Pagiging Karapat-dapat sa Maagang Simula

Pagiging Karapat-dapat sa Maagang Simula
Ang programa sa Maagang Simula ay naglilingkod sa mga sanggol at paslit na may kapansanan mula pagkasilang hanggang 36 na buwang gulang. Ang mga rehiyunal na sentro at distrito ng paaralan ay nagbibigay ng mga serbisyo sa maagang pamamagitan sa pamamagitan ng Maagang Simula hanggang sa ika-3 kaarawan.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Ang programa sa Maagang Simula ay naglilingkod sa mga sanggol at paslit na may kapansanan mula pagkasilang hanggang 36 na buwang gulang. Ang mga rehiyunal na sentro at distrito ng paaralan ay nagbibigay ng mga serbisyo sa maagang pamamagitan sa pamamagitan ng Maagang Simula hanggang sa ika-3 kaarawan.
Pagtatasa
Ang sinuman ay maaaring isangguni ang isang sanggol o paslit sa programa sa Maagang Simula sa rehiyunal na sentro o distrito ng paaralan. Lahat ng mga sanggol at paslit na pinaghihinalaang nangangailangan ng mga serbisyo sa maagang pamamagitan ay dapat kaagad na kumuha ng kumpletong pagsusuri at pagtatasa mula sa iba’t ibang larangan.
Pagiging Karapat-dapat
Ang mga sanggol at paslit ay karapat-dapat sa mga serbisyo sa Maagang Simula kung sila ay mayroong:
- Pagkaantala sa pag-unlad
- Naitatag na mga kondisyon sa panganib, o
- Mataas na panganib sa pagkakaroon ng kapansanan sa pag-unlad.
Ang pagkaantala sa pag-unlad ay nangangahulugan ng pagkakaiba sa pagitan ng inaasahang antas ng pag-unlad para sa edad ng iyong anak at kanilang kasalukuyang antas ng paggana. Sa Hunyo 30, 2022, nangangahulugan ito na ang 25% na pagkaantala sa isa o higit pa sa anim na larangan sa pag-unlad na ito:
- Nagbibigay-malay (Cognitive)
- Pisikal (kabilang ang pangkalahatan at pinong paggalaw, paningin, at pandinig)
- Komunikasyon sa pagpapahayag
- Komunikasyon sa pagtanggap
- Panlipunan o emosyunal, o
- Umaangkop.
Ang naitatag na mga kondisyon sa panganib ay mga kondisyon na may kilalang dahilan o naitatag na mapanganib na kinahihinatnan sa pag-unlad. Ang kondisyon na ito ay dapat sinuri ng isang propesyunal. Ito ay dapat pinakamalamang na humantong sa pagkaantala sa pag-unlad, kung hindi malinaw sa pagsusuri.
Ang mataas na panganib sa pagkakaroon ng makabuluhang kapansanan sa pag-unlad ay nangangahulugan ng kombinasyon (dalawa o higit pa) ng bio-medikal na mga salik sa panganib na tinukoy ng isang propesyunal. Kabilang dito ang:
- Napaagang panganganak o mababang timbang sa kapanganakan
- Mababang mga marka sa Apgar
- Neonatal na kombulsyon
- Prenatal na pagkalantad sa sangkap
- Aksidente o sakit na maaaring malubha o permanenteng makaaapekto sa kalalabasan ng pag-unlad ng bata, o
- Iba pang mga salik
Sa loob ng 45 araw ng pagsangguni, ang rehiyunal na sentro o distrito ng paaralan ay dapat gawin ang mga pagtatasa at makipagpulong upang talakayin ang pagiging karapat-dapat. Kung ang iyong anak ay karapat-dapat, kailangan din nilang bumuo ng mga serbisyo sa Indibiduwal na Plano ng Serbisyo sa Pamilya (IFSP, Individual Family Service Plan) sa loob ng 45 araw na iyon.
Nakasulat na Abiso Kung ang Iyong Anak ay Hindi Karapat-Dapat
Kung ikaw at ang rehiyunal na sentro o distrito ng paaralan ay hindi nagkasundo sa kung ang iyong sanggol o paslit ay karapat-dapat para sa mga serbisyo, dapat bibigyan ka nila ng abiso. Ang abiso ay dapat:
- Nasa katutubong wika ng iyong pamilya,
- Gumagamit ng mga salitang nauunawaan ng karamihan sa mga tao,
- Nagsasaad ng aksyon na iminumungkahi o tinatanggihan ng rehiyunal na sentro,
- Ang dahilan para sa aksyon,
- Naglalarawan ng pamamagitan, at
- Nagsasaad kung paano maghain ng reklamo sa estado, angkop na paraan sa pagreklamo, at nagbibigay ng anumang timeline.
