto ÷ 60 =.75

Paano i-convert ang oras mula sa mga decimal para maging mga minuto:

.05 x 60 = 3 minuto

.50 x 60 = 30 minuto

.70 x 60 = 42 minuto

.75 x 60 = 45 minuto

Narito ang isang halimbawa batay sa isang indibidwal na nangangailangan ng 63:58 kada linggo ng IHSS:

Hakbang 1: Idagdag ang Mga Lingguhang Oras

Mga Serbisyo sa IHSS Pinahintulutang Oras sa Mga Oras at Minuto (HH:MM)
Mga Serbisyong Pantahanan (kada buwan) 6:00
Maghanda ng Mga Pagkain 7:00
Paglilinis ng Pagkain 2:20
Rutinang Paglalaba 1:00
Pamimili para sa Pagkain 1:00
Iba pang Pamimili/Lakarin 0:30
Pangangalaga sa Bituka at Pantog 4:13
Pagbibihis 1:55
Paglalakad 2:38
Paglilipat 1:43
Paliligo, Pangangalaga sa Kalusugan ng Bibig, Pag-aayos 4:05
Pagkuskos ng Balat, Pagpapalit ng Posisyon 1:47
Pagsama sa Mga Medikal na Appointment 0:03
Mapagtanggol na Pangangasiwa 34:35
Kabuuang Lingguhang Oras 63:58 (hindi kasama ang Mga Serbisyong Pantahanan)

Hakbang 2: I-multiply ang Mga Lingguhang Oras ng IHSS sa 4.33

Dahil kailangan ng indibidwal na ito ng 63 oras at 58 minuto kada linggo ng mga serbisyo sa IHSS, dapat i-convert ang 58 minuto sa decimal. Para i-convert sa decimal, dapat mong kunin ang 58 minuto ÷ 60 =.9666 =.97 (ni-round up). Pagkatapos ay i-multiply ang 63.97 x 4.33 = 276.99 = 277 oras (ni-round up).

Hakbang 3: Idagdag ang Mga Buwanang Oras sa Mga Serbisyong Pantahanan

277 oras + 6 na oras ng Mga Serbisyong Pantahanan = 283. Makakatanggap ang indibidwal na ito ng 283 oras kada buwan sa mga serbisyo sa IHSS.

Naglalaman ang susunod na pahina ng chart sa pag-convertt ng oras na maaaring gusto mong gamitin para padaliin ang pag-convert ng mga numero.

8. Makipag-ugnayan sa DRC

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa mga oras sa IHSS mo o ng isang kapamilya, mangyaring makipag-ugnayan sa linya para sa intake ng Disability Rights California. Maaari mong tawagan ang aming linya para sa intake sa 1-800-776-5746, o para sa TTY, tumawag sa 1-800-719-5798, Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 a.m. hanggang 3:00 p.m., maliban tuwing Miyerkules kung kailan nakasara ang linya para sa intake.

Chart sa Pagconvert ng Oras (Mga Minuto patungo sa Mga Naka-decimal na Oras)
Minuto Mga Naka-decimal na Oras Minuto Mga Naka-decimal na Oras Minuto Mga Naka-decimal na Oras
1 .02 21 .35 41 .68
2 .03 22 .37 .42 .70
3 .05 23 .38 43 .72
4 .07 24 .40 44 .73
5 .08 25 .42 45 .75
6 .10 26 .43 46 .77
7 .12 27 .45 47 .78
8 .13 28 .47 48 .80
9 .15 29 .48 59 .82
10 .17 30 .50 50 .83
11 .18 31 .52 51 .85
12 .20 32 .53 52 .87
13 .22 33 .55 53 .88
14 .23 34 .57 54 .90
15 .25 35 .58 55 .92
16 .27 36 .60 56 .93
17 .28 37 .62 57 .95
18 .30 38 .63 58 .97
19 .32 39 .65 59 .98
20 .33 40 .67 60 1.00
120 2.00 180 3.00 240 4.00