Magplano para sa matagumpay na pagboto!
Magplano para sa matagumpay na pagboto!
Narito ang ilang mahahalagang bagay na pag-iisipan bago sa bawat eleksyon para makatulong na matiyak na mayroon kang matagumpay na karanasan sa pagboto. Maaari mong isulat ang sarili mong plano sa pagboto sa susunod na tatlong pahina. Maaari mong piliing ibahagi ang iyong plano sa iba na sinusuportahan ka, ngunit hindi mo kailangang ibahagi ito.
Disclaimer: Ang publication na ito ay legal na impormasyon lamang at hindi legal na payo tungkol sa iyong indibidwal na sitwasyon. Ito ay kasalukuyang sa petsa na nai-post. Sinusubukan naming i-update ang aming mga materyales nang regular. Gayunpaman, ang mga batas ay regular na nagbabago. Kung gusto mong matiyak na hindi nagbago ang batas, makipag-ugnayan sa DRC o ibang legal na opisina.
Narito ang ilang mahahalagang bagay na pag-iisipan bago sa bawat eleksyon para makatulong na matiyak na mayroon kang matagumpay na karanasan sa pagboto. Maaari mong isulat ang sarili mong plano sa pagboto sa susunod na tatlong pahina. Maaari mong piliing ibahagi ang iyong plano sa iba na sinusuportahan ka, ngunit hindi mo kailangang ibahagi ito.
Kung mayroon kang anumang katanungan, maaari mong kontakin ang tanggapan ng eleksyon g iyong county, o maaari mong tawagan ang Disability Rights California’s Voting Hotline sa: (888) 569-7955.
Pagpaparehistro ng botante: Dapat kang magparehistro para makaboto.
- Ikaw ba’y rehistrado para bumoto?
- Updated ba ang iyong pangalan at address sa iyong pagpaparehistro ng botante?
- Kung ikaw ay nasa isang pag-iingat (conservatorship), nag-utos ba ang korte na hindi ka pinapayagang bumoto?
Pagboto sa pamamagitan ng mail: Ime-mail ang mga balota sa lahat ng aktibong rehistradong botante.
- Gusto mo bang bumoto sa pamamagitan ng mail?
- Kaya mo bang magmarka at/o pangasiwaan ang isang papel na balota?
- Kailangan mo ba ang iyong materyales sa pagboto sa mga alterntibong pormat?
- Kung gusto mong gumamit ng sistema na remote accessible vote-by-mail (RAVBM) bilang panghalili, mayroon ka ba ng teknolohiya na kailangan mo?
- Kaya mo bang lagdaan ang iyong pangalan? Kung hindi, alam mo ba ang iyong mga opsyon?
- Kaya mo bang ibalik ang iyong minarkahang balota nang nasa oras sa pamamagitan ng mail, sa isang drop box ng balota, o nang personal sa isang lokasyon ng botohan?
- Kailangan mo ba ng tulong sa anumang gawaing nauugnay sa pagboto? Kung oo, sino ang tutulong sa iyo, paano at kung kailan? Mayroon ka bang backup na plano?
Pagboto nang personal: Bagamang ime-mail ang mga balota, maaari ka pa ring bumoto nang personal.
- Kailangan (o mas gusto) mo bang bumoto nang personal?
- Ano ang address ng lokasyon ng botohan na gagamitin mo?
- Anong (mga) araw at oras bukas ang lokasyon ng botohan na iyon?
- May paraan ka ba para makapunta sa lokasyon ng botohan?
- Alam mo ba ang tungkol sa mga opsyon ng accesible na pagboto na available doon?
- Kailangan mo ba ng tulong sa anumang gawaing nauugnay sa pagboto? Kung oo, mayroong isa o dalawang tao na gusto mong hilingan na sumama sa iyo sa lokasyon ng botohan? Available ba sila?
I-download ang Plano sa Pagboto dito
Mangyaring Tandaan: Upang ma-access ang mga naa-access na feature ng PDF mangyaring buksan ang dokumento sa Adobe Acrobat.