Pamamagitan
Maaari kang humiling ng pamamagitan kung sinasabi ng rehiyunal na sentro o distrito ng paaralan na hindi karapat-dapat ang iyong anak o hindi ka sumasang-ayon sa pagtatasa. Ang Pagpupulong sa Pamamagitan sa Maagang Simula ay isang paraan upang hindi pormal na lutasin ang hindi pagkakasunduan. Maaari kang pumili na gawin ang pamamagitan o hindi. Maaari mong gawin ang pamamagitan bilang unang hakbang upang lutasin ang isyu. Maaari ka ring humiling ng pamamagitan sa panahon ng reklamo o angkop na paraan sa apela at proseso ng pagdinig, kung sa tingin mo mas naaangkop ito. Maaari kang magsama ng isang tao upang tumulong sa iyo sa pamamagitan. Anumang itatalakay mo sa pamamagitan upang subukang lutasin ang isyu ay kumpidensyal at hindi maaaring gamitin bilang katibayan sa pagdinig sa angkop na paraan.
Pumunta sa Pamamagitan sa Maagang Simula na pahina para sa karagdagang impormasyon. Makikita mo ang form sa kahilingan sa pamamagitan sa Ingles at Espanyol, at kung saan ito ipapadala.
Pagdinig sa Angkop na Paraan
Maaari kang humiling ng Pagdinig sa Angkop na Paraan sa Maagang Simula kung sinasabi ng rehiyunal na sentro o distrito ng paaralan na hindi karapat-dapat ang iyong anak o hindi ka sumasang-ayon sa pagtatasa. Ang pagdinig ay mas pormal kaysa sa pamamagitan, at isang hukom ang gagawa ng panghuling pasya.
Pumunta sa Angkop na Proseso sa Maagang Simula na pahina para sa karagdagang impormasyon. Makikita mo ang form sa kahilingan sa angkop na paraan sa Ingles at Espanyol, at kung saan ito ipapadala.
Upang maging handa para sa iyong pagdinig, mangalap ng impormasyon na nagpapakita na tumutugon ang iyong anak sa mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat. Tiyakin na ang impormasyon na iyong ginagamit ay wasto at detalyadong nagpapaliwanag ng mga pangangailangan ng iyong anak. Dagdag pa, maghanap ng mga taong handang pumunta sa iyong pagdinig at magsabi sa hukom kung paano naging kwalipikado ang iyong anak.
Sa panahon ng proseso ng pagdinig sa Maagang Simula, mayroon kang karapatan sa:
- Pagiging kumpidensyal,
- Tingnan ang iyong mga talaan at ihinto ang paggamit ng alinman sa mga talaan na hindi mo nakita nang 5 araw bago ang pagdinig,
- Dumalo at magbigay ng katibayan sa pamamagitan ng pagsabi o pagsulat,
- Magkaroon ng pamilya, mga kaibigan, mga terapruta, o mga doktor na tumestigo,
- Gumamit ng abogado o tagapagtaguyod,
- Magkaroon ng tagapagsalin kung ang iyong pangunahing wika ay hindi Ingles, at
- Makuha ang pasya 30 araw pagkatapos ng paghain para sa angkop na paraan.
Reklamo sa Estado
Kung sa paniniwala mo ang rehiyunal na sentro o distrito ng paaralan ay lumabag sa pang-estado o pederal na batas tungkol sa Maagang Simula, kabilang ang pagiging karapat-dapat, maaari kang maghain ng reklamo. Sinumang tao o organisasyon ay maaaring maghain ng reklamo. Dapat kang maghain ng reklamo sa loob ng isang taon ng paglabag. Kung humihiling ka ng pagbabalik ng bayad o aksyon sa pagwawasto, dapat ka ring maghain ng reklamo sa loob ng 3 taon ng paglabag.
Pumunta sa Reklamo sa Estado sa Maagang Simula na pahina para sa karagdagang impormasyon. Makikita mo ang form sa reklamo sa Ingles at Espanyol, at kung saan ito ipapadala. Iimbestigahan ng Kagawaran ng mga Serbisyo sa Pag-unlad ang iyong reklamo at magpapadala ng nakasulat na pasya sa loob ng 60 araw.
Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano makakuha ng mga serbisyo sa Maagang Simula, tumawag sa (800) 515-BABY (2229) o mag-email sa earlystart@dds.ca.gov.
Para sa impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa maagang pamamagitan at Indibiduwal na mga Plano sa Suporta sa Pamilya (IFSPs), mangyaring tingnan ang Mga Karapatan at Pananagutan sa Espesyal na Edukasyon Kapitulo 12 ng DRC.